kwan. ano. yon. yeh!

Hap-pey Father’s Day!!!

Sunday, June 21, 2009

Sa kanya ko namana ang pagiging palatawa, palabiro, at kakornihan sa buhay. Pinakapaborito ko ang luto niyang sinangag. Siya ang pasensyoso at may maikli ring pasensya. Dati siyang lasenggero pero ngayon hindi na. Maalam siya sa iba’t ibang bagay. Kritikal siyang mag-isip at pagdedesisyon. Magaling makisama. Mahiyain. Matampuhin. Tanging libangan ay ang panonood ng boxing tuwing linggo.

Tapat sa trabaho at sa pamilya. Huwaran. Idolo. Asteg.

Happy Father’s Day sa Tatay ko!!!
Happy Father’s Day sa lahat ng tatay, papa, daddy, dada, itay at ama sa buong mundo!!!

Yey!

Posted by andoyman at 2:11 pm | permalink | Add comment