kwan. ano. yon. yeh!

99 vs. 1

Friday, May 15, 2009

Ang artikulong ito ay tungkol sa isang bagay na nadiskubre ko nitong mga nagdaang araw lang. Ngunit sa tingin ko, maaaring alam mo na rin ang tungkol sa bagay na ito na madalas mong nararanasan, nararamdaman, nakikita, nahahawakan, naririnig, naaamoy, nalalasahan, iniisip, iniiyakan, tinatawanan at madalas ding hindi mo pinapansin. At matagal na rin itong nakadikit sa ‘yo at sa iba pa. Nandiyan na ito mula noong lumitaw ang mundo, ang mga planeta, ang buong kalawakan.

Singtanda nito ang buong kalawakan, ang mga planeta at ang mundo. Maaari ngang higit pa ang katandaan nito kaysa sa akala natin. Subalit nandiyan pa rin ito, kadikit ng lahat ng bagay, nakikita man o hindi, sa maniwala ka man o hindi. Hindi ito imposible. Posible dahil nangyayari na nga at matagal ng nangyayari.

Sa tingin mo, bakit mo binabasa ‘to ngayon? Bakit mo ginawa ang ginawa mo kanina? At bakit mo gagawin ang mga gagawin mo mam’ya? Sa palagay mo, bakit ganito ang lahat ng nangyayari sa mundo: giyera, sakit, kasakiman, kurakot, hirap, diskriminasyon, pagnanakaw, kababuyan, kabastusan, kawalan ng paggalang at respeto, kasinungalingan at iba pang hindi kaaya-ayang bagay? Alin na ba ang mas marami, ang magagandang bagay o ang mga pangit na bagay?

Madalas napapaisip ka, bakit ba ganito? Madalas, hindi natin maintindihan. Pero bakit ba hindi natin maintindihan? Dahil sabik tayo agad sa kasagutan. Nawawala, at madalas na niwawala, ang pang-uunawa.

Maraming nangyari sa akin bago ang araw na ito. Mula nang ipinanganak ako hanggang sa pagtatapos ko ngayon ng kolehiyo. Maraming masasamang bagay, maraming magagandang bagay. Singdami ng nangyari sa akin ang nangyari rin sa ‘yo at sa iba pang tao. Pero naintindihan ko ba ang lahat ng ‘to? Siguro, oo. Siguro, hindi. Dahil hindi rin naman lahat ng nangyari ay plano at gusto ko. Kusang nangyari ang mga nangyari.

Maniniwala ka ba sa akin na ang isang imperpektong mundo ay may isang bagay na perpekto?

Maaaring hindi ka naniniwala pero meron nga talaga. Peksman, meron talaga. Sa siyamnapu’t siyam na porsyento na imperpekto sa buong kalawakan, may isang  porsyento na sadyang perpekto. Isipin mo, imperpekto ang buong kalawakan pero sinasabi natin, lahat ng bagay ay imperpekto. Kung lahat ng bagay dito sa kalawakan ay imperpekto, e ‘di, hindi na imperpekto ang dapat itawag dito kundi perpekto na kasi “lahat” ang pagkakasabi natin. Kaya nga “imperpekto” dahil may isang bagay na hindi imperpekto. Imperpekto, tulad ng 99%. At kung gano’n nga, ano ang 1%? Iyon naman ang perpekto.

At ang perpektong bagay na tinutukoy ko ay ang lahat ng nangyayari sa akin, sa iyo, sa kanya, at sa lahat. Ang lahat ng nangyayari sa lahat ng nilalang sa buong mundo, sa lahat ng planeta, at sa buong kalawakan ay perpekto. Lahat ng nangyayari, sakto. Lahat ng nangyayari, nasa tamang panahon, nasa tamang lugar, nasa tamang tiyempo. Perpekto.

Kahit ang pagbabasa mo ng artik na ito, sakto lang. Kahit ang pag-iyak mo kanina, o ang pag-aaway ninyo ng isang taong malapit sa ‘yo, o ang balitang napanood mo, o ang pakikipagkwentuhan mo sa ‘yong kaklase, o ang pagkakawala mo ng ‘yong bolpen, o ang biglaang quiz, o ang pagkagutom mo, lahat ng iyon ay nasa tamang panahon lang, nasa tamang lugar, nasa tamang tiyempo. Isipin mo, kung hindi nangyari ang dapat mangyari, ano ka kaya ngayon? Ano kaya ang magiging epekto niyon sa mundo? Maaaring para sa ‘yo, hindi sakto ang kasalukuyang nangyayari dahil hindi naman iyon ang gusto mo. Pero ang hindi mo alam, may patutunguhan ang nangyaring iyon sa ‘yo. Hindi mo lang agad mauunawaan dahil isang perpektong bagay ang nangyari. At hindi agad lubos na mauunawaan ng isang imperpektong tulad natin ang isang bagay na perpekto.

