Ang Pagguhit ng Buhay
Monday, January 5, 2009Sa pagguhit ng mga portraits, hindi mabilisan ang pagguhit ng mukha ng isang tao. Hindi lahat madalian. Kelangan, dahan-dahan at sigurado. Kelangan, kamukha ng iginuguhit mo sa puting papel ang taong iyong modelo.
Kapag nagmadali ka, marami kang malalaktawan na detalye. Mag-iiba ang hugis ng mga mata. Papaleng ang kurba ng ilong. Ngingiwi ang nakangiting labi. Lulubog ang magagandang pisngi. Tatanda ang mukha ng isang bata. Kakapal ang kilay na manipis. Sa madaling salita, papangit. Hindi magiging kahawig ng iyong iginuguhit ang modelo nasa larawang iyong pinaggagayahan.
Matagal ang paggawa pero sulit. Kelangan lang ng tiyaga. Kelangan lang ng pasensya. Kelangan lang ng konsentrasyon. Kelangan mo lang malaman ang mga tamang anggulo bago mo ilapat ang itim na dulo ng iyong lapis saka simulan ang paggaya sa kurba ng mukha. Marahan pero sigurado.
Mahirap din kung pinipilit mo ang iyong sarili na gumuhit. Kelangan, gusto mo lalo ng iyong puso ang iyong ginagawa nang sa gayon, maganda ang kalalabasan ng iyong iguguhit. Tignan mong mabuti ang lahat ng detalye na makikita mo. Ang mga linya sa mukha, ang kurba ng ilong, ang mga pilikmata, ang kapal o nipis ng labi, ang daloy ng buhok, ang hugis ng mga mata, ang lalim ng mga tingin nito, ang guhit ng kilay, ang kabuuan ng buong mukha.
Hindi ka pa bihasa kaya dapat mong dahan-dahanin. Pagkatapos mong iguhit ang mukha, huwag mo agad sundan ng mga shadows. Iwan mo muna iyan sa isang tabi at ikaw ay magpahinga. Balikan mo kinabukasan.
Paggising mo, tignan mo ulit ang iyong ginawa. Hala, tapos na kagad, may kulay pa! Joke.
Paggising mo, tignan mo ulit ang iyong ginawa. Makikita mo ang mga kamalian mo. Ang mga lihis sa iyong guhit. Ang mga pagkakaiba ng nasa papel doon sa mukhang nasa larawan. Saka mo baguhin ang mga mali na ito.
Kitams, hindi mo kelangan magmadali.
Ang pinakamahalaga sa lahat habang ikaw ay gumuguhit, nasisiyahan ka sa iyong ginagawa. Sinusunod mo ang idinidikta ng iyong puso. Iyon ang pinakamahalaga.
Previous Comments
opo
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009
- December 2008



haluuu??? aba marunong ka plang gumuhit?
Posted by repah at January 6, 2009, 9:08 am