kwan. ano. yon. yeh!

BUSY

Sunday, July 31, 2011

Katulad nang sinabi sa pamagat, ako ay busy. Pasensya pero abala lang sa ginagawa kong komiks kaya hindi makapag-post. Kita-kits na lang…

 

 

…sa bagong blog site ko. :) Soon…

 

Posted by andoyman at 10:20 am | permalink | Add comment

Hindi ‘to isang tribute para kay Rizal

Sunday, June 19, 2011

“So, anong gagawin natin?”

Gusut-gusot ang utak ng tatlong estudyanteng nasa loob ng klasrum at kanina pa namomroblema sa proyektong ipinapagawa ng kanilang professor sa RIZLIFE. Hindi nila malaman kung ano ang gagawin nilang tribute para sa ika-150 na kaarawan ni Gat Jose Rizal—kung hindi sila makagagawa, malaking porsyento sa asignatura ang ibabagsak nila.

“May naisip na ba kayo?” tanong ng naka-salaming lalake, si Jose, kulot ang maiksing buhok, payat, may nunal sa noo, at hawak ang Rizal Without Overcoat ni Ambeth Ocampo sa kanang kamay. Hinahanapan niya ng sagot ang dalawa niyang kasama—parehong lukot ang noo, nakatulala ang isa sa labas ng bintana habang nakapako sa kisame ang mga mata ng isa.

Nag-ayos ng upo ang kaninang nakatunganga sa kisameng si Dan at tinignan ang nag-uusisa. “Ikaw ang matalino sa atin kaya dapat may mas naisip ka na.”

Nagpigil ang medyo napikong estudyante, inayos niya ang kanyang salamin bago nagsalita. “Hindi naman porke’t ako ang matalino e hindi na kayo mag-iisip. Aba, dapat tayong tatlo ang nag-iisip dito, ‘no, hindi lang ako. Tandaan niyo, group project ‘to kaya dapat—”

“Just shut up,” biglang natigil si Jose sa pagsasalita, “Mas mahihirapan tayong mag-isip kung magtatalo-talo pa tayo. Hay… Tang-ina naman kasing professor ‘yan. Ano ba naman kasing subject ‘yan? Kelangan ba talaga natin ‘yan? Ni hindi ko naman ‘yan magagamit pag-graduate, eh,” bulalas ni Leigh na kanina pang napipika sa dalawa at sa pinoproblema nilang proyekto.

“Wala tayong magagawa. Kelangan talaga natin ‘to para pumasa,” pangatwiran ni Dan, nakaunan sa kanyang ulo ang kanyang mga kamay, nag-iisip pero walang iniisip—naghihintay lang matapos ang kanilang meeting.

Sumagot si Leigh: “Nag-computer engineer ako kasi gusto kong maging engineer. And, I don’t really think this subject will have any relevance to my course. It’s just bullshit. Heard that? Bullshit. Kung hindi lang talaga kelangan ‘to para pumasa. Hay buhay…”

“Wala nga tayong magagawa. Hay naku, tang-inang buhay ‘to. Anhirap mag-isip!” Bugnot na sagot ni Dan sabay kamot sa ulo saka muling tumulala sa kisame bago pumikit ngunit agad ding tumayo at kinuha ang cellphone sa bulsa at tinignan ang oras—kaunti na lang, matatapos na rin ang meeting, sabi niya sa kanyang sarili. “Ano? May naisip na ba kayo?” muli niyang tanong sa dalawang kasama.

“Wala. Eh ikaw ba? Kanina ka pa puro reklamo d’yan, di ka naman yata nag-iisip,” sagot ni Leigh. Matalim ang tingin niya sa kaklase ngunit wala ring naisagot si Dan bukod sa “Sira, nag-iisip kaya ako.”

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-iisip, biglang nagtanong si Jose: “Kailangan pa ba talaga ng tribute para kay Rizal? Kasi, naisip ko lang, para saan pa ang pagbibigay-pugay sa kanya, ang bawat event na iti-tribute para sa kanya kung sa mga ginawa niya eh hindi naman natin nabigyan ng kaukulang pagpapahalaga? Kung sa bawat pagmamahal para sa bayan na ibinuhos niya eh wala man lang tayong makuha kahit kaunti? Kung sa bawat aksyong ginawa niya para sa bayan eh wala man lang tayong magagaya? Para saan pa, di ba? Parang wala ring kwenta. Parang, isa na lang siyang dekorasyon sa kalendaryo, isang palamuti sa kasaysayan ng Pilipinas, isang mukha sa piso, isang pangalang hindi nabibigyan ng pagpapahalaga, isang taong pagkatapos ng mga isinakripisyo niya eh wala man lang Pilipino ngayon ang makuhang ipagpatuloy ang pagmamahal na ibinigay niya. Nakakaasar lang. Nakakapikong isiping isa na lang siyang kasangkapan para sa komersyo, para kumita ng pera, para pagperyahan at pagkaguluhan at pagkatapos ng lahat ng pagdiriwang at mga pakulo, muli siyang kalilimutan ng lahat, kasama ang lahat ng bagay na ginawa niya, lahat ng kanyang mga ipinamana.”

Isang malungkot na katahimikan ang biglang sumampal sa kanilang mga sarili pagkatapos marinig ang lahat ng sinabi ni Jose. Lahat sila, nalugmok sa katotohanang isinigaw ng mga salitang gumuhit sa hangin sa loob ng klasrum. Sa loob ng ilang minuto, walang umimik sa kanila; lahat, malalim na nag-isip at binulay ang kanilang mga narinig.

“Kawawa naman si Rizal,” mahinang sambit ni Dan na ngayo’y nakayuko at malungkot.

“Kawawa ang mga Pilipino,” tugon ni Leigh habang nakatingin sa labas ng bintana, tanaw ang madungis na siyudad. Sumagi sa kanyang isipan kung may halaga pa ba sa bawat naghihirap na Pilipino ang mga nagawa ni Rizal.

“’Lang’ya. Hanggang sa mga t-shirt na lang ‘yung pagiging makabayan ng mga Pilipino, eh. Sigaw nang sigaw ng “Filipino Pride” blah blah pero hanggang doon lang naman tayo. Pa-pride-pride pa wala rin namang nagagawang mabuti ‘yang pride na ‘yan. Naiinis tuloy ako.”

“Hay…Ano, sa tingin niyo, ang dapat nating gawin?” usisa ni Jose. Nilakad niya ang kanyang mga mata sa dalawang kasama.

Marahang lumingon si Leigh sa nagtanong, “Gawin saan? Sa project natin sa RIZLIFE o sa mga nagawa ni Rizal?”

“Ahm…” nag-isip si Jose at bumuntung-hininga bago sumagot, “pareho.”

“Anhirap naman. Wala pa nga akong naiisip, eh.” Sabay kamot sa ulo si Dan.

“Eh kanina ka pa walang naiisip, tukmol.”

“Grabe ka naman, Leigh. Nag-iisip naman talaga ako. Wala lang talaga ako makulangot sa utak ko.”

“Ewan.”

“Sa tingin niyo, makabayan pa rin ba tayong mga Pilipino? Hanggang saan ang pagmamahal natin sa bayan? Mahal ba talaga natin ang Pilipinas?” muling tanong ni Jose.

Sumagot si Dan, “Sa tingin ko, oo pa rin naman. Kaso, naghihirap ang karamihan sa atin kaya ‘yang mga ganyan eh wala sa prayoridad ng nakararami.”

“So, kung mayaman ang lahat ng Pilipino eh magiging prayoridad na natin ang pagmamahal sa bayan?” sabat ni Leigh.

“Sa tingin ko, hindi pa rin. Kung mahal kasi talaga natin ang ating bansa, mahirap man tayo o mayaman, gumagawa pa rin tayo ng mga paraan para maipakita ito kahit sa maliliit na paraan araw-araw. Nasa isip at puso naman talaga ang pagiging makabayan; hindi ito nakukuha tulad sa mga masyadong papansin na advertisement. Pero, ito ang riyalidad, mas kailangan ng mga Pilipino ngayon ang pera. Kaya nga usung-uso ang mga makabayan na damit, mugs, bags, sumbrero, kahit hindi naman talaga kailangan ng mga gano’n. At kapag nalaos na ito, wala na ring silbi.” Saglit na uminom ng tubig si Jose saka naman nagsalita si Leigh.

“Tanong lang: Kailangan pa ba talagang magkaroon ng okasyon para maging patriotic ang isang tao? Kailangan pa bang mag-birthday ng ilang daang taon si Rizal para ipakita kung gaano ka ka-proud sa lahi mo? Kailangan pa bang maging maugong ang isang bagay o tao o pangyayari bago natin pagkainteresan? Ambabaw nating lahat. Kahit ang pagiging makabayan natin eh napakababaw.”

“Hahaha. Oo nga, eh. Halimbawa, nanalo na naman si Pacquiao, ganito tayo, eh: “Congratulations Manny Pacquiao! I’m proud to be a Filipino!” Hahahaha!” pang-uyam ni Dan.

“Hay…Nalulungkot lang ako sa usapan nating ito. Siguro tama na muna ‘to para sa ngayon. Umuwi na tayo’t gumagabi na. Mag-isip na lang tayo ng ipa-project natin. Text-text na lang.” Kinuha ni Jose ang kanyang bag at isinukbit sa kanyang balikat. Tumayo na silang tatlo at palabas na ng klasrum nang bigla kang dumating  – hingal na hingal at nagmamadaling binuksan ang pintuan.

“P-pasensya kung na-late ako. K-kumusta pala ang meeting natin?” habol-habol ang hininga mo sa pagod. Pareho silang nagulat sa’yo at batid mong gusto nilang itanong kung saan ka nanggaling ngunit alam na rin nila kung bakit ka nahuli. “A-ano’ng nangyari?”

“Late ka na naman kasi, eh. Lagi ka na lang ganyan,” naiinis na sagot ni Dan.

“Pa’no ‘yan eh pauwi na kami? Wala pa nga kaming naiisip para sa project, eh, tapos male-late ka pa,” pikon na sagot ni Leigh at tumutusok ang kanyang mga mata sa’yo. Tumingin ka sa inyong lider na si Jose at humingi ka ng paumanhin at nagprisintang bigyan ka na lang ng gagawin upang mapunan mo naman ang iyong mga kakulangan sa grupo. Agad siyang kumuha ng papel at nagsulat at saka niya ito ibinigay sa’yo upang sagutan. Nagsabi siyang kailangan niya ang sagot kinabukasan. Um-oo ka naman agad. Umalis na muna silang tatlo bago mo nabasa ang nasa papel.

Mag-isa ka na lang ngayon sa loob ng klasrum. Madilim na sa labas. Sabik ka na ring umuwi. Tumutulo ang iyong pawis sa hawak mong papel. Saka mo binasa ang nakasulat: “Mahal mo ba talaga ang Pilipinas? Paano mo ito mapapatunayan?”

“Paano nga ba?” tanong mo sa iyong sarili.

Posted by andoyman at 12:26 am | permalink | comments[5]

Si Balong :)

Friday, June 17, 2011

Maraming salamat sa lahat ng bumati sa aking kaarawan noong Miyerkules, Hunyo 15. 

Isa sa magandang natanggap kong regalo eh galing sa pinakamamahal kong inaanak — si Balong(Gabriel ang tunay na pangalan). Binibiro ko lang siya ilang araw bago ang kaarawan ko kung may regalo ba siya sa akin. Sabi niya, wala. Kaya laking gulat ko sa natanggap kong regalo mula sa kanya.

Pagkauwi ko galing trabaho, kaming dalawa lang ni Daddy ang nasa bahay. Kumuha ako ng spaghetti nang kantahan ako ng tatay ko. Pagkatapos, saka niya sinabing galing ‘yon sa inaanak ko. Ang kwento eh ganito:

Nagpunta noong hapon si Balong para isauli ang pinggan namin. Pagkatapos, hinanap niya ako kaso wala. Tumayo siya sa gitna ng sala at kumanta ng “Happy Birthday.” At sinabi niya kay Daddy na ikanta niya iyon sa akin pagdating ko.

Grabe. Nalusaw ang puso ko sa ginawa niya. Hahahaha. Ansarap sa puso. Angaan sa pakiramdam. Oh yeah! Maraming salamat sa malambing kong inaanak na si Balong! :D

Posted by andoyman at 10:42 pm | permalink | comments[1]

11:34 PM

Sunday, June 12, 2011

Di mo ‘to kailangan pero gusto ko sabihing natutuwa ako sa progreso ng pinagkakaabalahan ko ngayon kahit nauubos ang utak ko kaiisip nito. Masaya sa pakiramdam lalo’t nakakatuwa ang bawat panahon iginugugol ko rito.

Busy ako kahit pagkatapos ng trabaho. Gayunpaman, nababagalan pa rin ako sa ginagawa ko pero alam ko rin na hindi dapat madaliin at batid ko rin na may deadline pa rin akong hinahabol.

Masarap talaga ang isang bagay kapag mula sa buong puso mo itong ginagawa. Basta masaya ako, mahirap ipaliwanag eh.

Basta para akong buhay na buhay.

:D

Posted by andoyman at 11:33 pm | permalink | comments[4]

Kowts

Sunday, May 22, 2011

Di dahil maputi ang babae eh maganda na.

-andoyman

Posted by andoyman at 8:13 pm | permalink | comments[3]

Kowts

Minsan, isang tao lang ang mawala sa’yo, parang gunaw na ang mundo mo.

-andoyman

(tribute ko para sa nagsabing katapusan na ng mundo kahapon, May 21)

Posted by andoyman at 1:34 pm | permalink | Add comment

Alam mo ang pakiramdam na…

Tuesday, May 3, 2011

Alam mo ang pakiramdam na siya ang taong mahal mo? ‘La lang. Hehe. Ansarap-sarap kasi ng ganoong pakiramdam. :D

Posted by andoyman at 11:30 pm | permalink | comments[1]

Unang beses kong makapasok sa Red Box kanina

Sunday, May 1, 2011

Hiatus ako ngayon sa pagba-blog?

Hindi naman. Pero sa tingin ko, mas dadalang lang ang pagpo-post ko. (Hmm, at saka mukhang nitong mga nagdaang buwan din, di ba?) Kasalukuyan kasi akong abala sa pagbuo ng bago kong komiks. Gusto kong lubos itong paghandaan. Ayaw kong biguin ang sarili ko. Pangarap ko ‘to kaya mas mahalaga kaysa sa pagba-blog.

Gayunpaman…

…magkukuwento pa rin naman ako ng mga kawirduhan, kalokohan, kakornihan ko. Pero mukhang ayos kung hindi na ‘no para di ka ma-badtrip? Haha. Itutuloy ko pa rin yung He and She(sa totoo nga, tinatapos ko na yung kasunod na kabanata). Magpo-post pa rin naman ako pero baka isa o dalawang post na lang sa isang buwan.

Ganoon talaga. Kailangang may isakripisyo ako dahil hindi naman quad-core ang utak ko para magawa ang samu’t saring bagay na gusto kong gawin. Mabuti sana kung kaya kong mag-Kagebunshin tulad kay Naruto pero di talaga uubra. Mahirap hatiin ang iba’t ibang bagay sa iisang katawang mayroon ako. (Bigla kong naalala ang kantang “Sana…dalawa ang puso ko…)

Sa totoo lang, gusto ko ring makapag-workshop sa pagsusulat, paggigitara, matuto ng skateboard at mga tricks nito, magbasa ng maraming aklat, maki-update sa kasalukuyang nangyayari sa bansa at sa mundo,  magpunta sa kung saan-saan, manood ng sine, at maka-date ang lahat ng magagandang artista pero hindi ko talaga kaya.

At saka, ika nga ni Bo Sanchez, “‎Life isn’t about trying to be an expert in everything. It’s about being an expert in one thing and offering it to the world.”

Kaya ayun, “Wish me luck” na lang. Kaya ko to! :D

Posted by andoyman at 8:42 pm | permalink | Add comment

Ang Galing-galing ng Summer Komikon (Abril 16, 2011)

Thursday, April 21, 2011

Guhit ni Kuya Omeng (hanapin niyo ako diyan. clue: katabi ko si trese hahaha)

Nagpa-print ako ng Darna Lives na gawa nina Sir Gerry Alanguilan at Sir Arnold Arre. May pirma yan ni Sir Gerry, yey!

Nagulat ako at ang kaibigan ko, pati mga tao sa loob ng Bayanihan Center nang dumating si Gab ng Parokya ni Edgar. Cool!

Isang magandang cosplayer ang nakitang umaaligid sa venue. Hinahanap niya yata ako, ang kanyang soulmate. Hahaha.

Mahilig sa ambush na shot ‘tong kaibigan ko kaya nang makasabay niya si Manix Abrera sa banyo, ayun, nagpa-picture siya. Hehe.

At nandoon si Ms. Angel Rivero. Anganda~~~

At si Mr. Stanley Chi, ang hari ng mga Suplado, nandoon din. Naks! Hehe.

Salamat kina Ate at Kuya na nagbabantay dahil pumayag silang magpa-picture kaming magkaibigan sa poster nila…at binigyan pa kami ng kanilang (gamit na) poster. Ty po. Note: May pirma ni Manix Abrera ang t-shirt na suot ko. Astig!

Haha. Yey! May Komikon Canvass bag ako dahil nakapasok ako sa unang 200 na bumili ng ticket. At hulaan mo kung pang-ilan ang ticket # ko…number 2!

At siyempre, kelangan ng souvenir picture. Yeah.

Eto naman ang mga nabili kong komiks nitong Summer Komikon. Andami!!!

Tungkol naman sa komiks ko, ayos lang naman. Medyo disappointed lang ako sa sarili ko dahil hindi ko nagawang makapaglabas ng bagong komiks dahil sa mañana habit ko. Pagkatapos, dumating pa ako nang hindi handa, nagka-cramming ako. Ang galing-galing ko talaga. Noong lunch, matindi ang tanghaling tapat, naligaw pa ako pagkatapos magpa-print ng Sales Tally Sheet na nalimutan kong ipa-print bago ang mismong event. Kalahating minuto rin yata akong nasa kalsada, at sa oras na iyon, dalawang beses pa akong naligaw pabalik sa venue. Ang galing-galing ko talaga. Nalimutan ko pang magdala ng komiks na ipapapirma sa mga iniidolo ko. Ang galing-galing ko talaga.

Pero sa lahat-lahat, ang galing-galing talaga ng komikon. Grabe. Wala na akong ibang masasabi pa, anganda ng venue, anganda ng experience, angaganda ng mga babae at maraming komiks, maraming artist, maraming tao. Ang galing-galing talaga ng Komikon. The best!

Maraming salamat ulit sa Komikon at sa mga bumubuo nito, ganoon din sa mga kapwa komikero, at mga taong dumaan, tumangkilik at bumili ng aking komiks. Mabuhay ang Pinoy Komiks! :D

Bilang panghuli, namigay nga pala ako ng flyers doon sa tulong ng kaibigan ko. Ito ang flyer/teaser para sa susunod kong komiks.

Kita-kits ulit tayong lahat!!!

Posted by andoyman at 11:50 am | permalink | comments[2]

Chupachoops

Sunday, April 10, 2011

Habang medyo nagse-senti ako kahapon, biglang nakita ko si Chupa choops sa Sm North.

Ang mga twist nga naman ng buhay
Biglang lilitaw sayo’t magha-’Hi’
Pero nawala kahit papa’no aking lumbay
Nang makita kong si Chupa choops na kumakaway.

(Mabuti’t na-picture-an ko bago pa lumapit yung mga batang mapapakuha ng litrato sa kanya. Hehe.)

Posted by andoyman at 10:52 am | permalink | Add comment

Sunken Garden

Saturday, April 9, 2011

Abril 9, 2011

5:47 ng hapon. Sa tapat ng College of Law

Ito ang gusto ko rito sa Sunken Garden: payapa, tahimik pero maririnig mo ang mga tawanan ng mga tao, napapanood mo ang mga taong naglalaro ng badminton, soccer, agawang-bola, frisbee, pati mga nag-e-ensayo para sa drama o teatro, o kahit simpleng proyekto sa paaralan. Malumanay ang paligid, at talagang nakaka-relax ang magagandang luntiang puno at damo habang kahati ng mga ito ang malawak na himpapawid na magsasabi sa iyong mas masarap silang tignan kaysa magsulat.

Katatapos ko lang magpa-print ng 50 kopya ng komiks ko. Yung Foodcourt ulit, di na kasi aabot yung isa pang istorya. At baka i-post ko na lang online iyon.

Salamat sa Diyos at hindi umulan ngayon. Salamat at may liwanag pa rin.

Ang mga pangyayaring biglang sumambulat sa akin nitong mga nagdaang araw at nagpaliko sa aking sarili sanhi para maligaw at mawala ako sa aking buhay ang dahilan kaya gusto ko munang makaramdam ng pag-iisa sa isang payapang santuwaryo tulad dito.

Journal entry ko ito at kanina ko lang isinulat habang nakaupo sa damuhan ng pamosong Sunken Garden sa UP. Totoong mas masarap panoorin ang mga tao sa paligid at ang kagandahan ng tanawin kaysa magsulat. Kailangan ko lang talaga mailabas ang nasa loob ko habang nasa isang magandang lugar.

Minsan nang pumunta ako rito, balak ko sanang mag-isip ng ideas pero hindi ko rin nagawa dahil mas naaliw ako sa eksenang napapanood ng aking mga mata: maaliwalas at pang-General Patronage.

Isa ito sa mga simpleng kaligayahan ko: ang makakita ng mga taong masasaya’t nagtatawanan, magandang tanawin at kalangitan, mahinhing hangin, at payapang kapaligiran. Pati puso ko, napapayapa kapag nasa ganitong eksena ako.

At kapag nandito rin ako, pakiramdam ko, nakakapag-meditate ako. O di kaya, self-reflection. O kahit matulog. Kanina, may nakita pa akong nag-picnic doon.

May freedom park sa campus namin pero mas gusto ko talaga ang sunken garden dahil malawak at malaki. Kapag nandoon ako, pakiramdam ko, malayo ako sa magulong mundo. Saka dahil malaki nga, malaki rin ang espasyo ng bawat tao roon kaya makakapag-kanya-kanya talaga. May libre pang entertainment ka pang mapapanood tulad ng sports(halimbawa: soccer, frisbee) o mga estudyanteng nagda-drama-drama sa gilid o mga nag-e-ensayo ng cheer dance.

Dito rin ang lugar kung saan masarap magkwentuhan ang magkakabarkada. Tapos kapag nagutom, may mga nagtitinda naman ng fishballs, kikiam(favorite!), pancit canton, atbp. kaya hindi ka magugutom. (Hindi ko pa nga lang alam kung saan ang palikuran doon)

Masarap din sigurong mag-family bonding sa sunken garden kasi makakapaglaro pa kayo. Bukod pa roon, pwede ring mag-jogging o mag-bisikleta. 

Kung trip niyong magkasintahang tumambay, pwedeng-pwede rin dito. Marami rin akong nakikitang mag-asawa’t magkakasintahang dito nagsasayang ng kanilang mga oras. Basta huwag lang kayong hahantong sa sobrang ka-sweet-an at malimutan na nasa lugar kayo ng may mga tao at baka magpapagulong-gulong kayo sa damuhan ng di niyo nalalaman.

Sana, sa susunod, kasama ko na pamilya ko rito tapos magjo-jogging din kami. Sana, sa susunod din, kasama ko mga kaibigan ko rito at magkukwentuhan kami at maglalaro ng badminton o frisbee o magbabalik sa pagkabata’t maglalaro naman ng luksong baka, moro-moro, mataya-taya o Tom Sawyer. At sana, sa susunod, kasama ko namang tatambay rito ang babaeng mahal ko at buong araw na sasayangin ang oras sa isa’t isa habang nagsusubuan ng fishball at kikiam.

Posted by andoyman at 11:17 pm | permalink | comments[1]

Naks!

Wednesday, April 6, 2011

Naks! Sosyal ng kapatid ko dahil may touch screen na siyang smart phone. Bumili siya noong Sabado. Yung isa sa Cherry Mobile sana dahil pwedeng makapanood ng tv kaso wala silang nahanap kaya MyPhone na lang.

Nagtataka nga tatay namin dahil palaging hawak ng kapatid ko ang smart phone niya tapos ngingiti pa. Adik lang. Nakakapag-internet na rin siya. Tuwang-tuwa talaga siya sa kanyang nabili.

Ako naman, di ko balak bumili ng ganoong klaseng telepono. Ayaw ko dahil di ko naman kelangan ng touch screen o ng isang smart phone gaya sa kapatid ko o sa binebenta ni Manong Steve para makapag-text o makatawag ako. Hindi ko rin trip ang mag-facebook/twitter/surf ng net tuwing mababagot ako. Ayos na yung mga nakikita kong eksena sa kalye, sa bangketa, sa paligid, sa loob ng jeep o bus, o sa utak ko.

Hmm, di ba medyo ironic tignan na sa dami ng pwedeng gawin sa internet(at halos lahat yata ng gusto mong magawa sa tapat ng computer e magagawa mo) ay nakukuha pa rin ng tao na mabagot?

Kung sa una kong trabaho, umalis ako sa kumpanya ng mahigit dalawang libo ang laman ng aking pitaka, at ang huling apat na libo kong sahod e ibinigay ko lahat sa magulang ko. Ang dalawang libo naman ay ginamit ko para sa pag-produce ng komiks ko para sa Komikon noong huling taon. Kaya halos walang natira.

Natuto ako dahil doon. Dati kasi, bili ako nang bili. Magtatabi man ako pero gagamitin ko ulit. Ngayon, nag-iipon na talaga ako. Mga limandaan ang panggastos ko sa aking luho, limandaan para kina Mama at mahigit tatlong daan naman para sa pamasahe, load, merienda. Ang natira, itinatago ko. Bali ngayon, nag-iipon ako para sa Komikon. Magtitira ako para sa pag-iimpok ko. Pagkatapos ng Komikon, balak kong gumawa ng bank account. Tapos, lalakaring maitinda ang komiks ko sa mga shops. Bukod pa roon, balak kong mag-commission ng artworks sa deviantart.

Hindi ko alam kung papatok ang plano ko pero gusto kong subukan. Natuto na ako at dapat kong gamitin ang natutunan ko. Mahirap ngumuwa ng walang laman ang bulsa.

Sa mga balak ko namang bilhin, iisa-isahin ko naman ang mga librong gusto kong mabasa. Isa na diyan ang Sherlock Holmes na kahit may e-book ako e hindi ko pa natatapos dahil masakit sa mata ang pagbabasa sa monitor. Iba talaga kapag nasa aklat. At aba!, naglalaway kaya ako sa two book collection na nakikita ko sa NBS tuwing pupunta ako. Babasahin ko rin ang mga classic tulad ng kay Tom Sawyer, Huckleberry Finn, Peter Pan, at iba pa. Pati mga bago. Kahit children’s book. At siyempre, mga komiks.

Balak ko nga ring bumili ng skateboard. Naisip ko kasing pwede akong mag-skateboard mula sa sakayan ng tricycle hanggang sa pinagtatrabahuhan ko. Makakatipid pa ako ng P8.50 sa gano’n. Astig.

At higit sa lahat, balak kong magkaroon na ng sariling domain at website. *wink**fingers-crossed**wish to a wishing star*

Wish me luck, beybeh.

Posted by andoyman at 12:00 pm | permalink | Add comment

Kowts

Sunday, April 3, 2011
“Rise above your fears.”
 -andoyman
Posted by andoyman at 3:59 pm | permalink | Add comment

Bakit Bobo Ang Filipino Cartoons Version

Posted by andoyman at 12:52 pm | permalink | Add comment

Di Kita Mabigyan ng Pamagat

Minsan talaga nakakainis ka. Minsan nakakatuwa ka naman. Hindi ka nagbibigay ng tipong black and white na mga sitwasyon. Parating gray kaya mahirap kang intindihin. Walang formula para sa’yo. Mahirap kang spelling-in kahit simple ka lang. At marami ka ng napapaikot sa mahika mong hindi ko alam kung saan mo napulot o paano nagsimula.

Gusto ko sabihing ankulit-kulit talaga ng mukha mo!

May nakapagbigay na ba ng tamang kahulugan sa’yo? Yung tama talaga? Yung sasang-ayunan ng lahat kahit mikrobyo pa? Mukhang wala pa yata eh. Masyado kang malaki, kumbaga, sobrang laki talaga. O nagpapaka-deep ka lang?

Napakalakas ng mga trip mo minsan; madalas, mahirap sakyan. Di ko alam kung natutuwa ka sa mga trip mo para sa amin. Di ko alam kung ganyan ka lang ba talaga magbiro o nagpapansin ka lang o dinadaan mo lang talaga sa mga ganoong trip ang gusto mong sabihin. Minsan kasi talaga, sobrang foul na ng biro mo.

Pero sa tuwing may nag-aaway, nandoon ka pa ba? O kusa kang umaalis para di makasali sa gulo? Iniisip ko kasi, dapat sa mga ganoong panahon, dapat, mas nandoon ka, di ba? Eh ewan ko ba kung kami ang nakakalimot sa’yo o ikaw ang kumakalimot sa amin.

Nakakalito ka. Nakakahilo. Ansakit mo sa brain cells, DNA, at hanggang God particles pa.

Lalo mga twist mo. Hay naku. Di ko maarok! Sarap mong sapakin talaga minsan. Di ko alam kung sinasadya mo talaga ang mga twist mo para paluhain ang isang tao o isa na naman sa mga biro mong hindi naman talaga nakakatawa.

Adik ka ba? Nagdodroga ka ‘no? Pero madalas, ikaw ang droga ng karamihan.

Ginagawang mong bobo ang matalino, mahiyain ang kapalmuks, kaya mong sirain ang kumpiyansa, pahinain ang loob, pamukhaing tanga’t nakakatawa, laruin kami sa iyong mga kamay, paikot-ikotin parang trumpo, napapabali-baliktad mo ang isang tao, nagiging sunud-sunuran kami sa’yo, at hinahatak mo kami sa kung saan-saan.

Andaming mong mga di inaasahang sorpresa. Ayaw mo ng may inaasahan. Ayaw mo ng may plano. Gusto mo ikaw ang nagpaplano. Gusto mo biglaan. May mga nato-trauma sa’yo. Minsan ambait mo, minsan maldita ka.

Grabe ka kung manubok. Talagang gusto mong subukin ang tibay ng loob ng tao. Maraming bumibigay pero marami rin ang nakakapasa. Pagkatapos, bibigyan mo ulit ng pagsubok. Mas mahirap ka pa sa board exam. Mahirap maghanap ng makokopyahang sagot sa test mo kahit open book pa. Kahit pwedeng magtanong sa katabi, mahirap pa rin talagang sagutin mga bugtong mo.

Simple ka pero kayang mong maging kumplikado. Kung naging manunulat ka, panigurado, tatabo sa takilya mga kwento mo, magkakaroon ng napakaraming pelikula at magiging napakayaman mo. Pero ayaw mo, mas gusto mo totoo, hindi nababasa o napapanood. Andaming mong alam.

Pero kahit ganoon, kahit na maraming kang napapaluha, marami ka pa ring napapaliguan ng kasiyahan. Kahit napakahirap mong intindihin, nagagawa mong magkaunawaan ang magkakaiba, napagbabati mo ang magkakaaway, napagsasama mo ang hindi pwedeng ipagsama, napapasaya mo ang malulungkot, nabibigyan mo ng pag-asa ang nawalan ng pag-asa, napapangiti mo maraming tao. Kayang-kaya mong gawing napaka-espesyal ang isang normal na araw, o kabaliktaran niyon. At kayang-kaya mo ring gawing isa ang dalawa o pag-isahin ang lahat-lahat.

Pintor ka rin siguro ‘no? Angaling mo kasing magbigay-kulay. Dictionary ka rin, di ba? Hindi ka kayang bigyan ng kahulugan pero kaya mong magbigay ng kahulugan para sa isang tao. Bukod pa roon, napapakanta mo kami, napapasayaw, napapatawa, napapaluha sa tuwa, napapakilig, napapayakap, napapahalik, napapa-holding hands, nagbibigay ka ng buhay, ng sigla, ng saya, ng lungkot, andaming mong ginagawang baliw, andaming mong itinuturo na wala sa mga textbook kaya andami rin naming natututunan, andaming naliligaw sa mga pasikot-sikot mo pero para kang compass o North Star na palaging nagbibigay ng direksiyon.

Pero aminin mo, pusher ka rin ‘no? Ginagawa mo kasi kaming mga adik. Ikaw ang legal na droga. Ikaw ang kriminal na hindi mahuhuli kahit laging nandiyan ka lang. Ikaw ang nakakahawang virus na hindi kayang iwasan at walang ibang gamot  sa’yo kundi ikaw mismo.

Sige, ikaw na ang lahat-lahat. Ikaw na.

At, di ba, ikaw rin ‘to?

Turn polar bears white and I will make you cry.
I make guys have to pee and girls comb their hair.
I make celebrities look stupid and normal people look like celebrities.
I turn pancakes brown and make your champagne bubble.
If you squeeze me, I’ll pop. If you look at me, you’ll pop.
Can you guess the riddle?

Posted by andoyman at 8:58 am | permalink | comments[4]

Paano nga ba?

Sunday, March 27, 2011

Simple lang siya. At isa iyon na naka-attract sa akin. Aakalain mong tibo pero hindi, kumbaga, ganoon lang talaga siya kung kumilos/magsalita. 

Kung kakilala mo ako at kung sakaling makita mo siya, masasabing mong anlayo niya sa dreamgirl ko. Kaunti pa lang ang alam ko sa kanya. Pero sa tuwing titingin siya’t ngingiti sa akin, di ko mapigilang mas tagalan pa kaunti ang pagkakalapat ng aking mga mata sa kanya. 

Hindi ko pa siya gaano kakilala, pero, sa palagay ko, nahulog na nga ako sa kanya.

Minsan, napatanong ako sa sarili ko: Kailan ba ang tamang pagkakataon para manligaw? Gusto ko nga sanang magtanong sa ibang tao ngunit di katagalan, sinagot na rin ng sarili ko ang aking tanong. Kaso ang sagot e isang tanong din. Ang sabi:

Ang tanong ay hindi kung kelan ang tamang pagkakataon para manligaw kundi kung “kelan ako kikilos para manligaw.”

Ang problema, mukhang nagka-amnesia na ako kung paano ang manligaw. Parang, sa dinami-dami kasi ng kabiguang naranasan ko, kumapit na ang takot sa akin, at dahil sa takot na iyon, nabura na lahat ng panliligaw na ginawa ko noon.

Puro cheesy lines lang ang nasasabi ko kapag katabi ko siya. Hanggang doon lang. Tapos, wala na akong masabi. Nangingimi na ako.

Wala pa rin talagang kupas ang katorpehan ko. Roar.

[Insert song: Makapiling Ka by Spongecola]

Posted by andoyman at 10:09 am | permalink | Add comment

Ibon sa Himpapawid

Wednesday, March 23, 2011

Mga ilang araw palang ako noon sa kasalukuyang trabaho ko. Pasuko na ako dahil hindi ko makuha-kuha ang ginagawa ng isang graphic artist sa kumpanya. Pero salamat sa dalawa pang graphic artist doon, naunawaan ko na rin sa wakas at natapos ko ang pinapagawa sa akin.

Nang uwian, napatingin ako sa himpapawid habang papalakad papuntang tarangkahan.

Payapa. Tahimik. At masarap tignan ang langit, sabay ang pasasalamat ko dahil nagustuhan ko na rin ang trabaho kasi naiintindihan ko na. Iyon kasi ang punto na sukong-suko na ako.

Sa kalangitan nang tumingala ako noon, may nakita akong ibon na lumilipad pasalungat sa malakas na ihip ng hangin. Namangha ako at nabilib sa ibon dahil kahit makailang beses na itinulak siya ng binabangga niyang hangin, patuloy pa rin ito sa paglipad patungo sa direksiyong gusto niyang puntahan.

Makailang ulit na nagpupursige ang ibon. Para ngang walang pakialam ang hangin sa kanya. Para lang siyang sinasampal, hinahagip, itinataboy. Pero matatag ang ibon kahit maliit ito.

Napangiti ako.

Sumakay ako ng traysikel pagkatapos. Hindi ko alam kung nagtagumpay ang ibon, kung nagawa man niyang puntahan ang gusto niyang puntahan, o bumigay na lang siya’t nagpaubaya sa hangin. Pero may isang aral na muling pinaalala sa akin ang ibong iyon:

Huwag susuko.

Posted by andoyman at 12:01 pm | permalink | Add comment

Fishball 143

Sunday, March 20, 2011

Ilang linggo na rin nang napanood ko ito. Gusto ko lang mapanood mo rin. Maganda ang istorya. Pramis.

 

Posted by andoyman at 7:00 pm | permalink | Add comment

Senior Year Experience

Sa pinakaunang beses na napanood ko ang Faculty, nagustuhan ko na talaga. Mind-bending kumbaga. Parang brain-supplement na magpapagana ng utak mo. At sa dulo ng video na ito, nang sabihin ni Ms. Joan(Che Ramos) na sa highschool siya magtuturo, isang malaking hint na iyon para sa isa pang malaking istorya.

At ito na nga ang Senior Year na ipinalabas mula noong March 9. Kung hindi ako napadaan sa SM North at hindi ko nakita ang trailer nito sa isang malaking screen doon, hindi ko mapapanood ito noong 13.

Excited. Sabik na sabik na akong makapanood. May discount sa ticket kapag estudyante o guro ka. May libre pang ice cream. Sayang, wala ako n’un.

Pagpasok ko ng sinehan, heartbreaking ang eksena. Walang tao. Panghihinayang at inis ang nadama ko.

Ilang minuto pagkatapos, nagsimula na ang palabas. Ang opening ay isang tawag para sa bidang si Henry(RJ Ledesma). At nagsimula nang umikot ang buong istorya.

Sampung kabataan. Sampung iba’t ibang personalidad. Si Henry, ang class valedictorian, na naiirita sa nagpapa-tutor sa kanyang si Sophia, na stalker niya. Si Solenn naman ang sosyalera na kaiinisan at hahangaan mo. Pangarap niyang makapasok sa DLSU; hinahangaan din siya ni Sophia. Kaibigan naman ni Solenn ang magkasintahang sina Briggs, na palikero, at Bridget. Si Mitch naman ang hater ni Solenn at matalik na kaibigan ni Chito. Silang dalawa yung parang all-knowing sa batch nila. Madalas sa kanilang dalawa naman humihingi ng payo sina Carlo, masayahin at parang bakla kung umasta pero hindi talaga bakla; Steph, secretly-admired ng isa niyang kaklase o schoolmate; at Bunda na protector dalawa.

Lahat, nag-aaral sa St. Frederick’s Academy. At sa loob na lang ng ilang buwan, magsisipagtapos na sila sa hayskul. Pero bago iyon, mayroon pa silang intrams, paghahanap sa sarili, at mga personal at pampamilyang problemang dapat harapin. 