Ngayon, mapapatanong ka, ano ang dahilan bakit nangyayari ang lahat ng ‘to sa ‘yo? Sa tingin ko, ang isang dahilan ay para magpatuloy ang ikot ng buhay mo. Hindi ako naniniwalang ang lahat ng negatibong nangyayari ay nandiyan para patigilin ang pag-inog ng buhay mo sanhi para sumuko ka, bagkus tumutulong pa nga ito para umikot ang buhay mo. Sabik ka lang kasi kaagad sa kasagutan sa isang bagay na hindi mo nauunawaan kaya gano’n pero natural lang ‘yon. Ang kailangan mo lang laging dalhin sa bulsa ng puso mo ay ang pasensya para sa paghihintay. Walang bagay sa mundo na hindi dinidiligan ng paghihintay. At walang paghihintay ang walang katapusan.

Maaaring maniwala ka o tutulan mo ang mga sinabi ko pero binase ko lang lahat ng ‘to sa lahat ng nangyari at nalaman ko. At sa tingin ko, isa ito sa mga bagay na madalas na hindi pinapansin ng isang tao dahil abala siya sa iba pang bagay. Pero ngayong nalaman mo na ‘to, nagbabakasakali akong gumaan-gaan na ang bitbit mong malaking tipak na bato sa likod mo. Basta ang alam ko, ang nag-iisang bagay na perpekto sa mundong ito ay ang kasalukuyang nangyayari sa ‘ting lahat.

Posted by andoyman at 9:45 am | permalink | Add comment

Komikon Summer Fiesta 2009

Plug ko lang ang mga ito dahil hindi ako makakapunta sa komikon at sa book launch ng Kapitan Sino ni Bob Ong dahil graduation ko ang 16. Kahit dito man lang, makatulong ako. :D

 

The Hottest Komiks Event This Summer!

KOMIKON SUMMER FIESTA 2009
UP Bahay ng Alumni, UP Diliman
May 16, 2009, 10am-8pm, Saturday
Entrance Fee: Php 50.00
(*Early arrivers will get lots of freebies!!)

With Special Guests…

Wilson Tortosa (Wolverine: Prodigal Son)

and


Manix Abrera
(Kikomachine)

Join our PALARONG PINOY including our first ever “KOMIKON IDOL”!!! And stay tuned for the announcement of BIGGER THINGS TO COME.

See you all there!!!

Source: http://komikon.blogspot.com/

Posted by andoyman at 9:39 am | permalink | Add comment

Kapitan Sino

 

THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOOD

Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon? Maililigtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?

KAPITAN SINO

Ang pinakabagong superhero noon.
Mas matibay pa sa orig.
Sa mas mahabang panahon.

KAPITAN SINO
ni Bob Ong
ISBN: 978-9710-54501-8
168 pages, paperback
Filipiniana, FICTION
Suggested Retail Price: P175.00

 

*NOW available in Pandayan Bookshop branches :D 05.13.09

 
 
Source:http://visprintpub.blogspot.com/
 

 

Posted by andoyman at 9:37 am | permalink | Add comment

Pagkatapos ng Heneral, sunod si Kapitan

Galing ‘to mismo kay Bob Ong.

