Haircut
Monday, October 6, 2008Mahaba at makapal ang bawat hibla ng aking buhok na nakatanim sa aking ulo. Umaabot na ang bawat dulo ng aking buhok sa harapan sa aking mga mata. May plano na akong magpagupit. Pero ang gusto kong gupit, hindi iyong barber’s cut, clean cut, crew cut(hindi ko alam kung tama ang aking ispeling), at semi-kal. Gusto ko, ang istilo ng aking buhok ay tulad ng mga uso ngayon. Oo, tulad ng mga uso ngayon pero hindi iyong mga pang-TBS, pang-Hiphop, o pang-Emo na buhok. Anak ng kadamakan!
Kinuha ko ang nakatabi kong papel na may mukha ng isang taong nakapangalumbaba at inilagay ko sa aking pitaka. Nagtanong na rin ako sa mga kaklase ko kung paano pumunta sa SM Manila dahil nandoon daw ang FIX. Oo, doon ko balak magpagupit kahit mahal masunod lamang ang nais kong istilo sa aking buhok. Bakit naman? Para maging bago naman ang istilo ng buhok kong naging asawa na ang mga istilo ng gupit na iyon mula noong bata pa ako.
Alas-diyes, mainit at medyo mataas na ang sikat ng nagngangalit na araw. Kasabay pa niyon ang pagsubok na harapin ko ang ulap ng nicotine na nadadaanan ko sa labas ng piyu. Naglakad ako mula sa aking paaralan hanggang sa may sakayan lagpas sa Isetann, malapit sa may Raon. Gumastos ako ng otso pesos para sa pamasahe. Umaasa ako na magiging maganda ang resulta ng aking gupit. Unang beses kong pupunta sa SM Manila kaya hindi ko pa alam kung saan ako bababa. Nahalata ito ng drayber ng jeep kaya siya na mismo ang nagsabi sa akin na SM na. Bumaba ako ng jeep.
Pumasok ako sa underpass. Pagbaba ko, sa gawing kanan, nakita ko ang dami ng tao na naglalakad sa underpass. Nabanaag ko rin ang ibabang kalahati ng salitang SM Manila. Nakaturo iyon sa kaliwa mula sa aking nilalakaran. Nilagpasan ko ang City Hall na hugis ataol kapag titignan mo ito mula sa itaas. Kasabay ko ang mga empleyado, estudyante, taong naglalakad lang, mga nag-aalok ng SIM card, at alikabok at usok ng Maynila sa aking paglalakad tungo sa pakay kong destinasyon. Tumawid ako tapos huminto. Pinagmasdan ang kamay ng pulis-pantrapiko na nakataas ang kamay at ang nakaharap na palad na nagpapahiwatig na huwag munang tumawid. Pagkabigay niya ng senyales na maaari nang tumawid, tumawid na rin ako kasabay ang mga estudyante, empleyado, at namamasyal lang patungo sa pintuan ng SM Manila.
Pagkapasok ko, kahit nararamdaman ko na ang kalam ng tiyan, hinanap ko kaagad ang pakay na pagupitan. Akyat uli sa susunod na palapag. Ikot. Akyat uli. Ikot. Napadaan sa Comic Alley at saglit na huminto. Inikot ang lugar, inikot din ang mga mata sa mga nakikitang nagmamahalan na gamit, posters, figurines, damit, sumbrero, at iba pang may kinalaman sa anime. Pero hindi ako bumili dahil pampagupit ko ang dala kong pera.
Ikot uli. Akyat. Nakita ang Ricky Reyes. Isang lalake ang nakita ko sa loob. Taga-gupit ata doon, base sa kanyang damit. Siya lang ang nakita ko. Hindi ko alam kung nasaan ang mga kasama niya. Maganda sa loob. Mailaw. Makintab ang sahig. Magagarang palamuti. At isang kumikislap na puting bond paper na nakapaskil sa kanilang poster na ang nakalagay ay 200. Dalawang daang piso ang gupit, shampoo, at blowdry sa kanila. Pero hindi ako pumasok dahil determinado akong sa FIX ako magpapagupit.
Pagkarating ko sa pinakamataas na palapag, wala akong nakitang FIX na pagupitan. Lahat ng palapag, wala. Sa itaas, may isang straightening center at isang pagupitang panlalake ang nakita ko na maaari kong pagpilian. Walumpu’t limang piso ang halaga ng pagupit sa panlalakeng pagupitan. Wala na akong nagawa kundi doon na lang magpagupit. Mga anim hanggang walo ang lalakeng barbero ang nakita ko roon. Mangilan-ilang babae ang nakita ko rin doon. Hindi ko alam ang trabaho nila basta may isang babae na nasa counter.
Umupo ako. Kinabitan ako sa leeg ng puting panyo na pinaikot para magmukhang tali. Sunod ay dilaw na tela na animo’y kapa. Hindi nga lang sa likod inilalagay kundi sa harap. Saka ako tinanong kung ano ang gupit ko. Sabi ko, siya na ang bahala basta ninipis ang volume ng aking buhok, basta bagay sa akin. Kinuha ang de-kuryente niyang panggupit at tinabas ang gilid ng aking buhok. Nainis ako. Nainis. Nainis. Sinabi ko uli sa kanya, “Iyong ano na lang po, clean cut na lang.” Hindi ko alam kung nahalata niyang nainis ako.
Wala na akong nagawa kundi hayaan ang gupit na iyon na para sa akin ay parang barber’s cut lang din. Sawa na ako sa barber’s cut. Gusto ko naman ng bago, pero hind kalbo. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng The Elephant Vanishes ni Haruki Murakami para mawala ang aking pagkainis. Ngunit hindi ko lubos na maibigay ang buo kong atensyon sa aklat dahil sa ginugupitan ako at naiinis pa. Ano ba ang kinaiinisan ko? Hindi ako naiinis sa barbero. Naiinis ako dahil hindi ako makaalis sa ganoong istilo ng gupit. Gusto ko naman ng bago.
Natapos ang gupit na nagpangalay sa aking leeg. May malamig blowdry pa iyon ah. Nagbayad ng P85 sa babaeng nasa counter. Nilibot ang mata sa mga stalls sa pinakamataas na palapag. Ibinaling ang mga mata sa mga taong nandoon. Bumaba. Gusto ko nang umalis. Ayokong isipin na nasayang lang ang punta ko. Malungkot. Nanghihinayang at naiinis. Pero wala na akong magawa. Kinapa ko ang aking bulsa para hagilapin ang aking cellphone. May nag-text pero hindi ko kilala. Hindi ko rin nabanaag ng mabuti ang text message. Pumasok ako sa isang stall ng cellphone seller. Nagtanong kung magkano ang casing nila para sa aking cellphone. Apat na daang piso. Class-A daw kasi kaya ganoon. Tumingin lang ako sa mga iba’t ibang kulay na casing saka umalis. “Ang mahal naman”, sabi ko sa aking sarili.
Malapit na akong lumabas ng SM Manila. Kinuha ko uli ang aking cellphone at binasa ang text message. Ito ang nakasulat:
Life is good!
Even if we don’t exactly get what we want in life,
we will soon realize that what GOD gives us is
always d BEST for us.
God Bless!
Nagulat ako dahil saktung-sakto ang text message sa sitwasyon ko na iyon. Oo, marahil hindi nga natin makuha ang gusto natin. Pero ang lahat ng ito ay may dahilan at mauunawaan din natin na ang ibinigay ng Diyos ay bagay na bagay sa atin. Salamat sa nagpadala nitong text message sa akin. Kung sino ka man, maraming salamat talaga!
Sabi ng kapatid ko, bagay ang gupit ko ngayon. Hehe.
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- March 2012
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009