Cliche pero extraordinary. Cliche dahil ang mga sitwasyong ipinakita sa pelikula ay madalas na nangyayari sa totoong buhay ng hayskul natin. Extraordinary dahil nagawang ipakita ng direktor na unique ang bawat eksena.

Ang pagka-cast ng mga totoong estudyante mula sa mismong paaralan, sa tingin ko, ay nagpadagdag pa ng kasimplehan at katotohanan sa bawat character na ipino-portray ng mga actors. Idagdag pa ang ilan pang mga kilalang aktres at aktor na gumanap bilang mga guro at future selves ng mga estudyante.

Simple lang ang pelikula pero komplikado. Mahusay na naihabi ang bawat foreshadowing na ginawa. Ang pagpalit-palit ng eksena ay nagpadagdag pa ng kasabikan kung ano ang mga susunod na eksena.Gayunpaman, medyo naguluhan ako. Kasalanan ko, dahil hindi ko minsan masundan ang maliliit na hint. May nabasa kasi akong comment na marami raw foreshadowing sa volleyball scene. Napagtanto ko na lang noong nabasa ko ang comment.

Magaan lang din panoorin ang pelikula, di katulad sa Faculty na may tensyon. Wala ring mga pa-high-class-high-class effect o mga pa-cute.

Habang pinapanood ko rin ito, para akong nagbabasa lang ng yearbook. Di maiwasang magbalik-tanaw rin sa panahon ng high school life ko. Napapaisip nga rin akong gumawa rin ng kwento tungkol sa high school. 

Ipinakita rin ng direktor ang mga bahagi ng period na ito kung kailan may mga bagay na tila buhay at kamatayan na ang nakasalalay: natalo sa intrams(naalala ko, talo rin kami sa walang kalatuy-latoy na intrams noon), heartbreaks, pikunan, at pang-aasar. Nandyan din kung paano nila hinarap ang kanya-kanyang nilang problema sa pamilya at sarili.

Katulad ng totoong buhay, may kanya-kanyang mundo ang lahat pero lahat, kunektado pa rin.

Marami rin akong paboritong eksena tulad sa pagtama ng bola sa ulo ni Solenn na ikinahimatay niya. Pagprotekta ni Bunda sa kaibigan niyang si Carlo at ang pagiging matatag niya sa problema sa kanyang pamilya. Ang pagiging concern ni Carlo sa kanyang English Teacher(LJ Moreno). At ang pagkikita nina future Henry at future Sophia. Panalo rin si Ramon Bautista!

Napakaganda rin ng mga twist. Sa totoo lang, andami. Isang malaking twist talaga ang nangyari sa valedictorian na si Henry. Ganoon din sa pagkakadiskubre ni Steph tungkol sa secret admirer niya. Nagulat din ako sa twist sa pagitan nina Solenn, Briggs, at Bridget. 

Hindi rin maaaring kalimutan ang magagandang kanta ni Johnoy Danao na saktong-sakto ang timpla para sa pelikula at mahusay ang pagpasok sa mga eksena.

Paborito ko namang karakter sina Bunda, Carlo, at Mitch.

Mayroon ding hint sa isang sinabi ng kapwa guro kay Joan. Nagturo si Joan sa high school para sa pag-asang makapagdulot ng pagbabago–pagbabagong hindi niya nakita sa kolehiyo. Ngayon, ang sabi naman ng co-teacher niya, dapat simula niya raw iyon habang sanggol pa lang ang bata.

At katulad ng gurong si Joan, ang sampung kabataang ito ay patuloy na naghahanap ng pagbabago, at kung mayroon nga bang mangyayaring pagbabago sa kanila sa pagitan ng nakaraan at hinaharap nila.

Napaisip ako sa huling sinabi ni Henry sa palabas. Sayang at nalimutan ko na lang ang linya.

Sa totoo lang, gusto ko ulit panoorin ito at paulit-ulit na panoorin. Isang magandang pelikula at dapat na MAS pinapanood ng mga manonood. At mas dumami pa sana ang ganitong mga pelikula na ipinapalabas sa mainstream.

Good job Mr. Jerrold Tarog :)

Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!

 

Review dapat ang gagawin ko pero wag na lang. Ikukwento ko na lang kung ano yung mga naramdaman ko bago, habang at pagkatapos kong panoorin ang kakaibang pelikulang ito. Sayang at tapos na yata ang pagpapalabas nito sa mga sinehan. Gayunpaman, kasali naman ito sa Hongkong Int’l Film Festival. Yey!

EDIT:

Ito nga pala ang mga kanta ni Johnoy Danao sa Senior Year :)

Eto, marami pa: link

Posted by andoyman at 1:29 am | permalink | Add comment

Fast Forward

Saturday, March 19, 2011

Napanood ko na ang Senior Year noong Linggo. Saka ko na lang ipo-post ang review ko para sa pelikula.

Medyo nagse-senti lang ako ngayon. Ganoon din noong pinapanood ko ang pelikula, nakakapagbalik ng mga ala-ala noong highschool ka pa lang. Panahon ng nasa gitna ka ng kalsada at naghahandang pumili ng daan.

Nito lang, nakakwentuhan ko ulit ‘yung kaibigan ko na naging kaklase ko noong elementary hanggang hayskul. Napag-usapan namin ang mga kaklase namin na kayang matagpuan sa facebook. Mga kaklase namin noong elementary. 

Tapos noong noong isang linggo pa yata, nakausap ko rin ang isa ko pang kaklase noong elementary na kahit anong paglilipat-pahina sa aking memorya e hindi ko maalala pero ako, naaalala niya. Naiinis ako dahil bakit di ko siya maalala??

Matanda na nga talaga ako.

Andaming mga pangalan ang nabanggit naming magkaibigan kanina, at marami rin akong balitang nalaman na nagulat ako, pero tamang gulat lang. Yung iba, may asawa na pala, may baby na, yung iba, nasa ibang bansa, meron ding nagkatuluyan na hindi ko inaasahan. Yung iba, hanggang ngayon, di pa rin ina-accept ang friend request ko.

Naalala rin namin yung dalawang kaklase namin na magkaaway ang angkan. Nagkaroon pa nga ng pulong para subukang ayusin ang gulo na umabot na hanggang sa paaralan. Ang natatandaan ko, hindi pa rin naayos ang gulo. At nagpasya na lang na lumipat ng iskul ang isa.

Yung isa naman, ang pinaka-natatandaan ko ay noong binabalaan niya kami na magugunaw na ang mundo sa taong 2000 dahil sinabi raw sa bibliya. Naaalala ko, kaming 3 o 4 na magkakaklase noon e nasa corridor tapos nag-senti. Nagsabi pa ang isa ng panghihinayang dahil maganda raw ang mundo tapos magugunaw na pala.

Ilang field demo rin ang pinagsayawan naming magkakaklase. Napakaraming asaran, kantyawan, awayan, bangayan, projects, at mga exams. Nakailang beses din kaming napagalitan, tinanggalan ng isang sapatos bilang parusa at tutubusin na lang pagka-uwian na — kailangan lang papirmahan ang handbook sa guro…at asa ka namang pipirmahan agad iyon.

Naaalala ko rin, may mga grupo-grupo pa noon. Mahahalata mo rin ang mga magkakaibigan, magkakabarkada. Ahm…wala ata akong maalalang meron akong ganun noon.

Siyempre nandyan din ang boy scout–girl scout. Pero ang camping, sa loob lang ng iskul. Kuripot kasi ang iskul. Tapos ang nagco-compose ng mga pangantyaw na kanta namin e aming mga guro. Yung ilang kanta, mukhang isinalin-salin na mula noong unang panahon.

Noong final exam naman namin noong Grade 6, di nakapasok ang isa naming kaklase dahil nakabaril yata ang tatay niya. Nagtago yata sila. Ewan. Di ko na alam/maalala kung ano ang nangyar. Basta, may halong lungkot at awa na rin para sa kaklase namin dahil sayang at matalino pa naman siya, magaling pa sa math, palagi ngang sinasama sa mga patagisan sa math, tapos biglang lalabo ang pag-graduate niya?

Akala nga naming lahat noong graduation day, hindi siya makakadalo. Hanggang dumating siya at magpakita. Lahat kami, natuwa. Lahat kami, nagsipagkantahan na ng If We Hold On Together.

Sa banyo, pag-uwi, saka ako umiyak noon.

Sa tuwing tinitignan ko ang mga direksiyong tinahak ng mga kaklase ko noon, napapaisip na lang ako at napapangiti at nasasabi sa sarili na mabuti pa sila, mukhang alam na alam ang tatahakin sa buhay. Ako? Basta pangarap ko lang maging matagumpay sa pagkokomiks. Hahaha. Di ko alam kung maituturing nila iyon matinong direksiyon. Medyo nagkaka-inferiority complex kasi ako dahil anlabo talaga ng daang tinatahak ko ngayon. Pero masaya (talaga) ako.

Hay…

Ansarap mag-gunita.

Posted by andoyman at 9:17 pm | permalink | Add comment

Dear Mga Boss

Wednesday, March 16, 2011

Dear Mga Boss,

Alam kong kayo po ang may-ari ng pinagtatrabahuhan ko ngayong kumpanya at kayo rin ang nagpapasahod sa akin linggo-linggo. Maraming salamat nga po pala at tinanggap niyo akong magtrabaho sa inyo.

Mag-i-isang buwan pa lang ako sa kumpanya at masasabing kong sanay na ang litid at laman ko sa ginagawa ko araw-araw. Masasabi ko ring alam ko na rin ang mag pasikot-sikot sa trabaho ko, kung ano ang mga dapat unahin, dapat gawin, at kung saan dapat pupunta tuwing may emergency ang pantog ko.

Sa tingin ko rin, ka-vibes ko na rin ang mga katrabaho ko, hindi man lahat ng trabahador ng kumpanya. At salamat din nga po pala at hindi niyo pa ako nasisigawan.

Napag-usapan na rin po ang tungkol sa pagsigaw, nais ko po sanang magkaroon ng maliit lang na reklamo tungkol dito. Batid kong dapat walang maingay sa loob ng opisina kaya ipinagbabawal ninyo ang pagpapatugtog ng radyo o mp3 player ng malakas, o sumipol o gumawa ng ingay.

Gayunpaman, hindi ko pa rin po maintindihan kung bakit kailangan niyo pong magsipagsigawan na parang ilang planeta ang layo ninyo sa isa’t isa sa tuwing kayo’y mag-uusap, lalo kapag kayo’y hina-high blood.

Katulad na lang po kanina. Pakialam ko po ba kung may nangyari na lubos ninyong ikinainit ng ulo at nagpataas ng inyong dugo. Sa palagay ko lang naman po, hindi naman po yata tama na paandarin ang mala-M16 ninyong pagdadakdak ng kainisan na sinasamahan pa ng bad words na hindi pwedeng marinig ng isang batang katulad ko *cute na ngiti*.

Pagkatapos, hahaluan niyo pa ng mga intsik na salita ang inyong paghihimutok. Pumupulupot po ang eardrums ko, sa totoo lang, kahit dalawang mesa ang layo ninyo sa akin. Kumbaga, kung magsalita po kayo ay parang inyong-inyo ang buong mundo. Malakas talaga. Nakakabulahaw sa isang inaantok na empleyado aking trabaho.

Hindi naman po yata tama ang ganoon.

Marapat po sanang matutunan ninyo kung paano ipihit sa mahinang volume ang inyong vocal cords nang hindi po kayo makaiistorbo sa inyong mga empleyado. Hinay lang po sa pagsasalita. Chill.

Ipinag-aalala ko rin po na baka mabingi ang dinadalang bata sa sinapupunan ng aking katrabaho na nasa harapang mesa niyo lang. Kawawa naman. Magkaka-trauma na kaagad sa inyo.

Nawa’y maunawaan po ninyo ang aking liham ng pagrereklamo.

Amen.

 

Ang inyong empleyado,
Andoyman

Posted by andoyman at 11:44 pm | permalink | Add comment

Ang Pinakamagandang Manok

Sunday, March 13, 2011



click to enlarge

plano kong gumawa ng maiikling komiks aka Short Komiks (parang short story) at ito ang pinakauna kong gawa :) Magustuhan niyo sana. :D

Posted by andoyman at 1:20 pm | permalink | Add comment

Ikaw at Ako ni Johnoy Danao

Posted by andoyman at 11:49 am | permalink | Add comment

Heide

Saturday, March 12, 2011

Bali noong Lunes, nasa may terminal ng jeep ako. Nakapila. May napansin na akong babae sa may bandang unahan ilang tao ang layo. Tapos, umandar ang pila, pumasok na ang mga nasa unahan ko.

Pagabi na ang langit habang abala naman ang mga tao sa paligid. Bukas ang ilaw ng mga tindahan at mga kainan, nanghihikayat ng mga kakain at bibili. Nagtawag ang barker: “Isa pa, oh!”

Parang matagal na segundo ang nagdaan, nakapagdalawang-isip pa ako kung sasabay o hindi. Humakbang ang mga paa ko papasok ng jeep…para lang makasabay sa biyahe ang babae.

Pero di ko inaasahan sa pagpasok ko na magiging magkatapat kami sa upuan.

Nagkatinginan kami. Tinginang tumatama talaga at magtatagal ng kaunti ang mga mata sa isa’t isa. Medyo inaalis ko agad ang aking tingin sa kanya pero maya-maya, titingin ulit. Ganito kasi ako kapag tipo ko ang babae: Ayaw magpahuling tinitignan ko siya.

Payapa ang biyahe katulad ng iba pang mga araw. Ngunit iba ang biyahe noong araw na iyon. Nadagdagan ng magandang sangkap na alam kong gagayuma sa akin upang hanap-hanapin sa iba pang araw.

Palingon-lingon ako sa kanya. Siya man, ganoon din, pero sobrang bilang. Natutunaw na parang sorbetes ang puso ko sa tuwing tinitignan ko siya.

Binulungan ako ng sarili ko: “Tanungin ko ang pangalan pagbaba at magpakilala.”

Alanganin ako ngunit malakas ang loob ng sarili ko. Pero nandiyan pa rin si “Pagdadalawang-isip,” nanlilito lang. Habang nasa biyahe, habang tinitignan-tignan ko siya, jina-juggle ko kung o-OO ako sa sinabi ng sarili ko o hi-HINDI.

Lagpas na kami sa tollgate sa NLEX. Malapit na sa babaan. Wala pa namang kaba na tumakbo sa dibdib ko pwera na lang noong nasa bukana na kami ng aming lugar.

Marahil mukhang relaks lang ang pisikal kong katawan pero di na mapakali ang aking isipan. O-oo ba ako o hi-hindi?

Huminto na ang jeep. Nagsipaghanda na ang mga pasahero upang bumaba. Nagkatinginan ulit kaming dalawa. Umiwas ako ng tingin at itinuon ang aking mga mata sa mga taong bumababa…pero batid kong nakatingin siya sa akin. Bahagya ko pa rin naman kasing nakikita siya.

Bumaba na ako. Nakasunod siya. Ibinukas ko ang pinto para hindi siya masarhan. Nang nakatalikod na ako, naglakad na rin siya palayo.

Sabay sumunod ang aking mga paa papunta sa kanya hanggang nakikita ko na lang ang aking sarili na nakabuntot sa kanilang likod (kasama niya ang kanyang kaibigan).

Tumabi na ako at—

Tinanong ang pangalan niya.

Napangiti siya. Ngumiti rin ako. Nahiya ako. Ganoon din siya.

Heidi ang pangalan niya at ipinakilala ko ang sarili ko sa kanya/kanila. Pasensya, kahit ipinakilala mo rin talaga ang kaibigan mo sa akin, di ko pa rin talaga malinaw na narinig ang pangalan niya. Malinaw lang talaga ‘pag dating sa’yo.

Di ko alam kung bakit o marahil nagpaubaya na lang din ang kaibigan niya, naunang naglakad ito.

Nakangiti at nahihiya akong nagsasalita. Tinanong ko kung nag-aaral pa siya. Nagtatrabaho na, sabi niya. Sinagot din niya kung saan siya nagtatrabaho.

Nagsabi naman ako kung ano ang trabaho ko at saan nang nagsabi siyang patawid na siya at sa kabila pa siya/sila sasakay. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin.

Di ko alam kung anong formula sa mundo o kung paanong ayos ng rubik’s cube o hiwaga sa likod ng mga misteryo, pero di ako sumunod sa kanya upang ihatid hanggang sa sakayan.

Isang nangingiming ngiti lang ang aking isinukli, at hindi na ako nakapag-ba-‘Bye.’ At tinignan na lang siya hanggang tumalikod saka ako naglakad pauwi.

Mula noon, nag-iba na ang kahulugan ang uwian, ng terminal ng jeep, ng mga taong nakikita ko sa daan, ng mga kasamang pasahero. Palagi na rin akong may hinahanap na tao.

At hanggang ngayon, umaasa akong muli ko siyang makikita.

True story.

Posted by andoyman at 11:09 pm | permalink | Add comment

Inuman

Sunday, February 27, 2011

“Haaaaaaahahahahaha!”

Humuhugong sa lakas ang kaniyang tawa sa buong silid ng iyong kababata dahil sa mga nakakatuwa niyang kwento. Salamat sa kaniya dahil kahit sandali, gumaan-gaan ang bigat sa iyong dibdib. Lumuwag-luwag kahit papaano ang paninikip ng iyong puso. At pumayapa kahit kaunti ang iyong isipan.

“Tagay pa, Chard!” iniabot ng iyong kababatang may malaking tiyan tulad sa isang balyena ang isang bote ng beer. Agad mo namang idinikit ang nguso ng bote sa’yong labi at ininom ang laman nitong alkohol subalit wala kang mahagilap ni isang patak.

“Tanga! Hindi ko pa ‘yan nabubuksan! Hahahaha! Lasing ka na p’re! Hwaaaaahahahaha!” isang dumadagundong na halakhak na naman ang pumalo sa iyong tainga. “Hah?” tinignan mo ang hawak mong bote at napansin ngang hindi pa ito nabubuksan. “E gago ka pala! Bakit mo naman ibinigay sa akin nang ‘di pa bukas? Siraulo!” Isa na namang malakas na pagtawa ang narinig mo mula sa kaniya. Halos hindi na kayanin ng kaniyang kama ang bigat ng taong pinapasan nito.

Maya-maya, nang mabuksan mo na ang bote ng serbesa, nagkaroon ng katahimikan sa buong silid na nagtatanggal sa lahat ng laman ng iyong isip at dibdib. Tahimik pati ang labas ng kanilang bahay. Iba’t ibang poster ng mga babaeng naka-two-piece o walang saplot ang makikita sa kahoy na dingding. Nasa iba’t ibang lugar naman nakasabit ang kaniyang mga damit, shorts, pantalon, at malalaking underwear. May gitara sa isang sulok kung saan makikita rin ang iba’t ibang klase ng magazine tulad ng FHM at Playboy at pati santambak na labahan. Naisip mong marahil, kung anu-anong insekto na siguro ang namumuhay sa loob ng kaniyang silid na kasalukuyan mong pansamantalang itinuturing na santuwaryo.

“Alam kong may problema ka kaya nagyaya kang makipag-inuman sa akin. Kabisado na kita,” sabi ng matabang lalaking nakaupo sa kaniyang kahoy na kama. Walang suot na damit at naka-shorts lang. Mayroong tattoo ng agila sa kaniyang dibdib na umaabot hanggang likuran bukod pa sa iba pang larawang nakaguhit sa buo niyang katawan. “Sabihin mo. Tungkol saan ba ‘yang problema mo? Huhulaan ko. Sa pag-ibig na naman, ‘no?”

Hindi ka kumibo.

“Sabi ko naman sa ‘yo e. Manlalake ka na lang dahil wala kang swerte sa babae! Hwahahahahaha!” Isa na namang mapanlibak na tawa ang narinig mo mula sa kaniya. Tumayo ka’t umakmang aalis na, “’Ge, alis na ‘ko.”

“Anak ng—matampuhin! Hahahaha! O sige na, ‘tol. Sabihin mo na problema mo. Ano ba ‘yon?” Muli kang umupo sa sahig at bumwelo muna ng isang malalim na buntung-hininga.

“May nililigawan kasi ako. At…’yung nililigawan ko…may…may bestfriend. Ngayon…’di ko alam kung may pagtingin ba sila sa isa’t isa o wala…”

“Ngayon?”

“…Ngayon…nagseselos ako…At hindi ko rin alam kung…”

“Kung…? King Kong-Kangkong?”

“’De…Ibig kong sabihin…Hindi ko alam kung…kung may iba ba siyang gusto…kung gusto rin niya ba ako…kung may pag-asa ba ako sa kaniya…”

“Aah…Sus…Simple lang ‘yan. P@#$%, eh, di halikan mo! Kapag nag-request pa ng isa, gusto ka n’on! ‘Pag hindi, eh di mabantot hininga mo! Hahahahahaha!”

“Gago ka talagang baboy ka!”

“Hahahaha! Hindi naman! Medyo lang. Hahahahahaha!” habol-habol siya sa kaniyang hininga sa katatawa at pinipilit na ipagpatuloy ang kaniyang pagsasalita. “Haha! Hahahaha…Teka lang…Ehem…” muli niyang tinungga ang nalalabing laman ng kaniyang hawak na bote.

“Teka, ano ba’ng gusto mong ikonsulta? Kung paano malalaman na may gusto siya sa ‘yo o wala? O kung paano siya didiskartehan?”

“Basta advice kung anong dapat kong gawin. Naguguluhan na kasi talaga ako e. Wala man lang kasing hint para malaman ko kung may gusto nga ba siya sa akin o wala. Basta. Kahit anong advice.”

Nagkamot muna siya ng tiyan bago nagsalita, “Alam mo ‘tol, kung manliligaw ka ng isang babae, sa tingin ko, walang dahilan para alamin mo kung may gusto ba siya sa ‘yo o wala? O kung may pag-asa ka ba o wala? Ikaw ang magpapakilala ng iyong sarili sa kanya. Ikaw ang gagawa ng mga bagay na ikagugusto niya sa iyo. Ikaw ang magtatrabaho ng mga bagay na ikatutuwa niya sa iyo. Ikaw ang gagawa ng pag-asa. Kasi nga, nanliligaw ka. At responsibilidad mo na ipakita’t ipadama sa iyong nililigawan na masaya kang kasama at malinis ang intensiyon mo sa kaniya.”

Tahimik mong pinakikinggan ang lahat ng kaniyang mga sinabi. Tumatagos ang lahat ng iyon sa iyong puso. Nanunuot ang bawat salita. Gumuguhit sa iyong isipan. Kahit tarantado ang kaibigan mo, kapag nagbibigay naman ng payo, alam mong seryoso at tagos hanggang buto. Binulay-bulay mo muna ang kaniyang mga sinabi bago muling ibinuka ang iyong bibig.

“Kaso nagseselos nga ako kapag kasama niya’ng bestfriend niya lalo kapag nagkukulitan silang dalawa.”

“T@#$&%$. Natural lang na magselos ka kasi nagmamahal ka. Pero huwag mong hahayaang kontrolin ka ng selos na ‘yan dahil lalaon at lalaon din, ikaw kumag ka ang magiging biktima ng p@#$%!#@$% selos na ‘yan. At isa pa, tandaan mo ‘tol, hindi ka niya boypren kaya hindi mo pwedeng gawin ang mga ginagawa ng isang boypren sa kaniya kasi nga, nanliligaw ka pa lang. Gago ka ba? Ha? At saka, mag-bestfriend sila eh. Anong magagawa mo? Isa ka lang malaking libag na sumisingit sa pagitan nila.”

“Ganu’n ba?”

“O—o, Mr. Libag,” madiin niyang sagot. Muli, katahimikan sa loob ng silid. Ngunit agad ding binasag ng iyong kababata.

“Ano? ‘Yon lang ba? May lubid ako d’yan, baka gusto mong gamitin?”

“’Tado!…Eh…Pa’no kung…Pa’no kung ma-basted ako?”

“Hahahahaha! Eh di basted, p#&@$&@#%! Wala tayong magagawa ‘pag gano’n! Hahahaha! Mamakla ka na lang, kikita ka pa, gago!  Haaaaahahahaha!”

“Tarantado ka talaga…” Saglit kang tumahimik bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Pero mahal ko siya… Mahal na mahal ko siya.”

“Hahahaha! ’Yun nga ‘yun e. Mahal mo siya kaya dapat malaya siyang pumili kung sino ang gugustuhin niya. Ang pag-ibig, dapat malaya, hindi pinipilit. Ang pag-ibig e hindi tungkol sa kung mapapanalunan mo ang puso ng isang tao o kung gaano kalaki ang makukuha mo. Ang pag-ibig e tungkol sa pagbibigay ng walang hinihinging kapalit ng kung anuman. Love is not about winning or receiving. Love is about giving. *Hik*

“P$#!@&$#!!! Lasing ka na yobab! Nag-i-ingles ka na eh!!!”

Natapos sa isang malakas na tawanan ang inyong inuman at pagkatapos mag-ayos ng sarili, umuwi ka na sa inyo…nang maluwag ang iyong dibdib.

Posted by andoyman at 6:24 pm | permalink | comments[1]

Bagong Sketchbooks

Saturday, February 26, 2011

Sa wakas, nakabili ako ng bago kong sketchbooks. :D

Ilang linggo na rin kasi akong naglalaway na bumili ng bago dahil halos ubos na ang gamit ko, at kanina nga lang, nakabili na ako. Bumili rin ako ng pizza bilang pasalubong.

Nakabili ako dahil, sa wakas, (Salamat sa Diyos, at kay[special mention talaga!] Mr. Robin Sy!)may trabaho na ako.

Tatlong kumpanya ang target kong mapasukan. Ang isa ay sa Ortigas at ang isa naman ay TV5. Graphic artist/designer ang ina-apply-an ko—malayo man sa pinagtapusan kong kurso, malapit naman sa gustong gawin ng puso ko. Naks!

Nagpasa rin naman ako sa iba pang kumpanya pero iyan talaga ang target ko.

Napapraning nga ako dahil nai-i-imagine kong baka darating ang Pasko ngayong taon na wala akong trabaho tulad nitong nakaraang dalawang taon. Pero sa tingin ko, hindi na.

Doon sa una kong trabaho, sa totoo lang, nababato ako…batong-bato kahit sabihin mong sobrang napakadali lang ng ginagawa ko at nakakapag-facebook/tumblr/twitter/surf ako nang palihim. Gayunpaman, bawat araw na tumagal ako roon, mas naiinip ako, mas ninanasa ko ang uwian, ang pagdating ng Biyernes, at pagsahod.

Kahit simple lang ang mga ginagawa ko, na-i-stress pa rin ako. Idagdag pa ang pagsakay ng bus pauwi na madalas siksikan at kailangan mong makipag-unahan at makasakay lang sa sobrang sikip at kakarag-karag na mini-bus tapos minamaneho pa ng kaskaserong tsuper.

Seryoso, napakalaking kalayaan ang pag-alis ko sa dati kong kumpanya. Pero malaki pa rin ang pasasalamat ko’t nagkatrabaho ako sa loob ng siyam na buwan.

Sa bago kong pinapasukan, jeep ang sinasakyan ko. Akala ko noong una, hindi maganda ang biyahe kapag jeep. Hindi pala. Presko palagi at wala akong gaanong inaalala. Halos wala nga akong pawis tuwing biyahe papunta at pauwi.

Idagdag mo ang pagiging mahangin sa compound ng pinagtatrabahuhan ko. Katabi ko lang din ang aircon sa loob ng opisina…kaya madalas, nabe-brain freeze utak ko.

Noong una, gusto kong umayaw na dahil hindi ko talaga makuha ‘yung ginagawa nila. Pero kalaunan, nakuha ko rin, at, noong oras na ayaw ko na, saka ko naman nagustuhan ang ginagawa ko. Para ngang pakiramdam ko, nare-relax ako sa trabaho ko. Ewan ko lang kung sa simula lang dahil hindi naman mawawala ang pressure lalo kung malapit ang deadlines. Ang kagandahan lang, pinapagawa sa amin ang trabaho ilang buwan bago ang deadline kaya hindi gaano hassle.

Sa una kong trabaho, napapaisip ako kung kakayanin ko bang magtagal ng isang taon sa kumpanya. Ngayon, napapaisip ako kung ilang taon kaya ako magtatrabaho rito. Long term na ako mag-isip. Ibig sabihin, kumportable ako sa trabaho ko.

Dahil dito, tiyak na ang pagsali ko ulit sa Komikon ngayong Abril. Kasalukuyan ko nang binubuo ang bago kong komiks. Susubukan ko ring ilakad na ang komiks ko sa mga shop upang doon maitinda.

Plano ko ring magkaroon ng sariling website ngayong taon. Wish me luck.

Muli, maraming salamat kay Bro at kay *insert Las Vegas theme plus fireworks* Mr. Robin Sy!

Siyanga pala, Sabaduhan ang sweldo kaya walastik ang anim na araw na pasok.

Posted by andoyman at 11:30 pm | permalink | comments[4]

Sayaw sa Bubog

Friday, February 25, 2011

Posted by andoyman at 6:54 am | permalink | Add comment

Sintonado King

Wednesday, February 16, 2011

Aminadung-aminado akong sintonado ako. Ilang tao na rin ang nakapagsabi sa akin niyan. Ngunit mula bata hanggang ngayon, hilig ko pa rin ang pagkanta. Mukhang natural na sa ating mga noypi ‘yan…at marahil sa iba pang lahi.

Sa musika, nasasabi ng ating puso ang mga bagay na hindi natin mabigyan ng eksaktong salitang matatagpuan sa diksyunaryo. Ang mga nota at melodiya ang mismong mga letrang bumubuo ng mga awiting nagsasalarawan ng ating damdaming hindi malililok ng anumang patinig at katinig. Ito rin ay isang mahiwaga’t misteryosong lenggwaheng hindi man natin madalas napapansin ay nagbubuklod sa bawat hibla ng ating katauhan at kaluluwa anuman ang ating kulay, lahi, estado, o bansa.

Ang musika rin ay sandigan ng mga pusong naghahanap ng pansamantalang balikat na masasandalan, o isang yakap na matagal nang hinahanap-hanap, o tulay para magkaunawaan ang isa’t isa.

Naniniwala ako na saan man tayo magpunta, mayroon at mayroon pa ring musika tayong maririnig, kahit sipol man ‘yan ng hangin o kaluskos ng dahon o tahimik na bukirin o mapa-hohum lang ng iyong katabi o tahol ng isang asong ul*l na sinabayan mo pa ng sigaw matapos kang makagat.

Sa sobrang hilig natin sa musika, kabi-kabilaan ang mga videoke bar. At bawat tahanan marahil, mayroong radyo kang mahahanap. Katulad sa amin, karaoke naman. Lumaki ako sa mga kanta ni Imelda Papin, paboritong mang-aawit ng nanay ko. Panahon pa ng casette tapes. Tuwing Linggo, pinapatugtog ni Mama ang tapes ni Imelda. Madalas ganoon ang eksena sa bahay kasabay ang paglilinis at bago manood ng Kwarta o Kahon sa tv.

At dahil sa pabrika kami nakatira, ayos lang na ibato ko sa hangin ang voice box ko dahil kami lang ang nakakarinig. Kabisado ko ang kanyang mga kanta at lagi ko ring sinasabayan habang naglalampaso. Tapos, dumating si April Boy Regino. Kahit wala kaming tapes niya, kabisado at inaawit ko naman ang mga awitin niya. Aba! Idol ko kaya siya!

Saka dumating ‘yung Westlife, A1, Backstreet Boys, Britney Spears (noong di pa siya, you know), Christina Aguilera, Ricky Martin, atbp. Noong bata pa ako, hindi pa ako “aware” sa mga bandang Pilipino bukod sa Parokya ni Edgar. Di ko rin gaano kilala ang Eraserheads pero alam ko ang ilan sa kanta nila. Ganoon din sa Rivermaya at Grin Department. Ang Parokya ni Edgar lang talaga ang tumatak sa utak ko, at oo, sila ang paborito kong banda.
Minsan, tinuruan ako ni Daddy na kumanta(parang voice lesson) kasi kelangang makanta ko sa harapan ang “Close to You” para sa MAPEH(o PEHM). Ang naaalala ko, di ko yata nakuha ang turo niyang tono pero nakaraos naman ako sa graded recitation.

Sinubukan ko rin minsan mag-audition para sa choir ng iskul…actually, wala kaming mapagpipilian noon dahil lahat, pina-audition. Ayun, katulad ng inaasahan, hindi ako nakapasok.

Noong Grade 3 naman (yata), pinakanta ako ng aking guro sa harapan. Umaambon noon at wala na siyang maituro, hindi niya yata nagawa ang lesson plan at mas inatupag ang pakikipagtsismisan sa kapwa guro. Kumanta naman ako ng “Paano ang Puso Ko?” ni April Boy Regino(idol ko siya, remember?).

Bali, ganado ako sa pagkanta at nakikinig naman siguro ang mga kaklase ko…yata. Nang tinaasan ko ang aking boses para sa chorus, biglang bumuhos ang malakas na ulan. As in. Sabay tawanan silang lahat. Ako man ay natawa rin. Mula noon, aminado na akong sintunado ako. Tanggap. Ko. Na.

Pero patuloy pa rin ako sa pagkanta at kapag nasa banyo, saka ko ibinubuhos ang boses ko.

Hanggang dumating ang isang di inaasahang araw…

Anim lang kaming magkaklase noong 3rd year highschool. Required sa bawat grade/year na may kasali sa mga competition. At ang alam ko, pinilit nila akong isinali. Napa-oo na lang ako…dahil gusto ko rin. Hehehe. Kumbaga, katuwaan lang ngunit nandoon pa rin ang aking kaduwagan dahil sintonado nga ako.

May kanta na akong aawitin. Ang costume ko, nget-pax sobra: Pantaas na uniporme, malaking maong na shorts, balat na sapatos, at pilit na pag-dye-gel sa buhok. Hindi nag-isip para sa costume. Bahala na kumbaga.

Paakyat na ako sa 3rd floor at kasama ko ang mga kaibigan/kaklase ko. Nasa sulok kami ng corridor at dahil alam nilang kailangan ko ng pampalakas ng loob, tinawag nila ang mga construction worker sa isang ginagawang apartment. Sinabihan nila silang i-cheer ako. Natawa’t natuwa ako.

Maya-maya, tinawag na ang pangalan ko. Lumapit ako sa entablado. At…dala ang kumpiyansang dulot ng pagpapalakas ng loob ng aking mga kaibigan at ilang ka-schoolmate, naghanda na akong kumanta.

Hiyawan silang lahat pag-akyat ko ng entablado. Iyon palang, hindi ko na inaasahan.

Tumalikod ako, at pagpasok ng kanta, sinimulan ko na rin:

Nasa ulap ba ang iyong mga mata…

Humarap ako sa audience at hiyawan ulit. Tinuluy-tuloy ko ang aking pagkanta at napansin kong tila hindi nagbabago ang enerhiya ng mga manonood. Dahil doon, todo-bigay na ako. Nag-super saiyan ako.

Ako si Mr. Suave, hoooh, grabe…
Hanep kung dumiskarte,
Araw man o gabi…

Muli, hindi ko ito inaasahan, dahil pagdating sa bandang “Hoy hoy hoy hoy,” nagulat ako sa naging tugon ng audience at sumagot din sila ng “Hoy hoy hoy hoy…” Galak na galak ako ng mga panahong iyon at alam kong tuwang-tuwa rin ang mga manonood. Akala ko mapapahiya ako, hindi pala.

Hanggang sa natapos ang buong kanta, muli ko na namang narinig ang mga hiyawan at walang patumangga nilang palakpakan (eto o, muli ko silang naririnig ngayon). Sa buong sandaling iyon palang, sobrang sapat na sa akin. Bumalik ako sa mga kaibigan ko nang tuwang-tuwa.

Nang matapos ang singing contest, ako ang tinanghal na champion. I was shocked. Really. Kahit alam kong di ako magaling kumanta, nanalo pa rin ako. (Akalain mo nga naman.)

At, seryoso, tsamba man o hindi, ipinagmamalaki ko pa rin iyon hanggang ngayon…kahit sintonado ako.

Posted by andoyman at 10:19 am | permalink | comments[1]

Kowts

Monday, February 14, 2011

Love isn’t a science; you can’t calculate a feeling. When you fall in love with someone, an 8.5 equals a perfect 10.

-How I Met Your Mother

Posted by andoyman at 9:33 am | permalink | Add comment

Feb 14

Saturday, February 12, 2011

Valentine’s day bombing, naaalala mo pa ba ito?

Ilang taon na rin ang lumipas pagkatapos niyon e ganoon pa rin ang nangyayari sa ating bansa: Mayroon pa ring mga pinapasabog na bus. Bukod pa roon, marami pa ring krimen sa paligid. Naghihirap pa rin ang karamihan sa atin. Napakarami pa ring gusot sa ating gobyerno. Maraming imbestigasyon pero karamihan hanggang ganoon na lang.

Ganoon pa rin: Napakarami pa rin ang hindi nakatatanggap ng hustisya; kabi-kabilaan pa rin ang mga ngumunguwang tiyan at kumakalam na isipan; marami pa rin ang nagsasakripisyong mga tatay, nanay, anak sa ibang bansa para sa matamis na dolyar kapalit ang mapait na pagsasakripisyo; marami pa rin ang mga pulubi sa kalsada, mga batang namamalimos, at mga kabataang kumakapit sa patalim, tumitira ng droga, at nagbubuntisan kahit di na mag-aral.

Ganoon pa rin: Puro away at bangayan, kanya-kanyang turuan, walang umaamin, lahat hati pero lahat sumisigaw ng pagbabago pero hindi nagbabago. Puro lang pauso. Hanggang sa mga bunganga’t t-shirt lang umaabot. Bulag pa rin ang karamihan sa mga telenobelang paulit-ulit na ipinalalabas sa telebisyon. Marami pa rin ang umaasa na bigla silang giginhawa kapalit ang pagpapaawa, talento sa pagluha, at pagsisirko sa entablado.

Ganoon pa rin: Barado pa rin ang mga kanal; puno pa rin ng basura ang mga ilog at sapa; makakapal pa rin ang maiitim na usok; at walang kaabug-abog na sinisira ang kapaligiran. Climate change? Global warming? Whatever.

Lahat lang tayo, naglolokohan.

Sa ganitong klaseng bayan mayroon tayo, sino pa ba’ng magtitiyagang tumira rito?

Sa dami ng problema ng ating bansa, ng ating lahi, naiisip pa rin ba natin ang pagmamahal sa sarili, sa kapwa, at sa ating pinakamamahal (daw) na Pilipinas, at higit sa Diyos?

Sana ibang pagmamahal naman ang ibigay natin ngayong Araw ng mga Puso. For a change lang. Malay mo mag-spark iyon ng magandang simula, di ba?

Maligayang araw ng mga puso!

[Insert song: One Love by Bob Marley]

Posted by andoyman at 9:54 am | permalink | Add comment

13 Bagay na Dapat Gawin sa Unang Date

Wednesday, February 9, 2011

Hindi pa ako nakararanas ng date…o na-i-set-up sa isang date, mapa-blind date man o kung anupaman. Alam niyo naman na masyado akong irresistable (ire-resist agad ako ng nililigawan ko, meaning ,basted) kaya hanggang ngayon, walang ka-date o dine-date.

Pero may nabasa akong 25 things na hindi mo dapat gawin sa pinakauna mong date. Narinig ko kasi ito sa radyo at, dahil hindi ko narinig lahat, ni-research ko iyon(for future reference na rin, hehe). Pagkatapos mabasa, gusto kong gumawa rin ng sarili kong listahan ng mga bagay na dapat gawin o hindi gawin sa unang date. Tips ko ‘to para sa sarili ko(kung sakaling magkaroon ng date)…at sa mga katulad kong tila isinumpa ng isandaang libong kupido sa langit habang lahat sila ay mapanlibak na tumatawa.

Now, without further ano, narito na ang “Labintatlong Bagay na Dapat Gawin sa Unang Date!”

1. Maging gentleman. At huwag ma-le-late.

2. Magbigay respeto sa ka-date; ganoon din sa waiter, kay manong driver, o kahit sinong tao(mas lalo sa kanyang mga magulang). Ipakita mong marunong kang rumespeto at dapat respetuhin; di lang pa-epek ang napulot mong neck tie.

3. Ayusin ang itsura: magsuklay ng mukha, palinisin ang itsura, at magpabango. Ahitin ang dapat ahitin; magpagupit kung kinakailangan para magmukhang malinis(gusto ng mga babae ang lalaking itsurang malinis and vice-versa); putulin ang mabahong kili-kili kung kinakailangan…o i-rugby mo na lang ‘yung deodorant diyan; magputol ng daliri este mga kuko; huwag kakain ng mga pagkaing magdudulot ng diarrhea o mabahong hininga; at ipa-genocide lahat ng tigyawat kung kinakailangan(baka kasi biglang pumutok ‘yan habang nagde-date kayo).

4. Bago ang date, huwag kang iinom ng alak, maninigarilyo, o magnganganga. At habang nagde-date, huwag maging burara sa pagkain; iwasan din ang pagdighay, pagnguya ng chewing gum, pagsasalita ng may laman ang bibig, pangungulangot, pagdura, o pag-utot. Iwasan ding tumalsik ang laway. Please lang.

5. Maghanda ng pera. Hindi kailangang sa pinakamahal at pinakasosyal na karinderya kayo kakain. Minsan, sa mga simpleng kainan lang, oks na ‘yon.

6. Hanggang maaari, ipagpaalam mo siya sa kanyang mga magulang dahil hindi naman nila pinalaki ang kanilang anak na basta-basta ide-date na lang ng kung sinu-sinong lalake tulad mo. Pagpapakita rin iyon na iginagalang mo ang kanyang mga magulang.

7. Huwag makipag-flirt sa ibang tao habang nakikipag-date.

8. Magsalita ka! Magkwento ka ng tungkol sa ‘yo: kung may mga anak ka na, mga kinahihiligan, at iba pang bagay na may kinalaman sa’yo, halimbawa, anong klaseng maligno ka? Maging “honest” sa mga sasabihin mo. Para sa akin, hanggang sa pagkwento lang sa kung ilan na ang ex mo ang dapat ikwento at hindi na ang tungkol sa kanila. Move on, mehn! Huwag ka ring mareklamo o madrama, emo! At mahalagang mapuri mo ang kanyang kagandahan at iba pang katangian…pero huwag OA: “Napakaganda naman ng pores sa mukha mo! Nakabibighani!”

9. Pagsalitain mo rin siya! At makinig ka naman sa kanya, dyusmiyo. Tumingin sa kanyang mga mata habang nakikinig, at kahit parang nalulusaw ka na sa malamyos niyang titig, tumingin ka pa rin at makinig. And please response to her. Makipag-interact ka sa kanya.

10. Para sa akin, hindi dapat pinag-uusapan ang sex sa date, o subukang igawi siya sa kagustuhan mong makipag-sex sa kanya. Parte ‘yon na iginagalang mo siya bilang babae at hindi sex ang habol mo.

11. Ihatid mo siya pauwi…o kung di man, tiyakin mong nakasakay siya ng sasakyan. At alamin mo kung ligtas siyang nakauwi sa kanila dahil malay mo, bigla palang lumabas si Godzilla’t natapakan siya.

12. Maging masaya at padalasin ang pagngiti. Relax ka lang din dapat at be confident. Magbiro sa tamang tiyempo.

13. Magpakatotoo.

Sa labintatlong ito, ikaw pa rin ang bahala kung hindi mo ako paniniwalaan o ipapa-tattoo mo ang mga ito sa iyong DNA, molecules, and atoms. Nasa sa iyo pa rin ang diskarte at kung paano mo dadalhin ang inyong date.

[Insert song: Mr. Suave by Parokya ni Edgar]

Posted by andoyman at 3:21 pm | permalink | comments[2]

Harana

Tuesday, February 8, 2011

Isa sa biggest frustration ko ang gumaling sa paggitara at pagkanta…at pag-compose. Ngayon-ngayon lang, sinubukan kong gumawa ng kanta. At siyempre, di ko nagawa. Pero…may nagawa naman na  ako.

Naiinggit ako sa mga iniidolo kong sina Parokya ni Edgar, Rico Blanco, Eraserheads, Rey Valera, Noel Cabangon, Aiza Seguerra, Yeng Constantino, Rob Thomas, Don Mclean, Dan Fogelberg, John Lennon/The Beatles, at iba pa. Grabe, anggaling nilang gumawa ng mga kanta. (Okey, kung hindi sila lahat composer, pakisabi na lang :)

Mula noong bata pa ako, gusto ko nang matutong maggitara. May ginawa nga noong kahoy na espada ang tatay ko. Ang ginawa ko nang magtagal, ginuhitan ko ng mga patayo’t pahabang linya, mga strings at frets kumbaga. Tapos kunwari tinitipa ko ang mga chords tapos ini-strum ito habang kumakanta. Di nagtagal, nagkaroon ako ng gitara bilang regalo ni Mama sa akin dahil sa magandang performance ko sa academics. Yey!

Nang dahil sa aking pinsan naman na naging instant tutor ko ng isang araw kaya natuto akong maggitara. Iyon nga lang, hindi ko na matandaan ang unang kantang itinugtog ko sa gitara. Ngunit isang napakalaking salamat ko pa rin sa kanya dahil natuto ako.

Pero bakit nga ba gustung-gusto kong maggitara?

Isa lang ang dahilan at hindi ‘to nagbabago mula pa noon: Gusto kong haranahin ang babaeng mahal ko. Sa palagay ko, hindi naman nalalaos ang paghaharana sa babae kahit moderno na ang ating panahon. At sa palagay ko rin, mas marami pa rin ang kababaihang mas gusto silang hinaharana ng kanilang mga nobyo. At ang kantang gustung-gusto kong matutunan noon e ang “Harana” ng Parokya ni Edgar.

Basta, gustung-gusto kong haranahin ang babaeng mahal ko.

Na-i-imagine ko rin minsan na naggigitara ako sa harap ng maraming tao, o pinakikinggan ng mga tao ang kanta ko. Mga ganoong imagination para sa aking frustration.

Kung sasali ako sa isang banda, gusto ko, maging lead guitarist. Ewan ko ba pero naiinggit ako sa mga lead guitarist dahil walastik sila kung tumipa sa gitara. Ambibilis.

Gusto ko ring matuto ng plucking. ‘Yung kinakalabit ang mga strings. Strumming lang kasi ang kaya ko.

Para sa akin, parang napakasarap gumawa ng kanta tungkol sa isang nararamdaman para sa isang sitwasyon, paniniwala, o sa isang taong lubos mong minamahal. Parang sa loob lang ng tatlo hanggang apat na minuto e masasabi na ng kanta ang mga salitang hindi mo kayang sabihin ngunit kayang iparating ng awitin.

Ika nga, ang musika e tulay sa nakikita at hindi nakikita. (Parang ouija board lang. Hehe.)

Noong huling buwan lang, may nabasa ako tungkol sa paborito at iniidolo kong mangaka(tawag sa comic artist ng Japan) na si Naoki Urusawa. Bukod sa paggawa ng manga, ang alam ko, gumagawa rin siya ng kanta. At nagko-concert pa siya. Astig.

Siya ang gumawa ng 20th Century Boys na pinakapaborito kong manga at ang kanta ng bida roong si Endou Kenji(aka Bob Lennon) na di ko alam ang title basta may lyrics na “Gutalala Sudalala” e siya rin mismo ang gumawa. May napanood pa nga akong isang video nang kinanta niya iyon sa isang bar.

Sa isang post naman ni Sir Gerry e kanyang ikinuwento ang muli niyang paghawak sa gitara at kung paanong ito ang kanyang parang relaxation lalo noong nag-aaral pa siya.

Para sa akin, napakahiwaga ng gitara dahil para sa humahawak at tumutugtog, bitbit nito ang mga kantang inawit na ng magagaling na gitarista/mang-aawit sa mundo, at mga himig at kantang hindi pa naigigitara ngunit palaging susuot at manunuot sa puso ng tutugtog nito at sa makikinig sa oras na matuklasan.

Hindi nga lang ako marunong magtono ng gitara…

Posted by andoyman at 9:52 am | permalink | Add comment

Si Third

Monday, February 7, 2011

Love at first sight. Maganda. Maputi. May pagkasingkit. Mapungay ang mga mata. Matalino. Matanda nga lang sa akin ng isang taon. Pero ayos lang sa akin kasi “Age doesn’t matter.” Kasikatan ng Parokya ni Edgar noon at tuwing kakanta ako ng kanta nila, siya ang naiisip ko. Siyempre, pwera na ‘yung kantang Oka Tokat at Silvertoes. Pati na rin Buloy.

Meron siyang kakambal pero alam na alam ko kung alin siya sa dalawa. Ganoon kalakas ang “pawer op labs” ko. Naks! Nalaman ng magulang ko na may bago akong crush. Ayos lang sa kanila dahil kakilala nila ang mga magulang ni Third. Hindi ko maalala kung paano basta nakapanligaw ako sa kanya. Sabi naman niya, ako raw ang bahala.

Tinatawagan ko siya minsan sa telepono. Kunwari, magpapatulong sa assignment, tutal, mas matanda siya sa akin ng isang taon. Saka ako pasimpleng magsisingit ng ‘Kumusta?’, kwento ng blah blah, at kung anu-ano pa hanggang magpaalam siya dahil tinatawag na siya ng kanyang magulang at kailangan nang tapusin ang pakikipag-usap. (Grabe, an-korny ko manligaw! Hahaha!)

Minsan, recess namin. Nasa ground floor ang room ko, nasa taas naman ang sa kanila. Humingi ako ng konting lakas ng loob sa mga kaklase ko(parang ganito: “Blink, pahinging tapang!”) saka ako pumunta sa kanilang room.

Kaso, may klase sila. T.H.E. yata ang subject at may ginagawa. Mabuti na lang, katabi lang ng kanyang grupo ang bintana. Nang makita ako ng mga kaklase, nanukso sila ng “Uyyyyyyyyy!” Napangiti lang siya. Nahiya. Nailang. Ganoon din ako. Hindi ko tuloy maumpi-umpisahan ang binabalak kong gawin pero, sa tulong ni Blink, nagawa ko.

Habang abala siya sa paggawa ng handicraft project, hinarana ko siya. Ang kinanta ko: “Harana” ng Parokya ni Edgar. (Natatawa ako habang sinusulat ‘to. Putik! Hahahaha!) Habang kumakanta ako, panay ang tukso ng mga kaklase niya ng, “Uyyyyyyy!” Mas nahiya tuloy siya…at ako. Mas nailang din siya. At ganoon din ako kaya medyo binilisan ko ang pagkanta.

Alam kong sintonado ako pero tinapos ko pa rin. Nang natapos, nagsabi ako ng “Sige” sabay umalis at bumaba papuntang klasrum. Marahil, pulang-pula ang mukha ko noon. Narinig ko ang mahahabang “Uyyyyyyy!” ng kanyang mga kaklase habang papalayo ako ng klasrum. Ngiting-ngiti ako noon. Masaya kong kinuwento sa aking mga kaklase ang nangyari. Baon-baon ko ang saya pag-uwi ng bahay hanggang sa pagtulog.

Kaya lang, ewan ko ba, mas nailang akong gumawa ng next move pagkatapos niyon. Tumatawag pa rin ako sa kaniya sa telepono pero madalas, hindi ko na siya nakakausap dahil may ginagawa (raw).

Quiz bee.

Tapos na ang quiz bee para sa klase namin. Kasunod naman ang sa kanila. Nandoon ako. Nanonood at para ipakitang sumusuporta ako sa kanya. Gusto kong siya ang manalo. Pagdating sa final round, biglang nahulog ang kanyang mini-blackboard. Biglang naghiyawan ang mga kaklase niya. Iyon pala, ang kaklase nilang si Denver ay mabilis na nag-abot ng kanyang mini-blackboard kay Third. Parang prince charming na biglang blah blah blah.

At mula sa sandaling ‘yon, mula nang lumapit siya kay Third at iniabot ang kanyang mini-blackboard, napagtanto kong may gusto rin si Denver sa kanya. At base sa mga hiyawan at kantyawan, pati sa mga parinig (yata) ng kanyang mga kaklase, na-conclude kong boto sila sa kanilang dalawa.

Nanlumo ako. Nanghina. Naglaro sa isip ko na sana, ako na lang ang nag-abot niyon. Hindi siya. Kaso, talo ako. Mabagal ako. Isa pa, boto ang mga kaklase nila sa kanila. Parang gusto kong umiyak ng mga sandaling ‘yon. Parang gusto kong laslasin ang pulso ng katabi ko. Pakiramdam ko, hindi niya ako nakikita ng mga sandaling ‘yon. O siguro kahit noon pa.

Si Denver, gwapo at magaling sumayaw. Iyon pa naman ang isa sa mga gusto ni Third, ang magaling sumayaw. Eh ako, parang daig pa ang palaka sa pagsayaw, sabi ng tatay ko. Hindi nagtagal, nalaman kong may gusto rin pala siya doon. Wasak!

Hanggang sa nagtanong ako minsan sa kanya kung may pag-asa ba ako. Ang sagot niya, wala dahil mga bata pa kami. Nagsabi ako kung si Denver ba ang magtatanong, oo ang isasagot niya. Nairita siya. Hanggang sa nainis na siya sa akin. Wasak ulit!

Alam ng magulang kong may gusto ako sa kanya. At nang minsang bumaba ulit ang mga grades ko, nagalit sila sa akin. Isinisi nila sa crush ko na “Dahil kay Third na ‘yan kaya blah blah blah.”
Pero hindi nila alam na napagtagumpayan kong ma-basted. Medyo matagal na panahon ang nagdaan, naging magkaibigan kami. At nangako ako sa aking sariling hindi ko na siya liligawan…dapat…sana…

Kaso niligawan ko ulit siya noong hayskul. Tapos blah blah blah blah. Basted pa rin ako. Asteg.

Love is sweeter the second time around.

Sa akin:

Basted* is more bitter the second time around.

Yeah, right.

*Di ko alam kung busted o basted ang tamang spelling. ‘Kaw na lang bahala.

Posted by andoyman at 2:47 pm | permalink | Add comment

Kowts

Saturday, February 5, 2011

God helps those who help themselves. So get off your ass already.

Ms. Lea Salonga

Posted by andoyman at 2:14 am | permalink | Add comment

Si First

Friday, February 4, 2011

Mapayat siya. May pagka-singkit. Maputi. Maiksi ang buhok. At maganda magsulat. Ang tanda ko, naka-ilang “Best in Penmanship” siya noon. Ako, hindi kasi daig pa sa kinalahig ng alien ang sulat ko. Mahilig kasi akong makipag-unahan sa pagsusulat sa aking katabi noon kahit ang premyo e gutay-gutay na notebook, hindi maintindihan na sulat at ngawit na kamay.

Gustong-gusto ko talaga si First noon. Siya ang “first love” ko. Nyay! Palagi ko siyang tinititigan kapag may pagkakataon. Nasa last-row-second-to-the-last-column ako. Siya naman, nasa bandang gitna. Pero kitang-kita ko pa rin siya kahit side view lang. Ikinukwento ko kay Mama na crush ko si First. Minsanan ko lang yata nakausap noon si First. Alam kasi niya, at lahat ng kaklase namin, na crush-to-the-bones ko siya kaya naiilang-to-the-bones naman siya sa akin. Nahihiya rin ako sa kanya—‘yung magba-blush agad ang mga mata este pisngi kapag nagkaharap na.

Kaso hindi ako ang crush niya kundi si Adrian. Maputi ‘yon, di tulad ko, kayumanggi. Matangos ang ilong, di tulad ko, pango. Matalino ‘yon, di tulad ko, cute. Higit sa lahat, gwapo ‘yun, ala-John Lloyd Cruz lang ako.  At ang pinakamatindi, magkatabi sila ng upuan. Inangkupo.

Tuwing may itinuturo si Ma’am noon, di ako nakikinig sa kanya, tinititigan ko lang si First. Hindi ko lang alam kung alam niya. Kapag may quiz tapos may hindi ako masagot na tanong, iniisip ko kung alam kaya niya ang sagot. Hehe.

Hindi ko lang din tiyak kung nakapagsulat ba ako ng love letter noon para sa kanya. Madalas din akong mag-daydream noon na kunwari kasama ko siya tapos namamasyal kami.

Tapos minsan, nangailangan si First ng notes dahil hindi niya natapos ang pagsusulat sa Math. Kaya ako naman, “the automatic-hero para lang sa kanya” ay nag-abot ng tulong: ipapahiram ko ang aking notes sa kanya.  Tinukso tuloy kami ng mga ungas kong kaklaseng hinugot sa tadyang ni Lucifer ng:  “Uyyyyyy!” Nagkahiyaan tuloy. At bigla siyang nagsabi ng: “Kay Adrian na lang ako hihiram.” Ouch! Ansakit Kuya Eddie. Tinawanan pa yata ako ng mga damuho kong kaklase. Parang gusto kong punitin ang mukha ni Adrian noon, lalo ang mga naaaaaapakabait kong kaklase.

Mas masakit sa akin noong sinabi niya isang araw nang nagtapat akong may gusto ako sa kanya. Ang sabi niya: “Sorry pero mga bata pa tayo.” Noong mga panahon na ‘yon, masakit talaga. First love, first broken heart. Parang pinitik ni Taguro ang mumurahin kong utong. Nagkasugat kaagad ang mumunti kong puso. Umuwi ako sa bahay at nang tama na ang tiyempo, umiyak ako. Noong natulog ako, umiyak din ako. Kinabukasan, puro muta ako. Nagalit ako sa ginawa niya sa akin. Kasi it hurts talaga. Pagkatapos, mas bumaba ang iskor ko sa mga exam. At mula noon, pinagbawalan na akong mag-crush-crush sa kanya. Um-oo naman ako sa nanay ko dahil nasaktan ako noon.

Sumunod na taon, hindi ko na siya nakita dahil lumipat na ng iskul. Ayaw niya raw kasi akong nakikitang nasasaktan. Joke! Ang pinakahuling kita ko sa kanya e noong mga bandang Grade 4 o 5(o highschool?) yata ako. Kasama niya ang kanyang nanay, galing yata sila ng mall. Mas matangkad siya sa akin. Nagkatinginan kami. Kinilala kung siya ba ‘yung kaklase noong bata pa kami. Pero hindi na kami nagkausap o nagkakumustahan dahil iba ang direksiyon niya at iba ang direksiyon ko.

Lumipad na lang ako palayo sabay sabing: To infinity and beyond!

Posted by andoyman at 6:25 pm | permalink | Add comment

Wala lang: #19 "Hindi ako makatulog!"

Wednesday, February 2, 2011

Hindi ako makatulog.

Sa tingin ko hindi naman ‘to insomnia. Sobrang ingay lang talaga ng utak ko. Gusto nang matulog ng katawan ko pero itong kokote ko, hay naku, napakakulet. Di ko mapagsabihan na tumahimik muna. Ayaw akong patulugin.

Hindi ba may kasabihan na kapag hindi ka raw makatulog e may nag-iisip sa’yong tao? Ganoon din kapag binaligtad mo, di ka makatulog dahil may iniisip kang tao. Iniisip ko kung totoo kaya ‘yung una kong sinabi? Madalas, hinihiling ko na iniisip din ako ni crush para at least, ayos lang.

Naalala ko may sinulat din ako tungkol sa hindi rin ako makatulog. Ginawa kong pampatulog ang pagsusulat. Epektib naman…noong panahong iyon. Ewan ko lang ngayon. Pasado alas-tres na ng madaling-araw at gising na gising pa rin ang utak ko.

Kung may available lang na busal pang-utak, siguro, matagal na akong bumili n’un. Sana ganito rin kaingay ang isipan ko noong panahon ng thesis namin. Kahit gising kasi ako ng madaling-araw  noon, antok na antok naman na ang brain cells ko, pagod at stress pa.

May kakilala akong kayang maging gising hanggang madaling araw at papasok ng iskul nang hindi nakakatulog o minsan sobrang konti ng tulog. Hanep ‘yun. Iniisip ko kung kumusta na kaya ang puso’t utak n’un kasi di ba, kelangan ng pahinga ng mga ito at kung hindi, paano gagana ang mga iyon ng tama, di ba?

Wa. Kelan kaya ako makakatulog? Gusto ko na talagang magpahinga pero di naman ako makatulog.

Kapag ganito, may isang paraan akong alam na tinuro ng nanay ko: Paikutin mo ang iyong unan ng tatlong beses at makakatulog ka. Kwento rin niya, kapag daw siya hindi makatulog e nagbibilang siya ng langgam sa isipan niyo, o basta isipin mo na lang na makakatulog ka.

Naalala ko bigla ang isang eksena sa Mr. Bean nang minsang hindi rin siya makatulog. Binilang niya ang mga tupa sa litrato. At dahil naguguluhan siyang magbilang, nag-multiply na lang siya! Tapos bigla na siyang nakatulog. Haha!

Grabe pala ang mga balita ngayon, ano? Rebolusyon sa Egypt, carnap-an at bombahan ng sasakyan at bus, pabaon sa military, at KC at Piolo, sila na?! KC, paano na si Geneva niyan?

Umuulit-ulit din sa utak ko ang mga kantang Ms. American Pie, 20th Century Boys, Gutalala Sudalala, at Linda Blair. Langyang kantang Linda Blair na ‘yan, nakakatawa talaga. Haha.

Ano baaaaargh!!!!

Posted by andoyman at 3:19 am | permalink | comments[4]

Justice in the Philippines Posts

Take a look and read :)

Katarungan sa Pilipinas
by Please Bury Dough Boy

The Philippines seems to not yet have fully recovered from the hostage bombing late last year as successive tragedies continue to attack our collective psyche. It seems every other week something happens that will make your blood boil, if not overwhelm you with despair. Just to recap quickly, recent events that have shocked the country include:

The recent carjackings of Margarita ForesEmerson Lozano, driver Ernane Sensil and Venson Evangelista, the latter three of which led to their deaths
 

Justice in the Philippines: What’s the right thing to do?
by Ms. Janette Toral

My exposure to the Hubert Webb case last November was a major eye opener. After meeting him in person, thinking about Hubert’s situation got me scared, unexplainable tears, and was already set with the decision that if he doesn’t get acquitted, will push for my family’s migration to another country.

Worried thoughts have calm down after I eventually blogged about it. My perspective on justice has change ever since even though Hubert was already acquitted and free today.

When news about crime and arrested suspect(s) gets reported in the news, I can’t help but wonder if the ones mentioned on the news are the real culprits or not.

 
Kasama diyan ‘yung illustration na ginawa ko :) wiiii
Posted by andoyman at 1:28 am | permalink | Add comment

Darna

Tuesday, February 1, 2011

“Ang maging tayo ay tulad ng pagkapanalo sa lotto—imposible. Pero gusto kita.”

Hindi mo alam kung pag-ibig o paghanga lang ito. Tanging ang panahon lang ang makapagsasabi. At kung ibang tao ang titingin, tiyak mong sasabihin nilang isang malaking kalokohan lang ito. Lagi naman silang ganoon.

Mula sa paulit-ulit na pagkabigo, nakadama ng pagkasawa ang iyong puso. Nakadama rin ng takot na naging bunga ng lahat ng paghihintay at pagbabakasakali. Ngunit ganoon talaga, isang malaking “trial-and-error” ang lahat.

Kaya heto, muli kang nagbabakasakali sa kanya. Kahit mukhang imposible ang lahat.

Minsan, nakakatakot na ang sumugal lalo kapag nakailang beses ka nang natalo. Madalas, naiinggit ka sa iba dahil sa kakaibang swerteng mayroon sila; napagwagian nila ang hindi mo napagwawagian. At tila bato-balani ng kaswertehan naman ang ibang naghihintay lang pero kusang dumarating ang hinahanap.

May balat yata ako sa puso, sabi mo sa iyong sarili. Ang pinakahuling beses na nakipagsapalaran ka ay sa isang babaing muling nagpakita sa iyo ng kasiyahan pagkatapos ng mahaba mong paghihintay. Para kang si Noah na nakakita ng bahaghari pagkatapos ng mahabang tag-ulan.

Higit sa inaasahan mo ang bawat araw na dumaraan sa tuwing kausap mo siya. Parang isang panaginip na nagkatotoo. Marami ka tuloy nakikitang paru-paro.

Pero iyon na nga, isang panaginip lang ang lahat. Akala mo totoo, hindi pala. Nakakaloko nga lang isipin na ang isang magandang panaginip na iyon ay isa rin palang bangungot at hihilingin mong sana’y hindi na lang nangyari. Ngunit hindi mo rin kasi alam ang magiging dulo ng kwento.

Mayroon man, ideya lang. Sapat para ipaghanda ang iyong sarili sa isang inaasahang “hindi inaasahang pagtatapos.”

Hindi mo alam kung pinaglaruan ka niya, o napaglaruan ka ng tadhana. O pinagpustahan ka lang ng kupido’t mga anghel sa langit habang nagka-cara-y-cruz sina San Pedro at ng kanyang manok.

Nakakaasar. Nakakaloko.

Pero aminin mo na iyong nagustuhan ang panandaliang iyon. Sapagkat dahil doon, nalaman mong mayroon pa palang pag-asa na magkaroon ka ng magandang istorya.

Kaya heto ngayon, ipagsasapalaran mong muli ang iyong puso sa isang hindi mo kilala at hindi ka kilala. Kung titignan ang lahat ng anggulo, imposible talagang maging kayo. Magkalayo ang karamihan ng aspeto sa inyo. Ngunit umaasa ka na mayroon pa ring isang bagay na magkakalapit kayo. O isang pagkakataon na maglalapit sa inyo at magbibigay ng pagkakataon na magkrus ang inyong mga mata.

Sabi ni Pete Wentz, “Women are like apples on trees, the best ones are on the top of the tree. The men don’t want to reach for the good ones because they are afraid of falling and don’t want to get hurt. Instead, they just get the rotten apples from the ground that aren’t so good but easy. So, the apples at the top think something is wrong with them, when in reality they are amazing. They just have to wait for the right man to come along, the one who’s brave enough to climb all the way to the top because they value quality.”

Kaya muli mong hahayaang tumibok ang iyong puso para sa taong iyon, gaano man kalaking kalokohan ito para sa iba, gaano man karami ang dala-dala mong peklat, gaano man karami ang bahagi ng iyong puso na naipamigay mo na sa iba kahit sakit ang ipinalit, gaano man kababa ang tsansa na matutupad ang iyong pangarap na makasama siya.

Muli kang aasa. Muling mangangarap. Muling magbabakasaling ikaw ang kanyang “…happily ever after.”

Gaano man ka-imposible, balak mo pa ring subukan. Balak mo pa ring pumusta.

Kasabay ang paghiling sa langit na sana’y siya na nga.

Posted by andoyman at 8:07 pm | permalink | comments[1]

Ang Pinakauna Kong Ano, Interview

Thursday, January 27, 2011

Maraming salamat sa Creativoices sa pagkakataon :)

Note: Last year pa ‘to kaya di na updated yung ibang text.

Posted by andoyman at 2:56 pm | permalink | Add comment

Kowts

1. Learn from everyone
2. Follow no one
3. Watch for patterns
4. Work like hell

-Scott McCloud, Making Comics

Posted by andoyman at 12:21 pm | permalink | Add comment

Inspired ako. Ginaganahan ako.

Wednesday, January 26, 2011

Anhirap ng ganito: uninspired.

Mas mahirap pa kesa writer’s block, artist’s block, mental block, o hollow block (yah, corny). Hindi ko maintindihan kung bakit minsan nawawalan ka ng inspirasyon.

Power of words… Ang sabi nila, kung ano ang lumalabas sa bibig mo, iyon ang gusto mong mangyari. Hmm…

Inspired ako. Ginaganahan ako.
Inspired ako. Ginaganahan ako.
Inspired ako. Ginaganahan ako.
Inspired ako. Ginaganahan ako.
Inspired ako. Ginaganahan ako.
Inspired ako. Ginaganahan ako.
Inspired ako. Ginaganahan ako.
Inspired ako. Ginaganahan ako.
Inspired ako. Ginaganahan ako.
Inspired ako. Ginaganahan ako.

Itutulog ko na lang muna ‘to.

Posted by andoyman at 11:49 pm | permalink | Add comment

Nang dahil sa’yo

Monday, January 24, 2011

Nang dahil sa’yo

Ay muling tumutula

Ang aking puso.

Posted by andoyman at 11:49 pm | permalink | Add comment

Kowts

Sunday, January 23, 2011

Smile is, by far, the simplest yet the greatest and most powerful movement of human lips.

-andoyman :)  

Posted by andoyman at 2:29 am | permalink | Add comment

Ang Alamat ng Toot at Tuut

Saturday, January 22, 2011

Ano ang basa mo rito:

“TUUUUT”

E dito naman:

 

“TOOOOT”

 

Kung di ka pilosopo, paniguradong parehas lang ang tunog na ginawa mo. Pinoproblema ko lang kasi kung bakit, sa palagay ko lang naman, mas madalas ginagamit ang SFX o sound effect ang spelling na TOOT kesa TUUT gayong parehas naman ang bigkas at tunog?

Wala lang. Malay mo kapag nasagot ito, masosolusyunan na rin ang problema ng sangkatauhan sa gutom, global warming/climate change/doomsday, pag-epal ni Ophiuchus sa zodiac sign, o kung bakit palaging present sa likod ni Manny Pacquiao si Chavit Singson.

Di naman masamang magtanong. Mas maganda nga kung nagtatanong kaysa tameme lang. Pero may mga tanong talaga na sadyang napakahiwaga at mapapadugtong ka na lang ng: “Bakit nga kaya?”

Bakit nga kaya mas okey sa atin ang nakasimangot kaysa nakangiti? Katulad na lang din sa mga taong naglalakad tuwing rush hour. Halos lahat, nagmamadali, (natatae), at nakasimangot. Magkakasalubungan, parehas nakasimangot. At bakit mas wirdo para sa atin ang nakakasalubong ang nakangiting tao sa atin?

Minsan, papunta ako ng photocopy-han, nakasalubong ako ng guwardiya ng eskwelahan. Nakangiti siya sa akin. Malas lang niya, medyo bad trip ako kaya nakasimangot ako. Alam mo ang nangyari? Unti-unti siyang sumimangot din. Kitang-kita ko in slow motion. Naisip ko na marahil, naasar siya sa akin dahil nginitian na nga, tapos, sinimangutan ko pa. At naisip ko rin na sana, ngumiti na lang din ako. Hindi naman kasi ganoon kahirap ngumiti.

Mayroon din isang bata na nakasalubong ko. Di kami magkakilala pero nang papalapit na kami sa isa’t isa, habang hawak-hawak siya sa kamay ng kanyang nanay, ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin naman ako. At—napakagaang isipin na sa simpleng ngiti e mapapangiti ka rin at gagaan ang pakiramdam mo at gaganda ang simula ng araw mo.

Pero may mga ngiting ayokong makita talaga. Lalo ‘yung mga ngiti ng mga di ko alam kung saang madilim at pinakatagong mundo ng maligno nanggaling ang mga baklang minsan e nakakasalubong ko. ‘Yung tipong napatingin ka lang, walang bahid ng kung anupaman, tapos bigla kang ngingitian ng nakakatakot, nakakapanginig-gulugod, nakakatayo ng balahibo, at masarap manuntok, sabay malanding magsasabi ng: “Hi boy…”

Ganoon din ang eksena kapag ang isa o grupo ng pahinante na nakasakay sa trak (o kahit mga drayber/kunduktor/pasahero ng jeep o bus) ay nakakita ng seksi at magandang babae, lalo sa mga nagsusuot ng maiiksing palda, ‘yung kaunti na lang e kita mo na ang obaryo. Sisitsitan, sisipulan, ngingitian(manyak version), at magsasabi ng: “Hi miss…”

Ang mga babae naman, kapag ngingiti, alam mong may ibig sabihin. Lalo sa mga ngiting “intimate.” Para sa mga kalalakihan, senyales ‘yon na tipo ka ng babae…iyon ay kung tunay nga siyang babae.

Parang masarap ding isipin kung ang lahat ng tao sa mundo, kahit hindi man magkakakilala, ay nagngingitian sa isa’t isa. Parang napakagaan ng buhay. Parang napakasaya.

Sana laging may kamera sa harap ng bawat tao para lagi tayong nakangiti.

Uy, pa-cute ang ngiti niya.

Posted by andoyman at 8:41 pm | permalink | Add comment

Tungkol sa Alignment ng mga Kagamitan Ko

Monday, January 17, 2011


Pindutin para palakihin.

Heto ang mga gamit na nasa kama ko ngayon. Sa totoo lang, hindi pa lahat ‘yan. Binawasan ko na lang dahil sumisikip. Walang kinalaman si Ophiuchus sa gulo ng gamit ko pero aminado akong makalat akong tao. Maayos sa akin ang magulo ‘pag dating sa gamit at kahit na magulo ‘yan, alam ko pa rin kung saan hahanapin ang hinahanap ko; dahil din diyan kaya ayaw kong pinapagalaw ang mga bagay na sa akin.

Ang mga nakikita mong kagamitan e mga tools ko ‘yan sa pagguhit, paggawa ng komiks, o pagsusulat. Wala akong drawing table kaya nagsusumamo ako sa’yo ng buong puso’t kaluluwa lalo sa mga taong may bahid kabutihan at kadakilaan ang kanilang puso, maaari mo ka bang mag-donate ng drawing table sa akin? *wink* Uyy, ambait niyan, oh… Hala, sit! Sit! Good dog…

(Mula sa pinakataas, bandang kaliwa muna, clockwise tayo)

a) Maliit na asul na kwaderno – ito ang “Idea book” ko. Binili ko ‘yan dati para sa ibang gamit. Naglalaman ‘yan ng—ano pa nga ba—kundi mga idea na naiisip ko. Ilan sa mga laman nito:

    -Sana may dart shooter ang mga cctv camera. (Naisip ko kasi, madalas hanggang record ng video lang ang nagagawa nito. Mas maganda kung may dart shooter , halimbawa, ng tranquilizer para sa mga magnanakaw na nahuhuli ng lens nito.
    -Gravity energy (Maganda kung mako-convert ang gravity bilang kuryente. Isipin mo kung maisasakatuparan ito, napakalaking tipid para sa lahat. Unlimited pa ang gravity! Di tulad ng fossil fuels.)
    -“Last impression lasts(?)” (Bigla ko lang naisip ‘yan.)

b) Siyanga pala, may nakapatong na pambura sa ibabaw ng notebook. Di ‘yon tae.

c) Isang bagong komiks ‘yan. Sikreto na muna kung ano ang kwento. :)

d) Katabi ng komiks e ballpens, pens, at pencils. Marami siya tignan pero di lahat nagagamit ko at ang iba, wala ng laman. Tinatamad lang akong itapon.

e) Corona Sketch Pad – naglalaman yan ng mga una kong guhit para sa komiks na Foodcourt. Nabasa ang bandang baba dahil sa kaengotan ko. Dahil doon, balik bond paper na lang ako. Ngayon, scratch paper na lang siya para sa mga drafts eklavu. (May nakasingit nga pala na scratch paper dyan. Wala lang.)

f) Masking tape – pantapal sa butas ng bibig…o pandikit ng papel sa drawing board (cork board talaga ‘to).
g) ‘Yung nasa tuktok na notebook, wala pang laman ‘yan. Nakita ko lang minsan. May purpose ‘yan kaso matagal kong di ginalaw. At ang nasa ilalim naman e ang aking journal, naglalaman ng mga private stories ng buhay ko ala-xerex.

h) Isang rolling ruler na binili ko sa Jolly’s sa may Lacson sa may USTe. Matagal ko na ring gusting magkaroon niyan. Last year lang ako nakabili.

i) Isa na naming sketchpad. Parehas din ng brand(Corona) at kulay(asul). Naglalaman ng mga bago kong drawing na hindi ko pa napapa-scan kasi wala akong scanner. Pwede ka ring mag-donate ng scanner sa akin. Please.

Ngayong nalaman mo na ang mga mahihiwagang bagay na ‘yan, bukod sa hindi naman ‘yan nakapapatay ng tao, marahil na-deduce mo na rin na mahilig ako sa kulay blue(hence, the background of my blog) at malay mo, dahil sa alignment ng mga gamit ko, maaaring makabasa ka ng numero na tatama sa lotto!

Ayun.

PS: Siyanga pala, hindi ako ang pumipili ng kobre kama ko kaya wag mo na lang pansinin si Hello Kitty d’yan.

Posted by andoyman at 9:48 pm | permalink | comments[4]

Kowts

Friday, January 14, 2011

Comics offers tremendous resources to all writers and artist: faithfulness, control, a chance to be heard far and wide without fear of compromise. It offers range and versatility and with all the potential imagery of film and painting plus the intimacy of the word. And all that’s needed is the desire to be heard, the will to learn, and the ability to see.

-Scott McCloud, Understanding Comics

(Kung mahilig ka sa komiks, o gumagawa ka nito–hobby man o job, o minamaliit mo ang komiks, inirerekomenda kong mabasa mo ang comic book na ‘to tungkol sa comics; at pagkatapos, panigurado ako, mag-iiba ang tingin mo sa art na ito.)

Posted by andoyman at 12:57 am | permalink | Add comment

Elevator Part II

Thursday, January 13, 2011

Matagal kong hindi sinundan ng post ang kwentong ‘to kahit may dalawang chapter na akong nagawa, matagal na. Bigla lang di ko na-trip-ang ituloy dahil parang di na ako makakonek sa isinusulat kong ito. Kumbaga humina ang signal sa akin at sa kwentong ‘to. Gets mo? Pero nasimulan ko na ito kaya dapat magawa kong matapos din. O siya, enjoy reading na lang :) Abangan ang mga susunod pang kabanata nito :)

—–

 

“’Tol. Tapatin mo nga ako. May gusto ka ba talaga sa bestfriend mo?”

Napalunok ka sa tanong ni Richard. Sinuri mo ang kaniyang mga mata at walang dudang seryoso siya. Natutusok ang iyong sarili ng kaniyang mga mapanuring titig na uhaw na uhaw sa iyong sagot. Ramdam mo sa kanyang mga matang hindi matanggal ang pagkakadikit sa iyo ang kagustuhan niyang malaman ang katotohanan.

“Ba’t mo naman natanong, ha? Dahil ba sa close kami? Dahil ba madalas na kami ang magkasama? Alam mo naman na bestfriend ko lang naman siya, di ba? Sus. ‘Wag mo na ‘yon problemahin. Ito naman, oh.”

Nakangiti ka habang sinasabi ang mga salitang ito habang nakatingin lang siya sa’yo nang diretso. Walang kurap niyang pinagmamasdan ang iyong mga kilos at walang puknat na pinakikiramdaman ang iyong sarili.

“Mapapasagot mo rin ‘yon. Malay mo, may gusto rin pala siya sa ‘yo. Oh…baka ikaw lang naman ang totorpe-torpe d’yan? Nakow! Ayaw n’on sa torpe. Dapat konting tiyaga pa sa panliligaw mo sa kaniya. Dalasan mo rin ang panunuyo at ipakita mo lang ang totoo mong ikaw. Ipakita mong malinis ang iyong intensiyon. Huwag ka ng masyadong mag-alala d’yan.”

Naiipit ang dibdib mo sa bawat binibitiwan mong salita para lang mapatunayan mo na bestfriend lang ang tunay na tingin mo sa “kaniya” kahit ang kapalit nito ay ang paggawa ng sarili mong mga tinik na susugat sa iyong puso. Ang mahalaga, walang makakaalam ng tunay mong nararamdaman para sa “kaniya”, ang tangi mong idinadahilan sa iyong sarili. Hindi ka na mapakali sa mga titig na ibinabato niya sa iyo.

“Teka, Chard, bakit mo naman naitanong ‘yon?” Pinunasan mo ang pawis na lumilinya sa iyong batok at noo.

“Uhm…Wala lang. Napapansin ko lang naman. At sa tuwing nakikita ko kayong dalawa na magkasama, alam mo ‘yon, parang nakakadama ako ng pagseselos. Sorry ‘tol pero sinasabi ko lang ang totoo kong nararamdaman. Parang napapaisip lang din ako na ‘Ano ba talaga kayo? Magkaibigan o magkaIBIGan?’”

Napalunok kang muli.

Tumunog ang elevator at nagbukas ang pinto nito ngunit walang tao kayong natagpuan. Ilang segundo lang ang lumipas ay nagsara ang pintuan at bumaba papuntang ground floor.

Napapangiti ka na lang sa kabila ng wala kang magawa pero halata pa ring hindi ka na kumportable. “A-ano ba ‘yan? M-masyado ka lang paranoid kaya kung anu-anong iniisip mo.”

“Siguro nga paranoid na ako. Sana nga gano’n lang ‘yon. Ewan ko. Hindi talaga matahimik ang utak ko kakaisip kung ano ba talagang namamagitan sa inyong dalawa. Parang laging may nag-uudyok sa akin na huwag paniwalaang hanggang bestfriend lang ang turingan ninyo sa isa’t isa. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.”

Patlang.

Wala kayong marinig na iba pang tunog o kaluskos o pag-akyat ng elevator o kahit mga yapak ng mga estudyante. Hindi ka mapakali at parang naiihi na ang iyong dibdib dahil sa pinag-uusapan ninyo. Maya-maya, muli siyang nagsalita.

“Di nga ‘tol. May gusto ka ba sa kaniya?”

***

Nadatnan mo ang iba mo pang kaibigan sa loob ng banyo. Pagkatapos mong umihi, dumiretso ka sa may lababo’t humarap sa salamin. Magkakasama kayong lima na nag-aayos ng inyong mga sarili. Nag-retouch ka lang nang kaunti pero dinamihan mo ang paglagay ng cologne sa iyong sarili. Inayos mo rin ang iyong buhok. Makailang ulit mo itong sinuklayan bago ka nag-ipit. Panay ang tukso naman nila sa iyo habang nag-aayos ka.

“Uyyyyyyy! Grabe ka, ha. Dala-dalawa pa ang dyino-dyowa mo! Ibang level ka, girl.”

“Adik kayo! Hindi, ha. Hahaha.”

Hindi ka napipikon sa mga hirit nila sa ‘yo kasi iba ang iniisip mo habang nag-aayos ng sarili. Napapangiti ka hindi dahil sa mga panunukso nila kundi sa isang magandang gabing nag-aantay sa iyo. Ikaw ang unang umalis at naiwan lang sila roon sa restroom. Pakiramdam mo’y may ulap na nakaikot sa iyong mga paa habang dahan-dahan ngunit sabik na sabik mong nilalakad ang corridor patungo sa “kaniyang” kinaroroonan.

Nang ilang metro na lang ang layo mo sa kanila, napansin mo ang seryosong mukha ni Richard. Nakatalikod naman ang bestfriend mo mula sa iyong kinaroroonan. Batid mong mayroon silang pinag-uusapang mahalagang bagay. Dahan-dahan kang lumapit sa kanila pero sa likod ng iyong bestfriend ka dumaan nang maulinigan mo ang kanilang pinag-uusapan.

“Di nga ‘tol. May gusto ka ba kaniya?”

Inabangan mo ang kaniyang sagot. Nakatingin ka lang sa kaniya habang dahan-dahang dumadaan sa kaniyang likuran. At nagpabalik-balik sa iyong tainga ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig.

“Wala. Wala akong gusto. Bestfriend lang talaga ang tingin ko sa kaniya.”

Saka ka naman nila nakitang dalawa. “O, nand’yan ka na pala,” sabi ni Richard na may halong pagkagulat. Agad naman “siyang” lumingon sa’yo. Tahimik lang ang iyong mukha at walang pinatutunguhan ang mga mata habang gulat naman siya. “Uwi na tayo,” tinalikuran mo ang iyong bestfriend at pinindot ang ‘up button’ ng elevator. Maya-maya lang, nandiyan na ito. Sabay-sabay kayong tatlo na pumasok sa loob.

Walang umiimik. Walang nagsasalita. Walang nagpapansinan. Nasa kanang sulok ka habang nasa kabila naman si Richard. Nasa harapan mo naman “siya”, nakatalikod sa iyo. Nakatitig ka lang sa kawalan at napupuno ang iyong dibdib ng sama at bigat ng loob.

***

“Wala. Wala akong gusto. Bestfriend lang talaga ang tingin ko sa kaniya.”

Walang humpay mong nakikita sa iyong isipan ang mga salitang binanggit mo kanina. Sising-sisi ka kung bakit mo ‘yon sinabi. Mali. Sising-sisi ka kung bakit nasabi mo ‘yon nang nandoon siya sa tabi mo. Hayun tuloy. Narinig niya. Paano mo pa babawiin ‘yon? Paano mo ipapaliwanag sa kaniya na ‘wala lang’ iyon? Na pantakip lang ‘yon sa tunay mong nararamdaman? Na ang totoo, higit pa sa pagiging magkaibigan ang tibok ng puso mo para sa kaniya?

Ano ang gagawin mo? Gustung-gusto mong iumpog nang malakas ang ulo mo sa pader sa sobrang inis sa iyong sarili. “Aaaargh!” pagsisising sigaw mo sa loob ng iyong isipan.

***

“Wala. Wala akong gusto. Bestfriend lang talaga ang tingin ko sa kaniya.”

Nanunuksong sinusundot ng luha ang iyong mga mata. Handa ng bumagsak ang mga ito dahil sa narinig mong mga salitang nanggaling mismo mula sa kaniya na paulit-ulit na umaalingawngaw ngayon sa iyong tainga. Ang akala mo, magiging masaya ang gabing ito. Ang akala mo, may gusto rin siya sa iyo.

Hindi pala.

Isang malaking kalokohan lang ang pagpapantasya mong siya na ang lalakeng hinahanap mo. Masyado ka lang nadala sa nararamdaman mo para sa kaniya. Masyado ka lang umasa. At ito ka ngayon, masyadong nasaktan. Pero kailangan mong pigilan ang pagluha.

***

“Wala. Wala akong gusto. Bestfriend lang talaga ang tingin ko sa kaniya.”

Makailang beses mong inuulit-ulit ang sinabi ng iyong kaibigan. Sinusuri at tinitimbang mo ang kaniyang mga binitiwan: totoo ba ‘yon o pantakip lang sa kanyang nararamdaman? Nakakadama ka ng kakaibang pakiramdam sa loob ng elevator. Kakaiba ang katahimikan na para bang may kung ano pang bumabalot dito.

Parang ilang oras ang itinagal ninyo sa loob ng elevator bago nito naabot ang ground floor. Unang lumabas ang iyong kaibigan kasunod siya at ikaw naman ang huli.

Nakakailang hakbang pa lang kayo nang magsalita ang iyong kaibigan. “O pa’no? Mauna na akong umuwi. Umm…,” ipinostura niya ang kaniyang kamay para magpaalam, “’Tol, sige. Ingat kayo. Ah…Bes, sige. Una na ‘ko.”

Tinignan mo ang babaeng kasama mo ngayon. Nakatingin siya sa kaniyang bestfriend pero agad ding inilihis ang paningin. Ilang saglit lang, kayong dalawa na lang ang natira. Pagkalabas niyo ng Tech Building, sinubukan mo siyang kausapin tungkol sa exam nila kanina. Pero mukhang wala siya sa mood para makipagkwentuhan. At hindi mo alam kung dahil ba ‘yon sa narinig niya mula sa kanyang bestfriend o baka may iba pang dahilan.

Malamig sa katawan ang bawat pagdampi ng hangin sa iyong balat. Sinubukan mong hanapin ang buwan sa kalangitan subalit hindi mo nakita. Mayroong ilang bituin pero bilang lang sa daliri ang dami. Medyo kaunti na lang ang tao sa daan at mas mapayapa na ang paligid. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, dama mo ang namamagitang kalungkutan sa kaniyang mabibilog na mga mata na mas malamig pa sa yapos ng hangin. Nababanaag mo ang mga sumisinag na mumunting tubig dito. At nang walang kadahi-dahilan, tinanong mo siya tungkol sa isang bagay.

“…M-may gusto ka ba sa…bestfriend mo?”

Subalit sa halip na makakuha ka ng sagot, nanatili lang siyang tahimik at nahalata mong mas sumama ang kaniyang mood. Nakapansin ka nga kaunting pagsimangot. Maya-maya lang, nagpaalam siyang mauuna na siyang umuwi at hindi ka na niya pinasunod pa.

Napaalam ka na rin hanggang sa nakita mo na lang ang iyong sariling naglalakad mag-isa sa ilalim ng kalangitan ng gabi.

Posted by andoyman at 8:28 pm | permalink | Add comment

Ang Nazareno sa Pananaw ko Noong Bata pa ako

Saturday, January 8, 2011

Deboto ang nanay ko sa Poong Nazareno mula pa noong nagkamuwang ako sa mundo. Hindi palasimba ang tatay ko pero naimpluwensyahan siya ng nanay ko nang naging sila. (Naks! Good influence!) Naaalala ko pa kung paano ako tinuruan ni mama kung paano magdasal at gaano ito kahalaga. Dahil kay Bro. Eli Soriano ng Ang Dating Daan kaya natuto akong magbasa ng bibliya (mabuti’t hindi ang pagmumura). Gayunpaman, tanging ang Revelation lang ang natapos kong aklat. Nang magbasa ulit ako ng bibliya, naka-dalawa yatang aklat ang natapos ko at di ko na natuloy. Minsan nga, nasabihan ko pa ang kapatid ko ng “demonyo” dahil naistorbo ako sa kanya. Grabe, ansama ko, mehn. Nagsusuot ako ng kwintas ng Nazareno kahit nasabihan ako ng isa kong kaklase noong elementary na hindi naman kelangan ang ganoon kung nasa puso mo si Hesus (naks!). Naging parang agimat sa akin na naging bahagi rin ng sarili kong gawang pamahiin ang krus na meron ako. Minsan, sinubukan naming tatlo, ako, kapatid ko at si mama, na magdasal ng rosaryo…at isang beses na lang naming nagawa iyon. Noong bata pa ako, sinabi ko sa sarili ko na sasali ako sa paghila ng Nazareno sa Quiapo at gagayahin ko si mama sa pagkumpleto niya ng siyam na Biyernes.

Pero, sa pagdaan ng taon, kasabay ng paulit-ulit na pangyayari sa bansa, at walang katapusang ungol ng mga tao dahil sa sobrang kahirapan at desperasyon na guminhawa este yumaman kaagad, nag-iba ang pananaw ako. Pero di ako gaano tumangkad. Kainis.

Naniniwala ako sa Diyos at kay Bro Jesus. Pero hindi (na) ako naniniwala sa relihiyon.

Hindi na ako naniniwala na kelangang mong mahila ang Nazareno para mapatawad ka sa mga kasalanan at katarantaduhang ginawa mo sa buhay mo, sa sarili mo, at sa ibang tao; o kahit para mapatunayan ang pananampalataya mo. Hindi na ako naniniwala sa pagdadasal ng paulit-ulit sa rosaryo. Hindi na ako naniniwala na kelangan ko ng relihiyon. Hindi na rin ako nagsusuot ng kwintas na krus.

Naniniwala pa rin naman ako sa bibliya pero hindi ko pa rin magawa sa ngayong basahin ang kabuuan nito…at hindi naman ako nagiging masamang tao kung sakaling hindi ko mabasa iyon. Naniniwala rin kasi ako na hindi lang naman sa bibliya nasasaklaw ang Diyos, na sa bibliya niya lang maipaparating ang kanyang pagmamahal sa lahat. Ika nga ng prof ko, hindi nalilimita ang Diyos sa bibliya. At kung palagi ka lang makikinig sa iyong konsensya na palagi mong ini-isnab, mas makakagawa ka ng tama…sana nga nagsasabi din siya ng numero sa lotto.

Bali sa ngayon, nasusunog ka na, ‘no?

Matanong kita: Bakit ka naniniwala sa Diyos?

Nabasa ko lang kasi ang tanong na ‘yan at iniisip ko pa rin hanggang ngayon ang sagot. At kung kelangan ko ba talagang sagutin iyan. At kung may sagot ba talagang angkop para diyan.

Ngayon, sasabihin mo naman sa akin, napaka-seryoso ko. Eh di mag-jo-joke ako. Sige. Ahm… Tumingin ka sa salamin.

Tapos tawa ka. Ayun na. Kitams! Mas okey pang magseryoso ako kesa mag-joke, sobrang korni eh! Pati ako nakokornihan talaga.

Sinusuportahan ko ang pagse-sex pagkatapos ng kasal. Sinusuportahan ko ang pagpapakasal ng parehong lalake o parehong babae. Sinusuportahan ko ang…hmmm…sa totoo lang, pinag-iisipan ko pa rin hanggang ngayon ang diborsyon kasi kung tutuusin, Diyos ang nagkakasal sa dalawang tao eh, hindi ang tao. Sinusuportahan ko ang RH Bill.

Hindi naman dahil may kinikilalang Diyos ka eh mabuti ka ng tao, di ba? ‘Yung iba kasi, porke’t sumasamba sila sa Diyos, tingin nila e napakatama na nila. Mga ganoong tao ang masarap tusukin ng karayom sa ulo.

Hindi ko alam kung ano ang tawag sa akin pero mas gugustuhin ko pang walang “label” pang ibigay kasi mas akma kung “tao” na lang. “Handsome boy” pwede pa.

Alin ang mas mahalaga: ang patunayang may Diyos o wala O ang magmahalan ang isa’t isa?

Uki lang kung sumang-ayon ka o hindi sa mga pinagsasabi ko. Just drink your Magnolia Milk first. You know.

Mag-ingat nawa ang mga sasali sa pista ng Nazareno kasbu.

Posted by andoyman at 8:53 pm | permalink | comments[1]

Schedule. Schedule. Schedule.

Thursday, January 6, 2011

Hindi ako fan ng paggawa ng schedule. Wala akong magandang studying habits noong nag-aaral pa ako. Madalas sinasabihan ako ng nanay ko na mag-aral nang maaga para hindi na ako mahirapan mag-review kapag finals na. Siyempre hindi ko ‘yun sinusunod. Pero minsan, nagawa ko iyon. Hindi sa pagre-review kundi sa paggawa ng project. Tapos ko na yung project ko kaya libreng-libre akong magbasag ng utak para sa finals. Anlaki ng ulo ko noon nang nalaman kong karamihan sa kaklase ko e gumagawa o tinatapos pa lang ang project(tumatawag kasi ako sa kanila para magtanong o mangamusta). Parang ano kasi, achievement na para sa akin na maaga kong natapos ang isang bagay.

Pero mas madalas talagang nangyayari e cramming sa pagrerebyu lalo kung maraming exam para sa araw na ‘yon. Minsan iniisip kong biglang walang pasok sana dahil: 1) biglang bumagyo kahit tirik na tirik ang raw; 2) biglang nang-trip ang mga sundalo at naglunsad ng kudeta; 3) may panibago na namang EDSA rebolusyon; 4) basta biglang nagdeklara na lang ang CheD ng walang pasok; 5) o biglang nagunaw ang mundo.

Naalala ko dati sa philosophy namin, ewan kung si Socrates o si Aristotle ang nagsabi, kapag ang isang bagay ay ginawa mong habit, nagiging attitude mo ito. Kwento rin ng prof namin noon, para magawa mong permanente ang isang bagay sa sarili mo, gawin mo iyon araw-araw sa loob ng 28 days. Di ko ‘lam kung maniniwala ako noon pero naniwala ako kaya may ginawa ako: nagsimula akong magsulat ng journal ko. Araw-araw din ang pagsusulat ko pero nang katagalan, paputol-putol na ako.

Sinubukan ko ring subukan ang pinagbabawal na gamot: ang paggawa ng schedule. Ayun, wala pa atang isang oras, di ko na natupad ang mga isinulat ko sa papel.

Mula noon hanggang ngayon, mahilig pa rin ako sa cramming. Walang kupas. Hindi naluluma.

Ano bang mahirap sa pagsunod sa schedule? Sa totoo lang, bukod sa ang pangunahing kalaban mo ay katamaran, napakaraming distraction sa paligid. Halimbawa na lang, itong internet na isa ring dahilan kung bakit mas madalas ang pag-upo ko sa harap ng pc samantalang dapat may mga tinatapos akong drawing ko. Kung tutuusin, wala naman talaga akong napapala sa pagpe-peysbuk pero ang hilig-hilig ko pa ring balik-balikan. Madalas sinasabi ko sa sarili ko na saglit lang akong titingin ng facebook…o ng tumblr…o ng facebook ulit…pero di na ako makaalis sa upuan. What’s the problem, mehn?!

Pero hindi naman talaga kasalanan ng internet eh. Kulang talaga ako sa motivation at will–hindi si willie ang tinutukoy ko, for money’s sake! Hindi ako nanonood ng palabas niya. Nilalakasan ko talaga ang speaker para hindi marinig ang boses niya rito sa loob ng kwarto. Kabadtrip minsan ako dahil kung kelan nasa kama na ako at matutulog, saka ako ginaganahan na gumawa at mas dumadaloy ang mga ideas. Bad timing!

The first rule of doing work that matters

Go to work on a regular basis.

Art is hard. Selling is hard. Writing is hard. Making a difference is hard.

When you’re doing hard work, getting rejected, failing, working it out–this is a dumb time to make a situational decision about whether it’s time for a nap or a day off or a coffee break.

Zig taught me this twenty years ago. Make your schedule before you start. Don’t allow setbacks or blocks or anxiety to push you to say, “hey, maybe I should check my email for a while, or you know, I could use a nap.” If you do that, the lizard brain is quickly trained to use that escape hatch again and again.

Isaac Asimov wrote and published 400 (!) books using this technique.

The first five years of my solo business, when the struggle seemed neverending, I never missed a day, never took a nap. (I also committed to ending the day at a certain time and not working on the weekends. It cuts both ways.)

In short: show up.

basahin mo rito

Noong nabasa ko ‘to, medyo may nagbukas na kandado sa sintido ko. Kung gusto kong marami akong magawa, kung gusto kong may nagagawa ako bawat araw, dapat mas paglaanan ko ang bawat oras ng mga bagay na mas kapaki-pakinabang (tulad ng pagkain?). Di ba? Pero sana nga, matalo ko ang sarili ko. Kumbaga, para maging mas masagana ang tigyawat mo, dapat mas pahiran mo pa ng stress at mantika ang mukha mo para mas tumaba ito nang sa gayon, malaki ang aanihin mo.

Nawa’y matupad ko ang unang hakbang na pagbabagong ito sa sarili ko (minus da pimples). Amen.

Mahirap mag-cramming ‘pag matanda ka na.

“We are what we repeatedly do. Excellence, then, is not an act, but a habit.”
-Aristotle

Posted by andoyman at 12:39 am | permalink | Add comment

Magandang Pambungad ng Taon!!

Wednesday, January 5, 2011

Ansaya-saya!! Hindi ko inaasahan ‘to pero anganda ng pambungad ng taon sa akin :D Yung isa ay isang magandang review para sa komiks ko (na di ko talaga inaasahan) at yung isa e…sikret na muna. Hehe. O siya, God bless sa ating lahat :) at thanks Bro! :D

Ang FOODCOURT Komiks ay likha ni Andoyman. Photocopied at nabili ko sa halagang P35, and you guessed it right, wala uling senior citizen’s discount. Wala ring page numbers kaya binilang ko pa, 28 pages.
Hindi takot magdrowing ng maraming tao si Andoy kaya malaki ang potential. Pag ang artist ay mahilig sa crowd scenes, nakakabilib. Hindi pa ganoon ka-define ang mga characters, art-wise ay marami pang kulang pero ang laki-laki ng potential.
Kyut ang kuwento na pang-teeny bopper. First crush. Madaling makakakuha ng atensyon ng readers. Gist ng kuwento, laging inaabangan ng guy ‘yung girl na crush niya sa food court, at magsisimula siyang mag-daydream. Nakakakilig ang mga eksena. The story will remind you kung paano mo naramdaman ang kahulugan ng salitang pag-ibig sa unang pagkakataon. Kung paano magkulay-rosas ang paligid pag nakikita ang lihim na itinatangi, parang naglalakad sa gitna ng lemon-scented rain. Shade of Geneva Cruz’ hit single “Kailan”.

Read more…

Posted by andoyman at 10:33 am | permalink | comments[4]

Mayabong na Bagong Taon!

Monday, December 27, 2010

May video ako na gustong ipakita sa inyo pero di ko pa mapakita kasi ambagal mag-upload. Sobra. Babawi rin ako sa susunod na taon dito sa blog ko. 

Wa. Andami kong dapat gawin! Awa ng Diyos, magagawa ko rin ang mga iyon. *wink*

May ginagawa akong bagong blog pero baka sa susunod na taon ko na i-a-announce kasi kelangan ko pang lagyan ng design.

Kailangan mag-send ako ng testimonial sa iskul ko noong hayskul para sa FAPE (di ko lam kung ano yun) kasama ang graduation picture at dahilan kung bakit doon ako nag-aral. Ito ang isinulat ko:

I would say that those years being with my classmates, those bonding moments which I always love to relive, (which, if ever there exists a time machine, I will always want to experience again) are precious pieces in my life, essential slices of my history that created or changed every atoms of myself, my character, my dreams. And, of course, the many hours of sitting inside the classroom with those kind and understandable teachers, those times I am sure I will never forget.

Sana tama ang english ko. Tungkol naman sa iskul, ahm, kahit puro penalty at may mga paraan silang hindi tama, wala eh, doon pa rin ako nag-aral at malaki pa rin ang pasasalamat ko kaya eto ang rason na inilagay ko kung bakit iyon ang pinili ko (at sana, tama ang english ko):

Bobby and Kates Academy is a home where everyone is a family and that reason is enough for me to choose this among other schools.

Kahit anim lang kaming magkaklase, gusto ko pa ring mag-reunion kami na sana mangyari bago mag-bagong taon.

Sana rin next year, matupad na ang mga pangarap ko at mga plano. Kahit pakonti-konti lang, ayos lang. Basta mayroong natutupad, natatapos.

Nawa’y isang mayabong na bagong taon ang sumalubong sa ating lahat!!! Wala sanang maputulan ng daliri sa pagsalubong ng new year. Paputukin mo na lang tigyawat mo o ng katabi mo kesa libintador. Safe pa.

Ahm. Kung susumahin ko kung nasaan na ang buhay ko ngayon, eto:

“I learned that you had to make sacrifices and live creatively to keep working at your dreams. That’s what living in the Shadowland is all about.” -Alex Haley

MAYABONG NA BAGONG TAON ULIT!! GOD BLESS!!!

Posted by andoyman at 1:45 pm | permalink | Add comment

My 2010 Blah Blah Letter

Tuesday, December 21, 2010

Posted by andoyman at 1:48 am | permalink | comments[5]

Whatever Spammer!!!

Monday, December 20, 2010

HAHAHAHAHAHAHAHA!!!

For the sake of Christmas, I removed my chatbox and moderate comments (i don’t like to do it ever since i start blogging but you guys made me do this, you ROCK!) to eliminate those spammers. It irritates me whenever I see spam messages in my blog. You really give me and this blog a huge respect. *sarcasm* And since I have no time to report every spammer to i.ph administrators, I just need to do it on my own way.

HELL YEAH!!! Merry Christmas spammers!!! >:))

Posted by andoyman at 2:26 pm | permalink | Add comment

Paano um-order ng Andoyman Komiks?

Saturday, December 11, 2010

At eto naman ang preview pages ng komiks :) wiii

Posted by andoyman at 12:53 pm | permalink | Add comment

Indie Komiks Bazaar!

Friday, December 3, 2010

Magkita-kita tayo sa:

Present ako sa bazaar na ‘yan at isa sa magtitinda. Eto ‘yung cover ng komiks ko (taas) at poster (baba).

Suportahan niyo po sana ako! Suportahan po natin ang Pinoy komiks! Yey!

Eto nga pala ang mapa: (click to enlarge)

Posted by andoyman at 12:43 am | permalink | comments[3]

Andoyman Komiks: "FOODCOURT"

Saturday, November 13, 2010

 

MARAMING-MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG BUMILI NG KOMIKS!!! YEY!!!

Bagaman hindi naubos ang tinda ko e kaunti lang naman ang natira. Kaya okay na okay na ‘yun para sa isang baguhang tulad ko. Success na success talaga ang unang sabak ko KOMIKON!!! Hwoohooo!!! Di man ako nakabili ng isang komik, babawi na lang ako sa susunod :D Kilala niyo na kung sinu-sino kayo pati ‘yung mga gustong magpa-reserve, maraming-maraming salamat talaga :D :D:D

Plano kong mailabas ito sa bookstore o sa comic odyssey o kung saan pang pwedeng mailabas ito kasi plano ko ring bawat buwan, hanggang maaari, ay may nailalabas akong komiks. Sana nga.

Marami ulit akong natutunan. Basta, ansaya-saya! Hahahahahaha!!!

Maraming-maraming salamat ulit :D Kita-kits na lang :D

Paki-abangan na lang ang susunod kong komiks :)

Posted by andoyman at 9:42 pm | permalink | comments[7]

See-Saw

Wednesday, October 27, 2010

Si Elmer, isang security guard sa isang bangko, ay bitbit ang kanyang shotgun at nakaupo sa isang monobloc chair habang masayang kinakausap si Esther, isang white lady.

Madilim at tahimik ang gabi.

Kauubos lang kainin ni Elmer ang dalawang balut na binili niya kanina. Masaya namang nakikinig si Esther sa lalaking katabi niya at damang-dama niya ang init ng binata ‘pag malapit siya rito.

Isang buwan na silang magkasintahan mula nang makita siya ng binata na nakalutang sa tapat ng bangko. Gulat na gulat noon ang binata at halos bumulwak ang mga mata nito sa takot subalit nasanay na rin sa gabi-gabing pagpapakita nito kaya minsan ay niyaya siya nitong makipagkwentuhan.

Si Esther ay isang comfort woman noong panahon ng Hapon at namatay nang saksakin siya ng isang sundalong may samurai matapos siyang tumanggi at manlaban. Ngunit hindi naging hadlang ang napakalayong agwat ng taon nito sa lalaking nabubuhay sa kasalukuyang panahon.

Dumarating din ang mga gabi sa pagitan nilang dalawa nang hindi sila nakakapag-usap dahil paiba-iba rin ang schedule ng binata. Hindi rin naman magawang dalawin ng dalaga ang binata sa bahay nito dahil sa di malamang dahilan ay hindi siya makaalis sa lugar. Kaya nga sinusulit nila ang mga ganitong pagkakataon.

Napakalakas at napakalutong ng tawa ni Elmer nang kanyang ikwento kung paano kayang-kayang niyang utusan ang sisiga-sigang kaklase noong elementarya pa siya sa kanilang probinsiya—na sa totoo lang, kabaliktaran ng katotohanan. Makailang mahinhing tawa at ngiti ang isinusukli naman ng nakaputing dalaga.

“Hoy Elmer! Anlakas mo namang tumawa d’yan! Para kang may kausap, ah!” nakangiting sabi ni Mang Elsi nang madatnan si Elmer na tumatawang mag-isa.

“Inaaliw ko lang po ang sarili ko, Tatang Elsi. Hehehehe,” magalang na sagot ni Elmer.

“Mabuti’t hatinggabi at walang katao-tao rito kundi baka mapagkamalan ka pang baliw niyan!”

“Ehehe. Di naman po, tatang!”

“O pa’no? Magtitinda pa ako ng balut. Maiwan na kita riyan.”

“Sige, ho. Mag-ingat po kayo,” kumaway si Elmer para magpaalam ngunit di na ‘to nakita ng matandang agad tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.

Lumingon si Elmer kay Esther at nagkatitigan sila bago gumuhit ang mga ngiti sa kanilang mukha.

***

Mula sa mga kalikutan at kakulitan ng kanyang pinakamamahal na nakababatang kapatid na matagal nang namayapa hanggang sa mga kaharutan at kalokohan niya sa pagiging security guard ay ikinukwento niya sa kanyang kasintahan.

At sino ba naman ang mag-aakalang magiging kasintahan niya ang isang white lady—isang napakagandang white lady.

Mapayapa ang gabi at masarap na nagkukwentuhan ang dalawa.

“’Lam mo, may naisip ako,” hinimas-himas ng sikyu ang kanyang baba.

“Ano ‘yon?” malamig ang boses ng babaeng nakaputi ngunit matamis ang kanyang ngiti.

“Sana merong ano, merong isang spell na pwede kang mabuhay ulit, ‘di ba? Para naman mayakap kita, ‘no! Transparent ka kasi, eh,” nakangiting nakatingin ang sikyu sa kausap samantalang nawalan naman ng ekspresyon ang white lady.

“B-bakit? May nasabi ba akong masama, beybs?”

“W-wala. Wala naman.”

Tumahimik ang dalawa. Tahimik din ang gabi. Maya-maya pa, muling nagsalita ang naiibang dalaga.

“Sa totoo lang, meron ngang…paraan…para mabuhay ulit ako.”

Isang napakalaking tandang padamdam ang bumagsak sa mukha ng gitlang-gitlang si Elmer mula sa narinig sa kanyang nobya.

***

Liko sa kaliwa, liko sa kanan. Pasok dito, pasok doon. Lakad dito, lakad doon. Tanong dito, tanong doon. Kahit tagaktak ang pawis, patuloy pa rin si Elmer sa paghahanap ng lugar na sinasabi ng kanyang kasintahan. Sa dami ng dekadang nagdaan, siguradong nag-iba na ang itsura ng hinahanap niyang lugar, at marahil pati pangalan. Ngunit kailangan niya pa ring subukan.

Nagtanong siya sa isang matandang babaeng nagtitinda ng kung anu-anong ugat, dahon at sanga ng kung anong puno pati iba’t ibang klaseng pamahid para sa iba’t ibang problema o sakit o nararamdaman sa katawan.

“Ah manang, m-may itatanong lang po ako—” agad na napatigil si Elmer sa pagtatanong nang mahalatang malalim ang pagkakatitig ng matanda babae sa kanya. Bahagya siyang kinabahan na agad din namang naputol nang magsalita ang matanda, “Ano ‘yon?”

“M-may kilala po ba kayong t-tandang Maguimba?”

Mas lumalim ang pagkakatitig ng matanda sa binata. Mahigpit na niyakap ng katahimikan at di mawaring hiwaga si Elmer. Mas lumakas ang kanyang kaba. Nanuyo ang kanyang lalamunan. Para sa kanya, tila tumagal muna ng ilang araw bago gumalaw ang matanda saka itinuro ang hintuturong tila tuyot na sanga sa isang direksiyon. Magalang na nagpasalamat ang binata saka agad na umalis.

“Mahabaging Diyos, ‘wag po naman sana,” mahinang sambit ng matanda saka nag-krus.

***

Isang tagong barung-barong na nakahiwalay sa mga tao at sibilisasyon ng mundo ang natagpuan ni Elmer sa dulo ng isang eskinita. Madilim at maputik; puro bahid din ng masangsang na amoy ang paligid. Marahang kinatok ni Elmer ang kulay itim at inaanay na pinto.

Tok Tok Tok

“Tao p—” agad na pinagbuksan siya ng pinto ng isang matanda.

“K-kayo po ba si…” nanginginig ang boses ni Elmer.

“Ako nga. Halika at pumasok ka.”

Pumasok si Elmer sa maliit at napakadilim na barung-barong. Agad niyang nakita ang isang lumang silya. Hindi niya alam kung gaano kaliit ang pinasukan niyang bahay, kung saan ang mga sulok nito at ang iba pang laman sa loob. Batid ni Elmer na si Maguimba ang kaharap niya ngayon at wari bagang alam na ng matanda na darating siya.

“Ahm, bali…ano po…”

“Sino’ng gusto mong buhayin?” napatanga si Elmer sa sinambit ng matanda. Gusto niyang itanong kung paano nalaman ng matanda ang pakay niya ngunit inunahan na siya kaagad nito. “Dalawa lang ang pakay ng mga taong nagpupunta rito: ang mga halamang- gamot at pamahid na binibili nila sa akin na itinitinda naman nila sa gilid ng simbahan, o mayroon silang taong gustong buhayin. At batay sa itsura mo at sa sinasabi ng iyong mga mata, alam kong ang pangalawa ang kailangan mo.”

Walang hangin sa loob. Puno ng kadiliman ang paligid. Wala rin siyang maibukang salita. Bumalik lang ang kanyang ulirat nang muling magtanong ang matanda.

“Sino ang gusto mong buhayin?”

***

“B-bakit po ninyo kayang bumuhay ng patay? Paano po ninyo ‘yon ginagawa? S-sino po ba kayo? Ano p-po ba kayo?”

Hindi niya makita ang mukha ng matanda dahil kinakain lang ng kadiliman sa loob ang anumang liwanag na pumapasok dito. Tanging ang boses lang nito ang naririnig at anumang pilit ang gawin, hindi niya malaman-laman kung lalaki ba ito o babae. Bukod pa roon, naririnig din niyang may ginagawa ang matanda—isang paghahanda marahil sa gagawin nitong ritwal o kung anupaman.

“Higit ako sa tao, mas mababa sa Diyos,” naguluhan si Elmer ngunit pilit pa ring iniintindi ang sinasabi ng matanda. “Hindi ako anghel o demonyo, mangkukulam o salamangkero, engkanto o maligno. Higit ako sa kayang maunawaan ng isang tulad mo.” Tumahimik ang matanda at nagpatuloy sa ginagawa.

Sa kabila ng matinding kaba, nagtanong muli ang binata. “M-may kapalit po ba ito—itong pagbuhay ng patay?”

“Wala.”

Biglang gumaan ang dibdib ng binata sa narinig.

“Ngunit may batas na dapat sundin.”

Nagulat si Elmer. “A-ano po ‘yon?” Tumulo ang kanyang malamig na pawis.

Matagal na katahimikan muna bago sumagot ang matanda. “Kailangan mong mamatay para ang isa ay mabuhay.”

***

Sa isang masukal na talahiban nagising si Esther. Kinapa niya ang kanyang sarili. Inikot ng mga mata ang paligid. Tumingala sa langit. Tahimik ang gabi para sa mga nagkakantahang kuliglig. Tanging ang buwan at mga bituin ang saksi sa hubad niyang katawan.

Buhay siya! Buhay ulit siya!

Agad siyang naghanap ng damit. At nakakita siya sa di kalayuan. Kinuha niya ang damit na nasa sampayan at agad na isinuot. Sinilip ang kalsada. Walang tao. Wala ring mga sasakyan. Tumakbo siya…nang masayang-masaya ang kalooban dahil sa wakas, buhay na ulit siya.

Nais niyang makita agad si Elmer. Sabik siyang makita siya ni Elmer.

Gumuguhit ang pawis sa kanyang noo at batok. Basa rin ang likod at habul-habol ang hininga sa pagod. May nadatnan siyang dalawang lalaki sa bangko: ang isa ay bago sa kanyang paningin, habang ang isa, kilala niya. Nagtago siya sa likod ng mataas na pader sa gilid ng bangko; datapwat umiihip ang malamig na hangin, malinaw niyang naririnig ang usapan ng dalawa.

“Ba’t ikaw pa rin ang guwardiya ngayon?” iniabot ng matanda ang balut at suka sa kausap.

“Di niyo pa ho ba nababalitaan?” hinigop ng lalaki ang laman ng balut. Umiling ang matanda. Taimtim na nakikinig si Esther. Nagpatuloy ang sikyu. “Nagpakamatay ho si Elmer. Kahapon po, sa bahay nila.”

Napatanga ang matanda. Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Parehas kumaba ang kanilang dibdib. Parehas bumigat at nanikip. Humaplos ang malamig na hangin, kumaluskos ang mga dahon, nakatikom ang bibig ng buwan at mga bituin, sumayaw ang katahimikan sa buong paligid.

“Nakita na lang ng mga tao sa kanila na nakabigti ang katawan. Isang suicide note pa nga ho ang nakita sa paanan ni Elmer. Ang nakalagay daw e para raw sa kanyang kasintahan. E…Esther po yata ‘yung pangalan na nakita nila sa papel…”

Tumulo ang mabibigat na luha sa mga mata ng dalaga.

