kwan. ano. yon. yeh!

Venus

Friday, May 8, 2009

May sipon ako ngayon at masakit ang ulo ko. *singhot*

Nawawala ang aso naming si Venus. Sa totoo lang, hindi naman sa amin ang aso kundi sa intsik. Pinaalaga lang sa pamilyado ko ng pinsan para may magbabantay rito sa amin dahil matagal na ngang walang sikyo rito sa amin. Noong Martes, wala man lang nakapansin na nawawala na pala ang aso. Kung hindi pa tinanong ng tatay ko ang pinsan ko, hindi pa ‘yon tutubuan ng konting pakialam.

Hanggang ngayon, nawawala pa rin ang asong si Venus. May breed ‘ata ang aso na iyon, hindi ko nga lang alam kung ano. Itim ang kulay ng babaeng aso na iyon at takot pa sa tao. Kapag may nakita itong tao, natatakot siya at tatakbo palayo. Kaya naaasar ako roon dahil tuwing makikita niya ako, lalo na kapag kakauwi ko lang, ang aso lang na iyon ang tatahol saka tatakbo palayo na para bang may gagawin akong masama sa kanya. Tatlo ang aso rito sa amin. Isa roon, sa amin. Pero kahit naaasar ako sa aso na ‘yon, may pakialam pa rin ako sa kalagayan niya, siyemps.

Nakakalungkot at nakakaawang isipin na ganitong panahon na ulan ng ulan, saka pa siya nawawala. Inaalala namin ng magkapatid ko kung ano na kaya ang kondisyon niya at kung paano siya kakain at saan siya sisilong at paano na siya sa malamig na panahon. Lalo naman ang kapatid ko kung mag-alala siya kay Venus. Madalas niyang isipin ngayon kung kumusta na kaya ang kalagayan ni Venus. Hay…

Pinuntahan na ng tatay ko ang City Pound baka sakaling nahuli nila ‘yong si Venus pero wala rin doon. Nasaan na kaya ang aso na ‘yon? Sana makabalik na ‘yon dito.

Sana buhay at makita pa namin siya. :(

Posted by andoyman at 9:41 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment