My First Day
Saturday, January 30, 2010Noong Lunes, galing ako sa isang kumpanya para mag-apply na kinalaunan, nalaman ko na agency pala. Pag-uwi ko sa bahay, pumasok ako sa kwarto, at nagulat sa akin si Mama na noon ay natutulog. Pagkatapos, sinabi niya sa akin, tinatanong daw ng supervisor ko sa pinag-OJT-han ko dati kung pwede ba raw ako sa kanila. Urgent lang.
Pusanggala! Eto na ‘yon! Alangan namang tanggihan ko pa e eto na ang grasya, ang biyaya, ang blessing. May nabasa akong kowt dati kay Pareng Coelho, na ang blessing daw, kapag hindi mo pinansin, nagiging curse.
Ang unang naging reaksyon ko, sobrang windang na windang ako. Hindi ako makapaniwala dahil tuwing nagdadasal ako, marami akong idinadasal, tapos hanggang sa idinadasal ko e maging trabaho ko sana ang pagkokomiks hanggang sa noong Linggo nga ng gabi, idinasal ko na sana magkatrabaho na ako. As in iyon lang talaga idinasal ko. Kinabukasan, ayun na nga! Salamat Lord!!! Sobra!
Kailangan kasi ng supervisor ko ng tutulong sa kaniya para matapos ‘yung tambak na trabaho. Sinabihan siya ng boss na maghanap ng kakilala at buti na lang, ako ang naalala ni ma’m. Hehe.
Tinext ko ‘yung supervisor ko ng isang napakalaking ‘Oo’. Kinabukasan, nagsimula na kaagad ako. Ewan ko. Pakiramdam ko nga, parang OJT pa rin ako e. Hehehe. Ang maganda dito, tipid ako sa pamasahe. Pagkatapos, sa halip na magtraysikel ako, nilalakad ko na lang papuntang opisina dahil una) tipid sa pamasahe at pangalawa) bilang exercise ko na rin. Mga sampung minuto ang lakaran. Aabot ng kinse kapag binagalan ko. Hindi naman ako pawis kapag dumarating sa opisina kasi kalmado at hindi ako nagmamadali.
Noong unang araw ko, bale Martes nga, magaan ang pakiramdam ko. Sa loob ng buong bahay namin, pakiramdam ko ang sobrang kagaanan ng paligid. Maganda pa ang sikat at sinag ng araw noong umagang iyon. Ibang klase. Sa wakas, may trabaho na ako.
Naikwento ko minsan dito na may trabaho na ako nang matanggap ako sa isang kumpanya sa Ortigas. E kaso, hindi pa ako tinatawagan at mukhang malabo o hindi na ako tatawagan kaya parang wala rin. Pero nang mag-text talaga ang supervisor ko, si Ma’m Flo, aaaaaaaaaahhhh…Ansarap sa piiiling(feeling).
Dahil lumipat na sila ng opisina, dumiretso muna ako sa dati at pagkapasok, naghintay muna ako hanggang dumating ang supervisor ko. Kwentuhan muna kami. Kamustahan. Hinihintay kasi namin ‘yung susi para buksan ‘yung bagong opis. Maya-maya, dumating na ang ibang empleyado. Tatlo lang sa naabutan ko dati ang natira. Tatlo lang ang kilala ko at kilala ako. Sina Ma’m Flo, Ma’m Cathy, at si Ma’m Jinkee. May mga bago. Pero ayos lang. Mukhang mababait naman sila e.
Pagdating ng second boss, pumasok muna kami sa lumang opis para maghakot ng iba pang gamit. Unang araw ko, nakihakot ako. Habang tumutulong, natanong ako ni Ma’m Cath kung kailangan ba raw ng dalawang LAN card para sa network at internet connection. Alinlangan akong sumagot na ‘Oo’. Nagulat siya, “Di nga?” Tapos, natanong pa ulit ako kung kaya ko ba raw mag-ayos ng pc. Napa-oo ulit ako ng may pag-aalinlangan. ‘Lang ‘ya, mukhang nilipasan na ako ng pagiging computer engineer ko. Parang nakakainis na nakakahiya na ayos lang. Ewan. Saka na lang ako magka-catch-up.
Pagkatapos, tumulong ako kay Kuya Mack, o ate Mack?, sa paghila niya ng karitela na may mga gamit na nandoon papuntang bagong opis. At pagpasok ko sa opisina, katulad ng dati…ahm…medyo magulo pa rin. Hehe. Pero mas maluwag na.
At maya-maya lang, nagsimula na akong magtrabaho. Mula 13-126 page ng pdf file, kailangan kong ilipat as html. Hwoo! Duguan! Pero ayos lang kasi may mga pang-motivate ako sa sarili ko: 1) ‘yung uwian, 2) makakapagguhit o makakapagsulat ulit ako pag-uwi, at 3) wala na palang pangatlo. Hehe.
Katulad ng dati, akala ko e sasalubungin nila ako nang napaka-engrande. Pero hindi siyempre.
Marami akong natapos na page noong unang araw ko. Mula page 13-104, natapos ko. Hwoo! Ganoon pala sa opis, pagdating kasi ng mga 6, aalis ‘yung pangalawang boss (kasalukuyan noong wala ang main boss dahil out-of-town daw), at pagkaalis, bukasan na sila ng facebook at naglalaro ng farmville, restaurant at kung anu-ano pa. Haha. 14 mins after six ang labas ko noong unang araw. Akala ko pa nga e hanggang five lang ako. Buti na lang, nakinig ako sa boses na nagsabing ituloy ko pa ang ginagawa ko para konti na lang gagawin ko kinabukasan kaya umabot ako ng 6. Hehe.
Ngayon, mga 6:30 na ako umaalis. Gusto ko pa sanang magtagal para sabayan sila sa pag-uwi kaso hindi ko alam kung anong oras sila uuwi. At saka gusto ko rin kasing umuwi ng maaga-aga dahil nagdo-drawing pa ako o di naman kaya, nagsusulat.
Lagi rin akong may baong ulam at kanin kaya pang-dalawang araw ang pansamantala kong baong pera na bigay ng nanay ko na halagang P100. Kapag may datung na ako, ako na siyemps ang bahala sa gastos ko. Sa ngayon din, ayoko munang planuhin ang magiging sahod ko. Basta.
Mas maganda rin at mas maluwag ang opisina namin ngayon di tulad dati na parang laging mabigat ang ulo ko dahil sa masikip na ambiance sa loob. Ngayon, parang maluwag at hindi na bumibigat ang ulo ko. Maganda na rin ang CR.
Ngayon, masaya talaga ako dahil may trabaho na ako. Masaya rin dahil nagtatrabaho ako sa isang lugar na pamilyar ako. Part-time ang alam ko pero sana, full-time na ako.
O yey talaga! Sarap ng pakiramdam na hindi ka na pabigat sa mundo. Hehe. Sa totoo lang, nitong mga nagdaang mga buwan, pakiramdam ko, wasak na ang respeto at bait ko sa sarili ko kahit sabihin pang may pangarap akong gustong abutin. Pero ngayon, harharhar, hindi na ako pabigat! Yey!
PS
Balak kong huwag ng lumipat pa ng ibang kumpanya at hindi na sagutin ang mga tawag o text ng mga pinag-apply-an ko. Dito na ako sa sigurado. Hehe.
PS2
Noong unang araw ko rin, pauwi ako, nasa may estribo na ako ng bus. Siksikan talaga. Nang naniningil na si Manong, hindi niya nagawang singilin ang mga nasa harapan kasama ako lalo’t malapit na ang babaan. E masikip kaya binuksan na namin ang pinto. At tantananan, bumaba na rin ako! Hahaha. Naka-123 ako. Hahaha. Ibang klase sa feeling nang nakaka-123 ka. Magkahalong tuwa at konsensiya ang mararamdaman mo. Tuwa dahil nakatipid ka at konsensiya dahil maiisip mo ang mga anak na pinapakain ng konduktor at tsuper. Pero ala e, pababa na talaga at hindi umabot si manong sa akin. Next time na lang.
PSP
Wala pa akong psp. Bilang lang sa kamay ang beses na nakahawak at nakalaro ako niyan. ‘Damot kasi ng mga kaklase ko. Pero seryoso, nagpapasalamat pa rin ako kay Lord na kahit nitong mga nagdaang buwan e hindi ako natanggap sa trabaho, marami naman akong nalaman at napagtanto sa pagiging tambay at kahahanap ng trabaho. Marami akong napuntahan, nakita, napuna, nakausap, naranasan, at maraming hirap. Naka-ilang interview rin ako at nakailang pabalik-balik sa ilang kumpaniya. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, marami akong natutunan.
