kwan. ano. yon. yeh!

Showtime Part 1

Tuesday, March 16, 2010

Katamtaman lang ang panahon pero ramdam pa rin ang init ng summer sapat para pagpawisan ka kahit sa mga kaunting galaw lang. Pagdating ko sa McDo, ang lugar-hintayan namin, wala akong nadatnan ni isa sa mga kasama ko. Agad akong nag-text sa bisor ko at sinabi niyang doon ako sa may traysikelan. Akala ko ‘yung isang traysikelan ang tinutukoy niya, mabuti’t nakita niya kaagad ako kasi kung hindi baka bumalik pa ako sa malayong traysikelan.

Sumakay kami ng traysikel. Bumaba kami sa tapat ng PBB house. As usual, nandoon ang mga taong sabik makapag-picture sa Bahay ni Kuya bilang background nila. Pagkababa sa traysikel, mabuti’t namukhaan ng bisor ko ang nanay ng kasama namin na kanina pa naghihintay. Patuloy ang pagtingin ng mga taong dumaraan sa Bahay ni Kuya at pagpapa-picture dito habang pasilip silang binabantayan ng guwardiya sa loob. May namataan din akong isang grupo ng kulto na lahat e nakasuot ng pink na damit. ‘Lam mo na kung saan ang pakay nila. Humirit ang isang lalake sa loob ng isang inaayos na jeepney na nakaparada sa tapat ng PBB house, “Dapat nag-orange kayo!”

Imbiyerna na ang araw. Halata sa init nito para sa 8:30 ng umaga. Sing-imbiyerna ng nanay ng kasama namin kahihintay dahil nakakahiya nga naman sa “backer” namin. Maya-maya, dumating din sila. Pumasok kami ng building. Doon kami sa may labas ng Starbucks sa loob ng gusali. Maya-maya, lumabas kami sa hindi ko malaman na dahilan. Basta bumubuntot lang ako. Tumawag ulit sa cellphone ang nanay. Balik daw ulit kami sa loob at sa may Ministop kami. Pasok ulit kami.

Lakad. Lakad.

Pagkarating namin, nakita ko ang pila ng mga audience na gusto ring makapasok sa Showtime. Sa lugar na ‘yon din ako nakapila nang i-text ako na kasali ako sa Game KNB? noong college pa ako…pero di ako pumasa sa elimination round. Ang higit na ipinagtaka ng mga mata ko e kung bakit ang suot ng mga tao roon e parang magpa-party. As in todo-attire sila at todo-ayos, todo-make-up sila sa kanilang mga sarili.

Hinanap namin ang pwedeng mapagtanungan…

Aaargh! Tinatamad ako! Nabagot ako sa mga isinulat ko! Basta masaya sa Showtime!

Nang makapasok ako sa studio ng Showtime, nalaman kong:

-importante ang backer sa loob dahil priority nila ang mga “bisita” ng mga nasa loob. Ibig sabihin, sila ang unang makakapasok sa loob.
-madalas sosyal at party-people ang mga nanonood. Ibinase ko ito sa mga suot nila.
-marami kang legs na makikita.
-marami ang mga “bisita”, ganoon din marami rin ang mga audience na walang backer pero nagtiyagang pumila nang napakaaga makapasok lang. Pero reality hurts, marami sa kanila ang hindi nakakapasok.
-walang entrance fee.
-nagbibigay sila ng mga ¼ size na papel na may picture ng showtime sa likod. Doon ka boboto. Hindi ako bumoto kasi pasaway ako. Tinago ko ‘yon bilang souvenir. Hehe.
-pagkatapos maipila ng lahat, magpapaliwanag muna ang nakaasul na marshall kung ano ang mga bagay na pwede at hindi pwede sa loob.
-habang nagpapaliwanag ang marshall, si Dumbo ay abala naman sa pagkuha ng group picture sa bawat audience. Di ko nga lang alam kung umabot ‘yon sa mga audience na walang backer.
-pagkatapos magpaliwanag ng marshall, saka kami papasok. Bawal ang kahit anumang tubig sa loob pero dahil planado ko na ang pagbukas ng bag ko at patusuk-tusok lang naman ang ginagawa ng mga guwardiya, naipasok ko ang tubig ko. Hehe.
-di naman ganoon kahaba ang lalakarin patungong studio pero hindi rin naman ganoon kaikli.
-bago ka makapasok sa studio e sasalubungin ka muna ng mga props na ginamit nila sa iba’t ibang show.
-malamig sa loob. Sa tv, mukhang malaki ang studio. Pero sa personal, hindi.
-may mga designated ng tao sa bawat upuan. Nang hindi kami magkasya sa pahabang upuan na ibinigay sa amin, napaupo ako sa likod. Pero noong una lang ‘yon. Buti at nakatabi  ko rin sila. ‘Yoko mag-isa dun. Mahihirapan akong magloko ‘pag wala akong kasama. Haha.
-medyo nabagot ako noong una. Para sa akin kasi e tahimik pa bukod sa mga taong paroo’t parito at sa paulit-ulit na kanta ng palabas.
-nagdilim ang studio at may nagsalita. Nagpalabas sila ng isang sitcom kung saan ang cast e mga taga-Showtime, ‘yung mga host nila. Masaya at nakakaaliw ang parang sitcom presentation nila. Tingin ko e palagi nilang pinapalabas ‘yon araw-araw. Baka may iba’t ibang version pa.
-pagkatapos e may nagsalita, ang sabi e makikita raw namin si Piolo Pascual. Pero ang lumabas e si Mel Feliciano.
-ayos sila mang-uto este mang-motivate ng tao. Pinauna ni Mel Feliciano palakpakin ang mga tao sa itaas. Malakas. Sinunod niya ang mga nasa gilid ng stage at sinabi niya na kapag mahina e pagpapalitin niya ng pwesto. Kaya siyempre, lalakasan din ng iba ang palakpakan nila.
-hinati ang audience sa apat at kung sino raw ang pinakamahina e ililipat sa taas. Hindi ko nilakasan, hindi rin ako humiyaw. Pasaway ako e. Pero elibs ako dahil na-motivate nila ang tao na pumalakpak at humiyaw ng malakas.
-nagpaliwanag siya at kunwari e nakinig at naintindihan namin.
-may kaunting ala-stand-up comedian hirit siya para sumaya ang mga nasa loob na bumisa naman sa mga nanonood.
-nagkaroon na palaro na pinauso ni Mel. Ang sinumang may pinakamagandang step ng Nobody, Nobody ay mananalo ng P10,000 kaya pinapunta niya sa stage ang sinumang gustong manalo.
-noong una e wala at mga nahihiya pa. Pero kinalaunan e dumagsa ang mga taong gustong manalo ng sampung libong piso. Ako ayoko—may tumatakbong hinala sa utak ko kaya ayaw ko. Sa grupo namin, isinusuplong nila ‘yung dalawang binatilyo at dalagita na kasama namin; ‘yung dalagita ang napilit/nauto.
-di rin pinalampas nang dalawang chicks na sumali kaya napatingin si Mel sa legs ng babaeng nakasuot ng asul na maiksing shorts.
-pasimula na ang tugtog, at biglang hataw naman ang isang lalake nang biglang nagsabing, “Joke lang!” Ayun, maraming nadismaya, nahiya, natawa, at nainis siguro.
-binuko pa ng dj na ‘yung dalawang chicks e nagtuturuan pa kung anong steps ang dapat nilang gawin.
-hahaha.

Itutuloy…

Posted by andoyman at 5:10 pm | permalink | comments[7]

Create your own rant!

Posted by andoyman at 5:08 pm | permalink | Add comment

Podiatrist

Kung sumakit at sobrang ngalay na ang mga binti mo kakasuot ng matataas na heels na ginagamit mo rin sa mga marathon at fun run, at minsan e sa pangangarate, kailangan mo nang kumonsulta sa mga ispesiyalista ng mga paa—ang mga Podiatrist.

Posted by andoyman at 5:07 pm | permalink | Add comment

Kowts

“Facebook ka nang Facebook kaya ka walang lovelife eh!”
- Stanley Chi

Posted by andoyman at 4:50 pm | permalink | Add comment

Komikon Summer de Avance

Nakita ko ‘to sa wall sa fb ni Sir Gerry Alanguilan. At talaga namang napanganga at natulala ako sa napakagandang poster na ‘to. Ang bawat character ay iginuhit na mismong mga artist nito at pinag-sama-sama naman ni Sir Jon Zamar at voila, isang napakaangas at napakaasteg na poster para sa Summer Komikon 2010.

Sabik na sabik ako para sa event na ‘to dahil ito ang magiging kauna-unahang beses na makakadalo ako. Ooh…sana makadalo talaga ako…at sana makapamakyaw ako ng maraming komiks. Hahahaha.

Ang mga karakter mula sa kaliwa papuntang kanan:
Igno ng Pugad Baboy ni Pol Medina, Jr., Sarhento Sagrado ng Bayan Knights, Zsa Zsa Zaturnnah ni Carlo Vergara, (’yung nasa dibdib ni ZsaZsa) Benjo ng Kubori Kikiam ni Tiga-Kanal, (’yung manok) Elmer ng Elmer ni Gerry Alanguilan, Dante ng Pasig ni Taga-Ilog, Alexandra Trese ng Trese nina Budjette Tan at KaJo Baldisimo, ‘yung Punks sa Kikomachine Komix ni Manix Abrera, Michiko Yamashita sa Ninja Girl KO ni Marco Dimaano, isang karakter sa Beerkada ni Lyndon Gregorio (kung hindi ako nagkakamali), at ‘yung kalabaw sa A. Lipin ni Jess Abrera

Posted by andoyman at 11:35 am | permalink | Add comment