<.-.> Para sa kapakanan ng mga mambabasa mong naghintay sa bagong libro, pwede mo bang sabihin sa amin kung tungkol saan ang Paboritong Libro ni Hudas?
<BO> Kapitan Sino?
<.-.> Ah, oo, Kapitan Sino pala. Hehe. Ang ganda-ganda kasi ng Paboritong Libro ni Hudas. Yon ang paborito ko sa mga libro mo e. Hindi dahil sa nandoon ako, pero marami talagang nagsasabi na maganda yung Paboritong–
<BO> Ahem, um, ang Kapitan Sino ay tungkol kay Rogelio Manglicmot na nakilala ng mga tao bilang isang superhero sa katauhan ni Kapitan Sino.
<.-.> Ang haba ng pangalan! Para sakin mas gusto ko pa rin yung mga isinulat mong tauhan na five characters lang ang pangalan, yung simple lang, yung parang puro punctuation mark lang….
<BO> Ah, magugustuhan mo si Bok-bok, kasi may punctuation mark din ang pangalan nya!
<.-.> Sino naman yun?
<BO> Kaibigan ni Rogelio. Marami kang makikilala sa mundo ni Kapitan Sino.
<.-.> Pati si Tesla?
<BO> Si Tessa. Pero tama ka, dahil kinuha ko ang pangalan nya kay Nikola Tesla. Isa sa pinakamagaling, kundi man ang pinakamagaling, na electrical engineer sa kasaysayan, pero kaawa-awang naagawan ng maraming imbensyon.
<.-.> Hindi ba si Tessa ang nagpatagal ng ika-pitong libro?
<BO> Nagkakahiyaan kasi sila ni Rogelio. Nahirapan tuloy akong magsulat ng kwentuhan nila. Yung iba ngang usapan, hindi na nila ipinasulat sa akin.
<.-.> Kaya ba isang buong araw kang nakinig ng mga senti?
<BO> Hehehe. Higit pa. Paulit-ulit- ulit akong nakinig ng mga love song, kasama na yung kanta ni Carole King, nang ilang linggo habang isinusulat ang tagpo nila. Pilit din akong nanood ng romantic movies pandagdag inspirasyon, at nagpaturo sa romance novel writer na dating miyembro ng Bobong Pinoy YahooGroup. Ewan kung pasado na ang gawa ko.
<.-.> Totoo bang lumang superhero si Kapitan Sino?
<BO> Hindi. Sya ang pinakabagong superhero… noon.
<.-.> 80’s? Ibinalik mo ba ang oras sa Dekada Otsenta?
<BO> Oo, kaya mas akma ang kwento sa mga 27 years old pataas. Baka merong mga hindi gaanong maintindihang detalye ang mga mas batang mambabasa. Makakatulong kung meron silang mapagtatanungang matanda.
<.-.> Hmmm… mukhang interesante itong ika-walong libro.
<BO> Ika-pito. Pero tama ka ulit, dahil may mauuna pa dapat akong libro dito, kundi lang nakiusap si Mayor na paunahin ko na sila.
<.-.> May Mayor? Matatapatan ba nito ang dami ng celebrity sa Paboritong Libro ni Hudas?
<BO> Tinutukoy mo ba sila Donita Rose, Marvin Agustin, at Tootsie Guevarra na nasa ikatlong libro? Ikinalulungkot ko, pero mas hitik at nag-uumapaw sa mga celebrity ang Kapitan Sino.
<.-.> Pero hindi mo maitatangging ako ang pinakasikat mong celebrity dahil lumabas ako sa dalawang libro!
<BO> Tama. Lumabas ka sa itim at puting libro. Pero may iba pa kong tauhan na lumabas din ulit dito sa Kapitan Sino.
<.-.> Huh?! Hindi mo ko pinasasaya sa mga sagot mo, Bob Ong! At bakit ako magkaka-interes kay Kapitan Sino kung nung 80’s pa ang adventure nya?
<BO> Kung itatanong mo yan pagkatapos magbasa, hindi mo naintindihan ang libro.
<.-.> Saan ba ko kukuha ng kopya?
<BO> Unti-unti na pong nagkakaroon ngayon ang mga paborito nyong eatery o sari-sari store. Kung wala pa, baka naubusan lang kayo. Subukan nyo ulit sa ibang araw.
<.-.> Magkano ba?
<BO> 75 pesos lang po…kung panahon ni Cory Aquino! Pero dahil 2009 na, P175.00 po ang isa.
<.-.> Matagal-tagal bago nasundan ang Macarthur.
<BO> Ito ang pinakamatagal na agwat ng pagsusulat ko. Pero natapos din ang libro, salamat sa inspirasyon mula sa mga mambabasang tagapagpalakas ng loob at umaasang laging masusundan pa ang huling librong nabasa nila. Dahil sa simpleng hiling nila na laging masabihan kagad kung may bago na silang mababasa kaya ginagamit na naman kita ngayon para sa official announcement.
<.-.> Sanay na ko. Alam ko kailangan mo ng celebrity endorser para sa Kapitan Sino. Idagdag mo na lang sa talent fee ko yung t-shirt ng officialuse. net.
<BO> Punta ka sa Komikon sa UP sa Sabado, May 16. http://visprintpub. blogspot. com/ Meron doong mga t-shirt ni Bob Ong. Mura lang dahil hindi ka na magbabayad ng shipping fee. Pagkakataon mo na!
<.-.> Aba, talagang double-purpose ang patalastas ah! May Swine Flu ka pa sa lagay na yan.
<BO> Sipon lang.
<.-.> Sa susunod mong libro wag kang gagawa ng announcement pag may sipon ka, kasi lalong kumo-corny.
<BO> Sige, susubukan ko. Salamat.

Posted by andoyman at 9:36 am | permalink | Add comment

Kowts

“No matter how many times I stretch my hands, there was no chance that I would make it across that wide, wide sky. But I never doubted anything, I believed in a beautiful future.”

-Himitsu Kichi(Secret Base), Eureka 7

Posted by andoyman at 9:31 am | permalink | Add comment