At dahil din sa pagiging tambay ko, nakagawa ako ng strips tungkol sa pagiging tambay na ipo-post ko sa mga darating na araw kapag napa-scan ko na. Hehe.
Sakto talaga ang lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ng isang utaw.
Pang-inis
Isang picture na nalimutan kong i-post last year. Ang nasa picture nga pala na binubuhat ng isang Pinoy na sundalo ay ang kaniyang Heneral na ayaw mabasa ang sapatos. Daig pa ng Kanong nasa likuran nila. Tsk!
credits sa kumuha.
Si Bro at Si Santino
At dahil malapit nang matapos ang May Bukas Pa, eto, isang picture kung saan makikita natin si Santino na karga-karga ni Bro. Asteg.
credits sa kumuha.
Daster
Sa paglalakad ko papuntang opisina noong unang araw ko, may nakita akong tatlong ale na nagkukwentuhan/nagtsitsismisan. Lahat sila, naka-daster. Biglang pumasok sa isip ko na kung ang mga dalaga dati e nauuwi sa pagdadaster sa kasalukuyan, ang mga dalaga kaya ngayon, naka-daster din kaya sa hinaharap? O may iba ng damit na uso? Hmm…
Asteg kung makakakita ka ng lola na naka-mini-skirt pa. Hehe.
Kowts
“The moment we stop fighting for each other, that’s the moment we lose our humanity.”
-Adrian (2012)
Old Strips #001-003
Monday, January 25, 2010


strips na ipinasa ko sa publication ng iskul namin pero hindi yata natanggap…hehehe…ito na muna habang naghihintay pa ako ng mag-i-sponsor ng pagpapa-scan ng mga gawa ko…hehe
©andoyman 2010
Computer Shop
Saturday, January 23, 2010“Ano ba talaga kayo?” tanong ng isa mong kaibigan habang nakatambay kayo sa isang klasrum na walang prof at mga estudyante. Tanging mga upuang magulo ang ayos at mga balat ng kendi’t kapirasong mga papel ang inyong mga tagapakinig.
Paulit-ulit ka nilang kinukulit ng mga ganitong tanong tungkol sa inyong dalawa. Subalit panay pagtanggi naman ang iyong ginagawa. Ayaw mong malaman nila ang iyong lihim. Ayaw mong may ibang makaalam tungkol sa tunay mong nararamdaman para sa “kanya”. Mahirap na. Konting singaw lang ng iyong lihim ay maaaring maging isang malaking usok.
“Uy girl, baka naman pinapaasa mo lang siya ha.”
Agad kang sumagot at ipinagtanggol ang iyong sarili, “Hindi ha. At anong pinapaasa? Magkaibigan lang talaga kami.”
“Uyyyy…Defensive,” nakangising panunukso nila sa iyo habang hindi mo mapigilan ang pagmula ng iyong pisngi.
Minsan, naiinis ka na talaga sa kakulitan ng mga kaibigan mo. Naisip mo minsan na tumahimik na lang at i-“silent treatment” sila kapag nagtanong ulit ng ganoon. Kaso, naisip mo ring kung sakaling tatahimik ka lang, sasabihin naman nilang ‘Oo’ ang sagot mo kasi nga, “Silence means yes.” At kapag sumagot ka naman, defensive naman ang sasabihin nila. Sa kanan o kaliwa ka man pumunta, parehas pa rin ang patutunguhan. Iisa lang ang magiging sagot para sa kanila. Kaya nga sinasakyan mo na lang ang mga hirit nila sa tuwing ikaw ang kanilang pinagti-trip-an habang pilit mong itinatago ang lihim mong pag-ibig sa pinakamamahal mong kaibigan.
“Eh, teka. Wala bang pag-asa sa ‘yo ‘yung kaibigan ng bestfriend mo? ‘Yung si Richard? Di ba, gwapo rin ‘yon? Baka ‘yon talaga ang gusto mo, ‘no?” pabiro ngunit mapanuring tanong ng isa mo pang kaibigang abala sa pagkain ng potato chips.
“Uy, hindi ha. Wala akong gusto do’n,” todo-tanggi mo namang sagot. Inilabas mo ang iyong cellphone saka nagsimulang magpipindot at nagbabakasaling maya-maya lang ay hindi ka na nila pagti-trip-an.
“Weh,” tukso ng iyong kaibigan kasabay ang pagkumpas ng kaniyang kamay. “Ang gwapu-gwapo kaya n’on,” pagdagdag pa niya. “Ang balita ko nga, may gusto ‘yon sa ‘yo. Pa’no pala kung ligawan ka n’on? Sasagutin mo ba?”
“Imposibleng ligawan ako n’on ‘no,” medyo inirapan mo ang kaibigan mong iyon. Samantala, patuloy ka pa rin sa pagiging abala kuno sa iyong cellphone. “Grabe kayo mag-isip,” dagdag mo pa kasabay ang pag-iling.
“E kung ligawan ka nga niya, sasagutin mo ba?” nakangising tanong ng isa mo pang kaibigan.
“Hindi,” madiin mong sagot sa kanila kasabay ang paghiling sa mga talang hindi nakikita tuwing umaga na sana ay tumigil na sila sa kakukulit sa iyo. Iniwas mo ang tingin mo sa kanila. Para sa ‘yo, halata naman na siguro sa iyong mga mata’t ikinikilos ang pagkairita mo sa mga pangungulit nila.
“’Hindi’ kasi nga, mas gusto mo si bestfriend!” sabay-sabay nilang sabi kasunod ang nakakatuyang halakhak. Dinig na dinig mo ang kanilang pagtawa na umalingawngaw sa apat na sulok ng klasrum.
Mas lalo kang namula at nainis sa kanila. Gusto mo silang iwan pero hindi mo ginawa at baka kung ano pa ang isipin nila. Tumahimik ka na lang at nagpakitang naiinis. Ilang minutong hindi mo sila pinansin kahit makailang ulit nilang tinawag ang iyong pangalan. Naramdaman naman nilang pikon ka na kaya agad ka nilang sinuyo at humingi ng tawad. Pagkatapos, tumayo kayong lima sa upuan at lumabas ng room patungo sa kainan sa labas at sabay-sabay tumawa, nagkwentuhan, at nag-o-krayan.
***
*Dominating!*
Maingay. Medyo masikip. At puno ng estudyante ang suki ninyong computer shop. Siksikan ang mga nasa loob ng shop. Bawat computer ay may gumagamit. Marami rin ang nakatayo’t nanonood ng laro. Mangilan-ilan naman ang mga nag-i-internet o gumagawa ng assignment o nagre-research. At yamot na yamot naman ang lalakeng nagbabantay sa shop. Halos isang oras pa ang hihintayin bago magsimula ang susunod niyong subject. Napapangisi ka dahil maganda ang laro mo ngayon. Wala ka pang patay. Ikaw ang nangungunang player. Taob silang lahat sa ‘yo.
“Aba! Anganda ‘ata ng laro mo ngayon, ah,” puna ng isa mong kaibigan habang pilit niyang pinapatay ang hero mo. Ngumiti ka lang at nagawa mong i-kill ang hero niya. Napamura na lang ang kaibigan mo pagkatapos.
“Hoy! May assignment na ba kayo?” tanong ng isa mo pang kaibigang abala rin sa paglalaro.
Sumagot ang katabi mo, “Wala pa. Teka, sino na ba’ng may assigment diyan? Pakopya naman mam’ya.”
Agad namang tumugon si Richard na may halong pagyayabang, “Sure.” Nakaupo siya sa kabilang hilera katapat mo.
“May assignment ka na Richard?!” pagkagulat ng katabi niya kasabay mapatay ang kaniyang hero.
“Oo. Kakokopya ko lang kanina e. Teka lang… Pusanggala! Putik! Waaa— Deds. Anlakas mo ngayon, ah,” pagpuri niya sa ‘yo matapos mong matalo ang hero niya.
*Godlike!*
“Hehehe. Wala e. Gano’n talaga. Weak kasi kayo e,” buong yabang mong sabi kasabay ang pagkibit-balikat. Minura ka ng iba niyong kaibigan sa kayabangan mo na tinanggap mo naman sa pagtawa. Ganoon talaga sa magkakabarkada, nagmumurahan.
“Yabang,” pang-aasar naman sa iyo ni Richard. Tumawa kayo. Pagkatapos, nanahimik kayong magkakabarkada. Nag-concentrate kayo sa paglalaro. Medyo matagal bago muling nagsalita si Richard. “P’re, girlfriend mo na ba ang bestfriend mo?”
Nagulat ka sa kanyang tanong. Biglang nawala ang konsentrasyon mo sa paglalaro. Bakit niya naman biglang naitanong iyon, reklamo mo sa iyong sarili. Ayaw mo sanang sumagot pero sumagot ka pa rin nang patanong kahit medyo naiirita ka, “H-ha? Bakit mo naman naitanong?”
“Wala lang. Parang gf mo na kasi siya sa sobrang close niyo e.” Napalunok ka sa iyong mga narinig.
“Oo nga. Nagseselos na kasi sa inyo si Mokong e,” sabat ng katabi niya. “Utot mo,” pagtanggi ni Richard.
“Torpe kasi! Haha! Palibhasa, UB! Urong-bayag! Hahaha!” sabat naman ng katabi mo. “Mga gago,” naaasiwang tugon ni Richard sa mga nagtatawanan ninyong kaibigan.
“H-haha. Magkaibigan lang kami, ‘no ka ba? Bestfriend lang tingin ko sa kanya,” sabi mo na may halong konting nginig sa iyong boses. Parang alam mo na ang mga susunod niyang sasabihin at ayaw mo nang marinig pa. Gusto mong takpan ang dalawa mong tenga. O kundi man, putulin ang dila ni Richard para hindi na niya ituloy pa ang sasabihin niya. Naiinis ka at napunta sa “kanya” ang usapan. Ayaw mo kasing pinag-uusapan ang kung anumang meron sa inyong dalawa dahil mas nahihirapan ka lang ikubli ang tunay mong nararamdaman para sa iyong pinakamamahal na kaibigan.
“Ah, gano’n ba? ‘Tol, ayos lang bang magpatulong ako sa ‘yong manligaw? Balak ko kasing ligawan siya e. Tutal, bestfriend mo naman siya…” Nagpatuloy pa siya sa pagsasalita subalit hindi mo na naririnig ang mga sinasabi niya. Sa isang iglap, nilamon ka ng nakakahilong kumunoy at nawalan ka ng lakas para makaalis sa pesteng sitwasyong iyon.
Sasagot ka ba o hindi? Kumabog ang dibdib mo tulad sa mga nagtatalunang dambuhalang alon sa binabagyong karagatan. Pinagpawisan ka ng malamig bagama’t medyo mainit sa lugar ninyo. Parang mga tanong sa isang exam na hindi mo alam ang sagot at sa ilang saglit lang ay dapat ng ipasa. Kailangang may makopyahan kang sagot pero wala kang mapagkuhanan. Wala ka ring kodigo para sa mga ganitong klase ng sitwasyon. Gusto mong putulin sa timeline ng buhay mo ang mga sandaling iyon. Natuliro ka. “Ano ang isasagot ko?” naguguluhang tanong mo sa iyong sarili. Mabilis na naging pula ang buhay ng hero mo hanggang sa…
*Our champion has fallen!*
“HAHAHAHA!!! Deds ka ngayon!” tuwang-tuwa si Richard na parang nanalo sa lotto nang mapatay niya ang hero mo. Ngumiti ka na lang at hindi nagpahalata ng iyong pagkatuliro at pagkailang. Gusto mo nang tumayo at umalis at iwan sila ngunit hindi mo pwedeng gawin. Baka kasi kung ano pa ang isipin nila kapag ginawa mo iyon kaya minabuti mo na lang na tumahimik.
Nanigas ang buo mong katawan ng muli siyang nagtanong sa iyo: “Ano ‘tol? Ayos lang ba sa ‘yo?”
Geisha-kto

Nakita ko ‘to sa blog ni Sir Coelho. Asteg. Hehe. Sana magkaroon at mabasa ko rin ang aklat na ‘yan. Yeah.
Kowts
“Mans conquest of the world should be based on an act of altruism, instead of on dominance, aggression and a notion on ruling cosmos out of a selfish desire.”
-Nikolai Fedorovich Fedorov.
Wala lang: #08
Thursday, January 21, 2010Hindi dapat ito ang iniisip ko pero ito ang unang nag-log-in sa utak ko. May dala kasing blu-ray disc kuno ang kapatid ko galing sa kaklase niya. Avatar ang picture sa disc at talagang may logo pa ng blu-ray disc. Nang makita ko ang disc, isang makatanggal-pangang halakhak ang una kong reaksyon. Biruin mo nga naman. Talagang gustong kumita ng mga namimirata at hinding-hindi rin sila magpapahuli sa mabilis na takbo ng teknolohiya.
Walang’ya! Blu-ray disc? Mura mo lang mabibili sa tabi-tabi? Isang disc na nagkakahalaga ng libo-libo, kasing mura na lang ng piratang dvd? Hwahahahahaha! Anak naman ng ano talaga o! Baka nga mas mahal pa ‘to kesa sa dvd lang e…kahit nilagyan lang ng logo ng blu-ray disc. Haha! Sa araw na ‘to, dalawang bagay ang nagpahalakhak sa akin ng sobrang tindi!
Una e ‘yung balita sa TV, sa may Boto Mo I-Patrol Mo segment, kung saan ibinalita ng isang boto patroller ang mga banner at streamers na walang hiyang ipinangangalandakan ng mga walang kasingtulad sa kapalmuks na mga pulitiko. Ang hindi ko nakayanan at nagdulot sa akin na tumawa tulad ni Bertong Badtrip e ‘yung isang pulitikong namimigay ng libreng PANTYLINER na may mukha niyang naroon. Pusanggala! HWAHAHAHAHAHAHAHA!!! Pantyliner! Walang kasing tulad ang ka-ibang-dimension-an ng pagkakapal ng mukha niya! Ang sagwa! Sobra! Biruin mo ‘yun kung babae ka, ang gagamitin mong pantyliner e ‘yung may mukha ng pulitiko! Hwahahahaha! Anak ng ano talaga…!!!
Tapos eto naman, dvd na naging instant blu-ray disc dahil lang sa logo nito. HAAAAAAHAHAHAHAHAHA!!! Anakanamanng…
Buweno, maiba naman tayo.
Nasa disc kasi na iyon ‘yung gustung-gustong panoorin ng kapatid ko na Paranormal Activity. Kaya kahit walang sounds – kasi nga, baka marinig ng mga magulang namin na gising pa siya gayong 7:30 pa ng umaga ang pasok niya kinabukasan – e pinagtiyagaan naming pahapyaw na panoorin ang kabuuan ng pelikula.
Labas ang pagiging mute ng sounds, sabi ng kapatid ko e nakakaantok daw talaga at tama raw ako.
Kung tutuusin naman kasi, halos lahat na siguro ng horror/suspense na pelikula e malamang na madalas tahimik ang bawat eksena bago may bumulagang aswang, bampira, nasaksak, pugot na ulo o kung anupamang pantakot sa manonood. Biruin mo ‘yun, parang ibinalik ka lang sa panahon dati kung kelan patok pa ang mga silent movies ni Charlie Chaplin. Ang ipinagkaiba na nga lang, nananakot na ang intensiyon ng pinapanood mo.
Ngayon, kapag nanonood tayo ng mga ganyang klase ng pelikula, may dalawang bagay na maaaring dumating sa utak natin. Una) mag-aabang ka at maghihintay kung anong bagay ang bubulaga sa’yo para biglain at takutin ka. O kung hindi naman, pangungunahan ka muna ng antok hanggang sa makatulog ka bago mo makita ang mga nakakatakot na eksena.
Lalo na ‘yung mga katatakutan na pelikula sa Asya, talagang lahat yata e paaantukin ka muna bago mo makita ang nakakatakot na eksena. Sa buong pelikula, siguro mga ilang page lang ang linya ng bawat karakter, ibawas mo na ang mga dialouge na “Aaaaargh!” at “Bulaga!”
‘Yung The Grudge, The Reincarnation, Premonition, The Ring(Kano bersyon), at iba pang horror/suspense movie na napanood ko e pwedeng isuma na lahat ng iyon as silent movie dahil sa sobrang tahimik.
Pero bakit nga kaya nanonood tayo ng mga ganitong klase ng palabas para lang takutin at paatikihin ang ating mga puso? Hehe.
Siyempre, hindi mawawala ang Shake, Rattle and Roll na madalas na ipinapalabas sa TV tuwing malapit na ang Nobyembre. Pinapanood namin ng kapatid ko ang mga ‘yon. Naalala ko pa ang Dracula na hinahabol sina Manilyn Reynes at iyong isang batang kasama niya. Pati ‘yung maligno na lumalabas sa inidoro. At saka ‘yung manananggal na si Aiko Melendez. May isang eksena na kailangan niyang magtanggal ng damit upang magpahid ng mantika este langis sa kaniyang katawan para maging manananggal. Pero hindi ko napanood ng magtanggal ng damit si Aiko dahil tinakpan ng magulang ko ang mga mata ko.
May isang picture pala ako rito na kasama si Aiko Melendez. Pero hindi sa Shake, Rattle and Roll kundi Batang-X. Paborito ko kaya ‘to noong bata pa ako. Napanood ko rin ang pelikula nito. Hwahehehe. Elibs na elibs talaga ako sa mga bida noon e. Hehe.
Hindi rin mawawala ‘yung pelikulang Anak ni Janice kung saan tungkol sa anak niyang tiyanak ang kwento. Tapos nandiyan din ‘yung babae sa banga. Doon talaga, takot na takot ako. Umaga o hapon ko ‘yon napanood e. Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Naka-fetus style ang upo ko habang pinapanood ang palabas. At mag-isa lang ako noon…kung hindi nagkakamali ang memorya ko. Higit sa lahat, hinding-hindi mawawala sa ala-ala ko ang Petrang Kabayo ni Roderick Paulate na hindi naman horror kundi comedy. Pero, may connection pa rin naman kasi di ba kabayo ang tikbalang? Hwahehehe. Ang korni ko.
Siguro kung tatanungin mo ako kung ano ang paborito kong horror movie, sasabihin kong ang The Exorcism of Emily Rose ang pinakagusto ko. Basta. Ang galing din kasing gumanap ng bida. Ang galing niyang sumigaw nang napakalakas para lang i-portray ang nasasanibang si Emily Rose. Tapos ‘yung acting niya talaga, elibs na elibs ako. Lalo na ‘yung isang eksena sa may kuwadra ng mga kabayo tapos umuulan pa. Sa bawat sigaw niya, ako ang sumasakit ang ngala-ngala. Mas lalo noong sumigaw siya nang napakahaba, iyon talaga, magkahalong paninindig ng balahibo at pagkamangha ang naramdaman ko. Pati ‘yung tinatanong siya ng pari kung sino siya tapos ang isinagot niya e, “1-2-3-4-5-6.” Ang galing talaga. Sayang nga lang, hindi naisip itanong ng pari kay Emily kung ano ang susunod sa 6 at baka hindi niya alam. Hwahehehe. Para naman may comedy.
Pari: Who dwells within you?
Emily: 1-2-3-4-5-6!
Pari: I command you! Tell me who dwells within you?
Emily: 1-2-3-4-5-6!
Pari: What number follows six?
Emily: Ahm…Eight? Aaaargh! I don’t know!!!
Ayun. Pahapyaw nga naming natapos ng kapatid ko ang Paranormal Activity. Habang pinapanood namin ‘yan, kung anu-ano naman ang ihinihirit ko kaya natatawa naman siya. Pero hindi talaga nagandahan ang kapatid ko sa palabas. Parang may hinahanap kasi siya na naikwento sa kaniya ng kaibigan niya na hindi niya napanood. Marahil, nasama ‘yon sa mga nilaktawan naming eksena.
Hmm. Horror ba ang The Saw at mga palabas tulad n’on? Hindi pa kasi ako nakakapanood ng pelikulang gano’n e. At wala akong balak manood ng mga ganoong klase ng pelikula kung saan mahigit isang oras kang makakakita ng mga taong naghihiwaan at nagtatadtaran. Give me a break! E ano ngayon kung magtatadran sila d’yan? Ano ang kwento? Nasaan ang kwento? Psssh! Hindi talaga ako manonood niyan. (Ikaw: Hwuuuu! Takot ka lang e! Weheheheh! Takot ka lang talaga kaya ayaw mong panoorin! Hahahaha!) Well…ahm…isama mo na rin ‘yon. Hehe.
‘Yung The Ring naman, bale sa Japanese version, hindi pa ako nakakapanood at gusto ko talagang makapanood n’on. Pati ‘yung The Shutter at iba pa. May isa rin akong napanood na isang horror (yata) na pelikula na gawa ng Thailand. In fairness, anganda ng kwento. Hindi talaga siya nakakatakot. Sobrang nakakaaliw at nakakatawa pa nga ang palabas. Tuwing naaalala ko ‘yun, laging una kong nagugunita e ‘yung minsan magtawag sila ng mga multo.
May isa kasing tradisyon sa kanila na para makatawag ka ng multo, kailangang nasa pagitan ka ng dalawang kalyeng magkasalubong. Tapos, dapat may dala kang mangkok at may lamang pagkain. Saka niyo tutuktukin ng chopsticks. E kaso, ‘yung lalake na siyang unang nakakita ng multo, takot na takot. Kaya napabilis ang pagtuktuk niya sa mangkok hanggang sa…mabasag iyon. Kaso, bawal tumigil sa pagtuktok kaya nakituktuk na lang siya sa mangkok ng katabi niya. Ang problema, palapit nang palapit sa kaniya ang mga multo kaya mas lalo siyang natatakot. At dahil mas lalo siyang natatakot, mas lumalakas at bumibilis ang pagtuktuk niya sa mangkok hanggang sa…mabasag ulit ‘yon. Patay na. Pero nakaisip pa rin siya ng paraan para ipagpatuloy ang pagtuktuk sa kabila ng sobrang takot niya. Ang naisip niyang gawin, ituktuk niya ang kaniyang mga chopsticks sa kaniyang ngipin habang hindi mapigilan ang pagnguwa niya sa sobrang takot.
Hindi pa rin pala ako nakakapanood ng Feng Shui ni Kris Aquino pero ‘yung Sukob niya na kasama niya si Claudine, napanood ko. Nang matapos ang pelikula, nasabi kong, “’Yun na ‘yun?” Pero medyo ayos pa rin naman ang ending.
Dahil na-save ko naman na ang buong laman ng dvd sa pc, panonoorin ko na lang din ang iba pang pelikula. Kasama na roon ang New Moon, 2012, at hmm… At sana, balang araw, kung hindi man sa sinehan ako makakapanood ng pelikula ulit, e makabili man lang ako ng original para hindi na ako mabanas sa video quality ng mga pirata.
Ang Binhi
Saturday, January 16, 2010“Guro, ang sabi po ng isa kong kaklase, mas importante raw ang pagtupad sa pangarap. Ang isa naman, ang paghahanap ng sarili mong kaligayahan. At iyong isa naman po, mas mahalaga raw ang pagtulong sa kapwa. Naguguluhan po ako. Alin po ba sa mga ‘yun ang talagang mahalaga?” tanong ng Estudyante sa Guro.
“Bago ko sagutin ‘yan, hayaan mong kwentuhan kita ng isang maikling kwento. Isang kwentong ipinasa-pasa sa bawat henerasyon.” Parehas silang umupo sa luntiang damuhan sa tabi ng isang matandang puno na tanyag sa kanilang lugar dahil sa masasarap nitong mga bunga at mga luntiang dahon, matitibay na mga sanga at malawak na lilim, sa mga kwento at alamat noong unang panahon, at mga lihim at karunungan ng mundo.
“Minsan may isang binhi na hindi alam kung ano ang nararapat niyang gawin. Hindi nagtagal, may lumapit na isang tao. Sa kanyang itsura at tindig, nakilala ng binhi na iyon ang Pantas. Tinanong niya ang Pantas kung ano ang nararapat niyang gawin. Kinuha ng Pantas ang binhi at sa di kalayuan, ito’y kanyang itinanim. Noong una, hindi maintindihan ng binhi ang ginawa ng Pantas. Dumaan ang mga araw, nagkaroon siya ng mga ugat, tumubo ang kanyang tangkay at nagkaroon siya ng mga dahon. Siya ay nabigla at natuwa na mayroon pala siyang ganoong kakayahan. Bagama’t pakiramdam niya, hindi iyon sapat upang punan ang nararamdaman niyang kakulangan. Ilang araw muna ang dumaan bago siya binalikan ng Pantas.
“Nagtanong siyang muli kung bakit siya itinanim. Sumagot ang Pantas, ‘Upang ikaw ay maging puno. Ikaw ay naging binhi upang maging isang puno. Iyan ang ipinagkaloob sa iyo.’
“‘Ngunit hindi ko ‘yon kaya. Imposible iyon mangyari. Masyado akong maliit para maging isang puno,’ pagtutol ng binhi na ngayo’y isa ng maliit na halaman.
“‘Hindi ka naging binhi kung hindi mo kayang maging puno. Magtiwala ka lang sa iyong puso at sa nagbigay niyan sa iyo,’ sagot ng Pantas saka siya nagpaalam na umalis. Bitbit ang tiwalang ibinigay ng Pantas, nagkaroon siya ng lakas ng loob upang maging isang puno balang-araw. Sa gitna ng matitinding bayo ng hangin, sa malalakas na bagsak ng ulan, sa malalamig na gabi, at sa tindi ng sikat ng araw, naroon pa rin siya’t nakatayo. Patuloy na lumalaki hanggang siya’y maging isang puno.
“Siya’y tuwang-tuwa at punung-puno ng kagalakan ang kanyang puso. Hindi makapaniwalang ang dating maliit na binhi, ngayon ay isa ng malaking puno. Namunga siya ng prutas na walang kahalintulad sa sarap at nutrisyon. Subalit sa kabila ng lahat ng ito, nakadarama pa rin siya ng kalungkutan.
“Makalipas ang ilang taong hindi nila pagkikita, dumating ang Pantas upang siya’y kumustahin.
“Ikinuwento niya ang kanyang mga pinagdaanan: mga bagyo’t tag-init na kanyang nalagpasan, mga pagsubok at paghihirap sa bawat araw na dumaan, at makailang ulit na pagsuko at pagtayo. Ibinahagi din niya ang kanyang kaligayahan nang siya’y maging isang puno. Ipinagmalaki niya ang kanyang mga naggagandahang dahon, at mga masasarap niyang bunga. Ipinakita rin niya kung gaano siya naging katatag sa lahat ng pagsubok at kung paano siya nagtiwala sa kanyang puso. At naibulalas din niya ang kalungkutang nagtatago sa kanyang anino.
“‘Ngayon, isa na akong puno,’ buong puso niyang pagmamalaki. ‘May matitibay na mga sanga, mga magagandang luntiang dahon, malawak na lilim, at masasarap na mga bunga. Ngunit sa kabila ng kaligayahang nadarama ko ngayon, aanhin ko ang lahat ng ito kung wala namang makikinabang? Aanhin ko ang tagumpay sa pagtupad ng pangarap kung ako lang mag-isa ang babahagi sa kaligayahan kong ito? Para saan pa ang kaligayahang aking nadarama kung wala akong mga kasama?’ pag-iyak ng puno. Ang kanyang daing ay narinig ng hangin na nagpalamig sa kanya; ng araw na nagpa-init sa kanya; ng lupa na kanyang naging suporta; at ng tubig na sa kanya’y dumidilig. Gusto man nila siyang tulungan ngunit hindi nila alam ang kanilang gagawin. Naramdaman din ng Pantas ang luha ng puno na bagama’t sa kanyang kalakihan at kagandahan, nagkukubli pa rin ang kulungkutan.
“Umalis ang Pantas. Samantala, malungkot namang naiwan ang puno sa pag-aakalang wala na itong maisasagot pa sa kalungkutang kaniyang dinadala.
“Ngunit siya pala’y nagkakamali. Ilang oras lang ang lumipas, bumalik din ang Pantas…ng may iba pang mga kasama. Mga bata’t matanda, lalake’t babae, mga ibon at hayop, bawat isa’y nakangiti at masayang tinatahak ang kaniyang lugar. Dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa kanyang puso. Nakaramdam siya ng kakaibang init sa kanyang kalooban. Malugod niyang sinalubong ang lahat.
“Tiningala ng Pantas ang puno at nakangiting nagsalita, ‘Natutuwa akong hinanap mo ang iyong pangarap at sarili. Ikaw ay nagtiwala sa pangarap mong ito at sa iyong puso, at napagtagumpayan mo itong tuparin. Dahil dito, natagpuan mo ang sarili mong kaligayahan. At mas natutuwa ako na ang kaligayahan mong ito ay hindi mo sinarili. Ito ay malugod mong ibinahagi sa iba. Ang tawag sa nararamdaman mo ngayon diyan sa loob ng iyong puso…ay pagmamahal. Masaya akong mula sa iyong paghahanap ay nahanap mo ang iyong pangarap. At ang pangarap mong ito ay iyong natupad. Natanggap mo ang sarili mong kaligayahan at ibinahagi sa iba. Natuto kang magmahal. Masaya ako para sa iyo.’
“Taos-pusong nagpasalamat ang puno. Magmula noon, hindi na nawala ang ngiti sa kanyang puso at ang kanyang kwento ay naging kilala sa buong mundo.”
Wala lang: #07
Kung hindi ako nagkakamali, sa araw ng Pasko noong nakaraang taon lang tuluyang bumigay ang ribbon ng sliding phone ko. Tanging ang ‘down’ at panggitnang button n’on ang gumagana, ta’s natuluyan pa. Sa ngayon, hindi ko na talaga magamit ang cellphone ko kahit ano ang gawin ko. Wala namang problema sa keypad pero ang D-pad niya – kung tama ang pangalang tawag doon – ay wala na talaga. Mabuti na lang din at hindi ang lcd nito ang nasira.
Ang pinakaunang cellphone na dumating todits sa amin e Nokia 3210. Hindi pa iyon colored at malaki pa. Buhay pa ‘yon hanggang ngayon. Baterya lang ang problema. Tandang-tanda ko pa kung paano kaming dalawa ng kapatid ko natuwa nang makahawak na kami ng cellphone. Sa totoo lang, noong panahon na sumulpot ‘yan, hindi ko pa ramdam ang pagdating niyan at wala pa akong pakialam kung may cellphone man o wala ang isang tao.
Ang unang beses na nakakita yata ako ng cellphone e noong first year highschool ako. May isang nagdala ng gano’n sa iskul at hiniram iyon ng kaklase ko. Kaklase namin siya noong elementary pa kami pero huminto siya’t bumalik uli dahil madalas hindi pumapasok sa klase. Mayaman ang tao na ‘yon kaya afford na afford niyon ang mga ganoong klase ng gadget.
Natatandaan ko pa nang ipahawak iyon sa akin at tanungin ako ng nanghiram kong kaklase kung paano raw i-a-unlock ang keypad n’yon. At dahil unang beses makahawak ang taong batong tulad ko ng mga ganoong klase ng bagay, namangha ako dahil pindot ako ng pindot pero hindi ko na-a-unlock. Daig ko pa ang batang nakakita ng lumulubong sipon nang makita ko kung paano niya na-unlock ang cellphone na iyon. Nokia 3310 yata ‘yon kung hindi ako nagkakamali. At dahil hindi gumagana ang utak ko kapag manghang-mangha ako, hindi ko na-gets ang direksiyon kung paano i-a-unlock ang keypad ng cellphone. Nang ipinaulit ko sa kaniya, bigla na lang siyang nawala. Naiwan na lang akong nakatanga roon at tumutulo ang laway.
Naiinggit pa nga ako sa kaniya dahil nakakalaro siya ng snake.
Nang dumating ang 3210 sa bahay, ang una kong ginawa kung hindi ako nagkakamali ng pagkakatanda e kung paano i-unlock at i-lock ang keypad. Ang yabang ko nang magawa ko ‘yon. At siyempre, ang pinaka-in pa noong mga panahon na ‘yon, naglaro kaagad ako ng snake! Hwaha! Asteg. Hindi man lang ako makahaba-haba ng snake. Salitan kami ng kapatid ko kapag naglalaro. Siguro mga ilang buwan din ang itinagal ng pagkahilig namin doon sa larong iyon bago kami natauhan na nakakabagot din pala ang simpleng snake na iyon. Napag-trip-an din namin ang memory game pero di sing-tagal tulad sa snake.
May dalawang libo ako at isang libo naman sa kapatid ko nang may nag-alok sa nanay namin ng 3310 na cellphone. Binili namin iyon at voila! May cellphone na kami. Antagal din n’on dahil hanggang college ang cellphone na ‘yon. Kaming dalawa ng kapatid ko ang gumagamit at madalas din kaming maglaro lalo na ‘yung isang game na parang Galaga. Naadik talaga ako sa larong ‘yon.
