Presyo ng Utak
Sunday, October 12, 2008Exam
Andaming mga pagsusulit ngayon lalo na nitong nagdaang linggo at nitong darating na linggo. Mula sa pagiging isang intern, kahit ngayo’y intern pa rin, estudyante ulit ako mula noong pasukan. Noong huling sem, habang nasa loob ako ng opisina ng internship site ko, nami-miss ko ang pagiging estudyante. Lalo na noong mga panahon ng finals. Tuwing pumapasok ako noon ng Sabado o ng ibang araw para tignan kung tapos na ang pag-edit ng mga taga-ERC sa aking Project Paper, nakikita ko ang mga estudyanteng nasa loob ng silid-aklatan, nagbabasa, nagrerebyu, nagkakabisa, nagdadaldalan, nagte-text, at humihingi ng tulong sa kanyang kaklase kung paano sasagutin ang mga tanong sa physics, chemistry, geometry, algebra, calculus at iba pang tulad ng mga nabanggit. Nasabi ko na lang sa aking sarili na hinahanap ko na ang pagiging estudyante.
Ngayon, estudyante uli ako. Estudyanteng nagka-cramming, nagbibiro, nang-aasar, nag-aaral, nagkakabisa, nagtitipid sa pagkain tuwing lunchbreak, humihingi ng diskwento sa pamasahe, nahuhuli sa klase, tinatamad sa mga lektyur, nagdadasal na sana’y walang pasok sapagkat umuulan, nagrerebyu sa loob ng bus, kumukopya ng mga assignments, at nato-toxic sa dami ng gawain. Sa tingin ko, kahit nagtatrabaho na ako, hahanapin ko pa rin ang ganitong klase ng buhay dahil naging malaking bahagi ito ng aking sistema. Pero ayoko naman maging estudyante habang buhay ah!
Seminar
Ang unang seminar namin para sa SEMFILD ay noong Miyerkules. Maganda ang naging seminar. Marami akong natutunan at marami rin akong nalimutan. Maraming sinabi ang tagapagsalita ng seminar. Sa sobrang dami, hindi nagkasya ang dalawang oras. Tungkol sa mga bagong teknolohiya at mga bagong labas sa mundo ng I.T. ang paksa ng seminar. Bukod doon, may mga ipinamigay ang aming tagapagsalita. Isa sa mga ipinamigay niya ay ang orihinal na kopya ng Norton Antivirus 2009. Waw! Kaso dapat masagot mo ang tanong niya para makuha mo iyon. E wala akong alam sa mga bago sa I.T. ngayon e. Kaya wala akong nakuha bukod sa Green Apple na kwaderno na gantimpala ng mga nag-organisa ng seminar na iyon para sa mga maagang dumating.
Isa sa mga nakakatuwang nangyari sa seminar na iyon ay ang pagkanta ng anthem ng aming kolehiyo. Wala akong alam sa anthem ng aming kolehiyo. Haha. Hindi ko nga kabisado e. Sa buong kanta, isang linya lang ang kinakanta ng sabay-sabay at malakas, lalo na sa bandang likod ng upuan, ng mga Computer Engineers. Pasaway! Ako’y natuwa dahil sa kakulitan ng mga kapwa ko Computer Engineers. Pero alam ko, mula sa mga mata ng aming propesor na nakaupo sa harapan, alam ko na na-imbiyerna siya.
Tamad
Dalawang araw na walang pasok. Sabado at Linggo. Ano ang ginawa ko sa halip na mag-aral para sa mga pagsusulit ko sa darating na linggo? Wala. Hanggang sa mga sandaling nagsusulat ako ng aking blog, isang asignatura pa lang ang aking narerebyu. E ilan ba ang mahabang pagsusulit namin? Apat. Dalawa sa Lunes at dalawa sa Martes. Pero bakit hindi ako nagrerebyu? Kasi, tinatamad ako. Hwa.
Inaamin ko, ito ang masama kong ugali. Ang pagiging tamad. Tamad ako pero masipag. At masipag ako pero tamad. Magulo ba?
Naaaliw
Hindi ko sinasadya na makita mula sa isang blog ang mga sites na ito. Tinig.com, Pinoypoets.com, at Philippinecollegian.tk, mga bagong sites na matatagpuan sa aking links. Maganda ang mga tula sa Pinoypoets.com. Mahusay ang pagkakasulat ng mga kwento sa Tinig.com. Gusto kong basahin ang nasa isipan ng mga taga-UP sa Philippinecollegian.tk.
Ito ang mga bago kong tambayan!
Utak
Habang nagtuturo ang aming propesora sa RIZLIFE, katatapos lang noon ang aming pagsusulit, nagtanong ang aming prop kung may iba pa bang Pilipino na world-class bukod kay Rizal. Sumagot ako na si Charice Pempengco. Wala atang naging reaksyon si Ma’am. May mga ibang sumasagot din. Pero sa isang sagot ng aking kaklase, tumawa ng malakas ang buong klase, lalo na ako. Habang nagrerebyu, ginulo ako ng sagot na iyon. Isang malakas na tawa ang bumulwak sa aking sarili dahil sa sagot na iyon ng aking loko-lokong kaklase.
Sino ang iba pang world-class na Pilipino? E di si Batista.
Hwahahahaha.
Tawa ako nang tawa ganoon din ang buong klase dahil sa sagot na iyon. Langya, natatawa tuloy uli ako. Hwahahaha.
Tapos may humirit. Si Pacquiao raw. Sagot ni Ma’am, hindi pwedeng maging bayani si Pacquiao. Bakit? Kasi siya’y lumalaban para sa pera. Sang-ayon ako roon. Sabi ni Ma’am, hindi bayani si Pacquiao dahil lumalaban siya para sa pera, at hindi siya Olympiad tulad ni Velasco. Sang-ayon uli ako. Iyan din ang napansin ko.
Bago ang pangyayaring iyon, nagtanong si Ma’am ngunit sa kadahilanan na wala kaming maisagot sa mga tanong niya, nainis siya sa amin dahil hindi kami nagbabasa. Hindi kami nag-a-advance reading. Nasabi ni Ma’am na ipakilo na namin ang aming utak. Magkano ba raw ang bawat kilo ng utak namin? Naikwento tuloy ni Ma’am na kung bibilhin mo raw ang utak ng mga taga-UP, taga-Ateneo, at taga-La Salle, ito ang mga presyo.
Utak for sale!
Utak ng isang taga-UP - P5,000
Utak ng isang taga-Ateneo - P10,000
Utak ng isang taga-La Salle - P15,000
Bakit ganyan ang presyo? Kasi sa UP, gamit na gamit ang utak kaya mababa lang ang presyo, overused ika nga. Sa Ateneo, slightly used. At sa La Salle, hindi pa nagagamit. Tapos, noong minsan na nagtanong si Ma’am sa isang estudyante na taga-FEU-EAC, sagot ng estudyante, Buy 1 Take 1. Natawa si Ma’am dahil presyo ang tinanong niya tapos iyon ang naging sagot. Hehe.
May isang eksena akong nabasa naman sa Kiko Machine Komix. Ito ay tungkol sa rentahan ng utak na maaaring mangyari sa hinaharap. Ang modus, kukuha ng ilang bahagi ng utak sa matalinong estudyante para iparenta ito. Sa isawan naman igagawin ang transakyon sa pagrenta. Kaya ang mga estudyanteng walang utak, doon rerenta ng utak at ang mga estudyanteng walang pera, ipaparenta ang matalino nilang utak par amagkapera. Kaso, dahil nasa isawan nga, hindi maitatanggi na maaaring maihalo ang utak na pinarenta mo sa isawan. Aguy! Nakain na ang utak mo! Iiiigh!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009
- December 2008


