kwan. ano. yon. yeh!

CNN Hero of the Year: Kuya Ef

Tuesday, November 24, 2009

Asteg! Muli, napatunayan ng isang Pinoy ang kanyang kabayanihan. Bagama’t marami kapwa natin ang ikinahihiya ang pinagmula nilang lahik, marami pa ring kababayan natin ang siyang nagtataas ng layag ng ating bansa: sina Charice Pempengco, Arnel Pineda, lalo pa si Pacquiao at nitong huli nga, si Efren Peñaflorida, Jr.

Isa na naman itong dahilan para ipagpugay natin ang ating bandila at ibandera ang ating lahi sa buong mundo. Gayunpaman, bukod sa pagiging maimpluwensya ng “kariton klasrum” ng DTC o Dynamic Teen Company sa ibang bansa, sana’y maging inspirasyon siya ng lahat ng Pilipino, mayaman man o mahirap, lalake man o babae, mas lalo na sa mga tatakbong Presidente. At sana, mas lumaganap sa buong bansa, gayundin sa buong mundo, ang gintong puso nang tulad kay Kuya Ef.

Mabuhay si Kuya Ef! Mabuhay ang Pilipino!

Asteg!!! Eto, panoorin mo ang video.

Posted by andoyman at 5:18 pm | permalink | Add comment