At pati sa mga textmate-textmate na ‘yan, naadik din ako. Madalas akong magtext noon para lang maghanap ng mga maaaring ka-textmate. Marami rin akong naka-text at ang ilan sa kanila e naging kaibigan ko. Sarap na sarap pa ako noon na madalas laging may ‘1 text message received’ sa screen ng cellphone ko (siyanga pala, ako ang madalas gumagamit at nagdadala ng cellphone…hehe). Madalas din siyempre akong magpa-load dahil hindi pa naman uso ang unlimited noon. Madalas, sinusulit ko ang piso sa paraang magte-text ako sa maraming tao hanggang may lumabas sa screen ng ‘Check Operator Services’. Dati nagagawa ko ‘yon pero ngayon, hindi na.
Naadik din ako sa pagbili ng mga bagong sim para may bagong number ulit. Nadaanan ko ang Smart, Globe, Talk ‘n Text at Sun. TM na lang ang hindi pa. Pati Red Mobile. Nakapulot din ako minsan ng sim at itinago ko ‘yon sa pitaka ko. Nandirito pa rin yata ‘yon sa akin. At minsan din, kapag ang ite-text ko e ibang network, bibili agad ako ng sim na kapareho ng network niya. Dalawang beses nangyari ito at ito ay noong may nililigawan ako. Ang dalawang babaeng iyon ang nag-udyok sa akin na bumili ng sim ng Globe kahit naka-Smart na ako. Pero basted ang kinahinatnan n’yon.
Hindi ko alam kung anong ispiritu o kaluluwa ang pumapasok sa akin pero gustung-gusto ko talaga noon ang mag-text nang mag-text. Kahit pagod o stress, pipindot at pipindutin ko ang keypad ng cellphone ko at maghahanap ng ka-text. Ang madalas na problema ko lang kapag sa text, bukod sa minsan o madalas e delayed ang pagse-send ng messages mo, ay ang pag-iisip kung ano ang susunod na topic na pwedeng pagkwentuhan. Ewan ko ba pero hirap na hirap ako na dugtungan ang nasimulang pag-uusap sa cellphone. Lalo na habang nagre-review ka. At mas lalo rin kapag may nililigawan ako.
Andaming kalokohan ng tao sa text. Isama mo riyan ang pagpapasa ng mga kowts at susundan pa ng sinabi raw ‘to ni ganito kahit hindi naman, mga walang kamatayang chain text, mga ‘Hi! Cn u b my txtm8?’, mga mensaheng namatay na raw si ganito dahil sa ano kahit hindi naman totoo, mga panlolokong nanalo ka raw ng P1,000,000 pero bago mo makuha e magbabayad ka muna ng P50,000, mga peke at totoong death threat, mga biro’t panlolokong hindi na nakakatawa at nakakaabala na sa takbo ng buhay ng mga mamamayan, mga GM message na kahit hindi naman importante ang sasabihin, at iba pang iresponsableng mga mensaheng itini-text at ikinakalat ng bawat Noyping may cellphone. Madalas din ang mga hirit sa text na “Uy, papasa-load naman
”. (Oo, ginagawa ko ‘yon ilang beses na.)
Pero mas lumala pa ang mga kalokohan natin nang magkaroon ng camera at video cam ang mga cellphone. Hindi ko na kailangang banggitin ang mga napakabilis na kumalat na sex video. Lalo na ang KHHK1 virus na mas laganap pa kesa sa A(H1N1). Kung hindi nangati at lumandi ang babaeng sangkot doon at isang pervert2x ang doktor na ‘yon, e di wala sana silang sex video na pinagkaguluhan ng buong bayan at naging laman ng mga radio, tv, at pahayagan at pati mga t-shirt at text jokes.
Naalala ko ang isang video na napanood ko. Lihim na kinuhanan ang isa naming lalakeng kaklase habang nagbibihis sa may cubicle. Nang makita niya na kinuhanan na siya, agad na natigil ang pag-re-record ng video. At nalaman ko na lang na wala na siya sa iskul. Pero hindi ko alam kung isa ba ‘yon sa mga dahilan kung bakit lumipat siya ng ibang kolehiyo. Marahil, napahiya siya sobra lalo’t ikinalat pa yata ng mga kumuha ang bidyo niya.
May mga radio’t music player na rin ang mga cellphone kaya pwedeng-pwedeng mo nang bingiin ang iyong mga tenga. Ta’s ngayon, mga smart phone na. Pwede ka ng mag-internet. May 3G pa at GPRS. Sa malapit na hinaharap, kakailanganin mo ng mag-deodorant at mag-mouthwash para hindi maamoy ng kausap mo sa phone ang baho ng kili-kili at hininga mo.
Anong nangyari sa 3310 namin? Minsan, habang naglalakad ako sa ilalim ng LRT 2, bale madilim doon at halatang maraming snatcher, kasalukuyan ko noon iniisip ang nililigawan ko. Nang mapunta ako sa isang tindahan ng burger malapit sa may sakayan ng mga provincial bus, nagulat ako dahil nakabukas ang zipper ng pantaas na bulsa ng backpack ko. At nakita ko sa loob na wala na ang de-pukpok at de-alog kong 3310 na cellphone. Medyo bago pa naman ang housing n’on. Binalikan ko lahat ng nilakaran ko pero wala talaga akong nakitang 3310 sa daan. Nang mga panahong iyon, hindi ko alam kung iiyak ako dahil nawala ang cellphone namin o tatawa ako dahil parang na-Wow-Mali ang dumugas ng de-pukpok at de-alog naming cellphone. Mabuti na lang at hindi ang wallet ko ang dinugas. Aba! Mahirap na! Nandoon ang pera ko pati picture ko! Baka ikalat pa ang retrato ko ‘pag gano’n!
Isang Disyembre, sa halip na digicam ang bibilhin namin ng nanay ko e isang cellphone na lang na may camera ang binili namin dahil una) may cellphone na ulit ako at pangalawa) may camera na kaming gagamitin para sa mga okasyon.
Nagamit ko ‘yon noon sa Star City, sa field trip namin nitong college, sa iskul, sa bahay, at sa iba pang lugar. Minsan nga, noong magpapa-picture ako kay Rachel Anne Daquis noon sa may San Juan Arena, tapos na ang laro nila at gabi pa kaya hirap akong kumuha pero buti na lang at pumunta siya sa may ilaw para sa mga nagpapa-picture. Dumating ang turn ko at lumapit ako sa kaniya at kinuhanan ko kaming dalawa. Pero puuuuuuuuuuuuuutik! Hindi ko pala napindot ang ‘Capture’!!! Akala ko napindot ko! Hindi pala!
Sumubok ulit ako. Ayun. Pinindot ko ulit. At nang magpasalamat na ako, may nagtawanang dalawang babae. Lumayo agad ako sa siksikang mga taong gusto ring magpa-picture kasama siya. At pagtingin ko sa cellphone ko, anak ng kababalaghan naman o! Hindi ko pa rin pala napindot ang ‘Capture’!!! Akala ko napindot ko! Hindi pala! Asar na asar talaga ako noon. At dahil nahiya na ako, hindi na ako nagpakuha ulit noong gabing iyon.
Gusto kong remedyuhan ang cellphone ko dahil ribbon lang naman ang problema. Binuksan ko na ito at nakita ang punit sa ribbon. Kagagawan ko iyon nang minsang mapag-trip-an kong i-slide iyon nang malakas at paulit-ulit. Hrgh. Kaso hindi ko alam kung saan magka-canvass ng presyo ng ribbon na pupwede sa cellphone kong 5310. Alam kong kaya ko namang ikabit ‘yon kesa magbayad ng mahal sa mga nag-aayos diyan. Nadala na ako sa nangyari sa kapatid ko.
Pinalitan ng nag-ayos ang cellphone niya. Parehas pa rin ng model pero iba na talaga. Regalo pa naman sa kaniya ‘yon ng Mama namin. Hrgh. Sayang talaga.
Wala akong alam sa history ng cellphone bukod sa ang alam ko kaya may cellphone ay para talaga sa mga bulag nang sa ganoon ay mayroon pa rin silang komunikasyon sa iba. At kung gusto mo talagang lokohin ang sarili mo at napakakati mo, maghanap ka ng bf mo sa cellphone-cellphone na ‘yan at makipag-eyeball ka at dadalhin ka niya/nila sa isang lugar para buntisin nang buntisin at iiwanan kang nakatunganga’t umiiyak at lagpas-langit ang pagsisisi mo. Pero sige, ulitin mo lang ulit ‘yan hanggang sa madala ka. Makakatulong ka niyan sobra sa problema sa populasyon ng bansa at sa hirap ng mga magulang mo. Kung lalake ka naman, sige at mambola ka nang mambola sa cellphone para magkaroon ka naman ng maraming girlfriend na maipagmamalaki mo sa mga repapips mo dahil alam mong walang papatol sa iyo ni butiki dahil hanggang text ka lang.
May naalala akong isang caller sa isang istasyon ng radyo nang mapadaan ako rito. Ugali ko na kasing maglipat-lipat ng istasyon tuwing commercial break o ‘pag di ko type ang kanta sa Love Radio. Bagot na bagot at yamot na yamot na sa kaniya ang kabilang caller na babae dahil napakang-napakawalang-kwenta niyang kausap. Puro ipo-ipong utot-hangin lang ang laman ng kokote at bunganga niya. Puro excuse na “Sa text na lang” gayong kailangan nga sa phone pa lang e ma-impress mo na siya kasi ilohikal nga naman na makikipag-text pa siya sa ‘yo kung sa phone pa lang e isang napakalaking bokya na ang buong mukha mo. Napakakulit kapag kukunin na niya ang number ng babae pero kapag pinasalita mo o pinakwento e sobrang olats na para bang hindi natutong magsalita mula noong maging fertile siya sa loob ng bahay-bata ng nanay niya.
Puro siya sabi ng “Pag sa text, makwento ako.” Hello??? Kung sa telepono pa lang e tamemeng engot-bopols siya, pa’no pa kaya sa text? Pero natapos ko pa rin ang paikot-ikot at walang kwentang usapan nila. Ibinigay pa rin yata ni ate ang number niya kay kuya. Muntikan na akong makatulog noon.
Madalas ding ihingi ng konsulta kay Papa Jack ng Love Radio noong nakakapakinig pa ako ng radyo ang mga babae o lalakeng nakipagrelasyon sa cellphone lang. Putik. Iiyak-iyak dahil hindi niya alam kung totoo pa ba sa kaniya ang bf/gf niya sapagkat hindi na nagte-text. Josemariapidal naman. Nahulog ang loob sa mga text at smilies na nababasa niya sa ka-textmate niya kahit hindi alam ang tunay na nararamdaman ng nasa kabilang linya. Hay.
Gayunpaman, dahil sa cellphone at sa teknolohiyang mayroon tayo ngayon, napakadali na lang nating makausap ang mga mahal natin sa buhay na nasa ibang bansa o nasa ibang bahagi lang ng bansa. At salamat din sa cellphone, nagagamit na ng mga estudyante ang gadget na ‘yan para sa pangongopya o pangongodigo.
Mabuti na lang, hindi na ako mahilig sa pagte-text…kasi wala rin naman akong pang-load…at wala rin namang ite-text. Hwehehehehe.
Sa ngayon, mahigit sa dalawampung mensahe na ang nasa inbox ko mula nang hindi ko ito ma-access at hanggang sa hindi ko maaayos ang ribbon ng cellphone ko, patuloy na dadami ang mga messages na maiipon dito.
Penge cellphone. Mabait ka naman e.
:D
Fashion-fashion-an
Tuwing magpapalit ng taon, isa sa mga napapanood ko sa tv bukod sa mga hula’t prediksiyon at mga “the best” ng nagdaang taon ay kung ano ang mga mauusong fashion.
Wala lang. Iniisip ko lang bukod sa kung paano nila napo-forecast ang sinasabi nilang mauuso sa kasalukuyang taon ay kung kailangan ba talaga ng tao ang fashion? Kailangan ba talaga?
‘La lang.
At dahil d’yan, may nag-text!

Fan ako ng Showtime at paborito ko ‘tong panoorin. Yey! Kaso hay naku talaga dahil na-suspend pa ang Showtime nang dahil sa ano…alam mo na. Kung alin pa ang magandang panoorin, iyon pa ang nagaganyan. Hay naku. Di bale, naging Magpasikat naman ang pansamantalang show nila – na balak ding i-extend din do’n ang suspension. Putik! Hwoo! Lakas ng tama! Di bale, babalik pa rin naman ang Showtime. Hay naku talaga.
Vice Ganda: Wala na si MJ…kaya sana, wala ng KJ!
Tirisin ko mga blackheads “nila” e! Hehe.
Photo credits sa gumawa.
Kowts
“Ang kahirapan ay mitsa para sa pangarap; at ang pangarap ay kutson para sa kinabukasan.”
-Andrew E. (Sinabi niya minsan ‘yan sa Showtime)
Ang Sorbetes (Bow!)
Friday, January 8, 2010
Hwahahahaha! Nakita ko habang nagpepeysbuk. Credits sa totoong may-ari ng larawan.
Chiken Shoe-p for the Sole

Asteg! Hanep talaga creativity nating mga Noypi! Yey!
Credits sa totoong may-ari ng larawan.
Wala lang: #06
Namangha ako nang makita ko sa clock ng PC ko nang buksan ko ito dahil 12:01 ng madaling araw ang nakita ko. Maaga dapat ako mamaya magising. Maaga naman akong humiga sa kama ko pero hindi talaga ako makatulog. Nasubukan ko na ang magbasa pero wala talaga.
Madilim dito ngayon sa kwarto pero nagkaroon ng kaunting liwanag nang buksan ko ang PC namin. Binawasan ko hanggang 33% ang contrast at 30% ang brightness ng monitor para hindi lumabas ang sinag sa sala. Mahirap na at baka mahuli ako ng mga magulang ko na gising gayong kailangan sa mga oras na ganito e tulog na ako dahil katulad nga ng sinabi ko, maaga dapat ako mamaya.
Maalinsangan ngayon kahit Enero pa lang. Kung hindi nagkakamali ang memorya ko, mga ganitong buwan e dapat malamig pa rin. Pero mukhang napaaga na yata ang pagiging maalinsangan ng panahon.
Nakahiga lang ako kanina at nakapikit. Kaso nakakangalay sa mga talukap ng mata ang pagpikit lalo kung pinipilit mo. Sinusubukan kong mag-isip ng kahit ano pero pasaglit-saglit lang dumadaan sa isipan ko ang mga ideyang pilit kong iniisip. Hanggang sa naisip ko ngang buksan ang PC at magtipa ng keyboard. Sana nga, mamaya pagkatapos ko rito ay makatulog na ako.
Natulog ako kaninang hapon at iyon ang sinisisi ko kaya hindi ako makatulog. Pero mukhang hindi rin dahil ang alam ko, kapag tulog ka at nagising ka bago mag-alas-tres ng hapon ay madali ka pa ring makakatulog kapag gabi. Wala pa naman 3 o’ clock nang magising ako pero hirap ako ngayon matulog.
Anggulo rin ng utak ko ngayon. May mga sumusulput-sulpot na mga ideya at topic na maaari kong ikwento ngayon. Mula sa pagiging sleep-walker minsan ng kapatid ko hanggang sa napanood kong kaunting movie clip ng paranormal activity sa youtube na ipinanood sa akin ng kapatid ko rin. Kanina habang nakahiga ako, iniisip ko ang isusulat ko sa isang sariling gawang nobela – kung masasabi nga bang nobela talaga ‘yon – na binigyan ko ng pamagat na “He and She”.
Hindi ko na dapat talaga itutuloy ang pagsusulat niyon kahit nakaapat na akong chapters na naisulat. Hanggang sa may nag-comment doon sa pangalawang chapter na ipinasa ko sa tamarawbayan.com na kung may kasunod ba raw ‘yon. Natuwa ako siyempre nang may mabasa akong gano’n. Kahit isang tao lang ang nagsabi niyon, sapat na sa akin ‘yon para ipagpatuloy ko pa ang isinusulat kong iyon. At balak kong tapusin ang kwento anuman ang mangyari.
Ok. Biglang nablanko ang utak ko ngayon. Naisip ko kung magkukwento ba ako tungkol sa kras kong si Carmina Topacio o tungkol sa kung gaano ko ka-idol sina Budjette Tan at Ka-Jo Baldisimo sa kanilang komiks na Trese? Nagbasa ulit ako kanina ng The Elephant Vanishes ni Haruki Murakami. Iyong The Wind-up Bird Chronicle ang binasa ko pero hindi lahat. Sa totoo lang, noong unang basa ko niyon e hindi ko maintindihan. Pero kanina lang, saka ko lang naintindihan. May isa ring kwento roon tungkol sa isang babaeng gising ng 17 straight days. Hanep.
Blanko ulit ako ngayon. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagsasabi na naglagay ako ng Off-lotion para hindi ako kagatin ng lamok. Grabe naman ang alinsangan ngayon. Siguro kaya rin hindi ako makatulog dahil hindi ako kumportable sa panahon ngayon. Di kaya uulan? Madalas kasi, ganito ang paniwala rito sa bahay lalo na kapag biglang babagsak ang ulan. Siguro nga uulan.
