kwan. ano. yon. yeh!

Mandadagit-trabaho Part IV

Wednesday, June 10, 2009

Kahapon, nandoon naman kami sa Techno Hub sa may Commonwealth. Init at ulan ang dinaanan muna namin bago marating ang target na lugar. Walo na kami ngayon. Walong unemployed na nangangaso ng trabaho.

Pagpasok namin, bukod sa mga building na nakita namin at sa mga damong nakatanim sa malawak na lugar, bumulaga sa amin ang pusod ng Techno Hub. May fountain sa gitna at mga nagmamahalang resto ang nasa palibot nito. Ano ba ipinunta namin do’n, kumain? Nagpahinga muna kami sa Mini Stop dahil sobrang init. Nakakalagkit sa pakiramdam ang panahon na mainit tapos uulan tapos mainit ulit.

Pagkatapos magpahinga, naghanap na kami ng building na gigibain. Nakalimutan ko na ang pangalan ng building. Basta, nakadalawang kumpanya kami roon. Una, nalimutan ko na rin ang pangalan ng kumpanya. Pero ‘yung guard na nandoon, sinabihan niya kami na subukan din namin ‘yung nasa third floor. Pinuntahan namin ‘yon. Pointwest ang pangalan ng kumpanya. Sa kaliwang bahagi n’on, halos puno ng mga employee. Sa kanan naman, halos bakante ang mga pwesto. Pabiro kong sinabi na para sa amin ang mga bakanteng ‘yon. Nagpili-pili na rin kami ng mga pwesto namin. Hehe. Medyo bago pa lang pala ang kumpanya. Last year lang siya naitayo. Kaya sa tingin ko, mukhang kailangan pa nila ng mga empleyado. Sana nga ay matanggap kaming lahat doon para magkakasama pa rin kami. Pagkatapos magpasa, tinignan pa namin ang 4th floor pero wala pa palang opisina do’n kaya ibang building naman kami.

Medyo wala ng kwenta ang sunod naming pinuntahan na kumpanya dahil…hmm…sobrang layo ‘ata sa course namin ang…mmm…maaaring gawin namin doon. Pagkatapos n’on, nagkayayaan na kaming umuwi na lang. Sa Lunes ulit kami maghahanap.

Posted by andoyman at 4:50 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment