Ang Dalagang Naka-asul na Jacket at si Andoyman (Makalaglag-ipin na panghihinayang at pagkainis sa sarili)
Thursday, November 6, 2008Nagpunta si Andoy ng silid-aklatan pagkatapos ng aming Midterm exam sa PHILMAN. Lagi siyang dumidiretso sa library para magsulat. Kapag natapos na niya ang kanyang isinusulat, bababa naman siya sa 4th floor para mag-COMLAB. Iyan ang kanyang nakasanayan tuwing Lunes at Huwebes.
Kanina, pagpunta niya sa silid-aklatan, dala ang kanyang kwaderno, dumiretso muna siya sa pagbabasa ng dyaryo. Ngunit hindi naman mga headlines ang binabasa niya, hindi tulad dati, sapagkat ngayon, komiks na lang ang binabasa niya. Mga comic strip ng Pugad Baboy, Kiko Machine Komix, A. Lipin, at mayroon pang isa kaso nalimutan niya ang pangalan.
Pagkatapos, dumiretso na siya sa pagsusulat. Pagpasok niya sa lugar na may divider, nakita niya si First Year Girl. Lagi siyang nakasuot ng asul na jacket na may kulay kahel sa loob ng hood nito. Nagsasagot ata ng kanyang assignment. Nabanaag niya ng kaunti ang mga papel na nakalatag sa kanyang harapan. Mga angles at planes, numbers at formulas. Mula sa kanyang kinauupuan, halatang nahihirapan siya sa pag-solve. O nagrerebyu lang siya? Basta, ang alam niya, nahihirapan siya.
Pakiramdam ni Andoy, mukhang kailangan ng tulong ni First Year Girl. Kaya naman siguro ni Andoy na tulungan ang dalaga sa mga numero’t anggulo na nandoon sa tinitignan niyang papel. Fourth year na siya at marahil ay nadaanan na niya ang mga iyon. Sa kaloob-looban ni Andoy, nakadama siya ng ligaya na hindi niya naranasan noong nagising siya’t sumakay sa bus. Alam ni Andoy na maaari niyang lapitan ang dalagang naghihirap at ito ay tulungan.
Nagsusulat si Andoy. Kanyang isinusulat sa kwaderno ang kasalukuyang nagaganap sa kanya, tumatakbo sa isip niya at ang kangyang katorpehan. Alam niya na kung hindi niya susubukang lumapit, maaaring hindi niya ito makilala. At maaaring pagsisihan niya iyon sa hinaharap.
Anak ng katorpehan!
Wala siyang nagawa, at ginawa. Nakaupo lang siya at nagsusulat lang ng kanyang nararamdamang ligaya at ang kanyang pagmumuni-muni. Iniisip niya ang mga salitang kanyang gagamitin kapag kakausapin na niya si First Year Girl. Iniisip niya ang mga kilos na gagawin niya. Hindi para maakit ang babae. Ang gusto niya, friendly-way ang gagawin niya.
Alam niya na maaaring mapahiya siya kapag tumanggi ang dalaga sa aalokin niyang pagtulong. Alam niya na nahihirapan na talaga ang dalaga sa pagintindi marahil ng mga nakasulat sa mga papel na iyon. Alam niya na isang do or die na sitwasyon ang mga sandaling iyon. Alam niya na kung wala siyang gagawin, marahil ay iyon na ang huling pagkakataon na ibinigay ng tadhana para malapitan niya’t makilala ang dalaga. Alam niya ang mga maaaring mangyari. Naisip niya ang mga iyon. Pero hindi niya alam kung paano ba niya dadalhin ang friendly-way na gusto niyang mangyari gayong siya ay halos lamunin na ng kaba, at katorpehan. Hindi niya alam ang mga salitang dapat niyang bigkasin sa isang kaswal na paraan. Hindi niya alam ang ikikilos niya kapag nalapitan na niya ang dalaga.
Alam niya. Hindi na niya alam. Iyan ang sitwasyon niya. Isang bagyong puro pag-iisip at pagtitimbang ang dumaong sa isipan ni Andoy habang siya ay nasa ganoong sitwasyon.
Humingi siya ng senyales. Senyales na magbibigay-tanda sa kanya na dapat o maaari niyang lapitan ang dalaga. Pero kahit naibigay ng tadhana ang senyales na iyon, hindi pa rin siya lumapit.
Mag-isa lang naman ang dalaga. Walang kasama. At kahit may mga kaklase siyang dumating, hindi naman sila tumabi rito. Pero si Andoy, pwedeng-pwede siyang tumabi’t tulungan ang dalagang iyon. Ang dalagang nakaupo lang sa gawi niyang kaliwa. Ang dalagang nahihirapan. Ilang hakbang lang naman ang layo niya kay Andoy. Si Andoy naman, ayun at kahit na pinupuno ng mga sandaling iyon ang kanyang puso ng kaligayahan, nandoon pa rin siya sa kanyang kinauupuan at bagaman nalilitong nag-iisip ng kung anu-anong bagay na maaari niyang gawin para makilala na ang dalaga, hanggang tingin at sulyap lang nagawa o ginawa niya.
Walang kwenta.
Ayun, nakaupo lang siya. Nakaupo. Nag-iisip. Ligaya sa kanyang puso. Tumitingin sa dalaga. Nalilito. Torpe.
Nakaupo lang siya………………………………………. hanggang may lumapit na babae sa dalaga. Kaklase niya ito at tinulungan niya si First Year Girl.
Isang paglapit lang sa dalaga para siya ay tulungan, hindi niya nagawa.
Isang paglapit lang sa dalaga para siya ay makilala, hindi niya nagawa.
Isang pagkakataon na naman ang kanyang pinalagpas, nagsisisi siya.
Ang katorpehan ay walang maidudulot. Kundi sa kaba’t hiya ka nito ibabalot. Pupunuin ka ng maliligayang imahe sa iyong isipan. Pero malulungkot at nakapangsisisi na eksena ang iyong mararanasan.
Walang lakas ng loob ang taong torpe. At walang mararating ang mga taong tulad nito.
Alam mo iyan Andoy. Alam mo nga, pero hindi ka naman matuto-tuto.
O Andoy, sana kahit minsan, kumilos ka naman…
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Isinulat ito ni Andoy, hindi para ipagyabang na siya ay isang walang kwentang torpe kundi ay para maihayag niya sa kanyang kubeta, ang kanyang blog, ang inis at panghihinayang na nararamdaman niya sa mga sandaling tina-type niya ito. Hindi rin siya humihingi ng awa. Hindi rin siya nanghihingi ng limos na atensyon. Ang nais lang niya ay mag-blog at maglabas ng mga bagay na gusto niyang ilabas at ilantad sa malawak na mundong ito ng internet. Sa ngayon, walang ekspresyon ang kanyang mukha. Ngunit ang kanyang puso ay nawawala sa ngayon. Pati na rin ang kanyang utak.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009
- December 2008


