kwan. ano. yon. yeh!

Excited

Wednesday, May 6, 2009

Excited na ako sa May 16. Graduation day ko kasi ‘yon e. Yey! Sa wakas, tapos na rin ako sa pag-aaral. Kahapon, sinukatan kami para sa toga at nagkaro’n ng miting para sa mga graduates tungkol sa mga guidelines sa graduation at mga iskedyul ng rehearsals, picture session, etc.  

Excited na ako. Masarap sa pakiramdam ‘yong  magtatapos ka na, ‘yong tapos ka na sa mga exams, assigments, projects, at mga terror na prof. Masarap sa pakiramdam. Kaso, hindi ko ‘lam kung bakit malungkot ako noong miting. Excited at masaya naman ako dahil ga-graduate na nga ako pero hindi ko ‘lam kung bakit malungkot ako. Hindi ko ‘lam kung anong eksaktong dahilan ng kalungkutan ko. Normal lang ba talaga ang pakiramdam na gano’n kapag ga-graduate na? Noong nagtapos naman ako no’ng hayskul, hindi naman ako nalungkot ng ganito e.

Ewan. Ang weird.

Posted by andoyman at 11:09 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment