kwan. ano. yon. yeh!

Excited

Wednesday, May 6, 2009

Excited na ako sa May 16. Graduation day ko kasi ‘yon e. Yey! Sa wakas, tapos na rin ako sa pag-aaral. Kahapon, sinukatan kami para sa toga at nagkaro’n ng miting para sa mga graduates tungkol sa mga guidelines sa graduation at mga iskedyul ng rehearsals, picture session, etc.  

Excited na ako. Masarap sa pakiramdam ‘yong  magtatapos ka na, ‘yong tapos ka na sa mga exams, assigments, projects, at mga terror na prof. Masarap sa pakiramdam. Kaso, hindi ko ‘lam kung bakit malungkot ako noong miting. Excited at masaya naman ako dahil ga-graduate na nga ako pero hindi ko ‘lam kung bakit malungkot ako. Hindi ko ‘lam kung anong eksaktong dahilan ng kalungkutan ko. Normal lang ba talaga ang pakiramdam na gano’n kapag ga-graduate na? Noong nagtapos naman ako no’ng hayskul, hindi naman ako nalungkot ng ganito e.

Ewan. Ang weird.

Posted by andoyman at 11:09 am | permalink | Add comment

Paano kung malaman mong…

Isang Igorot chief pala ang kauna-unahang Pinoy na nakalipad bilang isang pasahero sa isang biplane. Ito ay noong Pebrero 12, 1912. Ang pangalan ng Igorot chief ay Gagaban at isang Amerikanong nagngangalang Lee Hammond ang piloto ng Red Devil biplane. Isang maikling lipad lang naman ang ginawa nila sa may Luneta.

Posted by andoyman at 11:03 am | permalink | Add comment

Group Pic

Isa ito sa mga group pic namin noong 3rd year kami.

 

Posted by andoyman at 10:59 am | permalink | Add comment

Tanong lang

Dapat ba talagang pagtalunan kung tama o mali ang gawi ng pagkakanta ni Martin Nievera sa “Lupang Hinirang”?

Posted by andoyman at 10:58 am | permalink | Add comment

Kowts

“You are not what you seem to be in moments of sadness. You are better than that.”

-Paulo Coelho

Posted by andoyman at 10:55 am | permalink | Add comment