Wala lang: #11
Wednesday, March 3, 2010
Nagising ako nang nangangati ang utak ko, gustong makaebs ng kahit ano. Gustong tumipa ng mga daliri ko sa keyboard at kahit hindi pa ayos ang computer namin—halos isang buwan na yata—e itutulay ko na lang sa pagtitipa sa opis.
Gusto ko sanang itipa ang tungkol sa nawawala kong inspirasyon na hindi ko alam kung anong inspirasyon din ‘yon at kung bakit at paano nawawala nang biglang bumalik matapos mabasa ang ilang pahina sa akalt na binili ko kahapon, “Ligo na u, Lapit na me” ni Eros Atalia. Dapat “The Winner Stands Alone” ni Paulo Coelho ang balak kong bilhin pero dahil hindi naman ganoon kalaki ang bookshop sa amin na puro tinda e coloring books, books for kids, antique novels, Twilight series, bibles, adarna, horror stories, florante at laura, at iilang libro ng VisPrint, ‘yung kay Atalia na lang ang binili ko pero sa halip na ‘yung “Peksman…” e ‘yung bago ang binili ko. Ewan ko kung bakit basta ‘yun na ‘yun.
Isa sa mga naunang nabasa ko bukod sa nakakadugo na ilong ang isang blurb ng aklat sa sobrang lalim ng pananagalog na ginamit sa kakatuwa at nakakabaliw at pampasirko ng utak at kamalayan e nasa nobela (o nobela nga ba?) ang isang insidenteng madalas na ginagawa ng mga estudyante pagkatapos ng exam na madalas ko ring itinatanong sa sarili ko noong nag-aaral pa ako.
Bakit sa tuwing pagkatapos ng exam e nakikipag-usap sa ibang kaklase ta’s tatanungin kung ano mga sagot nila, kung ano ang tamang sagot, at ‘yung iba e titingin pa ng notes saka manghihinayang e wala naman nang magagawa pa kung sakaling malaman nila ang tamang sagot? Kumbaga, makakaapekto ba sa exam mo kung sakaling makita o malaman mo kaagad ang sagot?
Madalas ganito ang eksena sa klasrum. Kung anu-anong bulungan at tsismisan at panghihinayang ang bumibilog sa mga sumisirkong estudyanteng hindi maka-move-on sa exam. Ako rin naman ginagawa ko pero hindi madalas. Madalang. Ayoko kasing manghinayang. Ayokong tumingin sa mga notes ko para malaman ang tamang sagot dahil wala na rin naman akong magagawa. Ayokong mawala ang thrill. At ayokong alalahanin pang muli ang isang exam na katatapos ko lang sagutan at ipasa lalo’t nalilimutan ko kaagad ang buong nakalimbag sa papel pagkatapos ko iyon sagutan.
Pero sa ibang araw ko na lang gagawan ng rebyu ang aklat kapag natapos ko na. Sa ngayon e nasa kalahati na ako ng aklat. Saka na ang rebyu ‘pag tapos ko nang basahin, ‘pag tapos ko nang kainin, ‘pag may (ilalaan akong) oras, ‘pag sinipag.
At babalik ako sa kawalan ng mga salitang ititipa ko para ipagpatuloy ang kalokohang ito na nasimulan ko na sa #1 at ipinagpapatuloy ko ngayon kaya #11 na. Na-snatch saglit ang utak ko nang bigla kong maisip na gawin ko kayang aklat ang lahat ng sinusulat ko sa wala lang? Pero bumawi rin agad ako dahil manghihinayang lang din ako sapagkat magmumukha akong magnanakaw ng mga ibabayad nila sa isang walang kwentang aklat na ang nilalaman ay tungkol sa wala lang.
Pero ano nga bang masama sa pagsusulat ng wala lang? Meron ba? Malay mo may makuha kang meron sa wala. Meron nga ba ang wala? Anong wala sa meron? Anong meron sa wala? Nakakalokong tanong mula sa isang loko-lokong tao na may loko-lokong utak na galing sa isang barkada noong hayskul—dahil anim lang na estudyante ang meron—na puro kalokohan ang alam at ginagawa. Nakakaloko ba? Malay mo nanloloko na lang ako.
Paano nga ba malalaman kung naloloko ka na o hindi? Kung alin ang totoo o hindi? May mga kalokohan na totoo at may totoong kalokohan. Tama ba? May sense na ba ang mga sinasabi ko? Kailangan ko ba laging may sense? Madalas iyon ang hinahanap ng tao sa kapwa niya lalo na sa pakikipag-usap—ang sense. May sense kausap, may sense of humor, may sense kasama, may sense ano…may sixth sense?