Esther, para sa’yo ito. Mahal na mahal kita.

-Elmer

***

Nasa kalawakan siya ng kadiliman at isang maliit na liwanag lang ang kanyang nakikita. Ang liwanag ba ang nagsasalita? O isang di nakikitang nilalang?

“Nasaan ako? Sino ka ba?”

“Uulitin ko ang tanong:  magtutuloy ka ba sa liwanag o hindi?”

Hindi siya makapagsalita. Nahihirapan siyang magdesisyon.

“Kung magtutuloy ka sa liwanag, malaki ang tsansa mong muling makasama ang pinakamamahal mong kapatid. At kung hindi ka naman magtutuloy, hindi mo tiyak kung saan ka babagsak. Ano ang iyong desisyon?”

Naiipit ang kanyang kalooban.  Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Naalala niya ang nakangiti niyang kapatid. Naalala niya ang nakangiti niyang si Esther. Matagal na sandali muna ang nagdaan bago siya nakapagsalita.

“Sigurado ka ba sa iyong desisyon?”

“O-oo.”

“Ikaw ang bahala.”

***

Tatlong araw siyang palaboy-laboy sa kalsada. Wala pang kain. Walang hinto sa paghagulgol. Walang tigil sa kalungkutan. Laging iniisip ang kasintahang si Elmer. Nagsisisi sa kanyang sarili—siya ang nagsuplong kay Elmer sa kapahamakan. Ngayong buhay siya, anong gagawin niya gayong patay na ang kanyang pinakamamahal?

Paikut-ikot lang siya sa lungsod pero laging bumabalik sa bangko. Nagtatago. Naghihintay. Nag-aabang sa isang imposibleng pagbabalik. Ngunit alam ng kanyang puso kung paano muling makikita si Elmer.

Pumunta siya kay Maguimba. Ginawa ang ritwal. Isang araw ang lumipas, pinagkaguluhan ng mga tao ang isang babaeng nagpatiwakal.

***

“Sigurado ka ba sa desisyon mong ito, Esther?”

“Opo. Sigurado po ako.”

“Sigurado ka bang muli mo siyang makikita kapag ginawa mo ito?”

“Mahal ako ni Elmer! Alam kong ako ang pipiliin niyang makasama!” Nakapako ang lumuluhang mga mata ng dalaga sa taong kausap niya sa dilim. “Malaki ang tiwala ko sa kanya!”

“Kung gayon, sisimulan ko na ang ritwal. Tandaan mo, kailangan mong sumunod sa batas.”

“Alam ko po, tandang Maguimba.”

“Ipapaalala ko rin sa’yo, binibini, na hindi lahat ng pagsasakripisyo sa ngalan ng pag-ibig ay nasusuklian at katulad ng iyong inaasahan. At kapag nagawa mo na ang isang bagay, hindi mo na ito pwedeng ibalik sa dati; ang maiiwan na lang sa iyo ay pagsisisi,” sinimulan na niya ang ritwal.

Pumikit ang dalaga.

“Ikumusta mo na lang ako sa kanya kung kayo nga’y magkikita pa,” nakangisi ang matanda habang nakatingin kay Esther.

***

Tuwing gabi sa may bangko, naririnig ng mga taong dumaraan, sa kalawakan ng katahimikan, ang pag-iyak ng isang babae. Ngunit walang nakaaalam ng dahilan sa pag-iyak ng hindi nakikitang dalaga. Hindi nila alam na ang umiiyak ay isang babaeng nagmahal ng isang lalakeng hindi na niya kailanman makakasama, isang nagsisisi dahil siya ang dahilan kaya napahamak ang kanyang minamahal, at isang nagagalit sapagkat batid niyang nagtuloy ang lalake sa liwanag upang mas makasama ang kapatid nito kapalit ang pagtalikod sa kanilang nasimulang pag-ibig.

Isang lalaki ang napadaan sa tapat ng bangko. Tinignan niya ito. Tumingin din iyon sa kanya, ngunit, hindi takot ang nababanaag sa mga mata nito kundi isang pagpapasalamat na mabuti’t hindi niya iyon ginawa noon, sa kabila ng maganda nilang pagmamahalan, ang isang bagay na walang katiyakan. Nandoon din ang awa at kalungkutan at pakikiramay para sa sinapit ng “dati” niyang kasintahan. Ngunit wala na siyang magagawa pa para sa kanya.

Maya-maya, umalis na ang lalaki; nagpatuloy ito sa paglalakad at iniwang umiiyak ang nakaputing dalaga. At muling narinig ng gabi ang pagsigaw ng balut ni Mang Elsi.

Epilogue

“NASAAN AKO?!! ALISIN MO AKO DITO!!!”

Patuloy siya sa pagtakbo kahit pagod na pagod na ang kanyang mga paa. Kailangan niyang iligtas ang kanyang sarili bago siya lapain ng mga iyon. Basa ang kanyang mga mata at puno ng galit at pagsisisi ang kanyang puso.

“K-kung pinili ko lang ang pagtuloy sa liwanag, m-marahil, nakasama ko pa ang kapatid ko. Kung pinili ko lang tumuloy sa liwanag!”

Paghikbi. Pagsigaw. Pagsisisi.

“Aaaaaaargh!!!”

Posted by andoyman at 10:06 pm | permalink | comments[11]

Tag-araw, Tag-ulan, Taghiyawat

Friday, October 15, 2010

Ang isa sa pinakaayaw ko ay ang tubuan ng taghiyawat sa ilong.

Hindi ako inlab. Hindi ko alam kung sino ang nagpasimuno na kapag may tigyawat ka sa ilong e inlab ka. Ang nakakaasar kasi kapag may tigyawat sa ilong, sobrang nakakahiyang lumabas at humarap sa tao dahil, sa isip-isip mo, nagiging center of attention ng titingin sa iyo ang shameless na nagpapapansin mong tigidig.

At bakit nga pala naugnay ang tunog ng tumatakbong kabayo sa tigyawat? Muli, isa na namang palaisipan.

Isa pang ayaw ko kapag may tigyawat sa ilong e kapag nangangamatis na ito. Ang resulta, parang lumulobo ang ilong mo. At isa pang nakakainis, kapag sinusubukan mo nang paputukin ang buhay nito, ansakit-sakit! Pusanggala. Sa sobrang sakit, mapapasuko ka at titigil at iisiping ‘wag na lang paputukin tutal mukhang nag-e-enjoy naman ‘to dito.

Di pa ako tigyawatin…noong sanggol pa ako. Nitong pumasok ako sa letseng adolescence, hayan, paunti-unti nang nagsipagdatingan ang mga nazi. Pero nagawa ko namang mapigilan.

Pagdating ng college, isang semester, nagulat na lang ako, ang pamilya ko, ang mga kaklase ko, at mga kakilala ko sa iskul kung bakit biglang tinubuan ako ng mapupulang chocolate hills sa mukha. Siyempre nakakahiya pero dahil may special training ako sa kakapalan ng mukha, nag-joke na lang ako na pinaparentahan ko ang mukha ko kaya nagkaganoon.

Parang ayaw mo nang humarap sa madla dahil sa problema mo sa mukha — doble pa kung pangit ka. Ni tignan ang sarili sa salamin, ikinasusuklam mo na. Nakailang methods na rin ang sinubukan mo pero hindi pa rin tumatalab sa mga damuhong bulubundukin sa pes mo, at patuloy ka pa rin sa paghahanap ng mga paraang mag-dye-genocide sa mga tigyawat mo. Pero ganoon pa rin ang kinakalabasan. Para ka pa ring tinaktakan ng tigyawat sa mukha, ang masaklap, may nana pa. Nagmumukha ka lang tanga habang ang mga tigyawat mo, tumatawa ng parang mga minion sa Despicable Me.

Madali akong mapaniwala. Kahit simpleng barberong kwento ang iparinig mo sa akin, maniniwala kaagad ako. Kaya siguro ganoon din ako kadaling maniwala sa mga produktong pampakinis ng mukha/pampawala ng tigyawat na kinokomersyal sa tv. Hindi ko sigurado kung sa ginamit kong panghugas sa mukha ang naging dahilan o sa paraan ng paghihilamos ko.

Bumili ako ng produktong ‘yon. Tatlong beses kong ihinihilamos iyon sa mukha ko tuwing gabi. Minsan naman, bumili rin ako ng ointment para rin sa pimple na napanood ko rin sa tv. Ginamit ko rin ‘yon. Basta, andami kong inilalagay na chemical sa mukha dulot ng pagpapaniwala kaagad sa mga komersyal. Ang resulta? Parang nagsipagdagsaan ang mga deboto ng Nazareno sa mukha ko. Imbes na mawala e mukhang nagsipag-macho-han pa ang mga tigidig. At doon nagsimula ang alamat ng mas tumaas na level ng inferiority complex ko.

Sa tuwing may nakikita akong magandang babae, ang iniisip ko, “Hay naman, di niya ako magugustuhan. Puro tigyawat mukha ko eh.” Kapag may nakita naman akong gwapong lalake, (O, letse ka, mali ka sa iniisip mo sa akin! Babarugin ko mukha mo) “Hay naman, sana akin na lang ‘yung makinis niyang mukha. Kahit ‘yung kakinisan lang. Mas gwapo naman ako sa kanya eh.” Ok, please exclude the last sentence.

Mabuti na lang kahit na pinagpiyestahan ako ng tigyawat, di ko nagawang isipin ang isang trip na nabasa ko sa Kikomachine Komix. Ang ginawa kasi ng isang estudyante dahil sobrang bored siya, binigyan niya ng pangalan ang mga tigidig niya. Asteg. Eew. Pero ‘wag ka dahil sa mismong strip ni Manix Abrera noong college niya tungkol kay Boy Tigyawat, nakilala siya sa…basta nakilala siya.

Dahil sa tigidigs ko, isang araw, nasabihan ako ng kaklase ko. Asaran lang kami pero natunaw ang sarili ko sa kahihiyan dahil sa asar niya. Ang sabi niya: “Tigyawat na tinubuan ng mukha.” Ngumiti na lang ako. Doble ang asar ko kasi ang nagsabi sa akin n’on eh…huwag na lang. Baka hindi ako makapasok sa heaven kapag ituloy ko pa…pero, na-gets mo naman siguro, ‘no? Hindi? K.

Nakakaasar din noong nanliligaw ako.  Nakakahiyang humarap sa kanya dahil sa you know. Hay…

However gotesco, pwede pa rin naman nating bigyan ng positive sides ang pagkakaroon ng tigyawat. Halimbawa, kulang ng cheese ang binili mong spaghetti o pizza mula sa paborito mong drug store. Tapos wala ka pang extrang cheese sa refrigerator ninyo. Puwes, pwede mong gamitin ang *ehem* nana ng pimple mo bilang cheese. Tungkol naman sa lasa, isipin mo na lang, cheese ‘yan…with cherry syrup.

Pwedeng-pwede mo ring gamitin ang mga accessories sa mukha mo tuwing Halloween party. Paputukin mo lang lahat, as in LAHAT, ng tigidigsters mo at huwag pupunasan ang mga tumutulong nana at dugo, at voila!, you’re now a zombie! Mag-ingat ka nga lang sa mga peashooters.

Well, ayun sa Kikomachine Komix, pwede rin palang gamitin ang nana ng tigyawat bilang ano *ehem* *hehe* alam mo ‘yung blood compact o sanduguan nina Rajah Legazpi at ng Espanyol? Parang ganoon din ang gagawin kaso iba nga lang ang ingredient ng iinumin sa kopita. Hindi siya kulay red.

Ayos din itong proxy tuwing Bagong Taon. Sa halip na delikadong belt ni Hudas ang papuputukin, mga lintik na pimple na lang ang ipangsasalubong mo pagsapit ng 12:00 ng hatinggabi! Yey! Safe pa!

Lagyan mo ng dalawang tuldok at isang curve, either hyperbola o parabola, ang mga tigyawat mo, at, voila!, pwede ka ng magkwento ng children story sa mga bata. Halimbawa may namatay na karakter, papuputukin mo lang ang isang tigyawat mo. “At si Fernando ay uhm! namatay, duguan ang katawan at wala nang malay.”

Eto ang the best. Kapag may kaaway ka o halimbawa hinoholdap ka, gawin mo lang na parang machine gun ang mga tigyawat mo — paputukin mo ang mga iyon sa kanya (isakto mo sa mata!) at for sure, panalo ka. Sabayan mo rin ng tawa. O di ba? Pwede ring pang-self-defense. Anong ikinana ng kung-fu diyan.

Putukan na!

Posted by andoyman at 12:55 am | permalink | comments[6]

Pabatok nga!

Wednesday, October 6, 2010

Ngawit ang batok ko.

Mula noong araw ng kalayaan ko, nantodits na lang ako sa bahay. Madalas, sa loob ng kwarto. Balik ako sa pagiging taong tabon. Laging nasa loob ng kweba. Pero ayos lang. Ang hindi ayos ay ang 1) sobrang bilis (note: sarcasm) ng smartbobo at 2) ang malware na nasa usb modem nito na hindi ko alam kung saan nakuha pero maaaring nakuha noong isinaksak ko sa pc sa isang computer shop o pwede ring baka airborne ito.

Sa ngayon, fulltime komikero ako (hwooyeah!). Masaya at mahirap.

Mahirap kasi una, hindi ito gusto ng mga magulang ko. Ibig kong sabihin, mas gusto pa rin nila na magtrabaho ako. Yung pumapasok ako ng kumpanya, tapos sasahod tapos ganoon ulit. Para sa kanila, mas sigurado ang buhay ko sa ganoon. Mas may patutunguhan. Mas may direksiyon. Inaalala kasi nila ang kinabukasan ko, halimbawa, kung magkapamilya ako. Mga ganoong bagay. Hindi ko na lang nga nasagot nang pabiro na paano ako magkakaasawa kung hanggang ngayon e puro basted at hindi naman ako nanliligaw? Pero ang gusto ko talagang ikatwiran e paano ko aalalahanin ang bukas kung hindi ko magawa-gawa ang gusto kong gawin ngayon?

Ayaw ko mang sabihin pero ganito ang tingin ko: wala silang tiwala sa pangarap ko, sa pagkokomiks ko, o baka, sa akin. Ansama kong anak para pag-isipan sila ng ganito. Pero naiintindihan ko sila. Panganay ako at may utang pa kami. Sa totoo lang, hirap akong sabihin sa kanila nang deretso na sana magtiwala naman sila sa pangarap ko, na hindi ‘to kaartehan, na ito talaga ang direksiyon na gusto kong puntahan noon pa man. Ayaw ko na kasing dagdagan pa ang sama ng loob nila sa akin kaya di ko na lang sinabi.

Babalik na naman tayo sa pagsisisi ko na sana nag-shift na lang ako ng fine arts noon kasi dili ko gusto mag-duktor. Sana’y maintindihan mu blah blah ek-ek.

May in-apply-an akong trabaho. Siya nga pala, ito lang ang in-apply-an ko kasi may kaugnayan sa komiks. Sana matanggap ako rito.

Ka-emohan o jologs man pakinggan, madalas kong tingin sa sarili eh blacksheep ng family. P.S. Hindi ako negro.

Masaya ako sa ginagawa ko kahit masakit sa batok, mainit dito sa loob ng kwarto, at masakit ulit sa batok. Nakatutuwang tignan ang mga ginuguhit ko. Halimbawa, babae na mukhang lalake. Langya. Ngayon kasi, nasasalat ko na siya, nakikita mismo, at masakit talaga sa batok. Wala akong drawing table kaya nagtitiyaga ako sa pagguhit sa kama, o sa unan. Kaya madalas, nakayuko ako, nakadapa, o nakatuwad. Iba’t ibang posisyon (‘wag green-minded). Basta, masakit sa batok.

Nakakailang pahina na ako. Hindi pa talaga tapos ang bawat pahina kasi wala pang setting, background, mga extrang tao, etc. Pero madali na lang paspasin ‘yon.

Nakakagutom din. Tapos tagaktak pa ang pawis pagdating ng tanghali hanggang hapon kahit nakatutok sa akin ang electric fan.

Frustration din at puno ng disappointment. Nandiyan kasi ‘yung habang gumuguhit ka e ampangit ng drawing mo. O di kaya, hindi mo maiguhit-guhit ang gusto mong iguhit kasi hindi mo alam basta ganun. Tapos minsan, o madalas, habang nagdo-drawing ako, nawawalan din ako ng tiwala sa sarili ko o naiisip ko ‘yung mga tanong na hindi ko dapat iniisip: May patutunguhan ba ‘tong ginagawa ko? May mangyayari ba sa akin? Matutupad ko ba ang pangarap ko? Matatapos ko kaya ‘to? May bibili kaya nito? May mag-aatubili kayang magbasa? Ituloy ko pa kaya ‘to? Magtatagumpay kaya ako? Paano kung mabigo ako? Seryosohin ko na lang kaya ang pag-a-artista? Tumakbo kaya ako bilang SK Chairman of the Bored?

Madalas habang nagdo-drawing e nagdadasal ako. Pampalakas ko rin ng loob ‘yung The Alchemist, tapos binabasa ko ulit ‘yung isang interbyu kina Manix Abrera at Sir Elbert Or. O di kaya ini-imagine ko na sa akin sinabi ni Sir Jess Abrera, tatay ni Manix, ‘yung “Basta gawin mo lang ‘yung gusto mo, huwag mo isipin ‘yung pera, darating na lang ‘yun.” Paulit-ulit ko ring inaalala ang mga itinuro, ipinayo, at tips ni Sir Elbert; inaalala ko rin palagi ang pagtapik niya sa likod ko noong huling Sabado. Iniisip ko rin ‘yung deadline na dapat bago mag Oct. 23, tapos na ang komiks ko. O di kaya hihingi ako ng power hug ke Mama.

Tinuruan ko si Mama na mag-facebook kanina. Hahahaha. Asteg!!!

Wish me luck. God bless us all. Kaya ko ‘to! Ansakit ng batok ko.


Trip ko lang ‘to i-post. Paki mo ba? :P

Posted by andoyman at 9:53 pm | permalink | comments[6]

Strip #23

Tuesday, October 5, 2010

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 12:24 pm | permalink | comments[2]

Andy

Thursday, September 30, 2010

Hwooooooyeah!!! Araw ng kalayaan! Talaga! Talagang-talaga!! Hwahahahahaha!!!

At bilang simbolo ng araw ng kalayaan, aahitin ko ang (precious) balbas ko kas-bu. (Magpapatubo na lang ulit ako)

Basta, hoooooooooyeah!!!! Rakkkenrol!!!

Posted by andoyman at 9:31 pm | permalink | Add comment

Pinipilit maging ganado

Sunday, September 26, 2010

Subukan lang natin kung pagkatapos ko rito e babalik ulit ang pagiging ganado ko o mas mabuting itulog ko na lang ito.

Inantok, nabagot, exhausted, naasar, at naasarrrr ako sa sobrang daling mag-connect ng smartbobo. Andaming error. Andaming hinihingi. Andaming kaartehan. Nagkakalat pa ng malicious apps. Mud! Kaya ayun, sa isang iglap, wala na ang “gana” ko. Naglaho. Kinain. Parang ninakaw ng third kind alien ang lakas ko.

Argh. Parang nasisiraan na ako ng huwisyo. May mga gagawin ako pero di ko alam ang uunahin. Parang katulad sa may sasabihin ka pero hindi mo masabi-sabi dahil nasa dulo ng dila mo. O isusulat mo na ang sagot sa test paper mo pero bigla mong nalimutan ang isusulat mo. 

Bigla ko nakita ang status ni yeye. Magada ang fb status niya. Sana naging statusaew23-9ut8asjgf49uw2jg. May comment pa siya na focus! na kainis naman dahil hindi ko nga magawa. ‘Yung interview kay Kuya Kim lang ang pinanood ko kanina sa The Buzz. Ganun pala kapag stroke. Parang isang rubik’s cube na biglang nag-rambol ang mga kulay. Hindi mo alam ang gagawin mo. Anlaki ng epekto sa utak. At kailangan pala, at least 3 oras, madala na sa ospital para hindi magkaroon ng damage sa utak. Tsk. Tapos, di ko na pinanood ang kasunod. Ayoko ng showbiz.

Idol ko si Robin. Crush ko si Mariel. Nagpakasal sila. K.

May mga idol ako pero hindi ako ganoon ka-avid fan na sinusundan bawat pagkubeta o pagkamot sa kili-kili nila na kailangang idokumentado ko araw-araw. Alam ko na may show siya dito, o may laro doon, o may gagawing bagong pelikula, mga ek-ek na ganyan pero ‘yung pati bilang ng tigyawat sa mukha e alam mo, hindi na ako gano’n. 

Ewan ko lang pero ito ang naiisip ko sa mga taong hanggang DNA ang kaadikan nila sa showbiz: Boring siguro ang buhay nila at wala na silang ibang magawa kaya buhay na lang ng ibang tao ang pinagti-trip-an nilang pagkwentuhan at pagkaabalahan ng panahon. Kumbaga, helloooow, why so serious ka kakabuntot d’yan?

Hindi ako sumasalungat sa trip nila kung iyon ang trip nila. Walang basagan ng itlog este trip. Pananaw ko lang naman. Pagtataka lang.

Hmm. Baka nakakain ko na ang mga sinasabi ko? Pero kung ako naman ang tatanungin, mukhang hindi naman. Fan ako ni Rachel ng FEU. Kapag may laro siya dati, pumupunta ako. Nasali ako sa isang fans club niya. May nagsabi sa akin kung saan ang dorm nila. Nababasa ko sa forum kung may modeling siyang ginagawa. Pumunta ako sa Isetann noon para lang picture-an siya’t makita sa isang opening ng pabango noon. Siguro mga ilang buwan din iyon na halos nakabuntot ako sa kanya.

Hindi naman ako nagsawa. Siguro, hindi lang talaga ako sanay (at mukhang ayaw kong sanayin ang sarili ko) na binubuntutan ang ina-idol ko. May sarili siyang buhay, may sarili akong buhay. Kaya, di na kailangang bawat minuto, nakasunod ako sa bawat gagawin niya.

Kung ako ang tatanungin mo kung kaninong opinyon ako mas sang-ayon tungkol sa paggamit ng sariling wika sa pagtuturo, sa sinabi ni Joey de Leon ako. Ika niya, maganda kung marami kang alam na wika pero mas maganda rin kung mayroon talaga tayong sariling atin na maipagmamalaki sa ibang mundo. Oo nga naman, karaniwan sa atin e we mix english and tagalog everytime nagsasalita tayo. Palaging gano’n, mwah.

Pero may punto rin ang sinabi ni Mel na sa riyalidad, ang mga taong marunong mag-inggles ang tinatanggap sa trabaho. Pero. Kung sakali man na filipino ang ginagamit ng mga negosyante todits sa pinas, e di sa interview, filipino rin ang gagamitin. 

Madalas kasi, para sa akin, pa-ek-ek na lang ‘yang english interview eh. Sa simula lang. Pero sa loob din ng opisina, nagta-tagalog na. Minsan bisaya pa. Sila lang ang nagkakaintindihan. Saka tatawa ng malakas tapos titingin sa’yo tapos tatawa ulit. Pang-asar.

Kung sakaling meron tayong katumbas na salita para sa (halos) lahat na salita ng kano, at para sa iba pang bagay, o di ba ansarap isiping napakaunlad ng wika natin? Pero maunlad naman talaga, hindi lang natin ginagamit kasi tingin natin, baduy. (At mas maganda kung uunlad pa at palaging ginagamit!) Mas gusto ko kasi talaga ang wika natin kesa sa annyeong haseyo, konnichiwa, sun of a beach resort, at lan chiaw bin. Mas masarap pakinggan ‘yung “T@#!&* mo! Maligo ka na nga, batugan!” kesa “Hi…Wanna play?”

At bakit kaya mas nawiwirduhan tayo at binabato ng tukso ang taong deretso at matatas mag-tagalog kesa sa taong nag-iinggles? Naging lenggwahe na ba ni Kokey ang filipino? Eh di ba hanggang “pinyoko” at “kokorekorekok” lang ang sinasabi niya? Walangya. Ampanget talaga ni Kokey.

Kasalukuyan akong naaadik sa 20th Century Boys. Hindi siya pangkaraniwang manga pero pangkaraniwan ang tema ng istorya pero ibang klase ang pagkakagawa. Subukan mong basahin.

Hindi pa ako tiyak kung bumalik na ang gana ko pero pa-hatinggabi na kaya mukhang sa pagtulog na lang ako gaganahan. Isang bagong building na naman ang gagawan ko ng 3D. 

Tatapusin ko pa ang komiks ko. O Lord, sana po matapos ko.

Sinong gustong mag-sponsor ng broadband ko???

Posted by andoyman at 10:40 pm | permalink | comments[3]

Isang pakikipag-usap sa kanya

Friday, September 24, 2010

“Alam mo ba ang isa sa pinakamalalang bagay na maaring mangyari sa isang tao?”

Tumingin siya sa akin. May ibig sabihin ang kanyang mga mata. Di ako nakasagot; naghintay ako ng sagot.

“Kapag hindi pinalipad ang ibon. Kapag hindi pinatakbo ang kabayo. Kapag hindi pinamukadkad ang bulaklak. Kapag hindi naging puno ang isang binhi.”

Tumingin ako sa karagatan. Hindi ko alam kung anong oras na. Pero napakaganda ng araw. Malamig ang kanta ng dagat.

Medyo nauunawaan ko ang ibig niyang sabihin.

“Marami ngayon ang buhay ang katawan pero patay ang puso. Kaya sa mga materyal na bagay na lang nila hinahanap ang dahilan para sabihing buhay sila.

“Hindi nila alam kung saan pupunta kaya nagpapadala na lang sila sa agos ng ibang tao. Nagpapadikta sila. Masipag silang magpadikta sa iba pero di sa kanilang puso. Hirap silang magtiwala sa kanilang puso dahil natatakot sila. Ang mga nakamit ng ibang tao ang gusto nilang makamit. Ang buhay ng ibang tao ang gusto nilang buhay. Ayaw nila ng kanilang sariling buhay.”

“Bakit sila natatakot sumunod sa kanilang puso?”

“Dahil hindi nila alam ang mangyayari. Mas gusto nila ang ligtas na daan. Takot sila sa mga bagay na walang katiyakan. Mga sigurista sila. Ngunit wala namang kasiguraduhan sa mundo.”

Tumahimik ako saglit. Nag-isip.

“Anong masama kung susundin ko ang sasabihin ng iba sa kung anong gusto nilang mangyari sa buhay ko? Mahal nila ako kaya nag-aalala sila. Mahal nila ako kaya mas gusto nila na doon ako sa ligtas na daan dahil natatakot sila para sa akin. Kasi nga, mahal nila ako.”

Kinuha niya ang kanyang tasa ng tsaa. “Kung sakaling agila ka at gusto mong lumipad, magiging masaya ka ba kung paglalakarin ka lang nila?”

Hindi na ako nakasagot. Alam ko ang ibig niyang sabihin.

“May ibang tao na sasabihing ‘Ito ang kagustuhan ng Diyos kaya tatanggapin ko’ at pagkatapos, tutulad sila sa isang bato: Nakaupo lang at naghihintay sa mangyayari, kung may mangyayari. Sinasabi nila na ang Diyos ang may hawak ng kanilang manibela. Sa tingin mo, ganito ba talaga ang gusto Niyang mangyari para sa atin?”

Napatitig ako sa kanya at nagulat sa kanyang tanong. Tanging ang hampas ng mga alon lang ang naririnig ko.

“Magtiwala ka sa iyong puso at tatagan ang iyong loob. Hawakan mo ang iyong manibela at pumunta sa gustong puntahan ng iyong puso. Huwag kang mag-alala dahil gagabayan ka Niya, ibibigay ang lahat ng kakailanganin mo. Huwag kang mabuhay tulad sa isang bangkay…

“Mabuhay ka dahil buhay ka.” 

Posted by andoyman at 10:29 am | permalink | Add comment

September 18

Sunday, September 19, 2010

Kung noong 4th year college, mukha akong estudyante kaya nakaka-discount pa ako sa pamasahe, ngayon, mukha na akong teroristang hindi papapasukin sa mga mall.

Problema ko pa noon ang mga projects at exam, mga seatwork at suprise quizzes. Mga formula at terminology ang ginigiling sa utak ko dati, hindi buhay, mundo, at tao tulad ngayon.

Naka-concentrate ako sa pag-maintain ng grades ko. Mas naka-concentrate naman ako ngayon sa pag-abot ng pangarap ko.

Hindi ako palabasa at palasulat noon. Ngayon, nagbabasa na ako ng mga aklat at nagsusulat ng kung anu-ano.

Soldering iron ang lapis ko noon. PCB ang papel na ginuguhitan ko. At mga transistor, resistor, at capacitor ang mga pangkulay ko.

Sasabihin kong mas tamad ako noon kesa ngayon. Mas duwag ako noon kesa ngayon. At mas kumorni ako ngayon kesa noon.

Masasabi ko ring mas hindi na limitado ang utak ko sa mga bagay na alam ko na. Mas lumawak, sa tingin ko, ang pang-unawa ko ngayon. Hindi na rin ako madaling magpadala sa init ng ulo ko. Pero hindi pa rin ako marunong magluto bukod sa pagprito.

Medyo natututo na rin akong ayusin paunti-unti ang buhay ko. Dahan-dahang binubuo, dahan-dahang ginagawa. Hindi na lang puro aral nang aral tulad noong estudyante pa ako. Mas may pakialam na ako sa paligid ko.

Mas malawak na ang mundo ko. Mas madami na ang kakilala ko. (Mas marami na rin ang mahihingian ng libre.) Mas malapit na ako sa pamilya ko. Mas marami na ang kaibigan ko. At mas nasasabik pa ako sa mga mangyayari sa buhay ko.

Sa loob ng dalawang taon, nagtiyaga kang makinig sa mga kadramahan at kalokohan ko. Palagi ka lang nandiyan kahit hindi ka nahahawakan. Hindi ka man multo pero nararamdaman pa rin kita. Natutuwa ako dahil mas malakas na ang bigkis nating dalawa. At di maiiwasan, tumatanda ka na rin.

At kahit kahapon pa, hayaan mong batiin pa rin kita.

Maligayang ikalawang taong kaarawan sa’yo blog ko! *hug*

Posted by andoyman at 7:56 pm | permalink | comments[6]

Strip #022

Friday, September 17, 2010

©andoyman 2010

antagal (tagal) bago ako nakapag-strips ulit. hwoo. nakaka-miss sobraaa. sana matuloy-tuloy ko na ‘to. at siya nga pala. may pangalan na rin ‘tong comic strips ko, sa wakas.

ang pamagat ay: “Palitaw Strips”

:)

Posted by andoyman at 12:12 am | permalink | comments[5]

Kowts

Sunday, September 12, 2010

‘Pag gusto mo talaga, okay ‘yan e, lalabas, kasi ang daming mga ibang nakikitang gumagawa ng comics, ‘di naman sila magaling mag-drawing, medyo olats, pero makikita mo na gustung-gusto nila ‘yung ginagawa nila, tapos makikita mo ‘yun sa gawa nila na grabe binuhos niya talaga yung puso niya dito. Tapos parang sa paraan na ‘yun, ang ganda ng gawa niya.

 - Manix Abrera

isa na ‘to sa pinakapaborito kong kowt :D

Posted by andoyman at 8:50 pm | permalink | Add comment

Faculty by Jerrold Tarog

Saturday, September 11, 2010

panoorin mo. anganda talaga. sana nga, magawan pa ng paraan.

Posted by andoyman at 1:42 am | permalink | Add comment

Wala lang: #18

Friday, September 10, 2010

Amboring ng palabas tuwing hapon. Grabe, punung-puno ng energy ang gameshow nina Luis at Billy. Grabeee! Naghanap ako ng palabas pero wala pa rin akong makitang magandang palabas.

Nagpaligo ako ng aso kanina. Hindi pusa. Aso.

O yeah. May nakita akong picture ng taong nakapangalumbaba at mukhang naghihintay. Nahihirapan kasi akong mag-drawing nang gano’n eh. Nakaapat na beses na, ampanget pa rin ng resulta. Teka, tapusin ko muna ‘to bago mag-drawing ulit.

Ano ba sa english ng “nakapangalumbaba”?

Nakatingin kapatid ko ngayon todits habang kumakain ng spaghetti. Nagtataka siguro siya sa mga pinagsusulat ko. Para kasing magic spells eh. Hindi mo maiintindihan kahit anong gawin mong pag-iintindi.

Hindi ko pa nga pala nasasagot ‘yung pahula ng tatay ko. Sana bukas masagot ko ng may P100 ako.

Hindi ko pa rin pala tapos basahin ang mga comics na binigay ni sir Elbert. Hindi ko pa tapos ang homework #2 ko para sa workshop. ‘Yung #1, pinagawa ko na sa kapatid ko.

Naghahanap ako ng larawan ng nakapangalumbabang tao. Langya naman. Bakit eto ang lumalabas? Eh hindi naman sila nakapangalumbaba.

Ngayon lang ulit ako nakapagbasa ng blog ni Yhel. Letse. May virus ang smartbobo. Na-a-activate tuwing magko-connect ako. Paano ba magtanggal ng virus sa smartbobo? Wala akong gamit na anti-virus eh. ‘Yoko lang. Pampabagal lang kasi ng pc. Manual lang lagi ako magtanggal ng mga malicious chorva.

Nasabi ng kapatid ko kanina na baka sa hinaharap, magiging libre na lang ang internet. Ooh… Mukhang ayos ano? Parang magiging pangunahing pangangailangan na siya ng tao kaya dapat maging libre na.

Buti pa si Yhel, may panahon magbasa ng aklat. (Oy yhel, maganda ka. Huwag mo intindihin ‘yung sinabi ni Anon. At saka, *ehem*, pakilala mo ako ke margaritaqueen) Ako, di ko na natuloy ‘yung The Winner Stands Alone. Balak kong bumili ng Sherlock Holmes. Pero, di ko alam kung kelan. Sana, may manlibre sa akin n’un. (Hindi ko pa nababasa ang librong pinahiram sa akin ni boss madam. Nakakatamad kasi.)

Nalimutan ko ang sasabihin ko.

Waaa. Palagi akong hindi nagpaplano kaya ayan tuloy, halos wala pa rin akong nagawa ngayong araw. Hmm. Hindi eh. May plano akong mga gagawin ngayon. Aaaarrrrgh. Bakit ba hindi ko magawang kontrolin ang katamaran ko? Hay gulay…

Torpe. Tamad. Tsk.

Yey! Yey! Yey! Workshop ulit bukas! Excited ako. *wink*

Grabe. Kahit noong elementary, high school, college, tamad na ako. Grabe. Reklamador pa. Waa. Hindi ko na alam ang sasabihin koooo.

Ayun. Nasayang ko ang oras mo. Mission accomplished.

Posted by andoyman at 10:27 pm | permalink | comments[5]

999

Thursday, September 9, 2010

Minsan, naiisip kong kambal kami kahit isang taon lang ang agwat ng edad ko sa kanya. Kwento ni mama, may isang sanggol daw na karga-karga ang nurse noon at nagtataka raw siya kung kaninong anak iyon dahil parang ginuhitan lang ng lapis ang mata nito. Nagulat na lang siya nang malamang sa kanya pala ang sanggol na ‘yon.

Inaasar siya ni daddy na ampon dahil singkit ang mata. Pero noong minsang napaiyak siya dahil dito, natigil na rin ang pang-aasar na ‘yon. Subalit hanggang ngayon, may kinaaasaran pa rin siyang salita. Huwag na huwag mong susubukan o tatangkain na sabihan siyang “maganda” dahil magagalit ‘yan. Gugusot ang mukha, at manlilisik ang mga mata tapos di ka na papansinin.

Siya ang kakulitan, kaharutan, kabiruan, kaasaran, *ehem* utusan ko (hahaha), kakambal, kapatid, pinakamatalik na kaibigan, at baby sa bahay. Kapag niyaya niya akong maglaro noon, nakikipaglaro ako. Kapag siya naman ang inaaya ko, ayaw naman niya. Anduuuuya. Hindi niya nakalilimutan nang minsang matalo niya ang robot ko na gawa sa lego nang robot niya na ang kapangyarihan ay taga-kuha ng utak. Lagi niyang kinukuha ang utak ng robot ko kaya lagi akong talo. Kaasar.

Malakas ‘yan manuntok at nakailang lalake na ang nakatikim ng kamao niya. Malambing at matalino (hindi niya lang palaging ginagamit kasi baka ma-surpass niya si Einstein). At masarap magluto. Siya ang chief chef na may solar hands at ako naman ang kanyang taga-tikim. Mahilig siya mag-alaga sa aso at mas masipag sa gawaing-bahay kaysa sa akin.

Brakadoom Weh, maligayang kaarawan sa’yo!!! Yey!!!

Posted by andoyman at 1:24 pm | permalink | comments[1]

TYW

Seryoso. Naaalarma na ako sa pagiging torpe ko.

Kahapon kasi, habang naghihintay ako ng masasakyang bus, may nakita akong magandang babae. Seryoso. Maganda siya. ‘Yung ganda na parang sa facebook mo lang makikita, ‘yung gusto mong titigan at iguhit sa diwa mo ang buo niyang mukha. Ganun kaganda.

Putek. Gusto kong malaman ang name niya. Gusto ko siyang makilala. Kaso, walanghiya eh. Hindi ko nagawa.

Ilang taon na rin ang nagdaan bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na kumausap at kilalanin ang isang estrangherong babae. Hindi ‘yung pangkaraniwang pag-uusap na “Miss, palimos po” o “Miss, babae ka ba?” Hindi ko na rin maalala kung nakwento ko na ‘yun todits pero sige, ikukwento ko na rin nang mabilisan. (Imagine-in mong nasa terrace ako at maganda ang tanawin with matching twinkle sound effect para sa reminisching scene ek-ek tapos nasa likod ko ‘yung horrifying slow murderer)

Pagsakay ko sa bus galing iskul, may nakita akong babae, hindi lalake kaya babae. Boyish siya. Pero maganda. Habang nasa bus, dinideliryo ako kung magpapakilala ba ako sa kanya o hindi. Nag-iisip ako noon ng mga sasabihin ko pero maya-maya, bigla akong maduduwag. Nauurong-bayag ako.

Gabi noon. Pagbaba namin sa bus, sinabi ko sa sarili ko, do or die na. Habang papalapit ako sa kanya, pakiramdam ko e na-vortex ako sa isang dimension kung saan punung-puno ako ng lakas ng loob at mas naging tabla pa ang mukha ko. Walang kaabug-abog at buong kumpiyansa akong nagtanong ng “Ahm…miss, anong pangalan mo?” with matching ngiti.

