Wala lang: #12
Wednesday, March 10, 2010Pasmado ang mga mata ko. Pa’no, nabasa ko yata nang hindi sinasadya kagabi habang naghihilamos. Nakow naman. Tapos medyo nangangalay ang mga daliri ko ngayon habang nagtitipa lalo na ‘yung hintuturo sa kanang kamay ko dahil madalas kong ginagamit sa pagki-click para matapos ang mga pinapagawa sa akin…at paglalaro ng Restaurant City sa facebook. Hehehehe.
Mabuti na lang at sakto ‘yung exercise para sa kamay na ipinakita sa Umagang Kay Ganda kanina. Asteg.
May dagdag ng thrill sa pagtatrabaho ko ngayon. Noong noong nakaraang linggo, hindi ko na matandaan ang eksaktong araw, sinabihan ako ng supervisor ko na may penalty ang bawat namimiss na deadline. Friday pala ‘yon at sa darating na Lunes na lang dapat ipapaliwanag ni Miss Flo kaso nalimutan niya…at hindi ko rin naman na pinaalala. Hahaha. Pero nalaman ko pa rin kung magkano ang penalty na ibabawas sahod nang minsang si boss namin mismo ang na-late magbigay ng sahod namin. Hahaha. Nagulat nga ako dahil nag-abot si Miss Ann ng isandaang piso at ang sabi niya e penalty ‘yon. Hwoohoo! Asteg!
Minsan naman e nakausap ko si Malet tungkol sa penalty rin. Depende pala pinapagawa kung magkano ang ibabawas sa sahod ng empleyado. Mahilig ding makipagpustahan ang boss namin kaya kung makikipagpustahan daw ako, dapat ay sigurado ako para siya ang magbabayad sa akin. Matalas din ang memorya ng boss namin dahil kaya niyang maalala ang mga sinabi o date o impormasyon kahit ilang linggo na ang nakalipas. Hanep.
Pero sa tingin ko’y mas matalas pa rin ang memorya ng prof ko sa ENGECON noong pinakahuling sem ko sa kolehiyo. Sa malupit at kakaiba niyang hairdo na hawig sa nakuryenteng buhok ni Einstein pero medyo anime ang style at sa dami ng noo na makikita mo e singlupit n’on ang lupit ng memorya niya dahil kaya niyang maalala ang mga nakasulat sa isang papel, halimbawa sa exam paper o sa dyaryo, nang hindi na muling tumitingin. Palabasa ‘yon ng dyaryo kaya madalas ko ring nakikita sa library noon.
Minsan nga e nagpagawa siya sa akin ng isang video commercial para sa negosyo niya. Di na ako nagtanong kung magkano ang ibabayad niya at di rin naman siya nagtanong kung magkano ang ibabayad niya. Ginawa ko ang video at nang matapos, binigyan niya ako ng isandaang piso. Parang gusto kong gilitan siya ng leeg ng inabot niya sa akin si Roxas. Pero sa halip na magreklamo at magpadagdag, kinimkim ko na lang ang himutok ko at inisip na kahit papaano e nagbayad siya. Inaasahan ko pa naman e limandaang piso lalo’t may business na siya, prof pa—hindi pa lahat ng branch ng business niya e nagbabayad ng tax.
Isang araw e sinabihan niya akong anganda raw ng ginawa ko. “E di ser dagdagan niyo ang bayad niyo sa akin dahil nagandahan naman kayo,” bulong ko sa sarili ko. Ngumiti lang ako at nagpasalamat. Noong mga araw ng finals e pumunta ako sa room na binabantayan niya para ibigay ang mga exam paper namin. Sinabihan niya ako pagkatapos na sumama raw ako sa kanya patungo sa kanilang probinsiya at ipakikilala niya ako sa mga tao do’n. Siya na raw ang bahala sa pagkain ko para sa ilang raw. Ako na raw ang bahala sa pamasahe ko. ‘Langya.
Pero kahit papaano, naramdaman ko na nagtiwala siya sa akin pagkatapos niyang magustuhan ang video commercial na ginawa ko. Mas mahalaga ‘yon sa akin. (Sana nga lang dinagdagan talaga ang bayad sa akin.)
