kwan. ano. yon. yeh!

KOMIKON 2009

Thursday, October 15, 2009

Hindi na naman ako makakapunta rito. Hay…di bale, siguro sa susunod, makakapunta na rin ako rito. Yeee.

Para sa iba pang mga detalye, punta ka rito http://www.komikon.org/ o sa multiply ni Sir Gerry http://alanguilan.multiply.com/journal/item/164/Komikon_2009_is_INSANE

Posted by andoyman at 1:35 pm | permalink | Add comment

Puro pera

“Each man kills the thing he loves.”
-Oscar Wilde

Puro pera.

Puro tungkol na lang sa pera. Nababanas ako kapag pinoproblema ko ang pera dahil sa kaloob-looban ko, ayaw na ayaw kong problemahin ang pera. At ayaw na ayaw na ayaw na ayaw kong mabuhay para lang kumita ng pera. Importante siya para mabuhay pang-araw-araw pero hindi siya ganoon kahalaga para ibigay mo ang buong buhay mo para rito. Tae ka kapag gano’n.

Naiinis din ako kapag iisipin kong dapat maghanap ako ng trabaho para sa pera. Mahirap eh. Napakahirap.

Alam mo ba ang dahilan kung bakit ako nag-Computer Engineering at hindi Fine Arts ang kinuha ko?

Laging tanong ‘yan sa akin ng mga kaklase ko noon, “E bakit ka nag-Computer Engineering?” At ang lagi kong sagot, “Para makahanap kaagad ng trabaho na malaki ang kita ng pera.” Pero ang totoo talagang dahilan, gusto kong mag-ipon para matupad ko ang pangarap ko. Isa pang maselang dahilan, ang akala ko kapag nag-Fine Arts ako, wala akong makukuhang trabaho na malaki ang kita. ‘Yan. ‘Yan ang walang kakwenta-kwentang dahilan ko.

Walang ibang nakakaalam ng dahilan kong ‘yan. Tanging ako lang. Wala akong pinagsabihang iba. Kahit magulang ko, o kapatid ko, o kahit mga kaibigan ko, o kahit mga kaklase ko. Pero ngayon, isinisigaw ko ang totoong dahilan dahil gusto kong maglabas ng sama ng loob, inis sa sarili, galit sa maling desisyon, at pagluluksa sa kinalabasan ng napakawalang-kwentang desisyon ko sa buhay na ginawa ko apat na taon na ang nakararaan. Bumigay na ang tali sa kaloob-looban ko.

Wala akong tiwala sa pangarap ko. Iyan ang tanging naisip ko nang minsang mapagtanto kong mali pala ang naging desisyong ginawa ko. Isang malaking maling desisyon. Isinuplong ko ang sarili ko sa libingan. Naiinis at naaawa ako sa sarili ko dahil anhilig kong guluhin ang buhay ko. Gusto kong magmura at sigawan ang sarili ko.

Nilakad ko ang isang mahabang daan at natanaw ko ang isang magandang lungsod na may mga nagtataasang gusali. Pinilit kong makarating sa lungsod na ‘yon habang iniisip kung ano kaya kung pinili ko iyong isang daang hindi ko pinagkatiwalaan dahil sa madilim na gubat nito. Tuwang-tuwa ako at narating ko rin sa wakas ang lungsod. Kaso pagkarating ko, tuluyan kong naisip…tuluyang bumalot sa katauhan ko, hindi talaga ito ang gusto ko. Nilabag ko ang sarili ko.

Maaaring sabihin ng iba, e di magtrabaho ka na lang para sa pamilya mo.

Walang masama roon. Gusto ko ring gawin ‘yon. Gusto ko ring isiping iyon na lang ang idahilan ko. O di naman kaya, isipin ko na lang na kailangan kong mag-ipon para sa pangarap ko dahil iyon naman talaga ang balak ko noong una pa lang. Pero pusanggala, anhirap talaga! Paano ko iisipin ang pamilya ko kung ang sarili ko, hindi ko kayang isipin? At paano ko iisiping “kailangan ko lang mag-ipon ng pera para sa pangarap ko” gayong alam kong kahit kailan naman at kahit magkano naman, kaya ko nang simulan ang pangarap ko?

Kasakiman. Kasakiman ba ang pagtupad ng pangarap? Kasakiman ba kung uunahin mong hanapin ang sarili mong kaligayahan? Sa tingin ko, hindi. Paano ka magbibigay ng pagkain at tubig sa iba kung ikaw mismo, wala kang makain at mainom? Bago ka maging “selfless”, dadaan ka muna sa “self”. Susunod na lang ang “less”.

