kwan. ano. yon. yeh!

Unang Araw ng Pasukan Para Sa Pinakahuling Semester

Friday, January 16, 2009

January 15, 2009

Siguro, kasama ko sina Roselle at Joan ng mga bandang pasado ala-una kung hindi ako umalis kaagad. Ewan ko ba pero parang gusto ko nang bumalik kaagad. Bukod sa dahilan na magsusulat ako, nagbabakasali ako na makita si Hazel. Hanggang sa mga oras kasi na iyon, hindi ko pa siya nakikita.

Unang beses kong makakain sa Mang Inasal na madalas kong dinaraanan at ‘di binibigyang pansin tuwing umuuwi ako. Masrap ang manok nila. Unlimited rice pa. Nang hihingi na ako ng rice sa taong naglilibot at namamahagi ng kanin, nalaman ko na ‘di pala pwede sa akin dahil Sulit Meal lang ang order ko. Kung gusto ko mag-extra rice, magbayad daw ako sa cashier ng P10. Ang Paborito Meal lang kasi ang may unlimited rice. Pero nang pabalik na siya, pinagbigyan niya ako. Bigla na lang siyang naglagay ng isang cup ng kanin sa pinggan ko. Nagulat ako, at sina Roselle at si Edu at si Joan. Sumenyas si kuya na huwag maingay. Bawal kasi iyon. Siguro naawa siya nang makita niya ang kaawa-awa kong reaksyon ng sinabihan niya akong sa cashier na lang ako humingi ng extra rice. Pero Yey! pa rin. Salamat kuya kung sino ka man! Mabuhay ka! Hwoohoo!

Sa EMATSCI, Engineering Material Science, sa tingin ko, magiging masigla naman ang bawat klase dahil marunong magbiro ang prof namin na si Sir Edwin C.    Obra. Asteg ang pangalan, pwedeng Edwin Cobra. Pero hindi dapat, hehe. Kaya nga malayo ang Obra sa C. oh, hehe. Ang gusto ng prof namin, demokratiko sa loob ng klase. Kaya sa tingin ko, magiging interesante ang magiging bawat klase. Sa tingin ko rin, hindi siya terror. May tanong si ser kanina, tama ba ‘yung “Engineering Material Science”? Hmm, para sa ‘kin, hindi e. Sabi ni ser, tandaan daw namin na ang Material Science at Material Engineering(?) ay magkaiba.

Nagulat naman ako dahil si Ma’am Herrera pa rin pala ang prof namin sa STREMAT, Strength of Materials. Hay, paniguradong duguan na naman ‘to. Grabe si Ma’am, may lecture kaagad. Hwoo, hindi nagpaawat. Pero maaga naman kami dinismiss. Hay…Nakakagutom dahil tanghali ang oras ng klase namin sa kanya. Puro computation pa naman ‘yun.

Nagustuhan ni Joff, siya ang pangulo ng org namin na CPEO, ‘yung ginawa kong design ng website. Yey!

Hay, kaunti na lang ang mga inipon kong makikintab na barya. Nag-iipon kasi ako n’un. Maganda kasing tignan at nakakaramdam ako ng panghihinayang na gastusin ang mga ‘yon. Mga abot na siguro ng lagpas limang-daan o anim-na-raan ang mga barya kong iyon. Halo-halo ang mga ito mula sa piso hanggang sa sampung piso. Saan ko ginamit ang mga barya? Sa pagrerenta ng kompyuter sa computer shop. Wala kasi akong pera noong bakasyon at ito na lang ang magagamit ko para makapag-internet ako. Hay. Iniisip ko na lang na ang pera, nilikha ng tao para gamitin, hindi para itago. Tama!

Natapos ko na rin sa wakas ang The Elephant Vanishes ni Haruki Murakami. Grabe, sobrang asteg at kyut ng kwento ng The Elephant Vanishes. Kaya pala nasa dulo ‘to ng aklat. Kakaiba ang impact ng istorya. Warm-hearting ang istorya. (Teka, warm-hearting ba o heart-warming?). Tapos ko na rin ang ikalawang aklat na binili ko. Setyembre 26 ko pa nang binili iyon at simulang basahin. Pero ngayon ko pa lang siya natapos. Palibhasa, paputol-putol ako sa pagbabasa. Pero sulit naman dahil kung saka-sakaling natapos ko ito ng maaga, marahil, kulang ang pambili ko ng mga souvenirs at pasalubong mula sa Baguio. Ngayon, may balak na akong bilhin na ikatlong aklat. Iyon ay ang ikalawang libro ni Bob Ong. Kokolektahin ko ang mga ‘yun. Hehe. Kapag bibili naman ako ng isa pang aklat ni Murakami, ang bibilhin ko ay ang Norwegian Wood. Mukhang maganda ang istorya e. Sa overview pa lang ng istorya, nakakasabik na.

Medyo pakiramdam ko e terror ang prof namin sa ENGECON, Engineering Economics. May speaker at mic siya na sinasabit sa may tenga para siguradong dinig mo ang boses niya kahit nasa likod ka. Noong una nga, akala ko bading siya. Hindi pala. Hehe. Ipinagyabang o ipinagmalaki pa niya na ang napangasawa niya ay pang-25(?) na niyang gf. Hwoo! Asteg. Ako, ano, wag na lang. Ang ’sandaling’ nagustuhan ko lang habang nasa loob siya ng room namin ay nang nagtanong siya tungkol sa simbolo ng Valentines. Para raw kasing mali ang Cupid at puso bilang simbolo ng Valentines dahil wala namang nararamdamang emosyon ang puso kundi pagpa-pump lang ng dugo ang trabaho nito. Nasa utak ang lahat ng emosyon ng tao. Kaya dapat daw, utak ang simbolo ng Valentines. Asteg. Dahil diyan, naalala ko ‘yung isang hirit sa Kiko Machine Komix. Ganyan na ganyan din ang sinabi ng isang karakter d’on. Haha.

Pero tama naman si Ser e na ang utak ang may responsable sa lahat ng emosyon ng tao. Nagtaas ako ng kamay. Tinawag ako. Ang sagot ko, kaya siguro puso ang naging simbolo ng Valentines Day dahil ito ang nagre-react sa bawat emosyon na nararamdaman ng isang tao. Ang dulot nito ay ang chemical subtance na inilalabas ng utak tuwing nakakaramdam siya ng pag-ibig, takot, o galit o anupang emosyon. Pero ang sagwa naman tignan kung utak ang simbolo ng Valentines Day. Isipin mo, ang makikita mo sa mga poster, mga balloon, at mga card ay ang utak ng tao. Medyo itsura pang isaw ang utak. Iigh!

Sa huling subject ko, si Ma’am Ghie ang prof namin. Naging prof ko na rin siya sa ARTAPRE. Isa siya sa mga prof na napakabait na  nakilala ko. Sobrang dali mo siyang malalapitan tungkol sa mga problema mo sa buhay.

Hay, medyo malungkot ang pagtatapos ng unang araw ko dahil hindi ko man lang nakita si Hazel.

*sigh*

Posted by andoyman at 4:55 pm | permalink | Add comment