Naiinitan ako ngayon. Tapos, blanko ulit ang laman ng isip. Teka, babasahin ko lang muna ‘tong mga naisulat ko.
Ayun, tapos ko nang basahin. May mga konting edit lang akong ginawa. Ganito ang ginagawa ko kapag nagsusulat. Paulit-ulit kong binabasa at kapag sa kaloob-looban ko e parang hindi sumasang-ayon, papalitan ko lahat o ang bahaging ayaw ko. Pero kapag gusto ko, tuloy-tuloy ‘yan. Madalas, isang upuan ko lang isinusulat ang mga gusto kong isulat.
Dapat ikukwento ko naman ngayon ang tungkol sa kung paano ko nabuo ang tulang “Maria ng Parang” pero dahil naguluhan ako kanina sa pagsusulat ng ‘tuloy-tuloy’, iyon na lang ang ikukwento ko. May naaalala ako niyan noong elementary ako. Nag-tse-check kami ng test paper namin at nagkaroon ng kaunting pagtatalo kung ano ba ang dapat na sagot. Parang ganito: nakakagawa o nakagagawa? Ang tama diyan, sabi ng teacher namin, ang unang pantig ng salitang-ugat ay inuulit kaya ibig sabihin, ‘nakagagawa’ ang tama. Pero mayroon ding mga salita na ampangit kapag ganoon ang ginagawa mo. At mayroon talagang mga salitang inuulit ang unlaping idinidikit sa kaniya. Pero kung titignan mo ang ibinigay kong halimbawa, parang pareho namang tama.
Hmm…Malay mo maging aklat ang ‘He and She’ ko. Di ba?
I’m completely blank. I can’t think of any topic that will fuel this non-sense talk. Ahg. Wala lang. Gusto ko lang mag-English. Mahina ako sa English at matagal ko nang inaamin ‘yon. Wala lang talaga akong masabi ngayon pero kailangan ko lang magtipa para antukin ako. Siguro parang first aid ko ‘to para makatulog ka’gad.
Argh. Ang init talaga.
May biniling lollipop ang kapatid ko at nakahingi siya ng isa sa kaklase niya nang bumili sila sa Ministop. Hindi masarap ang lollipop dahil parang nasobrahan ang tamis niya kaya pumangit ang lasa. Nakakasawa pa. Pero maganda ang stick nito kapag wala na ‘yung matamis. Glow in the dark kasi. Sa akin blue at green naman sa kapatid ko. Naalala ko bigla ‘yung mga sticker na glow in the dark din galing sa Pretzel. Natatandaan ko pa nga ang commercial niyon e.
Parang bumabagsak na ang mga mata ko. *Hikab* Mukhang epektibo nga. Konti na lang para tuluyan na akong antukin.
12:46 na ng madaling araw. ‘Ge at matutulog na ako bago ako mahuli pa rito.
In times…
In times wen
problems arise..
God gives us 3 things..
d problem..
d solution..
& d lesson..
jz trust, obey & learn.
Jesus never fails..
Trying to write a poem
Tuesday, January 5, 2010And I try to write a poem for her
But there are no words my heart can utter
To describe how much I love her
Only I know it’ll last forever
Maria ng Parang
Maria ng Parang
O dalaga sa bintana,
Ang pangalan ay Maria.
Nang ika’y aking makita
Naabot ko ang mga tala.Mabibilog mong mga mata.
Labi mong sadyang mapula.
Boses mong pang-musika,
Humahalik sa aking tainga.Gabi-gabi’y nanghaharana
Kasama aking barkada.
Dudungaw ka sa bintana,
Ngingiti ka nang kayganda.Sa kalagitnaan ng kanta,
Lalabas ang iyong ama.
Bitbit ang antigong pistola,
Sisigaw nang malakas, “Mga P****g ina!”Ako’y hirap ding pumorma
‘Pag kasama mo’ng ‘yong ina.
Ambangis kasi ng mukha
At para s’yang manglalapa.Ang hindi mo alam sinta,
pangarap kita sa t’wina.
Laging hiling sa mga tala;
Idinarasal kay Bathala.Nililigawan na kita
Mula no’ng tayo’y bata pa.
Nang magbinata’t dalaga,
Sinusuyo pa rin kita.At isang hapong malaya,
Doon sa puno ng mangga.
Ikaw nga ay nag-usisa,
Nagtanong, ba’t mahal kita?Tumitig sa iyong mata,
Sinambit ‘tong mga salita:
“Pruweba’y ‘di mahalaga,
Basta’t iniibig kita.”Umaliwalas ang ‘yong mukha.
Kumislap ang mga mata.
Mahinhin kang nagsalita,
“Mahal na mahal din kita.”At kinasal tayong dal’wa,
Di na tutol ama mo’t ina.
Sa tagal ng pagsasama,
Nakabuo tayo ng labindal’wa.
2010 na!!!
Saturday, January 2, 2010Hwoohoooo! 2010 na!!!
Ambilis ng panahon! Parang kahapon lang nag-2000! Yeeeeeeeeeeyyy!!!
Sa bagong taon na ‘to, ahitin na natin ang lahat ng mga hindi kanais-nais sa ating mga sarili’t ugali upang maging maganda ang pagharap natin sa bawat darating na araw.

Huwag na huwag kang magpapahuli sa takbo ng buhay. Maging matibay ka sa lahat ng iyong dadaanan.

Magkasundo na dapat ang mga magkakaaway at itaguyod ang pagpapagawa ng daan patungo sa kapayapaang hinahangad ng lahat ng mamamayan.

Pag-igihan natin ang lahat ng ating mga ginagawa. Mag-concentrate nang mabuti kung kinakailangan. Huwag sumuko hanggang sa makuha mo ang iyong pangarap. Iwasan din ang pandadaya ngayong darating na halalan….Pleaaase!!!

Nagkaroon man tayo ng mga problema at pagkabigo nitong nakaraang taon, palagi mo lang tatagan ang iyong loob dahil palaging mayroong dalang pag-asa ang bawat pagsikat ng araw.

Isa itong panibagong taon para sa lahat. Isang panibagong yugto. Isang panibagong notebook na susulatan natin ng ating mga kasiyahan, kalungkutan at tagumpay. At sa bandang huli, sama-sama pa rin tayong lahat na magpapakuha ng retrato upang mapanatili ang mga ala-alang gagawin natin ngayong 2010.

At higit sa lahat, ipamayani natin ang pag-ibig at pagmamahalan sa bawat isa!
Rak en Rol!!!

Manigong Bagong Taon!
Photo credits to the respective owners.
25 at 31
Ibabahagi ko lang ang mga pictures “nila” na kinunan noong Pasko at bisperas ng Bagong Taon. Itong unang set e noong Pasko.
Ang pinsan namin at ang inaanak ko:
Kapatid ko, inaanak ko(‘yung parang anino) at ang pinsan namin:
Itong pangalawang set naman e noong 31. Naghahanda kami para sa Bagong Taon.
Sa larawan ay ang kapatid ko at ang homemade litsunan na naisip ng tatay namin. Mga bakal at bagay ‘yan na makikita lang todits sa pabrika. 
Ito naman e ang Mama ko:
Si Kyle, ang asong ipinaalaga sa amin. Cute siya at nang magtagal ang aso na ‘to sa amin, na-BI siya ng mga aso namin. Pero ‘yun pala, mas makulit pa pala siya dahil kahit lalakeng aso e pinapatos! Wala kasing babaeng aso todits kaya ang madalas ‘yung isang lalakeng aso ang pinagdidiskitahan niya.
Front view ng lechooooon:
Siya naman ang Daddy namin:
Isa na namang makulit na aso. Malungkot siya dahil gutom na gutom na. Bingo ang pangalan niya. Hindi ko nakunan ang isa pang aso dito dahil nagtatago doon sa mga bilog na bakal kasi takot sa mga naririnig niyang paputok. Pluto naman ang pangalan n’on.
More lechooooon:

Isang maligaya, manigo, maswerte, mapayapa, mapagmahal, makulay, masaya, at malupit na 2010 sa inyong lahat! O yey! Year of the Tiger na! Rowr!
Kapatid ko: Daddy, anong susunod sa Year of the Tiger?
Daddy ko: E di Year of the Lion.
Ako at Daddy ko: MWAHAHAHAHAHA!
Kowts
“Sometimes it falls upon a generation to be great. You can be that great generation.”
-Nelson Mandela
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009
- December 2008




