Grad Pic
Thursday, May 14, 2009Nakaka-excite isipin ang graduation. Ilang tulog na lang, graduation na. Ilang araw na lang, hindi na ako estudyante kundi unemployed na ‘ko. Asteg. Sakto ang dating ko noong Martes dahil naabutan ko ang mga kaklase ko. ‘Yoko kasi na magpa-picture na hindi ko kakilala ang mga kasabayan ko.
Puro kulitan at asaran lang kami. At dahil konti lang naman kaming nandoon, natutukan talaga kami at nakain namin ang oras nila dahil puro kami tawanan at asaran at kulitan na ginagatungan pa ng kumukuha ng picture. Akala ko nga e hindi pa ako makakapagpa-picture dahil kailangan pala magbabayayad na bago kunan. Kaya napilitan na lang akong mag-deposit ng P100. Kwarenta na lang ang natira sa ‘kin, extra ko ‘yon galing noong isang isang isang isang araw pa. Kung sakaling hindi ko pala dinala ang kwarenta na ‘yon, hindi ako makakauwi.
Kanya-kanya kaming pose kapag whacky na. Nahirapan ako sa pag-pose sa pormal at may toga kasi kailangan tama ang anggulo ng ulo, balikat at katawan mo para maging maganda ang kalalabasan ng litrato. Mineykapan pa kami bago kunan. Unang beses ko ‘atang ma-make-up-an ng ganon katagal. Andaming pahid at andaming inilalagay sa mukha. Nakakangawit pala kapag mimeykapan ka.
Pero asteg dahil sulit talaga ang ngawit sa make-up portion dahil magiging pogi naman ang kalalabasan ng litrato mo. O ha? Asteg talaga.
Pinakanakakatawa ‘yong pinakahuling kinunan sa ‘min dahil pinagbigyan niya kami na magpakuha siya na magmumukha siyang bakla. Hwahahaha! Hindi naman talaga siya bakla e, inaasar lang talaga namin siya pero ‘lam ko talaga straight ‘yon. Pero ewan. Hwahahahah!
Tapos kahapon naman, class picture naman habang suot namin ang toga. Grabe, ka-excite na talaga. Nakailang shot kami dahil sa kakulitan namin. Hehe. Nakarami kami ng kuha kesa sa iba. Pero dapat nga gano’n e dahil ang mahal ng binayad namin, kumbaga, sinusulit lang. Hehe.
Excited na talaga ako sa Sabado! May komikon ng araw na iyon. Book launch rin ng ika-pitong aklat ni Bob Ong. Pero hindi ko mapupuntahan parehas ang dalawang ‘yan dahil Graduation Day ko ‘yon. Sa susunod na lang, mas mahalaga ‘to e. Hehe.
Ideal Girl
Siya ang una kong napansin noong Martes ng pumasok ako sa EDO Office para sa photo session. At kahapon, nalaman ko na rin ang pangalan niya.
Ang tulad niya ang tipo kong babae. At alam kong hindi lang naman ako ang nakapansin sa kanya. Napakaganda naman niya talaga kasi e.
Ang unang napansin ko sa kanya e ang kanyang buhok. Nakatalikod kasi siya noon e nang pumasok ako. Sumunod ang kanyang mata at labi at ilong. Sabay-sabay ang tatlo na ‘yon. Kumbaga, siya ang “ideal girl” ko. Siya ang “ideal girl” ko na sa panaginip ko lang in-imagine. Siya ang “ideal girl” ko na lagi kong dini-day-dream. Noong makita ko siya, sabi ko, napakaganda niya. Pero higit ko talagang nagustuhan ay ang kanyang mga mata. Sa mata ako madalas maakit. At ang mga mata niya, nakow, sinasabi ko sa ‘yo, bingwit na bingwit niya ang puso ko.
