kwan. ano. yon. yeh!

Para sa boboto kay Noynoy, kay Villar, kay Gibo, at kay Erap! Basahin mo ‘to!!!

Monday, February 22, 2010

Para sa boboto kay Noynoy, kay Villar, kay Gibo, at kay Erap! Basahin mo ‘to!!!

I once dated a guy whose nickname is Dick. He insisted that his name is spelt “Dict” (with a “t” instead of a “k”), not that this made any difference in the way people hear him say his name. Most would still react in a funny way as they associate the name with something else. If you were the sort of person who judges another by his name though, then you would miss out on how wonderful a guy named Dick is.

Take Senator Richard “Dick” Gordon, for example. He is certainly not one of those who would insert a letter “H” in his name to change its spelling to “Dhick” just to make it sound softer. He is the sort of person who, after spotting you from across a crowded room, would enthusiastically meet you halfway and give you a real man-handshake. He’d say “Just call me Dick, Dick Gordon”. You might even mistake it for “Bond, James Bond”. One look at Dick Gordon and all the bad name association that evokes snickers will be gone in a second, for he is a jolly good man with a smile always pasted on his face.

Read more.

 

Posted by andoyman at 5:22 pm | permalink | Add comment

Wala lang: #10

Mabuti na lang at naibalik na sa nanay ang anim na buwan niyang sanggol na iniwan niya sa isang babae dahil siya’y magbabanyo. Ngunit nang paglabas niya ng banyo, nawawala na ang babae tangay ang kaniyang sanggol noong Huwebes sa isang mall. Kagabi sa balita, nakuha na niyang muli ang kaniyang anak at pananampal at sabunot ang iginanti niya sa babaeng nagtangkang ibenta ang sanggol sa halagang P1000.

Pustahan, ang irarason niya e dahil sa kahirapan kaya nagawa niya ang ganoon. Idinadahilan din ‘yan ng mga snatcher, holdaper, manloloko, manggogoyo, manunugal, prostitute, at nagtitinda ng droga at pirata.

Hay naku. Ano naman kayang irarason ng mga big time magnanakaw, manloloko, at mapagsamantala? Dahil mahirap din sila? Nyay.

Gusto ko sanang ipagpatuloy ‘tong nasimulan ko kung ano ang pananaw ko sa dahilang madalas ginagamit na “dahil mahirap kami kaya nagawa ko ‘yon” kaso pinagsasabay ko ang pagtitipa nito, pagtsa-chat, at paggawa ng trabaho ko. Hahaha. Napaka-pasaway ko talagang empleyado. Hahahaha.

Kahapon, tumulong ako sa pagbabalat ng mga ugat ng gabi na tinatawag na “takway”. Di ko tiyak kung ganyan talaga ang ispeling pero ganyan ang pagkakasabi ng nanay namin habang binabalatan naming tatlo—kasama ang kapatid ko—ang mga ugat at mahimbing na natutulog ang tatlong aso sa paligid namin.

Tulog ang tatay naming sa taas kaya kaming tatlo na lang ang nagkwentuhan ng kung anu-ano, kahit ‘yung iba e paulit-ulit na pero masaya pa rin. Biruin mo ‘yon, mga ganoong klase ng maliliit na bagay, maliliit na paraan, maliliit na sandali, pwede mo ng maka-bonding ang mga mahal mo sa buhay—higit pa sa pagala-gala at patsongki-tsongki sa gilid ng kalsada.

Ang gusto ko talaga ‘pag Linggo sa amin e ‘yung katahimikan. Parang sobrang banal ng katahimikan na tila hindi na kayang magawa ng isang tao lalo na sa modernong panahong pinapatakbo ng nakasisirang globalisasyon at mga pesteng technology na update nang update. Sobrang robot na ang tao sa totoo lang at di na niya alam ang kabanalan niya mismo at ng paligid niya. Limot na rin ng tao ang kasimplehan ng buhay na patuloy niyang binibigyan ng komplikasyon upang pasakitin ang kaniyang ulo’t puso hanggang mag-collapse siya. *Blag!*

Pramis. Noong bata pa ako, gusto kong yumaman. Minsan noong nakakita ako ng asul na kotse na hanep sa porma at lupit sa kaastigan, sinabi ko sa nanay ko noong nasa bus kami e gusto ko ganoon ang kotse ko. Sabi niya e di mag-aral ako ng mabuti para magkaroon ng magandang trabaho at mabili ang gusto ko.