Natawa siya! Hindi ko alam kung bakit basta natawa siya. Natukso pa kami ng nakatambay na mga enforcer kasi halos nasa daan kami noon. Nalaman ko ang name niya, nakakwentuhan, at nahingi ko ang number niya. E-mail pa nga ang gusto kong hingiin noon eh. Haha. Sabi niya, number na lang daw niya.

Tapos naka-text ko siya ng tatlong araw. Sakto pa nga dahil birthday pa niya dalawang araw pagkatapos naming magkakilala. Kinwento ko sa mga kaklase ko at siyemps, inasar nila ako. Belinda ang pangalan niya, pero Brando ang ginawang pang-asar nila sa akin. Putek.

Hindi na siya noon nagre-reply at isang araw, tatay niya ang naka-text ko. Nyay. Nalimutan ko na ang text niya kaya huwag na nating balikan, Papa Jack.

Argh. Nakakaasar ang pagiging torpe ko. Kahapon, pwedeng-pwede ko na siyang makausap eh. As in, ‘yung time, lugar(hmm…pwede na siguro ‘yung nasa bangketa kami habang naghihintay ng masasakyan), at pagkakataon. Pwede na eh. Pwedeng-pwede. Lagyan na lang ng background music na Bakit ngayon ka lang? o Got to believe. Ako lang ang hindi nag-pwede.

Humingi pa ako ng sign ke Bro na kung halimbawang parehas kami ng sasakyan, makikipagkilala ako sa kanya. Eh hindi. Bali, bumili pa siya ng yosi sa may tindahan sa likuran ko noon. Saka naman ako naglakad palayo dahil…ewan. Di ko alam. Pagtingin ko sa likod, ayun, halos nasa may pwesto ko siya perpendicularly. Parang nagpalit lang kami ng kinatatayuan. Nakasakay na ako ng bus at tinanaw siya habang ako’y papalayo samantalang nakatingin siya sa malayo at hinihithit ang kanyang yosi. Swerte ng yosi, nakakadampi sa kanyang labi. Torpe, you win. Hay Andoyman…

Saan ba nakakabili ng gamot na pantanggal torpe?

Kung palagi akong ganito, magiging walang kwenta ang kapogian ko. Sayang naman.

Posted by andoyman at 1:22 pm | permalink | comments[3]

Pakikipagtampisaw kay Writing

Wednesday, September 8, 2010

Mahirap palang magsulat kahit gusto mo magsulat pero hindi alam ng sarili mo kung paano mo isusulat ang gusto mong isulat. Para kang may tae sa tiyan at gusto mo nang ilabas pero hindi mo mailabas dahil wala kang mahanap na (sobrang duming) palikuran. Bigla ko tuloy naisip kung alin ang mas mahirap: ang aminin ang nagawa mong kasalanan o magpigil ng LBM habang nasa loob ka ng spacesuit at nakalutang sa outer space?

Nahihirapan akong ligawan ngayon si Writing. Moody siya. Kung gusto niya ngayon na, ngayon na dapat. Minsan, gusto naman niyang magpahinga kasi napapagod din naman siya. Kung minsan naman, gusto niya ngayon pero kapag nandyan na ako, aayaw na. Halimbawa, yayayain ko siyang makipagkwentuhan tungkol sa nangyari sa akin noong isang araw ilang taon na ang nakararaan. Sa una, um-oo siya pero maya-maya, pagkatapos kong magbihis, magpabango, mag-transcend sa parallel universe, saka niya ako ite-text na huwag na lang dahil ayaw na niya. May menstruation daw siya.

Ayaw ko naman siyang pilitin dahil ang bagay na pinipilit, masakit.

May times na parang andami kong gustong ikwento pero wala siya. Di nagre-reply sa mga text ko. O wala sa mood. Minsan naman, malayo pa lang, naaamoy ko na ang mabango niyang halimuyak at natatanaw ko na ang nakapang-aakit niyang alindog, tapos saktong busy ako o ako naman ang wala sa mood (pero wala naman talaga ako sa mood kasi nasa earth ako).

Ilang beses nang nangyari ‘yan. Sasabihin ko, saglit lang pero napapatagal hanggang sa nakalimutan ko na. Mahirap pa naman siyang habulin. At lagi pang nagpapahabol. Ambilis. Ngunit kapag nahabol mo naman, o yay, kaligayahang walang sing-sarap!

Siguro nagtatampo siya sa akin ngayon. Mahirap i-maintain ang relationship sa kanya pero di naman ako sumusuko. Baka kailangan ko lang siyang mas lambingin at kalabit-kalabitin ng mas madalas at maraming beses, baka bibigay rin at lalandiin na ako.

Baka nagtatampo rin siya dahil madalas na akong hindi nagsusulat. Akala niya siguro, talagang nakalimutan ko na siya. Alam niya kasing may notebook ako para sa mga idea pero kapag nagte-text siya sa akin, hindi ko nasusulat ang mga sinasabi niya kasi nga, ayun, sasabihin ko, saglit lang. Tsk.

Sana nagbakasyon lang siya ngayon kasama ang mga kaibigan niyang sina Reading, Watching, Surfing, Thinking, at Playing. Sa totoo lang, si Drawing kasi ang mas nakakasama ko ngayon eh. ‘Yung iba, hindi ko na rin madalas nate-table. Baka nagsama-sama sila’t nagtayo ng unyon at magra-rally ng “We need your attention, Mr. John Lloyd Crook!”

May times din na habang nagkukwento siya, na-a-absent-minded ako o naiiba ang tingin ng diwa ko sa ibang chicks. Siguro napapansin niya ‘yun. Nakow!!! Anhirap talagang maging gwapo!

Hindi naman niya hinihingi lahat ng oras ko. Ang gusto niya lang eh pansinin ko siya sa oras na gusto niyang pansinin ko siya. Katulad ngayon, kahit paputol-putol ang pakikipag-usap ko sa kanya dahil minsan bigla siyang di iimik (at marahil, nakulitan na rin sa akin kakalabit ko sa kanya nitong mga nagdaang araw), eto at magka-holding hands ang aming puso. Though, nagtatampururut pa rin siya sa akin. Pero ayos lang.

Ang mas mahalaga, magkausap ulit kami ngayon :)

Posted by andoyman at 5:03 pm | permalink | comments[1]

Kowts

Tuesday, September 7, 2010

A great pleasure in life is doing what people say you cannot do.

-Walter Bagehot

Posted by andoyman at 5:57 pm | permalink | Add comment

Long Hair

Thursday, September 2, 2010

Barber’s cut lang ang tanging istilo na buong pananampalatayang nanalig sa aking buhok mula noong bata pa ako. Kahit ilang beses ko nang pinagtaksilan, tinalikuran, at iniwasan, tanging ang gupit na ‘yan ang may malaking tiwala sa akin kaya palaging ‘yan lang din ang haircut ko.

Pinakalbo ako ng nanay ko noong sanggol pa ako sa paniniwalang lalago ang buhok pag laki ko. Eto nga, malago. Ang side effect lang, nagmumukhang malaki ang ulo ko kaya dapat laging ginugupitan ang buhok ko. Wala naman akong gaanong problema sa istilo ng gupit ko. Asteg pa nga dahil kapag bagong gupit, masarap hawak-hawakan ang bagong ahit na patilya at kapag mahangin, ramdam mo ang pagguhit ng hangin sa may tenga mo.

Crew cut o crook cut yata ang tawag dun. Iyon ang ihe-haircut sa akin. Lagi kong kasama Daddy ko kapag magpapagupit. Kung abala naman siya, pinsan ko naman ang kasama ko. Minsan, nagpagupit ako kasama ang pinsan ko. Dapat, flat top ang igugupit sa akin kasi ‘yung gusto ng Daddy ko. Um-oo lang ako sa suggestion nya. Napilitan lang ako.  Gugupitan na ako nang mamroblema si manong. Bilog daw ang ulo ko at di pwede ang flat top kaya crew cut (crook cut) na lang. Okey lang naman sa akin. Ayos na sana ang lahat kung hindi lang humirit ang isang barbero na “malaki ang ulo”. Basta, ‘yung salitang iyon ako naasar. Oo na, malaki na ulo ko. Pero dapat ba talagang magbiro nang ganon? At tumawa nang ganon? Tsk.

Kaya mula noon, ganun na ang buhok ko. At kaya dahil din do’n, tampulan ako ng asar ng kapatid ko ng “buko!” kasi bilog at malaki ang ulo ko. Naranasan ko ring biruin na ‘mamamatay ang butiki kapag nahulog sa ulo ko’. Madalas ang birong ‘yan sa akin lalo noong nagpa-semi-kalbo ako. Napendong din ako. Kaya noong napuno na ako, sabi ko, ayoko na ng ganoong klase ng gupit.

Nagpapahaba ako ng buhok noon pero lagi akong sinasabihan ng magulang ko na magpagupit na. Kaya minsan, pagkatapos kong maligo, napag-trip-an kong pantayin ang bagito kong bigote. Putek. Anggaling ko!!! Hindi pantay ang nagawa ko. Nainis na ako kaya inahitan ko na lang. Kung papansinin mo ‘yung nasa picture sa itaas, ang nasa gitna ang estado ng buhok at balbas ko. Lagi kong inaahit ang bigote ko. Sa totoo lang, matagal ko nang balak magpahaba ng buhok at balbas. Ilang beses binalak, ilang beses din naudlot kasi: may job interview, mag-a-apply, etcetera. Pero ngayon, itutuloy ko na ‘to.

Nakailang experiment na rin ako ng istilo ng gupit na babagay sa akin. May longback, may syokoy, may clean look, at, hay, barber’s cut ulit. Sabi ko noon, hindi na ako babalik sa barber’s cut pero ayun, bumabalik pa rin ako.

Ngayon, ermitanyo look na ako. Wala na akong pakialam kung terorista o holdaper ang tingin sa akin ng iba. Problema na nila ‘yun at ng mapanghusga nilang ugali. Gusto ko ng ganito kaya gusto ko ng ganito. Hindi naman mahirap intindihin ‘yun.

Isa pa, pakiramdam ko, mas nagiging creative ang utak ko kapag mahaba ang balbas ko. Iyon naman kasi talaga ang dahilan. At kung magpapahaba ako ng balbas, alangan namang maiksi ang buhok ko. Ampanget naman ata nun. At gusto ko rin kasing mag-ipit ng buhok. ‘Yung naka-pony tail. ‘Yung parang samurai. Ganun. Basta gusto ko lang talaga.

Suggestion ng kapatid ko, dahil malago ang buhok ko, magpa-relax daw ako para numipis at nang umunat. Parang gusto ko pero umayaw ako. Virgin pa ang buhok ko. Gel o floor wax lang ang nilalagay ko. Pero ngayon, dahil mas nairita na ako sa fashion, ayoko na mag-style-style. Nakakabanas lang kasi. Minsan, maganda ang pag-aayos mo. Kapag humaba lang konti, nget-pax na. Nakakabanas din kapag nasa bus tapos malakas ang ihip ng hangin. Nagugulo ang inayos mong buhok. Maba-badtrip ka lang. Pero kung mahaba ang buhok ko, hwaha, ako naman’ng manlalatigo ng buhok sa kanila. Ang solusyon ko naman sa malago kong buhok e nagsusumbrero ako para sumiksik iyon at numipis tignan.

Kung hindi ako magugustuhan ng babae sa ganitong ayos ko, di ko na problema ‘yun. Masyado siya. Sinabihan nga ako ng katrabaho ko na kung ba’t ako nagpapahaba ng hok-bu, andumi ko raw tuloy tignan. Pa’no na raw niyan magkakagusto ang babae sa akin. Sabi ko, kung mahal ako ng babae, dapat mahal niya rin ang itsura ko. Sabat naman ng isa, UL**!

Sabi naman ng isa kong katrabaho, siguro, unconsciously, nasa utak ko na na kapag artist, dapat mahaba ang buhok. Siguro nga ganun.

Hmm. Gusto ko ring i-try ang ala-Bob Marley na buhok, ‘yung buhok na kontinente ng kuto.

E kung punks na buhok?

O afro?

E kung i-try ko kaya ‘yung isang style ng buhok na nabasa ko sa Kikomachine Komix? Hahahaha.

E kung kalbo? Basta, magpapa-long hair ako. Ermitanyo look. Yeah!

Posted by andoyman at 11:13 pm | permalink | comments[3]

Zombie

Tuesday, August 31, 2010

pakiramdam ko zombie ako ngayon.

siguro dala ng kulang sa tulog o ng iba pang bagay tulad ng paulit-ulit na ginagawa ko rito sa opis o dahil pressured sa mga ginagawa. di ko pa nasisimulang gawin ang pinakahuling pinapagawa sa akin. bukas na kailangan at mamaya ko palang sisimulan.

siguro kulang lang ako sa bitamina. hindi poten-cee o enervon o viagra, di pa ako gumagamit n’on. bitamina ko ang pagkokomiks. doon nabubuhay ang dugo ko bukod sa kapag nakakakita ako ng maganda. bitamina ko rin pamilya ko, mga kaibigan ko, at mga bagay na kinahihiligan ko tulad ng…ng…tulad mo? bitamina ko si Bro at, weird mang isipin, pati lumilipad na paru-paro sa daan.

siguro dahil walang workshop noong sabado kaya ako zombie ngayon.

hindi ako gaano makapag-isip. naiinis pa ako sa walang hiyang printer na ‘to at kanina pa ayaw mag-print. mabagal pa ang gamit kong computer at marami pa akong gagawin tulad ng blog designing para sa apat na kumpanya. last day naman ng isa kong katrabaho. argh. buwang talaga ako ngayon.

zombie!

plants vs zombies! hindi ko pa natatapos ‘yan. wag ka mag-alala. hindi talaga ako updated sa mga bagong laro sa bawat buwan. naiwan pa rin ang utak ko sa ragnarok at kung saka-sakali, iyon pa rin ang lalaruin ko.

gusto ko ng umuwi. sweldo day ngayon. simula na ng pasko season kasbu.

kulang na ako sa pagkokomiks. gusto ko ring bumili ng sherlock holmes na aklat. may nakita ako nun dati, dalawang book. mas gusto ko kasing binabasa at nasasalat iyon sa papel kaysa binabasa sa monitor. pero hindi pa ako makakabili kahit ‘yung binabalak kong harry potter series.

makapanood pa kaya ng kapatid ko ng ‘despicable me’? iba-budget ko pa ang sahod ko ngayon.

argh. zombie rin ‘tong post ko.

Posted by andoyman at 11:32 am | permalink | comments[2]

Isang mabilisan

Monday, August 30, 2010

Andaming nangyari. Pero hindi ko alam ang sasabihin ko.

> Na-hack ang fb account ko at kung hindi agad tinext sa akin ni Bikoman, nakow, mas malaking gulo ang mangyayari. Tantya ko, mga 30-15 minutes nagalaw nang walang paalam ang account ko. Alam kong kasalanan ko dahil sa kapabayaan ko pero hindi maarok ng pang-unawa ko kung bakit may mga taong gustong makialam ng account ng iba at magsalita ng mga kabastusan. Mahirap na talaga ngayon. Habang tumatalino ang mga robot at computer, mas nagiging bobo naman ang tao. Pasalamat na lang siya’t di ang kamao ko ang nakipag-usap sa mukha niya. Maraming salamat talaga kay Bikoman!

> Inaamin ko na dahil sa sobrang galit at inis ko, nag-post ako sa fb at tumblr ng picture ng mga estudyanteng nagpa-picture na ang background ay ang bus na ginamit sa pangho-hostage. Dapat hindi na pala ako nag-post ng ganun. I mean, wala namang magagawa kasi kung nag-post ako ng ganun eh. Wala namang mabuting maiaambag iyon sa nangyari.

>Sana bago manisi ng iba, sinisi muna ang sarili nang walang nagtuturuan. Pagkatapos, matuto sa pagkakamali at mag-move on.

> Busy ako sa opis. Mas busy kaysa dati sapat para di ako makapag-fb at tumblr. Lalo nitong nagdaang linggo. Inaasahan ko pa naman din ang workshop noong Sabado pero noong Biyernes pa lang, nag-text na si Sir Elbert na wala muna. Medyo nanghina ako pero naisip ko na ayos na rin para makapagpahinga ako upang makabawi sa ilang gabing kaunti lang ang oras ng tulog ko.

> Kaso wala naman akong nagawa para sa pagkokomiks ko. Wala akong nasulat o naguhit. Kaunting pagguhit, kumbaga praktis, meron. Bali, naguguluhan din kasi ako dahil dalawang istorya ang nasa isipan ko habang may naka-pending din sa likod ng utak ko. Binalak ko ring gumawa ng istorya para sa Saranggola Writing Contest (basta ganun) pero hindi ko malilok ang idea na nasa utak ko kasi nagkabuhol-buhol na. Pero sa wakas, ngayong araw, natapos ko na rin ang plot para sa isang ginagawa kong kwento para sa workshop. Habang ang isa naman, patapos na ang revision ng script. Naks! Hopefully, ngayong linggo, makakapagsimula na akong makapagguhit ng komiks.

> May girlfriend na pala ‘yung isa kong kaibigan. Nagulat ako kasi noong college, wala naman siyang nililigawan. Hehe. Asteg.

> Paki-like naman ‘to: http://www.facebook.com/video/video.php?v=110075619050206 Para kasi ‘yan sa midterm exam nila.

> Natapos ko nang panoorin ang tatlong episodes ng Sherlock. Ibinigay ni Sir Elbert ang tatlong episodes na ‘to para panoorin naming workshoppers. Isa pa, investigative/mystery kasi ang kwento ng sa akin kaya siguradong marami akong mapupulot na tips sa palabas. At higit sa lahat, talagang sakto talaga, ito ang isa sa pinakapaborito kong kwento at character, si Sherlock Holmes. Binabasa ko lang ang e-book niyan noong nag-o-OJT ako kasi wala naman akong ginagawa. Nakakatuwa dahil tuwing lalabas ako ng opis, sinusubukan kong gawin din ang deduction na ginagawa niya. Feeling Sherlock Holmes ako. Haha.

> Sa mahigit isang taong halos wala akong balita sa mga nakasama kong RADdicts, nagulat na lang ako noong isang araw tungkol sa mga nangyari at kung paano parang nabuwag ang grupo. Nakakalungkot kasi isang beses lang nangyari ang lahat. Nakakatuwa dahil naranasan ko ang ganoon. Nakakapanghinayang kasi hindi nagtagal. Nakakainis, ang init. Teka, itatapat ko lang ‘yung isang electric fan sa akin.

> Ang takbo ng isip ko ngayon kapag may nakikita akong babaeng type ko e ganito: Isang mahabang lovestory naming dalawa ang mabubuo agad sa isipan ko habang lilinga-linga ako sa kanya. Pagkatapos, saka ko maiisip na, di bale, marami pa naman diyang iba. Makakapaghintay ‘yan. 

> At pumapasok din sa isipan ko na huwag na ‘lang akong maghanap ng magiging asawa ko. Kumbaga, asawahin ko na lang ang pagkokomiks. Haha. Kahit dati naman, naiisip ko na ‘to.

> Marami pang nasa isip ko pero nalimutan ko nang magsulat na ako.

> Nagkaroon kami ng parang reunion kasi birthay ni gori. Nandoon si polio, si dugo, si fetus, at si hit. Si boldyak lang ang wala. Hindi rin ako gaano nagtagal kasi may pasok pa ako noon kinabukasan. Natutuwa lang talaga ako dahil hanggang ngayon, magkakaibigan pa rin kami.

Posted by andoyman at 9:13 pm | permalink | Add comment

The Failure Filipino Pride by Antipinoy.com

Saturday, August 28, 2010

The Manila Hostage Crisis has been recognized as one of the greatest mistakes of our Filipino leadership and our culture. It has shown right to the world how defective our culture and system are, right from the hostage taker and his family to the policemen in their bungled rescue attempt. Filipinos and foreigners have been sobered and saddened by the events. Many are saying that it has exposed various wrongs in our system, and various international analysts have commented, correctly, on what has happened.

Now one of the worst reactions that Filipinos have is to say, “We are still proud to be Filipinos in spite of what happened! Mabuhay ang Pilipinas!” (side comment: yeah, ‘in spite of,’ Filipinos tend to spite other nations). Some Filipinos see it as a rightful action to save our image. It even seems that we are the only nation to use this kind of reaction. We try to remain a proud race despite another country’s people being killed on our territory.

My colleague here in AP Benign0 believes that Filipinos have to be shamed in order to realize their mistakes and change. This hostage crisis should have served as such an event. However, it seems that many Filipinos have immunized themselves against shame and instead tried to cover it up with trying to recover what’s left of their “pride.”

The problem is that proclaiming Filipino pride at this point is very wrong to do. From the Chinese point of view, statements of Filipino pride right now only serve to further degrade our already damaged image to the world. It is especially embarrassing now that Chinese are angered not only at the event, but at PNoy’s “smiling” visage and the pictures of disrespectful souvenir takers (a nice word is camwhores) circulating around the Net.

Saying that we’re still proud is seen as an act of arrogance, especially in the eyes of a nation that has been wronged by one of ours…

Read more…

Posted by andoyman at 11:33 am | permalink | Add comment

Se ying diu sau by Bob Ong

Thursday, August 26, 2010
by Bob Ong on Wednesday, August 25, 2010 at 9:16pm
 
“Bob, ano ang masasabi mo sa Manila hostage-taking?”

Pagkatapos ng dalawang araw, nasabi na ang lahat na pwedeng sabihin.  Napuna na ang mga dapat punahin, nabatikos ang mga dapat batikusin, at isa-isa nang sinisibak ngayon ang mga (i)responsableng tao na malamang ay pinagsawaan na ring sabunin.

Kung may dapat mang malaman pa ang mga Pilipino, yun ay ang kung ano ang pwede nating gawin ngayon.

-  Ipagdasal ang mga casualty, survivor, ang mga opisyal na nasibak sa pwesto, ang presidente, ang bansa, ang mga Pilipino…pwede.

-  Iwasang magpasa ng mga maling impormasyon o photoshopped na litrato at edited na video,  at tawagin ang pansin ng mga taong mahilig magkalat ng maling balita tungkol sa insidente…pwede.

-  Lawakan ang pang-unawa at maging mahinahon kung makikipagpalitan ng opinyon sa ibang nasyonalidad sa Internet tungkol sa insidente…pwede.

-  Maging mas responsable sa pagbabalita at sa paraan ng pagkuha nito…pwede.

-  Suportahan ang mga hakbang na gagawin ng pamahalaan para maituwid ang mga pagkukulang sa nangyaring insidente…pwede.

Panagutin natin at turuan ang mga palpak na opisyal.  Pero pagkatapos noon, matuto tayong magpatawad at umabante.  Hindi makakatulong na maliitin pa lalo ng Pilipino ang sarili nya.  Kung mambabato man ng insulto ang mga taga-ibang bansa para sa pangkalahatan ng mga Pilipino; kapintasan na yon sa asal nila, hindi satin.

Kung may dapat mang mas kondenahin ngayon, yun ay ang mga usisero na kating-kating makadikit sa bus na para bagang milagro itong makakagaling ng mga sakit.  May naisip akong magandang gawin sa kanila pero labag sa karapatang pantao, kaya hindi ko na lang imumungkahi.

Sa parehong paraan na nakikinabang tayo sa karangalan na naibibigay ng paisa-isang Pilipino, ganoon din ito mababawi sa atin ng isang Pilipino na tulad nito. Pero mahalagang malaman ng Pinoy na hindi lang sa mga balita at ilang indibidwal nakasalalay ang pangalan ng bansa, dahil ang bawat Pilipino ay imahe ng Pilipinas…tao man itong may mukha o isang simpleng mensahe na binitiwan sa Internet.
.
.
.

Sana lahat ng tao katulad ni Jackie Chan mag-isip, at lahat ng action star katulad nya gumawa ng stunt.

(Wag mo na pakialaman ang title, paborito kong pelikula yan ni Jackie Chan.)

Posted by andoyman at 1:19 pm | permalink | Add comment

23

Monday, August 23, 2010

Si Michael Jordan ang unang pumapasok sa aking isipan kapag number 23 ang pinag-uusapan. Hindi natin alam, at nalaman ko lang, na ang number na ito ang ikalimang Eisenstein prime na walang imaginary at real part para sa form na 3n-1, na sinasabi naman ng iba na ang karamihan sa mahahalagang event o mga nangyayaring aksidente ay may kaugnayan, sa kahit anong paraan, sa number 23.

Psalm 23 o Shepherd Psalm ang pinakasikat na i-quote na chapter mula sa Bible. Samantala, ang pag-divide ng 2 sa 3 ay magreresulta sa 0.666 o, katulad sa paniniwala, ang marka ng demonyo. Twenty-three din ang resulta kapag pinag-add mo ang 8 at 15 na oras ng pagbagsak ng bomba sa Hiroshima. 23 years naman ang nagdaan muna bago ma-revealed kay Muhammad ang Qur’an. At ganito rin ang title ng action tv series ni Jack Bauer…kung manonood ka sa piratang dvd.

Ang hindi alam ng lahat, mahigit dalawampu’t tatlong taon na ang nakakaraan, may isang babae mula sa Cotabato ang hinulaan ng isang matanda na pagtapak na pagtapak niya sa Maynila ay mag-aasawa siya. At nangyari nga ang hula ng matanda dahil nagpakasal ang babae sa lalakeng nakilala niya sa Maynila saktong 23 taon na ang nakakaraan. Isang taon ang lumipas pagkatapos nilang magpakasal, isinilang ang pinaka-artistahing lalake sa buong universe at underverse hanggang sa ibang dimension.

HAPPY 23RD WEDDING ANNIVERSARY SA MGA MAGULANG KO!!!

Beinte-tres na taon na rin ang edad ng aming palanggana. Hehe. Mas matanda pa sa akin.

 

P.S. 

Hap-pey birthday kay Ate Roanne!!! Wiiiiii!! Manlilibre ‘yan pagbalik todits sa Pinas. Hahaha!

Posted by andoyman at 2:28 pm | permalink | comments[2]

Makasariling anak

Saturday, August 21, 2010

Sa kabila ng pangarap ko, hindi ko napansing naging makasarili ako sa pamilya ko. Hindi ako nasanay na ipadama sa kanila na mahal ko sila. Hindi ako nasanay na ipakitang alam ko ang pagmamalasakit nila sa amin. Naging malayo ako sa kanila at, siguro, dala na rin ng mga naghalu-halong bagay na nag-udyok sa akin para maging duwag, wala akong ginawang malaking hakbang para mapalapit sa kanila.

Sa pag-uusap namin ng nanay ko, nalaman ko kung gaano ako naging hindi mabuting anak sa kanila, mga pagkukulang ng isang anak sa magulang na hindi ko nakita noon; may nakita man ako, hindi ganoon kalawak. Lagi akong nasa mundo ko. Hindi nila alam ang damdamin ko, ang mga hinaing sa buhay, mga problema, mga bagay na magsasabi kung naging sino ako kasi hindi ko hinayaang buksan ang puso ko sa kanila.

Hindi ko ginustong maging malayo sa kanila pero ganoon ang nangyari na hinayaan ko lang.

Anak ako. Nagkakamali. Siguro sapat na ang ilang taong naging malayo ako sa kanila kahit naging mahaba iyon. Kaya siguro naging ganoon ang lahat at nangyari ang di pagkakaunawaan sa amin ng nanay ko ay para sabihin sa akin ni Bro na panahon na upang magbago ako bilang anak nila bago mahuli ang lahat. Nag-iisa lang sila at hindi na pwedeng palitan tulad ng toothbrush, o pumili ng bago tulad ng housing ng cellphone. Isang beses lang sila sa buhay ng anak. Kumbaga, eto na ‘to, panahon ko na para ipakita na mahal ko talaga sila, panahon na upang bumawi sa mga taong sinayang ko.

Magbabago ako pero alam kong matatagalan. Pero uunti-untiin ko. Anak ako, magulang ko sila, pamilya kami. Anumang tahakin ko sa buhay ko, anumang gusto kong tuparin sa buhay ko, sinuman ang mapangasawa ko, saanman ako magpunta, palaging sila pa rin ang magulang ko at hindi ‘yon magbabago magpalit man ng pangulo ang bansa ng ilang beses.

Posted by andoyman at 12:29 pm | permalink | comments[1]

Guess the title!

Friday, August 20, 2010

Bukas Metro Con pero sand Day 2 ako makakapunta. May workshop kasi ako tuwing sabado at hindi ko pa nagagawa ang assignment namin: paggawa ng plot. Di ko pa rin tapos ang readings na binigay ni Sir Elbert.

Mabuti pa sina Kuya Olive Oil, pa-foodtrip-foodtrip na lang. Dami pera. Mayaman. Haha.

Nasa pangatlong file na ako sa ginagawa ko sa SEO. Bawat file e may 170 na sites na dapat kong submit-an ng article na ika-copy&paste ko. Malamig sa labas. Nagyeyelo. Puro snow.

Di ko pa nagagawa ‘yung isang raket ko e sa 24 na kelangan ng estudyante. Hmm.

Di muna ako magbubukas ng tumblr kasi…marami pa akong hindi nase-save at mag-i-stock lang dun.

Gusto ko lang magsalita. Pabayaan niyo na ako.

Tipid-tipid talaga ako ngayon sa pera kasi may balak akong gawin. Ilang araw na akong hindi nakakapagguhit. Nakakamiss na.

Wala lang.

May nagtapat sa akin kanina. Mahal daw niya ako noon pa. Joke. Inilabas lang niya ang nasa kalooban niya: hindi na siya masaya. Hindi sa buhay kundi sa trabaho niya. Parehas lang kami. Tinatiyaga ko na lang.

Langya. Pag nakahanap talaga ako ng trabaho na magdodrawing lang ako buong araw, tatanggapin ko kaagad ‘yun. Ayoko ng graphic designer. Basta ayoko.

Si yeye, nag-e-emo. Si xienah, wala na akong balita. Nagpa-sex change na siguro. Haha. Wala akong ka-text. Ayos lang at mas gusto ko ang ganun.

May di pagkakaunawaan kami ng nanay ko at dahilan ‘yun ng isang linggong kalungkutan ko, isang linggong paglalamay. Hay.

Sana makaabot pa ako sa slots sa Komikon para makapaglabas na ako ng komiks. Tapos ko na ang draft script ko. Konting revision na lang tapos edit pa konti tapos drawing na sa papel, sunod pa-scan (hahanap ng sponsor) tapos pa-photocopy. Ganun lang kasimple. Tapusin ko lang ‘tong rakets ko ta’s itutuloy ko na ang paggawa ng komiks ko. Yey.

Tuwing Huwebes, lagi kong inaakala na Biyernes na. Tuwing umaga, gusto ko na kaagad umuwi. Ganun na ako naiinip.

Kikitlin ko na ‘to bago pa ako mahuli. Kung bakit kasi laging 1000 years katagal ang meeting.

Pa-kiss.

Posted by andoyman at 2:32 pm | permalink | comments[2]

As You Inhale by Blue Boys Bites Back

Wednesday, August 18, 2010

MYX<space>VOTE<space>AS YOU INHALE send to 2366.

I-vote natin sila para mag-number-1 sila. Isa sa mga gitarista d’yan e kaklase ko kaya suportahan natin sila. Yeah!

(Bawat boto natin,  tataas ang tsansa na bigyan nila ako ng libreng cd album nila. Haha.)

Posted by andoyman at 7:00 pm | permalink | Add comment

Side A

Sa totoo lang, isa sa hinahangaan kong banda ang Side A at palagi akong nabibilib sa kanila. Noong minsang narinig ko ang kanta nilang “Forevermore”, akala ko dati e kantang-dayuhan. Nagulat ako nang sila pala ang kumanta. Ang pinapatugtog ko tuloy ngayon e “Harana” ng Parokya ni Edgar, ang pinakapaborito kong banda.

Kung i-a-anagram mo ang “Side A”, ang lalabas e “Ideas.” Wala. Gumawa lang ako ng intro para maidikit ko lang basta ang “Ideas” kasi ‘yon naman talaga ang ikukwento ko.

Nabasa ko sa Kikomachine Komix, paano kung merong isang lugar kung saan napupunta ang mga nakalimutan nating concepts, ideas na di nagamit, mga latak na kaalaman kumbaga? Tapos nakapasok ka doon at nag-explore ka ng mga ideas na nandoon. E paano kung di lang pala ikaw ang nandoon at may kaagaw ka sa idea na gusto mo? Sapakan na ‘to!

Sa dami ng naiisip ng tao, mula sa simpleng reklamo tulad ng naiingayan ka sa teacher mo hanggang sa pinakakomplikado tulad ng “Paano nagiging ebak ang pagkain?”, mula sa mga imbensiyon, bagong tuklas, bagong pag-aaral, at pesteng pagsagot ng 10×1 noong bata ka pa, nakamamanghang isiping galing lahat iyon sa utak ng tao.

Ayon sa kalkulasyon ng radioisotopes ng tambay na physicists sa amin, nagpapalit ang tao ng kanyang utak bawat taon (nang hindi mo namamalayan). At araw-araw, meron tayong 60,000 idea na iniisip/naiisip. Ang panget lang, 95% doon ay katulad kahapon.

Kung sakaling magawa mong makaisip ng 60,000 original idea bawat araw, putek, napakagaling na ng utak mo. Napakarami mo nang naisip na bagay mula sa pinakawirdo hanggang sa di-na-kayang-i-process-ng-super-computer-sa-sobrang-napaka-ultimate-weird na ideas. Pero paano nga ba napoproseso ang idea? At pare-pareho ba ang proseso na ‘yon sa bawat tao? Aba’y malay ko. Scientist ba ‘ko?

Sabi ni Sir Elbert noong huling-huling workshop namin, ang idea habang nasa utak natin, nabubuo ‘yan at akala natin, walang butas, walang loopholes, as in, buo talaga pero sa oras na isulat natin ang idea na ‘yon, mapupuna natin ang mga defect, mali, imperfection niyon. Gets?

Mula sa pelikula, soap opera, nobela, maiikling kwento, tula, kanta, sayaw, sining, imbensiyon, innovation sa technology, pang-aasar, lahat ‘yan ay galing sa “idea”. Mga cool, weird, at “ayos lang” na idea, d’yan nabubuo ang mga bagay na kinahihiligan ng tao.

Para sa akin, ang idea ay isang maliit na binhi na kapag naitanim mo nang tama, inalagaan ng tama, pinalaki at pinakain ng tama, inaruga’t minahal, magiging isang napakalaki’t magandang puno na mapapakinabangan mo at ng ibang tao.

Noong thesis namin, napakahirap mag-isip ng idea kung ano ang gagawin naming project para sa lintik na thesis na ‘yan. Kumbaga, kung kelan kailangan mong makaisip ng idea, saka naman wala kang mahagilap, walang maisip. Pang-asar ba. Pero pagdating sa kalokohan, ambilis at andami kaagad ang naiisip. Asteg.

May assignment kami noong huling-huling workshop. Kailangan kaming magbigay ng 50 ideas. Basta idea.

Bali noong una, ayos naman pero di nagtagal, hirap na akong mag-isip. Parang nilapa na ng leon ang utak ko. Ubos na kumbaga. Pero hindi naman ako tumigil mag-isip. Pinilit ko pa rin. Isinama ko na rin ang mga idea na naisip ko noon para may dagdag na kaagad. Pagdating sa workshop, sabi ko ke sir, di umabot ng singkwenta ang sa akin. Sabi niya, since hihintayin pa ang iba na dumating, dagdagan ko pa at kaya ko naman daw.

Pag-upo ko, hindi ko alam kung sa paanong paraan ako na-vortex pero nakaisip agad ako ng 11 na ideas, bale, naka-51 akong ideas at sa loob lang iyon ng ilang minuto! Putek. Namangha ako dahil sunud-sunod ang pag-iisip at pagsusulat ko noon. Parang may kung ano sa lugar na ‘yon na nag-magic sa akin na mag-isip ng idea nang walang humpay. Weird na kung weird. Basta idea.

Heto nga pala ang sampu sa limampung idea mula sa listahan ko:
1.    Paano kung tayo ang binibingwit ng mga isda?
2.    Paano kung papunta ka sa mundo’t panahon nina Ibarra at nagkagusto ka kay Maria Clara?
3.    Paano kung detachable ang parte ng katawan ng tao?
4.    Paano kung pwedeng i-modify ang sarili mo gamit ang computer?
5.    Paano kung may ilog ng pera?
6.    Paano kung maging totoo ang characters sa DOTA at manggulo sa mundo?
7.    Paano kung may “cheat codes” ang buhay? (Ninakaw ko ‘to sa kaklase ko nang hindi niya alam. Sshh)
8.    Paano kung may flash drive na naglalaman ng lahat ng kasagutan sa mundo?
9.    Paano kung bigla na lang may nabasa kang mensahe sa calculator habang nag-e-exam ka?
10.    Adventure ng mga nagsasalitang damit at underwear.

Naisip ko ang number 10 kasi naalala ko ang Cars at Toy Story 3. Isipin mo, biglang magsasalita ang damit mo habang pinaplantsa mo, o ang brip mo habang sinusuot mo. O kaya magrereklamo sa’yo ang bra dahil ano raw. ‘Yon.

O siya. Suminghot ka na nang malakas at malalim at baka makasinghot ka ng isang napakaganda’t walastik na idea.

Antaba ng utak mo!

P.S.
Maligayang kaarawan nga pala kay Sir Larry Alcala. Marahil sa dami po ng utak ninyo e napuno niyo na ng drawings ang pader ng langit. Lagot po kayo kay San Pedro niyan. Hehe.

