kwan. ano. yon. yeh!

Dito sa Pilipinas

Wednesday, August 12, 2009

Dito sa Pilipinas, kapag nakagawa ka ng ISANG kamalian, huhusgahan ka, mamaliitin ka, sisiraan ka, at itatakwil ka ng kapwa mo Pilipino. At para sa mga kapwa mo Pilipino, ang kabuuan mo ay ang nagawa mong isang kamalian. Kung susubukin mong magbago, hindi ka paniniwalaan at kung mamalas-malasin, hindi ka papayagang makapagbago. Kung ikaw ay magbago at maging mabuti, ikaw ay pagdududahan at muling hahanapan ng dungis at saka ibabagsak. Walang kanan o kaliwang direksyon kang mapupuntahan dahil alinman sa mga iyon, ang tanging bagsak mo sa mga mata ng kapwa mo Pilipino ay MALI KA, SALOT KA, at WALANG KWENTA KA. Kailanma’y hindi ka magiging tama.

Posted by andoyman at 12:15 pm | permalink | Add comment

Tanong lang

1.) Para sa mga sumali sa EDSA II, naging tama ba ang ini-rally noon? Kung tama, bakit hindi ‘yon ginawa ngayon ng mga kabataang kasali noon?
2.) Alin ba ang mas depektibo, ang pangulo noon o ang pangulo ngayon? Mayroon bang presidenteng walang depektibo?

Posted by andoyman at 12:14 pm | permalink | Add comment

Pusang-gala

 Asteg!

Posted by andoyman at 12:13 pm | permalink | comments[1]

Sandfish

Ito ang sandfish, isang maliit na butiki na nabubuhay sa Sahara desert. Ang pinagkaiba lang nito sa ibang butiki at ibang isda ay lumalangoy ito sa lupa - ang buhangin sa disyerto. Pinag-aaralan ngayon ng mga scientist ang mechanism ng naturang nilalang para magamit sa mga panghinaharap na sasakyan.

Tignan mo ‘to rito sa Livescience.

Posted by andoyman at 12:02 pm | permalink | Add comment

Kowts

“First, be suspicious, and then find the reason for the lies. And the truth lies there. What’s important is the cause and effect. Don’t be deceived by actions, read their hearts.”
-Hindi ko kilala kung sino nagsabi nito.

Posted by andoyman at 11:59 am | permalink | Add comment