Gusto ko rin noon e mansiyon at pati istilo ng buhok ko e may plano rin ako. Sabi ko sa sarili ko noong bata pa ako e gusto kong magpahaba ng buhok. Pagkatapos, pakukulayan ko ng dilaw. Tapos, idye-gel ko nang patayo para magmukhang buhok ni Son Goku! Hahahaha. Ngayong naaalala ko ‘yun, natatawa ako sobra. Hahahaha.

Pero hindi pala ‘yun ang talagang gusto ko. Nang minsang nasa field trip kami, bale nasa may airstrip kami ng Diosdado Macapagal Airport, basta parang ganu’n, basta na lang din napag-usapan ang tungkol sa pagyaman. Ako ang isinagot ko, “Ayokong yumaman.” Walang kaplastikan. Walang kahipokrituhan. Totoo ang mga sinabi ko. Kung ako tatanungin mo, tingin ko sa sarili ko e naiiba talaga ako sa iba, hindi sa itsura kundi sa pag-iisip. Kumbaga, ang ibig kong sabihin, ang karaniwang gustong mangyari ng mga nakararami para sa kanilang mga sariling buhay e hindi dumadaan sa linya ng pag-iisip ko. Ewan ko. Basta ganu’n.

Nang sinabi kong “ayokong yumaman” e ayoko talagang yumaman. Magkaroon ng panggastos sapat para sa pagtupad ng pangarap ko, pangsuporta ng pamilya ko at sa sarili ko, at pantulong sa iba, ayos na sa akin ‘yun. Hindi ko kailangan ang maraming pera dahil dagdag responsibilidad ‘yon at nakakabulag ng mga mata. Basta sapat na pera para sa tatlong bagay na gusto kong gawin sa buhay ko, ayos na.

Putik. Diyan ko nga tuloy naiisip kung makakapag-asawa pa ba ako? O kung mag-aasawa pa ba ako? Kasi, bukod sa maraming basted meron ako, e naiisip ko na mukhang magiging kawawa ang pamilya ko kung ako ang magiging padre de pamilya sa kadahilanang ang nais ko lang e sapat at hindi sobra.

Pero malayo pa naman ‘yun e. Baka may pumatol pa sa akin. Hahahahaha!

Basta, mas gusto ko e simpleng buhay kesa sa pagiging mayaman. Matupad ang pangarap ko kaysa magka-mansiyon. At makatulong sa iba kesa magka-kotse. Ganu’n lang.

Isang simpleng buhay tulad ng pagiging may-ari ng isang hasyenda, pwede na! Hwahahahaha! Joke lang! Hahaha.

Anu’t ano pa man, hindi ko pa rin maintidihan ang ilang taong iniru-ruler ang kanilang kaligayahan sa mga panibago at modernong bagay na mayroon sila sa halip na mga bagay na mas nakabubusog sa “loob” nila.

Naikwento rin ng nanay ko sa akin na ‘yung isang kaibigan niya dati e nagpalaglag. Naaawa ako sa sanggol dahil wala namang kaalam-alam sa buhay at hindi pa nararanasang mabuhay sa labas ng sinapupunan e tinanggalan agad siya ng karapatan.

Naalala ko ‘yung isang kwento ng guro ko noong hayskul ako nang ipinanood sa kanila ang isang pelikula o documentary na ang pamagat e “Silent Scream” (yata). Habang pilit na dinudurog at sapilitang inilalabas ng isang malamig na bakal ang maliit na buhay sa loob ng sinapupunan e ang maliit na buhay na iyon e nanlalaban at umiiwas. Isipin mo nga naman na ganoon kaliit na buhay, gustung-gustong mabuhay subalit walang habas na pinuputol ng mga tao. Pagkatapos e isisisi sa iba at sa mga nangyari sa buhay nila kaya nila nagawa ang ganu’n.

Sa kaalamanang may mumunting buhay sa loob mo e sapat na ‘yon para pangalagaan mo iyon at pakaingatan at mahalin—hindi patayin. Walang kinalaman ang iba pang bagay na nangyari sa buhay mo sa buhay ng isang taong nagsisimula palang mabuo.

Hrgh.

Kaya ang nangyari doon sa nagpalaglag na ikinuwento ng nanay ko, parang biglaan daw bumagsak ang kanilang pamumuhay. As in biglaan talaga. Sa tingin ko, ‘yon na ang karma niya.

Posted by andoyman at 1:41 pm | permalink | Add comment

Kowts

“I am a little pencil in the hand of a writing God…”
- Mother Teresa

Posted by andoyman at 1:40 pm | permalink | Add comment