Posted by andoyman at 10:52 am | permalink | comments[1]

Sana nga

Tuesday, August 17, 2010

sana pinangarap ko na lang maging mayaman kesa mag-komiks habambuhay.

sana hindi ko nalaman na ang “pangarap” ay hindi ang pangarap na “gusto kong yumaman”, “gusto ko ng mansiyon”, “gusto ko ng magarang kotse (na sampu ang gulong)”, “gusto kong sumikat” atpb.

sana naging katulad na lang ako ng karamihang tao na sa pagyaman, pagkakaroon ng mansiyon, pagiging sikat, pagkakaroon ng kotse, pagkakaroon ng hasyenda, o pagkakaroon ng sariling pamilya nakukuha ang kaligayahan. sana hindi ko nalaman na hindi “lang” sa mga iyon nakukuha ang “kaligayahan”.

sana hindi ko na lang nalaman ang mga nalaman ko ngayon.

sana kaya kong lokohin ang puso sa totoong gusto nito.

sana naging katulad na lang ako ng karamihan na maligaya na lang sa paulit-ulit na ginagawa araw-araw sa kanilang buhay.

sana hindi ko na lang pinipilit gawan ng paraan kung paano ko tutuparin ang pangarap ko.

sana mayaman na lang kami para mas madadalian akong tuparin ang pangarap ko.

sana noon pa man, nagtiwala na ako sa puso ko. sana hindi ako nakinig sa pagdududa o kagustuhang-sigurado-ang-lahat-ng-bagay ng utak ko.

sana naging mas matapang ako noon.

sana mas natakot ako sa riyalidad na idinidikta ng karamihan.

sana kaya kong sabihing masaya ako sa trabaho ko, sa ginagawa ko.

sana hindi na lang ako naniniwala sa sinasabi ng puso ko.

sana hindi ako natutong mangarap.

sana hindi na lang ako nangarap.

e di sana, hindi ako nahihirapan ngayon.

hindi dahil gusto kong matupad ang pangarap ko ay makasarili na ako, o hindi ko kayang pahalagahan ang buhay na meron ako ngayon, o hindi ko iniisip o kasama sa “pangarap” ko ang pamilya ko, o wala na akong pakialam sa paligid ko.

nangarap ako kasi ibinigay N’ya sa akin ang kakayahang mangarap at tuparin iyon. at naniniwala ako, na sa dulo ng daang tinatahak ko ngayon (na hindi ko noon tinahak at hindi ko pa rin lubos matahak ngayon) naghihintay ang pinapangarap ko.

sana alam ‘to ng mga mahal ko sa buhay, ng mga taong nakikita ko araw-araw, ng nakararaming Pilipino na mahalaga ang pagtupad sa pangarap kasi biyaya ‘yon, pero karamihan kasi, ipinagsasawalang-bahala na lang iyon at nagsasabi na lang ng “wala eh, ganon talaga ang buhay”. hay…

pasensya, may problema lang ako ngayon at sensitibo kapag “pangarap” na ang pinag-uusapan.

“Reality can destroy the dream; why shouldn’t the dream destroy reality?”

—George Moore

Posted by andoyman at 10:22 am | permalink | comments[1]

Bahay-Kubo

Monday, August 16, 2010

Posted by andoyman at 10:28 am | permalink | Add comment

Kowts

Friday, August 13, 2010

Hindi importante kung sino ka noon; ang mahalaga ay kung sino ka ngayon.

-andoyman

Posted by andoyman at 12:00 pm | permalink | Add comment

I Survived

Thursday, August 12, 2010

Nanonood ka ba ng palabas na I Survived sa channel 2? Ako kasi hindi. Patay na kasi ang tibi sa amin noon. Oras na para matulog…pero gising pa rin ako kahit tulog na silang tatlo: mama ko, daddy ko, at kapatid ko. Ang mga oras na ‘to ako tumitira ng gramu-gramong libag habang nakikipag-tsuk-tsak-an sa mga nilalang na hindi nakikita kasi di ko naman tinitignan. Ito ang mga oras na nakikipag-meeting ako sa kanila, ang oras na kausap ko ang sarili ko. Madalas ang mga pinagmi-meeting-an namin ay hindi ko naman ikukwento ngayon. Ang totoo, ichu-chorva ko lang ang tungkol sa mga near-death experience na naranasan ko sa buhay ko—in short, mga katangahan.

Mas maganda habang binabasa mo ‘to ay may nakatutok na kutsilyo sa teddy bear mo at nakikinig ka ng kantang I Will Survive at pinapasayaw mo ang kasambahay ninyo nang nakapatiwarik. Kumain ka na rin ng pop corn na hindi pa luto para mas masaya…pero straw-hin mo, ha?

Mula sa iskul hanggang sa payak naming mansiyon ay dinig na dinig ang nakakairitang boses ng aming principal. Langya. Naka-megaphone siya habang pinapapila niya nang maayos ang mga pasaway na estudyante. Parang MMDA Enforcer lang na nagtatalak. Field trip kasi noon at ayokong mahuli at mapag-iwanan kapag ganyan dahil naranasan ko na ‘yan. Nauna na akong maligo, kumain ng almusal at nag-ayos ng mga dadalhing gamit/baon para sa educational (kuno) field trip. Nagmamadali ako at hindi ko na magawang hintayin pa ang kapatid ko. Tutal susunod naman siya, nauna na akong umalis.

(Sayang at walang gasolina ang private jetplane namin para makarating sana agad ako sa mahigit-limang-minutong-lakad na layo mula sa amin hanggang iskul kasi wala naman kaming private jetplane kasalukuyang lumilipad iyon. At paano ‘yon lumilipad kung walang gasolina? Imagine-in mo na lang!)

Nagmistula ako noong si The Flash, hindi si Elorde o si Donaire kundi ‘yung superhero, ‘yung kulay pula, pero hindi si Santa Clause. Mabilis lahat ng kilos ko pati utak. Singbilis tulad kapag nagka-cramming ako sa (walang kamatayang) school projects at limang minutong review bago ang (sadistang) exam. Ang iniisip ko lang noon ay makarating sa iskul sa tamang oras at hindi mapag-iwanan ng mga estudyante at sasakyan naming bus. Kasi kapag gano’n, tatawagan ko ang NPA para kidnap-in silang lahat. Bumaba na ako ng hagdan. Naglakad papuntang gate. Lumabas. Tumawid. BOG!

Di ko namalayan na may ala-sports car na bumubusina kanina pa hanggang sa mabunggo na lang ang binti ko, pero hindi naman ako natumba. Parang natapik lang. Kaunting lingon lang ang naisukli ko sa drayber na bumunggo sa akin nagambala ko. Hindi ko alam kung nakapag-sorry pa ako. Pagkatapos, tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad, kunwari di ‘yon nangyari. Pero kung sakaling mabilis ang patakbo noon, marahil nag-field trip na ako noon sa langit.

Nakakaloko minsan ang sarili ko dahil biglang kung anu-ano na lang ang naiisip ko. Halimbawa noong pare-refill-an ko lang ang gallon ng tubig namin sa may water refilling station. Habang binabagtas ko ang daan papuntang tarangkahan, pumasok sa isip ko na kung sakaling mamatay ako, mumultuhin ko ang inaanak ko para siya ang magpatuloy sa mga pangarap ko blah blah blah. Paglabas ng gate habang iniisip ko ang mga ganoong bagay, sabay tawid naman ako nang hindi tinitignan ang kaliwa’t kanan ko. Putek. Biglang napahinto at napabusina ang sasakyan ng baranggay dahil may isang lalaking biglaang tumawid sa harapan nila. Napalingon ang mga tao noon sa akin samantalang ako napangiti na lang sa katangahan at ka-absent-minded ko. Ano bang iniisip ko? Ang nasabi ko na lang sa sarili ko.

Mahirap na libangan sakit ang pagiging absent-minded dahil hindi mo nararamdaman ang nasa paligid mo kaya hindi ka agad makakapag-react o makakaiwas o makakasipat ng chicks. Hindi ko na maalala ang eksaktong oras, araw, buwan, at taon kung kelan madalas kusang kumakawala ang diwa sa sarili ko.

Madalas na lumilipad ang isipan ko kapag naglalakad ako, nakasakay ako sa bus/dyip/taxi/kabayo/space shuttle, nag-e-exam, nagtuturo ang prof, nakaupo sa isang sulok, nagrerebyu, nagso-solve, may kausap ako, nanonood ng boring na pelikula, play, o palabas sa tibi, nabuburyong, nagtatrabaho, at tumatae.

Pero bakit kelangang ma-absent-minded sa pag-inom ng tubig na naging dahilan pa ng ikatlong near-death experience ko?

Di ko alam kung absent-minded ako o kasama na rin doon ang katangahan. Basta bumili lang ako ng ice cream sa 7-eleven, pamatid init, at isang litro ng Absolute mineral water. Bumalik ako sa tinutuluyan naming magkaka-thesis groupmate, sa nirerentahang kwarto ng kaklase/ka-groupmate din namin. Nakita ko ang dalawa sa labas na pinipinturahan ang ginawa naming ID tray(na kinaumagahan, nalaman naming ninakaw na pala ng kung sino, pati konting piraso na kahoy, pinatos pa!). Pumasok ako. Umakyat. At inilapag ang bote ng tubig. Nang naubos ko na nag ice cream ko, kinuha ko ang bote ng Absolute at tinungga.

Anak ng putek!!! Hindi pala tubig ang iniinom ko kundi PCB developer (parehas kasing clear)! Salamat sa Diyos at mabuti na lang, ako ang tao na hindi agad lumalagok ng iniinom kundi iniipon ko muna sa loob ng bibig bago lagukin. Eh nakaramdam ako ng biglaang pag-init. Pumasok agad sa isip ko na hindi tubig ang iniinom ko kaya agad kong ibinuga iyon at bumaba para dumuwal, dumura, at pilit na sumuka(pero di ako nasuka).

Para sa iyong kaalaman, nakalalason ang PCB developer at kung sakaling nainom ko ‘yon, maaaring wala na ako. Tuwing naiisip ko ‘yon, natatakot pa rin ako. Hay… Salamat talaga ke Lord at buhay pa ako. Nawalan ako ng panlasa noon ng ilang araw. Mabuti’t gano’n lang.

Tinanong ako ng dalawa kong kasama kung ano ang nangyari at medyo natawa sila nang marinig. Nakwento ko/namin sa mga prof sa aming department ang nangyari sa akin at malakas ang tawa nila.

Kahit ako man ay natatawa na lang kapag naaalala ko ‘yon. Ilang araw pagkatapos nun, may nabalitaan akong isang nursing student na di sadyang nakainom ng formaline at nadeds. Medyo kinilabutan ako dahil naisip ko ulit ang nangyari sa akin. Kung saka-sakali, maaaring naging ganon din ang sa akin. Salamat talaga ke Bro.

Kaya mula noon, bukod sa lagi na akong ingat sa iniinom ko, di na ako bumibili ng Absolute dahil na-trauma na ako. Phobia na rin siguro.

Pero ang pinakamatindi ay noong kinombulsyon ako. Kinagabihan, nagising ang mga magulang ko dahil sumisigaw (yata) ako noon. Ang pakiramdam ko, humihiwalay ako sa katawan ko, lumilipad, at di kontrolado ang sarili. Alam kong nandyan sila at natatakot na. Alam ko rin na nilagyan ako ni Daddy ng kutsara sa bibig para hindi mag-lock ang panga ko at alam ko rin ang sinasabing dasal ni Mama na inuusal ko rin ngunit usal tulad sa isang bata. Tirik daw ang mga mata ko noon at nakadiretso’t magulo’t umiikot ang kamay at paa, parang sinaniban. Samantala, ako naman noon ay parang lumilipad papaitaas hanggang lumabas ako ng mundo at nasa kalawakan na.

Ang sabi nila e makakakita ka ng liwanag, di ba? Ako rin, nakakita. Pero walangya. Hindi ko alam kung bituin din ‘yon o liwanag talaga kasi nga nasa kalawakan ako. Basta ang nakita kong liwanag na gusto kong puntahan ay kulay pula! Putek. Ano kayang nandoon sa pulang liwanag na ‘yon? At bakit kulay pula, hindi puti? Maya-maya, nagpatulong sila kina Kuya Alex, pinsan ko, at kinarga ako patungong sasakyan para dalhin sa ospital. Nang malabas ako sa kwarto ay nasa sarili na ako. Gusto kong matulog noon sa sasakyan pero sabi ng pinsan ko, huwag. Pagdating sa ospital, tarantang binuhat at dinala ako ni Daddy sa pampasyenteng kama at agad na lumapit ang doktor. Nag-blah-blah sila na kesyo ii-scan ang utak ko ek-ek. Pero sa huli, binigyan lang ako ng biogesic.

Pag-uwi, umiiyak ang kapatid ko at pinapakalma siya ng asawa ng pinsan ko. Natulog ako sa pagitan nina Mama at Daddy at silang tatlo, kasama ang kapatid ko, ay magdamag akong binantayan. Kaya mula noon, hindi na ako nilalagyan sa tuktok ng ulo ng bimpo na may yelo upang hindi na maulit ang pagkokombulsyon ko. Hehe.

Hay…ansarap talagang mabuhay.

P.S. Muntikan ulit akong mabundol kanina dahil nakatingin ako sa magandang babae sa pagiging absent-minded. Tsk.

Posted by andoyman at 10:16 am | permalink | comments[1]

Close-Family Ties

Tuesday, August 10, 2010

hahaha

sa totoo lang, napapaisip ako: ang lahat ba ng anak ay kailangan mabuhay para sa kanyang pamilya habambuhay? at ang kaniyang magiging anak ay mabubuhay naman para sa kanya? at ganoon din sa susunod na henerasyon?

hindi ko yata nakwento sa’yo sa chat na tulong ‘yung ginagawa ko…pero pusanggala pa rin dahil mas gusto ko talagang magkomiks.

hay…ang pinakamahirap doon, panganay ako at may inaasahan sa akin, na kung saan, ayokong may inaasahan ang tao sa akin…ayun…

minsan, napapaisip ako na “sobra” na ang close-family-ties sa kultura natin, na sa sobrang close, kinukulong na natin ang mahal natin sa buhay…hay…

Hindi ko alam kung mabuti o masama akong anak. Basta ginagawa ko ang makakaya ko para makagawa ng mabuti para sa magulang at kapatid ko. Hindi ako “expressive” para iparamdam na mahal ko sila. Kaya sa mga simpleng bagay ko na lang ipinapakita tulad ng paghuhugas ng plato.

Nasabi ko ‘yang nasa taas na ‘yan dahil madalas kong napupuna sa pamilyang pilipino na kung ano ang mas kailangan ng pamilya, iyon ang inuuna/pinapauna ng/sa anak. Walang masama roon. Ang masama e kung habambuhay na ganoon. At mukhang ganoon nga madalas. At paano, sa aking palagay, nagiging masama ang ganoon? Dahil nakukulong ang mahal mo sa buhay sa isang buhay na ginawa/idinikta mo sanhi para hindi niya makita ang buhay na naghihintay para sa kanya kung sakaling tinahak niya ang sarili niyang daan kasi pinigilan mo nga.

Ang “close family ties” ng pilipino, kapag isinaling-wika mo, ganito ba: Malapit na buklod ng pamilya o Saradong buklod ng pamilya?

Kung ako ang sasagot, sa karamihan, mukhang ang ikalawa ang sagot.

Masaya ang makatulong sa pamilya. Masaya talaga. At masaya rin kung matulungan mo silang matupad ang “kanilang” pangarap. Pero, paano ang sa’yo? Di bale na lang?

Sa totoo lang, mukhang sa kultura natin e ganito ang sitwasyon: “Kapag ginawa mo ang gusto mo, makasarili ka. Kapag hindi mo ginawa ang gusto ko, mabuti ka.”

Hindi ko alam kung nage-gets mo ang pinagsasabi ko basta ang gusto ko lang ipunto e sana sa hinaharap, ang pamilyang pilipino e mas malalapit at mas may kalayaan sa bawat isa. Ganun lang.

At ang talagang inirereklamo ko sa buhay ko ngayon ay hindi ko magawang tuluyang dumiretso sa gusto ko dahil kailangan kong tumulong muna sa pamilya bilang isang anak. (Natatakot din ako na baka makulong ako sa ganito at hindi ko matupad ang pangarap ko.)

Hindi ko mailalahad lahat ng nais kong sabihin dahil hirap akong isalin sa salita ang mga bagay na gusto kong ipaliwanag. Hay…

Uulitin ko lang ang sinabi ko noon sa business planning namin:

Gusto kong mabuhay.

 

Kung tatanungin kita, ano ang pangarap mo? (Lahat ng tao gustong tumulong sa pamilya, magka-pamilya at simpleng buhay. Ang tinutukoy kong pangarap ay ang pangarap mo para sa sarili mo, pangarap na gusto mong tahakin, pangarap na matagal mo nang hinihiling mula noong bata ka pa, pangarap na mukhang imposible, pangarap na maaaring may kinalaman sa hilig/gusto/talento mo, pangarap na galingsa puso mo, hindi dahil kailangan mo, o ng ibang tao.)

Posted by andoyman at 2:14 pm | permalink | comments[4]

Kowts

Sunday, August 8, 2010

“Wikang Inggles ang itinuturo sa utak ko. Wikang Filipino ang natutunan ng puso ko.”

-nakita ko kahapon sa UP. asteg.

Posted by andoyman at 6:09 pm | permalink | Add comment

Year 4599

Thursday, August 5, 2010

Ginalaw ko kanina ang kalendaryo sa laptop ng katrabaho ko kasi may kinakalikot ako (akin na lang ‘yun kung ano). Ini-scroll ko ‘yon at umabot ako ng year 2200-something. Napaisip ako. “Patay na ako niyan.”

Dati mahahaba pa ang buhay ng tao dahil walang polusyon, sariwa ang pagkain, malinis ang paligid, at alaws pang chocnut kaya kawawa pa rin sila’t di nila naabutan ‘yon. Nababanat din ang mga katawan nila dahil wala silang mga (pantamad na) machine/gadget di tulad ngayon. (Pati nga paglilipat ng channel sa tibi e “padadaliin” din ng tao ngayon, remoteless kumbaga. Napansin mo? Naimbento ang remote dahil tamad ang taong magpihit ng knob sa tibi para maglipat ng channel tapos ngayon, mas tinamad pa ang tao dahil ayaw na niyang magpipindot sa remote kasi gusto niya, iba na ang pinipindot!)

Kung ako ang tatanungin mo, gusto kong mabuhay nang mahaba. Siguro lagpas 100 years old. Ganun. Gusto ko lang kasing namnamin nang mahabang panahon ang buhay, obserbahan at panoorin ang mga tao sa paligid ko, at ikwento sa mga magiging apo sa tuhod ko ang mga pakikipagsapalaran at kalokohan ko.

Apo: Hey old man, wazzup! (Marahil sa panahon nila e extinct na ang pambansang wika natin)
Ako: Hu u?
Apo: I’m your grandson, idiot.
Ako: Ah…………….K.
Apo: What kind of reply is that my dearest f— grandf—??
Ako: Gusto mo ba akong magkwento?
Apo: Sure. Sure. C’mon. Lemme hear it. (Sabay pasak ng speaker sa tenga)
Ako: The end.
Ako: …
Ako: …
Ako: …
Apo: What? Oh, very beautiful story, grandpa. See you later alligator! (Sabay double combo dirty finger)

Pakiramdam ko kasi, napakasarap magkwento ng mga nangyari sa buhay mo lalo sa mga bata, mas lalo sa mga apo mo. Nandiyan ‘yung pakakantahin mo muna sila, pasasayawin, o kahit ano pa bago nila marinig ang kwento mo. Pwede mo ring utusang hugasan muna nila ang pwet mo dahil katatapos mo lang tumae bago ka magkwento nung minsang na-LBM ka habang nagkaklase ang guro mo.

Masarap mabuhay. Este, napakasarap talagang mabuhay. Kaya nga nagtataka ako kung bakit may mga taong nagpapakamatay. May iba na gusto lang nila e maiksi lang silang mabuhay. Ibig kong sabihin, ansarap-sarap-sarap mabuhay tapos gusto lang nila maikli? Gusto nilang tapusin kaagad? Helloooooo. Isang beses lang tayo mabubuhay, tapos paiigsiin mo pa? Tatapusin mo pa kaagad? Hindi ka ba nanghihinayang?

Pero seryoso, noon e nagre-register din sa brain cells ko na magpakamatay. Lalo siyempre kapag sobrang lungkot. Mas lalo ang mga biglaang kalungkutan. Pero mabuti na lang e hindi ko ginagawa. Hanggang drowing lang ako. Sa ngayon, hindi ko na naiisip magpakamatay. Kapag nasa mataas na floor ng SM ako, napapaisip na lang ako ng ‘kung buhay pa kaya ako pag tumalon ako mula rito?’ Mga ganung bagay na lang.

Si Apong, ang lola ng nanay ko. Hindi ko siya nakita nang personal pero naabutan ng existence ko ang buhay niya. Mahigit 100 taong gulang siya nang namatay. May sariling nurse. At marunong kumausap ng butiki. Naikwento ng mama ko sa akin na kapag nag-“tsk tsk” si Apong e lumalapit ang mga butiki sa kanya at binibigyan niya ng pagkain. Minsan ginawa naman ng nanay ko, hindi naman umubra. Sintonado siguro kaya ganun.

Sayang nga lang at hindi naming magkapatid nakita nang personal si Apong. Namimigay pa naman daw ‘yon ng pera. Pero mas gusto kong makarinig ng mga kwento niya noong kabataan pa niya. Halimbawa na lang nitong si Amang, anak ni Apong, tatay ni mama, bali lolo ko (sumalangit nawa). Kapag nagkwento e nagkukwento talaga. Minsan sa daan habang hinahatid ni mama sila ni Inang e nagpunta sila sa Eco drug para bumili ng biskwit. Biglang kinausap ni Amang ‘yung isang babae doon at mabuti naman, nakipagkwentuhan din kay Amang. Palangiti rin siya, malayo sa pagiging istrikto base sa kwento sa amin ni mama. Parang bumalik sa pagiging bata si Amang. Minsan kapag nadadalaw naman sila ni Inang todits sa bahay, at nakatabi ko siya, kinukwentuhan rin niya ako. Nakangiti siya habang nagsasalaysay ng kung anuman. Iyon nga lang, wala akong maintindihan dahil hindi naman ako nakakaintindi ng Ilokanong salita. Pagtango at pag-“oo” lang lagi ang sagot ko habang tawa nang tawa naman si mama. Hindi ko alam na tinatanong na pala ako ni Amang kung naiintindihan ko pa ba ang mga sinasabi niya. Hehe.

Si Inang (buhay pa, salamat sa Diyos) naman e naging emosyonal nang minsang ikwento niya sa akin ang mala-telenobela niyang buhay-pag-ibig. Ika niya, hindi naman niya talagang mahal si Amang at pinilit lang sila ng mga magulang nila na ipakasal silang dalawa. Tinanong ko siya kung natutunan ba niyang mahalin si Amang. Ang sagot niya, hindi raw. Medyo irita pa nga siya nang sumagot siya. Naikwento niya ‘yan nang humingi siya ng konting (napakagwapong) graduation picture ko with dedication sa likod nun.

Meron akong nabasa tungkol sa isang lola na 125 years old nang nabubuhay. At talagang sa kanilang tribo e pangkaraniwan lang ang umabot ng mahigit 100 years old lalo’t malayung-malayo ang lifestyle nila at sa polusyon todits sa lungsod. Nakakaawa nga lang dahil wala na siyang sasabihin nating koneksyon sa pamilya niya bukod sa lagi na lang siyang dinadalhan ng pagkain. At natawa rin ako nang mabasa kong nagtatampo siya kay Bro dahil mukhang nalimutan na raw siyang kunin.

Pero kung sakaling mabuhay ka nga nang napakahaba, gugustuhin mo bang maabutan ‘to? Ang mga prediksiyon ni Vangelia Gushterova:

* In 1980, she predicted in either 1999 or 2000, Kursk will be covered by water. At first, the Russians thought she was referring to the city of Kursk, so they were all confused and stuff. But then in 2000, the Russian submarine, Kursk, sank.
* In 1989, she predicted that the World Trade Centre would be attacked by “steel birds”.
* She predicted World War III will begin in November 2010. As a result, radioactive fallout will destroy almost all life in the Northern Hemisphere.
* She predicted China will control the world by 2018. (so buhay pa pala ang mundo at di totoo ang doomsday sa 2012)
* By 2046, all body organs can be reproduced (baka made in china rin ang mga organs)
* In 2111, people will become robots. (made in china ulit)
* In 2125, aliens will contact us (chinese language naman)
* In 2130, the aliens will teach us how to breathe and live underwater. (so magiging syokoy ang mga intsik?)
* In 2164, animals will turn half-human. (bali kalahating tao, kalahating tao)
* In 2183, our colony on Mars will break off from Earth and ask for independence. (tapos ang peace offering nila e MARShmallows)
* In 2196, Asians and Europeans would have completely mixed. (puro pilipino na lang siguro ang matitira, bwahahahaha)
* In 2221, while searching for ETs in space, humans will encounter something terrible (baka makikita nila si Son Goku)
* In 2341, something terrible will approach Earth from space. (baka si Freeza naman ‘to)
* In 3797, Earth will die. But humans by then were advance enough to move to another planet (sa Sun daw tayo lilipat)
* In 4509, we’ll be able to communicate with God. (baka mamaya politikong nagdiyos-diyosan lang yan)
* And in 4599, people will become vampires achieve immortality.

Hwoohoo! Putek. Di ko kinaya ang dulo! Magiging bampira ang tao na nag-i-sparkle tulad ke Edward. Pag ganon e magiging talamak ang pagbabalat ng tao este bampira kasi maraming magsasangla niyon sa sanglaan. Hahahahaha.

Wait. Kung ang lahat ng tao e magiging bampira, paano sila mabubuhay kung wala nang taong masisipsipan ng dugo? Eh di si Piccolo na lang pagkukunan ng dugo? Yak. Berdeng dugo.

Posted by andoyman at 11:40 pm | permalink | comments[7]

Takada ni Islaw Palitaw

Monday, August 2, 2010
Gayong Buwan ng Wika naman ngayon, ibabahagi ko sa inyo ang pinakapaborito kong tula. May larawan ang tula na ito sa aklat ko (na ginamit ko noong nasa unang antas ako ng hayskul) at masasabi kong ang larawang iyon ang naging inspirasyon ko kay Andoyman. Ito rin ang tula na (halos) kabisado ko at itutula ko sa harapan mo kapag biglaan mo akong pinatula. (Saka ko isusunod ang pagtula naman ng Adios patria adorada, region del sol querida, swiper no swiping, swiper no swiping)

O siya, heto na ang pinakapaborito kong tula.

Takada ni Islaw Palitaw
ni Lamberto E. Antonio

Ang tawag sa akin ay Islaw Palitaw,
Lulubog-lilitaw sa taing-kalabaw.

Sa sinilangan kong bayan ng San Roque,
Naging kalaro ko’y apat na pulubi.

Si Pepe’t si Pilar, nakilala ko rin,
At kabisado ko’ng kantang Ay Heb Tu Hens.

Nang tuliin ako, ang sabi ni Ama:
“Tama na ang gred por. Ako’y matanda na.

“Saka nakabaon na tayo sa utang.
Tulungan mo akong gumawa sa linang.”

Kaya’t ang mithi kong humusay sa Ingles,
Nauwi sa aking pagsipol sa bukid.

Kahit nakabuntot ako sa araro,
Aking iniinglis ang baguntao ko.

Buntot naman niya’y parang nagsasabi:
“Talagang bagay ka lamang sa San Roque;

“Iinglis-inglis ka e pilipit naman,
Bagay ngang marinig lamang ng kalabaw.”

Pag nakasalansan ang ani sa bukid
Ay walang magawan’ng aking aritmitik.

Sa bolpen ng aming propitaryong bundat:
“O, sandaang kaban pa ang ibabawas.

“Buti nga’t mahina akong magpatubo.”
(Buti’t me natirang konting isusubo!)

At ihihinga ko sa alagang hayop—
Namatay si Inang sa hirap ng loob.

Ang aking pangalan ay Islaw Palitaw,
Lulubog-lilitaw sa karalitaan.

Isinilang ako sa bayang hikahos
Na kumikilala sa sipag at Diyos.

Posted by andoyman at 10:36 am | permalink | Add comment

Wala lang: #17

Friday, July 30, 2010

“Sa kanyang nakita, mga mata’y napanganga. Tenga’y di makapagsalita sa naririnig na “ooh..” at “aah…”"

Naggigitara ako kanina tapos may ilang himig akong nabuo pero hanggang himig lang, wala pang letra. Di pa kasi ako marunong mag-drums o gumamit ng baril dahil hanggang ngayon, meron pa ring kaming internet connection sa smartbobo sa halip na dapat kaninang mga alas-singko ng hapon, wala na.

Ilang gabi na rin akong puyat at kulang sa tulog kaya birthday (yata) ni ser bukas at di ko lam kung may handaan. Bali, bukas biyernes, birthday niya. Eh bukas ko ipo-post ‘to kaya sa halip na “bukas” e “ngayon” na ang gagamitin kong word. So, ngayon, huwebes.

Wala akong marinig na mga kantayutay galing sa kompoter ko dahil biglaan ba namang may tumunog na “shlak!”, ewan kung sa adapter o sa speaker na mismo noong Linggo. Biglang namatay, ayun, walang sounds. Medyo nakakatuliling tuloy ang katahimikan. Noong isang gabi e ga-lolo sa kabagalan ang net connection pero kahapon, ambilis naman, parang nag-viagra. Lintik na smartbobo yan. Huling beses ko na talagang gagamitin ang smartbobo: magaling lang sa commercial, bobo naman sa serbisyo.

Gustuhin ko mang magpakabit na ng internet connection sa amin, yoko na muna dahil may mga mas uunahin pa ako. May balak kasi akong negosyo pero sikret na muna. Dapat nitong linggo ko paplanuhin pero dahil may nakita akong comics workshop si sir Elbertor, iyon na muna ang uunahin ko kaya sumaya nga ako eh kasi, may direksiyon na akong nakikita sa buhay ko.

Asteg talaga. Biruin mo ang pagkakataon. Bukas, July 30, bali, ngayon nga, Biyernes, ang pinakaunang araw na pinalabas ang Eat Bulaga sa telebisyon sa RPN 9 mahigit tatlumpung taon na ang nakararaan samantalang ito rin ang araw nang pinakahuling palabas ng Wowowee. Napaka-ironic.

Speaking op ironic, kagabi (bali noong isang gabi), nakausap ko ang isa kong kaibigan. Nagpapatulong siya sa, you know, family planning. De joke lang, panliligaw ibig kong sabihin. Ironic ‘no? Ako na puro basted, magbibigay ng payo sa panliligaw??? Pero hindi naman kasi ako tumatanggi sa pagtulong sa iba hanggang alam kong kaya ko at may maibibigay akong tulong kaya medyo naturuan ko naman siya ng mga cheesy line (na sa totoo lang eh nito-nito ko lang natutunan, gayunpaman, para sa akin, ang mga cheesy line e walang kwenta kung walang laman at ang mga cheesy line na [totoo ‘to] sinabi ko sa isang tao noon e hindi ko na masasabi pa sa ibang babae nang may kahulugan kasi iba na yun e) at ilang payo sa panliligaw at pag-ibig. Naks! Pakiramdam ko, pwede na akong magpayo tungkol sa mga pag-i-pag-ibig na yan pero ayoko. Langya. Pero…uhm…kung babayaran ako, pwede na.

At ngayon, wala na kaming internet connection. Pudpod na ang unlisurf. Yey!

Mahirap talagang umubo nang wala kang inuubo pero may ubo ka. Di kaya ng gamot ang ubo ko. Pero mas ok na rin dahil walang plema ang ubo ko. Hirap nga lang talaga ako sa pag-ubo.

Ako ang tipo ng tao na tao talaga. Yeah! Seryoso, kapag nakita ko o napansin ko na may maitutulong ako, tutulong talaga ako sa kaibigan ko, nakita ko man siya ng personal o hindi. Impulse ata tawag dun. Basta ganun ako.

Kaya medyo nagtataka ako kung bakit kailangang gawan ng napakalaking mosaic si Ginang Aquino (sumalangit nawa) na kung hindi ako nagkakamali e abot dalawang milyon ang gastos para sa unang anibersaryo ng kamatayan niya. Napaisip lang ako na kung ang dalawang milyon na yun ay naitulong sa tao, naibahagi sa nangangailangan, nagamit ng mas tama, siguro mas matutuwa pa si Ginang Aquino kasi napunta ang dalawang milyon sa mas makabuluhang bagay (at mas marami ang matutuwa). Wala lang. Opinyon ko lang naman.

Tapos, malaking tax naman ngayon ang idinadahilan ng erpats ni Floyd, Jr. Putek. Ang taong ayaw, maraming dahilan. Letse. Kung anu-anong patutsada at panlalait ang ibinabato ni Floyd, Sr. ke’ Congressman Pacquiao (naks!) samantalang BUMABALIK naman ang lahat ng yon sa kanila. Sana matuloy talaga ang laban nila ni Manny Vilar ng makatikim siya ng pamatay na campaign jingle niya. Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura…

Na-elibs ako sa pagiging kalmado ni Pacquiao habang sinasabi na “Kung sa kanila e di nila kayang rumespeto ng ibang tao, tayo, ipakita nating mga Pilipino na kaya nating rumespeto.” Nakanaman talaga! Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura…

Naghahanap nga pala ng boypren ang kaibigan kong si yeye. Sa edad niya ngayon, baka kahit bakla e papatulan niya. Hwahehehehehehe. Pis tayo yeye. Hehehehe. Buwan ng wika na pala sa susunod na buwan. Yey!

Posted by andoyman at 3:12 pm | permalink | comments[2]

Ayronnnik: Hindi na ako masaya

Tuesday, July 27, 2010

Ironic lang dahil dito ko pa sinasabi ‘yan. I mean, di ko kayang ipagtapat ‘yang laman ngayon ng cardiobox ko sa mga magulang ko, as in face to face ni t’yang amy. *Buntung-hininga*

Seryoso. Hindi na ako masaya sa trabaho ko. Hindi ako regular employee. Under-evaluation pa ako. Pero kelangan, hay, ayusin ang trabaho para manatili. Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam na parang wala kang ibang choice kundi gawin ang mga ganito dahil kelangan ng pamilya mo; inaasahan ka nila dahil panganay ka at, isa pa, mahirap talagang maghanap ng hinayupak na trabaho na ‘yan.

Buti wala pa akong girlfriend. Hehe.

Noong una, oke-oke pa ako sa mga ginagawa ko. Eksaktong anim na buwan na ako kahapon. Ngayon, sa pinakaunang araw para sa second half ko, parang gusto ko nang isuka ‘to dahil, bukod sa hindi ko nagagawa ang talaga gusto ko: ang pagguhit, natatanaw ko mula sa malayo na maaari at malaki ang posibilidad na makulong ako sa sistemang unti-unting um-anaconda sa akin.

Sabi ni madam, gusto nila, ang passion ko e nasa kumpanya. Putek. Hindi ko magagawa ‘yon. Nasa “labas” ang passion ko. Ayokong mapasama sa mga kumpa-kumpanya kasi nakukulong lang ako sa mga batas nila. Ayoko ring magkaroon ng “expectation” sa akin ang ibang tao dahil nape-pressure ako, mabigat na pasanin.

Imagine-in mo noong minsang akala ko e tatanggalin na ako todits sa trabaho ko. Yung itsura ni mama, disappointed, masama ang loob, problemado bigla, at nakakainis sa sarili bilang anak yung itsura niya noong nakita ko. Walang-hiya.

Pero wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanila na hindi ko na talaga gusto ang ginagawa ko dito kasi ako nga lang ang inaasahan nila. Malapit nang magtapos ang kapatid ko ngayong October sa Awa ng Diyos, kahit hanggang December sana, nandito pa ako.

Sorry sa sarili ko. Wala talaga akong tiyaga sa ayaw ko. Ako ang tao na pag ayaw, ayaw talaga. Pag gusto, gusto talaga. Matigas ang ulo ko…pero di ang puso.

Hindi na ako masaya dito. At hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila ‘to. Gusto ko pa rin namang tumagal dito para sa kanila, pero hindi ko alam kung paano pa ako tatagal kasi gusto ko na ring umalis. Mas gusto ko ang trabaho na nasa loob ng bahay.

Pakiramdam ko, wala talaga akong kwentang anak.

Tsk. Naiiyak ako.

Posted by andoyman at 11:20 am | permalink | comments[4]

Elevator Part I

Sunday, July 25, 2010

“Ay! Ganun pala ‘yun,” halong pagkamangha at panghihinayang ang kaniyang boses matapos ipakita ng inyong professor kung paano i-solve ang isang problem sa katatapos niyo pa lang na short quiz. “Uy, tama ba’ng sagot mo?”

Medyo dismayado kang sumagot, “Hindi nga e. Muntikan na kung hindi lang do’n sa isang step na ‘yon! Nalimutan ko kasi e. Sayang talaga.”

Agad niyang kinuha ang iyong scratch paper upang tignan kung paano ang ginawa mong solution. “Oo nga. Kulang ka lang ng gano’n. Sayang naman.”

Hindi mo alam kung ilang araw o ilang linggo na ba ang lumipas pagkatapos mong ipakilala ang iyong bestfriend sa iyong kaibigan na si Richard. Pero sa pakiwari mo naman, wala namang nagbago sa pagitan ninyong dalawa dahil ang mga dati niyong nakagawian ay ginagawa niyo pa rin naman sa kasalukuyan. At kahit sabihing hindi na ikaw ang naghahatid sa kaniya sa sakayan ng fx, mukhang wala namang naging epekto iyon sa inyong pagkakaibigan…at closeness.

“Ok class, see you next meeting.” Mabilis na nagsipagtayuan ang buong klase; inunat pa ng iba ang kanilang mga hapong katawan na kagagaling lang sa pagsagot ng surprise quiz na ibinigay ng inyong professor.

“Bes, may assignment ba tayo?” usisa mo sa kanya habang nag-aayos kayo ng gamit.

“Ahm…” nag-isip muna siya ng mga ilang segundo bago sumagot, “Mukhang wala naman. Grabe ‘no? Quiz pa lang ni ser e ang hirap-hirap na. Pa’no pa kaya kapag midterm exam na? Dudugo panigurado ang utak natin.”

“Sinabi mo pa! Wala ka ngang gaanong kakabisaduhin pero hirap ka naman mag-solve. Hay… Ano kaya’ng nakuha natin sa quiz?” Isinara mo ang iyong body bag at isinukbit ito sa iyong balikat habang hinihintay mo siyang matapos sa pag-aayos ng kaniyang gamit.

Nakangiti siyang tumingin sa’yo, “Sana pasado tayo.” Agad kang sumagot nang nakangiti rin, “Pasado ‘yun!”

Napupuno pa rin ng mga kwentuhan at mga tawanan ang buong klase. May ilang estudyanteng nagtatanong sa inyong professor na abala sa pagbubura ng mga isinulat niya sa whiteboard tungkol sa huling lesson na kaniyang itinuro. Muling magpapakita ng isang example ang professor para sa mga nagtatanong upang sila’y maliwanagan at kung nalinawan na, muli niya itong buburahin.

Papalabas na kayo ng klasrum nang makita mo si Richard. “Oo nga pala,” bulong mo sa iyong sarili matapos maalalang si Richard na nga pala ang naghahatid sa iyong bestfriend sa sakayan ng fx. Agad kang nagsuot ng isang ngiting walang laman nang ikaw ang una niyang batiin. Nang lumingon ka sa iyong bestfriend, nakita mong nakatingin din siya sa iyo. Alam mong may gustong iparating ang kaniyang mga titig.

***

Araw-araw, pinipilit mo sa iyong sarili na wala dapat magbago sa inyong dalawa. “Ipinakilala lang naman niya sa akin ang kaibigan niya. Wala naman sigurong kaso ‘yon.” Ito ang mga paulit-ulit na mga salitang ipinapahid mo sa puso mong punung-puno ng pagdududa. Maagap mong pinapagana ang iyong pagiging positibo upang salungatin ang lahat ng negatibo mong nararamdaman: “Kahit nandiyan pa ang Richard na ‘yan e wala namang nagbabago sa nararamdaman ko para sa kaniya. Mahal ko pa rin naman siya…

“Pero mahal rin ba niya ako?”

