kwan. ano. yon. yeh!

Mandadagit-trabaho Part I

Saturday, May 30, 2009

Tamad na tamad talaga ako kahapong pumunta ng iskul para kumpletuhin ang mga pirma sa clearance ko. Sobrang init, at sobra talaga akong tinatamad. Binigyan ako ng limandaang piso ng nanay ko pambayad sa P350 na Alumni fee at ang tira, baon ko.

At ang hindi ko maintindihan sa sarili ko, tuwing may lakad ako, ang hilig-hilig kong umalis ng bahay ng tanghali kung kelan naglalagablab sa init ang araw at nag-su-swimming ka sa iyong pawis. Kaya puting damit ang lagi kong sinusuot ngayon para hindi lahat ng init e ma-absorb ko. Pero halos wala ring kwenta dahil sobrang init talaga.

May ilan akong nakasalubong na dati kong kaklase sa iskul. Konting kumustahan at ang iba, kaway na lang. Dumiretso ako sa ERC para sa una kong pirma. Pagkatapos n’on, wala na.

Nakasalubong ko kasi sina Rochelle, Michelle at Joanrose sa first floor ng main building. Niyaya nila akong sumama sa kanila papuntang Libis upang magpasa ng resume. E sabi ko, magbabayad na muna ako ng Alumni fee e ang kaso, ‘di na pwede at baka ‘di na kami umabot. Kaya, sumama na lang ako at hinayaan kong nakatiwangwang na naman ang clearance ko sa loob ng bag ko.

Unang beses ni Rochelle na makasakay sa LRT 2 kaya hindi niya kabisado ang mga gawi sa pagsakay kaya pinagtatawanan siya nina Michelle at Joanrose. Hehe. Parang hindi ako kasama ah. Haha. (Teka, ang haba ng mga pangalan nila. Paikliin ko muna. Rochelle – Chelle; Michelle – Mich; Joanrose – Joan.) Konting lakad pagkababa sa tren tapos sumakay kami ng dyip at bumaba sa Eastwood. Ang ganda ng asul na building na nakita ko. May ugali pa man din ako na parang pakiramdam ko, isa akong probinsiyanong hangang-hanga sa mga nagtataasang building kaya todo tingin talaga ako hanggang sa tuktok ng gusaling iyon.

Konting lakad ulit. Pumasok kami sa Eastwood Locator blah blah. Tinanong namin kung sa’n ang IBM blah blah. E mukhang hindi ‘ata maganda ang gising ni ate kaya suplada’t nakasimangot siya nang tinanong namin. Sinagot naman niya ang tanong namin kaso may pagkamataray ang sagot niya e. Inisip ko na lang na baka meron ‘yon kaya gano’n.

Anlaki ng gusaling pinasukan namin. Nakasalubong pa namin si Christine Joy kaya konting kumustahan muna ulit. OJT siya sa loob ng gusaling ‘yon. Sa Trend Micro ‘ata. Malaki ang elevator at mas maganda’t mas mabilis iyon kesa sa mga elevator sa iskul. Unang stop, mali ‘ata ang napuntahan kaya lumipat kami.

Dahil hindi na gano’n katalas ang memorya ko, hindi ko na maalala kung ano ang unang pinagpasahan ng resume. Hmm. Isip. Hmm. Mukhang…Trend Micro ‘ata. (Kate-text lang ni Joan. Trend Micro nga raw.) Ayun, bale, nagpasa ng resume. Akala pa ni manong na nagbabantay, mga OJT kami. Asteg! Mukha pa pala kaming bata. Sabi namin, applicants kami. Tinanong kami kung ano ang in-apply-an naming trabaho. Humirit ako, “CEO po”. Tawa. Nyehehehe. Humingi kami ng listahan ng mga bakanteng posisyon ta’s konting brainstorm kung ano ang bagay ta’s alis na kami. Nagpasalamat kami ke manong.

 Sunod, puro IBM blah blah na ang tinarget namin. May isang IBM na pinapa-e-mail na lang sa amin ang resume. Wala ng gano’n-gano’n sa kanila resume na nasa papel. Online na lang daw. Sa isang IBM naman, nandoon ‘yong isang kaklase namin noong SEMFILD. May trabaho na ka’gad. In-absorb siya ng kumpanyang pinag-OJT-han niya. Asteg. Wala kaming gaanong alam sa kanya bukod sa ang alam ko e pasaway rin ‘yon sa klase. Pero tignan mo, may trabaho na ka’gad. Hindi talaga nakadepende sa academics at sa talino ang pagkakaroon ng trabaho kundi sa kung paano ka makitungo at kung paano ka didiskarte. Asteg. Bago kami umalis, pabirong hiningan namin siya ng pabor na i-refer niya kami. Hehe.

Medyo naligaw kami kaya napunta kami sa isang kumpanyang hindi naman kasama sa target. Pero dahil nakakaaliw ang pagtanggap na ginawa ni manong at ng ilang employee na nakakita sa amin, nagpasa kami ng resume. Sayang nga lang dahil wala akong dalang resume. Wala pa kasi akong nagagawang resume. Hay Andoy! Kaya medyo naiinis tuloy ako sa sarili ko dahil tinamad akong gumawa ng resume. Haha. Kaso wala na akong magagawa e. Tutal, pupunta pa naman ulit kami doon next week kaya next week na lang din ako magpapasa.

Nakailang baba-akyat kami. Medyo nahilo na nga ako sa elevator e. Napag-trip-an din namin ang camerang nasa upper left sa loob ng elevator. Nagsasalita pa ako noon ng, “Naghahanap kami ng trabaho!” at baka dinggin kami ng nakakarinig na manong na nasa likod ng camera. Haha. Umulan ng malakas sa labas habang patuloy pa rin kami sa pagbaba-akyat at paghahanap ng mga target na kumpanya. Medyo naligaw ulit. Baba-akyat ulit. Tapos, pa-gano’n-gano’n na lang kami hanggang sa umuwi na kami. Nakasalubong pa namin ‘yong isang employee na nakita namin do’n sa kumpanyang hindi sinasadyang napuntahan namin. Binati na namin at baka madala namin sa bati. Hehe. Lumabas kami ng gusali. Pumunta kami ng Mini Stop para magmeryenda. Wala ng ulan. Wala akong resume. Hindi ako nakasabay sa pagpasa.

Nagkwentuhan kami sa Mini Stop at inubos ng kaunti ang oras habang inuubos naman kami ng lamig ng sundae cone. Nakadalawang sundae cone ako. Sana hindi ako nasobrahan sanhi para magka-sipon ako. Nyay.

Naisip namin na sana, magkakasama pa rin kami sa pagtatrabaho…para mas masaya.

*Kasalukuyan kong ginagawa ang resume ko nang isulat ko ang post na ito. Asteg.

Posted by andoyman at 10:47 am | permalink | Add comment

Lab Kowts

Naghahanap ako ng lab kowts noong isang araw. Ang gusto kong lab kowts kasi e ‘yong lab kowts siya pero hindi ga’no halatang lab kowts. Parang gano’n ba. Magulo ba?

Basta, iyon ang gusto ko. May pagse-send-an kasi ako niyon e. Hindi pa kami gaano magkakilala ng pag-se-send-an ko kaya ayoko ‘yong lantad na lantad sa kowt ‘yong mga salitang “Love”, “Pag-ibig”, “Blah blah”, “Etc”. Kumbaga, parang smooth lang. At saka, unang beses kong mag-se-send ng ganoong tipo ng kowt sa kanya. Hehe. Kagabi lang ako nakatanggap ng hinahanap kong kowt galing sa isang taong hindi ko inaasahan na mag-se-send ng gano’n. Eto ang kowt o:

“Try to find what makes you happy and soon,
You will end up with someone who saw
You completely without ever wanting
Everything, except to be a part of you.

Lupet! Mga ganitong tipo talaga ang hinahanap kong kowts. Asteg. Smooth. Swabe. Kaya sa sobrang tuwa dahil nahanap ko ang hinahanap ko, sinend ko ka’gad sa kanya. Hehe. Nagpasalamat din ako sa nag-send sa akin ng kowt na ito, si Clark. Asteg.

Posted by andoyman at 10:45 am | permalink | Add comment

Ngiti

Kapatid ko ang kumuha ng larawang ‘yan. Kaklase niya ang model. At peke ang hawak niyang kamera. Kapatid ko rin ang nag-edit sa Photoshop. Asteg. Unang kita ko pa lang sa larawang ito, ibang klase na ang dating kaya pinost ko rito sa blog ko. Asteg ng kapatid ko! Hwahaha!!!

©2009 Ayen da Great. All Rights Reserved.
Model: Sherrine.

Posted by andoyman at 10:44 am | permalink | Add comment

Tanong lang

May iba ka pa ba diyang lab kowts na hindi gaano halatang lab kowts? Baka pwedeng i-send mo sa e-mail ko sa andoyman@ymail.com. Salamat :D

Posted by andoyman at 10:42 am | permalink | Add comment

Kowts

“Ang kiss, masarap kung parang spaghetti. Pababa nang pababa!”

-isang text message sa akin ni Clark. :D

Posted by andoyman at 10:40 am | permalink | Add comment