Isang linggong…pag-ibig?
Monday, August 31, 2009Haha. Isang linggong pag-ibig…haha. Sana nga buhay ang lablayp ko. Haha.
Todo-tipid talaga ako nitong linggo kasi huling P50 na lang ang pera ko. At itong P50 na ‘to, ito ang pang-internet ko ngayong linggo. Hay…hirap walang trabaho. Sana nga lang, matanggap na ako sa kumpanyang ina-apply-an ko ngayon.
Nag-exam ako noong Lunes, malapit sa St. Joseph’s College. Ito ang huling hakbang sa pag-a-apply sa kumpanyang iyon. Kapag nakapasa ako – sana, please *dasal* – tanggap na ako. Yey! Ulangya nga lang ang exam. Mahaba, mahirap at may oras. Siguro, mga dalawa-tatlong part ng buong examination e medyo may gana pa ako. Pero nang magtagal na, unti-unti na akong nayamot, nabagot, at nagutom. Anak naman ng…anhaba talaga. Pang-college-entrance-exam ang istilo e. Anhirap talaga. May mga part na andaming items tapos ang ikli ng oras. Siguro naka-tatlo hanggang apat na part ako na hindi tapos sa mahigit sampung part ng buong examination, di pa kasama ang 240 items na personality test. Hwoo!
Nag-review pa ako noong gabi ng Linggo. Advice kasi sa akin ng interviewer ko. ‘Yon nga lang, buong gabi rin akong nakipagkwentuhan lang sa kapatid ko. At wala akong natandaan sa mga binasa ko. Haha. Madaling-araw pa ako natulog kaya kulang ang pahinga ko. Mabuti’t hindi ako na-late.
Pagkatapos ng exam, diretso ako ng iskul para magpahinga’t tumambay. Wala lang. Nakaka-miss ang iskul e. Hehe. Nakita ko sina Aiko at Christine na katatapos lang mag-defense. Sakto ang dating ko dahil may buhat-buhat sila at tinulungan ko sila hanggang madala ang mga iyon sa C.R. upang hugasan. Asteg. Tapos, nakipagkwentuhan naman ako kay Hermi. Ang nangyari, ako ang bumangka ng kwentuhan. Kwento ako nang kwento ng tungkol sa kung anu-anong bagay.
Napansin ko, noong Linggo ng gabi at nitong Lunes ng hapon, kwento ako nang kwento. Hmmm… Di kaya epekto ito ng madalas na pagkukulong ko sa bahay? Haha. Mukhang hindi ko namamalayan e naghahanap na pala ako ng makakakwentuhan para maitae ko naman ang mga naiipong kwento sa sarili ko. Haha.
Tuwing gabi naman, lagi akong nakikinig ng radyo. Love Radio. ‘Yong kay Papa Jack. ‘Yong TLC at Wild Confessions niya. Tawa ako nang tawa nang tawa tuwing gabi kapag nakikinig sa kanya. Iyon nga lang, ang hirap tumawa ng malakas (na malakas) kasi tulog na mga tao rito. Makakabulabog ako rito kapag tumawa pa ako ng malakas. Kaya sobrang pigil talaga ang pagtawa ko, at iniipit ko talaga ang boses ko kapag tumatawa para walang makarinig. Isa pa, ang pagsabay ng katawan ko sa pagtawa ay di ko 100% mapigilan. Double-deck higaan namin ng kapatid ko at ako ang nasa taas. Kaya ‘pag tumatawa ako, nayuyugyog ang higaan. Kaya napakahirap talagang tumawa. Pero wala naman akong magawa para lubusang mapigilan ang pagtawa ko kaya ayun, tawa pa rin ako nang tawa kahit walang boses at pilit na pinipigilan ang paghagikgik din ng katawan ko. Haha!
Isa pang bagay na ginagawa ko tuwing gabi e nagsusulat ako o gumuguhit. Minsan nga, patulog na dapat ako. Kaso, hindi pa ako inaantok dahil nasanay na ang sistema ko na matulog ng mga bandang alas-dos ng madaling-araw. Biglang may papasok sa utak ko na magandang kwento at kukulitin ako ng ideyang iyon. Maitatae ko lang ‘yon kapag binuksan ko ang computer at tinipa ko ang kwentong nag-e-LBM sa isipan ko. Hay… Asteg.
Kung may internet lang sa bahay e, marami na sanang ibang napuntahan ang perang ginagamit ko pang-renta ng computer. Mas magiging nocturnal nga lang ‘ata ako. Haha.
Eto pa, dapat noong Sabado ko pa ito na-post kaso walang internet dito sa computer shop. E ayaw ko namang lumipat sa ibang shop kasi: 1) baka mam’ya, mabagal (din), 2) may account dito sa shop na ito, at, 3) nai-load ko na ang pera ko sa account ko. Ito ang kagandahan sa shop na ‘to: mayroon kang account na pwede mong load-an kahit magkano at ang oras mo, kontrolado mo. Tulad nga nitong nangyari na na-load-an ko na ang account ko pero dahil walang internet connection, hindi ko na ginamit pa ang oras ko. Masasayang naman kasi kapag nagpumilit ako e nagtitipid na nga.
Trivia: Noong hayskul pa ako nagko-computer dito sa shop. Ilang taon na rin ang account ko. At kahit nagka-internet kami dati ng smartbobo (na wala na ngayon), hindi pa rin nawala ang account ko todits. Asteg talaga. At isa pa pala, limang piso ang pinakamababang pwede mong i-load sa account mo. Asteg.
