PACMAN!!!
Monday, May 4, 2009O yey beybeh! Panalo ulit tayo! Panalo ulit ang lahing Pilipino! Yehey! Muling ipinakita ni Pacquiao ang tibay at lakas ng Pinoy sa buong mundo! Talagang siya ang “Pound-for-pound King”! Napakahusay din ng ipinakita ni Ricky “Hitman” Hatton. Iyon nga lang, sadyang napakalakas talaga ng suntok ni Pacman.
Bandang alas-dose ng tanghali, habang nakikinig kami ng misa sa Quiapo Church. Nagkaroon muna ng isang panalangin para sa pagpatnubay ng Panginoon sa kinahaharap ng buong mundo na H1N1 virus. Maya-maya, ilang minuto lang ang lumipas pagkatapos ng panalangin, nagsabi ang pari na napakatibay tila ng ating mga panalangin at panalo si Pacquiao sa Round 2. Ayun, alam na namin ang resulta. Pagkalabas ng simbahan, tinignan ko ang cellphone ko at may nag-text na nga sa akin na panalo nga si Pacquiao. Si tatay ko na lang ang hindi nakakaalam.
Habang pauwi kami, may mga nanonood ng laban sa telebisyon at may mga nagsasabi rin sa mga nanonood na dalawang round lang ang kalaban. Ako naman, kapag may nadadaanan na kumpulan ng tao, medyo sinisigaw ko na panalo na si Pacquiao. Hehe.
Pagdating sa bahay, sinabi ko na kay tatay ang nasagap kong balita at sabi niya, nakakawalang gana naman na daw. Hihi. At dahil ugali talaga ng mga sakim ang kumita ng pera, inorasan ko ang tagal ng pagpapalabas ng laban at patalastas.
Eto ang mga naitala kong oras mula sa pagkatapos kumanta ni Martin Nievera ng Lupang Hinirang hanggang matapos ang first round.
2:52 | 6:35 | 2:49 | 7:06 | 3:27 | 7:07 | 4:33
Grabe, doble pa ang haba ng patalastas sa palabas ng laban. Pagkakanta ng Lupang Hinirang, patalastas ka’gad. Tapos, maghihintay ka ng walang hanggan hanggang matapos ang mga commercial. Tsk. ‘Di ba, may batas tungkol dito? Sandali lang, may link ako tungkol sa isyung ito.
Pero grabe talaga ang lakas ni Pacquiao. Biruin mo ‘yon, tatlong beses niyang pinadapa ang Hitman ng Britanya. At talagang tulog na tulog si Hatton nang tumama ang kaliwang kamao ni Pacman noong mga huling segundo ng ikalang round. Ba’t ‘di man lang niya pinatagal ang laban. Maigsi e, nakakabitin. Kaya habang tinitipa ko ang post kong ito, pinapanood ng tatay ko ang replay ng laban. Hehe. Gayunpaman,
Congratulations Manny “Pacman” Pacquiao!
(Hmm. Maengganyo kayang bumalik sa pagbo-boksing si Mayweather, Jr.? Kung magkagayon nga, hehe, isa na namang nakakasabik na aksyon ang aabangan ng buong mundo.)
Mabuhay ka Pacquiao! Mabuhay ang lahing Pinoy!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- March 2012
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009