Kaya kahapon, dahil may pinapagawa ang kaklase ko sa isa ko pang kaklase bilang kabayaran sa pagbigay sa kanya ng isa pang gate pass, pinapakuha niya ang number ng babae. Hindi pa agad kumikilos ang agent na inutusan niya kaya sumilip ako para tignan kung ano ang mangyayari. Pero biglang nangati ang sarili ko kaya bigla akong nagdesisyon na samahan ko siya. Maya-maya nang may mahanap na siyang tamang tiyempo, tinanong na niya kung may kakilala ba siyang ___ at kung pwedeng makuha ang contact number niya. Pero hindi pwede kaya wala na siyang nagawa. At ako naman, bigla akong nagtanong nang ganito:
Ako: Aah…Ano’ng pangalan mo?
Siya: E…Ella.
Ako: Aah. (Sinabi ko ang pangalan ko at nakipagkamay sa kanya.)
Ayun, siyempre tuwang-tuwang-tuwang-tuwa si Andoy. Makamayan ba naman ang kanyang “ideal girl” e, nakow, sobrang natuwa talaga si Andoy.
Nagulat nga ako mismo sa sarili ko dahil nagawa ko ‘yon. Hindi ako natorpe. Ni hindi ko nga naramdaman man lang ang kaba. Asteg. Ibang klase talaga ang nagaganap kapag biglaan lang. Ako yata ang unang nakaalam ng pangalan niya sa ‘ming lahat. Hwahay!!!
Kinuwento ko ang ginawa ko do’n sa dalawang nasa bench pero balewala lang sa kanila dahil pangalan lang naman daw(kasama do’n ang nag-utos). Pero katwiran ko naman, kung gusto mong makilala ang isang tao, pangalan lagi ang una. At ‘lam kong hindi simple ang ginawa kong ‘yon dahil hindi nga nila nagawa ang ginawa ko e. Hehe. Bago ako umalis ng iskul, tinawag ko siya tapos nagba-bye ako. Nagba-bye rin siya. Ahahahahahay! Kinikilig na naman si Andoyman. Hehe.
Alam mo ba na kahapon ng umaga pagkatapos kong kunin ang toga ko sa kanila, nakita ko siya. Nang lumabas ako ng rum, humingi ako ng sign kung makikilala ko ba siya. At sa tingin ko, iyon na nga ang sign na hiningi ko. Ansaya!
Uy, hihingi lang ako ng konting suporta sa ‘yo. Pandagdag lakas-loob lang para makausap ko siya on or before Graduation day.
Hihi, wish me luck!
(At ano na nga palang nangyari sa ‘min ni Hazel? Hindi ko na itinuloy pa ang panliligaw ko dahil ramdam na ramdam ko ang hindi pagkakatugma ng lahat ng bagay. Hindi ko na itinuloy ang panliligaw ko tulad ng hindi ko pagtapos ng portrait niya.)
Sabi nila.
Ito ang mga sinabi nila tungkol sa akin. Isa ‘tong activity sa recollection namin kahapon. Hehe. Isusulat mo ang alam mo tungkol sa taong nakasulat sa papel. Kung anu-ano ang pinagsusulat namin sa isa’t isa. Haha. Eto ang sa akin:

Ito naman ang mga nakasulat: corny!, corny(minsan oversensitive), corny!!, corny!, corny ulit…haha, korean addict, bob ong!
, mahilig magdrama, emo, emotional sobra!!, mahilig mag-senti, pasaway, simpleng pasaway, emo, astigin ka dong!!, baet…:D, magaling magdraw, artistic
.
Comment ko: Hwahahaha! Asteg! Pero grabe naman, andaming salitang “corny”. Hwahahaha! Positive ba ‘yon o negative? Hwahehehe. Pero maraming salamat sa mga nagsulat!
Paano kung malaman mong…
Calle Colon ang pinakamatandang kalye sa Pilipinas na itinatag ng mga tauhan ni Miguel Lopez de Legaspi noong 1565 sa Cebu. Ipinangalan ito sa explorer na si Christopher Columbus.
Kowts
“Did my heart love till now? Forswear it, sight! For I ne’er saw true beauty till this night.”
-Romeo, Romeo and Juliet
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009
- December 2008