Ang reklamo ko lang dito *ehem* ay kung minsan lalo na kapag naka-tsinelas ka lang, mararamdaman mo na may mga gumagapang na ipis sa paa mo. Nakailang beses ko nang naranasan ‘yan. Hay naku. Pero di ko pa rin nirereklamo. Wala lang. ‘Yoko e. Isa pang ayaw ko e maliit lang ang lugar. Gusto ko sana e medyo lumaki ang lugar para ano…para mas masaya. Hehe.
Walang pasok ngayon dahil National Heroes Day. Yey!
Para sa mga bayani ng ating bansa, noon at ngayon, “Saludo ako sa inyo!”
Biruin mo ‘yon
Biruin mo ‘yun, mag-i-isang taon na ang blog kong ‘to sa susunod na buwan. Hindi ko nga lang alam kung ano ang eksaktong petsa. Asteg!
Dahil diyan, magpapa-ano ako…ah…magpapa-ano…ah…’yon.
Saan ka ba?
Isa na namang nakatagong text file.
Nakita ko ito noon sa Bulletin Board ng Friendster anim na taon na’ng nakakaraan. Pinost ito ng isang ka-friendster ko na hindi ko naman kilala. Matagal na ‘to. Noong huling eleksyon pa. Pinost ko pa rin ito dito kasi medyo makaka-relate pa rin naman ‘to (kahit papaano) sa ilang (karamihang) sitwasyon ngayon. At dahil dito, baka maalala mo rin ang ilang maaasim na sandali mo noong halalan 2004. Asteg.
(”,): hanep ang mga political ads sa
tv noh.,.,
(-_-): uu nga e.,. pampagulu ng
sambayanang pilipino e.,.,
(”,): y nmn?
(-_-): wala lang.,.,
(”,): kung ikaw ay magboboto, sinu ang
pipiliin mu at bakit.,,
(-_-): naks,.,, well., uunahin ku na
si mr. Escudero b yun?
(”,): ba,., d mo pa ata sure ah.,.,
bka mali pa ang ispeling., d yan
isasama sa bilang.,., hehe.,.
(-_-): asus.,, bakit, kung isasama
nmn, dadayaan lang nmn nung ibang tao
jan!!!
(”,): ahmm,., uu nga nmn.., bakit
xia?.,.,
(-_-): kasi idol ko e.,, galing kasi
magsalita.,, parang ang galing
mangbola.,. hehe., basta idol ku
yun..,.,
(”,): hmm.,., sinu pa.,. sabihin mu n
lhat pra isang tanung n lang,..,,,
yung dahilan dun ha, dnt 4get,.
(-_-): yung muslim din iboboto ko,
para may representative nmn ang ating
kababayang muslim,..,
si ms. legarda, para nmn…
ahmm.. basta xia.,.,., ah,., para may
klban si pareng NOLI!
si Montano,., ang galing nia
kasi e.,, daming awards n
natatanggp..,.,
(”,): e si goma?
(-_-): ayaw ku dun.,. pikon.,., tapos
ang dami pang.,,.
(”,): wak mu na i2loy, bka mabasa nia
to at mmya lang batukan k nia,.,,,
(-_-): wahehehe.,.,
si Mike defensor.,.,, one time
kasi, nakakatuwa dahil nagsama sila
nun ni Escudero para makatulong,
basta, yun na yun.,,.
si Mr. aquino, wawa nmn kasi
ngayun si kris e,
si peter cayetano.,., para
mailabas n ang katotohanan kay
PGMA!!!
yan lang siguro,., at kung
merun pa man,,. sa balota ko n lang
isusulat.,.,.,
(”,): sinu ang may pinaka panget na tv
ads??/
(-_-): d nmn sa panget,., pero yung
kay Pichay,.,, sana lang ang pangarap
nia n maging senador ay makuha nia
bago ang iba.,. hehe
si zubiri,., waaa,., d bagay ang
boom tarat tarat,., ang panget!!!
si Recto.,. hmph,.,, wala
lang,.,, bka magalit si ate vi at
biglang tumakbo bilang governor sa
batangas,.,,,.
ayan.,.,.,
(”,): e yung mejo okey n rin.,.,
(-_-): hmmm..,,. hanep,., talagng
bigaten ang kay Chavit.,,.,, si manny
pacquiao pa ha,.,. well,., siguro
walang bayad yun., pero kung may bayad
man, parang binawasan lang ng katiting
ang kayamanan nia,.,
wahehe., natatawa aku sa sayaw ni
manny villar, kung iba kaya yung
sumasayaw nun?.,,, si GMA kaya? ERAP?
wahehehe.,.,
(”,): magboboto ka nga b?
(-_-): hndi ah,.,,., sayang lang boto
ko,.,., kung magboboto aku at dadayain
lang nila.,.,, pota! wak n lang!!!
(”,): e kung hndi dinaya?
(-_-): laht ng elksyon may daya! at
kung mananalo ang ibinoto ko, at sa
huli ay malaki syang pasaway sa
Pilipinas, mas sayang ang boto ko!!!!!
(”,): e bat ang dami mo pang sinabi
tungkol sa mga kandidato????,., d k
nmn pla boboto!!!
(-_-): e nagtanung k e!!!!
…
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009
- December 2008