Hindi na ako sumama at hindi na ako pinayagan ng mga magulang ko at hindi rin naman ako um-oo. Una dahil mag-ga-graduation na at pangalawa, takot ako sa mga sinasabi ng pamahiin na kapag may magandang mangyayari o aabangang mangyari e ‘wag magpapasyal sa malalayong lugar at baka mapahamak.
Bale may deadline na ngang binibigay ang supervisor ko sa akin ngayon sa bawat ipagagawa niya sa akin. Basta dapat mabilis akong gumawa…para hindi ako mapatawan ng penalty…at makapag-facebook o blog kaagad ako. Hahaha
Sarap ng halo-halong (inilibre) ni Princess. Hwoohoo! Etong masarap todits sa opisina dahil kapag wala ang mga boss e may nanlilibre ng meryenda todits. Katulad na lang noong Biyernes na nanlibre sila ng saba con yelo habang nagyu-youtube trip kami.
Kaso pagkatapos kong kumain ng saba con yelo e biglang naglabasan ang init sa katawan ka habang humahalo sa lamig ng kinain ko. Di ko maintindihan. Basta tumae ako isang oras yata pagkatapos.
Grabe.
Tanong lang…
“Bakit may Diyos?”
Bigla lang sumulpot sa utak ko ‘yang tanong na ‘yan at alam ko noong simula pa lang hindi ko kayang masagot ‘to…o kahit ng sinupaman. Sabi nga ng isang kaibigan ko (na galing sa isang site na nabasa niya): “dahil me mga katanungang ndi kayang sagutin ng tao kaya ginawa ng utak nila ang Diyos” o “dahil me mga katanungang ndi kayang sagutin ng tao na wala nang ibang makakasagot kundi isang nilalang na higit pa sa tao”
Pero sa tingin ko, habang buhay kong dadalhin ang tanong na ‘to. At hindi naman talaga lahat ng tanong e kailangang sagutin, di ba? Minsan, sapat na ang tanong na iyon para malaman mo ang sagot sa iba mo pang tanong.
Bilihan ng Burger
Pabosong sumisilip ang araw sa mga taong paroo’t parito sa kalsada at pilit silang nilililiman ng kaniyang liwanag bago pa man sumikat ang dilim na idudulot ng nagbabadyang pag-ulan. Abala kayong dalawa sa paghihintay na maluto ang in-order ninyong super special burger na naglalaman ng burger patty, cheese, itlog, bacon, ham, repolyo, mayonnaise, at ketchup.
“Mukhang uulan,” nakatingala niyang sabi matapos mapuna ang mga kulay abong ulap na unti-unting gumagapang sa buong lugar.
Tumingala ka rin at sumang-ayon sa kanya. Sa totoo lang, kanina ka pa hindi mapakali. Hindi mo lang ipinapahalata sa kanya dahil ayaw mong mag-alala siya sa ‘yo. Ayaw mong gawin “ito” pero napipilitan ka.
“Wala pa naman akong dalang payong,” pag-aalala mong sabi sa kanya.
“’Buti may dala ako. Sabay naman tayo mam’ya e kaya hindi tayo mauulanan,” malambing niyang sagot para mapawi ang iyong pag-aalala. Ngunit kung alam lang niya, higit pa roon ang iyong inaalala. Nginitian mo na lang siya pagkatapos saka pinagmasdan ang malapit ng malutong burger.
Sinimulan mo ang kwentuhan sa isang reklamo: “Grabe si ser, ‘no? Palaging late kung dumating sa klase.”
“Oo nga. Sayang lang ibinabayad nating tuition fee. Wala rin naman tayong natutunan sa kaniya e. Pa’no, binabasa lang niya ang mga nasa presentation niya,” dagdag pa niya.
“Sana refundable ang tuition fee kapag gano’n ang mga prof mo. Hehehe.”
Nakatawa siyang sumagot kasabay ang pagtapik sa iyong balikat, “Oo nga! Sa bawat late ng prof, may maibabalik sa ‘yo mula sa ibinayad mo. Hahaha!”