Akala ko, hindi ako magpipiga ng luha sa desisyon ko…akala ko lang pala ‘yon. Inipit ko ang sarili ko sa dalawang pader na ako mismo ang gumawa.

Naguguluhan ako, mas magulo pa kaysa noong nag-aaral pa ako. Iyong limang araw na training ko sa isang kumpanya, isang punto ‘yon kung kailan napagtanto ko ang lahat…kung ano ba talaga ang gusto ko…kung kakayanin ko bang mabuhay araw-araw na ang ginagawa ko ay taliwas sa talagang gusto ng puso ko. Sabi ng nag-interbyu sa akin doon sa isang kumpanya naman, isipin ko na lang daw na nagtatrabaho ako para kumita ng pera. Naisip ko na kaya niya ‘yon sinabi sa akin, bukod sa pampagaan ng loob dahil sa oras ng trabaho roon, ay baka dahil alam niya ang hilig ko base roon sa isinulat ko sa papel noong nag-a-apply ako. Pero mahirap lokohin at lituhin ang sarili mo, lalo na puso mo. Kaya mong baguhin ang iniisip ng utak mo, ngunit hindi mo pwedeng patigilin ang sinasabi ng puso mo. Pwede mo lang huwag pakinggan ngunit ikaw lang din ang mahihirapan sa huli.

Siraulong gago. Self-pity? Oo.

Eh sa hindi ko kayang balewalain at tanggihan ang talagang gusto ko. Nagawa ko nang balewalain ang gusto ko sa loob ng apat na taon dahil ang akala ko noong una, mas makabubuti ‘to para sa sarili ko, sa pamilya ko, sa hinaharap ko, at sa pangarap ko. Tange talaga ako. Dapat noong una pa lang, nagtiwala na ako para hindi na ako nahihirapan ng ganito ngayon. Mas mabuti ng maranasan mo ang hirap habang inaabot mo ang iyong pangarap kaysa danasin mo ang hirap ng hindi mo tinutupad ang gusto mo. Ang pangarap mo ay gusto at kailangan mo. Hindi lang ito “want” kundi “need” din. Ito ang tingin ko.

Ngayon, kailangan kong pangatawanan ang desisyon kong ‘to habang nilalakad ko pabalik ang daang tinahak ko pabalik doon sa isang daang ikinu-compass ng puso ko dahil walang tulay na nagdudugtong sa dalawang magkaibang mundong tinahak at tatahakin ko. “Start from scratch”, ika nga nila.

Posted by andoyman at 1:34 pm | permalink | comments[3]

Solo

Isinali ko ang tulang ‘to sa isang contest ng NBDB. Kaso hindi yata napili…pero sana, masama ito sa compilation nila ng mga tula o kaya naman, mai-paskil ito sa tren. Ayos na ‘yon sa akin.

“Solo”

Di ka nagpaalam nang ako’y umalis
Ang aking ina naman ay tumatangis.
Ganoon din si bunso, pati si bantay,
Umiiyak at ‘di na nakapagba-bye.
Mga huling eksenang tila pandrama
Ang s’yang naiwan dito sa aking diwa.

Dala ang ilang gamit at konting pera,
Heto at kasama ko ang mga madla,
Na tulad kong nag-aabang, naghihintay
Sa treng gumagapang sa bakal nitong gabay.
“Konting tiis, konting hintay” ang sabi ko.
“Makaaalis din sa lugar na ito.”

Ang kan’yang nagliliwanag na mga mata
At ang telenteng ng kan’yang kampanilya,
Ayan na’ng magsusundo sa aming lahat
At maghahatid sa aming mga pangarap.
Siksikan’t unahan pagpasok ng pinto
Tulad sa karera ng mga kabayo.

Nakaupo ako’t kunwa’y umiidlip
Mga luha sa mata’y aking ‘sinilid.
Ang impit ng hikbi’y aking pinigil
O ba’t sitwasyon ko’y napakahilahil!
At asahan kong ‘sanlibong pagdurusa
Ang haharapin ko sa ‘king pag-iisa.

Mga luha sa mata ay nakabitin
At nanlalabo na ang aking paningin.
Mga mahal, sana ako’y patawarin.

At ang pinakatangi-tangi kong hiling
Na sa dulo ng aking lalakbayin, ay
Makikita kong nando’n kayo’t nakatingin,
Nakangiti sa ‘kin’t inyong yayakapin.
Dahil gusto ko pa ring kasama kayo
Hanggang sa pinakadulo ng buhay ko.

