kwan. ano. yon. yeh!

Labor Day

Friday, May 1, 2009

Labor Day ngayon at inaasahan ko ang mga rally na naman. Sobrang lapit na rin pala ang laban ni Pacquiao at ni Hatton. Sayang, hindi ko masusubukan iyong raket na sinabi sa akin ng kaklase ko. Sayang talaga. Nang kinausap pala si Pacquiao sa CNN, napanood ko sa TV Patrol, tinanong si Pacquiao kung tatakbo siya sa darating na eleksyon.

“Yes, definitely.”

Iyan ang isinagot ni Manny. Nakow. Tama na ang maging inspirasyon siya ng bawat Pilipino pero huwag na sana siyang pumasok sa pulitika dahil madudungisan lang ang pangalan niya at iyan ang sa tingin ko ang ayaw ng karamihang Pinoy: ang madungisan ang tinatagurian nilang bayani. Sa totoo lang, kahit noong una pa lang, ayaw ko na rin siyang sumabak sa pulitika dahil mas maayos na ang kinauupuan niya. Pero iyon talaga ang gusto niya e. Bahala siya. Napapaisip na nga rin talaga ako kung lumalaban ba talaga siya para sa bayan o para sa pera?

Eto pa, walang hiyang mga mambabatas ‘yan. A-absent ang mahigit limampung(50) kongresman para lang manood at magpakita RAW ng suporta kay Pacquiao. Sarili naman nilang pera ang gagamitin e, kaya walang pakialamanan. Pero, heLLO. Kung gusto nilang suportahan si Pacquiao, suportahan nila ang madlang Pilipino. Kung gusto nilang magpapogi, gumawa muna sila ng mabuti. Anak ng…bagay na bagay sa kanila ang bagong kanta ng Kamikaze e. Title ng kanta, “Wala”. Eto, konting lyrics:

Wala naman kaming napala,
Wala! Wala! Wala! Wala!
Meron pa bang naniniwala?
Wala! Wala! Wala! Wala!
Wala ka naman kasing nagawa.
Wala! Wala! Wala! Wala!
Wala na sayong naniniwala!

Kung hindi nga naman talaga tangengoks ang mga kongresman na ‘yan. Nakapag-aral nga sila, daig pa ang mga bobo sa pag-iisip. Mukhang ang ipupunta lang nila roon e pumusta kay Pacquiao para kung sakaling manalo, magkakakwarta nga naman sila. Pandagdag sa mga kinurakot nila. At pampamasahe pabalik ng Pinas. Hayup din ano? Isang kanta nga ng “Trapo” ni Yano diyan. Teka, baka pala dumami ang carrier ng swine flu kapagka nahawaan sila(katok katok). Kapagka gano’n, itapon sila sa dagat para walang mahawa! Hehe.

Kung hindi ako nagkakamali, ngayong araw ilalabas sa mga bookstore ang ika-pitong aklat ni Bob Ong na may pamagat na, “Kapitan Sino”. Sayang, wala pa akong pera sa ngayon kaya hindi pa ako makakabili. Andami ko pang gustong bilhin at basahin na aklat, wala nga lang pondo. ‘Di bale, magkakapera rin ako. Pero teka, kababasa ko lang din sa post sa bobongpinoy. Sabi ni Sir Bob, made-delay pa raw ang pag-ri-release. Ooh…

Posted by andoyman at 10:44 am | permalink | Add comment

Mula kay Bob Ong

Kasali ako sa bobongpinoy group at nabasa ko ang post na ito ni Sir Bob Ong,

Para po sa kaalaman ng lahat:

Ang mga (love) quotes na umiikot sa mga text message ay hindi galing kay Bob
Ong, liban na nga lang kung nabasa nyo ito mismo sa mga libro nya. Ganon din po
ang isang Email (love advice) na isinulat ni Juan Ekis at ipinapaikot ng iba na
galing daw kay Bob Ong.

Pakitama o pakipasa na lang po ito sa mga kakilala nyong biktima ng maling
balita. Kaakibat ng kalayaan natin sa paggamit ng teknolohiya ay ang
responsibilidad ng pagpapasa lamang ng mga tamang impormasyon.

Magandang New Year’s resolution ito kahit hindi New Year: Bago i-forward ang
text o Email, balikan nyo muna ang nagpadala sa inyo at siguraduhing tama ang
impormasyong natanggap at hindi lasing ang nagpadala.

Salamat po. Humayo kayo at magparami.

-BO 

Galing mismo po ‘yan kay Bob Ong. Sana ay maging mas responsable po tayo sa pagpapasa ng mga mensahe sa email o sa text dahil hindi natin alam ang magiging epekto nito sa iba.

Posted by andoyman at 10:40 am | permalink | comments[3]

PvsH

 

Source: http://ryanericsongcanlas.wordpress.com/2009/03/25/manny-pacquiao-vs-ricky-hatton/

Posted by andoyman at 10:39 am | permalink | View this entry

Tanong lang

1. Sino ang mananalo, Pacquiao o Hatton?
2. Payag ka bang magka-Presidente Manny Pacquiao ang Pinas?

Posted by andoyman at 10:30 am | permalink | View this entry

Kowts

“Mas matalino na ako ngayon kesa noon.”

-Manny Pacquiao

Posted by andoyman at 10:25 am | permalink | Add comment