Hindi ko alam kung may sense ako. Pero minsan nang tanungin ko naman ang isa kong kaklase, ni-chat ko siya sa facebook, tinanong ko siya kung may sense ba ako kausap. May sense naman daw ako, ‘yun nga lang may times na hindi niya masakyan mga sinasabi ko lalo na ‘pag sa anime.
Mahilig na ako sa anime mula noong bata pa ako at dito ako namulat. Iyon pa nga ang istilong gamit ko sa pagguguhit na nang lumaon, nang tumanda ako’t pumogi *ehem* o sige na iba na lang, nang tumanda ako’t nagkaalam, mas gusto ko nang magkaroon ng sariling istilo, istilong iba sa mga gumuguhit, istilong bago sa mga mata, istilong maipagmamalaki kong “Istilo ko ‘to!”
Pagtingin ko ngayon sa facebook, sabi ng isang kaklase ko sa kaniyang status e babae raw si Bob Ong at isang prof sa UP. Totoo raw ‘yon. Hindi ko alam kung totoo.
“Go home and hang yourself” ang paboritong linya ng prof ko sa RIZLIFE noong college ko na hindi ko naman itatanggi na isa siya sa mga paboritong prof ko dahil sa prof siya na alam talaga ang itinuturo, hindi ‘yung basta nakiki-ride-on lang sa mga tsismis o nagbabasa ng mga slides niya. Inaalala ko kasi ang pangalan niya kahapon. As hindi ko matandaan at talagang pinoproblema ko. Mabuti na lang ang nagsusulat ako sa bahay kaya pag-uwi ko sa amin, nalimutan kong tignan.
Naalala ko lang paggising ko kaninang umaga. Maagap kong hinagilap ang mga piangsulatan ko hanggang makita ko ang pangalan niya, si Ma’am Majillano. Minsan e dinrowing ko ‘yung mukha niya sa handout ko yata. Hindi naman talaga dapat siya pero naging siya nang hindi ko sadya. May shades pa!
Nasabihan tuloy ako ng katabi ko nang makita niya ang drowing ko, “Grabe ka naman” pero nakangiti siya, marahil naaaliw din o natatawa o natutuwa. Pero nang ipakita ko ang drowing ko, nang magpaalam siya sa amin na papunta siyang Australia, ipinakita ko sa kaniya ang drowing ko at sa halip na magalit e natuwa pa siya. Akala ko talaga e magagalit.
Nasabi ko sa isa kong kaklase na kapag inis o di ko trip ang isang prof e naidodrowing ko. Pero hindi naman palaging tama ‘yun. Pero peksman, aaminin ko, masarap iguhit ang mukha ng mga prof mo lalo na sa inis na inis ka lalo sa ginawa ko doon sa isang prof na binigyan ko ng malaswang sexy body, may buhok pa sa binti!
Lalake ‘yun at nakadalawang bachelor of blah blah siya pero hindi ko trip ang istilo ng pagtuturo niya kaya bago ako makalipat ng ibang section e iginuhit ko siya at ipinakita sa mga kaklase ko. Siyempre, uproar sila! Gusto pa nga nilang dagdagan ng kung anu-ano ang drowing tulad ng mga sungay-sungay na ganyan. ‘Yung iba e gustong tusukin ng bolpen.
Hanggang ngayon e nasa akin pa rin ang drowing ko. Gagawin kong antigo ‘yun para kapag nakita ko ulit mga kaklase ko, ipapaalala ng drowing ko ang prof na minsan e naging paborito nila…paboritong sunugin sa nagbabagang hell.
Can’t Put Good Hardy -bleep-bleep- Down
Can’t Put Good Hardy -bleep-bleep- Down
by AntiPinoy
I was thinking of the title “It’s Tough to Put a Good Man Down”, but it must be my inner Howard Stern at work, so there. I don’t know Gordon as a person that much and don’t know him as mayor. What I do know is this – he was instrumental in the transformation of Subic and Olongapo from Sin City to a bustling Freeport . However, that’s not enough because in the recent days, I was hearing a lot of chatter about Gordon, corruption, and smuggling – and I, too want to get down to the bottom of this or at least get to know more about the discussions in this arena. Now mind you, I am not an investigative reporter – but I do know how to use Google with maximum efficiency.
And so without further adieu, let us review the literature.
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009
- December 2008