Posted by andoyman at 1:32 pm | permalink | Add comment

Flash Drive

Payo sa mga may-ari ng Flash Drive, memory stick ang isa pang term at madalas, USB naman ang tawag, isang maling terminolohiya. Para makaiwas tayo “kaagad” sa virus ang ating mga mahal ng computer o laptop, una) huwag kang palaasa na laging ma-de-detect ng anti-virus mo ang virus/trojan/malware sa tuwing isasaksak mo ang flash drive mo dahil minsan, bobo rin ang mga ‘yan, at pangalawa) gawin mo ito:

1.) Pagkasaksak ng flash drive mo, huwag mong pipindutin ang “Open folder to blah blah” sa Autoplay para hindi ma-activate ang virus/trojan/malware. I-close mo kaagad. Magbukas ka ng command prompt: I-type sa Run Dialog Box ang “cmd” saka mag-Enter. O puntahan mo na lang sa Start>All Programs>Accessories>Command Prompt.
2.) Pagkatapos, i-type mo ang “ <drive letter>: “ sa command prompt. Halimbawa> G: tapos <Enter>. Paano mo malalaman ang drive letter ng flash drive mo? Tignan mo sa My Computer.
3) Sunod mong i-type ang “ dir /a:shr ”. Makakakita ka ng mga listahan diyan. Paano mo malalaman na virus/trojan/malware ang ilan sa nasa listahan? Una, wala kang matatandaan na may file kang nilagay na gano’n sa flash drive mo. Pangalawa, magulo ang filename niya. Halo-halo ang mga letters at numbers. Minsan, may mga salitang “sex” at “scandal” ang filename nito. Madalas ding .exe, .pif, .bat, at .com ang extension name ng virus/trojan/malware. Madalas ding kasama nito ang autorun.inf. Minsan din, nasa loob siya ng RECYCLER o iba pang folder na hindi mo naman alam kung anong laman niyon o paano nagkaroon ng ganoon.
4) Kapag nakita mo na ang mga target mo, i-delete mo na siya sa ganitong paraan: I-type mo ang attrib –s –h –r <filename> tapos <Enter>. Pagkatapos, del <filename> naman ang i-type mo. Ulitin mo ulit sa iba pang salot.
5) Check mo ulit. Para i-check, gawin mo ang Step 3. Kapag wala ka ng nakita, na-delete mo na ang salot. Kapag mayroon, Step 4 naman ang gawin mo.
6) Pagkatapos, gawin mo ulit ang Step 3 pero ang ita-type mo naman ay “ dir “ lang. May mga salot kasi na hindi naka-hidden at hindi naka-system file. Pag may nakita ka uling salot, Step 4 ulit.  
7) Magbukas ka ulit ng Run Dialog Box tapos i-type mo ang regedit. Mag-CTRL+F ka at i-type mo ang filename ng dinelete mong salot. Kapag may nakita ka, i-delete mo ang lahat ng parent folder nito pwera ang folder na may {} at puro numbers. NOTE: Applicable lang ang step na ito kung hindi na-deactive ng salot na matagal ng citizen sa computer/laptop mo ang Run Dialog Box at Regedit. Kapag ganoon, mag-download ka ng NOOB Killer para mabuksan mo ang Registry.
8) Magpa-lechon ka dahil nakapag-delete ka ng salot at hihilingin mo na sana ganoon din sa gobyerno at sa Pilipinas, madaling mag-delete ng salot. Hahahah!

Kung tinatamad ka sa paraang ito, e di mag-shortcut ka gamit ang Folder Options sa Tools. Doon ka mag-unhide, tapos saka mo i-delete ang mga salot. Pero applicable lang ito kung hindi na-deactive ng salot ang Folder Options mo.

Pero kapag tamad na tamad ka talagang gawin ang alinman sa mga paraang ‘to, mag-reformat ka na lang. O suntukin mo ang monitor, ibalibag ang CPU, kainin ang mouse, at ihampas ang keyboard sa ulo mo. Tapos ang problema.

Posted by andoyman at 1:29 pm | permalink | comments[1]

Kowts

In the middle of a storm, a pilgrim reaches an inn and the owner asks where he is going.

“I’m going to the mountains,” he answers.

“Forget it,” says the innkeeper, “it’s a risky climb, and the weather is awful.”

“But I’m going up,” answers the pilgrim, “if my heart gets there first, it will be easy to follow it with my body.”
-Paulo Coelho

Posted by andoyman at 1:28 pm | permalink | Add comment