kwan. ano. yon. yeh!

Blog||Alzheimer||theAlchemist

Sunday, September 21, 2008

Blog

Yey! Sa wakas, mayroon na akong blog! Oo, sa ayaw mo at sa hindi, gusto mo man o ayaw, mataas man ang pamasahe o hindi, may giyera man o wala, may Blog na ako! At hindi ako makapaniwala dahil pipilitin kong magtiyaga para makapagsulat sa Blog ko na ito. Hindi naman sa first time ang paggawa ko ng blog kaso, ang blog ko sa friendster e wala na at hindi ko na ina-update. Hindi ko rin kasi alam kung ano ilalagay ko sa blog ko doon sa friendster.

Pero dahil sa blog na isa kong nabasa, nagkaroon ako ng inspirasyon at gana na gumawa ng sarili kong blog. Masarap kasi ang may blog. Napag-isipan ko na dito ko na lang itae ang lahat ng sama ng loob ko, lahat ng tumatakbo sa isip ko, mga nangyari sa akin at sa iba, mga bagay na nakita at naranasan ko, mga pananaw ko na nakita kong kahawig o naiiba sa ibang tao, at iba pang mga kalokohan o kabuwangan o reklamo o kahanga-hangang ka-ewanan na bigla kong maiisip.

Bagamat hindi ko gawa ang wallpaper ko ngayon, sa hinaharap, maaaring gumawa ako. Siyempre, para naman masabi kong blog ko talaga ‘to! Haha. Sa ngayon, mga malabong berdeng damo muna ang aking bakcground.

Kaya eto na! Oo, eto na! Eto na at wala nang iba! Ang aking blog! andoyman.i.ph! Yey! Asteg! Hwahoo!

v(o”,o)v

Internship

Kainis, hindi pa ako tapos sa internship ko. Papasok pa ako sa mga araw na bakante ako at maaga ang uwi ko para lang mapuno ko ang nalalabing mahigit na isandaang oras. Dagdag gastusin pa sa pamasahe ang pagpunta sa internship site. Sana may allowance sa site ko kaso wala. Kung mayroon sana, laking tulong na iyon sa akin. Kaso, kailangang talagang tanggapin ang kasaklapan ng katotohanan na wala nga akong makukuhang allowance.

Sana, matapos na talaga ang internship ko.

Enrollment

Asteg, wala pa ring pagbabago ang en-rOOOOOOOOOOOOOOll-ment ng aming kolehiyo. hway~~ Bakit ba mas lalong humirap at gumulo pa? Hindi ko talaga maintindihan at hindi ko mahanapan ng dahilan kung bakit laging humahantong sa isang bangungot ang enrollment system dito sa amin. May online enrollment system nga, pero kailan ko ba nalaman? Siguro kung walang nag-post sa bulletin ng isa kong ka-friendster, hindi ko malalaman na mayroon na palang gan’on. 

E41, diyan dapat ako pero pagtingin ko sa system sa nausog na araw ng enrollment, nyay, bakit dalawang subject na E41 ang nalalabi sa akin? Naunahan ata kami ng mga irreg. Hwooo! Hebbbbiiiiiii!!! Kaya sumama ako sa mga nag-petition at nagkaroon ng E42. Nakapag-enroll ako ng sumunod na araw, habang nasa intern site, gamit ang online system nila.

Kaso, pagdating sa ENGIMAN, gusto kong sumigaw ng ‘mahusay!’. Bakit?  E kami lang ni Macatuno ang nand’on e. Biruin mo iyon, kaming dalawa lang ang tuturuan. Nung magpapalipat na ako, kala ko hindi pa ako malilipat pero salamat na lang kay Macatuno nanag-back-up sa akin at pumayag na rin si Ma’am Clores, este, Ma’am Francisco(na pala) sa paglipat ko ng section ng ENGIMAN. Ayun, E41 ang ENGIMAN ko.

Siya nga pala, dahil sa hindi nga inaasahang pangyayari noong enrollment, hindi ko/namin kasama ang mga kaklase namin noong huling-huling sem. Sana sa susunod na sem, magkakasama na uli kaming lahat at sana, at isa pang sana, sana maayos na ang enrollment system ng aming kolehiyo para naman maging masaya naman ang mga estudyanteng laging na-i-stress tuwing enrollment(ganoon na rin para sa mga na-i-stress na professors).

Alzheimer

Nabasa ko doon sa blog na sinusubaybayan ko na baka mayroon daw siyang Alzheimer disease dahil minsan, nakakalimot siya ng mga bagay na dapat e hindi niya nalilimutan. Bigla akong napaisip na, “Teka, ganun din ako ah.” Ayaw ko nang gan’on, biruin mo, bigla mo na lang malilimutan ang mga bagay na alam mo naman ay hindi mo malilimutan. Kumbaga, nagkabisa ka ng isang aklat tapos sa bandang huli o araw ng pagsusulit, bigla mong malilimutan ang lahat.

Ang sakit at ang hirap ng ganoon! Ayaw ko n’on kaso, nagiging malilimutin na talaga ako. Walang gamot ang sakit na ito pero may nabasa ako na pwedeng maiwasan ‘to sa pamamagitan ng paglalaro ng chess, o pagsagot ng mga puzzles o iba pang mga mind games. Bigla ko tuloy naisip na noong mga panahon na may CALCULUS at ENGMATH ako ay hindi ako gaano malilimutin.

Kasi nagagamit nga ang utak ko. Hindi tulad nitong unang kalahat ng taon na lagi akong malilimutin o kaya naman ay parang ayaw tumakbo ng utak mo. Kaya ngayon, sumasaglit akong magsagot ng mga puzzle sa internet. Hehe. Saya nga e! Asteg! Hindi lang puro copy & paste! Haha!

Sipon

Oo, kasalanan ko kung bakit masama ang pakiramdam ko ngayon at sinisipon. Huwag na sanang sundan ng ubo. Paano ba naman, naulanan ako kagabi pag-uwi ko, pagkatapos ay naglaro pa ng shooting sa Isetann. Ayun, pinagpawisan likod ko na basa pa sa ulan. Kinabukasan, masama na ang pakiramdam ko at barado na ang ilong ko sa sipon na ito. Sana mawala na itong sipon ko at huwag nang masundan. Sana gumaling na ako.

Pasukan

Unang araw ng ikalawang semestre,  unang asignatura, walang prof. Asteg! Walang prof at isang mahabang pila sa 4th floor ang natagpuan ko noong araw ng pasukan. Napakahusay! Walang prof kaya walang gagawin pero nagkaroon din dahil tumulong kami sa enrollment system doon sa aming kagawaran, ang kagawaran ng inhinyero ng kompyuter (CPE Department). Ayun, naging masaya naman kasi may ginawa kami. Hehe

The Alchemist

Pumunta ako sa National Bookstore sa may Morayta.

Bibili dapat ako ng libro ni Neil Gaimann dahi iyon ang binabasa ng may-akda ng blog na aking sinusubaybayan ko. Kaso, hindi kasya ang dala kong pera sa P329 na halaga ng The Sandman. Nang mapunta ang aking mga mata sa The Alchemist ni Paulo Coelho, may kakaiba akong naramdaman at parang may bumulong sa akinna iyon na lang ang bilhin ko. Nabasa na rin ito ng may-akda ng blog na sinusubaybayan ko. 

Kaya ko kasi gustong bilhin ang aklat ni Gaimann dahil gusto kong mabasa kung paano siya sumulat dahil sa siya ang hinahangaan nang taong hinahangaan ko. E hindi nga kasya ang pera ko kaya ang P245 na The Alchemist ang binili ko. Pagdating sa cashier, P196 na lang kasi may discount at pagbaba ko naman,  may tatlong tiket ako na pwede kong gamitin para magkadiskwento ako ng P25 sa bawat P500 halaga sa bawat bili.

Pagbasa ko ng The Alchemist, namangha agad ako dahil ang gaan niyang basahin. Sa sobrang gaan, hindi ko namamalayan ang bawat paglipat ko ng pahina. Sa bawat sandali na wala akong ginagawa, binabasa ko ito. At bawat pagbasa na ginagawa ko, kusang nabubuo sa aking isipan ang bawat eksena na isinasaad sa bawat pahina.Bagamat fictional ang aklat na ito, makatotohanan naman ang ipinapakita at ipinapahiwatig ng bawat tauhan sa kwento.

Nakakailang ulit na ako sa pagsabi na, “Ang ganda talaga ng aklat na ito! Hwoo!”. Hindi katulad sa ibang aklat na pahihigalapin ka pa sa diksiyunaryo kung ano ang ibig sabihin na bawat salitang nakalimbag sa pahinang iyon. Pero ito hindi, dahil madali siyang intindihin at madaling unawain ang gusto niyang iparating. Ansarap talaga niyang basahin. Napakahusay ni Paulo Coelho sa pagsulat sa aklat na ito at napakalawak ng kanyang imahinasyon.

Napag-alaman ko, ayon sa internet, na 1988 pa pala ang aklat na ito ng unang nilimbag at ngayong taon ay ang ika-dalawampung anibersaryo nito. Ang balita ko, gagawan ng pelikula ito at sa Oktubre ito ipalalabas sa mga sinehan. Asteg! Manonood ako niyan! Haha! Sa ngayon, tapos ko nang basahin ang aklat. Apat na araw na paputol-putol na pagbabasa ang inabot bago ko ito matapos kanina. 

Ang nakakatuwa nga, nang ialok ko ang aking kapatid na basahin ito, na wala talagang hilig sa pagbabasa, gusto rin niya itong basahin. Pero noong una, ayaw niya. Kaso naramdaman ko na gusto niya talagang basahin ito at sinabi ko nga na, “Kung hindi ako nagkakamali, noong tanungin kita kung gusto mo itong basahin, parang may nagbulong sa iyo na gusto mo rin itong basahin, ‘no?”. At iyon nga, tama nga ako! Gusto rin ngang basahin ng kapatid ko itong aklat na ito.

Hihiramin niya muna ang aklat ko. Ako naman, mag-iipon pa para sa susunod na aklat na babasahin ko. At kapag tapos ang pagbasa ng kapatid ko sa The Alchemist, babasahin ko ulit ito! Haha! Ansaya kasi e! Sa susunod na blog na lang pala ko ilalagay ang review ko para sa aklat na ito.

Posted by andoyman at 7:54 pm | permalink | comments[2]