Bye-Bye Na Muna
Tuesday, January 20, 2009:D
Bye-bye na muna…sa ngayon.
Hindi na muna ako magba-blog. Hindi na muna ako magsusulat dito. Hindi na muna ako magkukwento. Hindi na muna ako magpapakita sa inyo. Hindi na muna ako magtitipa ng keyboard para rito. Hindi na muna ako mag-iisip ng bago kong ipo-post.
Ibubulsa ko na muna ang blog na ito…sa ngayon.
Sa totoo lang, marami akong iniisip ngayon bukod sa akademiks. At lagi, sa bawat pag-iisip ko, kasama ang blog ko. Parang asawa na nga para sa akin ang blog na ‘to. Karugtong na ng buhay ko. Kadikit ng mga pangarap ko. Kubeta ng mga reklamo ko. Pero sa ngayon, kailangan ko muna itong ibulsa.
May mga bagay kasi akong gusto ko munang tuparin ngayong huling sem ko sa kolehiyo. Sobrang halaga ng mga ito sa akin. Isang hakbang ‘to para makita ko ang mga pangarap ko.
Gusto ko ring paghusayan pa ang bago kong diskubre sa sarili ko, ang pagsusulat. Gusto kong magsulat at maghatid sa inyo ng mga magagandang kwento at mga post. Gusto kong seryosohin ang pagsusulat katulad ng pagseryoso ko sa pagguguhit. Pero sa tingin ko, bigla akong sumabak sa mundong ito ng hindi man lang handa para pangatawanan ito. Kumbaga sa sanggol, walong buwan pa lang, lumabas na ako. Kailangan ko tuloy ngayon ng incubator.
Katulad ng nasabi ko na, may mga bagay muna akong gustong tuparin. Tatlong malalaking bagay, para sa akin, ang gusto ko munang mangyari. Kung isasama ko pa ang pagba-blog sa mga iniisip ko, maapektuhan ang mga ito. Hindi na magiging balanse ang lahat. Hindi lang naman ito ang ibubulsa ko, mayroon pang iba.
Sa tatlong malalaking bagay na ito, gusto kong may mapatunayan sa sarili ko. Kung hindi ko magagawa ang mga ito, pagsisisihan ko ‘to ng mahabang panahon. Ayokong makadama ng panghihinayang sa pagkakataong ito.
Kaya ikaw na matiyagang bumibisita sa blog ko ng paminsan-minsan…
Kaya ikaw na matiyagang nagbabasa ng mga post kong nakakaantok…
Kaya ikaw na nagbabasa’t aalis na lang ng hindi nagkokomento…
Kaya ikaw na mabait na nagko-comment…
Kaya ikaw na napadaan lang…
Kaya ikaw na nag-a-ALT-F4 kaagad pagkadating sa blog ko…
Kaya ikaw na hindi na tinatapos basahin ang mga post ko…
Kaya ikaw na nagagandahan sa blog ko…
Kaya ikaw na napapangitan sa blog ko…
Kaya ikaw na hindi ako kilala…
Kaya ikaw na kakilala ko…
Maraming Salamat.
Tapos na ang Season 1.
Abangan mo na lang ang Season 2.
Magpo-post pa rin ako rito tungkol sa tatlong malalaking bagay na iyon kapag nagawa ko na.
Kita-kits ulit!
(Inirerekomenda ko na bisitahin mo rin ang mga site na nandoon nakalista sa ilalim ng “Mga Lugar na Nilalakwatsahan” sa kanang sidebar.)
:D
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- March 2012
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009


