Miss, ano number mo?
Tuesday, February 2, 2010Sa isang entry ni xG, nabasa ko ‘yung tungkol sa isang lalakeng biglang sumulpot at nagtanong ng kung anu-ano sa kaniya para magpakilala. At siyempre, kasama roon ‘yung pagtatanong kung ano cellphone number niya. Buti na lang, hindi niya talaga kabisado sarili niyang cellphone number kaya hindi niya naibigay at hinding-hindi rin naman niya ibibigay. Kaya ang nangyari, umuwing bigo si lalake. Hehe.
Naalala ko minsan noong nasa bus ako pauwi galing iskul, may magandang nakasakay sa bus. Medyo boyish ‘yung look niya pero cute. Noong bumaba na sa bus, matuling tumakbo sa isipan ko kung makikipagkilala ba ako sa kaniya o hindi. At humantong ako sa desisyon na “Do or die na!” Ayun, walang kaabug-abog, lumapit ako sa kaniya at biglang nagtanong ng parang engot:
Ako: Ah miss, pwede magtanong?
Siya: Ano ‘yon?
Ako: Ano’ng pangalan mo?
Putik! Natawa siya! Hahaha! Mukha yata talaga akong kenkoy noong mga panahon na ‘yon. Hahaha. Sinabi naman niya ang pangalan niya tapos nagkakwentuhan pa kami habang naglalakad. Dalawa o tatlong taon yata ang tanda niya sa akin pero sabi ko ayos lang.
Ayun, kwentuhan. Kwentuhan. Tapos nagtanong ako. Pero dahil nahihiya akong itanong ang number niya, ang tinanong ko e kung ano ang e-mail address niya! Pusanggala! E-MAIL ADDRESS??? KAYA MO ‘YON??? Ulangya, natawa na naman siya. Siguro sa isip-isip n’on, andami namang pwedeng itanong tapos e-mail address pa. Hahahah. Kaya ang sabi niya sa akin, number na lang daw niya kasi pampersonal daw ang email niya. Sa totoo lang, balak ko kasing hanapin siya noon sa friendster kaya email add ang hinanap ko. Hehe.
Tapos, naka-text ko siya ng 2-3 araw. At sakto pa sa birthday niya ha! Hahaha. Belinda ang pangalan niya. Ikinuwento ko siya sa mga kaklase ko at ang sabi naman nilang pangalan para asarin ako, baka raw Brando ang pangalan n’on at hindi Belinda. Tapos tumawa sila nang napakalakas. Putik. Pagkatapos ng 2-3 days, wala ng text-text pero patuloy pa rin sa pang-aasar mga kaklase ko sa akin.
Napapansin ko lang, hindi ko itinatabi ang sarili ko, bakit madalas ang unang kinukuha nating mga lalake e ‘yung number ka’gad? Halimbawa, ‘yung isang kaklase ko na gustong kunin ang number ng babaeng taga-make-up noong graduation pictorial namin. Unang gusto niyang malaman na ipinagawa naman niya sa ibang tao e kung ano ang number ng dalaga. Napaisip ako: hindi mo pa alam ang pangalan ng isang tao, number ka’gad ang kukunin mo?
Naikwento ko na ‘yon dito minsan. Si Ela ang tinutukoy ko at ‘oo’, nahingi ko nga number niya pagkatapos kong tanungin ang pangalan niya at casual na nagpakilala sa kaniya. Pero hindi sa kaniya mismo nanggaling ang pagsasabi ng cellphone number niya pero doon sa isa nilang kasama na taga-picture noong graduation…at may basbas ‘yon mula sa kaniya. Pero dahil madalas wala akong pang-load, hindi rin nagtagal ang komunikasyon. Sayang. Hanggang ngayon, nanghihinayang pa rin ako.
Karaniwan din sa mga testimonials na nababasa ko sa friendster at mga hirit ng kung sinumang lalake–na ipagmamalaki ko naman na hindi ko ginawa sa mundo ng internet…ahm…bale…sa chat lang pala dati…noong hayskul pa ako…hehe–madalas hinihingi ang cellphone number ng babae. Halimbawa na lang sa youtube page ni Carmina Topacio, may mga lalaking nanghihingi ng number niya dahil kras na kras daw o idol na idol siya tapos sasabayan pa ng ‘please’ tapos smiley o kaya mga pick-up line. Panigurado, sa poser page niya sa friendster, marami ring nanghihingi. Hindi lang siyemps sa kanya kundi sa iba pang babaeng may magandang mukha. Ang hindi ko lubos maisip, ganoon na ba talaga kadesperado ang karamihan sa aming mga lalake lalo na sa mga magagandang babae na madalas ang unang hinihingi e ‘yung cellphone number kahit hindi naman kilala ang babae bukod sa pangalan na nabasa sa site? (Anlakinamproblemako)
Ngayon, sasabihin mo, “Anong gusto mong gawin namin?” o di naman kaya, “Ang-KJ mo!” Ang ipinupunto ko lang naman, ANONG HIWAGA BA’NG MERON SA CELLPHONE NUMBER AT MADALAS IYON ANG HINIHINGI NATING MGA LALAKENG MAKATI SA CELLPHONE AT MABILIS MAAKIT SA MAGAGANDANG MUKHA??? ANO BA’NG HIWAGA MERON ANG MGA MAGAGANDANG BABAE AT IYON ANG MADALAS GUSTO NATING KAIBIGANIN??? O KUNG HINDI MAN, GUSTONG MAGING GF???(Inuulit ko, hindi ko itinatabi ang sarili ko)
Hmm…Kung tatanungin mo ako, para kasi sa akin, gusto ko kasing may komunikasyon ako sa kaniya para magkakilanlan kami. Parang, nakikipagkaibigan. At hindi ko itinatatwang madali rin akong maakit ng maganda.
At dahil nabanggit ko ang dahilan ko, napaisip ako ngayon, bakit ko nga pala siya gustong makilala? Bakit ko gustong kaibiganin ang isang babaeng nakita ko sa internet? Bakit gusto kong maglaan ng oras sa isang taong tanging alam ko e pangalan at mukha?
Dahil maganda siya?
Naisip ko: Maraming tao sa lahat ng lugar ang maaaring nag-iisa at walang kaibigan o kumakaibigan sa kaniya. Maraming mga batang nasa lansangan at namamalimos at mas nangangailangan ng atensiyon. Maraming taong may “kakaibang katangian” na nagpapahirap sa kanilang pamumuhay araw-araw at madalas, tinutuya at itinatakwil ng lipunan. Maraming tao ang nilalayuan at pinandidirian dahil sa taglay niyang sakit. Maraming tao na dinidiskrimina natin dahil maitim, pango, isang katutubo, matigyawat, duling, banlag, bulol, bulag, pipi, bingi, pilay, maigsing mga paa, walang kamay, mongoloid, autistic, special child, at panget. Marami ring tao ang iniwanan ng kaniyang mga dating kaibigan. Maraming ganiyan.
Parang bo-malabs pala ang dahilan ko na dahil “maganda” lang. Ang bo-malabs ko pala talaga. Ayaw ko nang maging bo-malabs ulit.
…
Pero may solusyon naman sa problema kong ‘yan e. Ika nga ni Tomas Sabaybunot ng Pugad Baboy, “Para kang si Igno eh. ‘Kasin, kinikilabutan ako pag dumadaan ako sa Hamon street sa gabi.’ E-DI-H’WAG-KANG-DU-MA-AN-SA-HA-MON-STREEEET!” Kaya ayun, hindi na nga ako nanghihingi ng number ng babaeng natitipuhan ko. Hehe.
…
Pero ang talagang tumatakbo sa isip ko kaya nasimulan ko ang kwentuhan na ‘to, bukod sa gusto kong malaman kung ano kayang nararamdaman ng mga babae sa tuwing may nagtatanong sa kanilang mga lalake na gustong hingiin ang cellphone number nila, e ano kaya ang mararamdaman ng mga babae kung sakaling may lumapit na isang lalake sa kanila at ganito ang itatanong:
Lalake: Hi miss, ahm…pwede bang matanong kung anong number magandang tayaan sa lotto?
Grabe. Pakiramdam ko, anlayo ng tanong ko sa isinulat ko sa taas. Hwoo. Wala ring kwenta.
Sa ngayon, awa ng Diyos, hindi ko pa nagagawang manghingi ulit ng cellphone number ng babae…kasi may sarili naman akong cellphone number. Hehe.
Asteg ‘no? Kung hindi cellphone ang sapilitang kukunin sa ‘yo, hihingin naman ang cellphone number mo. Hehe.
Sa pagiging mabuting pamahalaan
Noong huling linggo, naka-tsamba akong makapanood ng Punto por Punto ni Anthony Taberna. Ang tinalakay e ‘yung tungkol sa ilang pahinang ads na nakalagay sa mga broadsheets, at pati yata sa mga tabloids, na naglalaman ng mga ginawa ng gobyerno at mga magagandang nakamit at naiambag ng pamahalaan sa bansa at sa bawat Pilipino. Pinagtatalunan kung tama o mali ang ginawa ng pamahalaan tungkol sa ginawa nilang iyon. At kung may hidden agenda ba ‘yon.
Sa ganang akin, kung naging mabuting pamahalaan ang kasalukuyang administrasyon e di sana naging mas mabuti ang kalagayan ng bawat Pilipino. Kung naging mabuting pamahalaan ang kasalukuyang administrasyon, e di sana hindi nagkaroon ng samu’t saring iskandalo ang siyam na taong panunungkulan ng pangulo. Kung naging mabuting pamahalaan ang kasalukuyang administrasyon, e di sana, nasara at nabigyang-linaw ang lahat ng iskandalong iyon. At higit sa lahat, hindi sana nangyari ang Maguindanao massacre.
“Kayo po na naka upo,
Subukan n’yo namang tumayo,
Baka matanaw, at baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko…”
Sa tingin ko, hindi naman na kailangan ng mga survey at statistics para malaman mo kung mas bumuti ba o mas sumama ang kalagayan ng bawat Pilipino ngayon. Tumingin ka lang sa paligid mo, malalaman mo na kaagad ang sagot. Kailangan lang ng mata, tainga at pakiramdam para malaman mo ‘to.
“Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapag papalinaw ng mata niyo”
Subalit kung natural na sa iyo ang pagiging manhid, nakakakita pero bulag, at infinite-times ang kakapalan ng mukha, talagang hindi mo mararamdaman ang mga taong mas lumala ang sakit, makikita ang mga naghihirap, at maririnig ang mga daing at hinaing.
Tanong: Bakit kailangan pang isa-diyaryo ang mga nagawa mo para sa bansa gayong iyon naman talaga ang trabaho mo? Bakit magwawaldas ka ng pera ng mga Pilipino para ipakita na naging mabuti kang politiko kung sapat naman na ang makita at maramdaman ito ng bawat mamamayan? Hindi komo’t maraming kumukontra sa iyo ay idadahilan mo iyon kaya hindi nararamdaman ang mga ginagawa mo. Kung mas marami kang nagawang mabuti, kahit ilan libong paninira pa ‘yan, hinding-hindi iyon magiging balakid para madama ng mas nakararami ang ginawa mo.
Ang pagkakaalam ko, ang mabubuting nagawa mo ay hindi nababasa sa diyaryo o sa anumang babasahin kundi nakikita at nararamdaman ng taong inaabutan mo ng kabutihan. At kung naging mabuti ka, hindi mo na kailangan pa ng ads para sabihing mabuti ka. Ang mga ginawa at ugali mo ang magsasabi kung mabuti ka. At ang paligid mo ang magsisilbing repleksiyon ng mga ginawa mo. Hindi rin pala nadadaan sa pangiti-ngiti at paakbay-akbay sa mga mahihirap na tao tuwing may kamera ang pagiging mabuti. Kaya huwag na huwag magpapalinlang sa mga political ads na madalas na nagba-vandalize sa telebisyon ngayon.
Sabi sa kanta ni Gloc 9, “Kayo po na nakaupo, subukan niyo namang tumayo. Baka matanaw, at baka matanaw ninyo ang tunay na kalagayan ko.” Hirit ko: dapat ngang tumayo ang nakaupo pero paano kung kahit nakatayo na siya e para pa ring nakaupo? Paano niya makikita ang dapat makita? E di gagamit pa siya ng stilts? Hehehehe. Imbes kasi na taas niya ang dagdagan o di naman kaya ang sweldo ng bawat manggagawang Pilipino ang dagdagan (at dagdagan pa at bawasan ang tax!) e pagpapadagdag pa ng dibdib ang pinagkaabalahan. Haha.
May nagawa nga ba ang administrasyon?
Oo. May nagawa ang administrasyong ito para sa bansa at sa bawat Pilipino. At dapat pa rin nating ipagpasalamat iyon. Malas lang siguro dahil madalas natatakpan ng mga iskandalo ang mga nagagawa ng administrasyon. Pero sana, nagamit niya ang kaniyang katalihuhan para tuluyang maisara ng may linaw ang mga iskandalong kinasangkutan niya at hindi sa pagpapalusot at pagtakbo sa lahat ng inihaharap sa kaniya. At malas lang din dahil mas pinababayaan niya o talagang pinababayaan niya ang mga galamay niyang mangurakot nang mangurakot na hindi naman niya ginagawan ng paraan. At malas na malas talaga dahil pati siya…ehem…katulad na lang din ng huling pangungusap.
Pero kung tatanungin ako kung sapat ba ang mga nagawa ng kasalukuyang administrasyon para sa bansa, malungkot kong sasabihin na kulang nga–kulang na kulang nga. Mas maraming naghihirap, mas marami nagugutom, mas maraming nalulugi, mas maraming magnanakaw, mas maraming ninanakaw, mas maraming batang-lansangan, mas maraming nagra-rugby, mas maraming nagdo-droga, mas maraming natitigil sa pag-aaral, mas maraming hindi nakakapag-aral, mas maraming iskandalong hindi nabigyan ng linaw, mas maraming naging sakim, mas maraming naging sugapa, mas maraming lumala ang pamumuhay, mas maraming problema, mas marami kaysa dati. Kung sapat ang mga nagawa ng pamahalaan, e di sana sa halip na “mas marami” ang isinulat ko e “umunti” na lang ang inilagay ko.
Paano aasa ang mga Pilipino sa kaniyang sarili kung ang kanilang mga pinuno mismo ang sa kanila umaasa para mas lalo pa silang yumaman? Mukhang baliktad pa ah.
Mahirap magmalaki ng mga nagawa lalo na kung ikaw lang ang nakakakita at nakakaalam. Katulad lang ‘yan ng utot na pilit mong itinatago habang siksikan sa tren. Dapat, inilalabas mo talaga ‘yan para lahat kayo, makakaamoy. At mahirap ding ipagmalaki ang mga bulaang bagay. Kailangan mo ng matindi, malupit, walang kasing-bagsik, ibang dimension, at walang hanggang infinite-times na kakapalan ng mukha para magawa mo ‘yon.
Ang kalagayan ng iyong bansang pinaglilingkuran ang magiging salamin mo para sa iyong sarili, Mahal na Pamahalaan. Ganoon lang ‘yon kasimple.
Kowts
“Corruptio Optimi Pessima”
-meaning, “The corruption of the best is the worst of all tragedies.”
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009
- December 2008