“Weeeeh. Tawa naman si Panget!” agad mong pambabara sa kaniya.
“Panget mo mukha mo!” at isang suntok sa braso ang iginanti niya sa iyo dahil sa pambabara mo. Palagi niyang ginagawa iyon sa tuwing napipikon siya sa pang-a-alaska mo. Kung hindi “Panget” ang tawag mo sa kaniya e “Baboy” naman minsan. At kung minsan naman, “Shrek”. Wala lang. Trip mo lang talagang asarin siya ng ganoon kahit hindi naman totoo ang mga salitang ipinang-aasar mo sa kaniya. Madalas mo siyang barahin at gustung-gusto mo ang mga reaksiyon ng mukha niya. Kumbaga para sa iyo, ganoon ang paraan mo ng panlalambing sa kaniya. At kahit nakabusangot ang kaniyang mukha, naku-cute-an ka pa rin sa kaniya.
Kasunod niyong napagkuwentuhan ang exam kanina. Hindi alam ng mga kaklase niyo at lalo na ng mga prof na nagkokopyahan kayong dalawa kahit magkalayo. Gamit ang bluetooth ng cellphone ninyo, patago niyong kinukuhanan ng picture ang inyong mga sagot at solutions saka ipapasa sa isa’t isa. Madalas siyang magreklamo sa sulat mo dahil hindi niya maintindihan ang sulat-kamay mong pang-reseta-ng-gamot habang ikaw naman ay madalas magreklamo sa tagal ng pagbu-bluetooth niya ng sagot sa iyo.
Habang masaya kayong nagkukwentuhan, nakuha niyo na sa wakas ang in-order ninyong burger. Bumili rin kayo ng 7-Up bilang panulak. Hindi lang kayo ang nandoon. Madalas dinadayo ng mga estudyante ang mga burger stand bilang pamatid-gutom matapos ang mahaba at nakakaantok na klase. Mayroon ding mga iba pang pagpipiliang pagkaing ang mga nagugutom at nagtitipid. Nandiyan ang kwek-kwek, fishball, squidball, calamares, kikiam, banana cue at camote cue at palamig bilang pamatid-uhaw. At may ibang footlong at iba’t ibang klaseng shake ang itinitinda.
Sa bawat pagkagat at pagnguya niya sa burger, palihim mo siyang tinitignan. Sa tuwing pinapanood mo kasi siyang kumakain, napapangiti ka. Namamangha ka kasi sa kanyang kagandahan kahit kumakain siya. Patago mo siyang tinititigan sa tuwing hindi siya nakatingin at palihim ka ring ngumingiti. Magkalapit lang ang inyong upuan at hindi mo maiwasang kiligin.
“Bakit?” pag-usisa niya matapos mahuli kang nakatitig sa kaniya. “May kung ano ba sa mukha ko?”
“Ha? W-wala. Wala naman,” nakangiti kang sumagot para hindi siya mag-isip ng kung ano at saka mo iniwas ang iyong mga mata sa kaniya. Bumalik siya sa pagkain pagkatapos. Inubos niyo muna ang inyong burger bago ininom ang biniling panulak. Umalis na kayo matapos kayong magbayad sa ale.
“Ano? Uwi na tayo?” muli niyang tanong sa iyo. Napansin mo ang ngiti sa kanyang mukha. Sa ngiti palang niyang iyon, nagiging instant obese ang puso mo sa ligaya. Naihiling mo sa iyong sarili: “Sana, hindi na matapos ang sandaling ito.”
Gusto mo na sanang umuwi din kasama siya kaso hindi pa pwede. May kailangan ka pang gawin. May kailangan ka pang tuparing pangako. Bago kayo makatawid ng kalsada, mahina kang nagsalita sa kaniya,
“Ah, hindi na muna. May ipapakilala pa kasi ako sa ‘yo.”
Kumulog sa kalangitan babala ng isang paparating na sigwa.
Kowts
If you don’t go after what you want, you’ll never have it. If you don’t ask, the answer is always no. If you don’t step forward, you’re always in the same place.
- Richard Esguerra
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009
- December 2008



