kwan. ano. yon. yeh!

Tax sa Text

Saturday, September 12, 2009

Kongresman: Lalagyan natin ng tax ang bawat text. Limang sentimos ang kukunin ng gobyerno para pagkunan ng pondo para sa edukasyon at iba pang proyekto ng pamahalaan. Ano, payag ka ba?

Andoyman: Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Sinong niloloko mo, sarili mo? Nag-iisip ka bang mabuti?

Kongresman: Oo naman. Para sa inyo nga ang batas na—

Andoyman: Utot mo bilog! Maglaho ka na ogag! HINDING-HINDI AKO PAPAYAG DIYAN, SER! At kahit anong gawin mong pasikot-sikot para sabihing hindi sa konsyumer kukunin ang tax na ‘yan, sa amin pa rin ‘yan babagsak, bobo! Kapag itinuloy niyo ‘yan, mawawala ang mga promong unlimited text at call ng mga telecommunication companies. Kaya ang mangyayari, sa amin din babagsak ang dusang dala ng basurang batas na ‘yan, ugok!

Kongresman: Para nga ‘to sa pondo ng edukasyon—

Andoyman: Bakit? Wala na bang pondo ang pamahalaan para sa mga Pilipino? HUWAG KA KASING MAGNAKAW, OGAG! May mga pork barrel naman kayo, ha? Bakit hindi niyo roon kunin ang pondo para sa mga pangangailangan ng bansang ito? Ay teka, alam ko na. HINDI NA KASI KAYO NASISIYAHAN SA LAKI NG PERANG NINANAKAW NINYO SA MGA PILIPINO KAYA GUSTO NIYONG DAGDAGAN PA ANG MGA NANANAKAW NINYO PARA PONDOHAN ANG PAGIGING SAKIM AT GANID NINYO. Tama ako, no?

Kongresman: Hindi ‘yan toto—

Andoyman: ‘Wag ka ng tumanggi, WALANG PUSONG DAMUHO! Basura ka talaga! Salot! Ambait mo talaga!

BRATATATATATATAT!
*Die you blood-sucker!*

Posted by andoyman at 11:48 am | permalink

Previous Comments

tama tama, pag nagkaroon ng tax sa text ang mga consumer din ang mahihirapan, at matagal naman na ang text at matagal ng walang tax, eh kaya naman, yung mga magnanakaw lang talaga sa gobyerno!

Posted by princerence at September 17, 2009, 12:01 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment