Wanted: Call Center Agent
Tuesday, July 14, 2009Basta lang magkatrabaho na!
Alam kong medyo malayo sa course ko ang pagtangkang pagpasok sa pagiging isang call center agent pero, hala, sige na…para lang magkatrabaho na ako.
Tinawagan ako at nabulul-bulol pa sa pag-i-English. Muntikang ma-late sa oras ng interview pero salamat kay manong at talagang naghanap siya ng shortcut at mabilis ang pagmamaneho niya kaya nakarating ako kaagad ng halos tama lang sa oras – late lang ako ng 5 minutes. Nag-exam at in-interview ulit ako at matapos ang interview ay tinanggap ko ang mapait na katotohanan sa kanyang feedback. Tapos, in-endorse nila ako sa isang company na pinuntahan ko kinabukasan.
At kinabukasan, nang ma-interview na ako, nablanko naman ang utak ko sa ilang tanong ng interviewer ko. Medyo naging maayos naman (yata) ang pag-i-English ko pero sumablay ako doon sa isang tanong niya tungkol sa troubleshooting sa monitor e. Anak ng…nasama ko pati UPS sa mga pinagdadakdak ko. Waaaaaaaaa! Kundi ka nga naman tangengoks talaga oh!
Pero sa kadulu-duluhan ng paglalakbay kong mag-isa sa Ortigas, failed ako sa interview. Bakit? Dahil sa pronunciation. Sabi nang unang kumpanyang pinuntahan ko bago ‘to, very Tagalog accent ang pagsasalita ko. Grabe, talagang pati accent, pakikialaman nila…kailangang ala-foreigner ang accent mo.
Tik-pu!
Alam na alam kong ang isa sa pinakamasidhing kahinaan ko ay ang pagsasalita ng English nang maayos, malinaw, at tama ang grammar. Kaya ko namang humusay sa bagay na ‘yan e…ayoko lang pagtiyagaan. Bakit? May isa lang akong dahilan…at ang dahilang ‘yon ang isa sa pinakakorning bagay na maririnig mo sa buong talambuhay mo kung saka-sakali…ang dahilan ko lang naman kaya wala akong tiyagang paghusayan ang pag-i-English ay gusto ko munang mas makilala ang Tagalog bago ko kilalanin ang ibang wika.
Ang korni ‘no? E lalo na kung sosyal kang tao na pa-inggles-inggles diyan sa tabi-tabi at kadakdakan mo ang mga professional daw at mga iba pang tulad mong taas-sakong kung maglakad, mas nakokornihan ka sigurado! Tiyak!
Wala akong pakialam sa sasabihin mo o sa iisipin mo kung nadiya-diablong-buwang na ba ako o hindi. Basta iyon ang pananaw ko, ang paniniwala ko, ang gusto ko, at ang prinsipyo ko.
Pero oops! Huwag mo agad akong pangungunahan ng mga panghuhusga mo. Hindi mo alam na naiintindihan ko kung bakit kailangang mahusay magsalita ng English ang isang call center agent.
May isang mabigat lang na dahilan akong hinahanap para mas maintindihan, mas maunawaan, mas manuot sa isipan at kaluluwa ko kung bakit kailangang magsalita ng English sa loob ng isang kumpanyang nasa loob naman ng Pilipinas. At hinahanap ko rin ang isang matinding rason kung bakit kailangang magsalita ako ng English para mag-adjust sa mga banyagang may-ari ng mga kumpanyang ‘yan. Kailangan ba talagang ang isang bansa ang mag-a-adjust para sa isang banyagang kumpanya?
Ang ibig kong sabihin, nagtayo sila ng negosyo rito, mga banyaga sila, at kahit English ang universal language na itinalaga ng mga Kanong ‘yan, kailangang SILA ANG MAG-ADJUST dito sa Pilipinas. Gets mo ba?
Sa totoo lang, naiinis ako sa ganyang sitwasyon dito sa Pilipinas.
Naiinis din ako sa mga magulang na mas itinuturo ang English sa mga anak nila kesa sa Tagalog. Akala mo, angandang pakinggan at angandang tignan na mahusay mag-inggles ang anak niya. HELLOOOOO?! Nasa Pilipinas po tayo Ate at hindi tayo nasa States! Penge nga ng isang matinding dahilan kung bakit mas itinuturo mo ang inggles kaysa tagalog diyan sa anak mo? Please, pakisabi naman.
Naiinis din ako sa ilang Pinoy na manunulat na inggles ang ginagamit sa kanilang mga aklat, artiks, dyaryo, at iba pang sulatin. Pam-Pinoy ba talaga ang mga isinusulat mo o para sa mga banyagang nagbabakasyon dito at naghihintay lang na ma-kidnap ng mga rebelde? Talaga bang gusto mong maintindihan ka ng mga Pilipino o gusto mo lang paikutin at bilugin ang mga utak ng Pinoy? O pang-mayaman lang talaga ang mga isinusulat mo at wala kang pakialam sa mga hanggang Tagalog LANG ang naiintindihan? (Pasensya kung medyo marahas ‘tong sinabi kong ‘to. Hindi ko sila minamaliit. Nagtatanong lang.)
O Pinoy…‘lang ‘ya ka…
Paano natin mapagyayaman ang sarili nating puno kung ibang puno ang mas pinagkakaabalahan natin?
Bigyan mo nga ako ng isang matinding dahilan kung bakit kailangang mas unahing kilalanin ng mga Pinoy ang English kaysa sa Tagalog?
Kung may kaugnayan sa pera, kinasanayan, kasikatan, antas sa lipunan, at pa-sosyal kuno epek ang dahilan na sasabihin mo, maawa ka…hindi ‘yan magmamantsa sa isipan ko. At kung sasabihin mong na-i-insecure ako sa mga taong magaling mag-English…maawa ka sa sarili mo…hindi ko kailangang mainggit sa mga taong ‘yan dahil alam kong hindi sila ako at hindi ako sila. At kung idadahilan mo rin na kanya-kanya lang ‘yan, alam ko rin ‘yon, ‘wag kang mag-alala dahil sa pagkakanya-kanyang ‘yan at pagtanggal ng pakialaman sa isa’t isa bilang mamamayan ng iisang bansa, matutulungan mo ang lahat na punitin ang tangi nating yaman.
At isa pa pala…naiinis din ako sa mga politikong inggles nang inggles lalo na ‘pag in-interbyu sila. Hay…
Dayuhan tayo sa sarili nating bansa, wika, at kultura.
At tayo rin ang sisira sa sarili nating bansa, wika, at kultura.
WAKAS.
Previous Comments
Sang ayon ako sayo kaibigang sa pagiging makabansa mo. subalit ang pagsasalita ng ingles ay hindi naman malaking issue, kung ayaw mo edi wag.
hindi naman porke ang isang establisimentong naglalaman ng mga taong nagsasalita ng ingles ay binibilog na tayo ng mga banyagang may ari nito.
Isa itong pagtulong para sa aken, ito’y sumagip sa aten sa krisis at ang mga ofw. huwag mo namang sabihing sa itinagal mo dito sa mundo, ipinanganak kang pilipino ay hindi ka pa bihasa sa ating wika?
korni talaga ang dahilan mo kaibigan. pero hindi nakakatawa! ituring mo nalang na ang inglesh ay isang skill (anu ba sa tagalog yan) at ito rin ay malaking tulong saan ka man sa mundo diba nga universal? at duon naman sa mga pulitikong ingles ang mga pahayag ay sang ayon ako sayo, duon dapat ang ideya mo iaply. dahil tayo ang kausap ng mga pulitikang ito. ang pogi nila , yung iba english na bisaya ang accent, hehe! pewo ok ang damdamin ng pagsulat mo ng iyong saloobin. ngayon lang din ako nagbasa at tumugon sa ganitong pagsulat. tugunan mo din ako kaibigan , salamat
asteg, salamat sa komento sa post kong ‘to. saktong may pera pa ako pang-net ngayon hehe
“subalit ang pagsasalita ng ingles ay hindi naman malaking issue, kung ayaw mo edi wag”
-totoo.
“hindi naman porke ang isang establisimentong naglalaman ng mga taong nagsasalita ng ingles ay binibilog na tayo ng mga banyagang may ari nito”
-oo nga, tama ka. paranoid lang talaga siguro ako. hehe. isa rin itong tulong…at dahil sa ‘yo, nalaman ko ‘yon. salamat. ahm, teka, e ang mentalidad na dulot “nito”? nakakasama ba? ibig kong sabihin, ang “pagpapahalaga sa ingles para mabuhay ang pinoy”? ayos lang ba ‘yon?
“huwag mo namang sabihing sa itinagal mo dito sa mundo, ipinanganak kang pilipino ay hindi ka pa bihasa sa ating wika?”
-alam ko ang wika natin. pero hindi ko siya ganoon kakilala. at natatakot ako na baka iyong mga batang tinuturuan ng kanilang mga magulang na maging mahusay sa ingles, sa kinalaunan, ay magiging sanhi para hindi na madadagdagan pa ang bunga ng wika natin. baka lang naman…isang paranoid kong pananaw.
“ituring mo nalang na ang inglesh ay isang skill (anu ba sa tagalog yan) at ito rin ay malaking tulong saan ka man sa mundo diba nga universal”
-tama, kasi globalization.
“at duon naman sa mga pulitikong ingles ang mga pahayag ay sang ayon ako sayo, duon dapat ang ideya mo iaply. dahil tayo ang kausap ng mga pulitikang ito. ang pogi nila , yung iba english na bisaya ang accent, hehe! pewo ok ang damdamin ng pagsulat mo ng iyong saloobin.”
-salamat talaga sa komento. *isang dambuhalang ngiteeee* tungkol sa mga pulitiko, ahm, no comment na lang ako.
Posted by andoyman at October 29, 2009, 12:21 pmMany people grab their opportunity to work in a call center company even if it is not related to their career because they don’t want to be unemployed and to provide their basic needs.
Posted by philippine call center at May 18, 2010, 10:26 amLearning how to speak English is a plus, especially if you want to work in a good company, though it doesn’t force you to do it. People tend to sharpen their skills in English - because they want to have a good paying job or a better career in the future. Of course, as a Filipino, we shouldn’t neglect our own language because it is our identity and we should be proud of it. I agree on “Globalization” and learning to speak English is just part of it.
Good luck on your job hunting!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- March 2012
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009



ayos
Posted by nate at October 28, 2009, 7:37 pm