kwan. ano. yon. yeh!

Grad Pic

Thursday, May 14, 2009

Nakaka-excite isipin ang graduation. Ilang tulog na lang, graduation na. Ilang araw na lang, hindi na ako estudyante kundi unemployed na ‘ko. Asteg. Sakto ang dating ko noong Martes dahil naabutan ko ang mga kaklase ko. ‘Yoko kasi na magpa-picture na hindi ko kakilala ang mga kasabayan ko.

Puro kulitan at asaran lang kami. At dahil konti lang naman kaming nandoon, natutukan talaga kami at nakain namin ang oras nila dahil puro kami tawanan at asaran at kulitan na ginagatungan pa ng kumukuha ng picture. Akala ko nga e hindi pa ako makakapagpa-picture dahil kailangan pala magbabayayad na bago kunan. Kaya napilitan na lang akong mag-deposit ng P100. Kwarenta na lang ang natira sa ‘kin, extra ko ‘yon galing noong isang isang isang isang araw pa. Kung sakaling hindi ko pala dinala ang kwarenta na ‘yon, hindi ako makakauwi.

Kanya-kanya kaming pose kapag whacky na. Nahirapan ako sa pag-pose sa pormal at may toga kasi kailangan tama ang anggulo ng ulo, balikat at katawan mo para maging maganda ang kalalabasan ng litrato. Mineykapan pa kami bago kunan. Unang beses ko ‘atang ma-make-up-an ng ganon katagal. Andaming pahid at andaming inilalagay sa mukha. Nakakangawit pala kapag mimeykapan ka.

Pero asteg dahil sulit talaga ang ngawit sa make-up portion dahil magiging pogi naman ang kalalabasan ng litrato mo. O ha? Asteg talaga.

Pinakanakakatawa ‘yong pinakahuling kinunan sa ‘min dahil pinagbigyan niya kami na magpakuha siya na magmumukha siyang bakla. Hwahahaha! Hindi naman talaga siya bakla e, inaasar lang talaga namin siya pero ‘lam ko talaga straight ‘yon. Pero ewan. Hwahahahah!

Tapos kahapon naman, class picture naman habang suot namin ang toga. Grabe, ka-excite na talaga.  Nakailang shot kami dahil sa kakulitan namin. Hehe. Nakarami kami ng kuha kesa sa iba. Pero dapat nga gano’n e dahil ang mahal ng binayad namin, kumbaga, sinusulit lang. Hehe.

Excited na talaga ako sa Sabado! May komikon ng araw na iyon. Book launch rin ng ika-pitong aklat ni Bob Ong. Pero hindi ko mapupuntahan parehas ang dalawang ‘yan dahil Graduation Day ko ‘yon. Sa susunod na lang, mas mahalaga ‘to e. Hehe.

Posted by andoyman at 9:51 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment