kwan. ano. yon. yeh!

Isang linggong…pag-ibig?

Monday, August 31, 2009

Haha.  Isang linggong pag-ibig…haha. Sana nga buhay ang lablayp ko. Haha.

Todo-tipid talaga ako nitong linggo kasi huling P50 na lang ang pera ko. At itong P50 na ‘to, ito ang pang-internet ko ngayong linggo. Hay…hirap walang trabaho. Sana nga lang, matanggap na ako sa kumpanyang ina-apply-an ko ngayon.

Nag-exam ako noong Lunes, malapit sa St. Joseph’s College. Ito ang huling hakbang sa pag-a-apply sa kumpanyang iyon. Kapag nakapasa ako – sana, please *dasal* – tanggap na ako. Yey! Ulangya nga lang ang exam. Mahaba, mahirap at may oras. Siguro, mga dalawa-tatlong part ng buong examination e medyo may gana pa ako. Pero nang magtagal na, unti-unti na akong nayamot, nabagot, at nagutom. Anak naman ng…anhaba talaga. Pang-college-entrance-exam ang istilo e. Anhirap talaga. May mga part na andaming items tapos ang ikli ng oras. Siguro naka-tatlo hanggang apat na part ako na hindi tapos sa mahigit sampung part ng buong examination, di pa kasama ang 240 items na personality test. Hwoo!

Nag-review pa ako noong gabi ng Linggo. Advice kasi sa akin ng interviewer ko. ‘Yon nga lang, buong gabi rin akong nakipagkwentuhan lang sa kapatid ko. At wala akong natandaan sa mga binasa ko. Haha. Madaling-araw pa ako natulog kaya kulang ang pahinga ko. Mabuti’t hindi ako na-late.

Pagkatapos ng exam, diretso ako ng iskul para magpahinga’t tumambay. Wala lang. Nakaka-miss ang iskul e. Hehe. Nakita ko sina Aiko at Christine na katatapos lang mag-defense. Sakto ang dating ko dahil may buhat-buhat sila at tinulungan ko sila hanggang madala ang mga iyon sa C.R. upang hugasan. Asteg. Tapos, nakipagkwentuhan naman ako kay Hermi. Ang nangyari, ako ang bumangka ng kwentuhan. Kwento ako nang kwento ng tungkol sa kung anu-anong bagay.

Napansin ko, noong Linggo ng gabi at nitong Lunes ng hapon, kwento ako nang kwento. Hmmm… Di kaya epekto ito ng madalas na pagkukulong ko sa bahay? Haha. Mukhang hindi ko namamalayan e naghahanap na pala ako ng makakakwentuhan para maitae ko naman ang mga naiipong kwento sa sarili ko. Haha.

Tuwing gabi naman, lagi akong nakikinig ng radyo. Love Radio. ‘Yong kay Papa Jack. ‘Yong TLC at Wild Confessions niya. Tawa ako nang tawa nang tawa tuwing gabi kapag nakikinig sa kanya. Iyon nga lang, ang hirap tumawa ng malakas (na malakas) kasi tulog na mga tao rito. Makakabulabog ako rito kapag tumawa pa ako ng malakas. Kaya sobrang pigil talaga ang pagtawa ko, at iniipit ko talaga ang boses ko kapag tumatawa para walang makarinig. Isa pa, ang pagsabay ng katawan ko sa pagtawa ay di ko 100% mapigilan. Double-deck higaan namin ng kapatid ko at ako ang nasa taas. Kaya ‘pag tumatawa ako, nayuyugyog ang higaan. Kaya napakahirap talagang tumawa. Pero wala naman akong magawa para lubusang mapigilan ang pagtawa ko kaya ayun, tawa pa rin ako nang tawa kahit walang boses at pilit na pinipigilan ang paghagikgik din ng katawan ko. Haha!

Isa pang bagay na ginagawa ko tuwing gabi e nagsusulat ako o gumuguhit. Minsan nga, patulog na dapat ako. Kaso, hindi pa ako inaantok dahil nasanay na ang sistema ko na matulog ng mga bandang alas-dos ng madaling-araw. Biglang may papasok sa utak ko na magandang kwento at kukulitin ako ng ideyang iyon. Maitatae ko lang ‘yon kapag binuksan ko ang computer at tinipa ko ang kwentong nag-e-LBM sa isipan ko. Hay… Asteg.

Kung may internet lang sa bahay e, marami na sanang ibang napuntahan ang perang ginagamit ko pang-renta ng computer. Mas magiging nocturnal nga lang ‘ata ako. Haha.

Eto pa, dapat noong Sabado ko pa ito na-post kaso walang internet dito sa computer shop. E ayaw ko namang lumipat sa ibang shop kasi: 1) baka mam’ya, mabagal (din), 2) may account dito sa shop na ito, at, 3) nai-load ko na ang pera ko sa account ko. Ito ang kagandahan sa shop na ‘to: mayroon kang account na pwede mong load-an kahit magkano at ang oras mo, kontrolado mo. Tulad nga nitong nangyari na na-load-an ko na ang account ko pero dahil walang internet connection, hindi ko na ginamit pa ang oras ko. Masasayang naman kasi kapag nagpumilit ako e nagtitipid na nga.

Trivia: Noong hayskul pa ako nagko-computer dito sa shop. Ilang taon na rin ang account ko. At kahit nagka-internet kami dati ng smartbobo (na wala na ngayon), hindi pa rin nawala ang account ko todits. Asteg talaga. At isa pa pala, limang piso ang pinakamababang pwede mong i-load sa account mo. Asteg.

Ang reklamo ko lang dito *ehem* ay kung minsan lalo na kapag naka-tsinelas ka lang, mararamdaman mo na may mga gumagapang na ipis sa paa mo. Nakailang beses ko nang naranasan ‘yan. Hay naku. Pero di ko pa rin nirereklamo. Wala lang. ‘Yoko e. Isa pang ayaw ko e maliit lang ang lugar. Gusto ko sana e medyo lumaki ang lugar para ano…para mas masaya. Hehe.

Walang pasok ngayon dahil National Heroes Day. Yey!

Para sa mga bayani ng ating bansa, noon at ngayon, “Saludo ako sa inyo!”

Posted by andoyman at 3:10 pm | permalink

Previous Comments

sobrang daming karandoman nun ah?
hahahaha

nakikinig din ako diyan kay
PapaJack
taena niya
patawa ampotah
hahahahaha

ang daldal mo
pareho tayo
:)

good luck sa papasukan mo
kaya mo yan!
gogogo

Posted by xG at September 1, 2009, 3:08 pm

hehehe, salamat xG. :D katuwa naman…wiii

Posted by andoyman at September 5, 2009, 3:38 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment