kwan. ano. yon. yeh!

Siraulo sa Computer Shop

Thursday, February 11, 2010

Bakit kaya may mga siraulong tao na walang patumanggang hinahampas ang keyboard na pagmamay-ari naman ng computer shop na pinag-i-internet-an niya? Hindi ba naiisip ng mga siraulong taong ito na bukod sa nakakabulahaw na panggugulo at tila kulang sa pansing aksiyon nila e maaaring masira pa ang keyboard na hindi naman sa kanila at kapag nasira e hindi naman nila babayaran? Mga taong may sapak.

Posted by andoyman at 7:05 pm | permalink | Add comment

Kowts

“Be formless… shapeless, like water. If you put water into a cup, it becomes the cup. You put water into a bottle; it becomes the bottle. You put it into a teapot; it becomes the teapot. Water can flow, and it can crash. Be like water, my friend… “The more relaxed mind is, the more energy can flow through the mind.
-Bruce Lee

Posted by andoyman at 4:18 pm | permalink | Add comment

ano’ng gagawin mo kung wala kang ginagawa sa opisina?

hindi break o lunch-time.

eto ‘yung mga panahon na wala ka talagang ginagawa sa loob ng opisina. paano mo ginugugol o sinasayang ang oras mo? paano mo pinapalipas ang bawat sandali habang oras ng trabaho pero wala ka namang ginagawang trabaho dahil tapos mo na ang lahat ng ginagawa mo?

ako. eto. gumagawa ngayon ng blog at sinusubukang sagutin ang tanong na nag-kabute sa utak ko. ano kayang pwede kong gawin? pwede akong maglaro ng mga laro sa facebook dahil sa ngayon, wala naman sina boss. kami-kami lang. kanina ko pa tapos ang pinapagawa sa akin ng supervisor ko.

kasalukuyan din akong umiikot sa website ni neil gaiman. kilala siya ng marami. pero ni isa sa mga gawa niya, wala pa akong nabasa. unang beses kong nakita ang pangalang neil gaiman sa blog si ronibats. ‘yung salitang sandman naman (kailangan kong pansamantalang tumigil sa pagtitipa dahil biglang dumating sina bossing pero umalis din kasama ang dalawa ko pang opismeyts. mukhang may pupuntahan silang event dahil andami nilang dala) ay una kong nabasa sa culture crash comics. balak ko ngayong makabili rin at kung maaari e kumpletuhin din ang ang lahat ng komiks at aklat na gawa niya. asteg.

ok. balik ulit tayo sa tanong. karaniwan siguro na ginagawa ng mga nasa opisina kapag walang ginagawa e nagpe-facebook o di naman kaya friendster o tumblr o myspace o multiply o basta kahit anong social community site. karaniwan naglalaro rin sa facebook. ‘yung iba, nakikipag-tsismisan/daldalan sa ka-opismeyt. ‘yung iba, nagbabasa libro o ng komiks o ng manga sa online. andaming pwedeng gawin para mapunan ang oras na wala kang ginagawang trabaho. isama mo na rin siguro ang pagde-daydream at pang-o-okray at pangba-back-stabbing blah blah. 

‘yung iba, nagbabasa ng mga nakakatuwang blogs. ‘yung iba, mga blogs na tungkol sa pulitika…o showbiz…o minsan magkahalo na rin ang dalawa. ‘yung iba, kung may sound system ‘yung pc nila e nagyu-youtube. ‘yung isang kaklase ko, sabi niya, ang tanging libangan nila sa opis nila e dota dahil naka-isolate sa kanila ang internet connection kahit e-mail. may isang opis din akong alam na pinag-ojt-han ng mga kaibigan ko na kahit anong oras, pwedeng-pwede silang makapaglaro ng dota. putik! biruin mo ‘yon! dota sa loob ng opisina kahit oras ng trabaho! hahaha. binalak nga naming mag-apply doon pero ni isa yata sa amin e walang natanggap. hahaha.

gusto ko pa naman doon kasi parang ‘magaan’ pero may kung ano sa loob ko na ang kagaanang iyon e parang magdudulot ng kung anong kabigatan sa akin. ewan. basta ‘yon.

kasalukuyang tahimik todits. ano kayang pwede kong gawin? magkwento na lang ako tungkol sa itsura ng opis namin? hmm…

gusto ko sanang mag-sound trip kaso wala namang akong iPod. di ko rin dala ang cellphone ko dahil hindi ko nga magamit ang d-pad niyon. pero parang hindi na rin ako magsa-sound trip di dahil wala akong mp3 player kundi dahil ayokong mabingi pag tanda ko. nakakabanas kasi kapag makikinig ka. madalas kong maranasan na bumigat ang utak ko tapos sabay parang masakit na makati ang tenga ko. basta ayoko na n’on.

nakatingin ‘yung katabi ko kanina sa sinusulat ko. iniisip ko kung ano ang iniisip niya nang mabasa niya ang pamagat ng entry na ‘to. hehehehe.

ugaling kong bagalan ang mga ipinapagawa sa akin. ‘yung bagal na hindi ko ‘to matatapos kaagad. gano’n. lalo na sa short-time lang na work. ewan ko ba. dapat nga, binibilisan ko pa e. pero di ko magawa kasi alam kong mam’ya kapag natapos ko na ‘yung ginagawa ko, wala na akong magagawa pang trabaho. kapag may naka-queue ulit na work, saka ko bibilisan. hahaha. pasaway.

balak ko noong lunes na makapag-drawing ng kahit isang page lang o kahit isang panel lang para sa komiks ko upang umabot ‘yon sa komikon sa abril. asteg nga e dahil tinag ako ni sir freely. parang imbitasyon na ang dating sa akin n’on. wala pa akong komiks bukod sa mga strips na pino-post ko dito, sa deviantart at sa facebook. ‘yung mga strips na ‘yon e balak ko sanang ipasa sa dyaryo, either manila bulletin o sa philippine star o sa philippine daily inquirer. sa inquirer sana ang gusto ko dahil nando’n ‘yung mga idol kong sina sir pold medina, jr. at sir manix abrera. pero alam ko, bago pa man ako tumawag sa tatlong dyaryo, na ang isasagot nila sa akin e walang bakante. hays. sa bulletin, pinatatawag nila ako sa susunod na linggo. tapos sa phil. star, walang bakante pero pinapa-send nila ‘yung samples ko…na hindi ko rin naman nagawa dahil kahit may 15 strips na ako e wala naman akong scanner o pera pampa-scan ng mga gawa ko.

saka naman ako nagsimulang magtrabaho dito sa pinagtatrabahuhan ko. pero tuluy-tuloy pa rin ako sa paggawa ng strips kahit mga script at ideas lang muna ang isinusulat ko sa notebook ko. sana nga, matuloy ‘yung komiks ko sa komikon kasi bukod sa pangarap kong makapunta ng komikon e pangarap ko ring doon magsimulang ipakita sa mga tao ang sarili kong gawang komiks na kung tutuusin e pang-10th anniversary na ngayong taon. ibig sabihin din, sampung taon ko nang binubuo sa loob ng puso’t utak ko ang buong kwento.

pwede rin kapag wala kang ginagawa e maghanap ka ng gagawing trabaho, isang gawaing ginagawa ng isang mabuting empleyado. e hindi ako mabuting empleyado. pasaway pa nga ako. hahaha.

may isa pa nga palang pinapagawa sa akin ‘yung katabi ko. natapos ko naman na ang unang bahagi n’on at hindi naman urgent kaya baka…mamaya-maya ko na lang din gagawin. hahahaha.

pasaway.

‘yung iba namang empleyado siguro, kapag walang ginagawa e kumakain. nagpapabili sa labas ng pagkain tapos kakain sa loob ng opisina habang nagkukwentuhan at nag-aasaran sa isa’t isa. hahaha. asteg.

wala na akong maisip kaya wala na akong masabi kaya wala na ulit akong gagawin kaya wala na. 

v(o”,o)v

Posted by andoyman at 2:19 pm | permalink | comments[1]