kwan. ano. yon. yeh!

A(H1N1)

Wednesday, June 10, 2009

Nakakabahala ang virus na ‘to. Karaniwan, galing sa mga taong galing sa ibang bansana pumupunta rito ang may roon nito. Una, sa DLSU. Ngayon, sa kolehiyo ko naman. Grabe.

Hindi ka naman agad mamamatay sa sakit na ‘to at maaari pang magamot pero ang pagkalat niya, hindi maiiwasan. Wala pa naman ‘ata sa level 6 ang pandemic level nito, no? Naku, huwag naman na sanang mas lalo pang lumala. May awa sa atin ang Maykapal.

Alam raw ng kakilala ko ang pangalan ng estudyanteng may swine. Sinabi sa kanya ng kaklase niya. Hinanap niya sa friendster at in-invite. Kinabukasan, na-approve kaagad. Tapos, nag-message na hindi raw iyon ang babaeng may swine. Grabe naman. Nakakaisip pa ng kalokohan ang mga estudyante sa mga ganitong uri ng sitwasyon. Tsk tsk.

(Sabi ng isa kong kaklase, may mas malala pa raw sa A(H1N1) virus. Mas mabilis pa raw ‘tong kumalat. HKKH1 ang pangalan ng kunong virus. Hehe. Kung hindi mo na-gets, e di hindi. Hehe.)

Let’s pray for our safety.

Dear Lord,

Your will, nothing more, nothing less, nothing else.
Amen.

Posted by andoyman at 4:47 pm | permalink

Previous Comments

lol kayo di q mahanap ang sakit

Posted by lol at June 16, 2009, 7:43 pm

A(H1N1)VIRUS
TAGALOG:
1.makakaranas ng mga parang nasusuka,nag kakalagnat ng limang araw o higit pa sa ganoon,manlalabot,at sa huling sintomas ay maaaring ikamatay ng isang tao na nadapuaan nito mahihirapan kang huminga dahil may roon itong kahalong sipon,at ubo.maaaring mag karoon ng sugat sa lalamunan ng isang tao.

Kaalaman:
Nakaka gambala ito sa taong 2009-2010 dahil ito ang seryosong sakit na nadapuan ang pilipinas na kasama pa rito ang dengue.marami pang sakit na napunta rito sa pilipinas kaya todo kaalaman ang mga pilipino sa sakit na ito.
Ito ang kinatatakutang sakit sa bansang ito sa mga bahagi ng pilipinas isa-isa ang dinadapuan nito maraming na tatakot na lumabas sa kanilang mga bahay dahil sa sakit na ito di-normal ang sakit na ito nanlalambot,naduduwal,nag kakasakit ng limang araw o higit pa,at may halong ubot’t sipon.

Posted by quennie rose at July 13, 2009, 5:51 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment