99 vs. 1
Friday, May 15, 2009Ang artikulong ito ay tungkol sa isang bagay na nadiskubre ko nitong mga nagdaang araw lang. Ngunit sa tingin ko, maaaring alam mo na rin ang tungkol sa bagay na ito na madalas mong nararanasan, nararamdaman, nakikita, nahahawakan, naririnig, naaamoy, nalalasahan, iniisip, iniiyakan, tinatawanan at madalas ding hindi mo pinapansin. At matagal na rin itong nakadikit sa ‘yo at sa iba pa. Nandiyan na ito mula noong lumitaw ang mundo, ang mga planeta, ang buong kalawakan.
Singtanda nito ang buong kalawakan, ang mga planeta at ang mundo. Maaari ngang higit pa ang katandaan nito kaysa sa akala natin. Subalit nandiyan pa rin ito, kadikit ng lahat ng bagay, nakikita man o hindi, sa maniwala ka man o hindi. Hindi ito imposible. Posible dahil nangyayari na nga at matagal ng nangyayari.
Sa tingin mo, bakit mo binabasa ‘to ngayon? Bakit mo ginawa ang ginawa mo kanina? At bakit mo gagawin ang mga gagawin mo mam’ya? Sa palagay mo, bakit ganito ang lahat ng nangyayari sa mundo: giyera, sakit, kasakiman, kurakot, hirap, diskriminasyon, pagnanakaw, kababuyan, kabastusan, kawalan ng paggalang at respeto, kasinungalingan at iba pang hindi kaaya-ayang bagay? Alin na ba ang mas marami, ang magagandang bagay o ang mga pangit na bagay?
Madalas napapaisip ka, bakit ba ganito? Madalas, hindi natin maintindihan. Pero bakit ba hindi natin maintindihan? Dahil sabik tayo agad sa kasagutan. Nawawala, at madalas na niwawala, ang pang-uunawa.
Maraming nangyari sa akin bago ang araw na ito. Mula nang ipinanganak ako hanggang sa pagtatapos ko ngayon ng kolehiyo. Maraming masasamang bagay, maraming magagandang bagay. Singdami ng nangyari sa akin ang nangyari rin sa ‘yo at sa iba pang tao. Pero naintindihan ko ba ang lahat ng ‘to? Siguro, oo. Siguro, hindi. Dahil hindi rin naman lahat ng nangyari ay plano at gusto ko. Kusang nangyari ang mga nangyari.
Maniniwala ka ba sa akin na ang isang imperpektong mundo ay may isang bagay na perpekto?
Maaaring hindi ka naniniwala pero meron nga talaga. Peksman, meron talaga. Sa siyamnapu’t siyam na porsyento na imperpekto sa buong kalawakan, may isang porsyento na sadyang perpekto. Isipin mo, imperpekto ang buong kalawakan pero sinasabi natin, lahat ng bagay ay imperpekto. Kung lahat ng bagay dito sa kalawakan ay imperpekto, e ‘di, hindi na imperpekto ang dapat itawag dito kundi perpekto na kasi “lahat” ang pagkakasabi natin. Kaya nga “imperpekto” dahil may isang bagay na hindi imperpekto. Imperpekto, tulad ng 99%. At kung gano’n nga, ano ang 1%? Iyon naman ang perpekto.
At ang perpektong bagay na tinutukoy ko ay ang lahat ng nangyayari sa akin, sa iyo, sa kanya, at sa lahat. Ang lahat ng nangyayari sa lahat ng nilalang sa buong mundo, sa lahat ng planeta, at sa buong kalawakan ay perpekto. Lahat ng nangyayari, sakto. Lahat ng nangyayari, nasa tamang panahon, nasa tamang lugar, nasa tamang tiyempo. Perpekto.
Kahit ang pagbabasa mo ng artik na ito, sakto lang. Kahit ang pag-iyak mo kanina, o ang pag-aaway ninyo ng isang taong malapit sa ‘yo, o ang balitang napanood mo, o ang pakikipagkwentuhan mo sa ‘yong kaklase, o ang pagkakawala mo ng ‘yong bolpen, o ang biglaang quiz, o ang pagkagutom mo, lahat ng iyon ay nasa tamang panahon lang, nasa tamang lugar, nasa tamang tiyempo. Isipin mo, kung hindi nangyari ang dapat mangyari, ano ka kaya ngayon? Ano kaya ang magiging epekto niyon sa mundo? Maaaring para sa ‘yo, hindi sakto ang kasalukuyang nangyayari dahil hindi naman iyon ang gusto mo. Pero ang hindi mo alam, may patutunguhan ang nangyaring iyon sa ‘yo. Hindi mo lang agad mauunawaan dahil isang perpektong bagay ang nangyari. At hindi agad lubos na mauunawaan ng isang imperpektong tulad natin ang isang bagay na perpekto.
Ngayon, mapapatanong ka, ano ang dahilan bakit nangyayari ang lahat ng ‘to sa ‘yo? Sa tingin ko, ang isang dahilan ay para magpatuloy ang ikot ng buhay mo. Hindi ako naniniwalang ang lahat ng negatibong nangyayari ay nandiyan para patigilin ang pag-inog ng buhay mo sanhi para sumuko ka, bagkus tumutulong pa nga ito para umikot ang buhay mo. Sabik ka lang kasi kaagad sa kasagutan sa isang bagay na hindi mo nauunawaan kaya gano’n pero natural lang ‘yon. Ang kailangan mo lang laging dalhin sa bulsa ng puso mo ay ang pasensya para sa paghihintay. Walang bagay sa mundo na hindi dinidiligan ng paghihintay. At walang paghihintay ang walang katapusan.
Maaaring maniwala ka o tutulan mo ang mga sinabi ko pero binase ko lang lahat ng ‘to sa lahat ng nangyari at nalaman ko. At sa tingin ko, isa ito sa mga bagay na madalas na hindi pinapansin ng isang tao dahil abala siya sa iba pang bagay. Pero ngayong nalaman mo na ‘to, nagbabakasakali akong gumaan-gaan na ang bitbit mong malaking tipak na bato sa likod mo. Basta ang alam ko, ang nag-iisang bagay na perpekto sa mundong ito ay ang kasalukuyang nangyayari sa ‘ting lahat.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- March 2012
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009