Lagpas sa itinakdang oras nang matapos ang pinakahuli ninyong klase. Gabi at inip na inip ang lahat sa pag-uwi lalo’t nagpa-quiz pa ang inyong professor. Paniguradong gutom na gutom kayong lahat dahil lubos na natrabaho ang inyong mga utak (o mata para sa mga nangopya) sa pagsagot sa mahihirap na tanong na ibinigay ng inyong prof. Tiyak na didiretso sa mga bukas pang kainan o sa mga bilihan ng burger ang ilan sa inyo.

Sanay ka na sa mga ganitong pangyayari. Kasabay mo naman ang “bestfriend” mo kaya kapag nagyaya kang kumain ay paniguradong sasamay siya. Hindi naman kasi siya makaka-hindi sa iyo. Aba! Malakas ka yata sa kaniya! Pero iba ngayon dahil hindi na siya ang madalas mong kasabay sa pag-uwi. Kaya kahit gutom na gutom ka na, titiisin mo na lang ito makarating lang kaagad sa sakayan ng fx.

Kinalabit ka niya at sabay itinuro ang taong naghihintay sa ‘yo sa labas ng klasrum, “Nand’yan na pala si Richard.” Hindi ka na lang umimik. Nagkunwari kang hindi mo siya narinig at patuloy ka lang sa paglalakad hanggang maabot ninyo ang labas ng klasrum.

“O ‘tol! ‘Musta ang quiz?” agad niyang pangangamusta sa iyong bestfriend. Ikaw naman ang sinunod niyang binati, “Hi…Ahm…Pa’no?…Sabay na tayo umuwi.” Nakangiti siya sa iyo at saglit ka ring ngumiti sa kaniya saka tinignan ang iyong bestfriend. May gustong sabihin ang iyong mga titig. Humihiyaw ang iyong mga mata nang tumingin ka sa kaniya: “Ano ba? Hindi ka na naman ba sasabay sa pag-uwi? Iiwanan mo na naman ba ako? Ha??”

Pero alam mong walang magagawa ang pagtitig at pagsigaw ng mga salitang ikaw lang ang nakakarinig kaya ikaw na mismo ang gumawa ng paraan. “O, bes, sabay ka na sa amin. Antagal mo nang hindi ako sinasabayan sa pag-uwi e. Ayos lang naman siguro ‘yon kay Richard. Di ba?” Agad kang lumingon kay Richard at um-oo naman siya.

Bago kayo tuluyang umuwi, nagpaalam kang dadaan muna ng CR at doon na lang sa may elevator niyo siya hihintayin. Pero ang totoo, gusto mo lang talagang itago ang ngiting napakakulit at gustung-gusto nang magmarka sa iyong mukha dahil sa wakas, makakasama mo ulit ang bestfriend mo sa pag-uwi.

***

Hindi mo pa ito nagagawa sa mga ex-girlfriend mo: ang paghihintay ng kahit ilang oras masabayan lang sa pag-uwi. Pero ngayon, magtitiis ka dahil talagang inlab na inlab ka sa kanya.

“Mga walang pakisama!” pabirong pagtatampo mo sa iyong mga barkada matapos nilang tanggihang samahan ka sa paghihintay sa kaniya.

“Sige na, ‘tol. ‘Kaw na lang. Kaya mo ‘yan!” pagpapalakas-loob sa ‘yo ng isa mong kaibigan kasabay ang papaalam nila sa ‘yo.

“Balitaan mo na lang kami kapag basted ka na!” pabirong sabi naman ng isa mo pang kaibigan kasabay ang maagap na paglayo sa ‘yo. Hindi mo siya nahabol kaya malutong na mura na lang ang ibinalik mo. Maya-maya, ikaw na lang mag-isa ang nandoon sa freedom park bukod sa mga ilan pang estudyanteng tumatambay roon. Madilim na ang paligid at wala ka nang nakikitang kaunting sinag ng araw. Unti-unti namang nagsisindihan ang mga ilaw sa buong campus. Pumasok ka sa Annex building at nag-elevator paakyat ng 5th floor. At sa natagpuan mong silya’t lamesa roon ka mag-isang naghintay ng paglabas niya habang inaaliw ang sarili sa pakikinig sa iyong iPod at paglalaro ng PSP.

Tinignan mo ang iyong relos. Ipinasok mo sa iyong bag ang PSP at ibinulsa naman ang iyong earphone saka tumayo’t sumilip sa may pintuan ng kanilang klasrum. Napuna mong hindi pa sila tapos kaya nakatayo kang naghintay. Hindi mo mapigilan ang puso mo sa pananabik sa kanya. Mga ilang minuto pa ang lumipas nang makarinig ka ng mga nagbubunying estudyante (parang mga bilanggong nakatanggap ng kalayaan) dahil natapos na rin sa wakas ang kanilang klase. Nag-abang ka sa may tapat ng pinto at hinintay ang kaniyang pagdating. Nang makita ka ng iyong kaibigan ay itinuro ka niya sa iyong nililigawan subalit napansin mong hindi ito tumingin sa ‘yo.

“O ‘tol. ‘Musta ang quiz?” agad mong bati sa iyong kaibigan nang lumabas sila ng klasrum. Kasabay nila sa paglabas ang ilan pa nilang kaklase na tulad nilang dalawa, exhausted din sa katatapos lang na quiz.

“Anhirap. Grabe.” Nakangiti niyang sagot iyo na tinugunan mo naman ng: “Di bale. Ayos lang ‘yan.” Pagkatapos, siya naman ang iyong binati. “Hi…Ahm…Pa’no…Sabay na tayo umuwi?” Hindi siya sumagot pero nginitian ka. Batid mong para siyang nahihiya sa iyo – at hiling mo na sana ay hindi naiilang – sapagkat hindi makatingin sa iyo nang diretso.

Tumingin siya sa iyong kaibigan at parang may gustong sabihin ang kaniyang mga mata, saka siya nagsalita, “O, bes, sabay ka na sa amin. Antagal mo nang hindi ako sinasabayan sa pag-uwi e. Ayos lang naman siguro ‘yon kay Richard. Di ba?” Nakangiti siyang lumingon sa iyo at agad ka namang um-oo. Bago pa man kayo tuluyang makalayo ng klasrum, nagpaalam siyang dadaan muna ng CR at napag-usapan ninyong sa may elevator niyo na lang siya hihintayin.

Tumungo rin kayong dalawa sa CR pagkaalis niya at napagkwentuhan ninyo ang tungkol sa exam nila. Nag-ayos ka ng iyong sarili at nagpabango. Nang matapos kayo, dumiretso na kayo sa may elevator sa Tech Building at hinintay siya roon.

Kanina mo pa pinipilit isara ang bibig mo tungkol dito ngunit hindi mo talaga maiwasan na muling itanong ‘to sa kaniya. Huminga ka muna nang malalim at bumwelo bago muling nagsalita.

“’Tol. Tapatin mo nga ako. May gusto ka ba talaga sa bestfriend mo?”

Posted by andoyman at 10:47 pm | permalink | comments[1]

Mabagal ka andoyman…

Tuesday, July 20, 2010

“Mabagal ka andoyman…”

May kasunod pa ‘yan pero ‘yan lang ang mas gusto kong pagtuunan ng pansin. ‘Yan lang ang mas gusto kong torture-in, kilitiin, at wagwagin. Mabagal daw ako.

Sa dalawampu’t dalawang taong nabubuhay ako sa mundo, hindi pa ako nagkaka-gelpren. Hindi ko pa naranasang landiin ako ng babaeng ka-holding hands ko. Hindi ko pa nararanasang mayakap ang babaeng mahal ko. At hindi ko pa nararanasang makipagtalo sa babaeng mahal ko at pagkatapos, susuyuin ko’t lalambingin.

Hindi naman ako baog, tingin ko. Lalake ako, walang duda. Hindi man ako magaling sa martial arts tulad ni Erik Santos o wala man akong maskels o abs tulad ke Shwar…Schwar…Shar…kay Empoy, kaya ko pa rin namang maipagtanggol ang magiging kapartner ko sa kahit sinong hinayupak na politiko este goons…basta tatakbo lang kami nang mabilis, pwede na.

Sa talambuhay ko, nakailang panliligaw na ang ginawa ko. At sa lahat ng ligaw kong ‘yon, ehem, hindi ako pinalad…

O sige na nga. Lahat ‘yon BASTED.

Pusanggala.

Siguro hindi naman lahat ng klaseng panliligaw nagawa ko na pero marami na akong nagawa para manligaw ng babaeng mahal ko. Marami doon, mas nagmukha akong siraulo. At sa lahat ng ginawa kong panunuyo at pagja-juggle ng mga planeta, walang umubra ni isa.

Oo. Lahat din sila, iniyakan ko. Lahat sila, umasa ako. Lahat sila, naging ang “mundo” ko. Pero lahat din sila, naging mga asteroid na tumama’t nagbigay aguy-aguy sa puso ko. May ilang babae akong niligawan ng ilang beses at sa ilang beses na ‘yon, hindi nagbago ang sagot nila sa akin na “sorry”.  Meron ding ilang taon kong niligawan pero pagkatapos ng mga tsokolate, paghahatid-sundo, pagpapangarap, at maraming beses na pagsulat ng pangalan niya sa isipan ko, wala ring nangyari. Na-cremate lang lahat ng pag-ibig na ibinigay ko at inilipad lang ng hangin hanggang infinity and beyond! Yeah!

May ilan na natakot sa akin dahil hindi ko namalayan, naging stalker na pala ako. Imbes na mahulog ang loob sa akin, mas napalayo ko pa. Pero mas masakit talaga do’n e ‘yung natakot mo siya nang hindi sinasadya. Kulang na lang siguro e mag-hire siya ng sniper at ipapatay ako dahil sa takot.

Prangkahan na. Naiirita rin ako kapag iniiwasan ako. Siguro dahil sa fear of rejection na rin kaya ganun. Pero hindi naman talaga dapat ako magreklamo dahil nanliligaw ako. Dapat ako ang gumagawa ng paraan para hindi niya ako iwasan. May ilan lang na talagang ayaw kang bigyan ng pagkakataon…o siguro part lang ng pagsubok nila na sinukuan ko kaagad.

May iba naman na parang ok na pero kapag naglaon, dahil na rin sa mga hindi inaasahang kamalian ko, nababawasan ang “pag-asa” ko para sagutin ako. Madalas din, laging may ibang gusto ‘yung nililigawan ko o may kasabayan din ako sa panliligaw. Mababa pa naman ang self-esteem ko plus may inferiority complex pa ako. Kaya mabuti pa noong hayskul, may mga tagapagpalakas ng loob ko pero nitong college, meron pa rin naman, mas pansin nga lang talaga ‘yung mga panirang kaklase na mang-aasar sa’yo ng “O ano? Basted na?” kasabay ang mapanlibak na tawa samantalang hindi pa nga makasimula-simula sa panliligaw, gusto nang mabasted kaagad. Mga masasarap hambalusin ng baseball bat sa batok habang pinipigaan ng sili sa ilong.

May ilan na hindi pa raw pwede. Ayos lang. Naiintindihan ko naman. Diyan papasok ‘yung “Kaya ko namang maghintay para sa’yo” at susundutan naman niya ng “Sorry talaga ha.” Hindi na lang ako diretsuhing “Panget ka. Di kita type. Imburnal lang ang bagay sa’yo. Hindi ako magkakagusto sa’yo. Neknek mo. *Sabay dirty finger*

Hindi ko na talaga alam kung nakailang basted na ako pero mahigit sampu na. Ang tantiya ko, naka-trese na siguro akong basted. Naks! Pwede na. Parang nangongolekta lang ako ng basted at pagtanda ko, baka pang-Guinness Book of Record na ang dami ng basted ko. Yey! Mapagkakakitaan ko pa.

May ilan din na hindi ko na niligawan kaya hindi counted sa dami ng basted ko. Hindi ko na niligawan/maligawan kasi siguro, mali ang panahon, maling timing, o naghihintay ako ng tamang pagkakataon o kahit ano pang excuse na pwede mong maisip na kung tutuusin e wala naman talagang tamang panahon o oras, ang mahalaga ay maipaalam mo at maipadama mo sa kanya ang nararamdaman mo “ngayon,” at anuman ang mangyari, walang sisihan. Ang mahalaga, nasabi mo. (Hirap pa rin akong sundin itong huling sinabi ko.)
 
At pinakamarami ang niligawan ko sa tingin, pinangarap ng gising at ilang minutong panaginip sabay back to reality, natatae na ako.

Noong college ako, may isang babaeng gusto kong ligawan pero halatang wala namang gusto sa akin. Naligawan ko nga siya pero siguro bilang lang sa daliri at hanggang segundo lang. Mas matagal pa ‘yung pag-upo ko sa inidoro kesa sa panliligaw. Pagkatapos ng isang taon na walang communication, para makawala na ako sa nararamdaman ko para sa kanya, tinapos ko ‘yung portrait niya. Hindi naman ganoon kaganda dahil wala naman akong background sa fine arts at kahit sa pamilya namin. Nilagyan ko ng napakaiksing tula nang matapos. Pumunta ako ng iskul. Nakita ko ‘yung isa niyang kaklase at pinaabot ko na lang sa kanya. Nakausap ko siya ng maikli sa ym kinagabihan at nagpasalamat siya kasabay ang pagso-sorry dahil hindi niya raw matutumbasan ‘yung nararamdaman ko para sa kanya. Sumagot ako ng, “Ok lang. Hindi ako nanghihingi. Nagbibigay lang.” Graduate na nga pala siya noong May pa.

Sa lahat ng naranasan ko sa (lintik na) pag-ibig, ang natutunan ko e ‘yung pagmamahal ng pagiging malaya. ‘Yung hindi mo inaari ang taong mahal mo, maging kayo man o hindi. ‘Yung hindi mo siya ikukulong sa hawlang ginawa mo. Iyon. Iyon ang natutunan ko. Gayunpaman, dahil sa lahat din ng pagkabigo ko, mas lumaki ‘yung takot ko na magmahal ulit, ‘yung manligaw ulit kasi parang nakakaloko na kung masasaktan ulit ako. Kumbaga, tama na. Paulit-ulit lang ang resulta eh. Gagawa na lang ako ng commercial pang-LBM.

At “OO”. Tama ka kung sino ka mang nagsabi sa akin. Mabagal nga ako. (Sobrang) Torpe rin. Malapit na ang Christmas! Hwoohoo!
 

Posted by andoyman at 9:18 am | permalink | comments[6]

Malaya

Monday, July 19, 2010

Marami akong gagawin pero kaya ko pa ring bigyan ng oras ang blog kong ‘to. Siguro dahil mahal ko ‘to o bahagi na ng sistema ng katawan ko na mahirap nang tanggalin kung saka-sakali.

Marami akong nami-miss, di lang tao kundi pati mga gawain. Nami-miss ko ang mundo kung saan malayang nakakapaglakbay ang sarili ko at hindi nakakulong sa isang gawaing dapat mong tapusin para manatili ka sa kinauupuan mo at magkapera, upang may mukha kang maiharap sa mga magulang mo na kumikita ka, para hindi ka mawalan ng respeto sa sarili, para hindi ka maging kahiya-hiya sa tingin ng mapanghusgang mata ng lipunan.

Malaya.

Hindi ko alam kung malaya ako o hindi; kung kinukulong ako ng sistema ng lipunan o ikinukulong ko ang sarili ko. Naguguluhan ako. Nasasakal siguro.

Ikaw, malaya ka ba?

Posted by andoyman at 11:54 am | permalink | comments[2]

Ang Tipo kong Babae

Thursday, July 15, 2010

Excusez-moi monsieur. Dapat kahapon ko pa ito na-post pero dahil sa obvious na walang hiyang dahilan na brown-out/black-out kahapon sapagkat marami ang nagdya-jumper, ayun, nag-short-circuit ang utak ko at nawalan tayo ng kuryente. At sa madidilim na lugar, may mga milagrong nagaganap. Wala lang. Asteg.

Kachorvahan ko si Grayzah kahapon, isang naliligaw na kaluluwa mula sa mundo nina Taguro at naghahanap ng mga kalahi niya sa Shake, Rattle, and Roll. Napagkwentuhan namin ‘yung lablayp ko at naibulalas ko sa kanya ang mga hinanakit ko sa pag-ibig tulad ng hirap na hirap na akong mamili sa mga nagkakagusto sa akin dahil madalas ang habol lang sa akin ay ang ano ko…’yung kwan ko! Yeah!

Paulit-ulit na pinapatugtog ko ngayon ‘yung “My Idea of Heaven” ni Leigh Nash. Langya, may tigyawat ako sa ilong at ayoko pa namang matulog ngayon kahit inaantok na ako. Nalimutan kong ikwento ‘yung tungkol sa isa kong bagong kaopismeyt na noong nakita niya ‘yung kabayo na si Tigershark, ang una niyang napansin e puro split ends daw ang buntot ng kabayo. Napatawa’t napamangha ako dahil sa lahat-lahat ng papansinin e ‘yung split ends pa talaga. Anlupet!

May bagyo pala. “Basyang” ang pangalan ng bagyo. Teka, ano ‘yung ‘A’ na bagyo? Mukhang uulitin ko tuloy basahin ‘yung The Winner Stands Alone ni Coelho dahil nang buksan ko kahapon ang aklat, napawalanghiya ako sa sarili ko dahil hindi ko na matandaan kung nasaang parte na ba ako kaya binabati ko ngayon si KT dahil 2nd anniversary na niya sa blogging. Nakakaamoy ako ng partey-partey. Congrats KT! More kili-kili power sa’yo at sa labslayp mo.

Ano nga ba’ng tipo ko sa babae?

Basta ang pinakaunang requirement e dapat straight at totoo kang babae—hindi ka dapat dating nagmamay-ari ng lawit thing. Eew!

Pagkatapos, simple and wonderful. Mas maganda kung maganda ka pa rin kahit walang make-up o retoke kasi mas naa-appreciate ko ang kagandahan ng isang babae kapag wala siyang mga echebureche o anik-anik sa mukha dahil mas nakikita ko kung babae ba siya o lalakeng nagpapamukhang babae lang. Dapat “proud” siya sa sarili niyang kagandahan.

Hindi importante sa akin ang boobs kung malaki o maliit basta huwag ka lang sobrang payat o sobrang taba. ‘Yung tama lang. Pero minor requirement lang ‘yan na pwedeng balewalain sa hinaharap…dahil wala na akong choice. Mas gusto ko rin ang Pinay kesa sa ibang lahi. Dati, madali akong maakit sa mga babaeng mapuputi at may pagka-singkit na mga mata pero ngayon, ganun pa rin naman. Attraction lang naman, iba pa rin ‘yung talagang nahalina/nagayuma ka sa unang tingin pa lang. At mas maganda pa rin talaga ang mga Pinay. Sabi nila, ang lalake raw e umiibig gamit ang mga mata, at ang mga babae, umiibig gamit ang mga tenga. Eh ang mga bakla at tibo, umiibig sila gamit ang ano nila? Ows?! Talaga?! ‘Yung kwan nila?? Ooh…Bahala ka ng mag-isip.

Mas gusto ko ‘yung malambing parang pusa, na parang bata kung mangulit pero parang nanay kung mag-alala’t mag-asikaso. ‘Yung bigla ka niyang yayakapin, hahalikan, kukulitin, at manlalambing. Palaging nag-aalala sa’yo, kaunting selosa para siya naman ang lalambingin ko, palangiti, at nakakatuwa’t nakakatawa. ‘Yung kahit tahimik lang kami e ayos pa rin sa kanya dahil ang mahalaga, magkasama kami…at nakatitipid sa pamamasyal/date. Di kaso sa akin kung adik ka o may bisyo ka o kung NPA ka man dati o kung anupaman ang nakaraan mo. Ang mahalaga, mahal kita, at hanggang kaya ko, ituturo ko sa’yo ang tamang daan papunta sa aking puso at kapayapaang walang hanggan at puno ng pagmamahalan, o yeah!

Sweet type, rocker girl, kikay, emo girl, fashionista, artista, kahit alin, walang kaso ‘yan. Pero mas gusto ko ‘yung babaeng kilala niya ang kanyang sarili at hindi nagpupumilit na maging ibang tao. ‘Yung mahal niya ang kanyang sarili at mga tao sa kanyang paligid, at siyemps pati ako. ‘Yung mahal ako pero hindi ako ikukulong sa kung anong gusto niya; dahil gusto ko, ganoon din ako sa kanya.

Wala akong pakialam kung anong relihiyon niya at hindi dapat maging isyu ‘yon sa amin. Hindi ko inililimita ang isang tao sa kung anong relihiyon, lahi, estado, natapos, o kulay ng buhok sa kili-kili meron siya kasi hindi naman siya ang lahat ng ‘yon. Pero hopia! Gusto ko siyemps sa babae ‘yung nag-aahit ng hok-bu sa kili-kili niya. ‘Yoko ng parang gubat ‘yung armpit niya na may wildlife nang nakatira. Eew!

Gusto ko ‘yung may pangarap, o alam ang direksiyon ng buhay niya, at may paninindigan…kahit hindi na pulitiko. Pero kahit hindi niya alam ang direksiyon ng buhay niya, ayos lang. Tutulungan ko na lang siya at sasamahang hanapin ‘yung landas na talagang gusto niya. Siya nga lang bahala sa pamasahe.

Faithful. Loyal. Trust. Dapat meron siya ng mga niyan. At dapat minsan e ako naman ang nililibre niya kasi minsan, you know, nagdadaan din naman tayo ng recession kaya ganun. Marunong mabigay-halaga sa mga maliliit at simpleng bagay. Hindi agad-agad nanghuhusga ng ibang tao kahit sabihing attorney o judge pa siya. ‘Yung hindi agad-agad susuko at bibitaw sa akin anuman ang mangyari dahil hindi rin naman ako bibitaw at susuko sa kanya. You and me against the world ang drama, sige kahit against Mars and Jupiter pa.

Sa mata ako unang tumitingin (siyempre!) at nagagayuma sa babae. As in, sa mata talaga ako nama-magnet. Di ko maintindihan pero kapag nagtugma ang aming mga mata, at napuna kong wala naman siyang muta, at may spark akong naramdaman tulad tuwing Bagong Taon at Chinese New Year at Pyro-olympics, kaboom!, ayun na, titibok na ang puso ko’t wala na ‘kong magagawa kundi sundin ito. Uyy, napakanta siya.

Wala akong pakialam kung anong pangalan niya, o kung gaano kahaba ang pangalan niya, o kung maging “Enemy” ang kalalabasan kapag pinag-Flames ang mga pangalan namin. Ang mas mahalaga ay kung sino siya sa likod at labas ng pangalang meron siya. Dapat hindi rin nanlalandi sa ibang lalake kapag naging kami na.

Miss Future Girlfriend, ahay lahabs syuuu. c:

..
.
Pero alam ko ring hindi lahat ng pamantayan ko ay masusunod kaya…ayos lang. Mahal pa rin naman kita, miss future girlfriend.

Posted by andoyman at 5:31 pm | permalink | comments[4]

The Cursed Case of Casaibiza

Monday, July 12, 2010

Paulit-ulit kong pinanood ang trailer ng Harry Potter 7 dito sa bahay bago ako lumarga papuntang opisina para sa meeting time na 11:00am noong Sabado. Napaisip ako kung ano ang ginawa ko sa loob ng sampung taon at hindi man lang ako nahilig sa Harry Potter. ‘Yung sa The Chamber of Secrets, napanood ko. Di ko nga lang na-gets (mahina kasi ako sa English, yeah!), at pinanood ko lang ‘yun sa pirating vcd dahil uso at mukhang maganda; kasabayan pa nga niyan noon ‘yung The Lord of the Rings na hindi ko rin naintindihan ang istorya bukod sa singsing na sinangla ni Judy Ann sa M. Lhuiller at hindi na niya natubos dahil kay Ogie Alcasid.

Langya. Anganda talaga. Nakakaadik. Bagay kami ni Emma Watson. Maghahabol tuloy ako ng pagpapanood ng pelikula-serye nila. Balak kong makumpleto ang buong set ng 1-6 ng Harry Potter bago man lang mapanood ang pinakahuling bahagi (at gusto ko original kaya mag-iipon ako) sa Nobyembre. Sana hinihithit na lang ang Harry Potter kesa pinapanood.

Hindi ko ma-gets kung bakit madalas kong napapansin ang mga mag-syota kapag naglalakad ako kahit saan katulad noong pumunta ako kahapon ng SM North para bumili ng ice tubig. ‘La lang. Naiinggit lang ako sa mga may ka-partner kasi hindi sila lumalakad mag-isa.

Napapaisip na lang ako kung kelan kaya darating ‘yung kapareha ko na ‘yon. ‘Yung kahit kaming dalawa lang sa madilim na daan ang naglalakad, ayos na sa akin. Tapos konting ngiti, konti pang ngiti, medyo mapanukso na ang ngiti, nagkakalapit na ang mga mukha, sabay may tututok sa amin ng balisong at magsasabi ng holdap. Saka ko ituturo sa holdaper na siya ang may pera at wala ako ni singkong banlag sabay harurot ng takbo. Ipagdadasal ko na lang na hindi sana siya mapahamak.

Planning session ang ipinunta namin sa Antipolo at hindi hinulugang-taktak ng Ajinomoto. Siguro ang pinakamagandang description ng nangyari sa amin e parang retreat tulad noong mga elementary days kung kelan patubo pa lang ang mga sungay at kailangan nang putulin. Maayos naman ang lahat. May mga konting aberya tulad ng may naiwang gamit, o walang electric fan o aircon man lang sa isang kwarto, pero sa lahat-lahat, ayos pa rin naman. Wala nga lang chicks akong nakita.

Nagkaroon ng hindi inaasahang pagbabahagi ng buhay ang bawat isa sa amin sa kalagitnaan ng pagtatawag namin ng espiritu. Kumbaga, mala-Maalaala Mo Kaya ang serye tapos lahat lang kami e nakikinig o nakiki-iyak o umiilag sa mga suntok ni FPJ o may sariling mundo—ako muntik na. Tubigan na ang mga luha sa karamihan sa amin. Pagdating sa akin, kelangan kong ikwento ‘yung maituturing kong lowest point sa buhay ko, halimbawa, walang projects/commercials na ginagawa, o minsan may pimple ako o may 1mm na wrinkle sa noo ko, mga ganon. Eto ‘yung bahagi ng walang kakwenta-kwentang sinabi ko sa aking monologue (hindi saktong ganyan pero ganyan pa rin naman):

“(Buong puso silang nakikinig sa akin) Hindi ko inaasahan na pagsisisihan ko ‘yung naging desisyon ko. Isang gabi, nag-crack ako, hindi ko pa alam. Umiyak ako. Tamad na nga ako sa bahay tapos wala pa akong trabaho. Nakakawala ng respeto sa sarili. Naaawa na ako sa tatay ko kasi sobrang hirap na siya sa pagda-drive tapos nagkaroon pa ng away sa pagitan namin. (Garalgal na ang boses ko at nakikisimpatiya na sila sa akin) Wala man lang akong mapatunayan sa sarili ko. Hirap na hirap na akong maghanap ng asawa (Hagalpak na naman sila sa pagtawa).”

Ang nairason ko na lang sa mga pasundot kong biro e dahil naiiyak na ako kaya ganon. Walang lumabas na luha sa akin dahil doon.

Pagkatapos kumain ng hapunan, na nakadalawang plato ng kanin ulit ako tulad noong pananghalian, nag-swimming session ako kasama ang tatlong kaopismeyts. Hindi dapat ako maliligo pero sumama na rin ako sa kanila dahil napakatagal na panahon na rin bago ako nakapag-swimming. Hindi na lang ako magbi-brief pagkatapos ng swimming kasi pang-sumunod na araw ko na ‘yung brip na baon ko eh. Ayaw naman nila akong pahiramin ng underwear kahit panty man lang.

Ligo-ligo…sardines. Nagawa ko naman ‘yung pinakabasic sa paglangoy: ang paglunod. Seryoso. Muntikan na akong malunod dahil sa pahamak na sign na 5ft. Eh parang 6ft na ‘yung lalim nang pagtapak ko sa pinakahuling baitang. Pahulog na ako’t palunod na nang makahawak ako sa braso ng kasama ko. Kung wala siya ro’n, nakow, baka hinuhuli na ako ni Spongebob dahil akala niya e jellyfish ako. Lumipat kami sa 2ft para sa mga bata pagkatapos magsawa kalalangoy sa 4ft na parang 5ft. Nakipaglaro kami ng mataya-taya sa isang bata. Pusanggala. Anhirap tumakbo sa tubig. Tanggal ang baga ko sa hingal. Umupo ako nang hapong-hapo at sinabihan ang bata, dahil pagod na nga kaming lahat, na mag-isa na lang siyang maglaro ng mataya-taya, walang balikan ng taya dapat. Ayun, hindi na niya itinuloy.

Inuman session ang kasunod at namulutan lang ako. Habang tinutungga nila ang strawberry (ano sa tagalog ang strawberry?) na The Bar, nilalasing ko naman ang sarili ko sa Wilkins. Tapos kwentuhan blah blah blah blah. Naging seryoso ang usapan sa amin habang ‘yung iba e nasa taas at nag-i-spirit of the glass yata. Hindi ko na ikukwento bilang pagrespeto sa kasama ko ang kinuwento niya pero aaminin ko na lagi kong sinisira ang moment dahil panay sundot ako ng kalokohan. Mabuti’t hindi ipinukpok ang bote ng The Bar sa ulo ko.

Kinabukasan, nag-agahan kami tapos itinuloy ang planning blah blah eklat. Picture-picture ang kasunod tapos nagpumilit kaming magpa-picture at makasakay sa kabayo na ang pangalan e Tigershark at dating kasama sa mga karera sa Sta. Ana(?). Si Manong, may peyboritism. Mas malaki ‘yung paglibot ng kasama ko habang nakasakay siya sa kabayo. Ang dahilan lang ni manong e ganon talaga ‘pag maganda. Si manong, kahit mukhang apo na niya sa tuhod ang ka-opismeyt namin, halatang matulis pa rin. Nagbigay kami ng tip bilang pasasalamat dahil walang bayad ‘yung pagsakay naming lahat.

Saka kami umuwi.

Nanakit ang braso’t balikat ko dahil sobrang nabanat sa pagsu-swimming. Mahirap talaga ‘pag retired swimmer ka na. Di nga pala ako marunong lumangoy.

Posted by andoyman at 10:34 am | permalink | comments[4]

Wala lang: #16

Friday, July 9, 2010

Antok na antok na antok na antok na antok na antok na antok na antok na antok na antok na antok na antok na antok na antok na antok na antok (na mabantot ka) na ako.

Well, kapag ganitong antok na antok ako, teka, bakit ba ako antok na antok? Tinatamad pa nga ako eh. Eh pano ba naman kasi, kulang ako sa tulog lalo nitong mga nagdaang gabi dahil may ginagawa at tinatapos ako na ngayon e natapos ko naman at naipasa na. Hihintayin ko na lang na magunaw ang mundo sa 2012. Bigla kong naalala ‘yung opentimecapsule.com kasi anganda ng layunin niya: gagawa ka ng mga artik, tula, sanaysay, o illustration o visual art o vandalism at ipapasa mo sa site at bubuksan ‘yon sa taong 2020…kung may mundo pa noon. Gusto ko ngang gumawa e kaso ‘ala pa akong maisip at bangag pa ako lalo’t gusto ko nang makabili ng drawing tablet kaso puyat pa ako ngayon. Aalis pa naman ako kas-bu. Work outing yata tawag dun.

Naisip ko lang yung mga babaeng magaganda, as in saksakan ng ganda, na siguro hirap na hirap silang makakita ng kapartner sa buhay lalo’t marami ang nagkakagusto sa kanila dahil maganda sila, hindi dahil sa kung sino sila, at pagkatapos, possessive pa ‘yung lalake. Kaya naalala ko tuloy na hindi ko pa pala tapos basahin ‘yung pinakahuling aklat na binili ko: The Winner Stands Alone ni Coelho. Malapit naman na pero baka matagalan pa lalo’t may pinapabasa sa akin ang boss ko na ang title e Blog Rules. Oo, gusto ko ‘yung aklat pero ayoko rin kasi magiging teknikal kung saka-sakali ang blogging ko. Pero bakit ako binigyan nun? Dahil pagba-blog-in na rin niya ako? Nyay. Yoko. Yoko ng napipilitan at napepressure ako kapag nagbablog at yoko mag-english sa blogging. 

Eh pano ba naman, walang kwenta ‘yung smartbobo kaya impyernong-banas ako kagabi. Grrrr. Yoko nang alalahanin pa. Basta hindi na ako gagamit ng smart. Ayoko ng parang inuutusan ako na parang wala akong ibang choice kundi sundin ang utos, kumbaga, katumbas sa english word e “command.” Request pwede pa pero command, psssh, ipapakain kita kahit kanino dyan. (Wala akong maisip eh.)

Pero bakit nga kaya ganun? Kasi ‘yung kwan e ano e. Ganun. Kaya pala.

Gusto kong magkaroon ng photoblog pero di ko lam kung magiging ano ang photoblog ko. Ibig kong sabihin e kung ano ang magiging laman. Samahan ko kaya ng kutsinta? Andami ko nang na-like sa tumblr. Patayan sa pagse-save na naman.

Tapos ayun. Ano na’ng sasabihin ko? Pwede bang bumati? Teka: Binabati ko lahat ng kaklase ko at mga kaibigan ko pati mga prof ko. Hindi ko na kayo iisa-isahin dahil andami niyo. Binabati ko rin sina xienah, oliver, yeye, KT, yhel, nel, philline at allan–number 1 fan ako ng loveteam nila, pati mga katrabaho ko dito sa opis (pero tingin ko e hindi naman sila nagbabasa dito), si tenshi, boy dungis abnoy, grayzah, jayzel, sino pa ba? Siguro pati na rin si bret, teejay, hi din ke “the margarita queen”–crush nga pala kita, palibre naman sa’yo minsan. Binabati ko rin ang mga komikero dyan, kilala niyo na kung sinu-sino kayo. Binabati ko lahat ng ka-facebook, ka-tumblr, ka-twitter, ka-deviantart, ka-mental telepathy, kakabukakanapunitanggitna, at ka-ano.

Problema pa rin ang thesis document namin dahil sa preface. Hindi ko rin alam kung ano isusulat ko sa evaluation sheet na ibinigay ng boss namin na ngayon ipapasa, pero ni isa sa aming lahat e wala pang nagfi-fill-up. Bago nga pala sapatos ko, wala lang, kunwari mahalaga. Pers taym ko kasing bumili ng sapatos ko gamit ang pera ko. Mga ilang linggo na rin siguro sa aking ‘to. Nagsusuot ako ng butas na medyas at gutay na rin ‘yung butas na pinapasukan sa sinturon ko.

Wanted: GIRLFRIEND.

Bali, wala naman akong sinasabi talaga. At oo, namiss ko ang blogging. 

Pasapak nga!

Posted by andoyman at 2:45 pm | permalink | comments[4]

Sa pagbabalik ko…Bago na ako.

Saturday, June 19, 2010

Miss me? Ako kasi na-miss kita.

Bigla akong nawala kasi…pa’no ko ba ipapaliwanag ‘to? Bali parang ganito: Bigla akong biniro ng tadhana, isang biro na hindi ko alam kung bakit kailangan ganun ang biro sa akin. Bago pa noong birthday ko—maraming salamat nga pala ulit sa mga bumati—malungkot na ako. Naliligaw na. Nawawala.

Bigla akong nawala kinabukasan pagkatapos ng birthday ko kasi, bukod sa kabi-kabilang shooting, hindi ko na kinaya ang dala-dala kong baul ng ebak at ayaw kong madamay pa ang blog kong ‘to sa mga kadramahan ng buhay ko bilang hari ng sablay. Tama na ‘yung sarilinin ko ‘yung lungkot at kayamanan ko; at ayoko kasing maging sobrang lungkot ng blog ko. Kawawa naman ‘to kapag gano’n.

Madrama akong tao at, sa tingin ko lang naman, wala namang taong gustong makarinig ng kadramahan ng isang artistang tulad ko, kaya madalas, sinasarili ko talaga, lalo kapag sobrang negatibo. Mabigat sa akin kung mandadamay pa ako ng iba sa kanegatibuhan na nangyayari sa precious life ko. Pero kung yayayain mo akong mag-Enchanted Kingdom para magkwento ng kaemohan ko, papayag ako.

Natatandaan mo ba ‘yung isang entry ko tungkol sa “sobrang saya tapos biglang sobrang lungkot”? Ganun kasi ang nangyari. Ang hirap gilingin sa dibdib ng ganoong sitwasyon. Kumbaga, nandyan na sa harapan mo ang malutong, mabango, bagong luto, at katakam-takam na lechon baboy, at kapit na kapit na sa bawat buhok ng ilong mo ang kasarapan ng bawat sentimetro nito, tapos biglang ilalayo at sasabihin sa’yo ng masungit niyong katulong—na kinakalantari ng drayber ng kapitbahay niyo, “Oops! Di ‘yan pwede sa’yo dong. Hangin lang pwede mong papaken.”

My gulay!

Kaya eto ako ngayon: tinatapos ang Sudoku; pinupuno ang crossword puzzle; binubuo ang rubik’s cube; at pinapatay ang mga Zombies gamit ang mga Peashooter. Kapag natapos ko na ang mga ‘yan, siguro, magba-blog na ulit ako. Pero hindi ko alam kung aabutin ba ng buwan o linggo o araw o kapag hindi na si Noynoy ang pangulo ng bansa bago ako magbalik sa blog kong ‘to. Marahil depende sa sinasabi ng mga bituin ni Madam Rosa ang magiging basehan.

Isa lang ang sure Ms. Kris, babalik pa rin ako sa blogging. At konting renovation na rin todits. Mahirap dahil hindi pwedeng galawin ang css nito kaya dapat maganda ang background at konting linis sa sidebar/s para hindi crowded.

May tumblr ako na pwede mo ring bisitahin. Add mo na rin ako sa facebook ko dahil nagpo-post ako ng mga nakakalokong pictures at walang kwentang notes na pwede mong gawing libangan habang binabasa mo nang nakapatiwarik. Matakaw din ako sa kowts.

Ang tanong:
Ayos na ba ako sa kasalukuyan?

Basta magbabalik ako at sa pagbabalik ko, bago na ako.

Posted by andoyman at 1:02 pm | permalink | comments[2]

Aalis na muna ako

Wednesday, June 16, 2010

:|

Posted by andoyman at 1:23 pm | permalink | Add comment