kwan. ano. yon. yeh!

Ideal Girl

Thursday, May 14, 2009

Siya ang una kong napansin noong Martes ng pumasok ako sa EDO Office para sa photo session. At kahapon, nalaman ko na rin ang pangalan niya.

Ang tulad niya ang tipo kong babae. At alam kong hindi lang naman ako ang nakapansin sa kanya. Napakaganda naman niya talaga kasi e.

Ang unang napansin ko sa kanya e ang kanyang buhok. Nakatalikod kasi siya noon e nang pumasok ako. Sumunod ang kanyang mata at labi at ilong. Sabay-sabay ang tatlo na ‘yon. Kumbaga, siya ang “ideal girl” ko. Siya ang “ideal girl” ko na sa panaginip ko lang in-imagine. Siya ang “ideal girl” ko na lagi kong dini-day-dream. Noong makita ko siya, sabi ko, napakaganda niya. Pero higit ko talagang nagustuhan ay ang kanyang mga mata. Sa mata ako madalas maakit. At ang mga mata niya, nakow, sinasabi ko sa ‘yo, bingwit na bingwit niya ang puso ko.

Kaya kahapon, dahil may pinapagawa ang kaklase ko sa isa ko pang kaklase bilang kabayaran sa pagbigay sa kanya ng isa pang gate pass, pinapakuha niya ang number ng babae. Hindi pa agad kumikilos ang agent na inutusan niya kaya sumilip ako para tignan kung ano ang mangyayari. Pero biglang nangati ang sarili ko kaya bigla akong nagdesisyon na samahan ko siya. Maya-maya nang may mahanap na siyang tamang tiyempo, tinanong na niya kung may kakilala ba siyang ___ at kung pwedeng makuha ang contact number niya. Pero hindi pwede kaya wala na siyang nagawa. At ako naman, bigla akong nagtanong nang ganito:

Ako: Aah…Ano’ng pangalan mo?
Siya: E…Ella.
Ako: Aah. (Sinabi ko ang pangalan ko at nakipagkamay sa kanya.)

Ayun, siyempre tuwang-tuwang-tuwang-tuwa si Andoy. Makamayan ba naman ang kanyang “ideal girl” e, nakow, sobrang natuwa talaga si Andoy.

Nagulat nga ako mismo sa sarili ko dahil nagawa ko ‘yon. Hindi ako natorpe. Ni hindi ko nga naramdaman man lang ang kaba. Asteg. Ibang klase talaga ang nagaganap kapag biglaan lang. Ako yata ang unang nakaalam ng pangalan niya sa ‘ming lahat. Hwahay!!!

Kinuwento ko ang ginawa ko do’n sa dalawang nasa bench pero balewala lang sa kanila dahil pangalan lang naman daw(kasama do’n ang nag-utos). Pero katwiran ko naman, kung gusto mong makilala ang isang tao, pangalan lagi ang una. At ‘lam kong hindi simple ang ginawa kong ‘yon dahil hindi nga nila nagawa ang ginawa ko e. Hehe. Bago ako umalis ng iskul, tinawag ko siya tapos nagba-bye ako. Nagba-bye rin siya. Ahahahahahay! Kinikilig na naman si Andoyman. Hehe.

Alam mo ba na kahapon ng umaga pagkatapos kong kunin ang toga ko sa kanila, nakita ko siya. Nang lumabas ako ng rum, humingi ako ng sign kung makikilala ko ba siya. At sa tingin ko, iyon na nga ang sign na hiningi ko. Ansaya!

Uy, hihingi lang ako ng konting suporta sa ‘yo. Pandagdag lakas-loob lang para makausap ko siya on or before Graduation day.

Hihi, wish me luck! :D

(At ano na nga palang nangyari sa ‘min ni Hazel? Hindi ko na itinuloy pa ang panliligaw ko dahil ramdam na ramdam ko ang hindi pagkakatugma ng lahat ng bagay. Hindi ko na itinuloy ang panliligaw ko tulad ng hindi ko pagtapos ng portrait niya.)

Posted by andoyman at 9:50 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment