kwan. ano. yon. yeh!

Ako, bilang isang Buwan

Sunday, October 26, 2008

Maging katulad ko sana

ang buwan na maliwanag

na laging nakatingin sa baba,

patnubay sa’yong paglakad.

Kalaro ang mga ulap,

awit ng mga bituin.

At mukha mo’y hahaplusin

ng ‘king malamig na hangin.

Ang labi mo’y hahagkan

ng halik kong bitbit ng lamig.

At ikaw ay lalambingin

ng hiwaga ng ating gabi.

Aking himig, iyong awit.

‘Kaw sinta, aking liwanag.

Ang dilim ang ating kumot

habang tayo’y magkasiping.

At kung minsa’y hinanap mo

sa langit, ‘di mo makita.

‘Wag matakot, ‘wag mangamba.

Ako ay nandito pa rin.

Hinding-hindi mawawala.

 

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gusto ko sanang magkwento kaso wala akong gana ngayon. Midterm week ko pa. Sa susunod na lang ako magkukwento. Paniguradong mahaba iyon. At saka nga pala, ang tula na ito ay nabuo ko habang nasa bus ako at nakatingin sa buwan. Sa cellphone ko inilathala ang tulang ito. Hehe. Nabigyan ko na rin siya ng himig minsan isang Sabado kaso kinalaunan, nalimutan ko rin ang himig. Hwa.

Posted by andoyman at 8:43 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment