kwan. ano. yon. yeh!

Kowts

Friday, April 30, 2010

“You may not be her first, her last or her only. She loved before, and she may love again, but if she loves you now, what else matters? She’s not perfect, you aren’t either, and the two of you may never be perfect together, but if she can make you laugh, cause you to think twice, and admit to being human and making mistakes; hold onto her and give her the most you can. She may not be thinking about you every second of the day, but she will give you a part of her that she knows you can break - her heart. So don’t hurt her, don’t change her, don’t analyze and don’t expect more than she can give. Smile when she makes you happy, let her know when she makes you mad, and miss her when she’s not there.”

—Bob Marley

Posted by andoyman at 5:11 pm | permalink | Add comment

Masayang Malungkot

Thursday, April 29, 2010

naranasan mo na bang maranasang maramdaman nang sabay ang saya at lungkot? ako ngayon eto e, nararamdaman ko. ang hirap. langya. parang nae-LBM ang dibdib mo sa magkahalong magkasalungat na emosyon at hindi mo alam kung paano ito gigilingin ng puso mo.

masaya dapat ako ngayon. basta dapat masaya. pero sa hindi malamang dahilan, lumungkot ako.

may mga bagay na talagang hindi inaasahan na biglang sasampal sa mukha mo at isasalampak ang mga hapdi na dala ng pinasok mong sitwasyon. madalas ako ngayon, ano e, andaming takot at pangamba ng puso ko. at lagi kong hinaharap ang mga ito dahil dito ang compass ng puso ko kaya ganun.

hay…

at mas mahirap pa kesa sa UPCAT kung ang saya at lungkot mo e dulot ng isang tao/bagay/pangyayari/utot na hindi mo naman mabitaw-bitawan kasi ano…mmm…kumbaga karugtong na ‘yon ng pang-araw-araw mong pamumuhay. kumbaga, nakita mo ‘yung nawawalang piraso ng dahilan mo sa mundo kaya hindi ka agad dapat magpatalo sa lahat ng takot at pangamba at kalungkutang nararamdaman mo.

ganon.

gets mo ba?

pero sa kabilang banda, masaya ka dahil–ayon sa puso mo–eto na ‘yung matagal mo nang hinahanap-hanap at wala nang dahilan pa para sumuko o bumitaw sa kasalukuyang nararamdaman/pangarap mo dahil eto na ‘yun e!

hay…

kaso hindi mo naman pwedeng ipilit ang ano…ang hindi pa talaga pwede kasi nga “hindi (pa) pwede” at hihintayin mo pa ang ano…tamang pagkakataon para maganap o matupad ang kung anumang gusto mo.

at ang gagawin mo tuloy, susulong ka na lang nang susulong kahit madilim(di dahil sa hindi nagbayad sa palaging nagtataas ng electric bill sa meralco o sa usung-usong rotational brown-out) kasi wala ka namang kaide-ideya kung mararating/matutupad/mangyayari nga ba o hindi “iyon” pagkat ang alam mo lang, sumusunod ka lang sa utos ng puso mo….

at napakahirap talaga pag biglang kung anu-anong papasok sa utak mo kahit wala ka naman talagang alam sanhi para magdusa ang puso mo…

hmm…

basta ayun…masaya ako…na malungkot…kasi ano…

hay..sana hindi na lang naganap ang meeting kanina…

sana mamaya o bukas, ok na ako…

O Dear Lord…hay…help me po…

*sigh*

Updated

1. Medyo ok na ako ngayon. May natutunan ako: Ang lotus, maganda kahit sa putikan tumutubo. Dapat ganon. Di ba? Hahahahaha. Okey na ako! Ahahahaha. Langya, ambilis maka-move-on sa lungkot ahahahah!!!

Sa wakas, nakaalis din ako sa lungkot na laging nakabuntot sa akin! Walang ‘ya! 

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! hwaheheh….kulet….hehehe….

2. Paalala ni Kuya Romi, walang sabay, magkasunod lang. Oo nga naman. Haha. Tangengorkz talaga ako. Haha.

3. Masaya ako dahil nakita na “niya” ‘yung pangako ko sa kanya. Malungkot dahil hindi ko siya nakausap dahil sa biglaang meeting kanina. Pero ayos na. Bukod sa cute na bata na nandito ngayon sa computer shop–na alam niyo naman na natutuwa talaga ako sa mga bata–online na “siya” ngayon. Bleh! :p

4. Ba’t di niyo sinabing uulan? Ha? Hahaha. Wala lang.

Posted by andoyman at 2:18 pm | permalink | Add comment

Tomadero

Tuesday, April 27, 2010

Yak! Ge, sinong gustong lumaban sa kanya??? Anyone???

Credits to Ninni Rebecka

Posted by andoyman at 4:49 pm | permalink | Add comment

Combo!!!

Mmm! Combo!!!! Ahahahaha!!!

Credits sa gumawa.

Posted by andoyman at 4:46 pm | permalink | Add comment

05.10.10

Sa may Komikon ‘to. Nakita ko ‘to at namangha talaga. Ahahaha. May 10 election inspired by Trese. Asteeeg!

Credits to Robi Oblena.

Posted by andoyman at 4:40 pm | permalink | Add comment

Summer Komikon 2010 Experience Gallery

Saturday, April 24, 2010


Sa labas ng Bahay ng Alumni. Kinikilig na ako mga bandang d’yan pa lang!


Ako at si Kuya Dino. Hehehe.


Si Kuya Freely at ako–nagtatawaran. Hwahehehe.


Meron palang ganito sa Komikon?! Ahahahaha. Nagulat ako. Peksman. :D Ahihihii.


Si Kuya Freely, Tito Allan, Kuya Gil at ako.


Ako at si Manix Abrera habang hawak-hawak ko ‘yung binili kong t-shirt. Asteg!


Sa wallpaper ng komikon. :D


Ako habang ginagaya ang hand signature ni Romi Lizada. Ahahaha! Si Kuya Romi ang orihinal ng “Babol Gang”, na ginawang gag show at tinawag na “Bubble Gang.” :D


Ang mga gwapings ng Komikon! Hwahahaha!


Samu’t saring komikero at komikera! Hwooo!


Si Ate Syeri…habang kumakanta ng “My Way”…?


Ako at si Tito Allan. Hehe. (’Yan ‘yung napanalunan kong SKP book, haha)


Ako at si Pol Medina, Jr. Ahahahaha!


Last picture bago tuluyang umuwi. Ehehehe

Maraming salamat kay Kuya Romi para sa lahat ng litrato. Hwoohoo!

Posted by andoyman at 2:31 pm | permalink | comments[2]

Summer Komikon 2010 Experience

Paano ko ba sisimulang isalaysay at isalarawan ang kaligayahang nag-uumapaw sa kabuuan ng aking katauhan at nagpaligaya sa sobrang tuwa’t galak sa aking kaluluwang pinupuno ng mapangarap kong puso?

Andrama. Haha.

Pero peksman, parang bliss, parang euphoria, o siguro, nirvana na, pero pwede ring…heaven na talaga! Haha! Walang tigil sa pagkalabit ng kakulitan ang puso ko kaya paroo’t parito ako sa loob ng Bahay ng Alumni sa UP noong Sabado para sa Summer Komikon 2010.

Fast-forward na. Hindi ko na ikukwento ‘yung pag-alis ko ng bahay, biyahe, pagdating sa SM Megamall, ‘yung nalaman kong kwento tungkol sa ano, tapos ‘yung kinwento ni Tito Allan tungkol kina Kev at Charles (Hoy! Kayo ha. Hahaha!), at ‘yung paglalakbay patungong bahay ng alumni.

Nang makita ko palang  ang labas ng bahay ng alumni, na-time-space-warp na ako sa langit. Haha. As in gano’n talaga! Sa totoo lang, paggising ko masaya na ako e. Excited na. Tapos nang makita ko ulit si Tito Allan, tapos nadagdagan pa nang makita ko si Kuya Romi kasama si Kuya Gil, tapos ‘yung sa libreng lunch (ahehehe), tapos habang inaakyat ang bawat baitang patungong entrance ng Bahay ng Alumni, pigil na pigil na pigil—na pigil—ko na ang pagngiti ko (‘pag sumabog kasi e baka magiba ‘yung bahay ng alumni kaya ganun). Kasi eto na ‘yun e! Bago pa ‘to magkatotoo, alam ko na rin kung anong kulay ng damit ang isusuot ko pati kung ano mga bibilhin kong komiks. Haha! Pumasok kami. Bumili ng tiket. Nakuha ko ‘yung freebie na poster at pamaypay at hwaha! Eto na ‘yun! Nakadalo na rin ako sa wakas! Hwoohooo!

Naghuhumindik ang kaligayahan ko habang abala ako kung ano ang uunahin at kung ano ang gagawin ko. Hindi ako mapakaling mag-isip kung alin ba dapat ang una kong i-a-accomplish. Naguguluhan ang ubod-saya kong puso. Hindi ako kalmado. Excited lang sobra. Haha.

Una kong nakita si Manix Abrera at ‘yung pila ng mga nagpapa-autograph sa kanya. Hwaha! Buti dala ko ‘yung Kikomachine Komix Blg. 5 niya, hehe. Balak kong bumili ng discounted na “12” niya kaso may nakita akong t-shirt kaya kinalaunan, ‘yun na lang ang binili ko (nahirapan pa nga akong bumili dahil wala silang panukli sa akin hahaha). Malapit na ako sa kanya tapos noong ako na, hwaha, ansaya. Iniabot ko ‘yung bilang 5 tapos binuklat niya at tinanong ako kung ano raw pangalan ko. Sabi ko, “Andoyman.”

Ulangya! Nagulat ako sa mga sinabi niya pagkatapos. “Ikaw si Andoyman Komikero? ‘Yung nakamaskara?”

Aaaaaaaaaaaaaaaaagh! Kilala niya si andoyman! Hwaaaaaaa! Asteeeg! Tapos ayun, napapirmahan ko na nga. Na-stun talaga ako. Hehe.

Tapos ayun na, sunud-sunod na. Random na ang pagpunta ko sa mga komikerong nandoon. Basta bawat mahihintuan ko, bumibili ako. Hahaha! Nilaan ko talaga kaya ‘yung sweldo ko para dun hahaha. Hindi na ba halatang adek?

Nakita ko si Memer ng Cat’s Trail, si Tiga-Kanal ng Kubori Kikiam(may drawing pa na andoyman sa autograph niya sa akin eheheh asteeeg), si Taga-Ilog ng Pasig, si Kuya Wan ng Unos Mundos(na dahil sa kaengotan ko, nalimutan ko ‘yung signed copy na binili ko sa kanya, akala ko nawala ko, buti naiwan ko sa kanya hehe), si Kuya Omeng ng (kyut) Love Story plus ‘yung tupang necklace(haha!), si Kuya Jon Zamar ng Digmaang Salinlahi(na nagulat matapos makita (para magpa-autograph) ‘yung unang isyu ng komiks niya e meron pa ako ta’s siya walang kopya), si Ate Syeri ng Carpool(na ginulo ko sa pamamahinga para lang magpa-autograph pero sinuklian ko naman kasi pinapaypayan ko siya hehe), si Kuya KC ng Comic Spotting, si Kuya Dindo ng Laging Bata(na nakulitan sa akin dahildaig ko pa ang batang may ADHD sa pagbili ng komiks tuwing may hihintuan akong mesa, ahahaha), si Kuya Julius ng Life in Progress Comics(na hindi ko na matandaan ang mukha ngayon), si Sir Gerry ng Elmer at Where Bold Stars Go To Die, si Sir Edgar Tadeo(na idol ko talaga pagdating sa pagkukulay), at siyemps, siguro siya ‘yung pinakaunang naging idol ko sa pagkokomiks lalo sa strips, si Sir Pol Medina, Jr. ng Pugad Baboy!!! Hwahaha! Tapos nang bumili naman ako ng Ambush komiks, hwaha, malay ko bang ‘yung *ehem* magandang ala-Lara Croft e siya pala si Ambush. Ahahaha. Saya kaya…sobra. Ahahahahaha!

Di ko alam kung si Sir Gilbert Monsato ‘yung nakita ko noong bumili ako ng Kalayaan. Ehehehe. Marami akong nakitang komikero kasama si Sir Carlo Vergara, si Sir Lyndon Gregorio, mga batikang komikero, at iba pang komikero na hindi ko na kilala pero nandoon para lang ipakita’t ipadama na hindi patay ang komiks sa Pilipinas. Sari-saring istilo sa pagguhit at mga istoryang may iba’t ibang impact sa mga mambabasa ang nandoon. May mga nalimutan akong bilhin at may ibang di na talaga binili kasi mawawalan na ako ng pampamasahe. Di na ako makakapasok ng trabaho ‘pag ganun. Ahehehehe.

Nakilala ko sina Kuya Romi, Kuya Gil, Kuya Rontan, Kuya Dindo, si Kuya Freely, si Kuya Wan, si Kuya Omeng, at iba pang mga komikero na sa deviantart o komiks o sa facebook ko lang kilala. Ahahahahay. Langya talaga. Ansaya-saya!!! Ahahahah.

Nakapirma rin ako sa freedom wall ata ‘yun. Ahahaha.

Nanalo rin ako ng isang SKP book tungkol sa lahat ng kasapi ng SKP nang sagutin ko ‘yung tanong ng emcee, si Ate Syeri, kung ano ba ang ibig sabihin ng SKP. ‘Yung unang tanong kasi e kung anong ibig sabihin ng PICCA. E alam ko dahil nakasulat doon sa flyer na binigay nila. Kaso dahil nahihiya ako, di ako makapagdesisyon kung pupunta ako sa stage o hindi. Napaakto lang akong tatakbo nang may makita akong patakbo papuntang stage. Kaya bumawi ako sa ikalawang tanong. Haha. At kahit nabubulol ako, as in nabulol talaga ako, nasagot ko pa rin ng tama ‘yung tanong. At voila, may SKP book na ako. Hahahaha.

Meron ding part doon na nagdebate sila kung sino ang mas gusto nilang superhero, kung si Superman ba o si Batman. Kaso hindi ko na gaano napakinggan dahil abala ako sa pagsamsam ng mga komiks. Pero kung ako ang nandoon, kay Andoyman ako. Hwahahahaha.

Bago umuwi e nakabili’t nakapagpirma nga ako ng Carpool kay Ate Syeri at nakabili rin ako ng compilation ng komiks ni Kuya Jon. Ehehe. Tapos bumili ako ng t-shirt ni Manix Abrera na pinartneran ko ng necklace na tupa ni Kuya Omeng. Ahahahaha. Sinuot ko kaagad ‘yon noong lunes. Hwaheheheh.

Tapos nakapag-picture din ako at nakapagpa-autograph sa wakas kay Sir Pol Medina. Pakiramdam ko pagod na pagod na siya ngumiti. Ahihihihi. Nagpa-picture din kaming apat (ako, Tito Allan, Kuya Romi at Kua Gil) kay Sir Pol. Bago ‘yon ke Kuya Freely. Ahehehehe.

Habang nagmimiting kami kuno sa isang café-café-han sa may bahay ng alumni, napag-usapan namin ‘yung, siyempre, tungkol sa mga komiks, noon at ngayon, mga pananaw nila at mga advice nila sa akin at kung sinu-sino ang dapat kong gawing reference para mas humusay pa ako pagkokomiks ko, para mahasa ang istilo ko. Napagkwentuhan din nila ‘yung mga experience nila sa pagkokomiks. Nagkwento rin ako ‘yung mga experience ko rin (pero hindi ko kinuwento ‘yung tungkol sa nakakahiyang declamation ko noon).

Maya-maya, pagkatapos mag-picture-an, umuwi na kami…sa SM Megamall para pag-trip-an naman ang mga painting at iba pang artworks sa 5th o 4th floor. Putek. Naastegan ako sa mga pintang nakita ko. Nakakalukot ng utak, di kasi ako mahusay talaga sa pagkukulay kaya nainggit ako dahil ‘yung mga artist na ‘yun e magaling maghalo-halo ng kulay. Pero nakadama rin ako ng kagustuhang mag-improve kahit anupaman ang mangyari. Ahahaha.

Tapos, ayun na. Nagkanya-kanya na kaming uwi. Bitbit ko pag-uwi ang pumipitik-pitik na fireworks ng kasiyahan sa dulo ng nakangiti kong labi.

Hwaha! Sa susunod, kasama na (sana, o sana talaga) ‘yung komiks sa Komikon. Hwaha!

Muli maraming salamat muna ke Lord kasi dahil sa Kanya, nagawa kong maging posible ‘to. At sa mga iba pang komikerong nandoon lalo sa mga nakilala ko at sa mga nakasabay ko sa pagpunta: Tito Allan, Kuya Romi, at Kuya Gil, pati sa mga advices na binigay ninyo kasama sina Kuya Rontan, at Kuya Dino. Ehehehe. Basta maraming salamat talaga sa lahat.

Dear World,

Pwedeng humiyaw ng ubod lumakas at matuwa nang walang hanggan? Pwede? One time lang? Hehehehe.

Note: Hindi lahat ng komiks na nabili ko at nandoon sa Komikon e nabanggit o nabili ko. Sensya. I-a-update ko na lang ‘to ‘pag may listahan na ako…kung kaya…at ‘yung alam ko lang. Hehe. Sensya talaga. :D At sana wala akong nalimutang nabanggit. At sayang dahil di ko nakita sina Sir Budjette at Sir KaJo. Ehehehe.

Posted by andoyman at 2:25 pm | permalink | Add comment

Memorable 70′s Kuyu-quotes

Friday, April 23, 2010

http://ahkong.wordpress.com/2008/06/18/memorable-70s-kuyu-quotes/

Here is a wonderful list of hilarious quotes that will keep you laughing as you read each line! Taken from actual lines said by various stars and personalities on live tv during the ’70s.This will surely bring back funny memories for those of you who actually remember watching this on television. For those who were too young to have experienced these magical moments, this is one of the best comedic compilations of ’70s tv booboos.

MELANIE MARQUEZ
*During an interview with Inday Badiday.
Inday Badiday:

“Paano ka nag-susurvive sa mga trials mo?”

Melanie Marquez: “Alam mo ate Ludz, you know, when you are alone, you really have to step your foot…ah , forward!”

Read more.

 ahaahhahhah

Posted by andoyman at 7:03 pm | permalink | Add comment

What’s Wrong With The Current RP Indie Comic Books (According To All Anonymous Out There)

http://pinoy-comics-tv-movies.blogspot.com/2010/02/whats-wrong-with-current-rp-indie-comic.html

If comic books are dead, why do we always see these fans buying comics in Vancouver, BC?

Complaints, complaints, and more complaints.

That opening sentence is definitely fragmentary and Strunk and White of that age-old Elements of Style rules would have definitely chewed my ear off for using it, but fuck the duo. It is there to emphasize the dissatisfaction of many irritated, disillusioned-sounding “anonymous” posting their sometimes nonchalant, other times extremely bitter, if not abusive – comments against the status of RP’s indie comic books.

Read more.

Hindi ko pa ‘to nababasa. Babasahin ko pagkatapos.

Posted by andoyman at 12:28 pm | permalink | Add comment

Liham

Thursday, April 22, 2010

Hunyo, 1988

 

Para sa aking iniibig,

        Kumusta? Hindi mo ako kilala at hindi rin kita kilala pero sana’y nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa mo ang liham kong ito. Wala akong maalala na nagkita na tayo. Wala rin siguro tayong mga malalapit na koneksyon. Hindi pa tayo nagkikita, at mas lalong hindi natin alam ang pangalan ng isa’t isa. Pero sa pinakapuso ng aking puso, alam kong mahal kita.

        Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagmamahal kong ito para sa ‘yo. At tulad mo, nagtataka rin ako sa nararamdaman ng puso ko para sa isang taong ni minsan ay hindi pa dumadampi sa aking buhay.

         Isang malaking hiwaga ang pag-ibig. Balot ng misteryo. Pero masaya at magaan sa dibdib. Tulad ng nararamdaman ko ngayon para sa ‘yo. Ni hindi sumagi sa akin na iibig ako sa isang taong hindi ko pa nakikilala, o nakikita ng harapan. Isa man itong misteryo, lubos akong masaya dahil mahal kita.

         Palagi kong pinapanood ang nakangiting bukang-liwayway ng kalangitan dahil sa bawat ngiting iyon, alam kong nakangiti ka rin. Dala naman ng malambot na ihip ng hangin ang iyong halik na unti-unting nanunuot sa aking labi. Ang takbo ng buong araw ay puno ng pag-asa sapagkat sa anumang oras, maaari tayong magkita o magkasalubong kahit hindi man natin nalalaman. Nakakapanabik ang paglubog ng araw dahil kasunod nito ang gabi bitbit ang mainit mong yakap sa gitna ng kalamigan ng madilim na kalangitan at maliwanag na buwan at mga bituing nagkakantahan.

         At sa aking pagtulog, ikaw ang aking panaginip.

         Mahal kita. Ngunit hindi sapat ang mga salita para saluhin ang malakas na agos ng pag-ibig na nagpipinta ng kulay sa aking puso. Ikaw ang awit at ang bahaghari sa bawat pagtibok nito.

         Sana, o sana, balang araw, pagdating ng takdang panahon na itinadhana ng Kamay na gumawa ng lahat, lubos kong papangarapin at kasasabikan, ang araw na magkikita tayong dalawa, at buong dalisay kong sasabihin sa iyo na mahal kita bago pa man tayo nagkita.

 

Lubos na nagmamahal,

Ang iyong mangingibig

Posted by andoyman at 1:06 pm | permalink | Add comment

Kowts

“Important meetings are planned by the souls long before the bodies see each other”
- Paulo Coelho

Posted by andoyman at 1:01 pm | permalink | Add comment

Anti-Hater

Wednesday, April 21, 2010

La lang.

Madalas ko kasing nakikita ngayon ‘yung mga anti-anti na ‘yan. ‘Yun bang galit sila kay ganito o ganyan dahil sa kung anu-anong sari-sarili na nilang dahilan. Tapos gagawa sila ng mga groups o fanpages o sites para lang ipadama, ipakita, ihayag, at isampal sa pagmumukha ng taong kinaiinisan nila ang laki ng damuhong pagka-asar nila sa mismong taong iyon.

Hmm…Ano nga ba ang ruler para husgahan mo ang isang tao? Madalas kasi kaya naiinis tayo sa isang tao e dahil sa paningin natin, mali ‘yung ginagawa ng taong iyon, o di kaya, basta lang naiinis ka. Naitanong mo na ba sa sarili mo na di kaya ‘yung mga ginagawa ng kinaiinisan mong tao e ginagawa mo rin? Maaaring sabihin mo hindi, pero sigurado ka ba talagang hindi? Bakit, ganoon mo na ba kakilala ang sarili mo? Sige nga, sagutin mo nga ang ikaapat na box sa Johari’s window!

Paano nga ba humusga ng isang tao?

Hmm…Kung karagatan ang tawag sa isang karagatan, anu-ano ang bumubuo sa karagatan? Tubig-alat. Isda. Kulay Asul. Corals. Reefs. Lamang-dagat. At mga lumubog na barko’t mga patay na katawan.

Kung makakakita ka ng tubig-alat, isang buong karagatan na ba ‘yon?

Kung makakita ka ng isang isda, isang buong karagatan na ba ‘yon?

Kung makakita ka ng kulay asul, isang buong karagatan na ba ‘yon?

Kung makakita ka ng corals o reefs, o ng lamang-dagat, isang buong karagatan na ba ‘yon?

Kung makakita ka ng mga lumubog na barko’t mga patay na katawan, isang buong karagatan na ba ‘yon?

Hindi, di ba?

Kung nalaman mong nagmumura ang isang tao, iyon na ba ang kabuuan niya?

Kung nakita mo ang tigyawat niya sa ilong, iyon na ba talaga siya?

Kung nakita mo ang isang ugali ng isang tao, iyon na ba ang buong pagkatao niya?

Ang bagay na talagang ayaw ko sa mga “hater” e ‘yung isinasaklaw nila ‘yung mga ayaw nila sa kabuuan ng taong kinaiinisan nila. At hindi pa makukuntento do’n, lagi nilang pupunahin ang mga maling ginagawa ng taong kinaaasaran nila hanggang mauwi sa paninira, subalit ang idadahilan naman nila e sa iyon daw ang totoo, hanggang umabot sa punto na gusto na nilang isuka sana ng mundo ang taong iyon.

Pilit ka nilang isisiksik sa mga pamantayan ng kanilang ego at hanggang hindi mo nagagawa ang kanilang pamantayang ewan e hindi ka nila tatanggapin sa kung sino at sa kung magiging sino ka.

Ikaw ang linsiyak na biktima ng walang pakundangan nilang panghuhusga sa’yo, pamamaliit, pangwawalang-hiya, pagdurog sa iyong katauhan, pagsumpa, pagmumura, at walang katapusang pang-aakusa sa kung ano ang tingin nila sa’yo, hindi sa kung sino ka talaga. Kung ano ang nakikita nila, ganun na ang magiging tingin nila sa’yo nang pangmatagalan. 

Uto-uto kasi ang utak ng mga tao. Madaling mapaniwala kaya madali rin manghusga.

Kung hindi mo huhusgahan ang isang tao, hindi ka magiging isang “hater” dahil hindi lang mga masasamang bagay ang nakikita mo, pati magagandang bagay, alam mo. Kung nakikita mo ang mga hindi nakikita ng mata, hindi ka magiging isang “hater”.

Sabi nila, ang isang paraan para siguradong bumagsak ka e i-please mo ang lahat ng tao. Marahil ganito ang gusto ng mga hater, ang i-please mo sila sa isang bagay na hindi naman ikaw.

Dapat bang husgahan ang isang tao? Ang sagot ko, hindi; dahil higit pa sa nakikita ng iyong mga mata sa kung sino ba talaga ang taong hinuhusgahan mo. Kailanman, hindi sasapat ang mga nalalaman mo para makilala ang isang tao, o kahit ang sarili mo. Kaya kung alam mo ‘to, hindi ka magiging isang hater.

Kung nakagawa ng mabuti ang isang napakasamang tao, mabuti na ba siyang tao?

Kung nakagawa ng masama ang isang napakabuting tao, masama na ba siyang tao?

Ang alam ko lang na hater e ‘yung hindi lover.

Gusto ko pa sanang magsalita tungkol sa topic na ‘to kaso malapit na akong mag-out kaya eto na lang, isang kowt na lang ang iiwan ko.

“Haters are confused admirers who can’t understand why everybody else likes you”
— Paulo Coelho

Gutom na ako.

Posted by andoyman at 4:29 pm | permalink | Add comment

The Stages of Life

hahaha…credits sa nakaisip at gumawa…hahaha

Posted by andoyman at 3:06 pm | permalink | Add comment

Di ako ang may gawa nito

di ko alam kung totoo ito o hindi…hehe…bahala na kayo humusga…

Posted by andoyman at 2:46 pm | permalink | Add comment

Kowts

“Be what you are. This is the first step toward becoming better than you are.”
- Julius Charles Hare

Posted by andoyman at 2:38 pm | permalink | Add comment

OPM Music

Di ba ang ibig sabihin ng OPM e Original Pinoy Music? E bakit puro sila revival(’yung iba e tinatagalog lang ‘yung english)?? ha? :|

Posted by andoyman at 2:09 pm | permalink | Add comment

Minsan…

Tuesday, April 20, 2010

Bago ‘yung mga balak ko talagang i-post, wala lang, gusto ko lang muna na ito ang isulat ko.

Minsan kasi ang hirap talaga lalo kapag may pangarap kang gustong tuparin. Tipong laging tumatakbo sa imahinasyon mo ‘yung mga gusto mong mangyari tapos lagi mo ring sinasabi at hinihiling na “Gusto kong matupad ‘to.”

Kaya lang may mga pangyayari na hindi talaga maiiwasan. Parang gusto mo nang sumuko, gusto mong magpakain sa mahina mong loob, parang gusto mong bawiin ang lahat ng sinabi mo, ginawa mo, pero, anu’t ano pa man, hindi ka na rin pwedeng magdahilan na “Ganun talaga, siguro, hindi talaga ‘yon para sa akin.”

Dahil sa kaila-ilaliman ng puso mo, alam mo, kung pakikinggan mo lang at magtitiwala ka, alam mong iyon ang matagal mo nang hinihiling, at inaasam ng puso mo, bago mo pa man malaman. Gusto mong matupad ‘yon kahit ano pa man ang mangyari. Siguro hindi pa ngayon pero alam mo na gagawin mo ang lahat, itataya mo ang lahat para lang matupad ‘yon. Darating sa punto na handa mo nang harapin ang kamatayan mo, at kahit ganoon, masaya naman ang puso mo dahil tinahak mo ang tinitibok nito. At sana ganoon ako katapang.

Duwag ako. Mahina. Gago. Siraulo. Tanga. Puro kalokohan. Korni. Pwedeng walang kwenta rin.

Madalas ‘yan ang mga nasa isip ko tuwing nagkakamali o nakakaharap ako sa isang pangyayaring hindi ko naman hiniling. Bigla na lang nand’yan, bumulaga sa harap mo at hindi mo alam kung paano magre-react, kung paano haharapin, kung paano nangyari ang ganito at ano pa ang mga mangyayari. Pero…

Siya lang lagi tinatawag ko, kahit napapaluha na lang ako.

Minsan, gusto ko lang talagang samahan mo ako.

Minsan, kailangan talaga ipamukha sa’yo na mahina ka para malaman mong malakas ka rin.

Minsan, masarap talagang maglabas ng mga nilalaman ng puso mo kahit sabihin pa nilang ‘ang emo mo’ o napaka-sensitive mo. Wala eh. Ganito talaga ako. Ano bang nalalaman mo sa puso ko?

Pero dahil sa mga kalokohan kong ‘to, kasama na ang blog na ‘to, mas nakikilala ko ang sarili ko. 

Minsan, seryoso rin ako. Di lang halata.

Minsan, malungkot din ako, di ko lang pinapahalata.

At minsan, gusto ko lang ng katahimikan.

..

.

Posted by andoyman at 1:21 pm | permalink | comments[7]

Hindi sino, kundi kanino ang iboboto mo?

Monday, April 19, 2010

Isang re-post mula kay Bob Ong:

Meron kang dalawang uri ng boto: Ang una ay ang “boto ng konsensya”. Ito ay para sa pinunong kinilatis mo, pinag-aralang maigi, pinaniniwalaan, at inaasahang may magagawa para sa bayan. Ang ikalawang uri ay ang “boto ng diskarte”. Ito ay para sa kandidatong iboboto mo na lang para hindi manalo ang ayaw mo.

Para sa akin, mas matatanggap kong pamunuan ni Kiko Matsing ang bansa ko nang nagampanan ko nang tama ang tungkulin ko sa bayan bilang botante, kumpara sa makapagluklok ako ng ibang pinuno na resulta ng pagtalikod ko sa obligasyong bumoto nang tama. Dahil sa sandaling talikuran ko ang tama–sa ngalan ng diskarte–ay binibigyan ko na rin ng lisensya ang mga pinuno ng bayan ko na kumilos base sa diskarte, kapalit ng tama.

Ang boto ng konsensya ay base sa pag-asa. Ang boto ng diskarte ay base sa takot.

Ang bayan ng mga botante ng diskarte ay walang maaasahang pamunuan ng konsensya. Ang mga mamamayang kuntento na sa “pangalawang tama” ay mapagkakalooban ng pinunong ganoon din ang pamamalakad. Ang bansang hindi natututo, habambuhay na lang bibigyan ng leksyon.

Ini-endorso ko ang pagboto nang tama. Pwedeng matalo ang kandidato mo, pwedeng mangulelat. Pero mararamdaman mo lang ang kalayaan mo bilang tao at kapangyarihan mo bilang mamamayan sa Ika-sampu ng Mayo pagnasabi mo sa sarili mong “Napagkalooban ako ng karapatang pumili ng pinuno ng bayan ko, at nakaboto ako base sa sarili kong desisyon at ayon sa konsensya ko.”

Kalapastanganan sa sariling dangal ang pagboto sa taong iba sa tunay mong pinaniniwalaan–dahil man ito sa may tumutok ng baril sa ulo mo, may bumili ng iyong boto, o mag-isa pong piniling iboto na lang kung sinuman ang tingin mong mananalo.

Hindi nasasayang ang boto sa mga talunang kandidato. Nasasayang ito sa mga talunang botante.

Kung iboboto mo ang boto na ayon sa desisyon ng iba, sino pa ang boboto ng ayon sa desisyon mo?

Hindi isang pagtaya sa sabong ang halalan na kung saan ang iboboto e ‘yung llamado sa laban. Kung ganoon nga ang pananaw ng bawat botante, lahat tayo, walang pupuntahan.

Posted by andoyman at 12:10 pm | permalink | Add comment

Break? Di Nga?

Friday, April 16, 2010

Nasaan na ang tamis sa honey?
Nasaan na ang init sa gabi?
Nasaan na ang halik sa labi?
Bakit ‘di na ikaw ang katabi?

Di na ikaw ang aking kaakbay;
Sa mga pag-alis, di na kita kasabay;
Wala na akong kahawak-kamay;
Ito ba talaga ay isang goodbye?

Nasaan na ang puto sa dinuguan?
Nasaan ang bulaklak sa halamanan?
Nasaan na ang Jane ni Tarzan?
Nasaan na ang ating pagmamahalan?

Ang pag-ibig ba nati’y sablay?
Kaya ang forever, di nakapaghintay?
Magsisimula na ba akong maglamay?
Dahil ito ay isa nang goodbye?

Ang tadhana, di man lang nagsabi
Na ang ganito sa atin ay mangyayari.
Ang panahon, hindi maisasauli,
Sa huli lagi ang pagsisisi.

Ang pag-iyak, pati paglupasay,
Walang magagawa sa ating paghihiwalay.
Nagsimula tayo sa “Hello” at “Hi”,
Nagwakas sa madamdaming goodbye.

Posted by andoyman at 12:51 pm | permalink | comments[1]

Strip #019

Thursday, April 15, 2010

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 12:42 pm | permalink | Add comment

Ang Hiwaga ng Syode (at paano gawin ito)

Ang highschool ang simula ng mga kalakohan at katarantaduhan ng mga nagbibinata at nagdadalagang nilalang. Dito na ‘yung mga crush-crush at ligaw-ligaw…tapos ngayon updated na rin, may mga sex-sex at buntis-buntisan na (hindi ako magugulat kung sa hinaharap e magiging mas bata pa ang mga mamumulat sa ganyan, tsk tsk). ‘Yung iba madrama, magtatanan pa, o di naman kaya, magpapatiwakal. Sa stage din na ‘to  nagsisimulang sumubok ang mga kabataan ng droga at iba pang mga bisyo tulad ng DOTA.

Bukod sa mga walang humpay na asaran at tawanan, siguro itong “kalokohan” na ‘to e masasabi kong unique sa aming paaralan. Nasubukan ko na ring gawin ito noong hayskul pero mula nang mag-college e hindi ko na nagawa…pero minsan gusto ko pa ring i-try.

Ang tawag dito e “Syode”, di ko alam ang ispeling pero ganyan ang pagkakabigkas, at ‘wag mo na rin itanong sa akin kung bakit “syode” ang tawag basta ‘yun na ‘yun!

Hindi masakit sa katawan ang syode. Nakakaaliw ‘to para sa gumagawa. Sa magiging biktima, mapapa-PI sila sigurado. Hindi mo rin kakailanganin ng kahit anong materyales o ng kahit anong hirit. Resourceful ang trip na ‘to at pwedeng-pwedeng gawin kahit saan at kahit kaninong na-trip-an mong maging biktima.

Lakas ng loob lang at magandang tiyempo, sapat na. Mas maganda rin kung sa harap ng mga kaibigan o barkada mo gagawin ito.

Ngayon kids, *drum roll please* ganito ang tamang paraan para gawin ang “Syode”:

1. Maghanap ka ng mabibiktima. Dapat may mapupwestuhan ka sa likod niya. Dapat din, nakaharap siya sa mga kaibigan o barkada niyo.

2. Magtago ka muna saglit, ‘yung hindi ka mahahalatang nagtatago ka, tutal, saglit ka lang naman magtatago.

3. Gamit ang hinlalato mo o middle finger, pwede rin ‘yung hintuturo o point finger, madiin mong ipahid ito sa iyong kili-kili, o sa pwet mo, specifically sa tumbong, o sa singit kung trip mo talaga para dikit na dikit sa daliri mo ‘yung maangas na baho, mini-biological weapon of mass destruction, kumbaga.

Yah I know, kadiriiii. Ewww. Pero ito ang nagpapasarap sa kalokohang ito. Hahahaha.

4. Pagkatapos, pumunta ka sa likod ng biktima mo, isipin mo killer ka. Dahan-dahan, tahimik, parang ninja. Ihanda mo rin ang daliri mo, parang may dala kang baril, mas matindi nga lang.

5. Habang tahimik siya, o malakas na tumatawa, bigla mong mariin na ipahid ang daliri mo na may makalusaw-lungs na baho sa pagitan ng nostril niya at upper lip, pero pwede rin kung mismong sa ilong na talaga, o sa labi! Huwag kang bibitiw hanggang maipahid mo lahat ang nasa daliri mo. Sabay sigaw ka ng: “Syode!”

Una, magtataka ‘yung biktima mo lalo kung newbie pa lang pero bawat singhot niya, o paghinga, magtatanong ‘yon nang ganito: “PI, ambahooo! ‘Nu ba ‘yun???” Sabihin mong galing ‘yon sa kili-kili, pwet, o singit sabay takbo ka habang tumatawa nang malakas! Hahahahahaha!

Try mo lang. One time, big time! Go!

Posted by andoyman at 11:12 am | permalink | Add comment

Si xG, noong chikiting pa

Si xG, ang reyna ng blogsphere. Hwahehe. Sensya xG, nakyutan talaga ako sa pic mo. Ahehehehe. :D :D:D

Pwede mong tignan ‘yan todits.
Posted by andoyman at 11:09 am | permalink | Add comment

Ang anak at ina, nagkita. Aw

Aw…makatunaw-pusong tagpo… :)

Credits sa gumawa. Yeh!

Posted by andoyman at 11:07 am | permalink | Add comment

Kowts

“Love makes all trivial things about someone you love means a whole lot to you.”
- dhanti5694

Posted by andoyman at 11:05 am | permalink | Add comment

Hehe…Pasaway kasi

Wednesday, April 14, 2010

Pasaway na kung pasaway pero kapag ganitong isa lang ang dapat kong tapusin buong araw, hindi ko talaga tinatapos kaagad. Hindi ako tamad…de joke lang, tamad ako…tinatamad akong tapusin ‘yung ginagawa ko kaya sa halip e nagbabasa ako ng mga blog o nagpepeysbuk buong araw o ngumingiti ako mag-isa o kinakausap mga cells ko. Katulad nitong nagdaang lunes at martes, napagod ako kakapeysbuk. Natatawa na nga lang mga magulang ko kapag umuuwi ako sa amin tapos ikukwento ko na nagpeysbuk lang ako.

Asteg. Apat na taon ang binuno ko sa kolehiyo para pag-aralan kung paano tumakbo ang utak ng computer na laging update nang update pero vulnerable sa virus tapos taga-log-in/log-out ng facebook lang pala magiging trabaho ko. Pero masaya siya. Haha.

Mahina ako sa direksiyon at madalas absent-minded ako sa unang beses mong sasabihin sa akin kung paano gagawin sa isang bagay. Kailangan, ulitin mo ulit sa akin ang sinabi mo kasi bihira akong magtanong dahil kinakain ako ng ego na natatakot mapahiya dahil hindi nakinig noong una. Mas lalo kapag unang beses ko palang narinig ang sinabi mo.

Malaki rin ang tsansang maliligaw ako sa isang bagong lugar katulad noong papunta dapat ako ng mother ignacia at napunta ako sa project 8. Nang mapansin kong ako na lang mag-isa, bumaba ako sa dyip—pero dapat kunwari alam ko ang pupuntahan ko para hindi mapahiya. Pero anak ng kapreng maligno, pagbaba ko, saka lang talagang nag-sink-in sa akin na naliligaw pala ako. ‘Yun lang, naliligaw na ako, nagawa ko pang tawanan ang katangahan ko. Mabuti na lang, bumalik si manong, hindi para sunduin ako kundi para sa isa pa uling pasada. Langya, nabisto niya tuloy na naliligaw ako.

Minsan, nagkaroon ng holdapan sa isa sa mga bangko sa lugar sa amin. Malayo naman sa eskwelahan namin ‘yung bangko pero dumaan sa isang bakanteng lote na malapit sa amin ang mga holdaper na kasalukuyan noong hinahabol ng mga parak. Listo ang sikyu sa amin at ang principal kaya lahat ng estudyante e pinapasok nila agad sa klasrum, ni-lock ang pinto, at pinagtiis sa init at lagkit na hindi kayang tapatan ng de-scotch tape na electric fan ng paaralan. (Marahil, may mga milagrong naganap noon sa mga room, di lang namin alam.)

Ang lahat ng estudyante at teacher e nasa loob na ng mga room maliban sa isa: ako ‘yun.

Swerte o malas pero nagawa kong makalusot sa mga teacher na nagpapapasok sa amin sa classroom. At dahil nakalusot ako, tuwang-tuwa ang ungas, lagpas kaluluwa ang ngiti sa mukha nang hindi man lang naiisip na maaaring maging dahilan ‘yon ng katapusan ng buhay ko.

Nang makalusot ako, umakyat agad ako sa third floor. (Lahat nga pala e naka-quarantine sa first floor.) Isang malawak na pang-stage kasi ang third floor na hinati lang para sa klasrum ng 1st at 2nd year highschool. Gusto ko kasing makakita ng mga nagbabarilang tao—nang hindi naiisip na maaaring tamaan ako ng ligaw na bala—kesa ma-stock sa loob ng klasrum at mahawa sa mga body odor nila. Aba, meron na ako ‘no, bakit pa ako manghihingi? Haha.

May nakita akong kumpol ng mga tao sa di kalayuan, mga usisero’t usisera na gusto ring makapanood ng live action movie nang libre tulad ko. Kaso, walanghiya, wala naman akong makita bukod sa mga ilang putok na narinig ko. Ang korni.

Silip ako nang silip sa mga bintana at pati sa pasilyo. Sobrang kalmado ang panahon habang may nagaganap na habulan at barilan at may isang tsonggong nag-aabang ng kanyang katapusan mga patay na katawan.

Bumaba ako at sinilip ang mga nakakulong estudyante. Ayun, nang makita nila ako e agad silang nagsipagsumbong kaya agad din akong tumakbo paalis. Mahirap na, ambabaho nila.

Pero ansarap sa pakiramdam ‘yung thrill na gumagapang sa mga veins and arteries ko noong mga sandaling iyon. Ang hinihintay ko na lang e tumambad sa mga mata ko ang aksyon na hinahanap ko. May dumaang helicopter sa taas, at kumaway ako, baka sakaling makunan sa camera. Hintay ulit nang walang hanggan.

Maya-maya, habang nakaupo ako sa isang sulok sa tabi ng stage sa amin, nagmumuni-muni ng kahit ano, biglang may pumasok, at ang unang nakita ko sa malayo, sa nakabukas na pinto, e isang armalite ang diretsong nakatutok sa akin. Nag-time-space-warp ang buong kamalayan ko, kinabahan ang puso ko, at nasabi kong, “Patay.”

Putek. Kinabahan talaga ako do’n. Buti na lang, nagsalita kaagad si manong swat ng, “May tao ba d’yan?” Mabuti, hindi ako napagkamalang isa sa mga holdaper. Mahina akong sumagot ng “wala” at hinalughog nila ang buong third floor nang naka-squat (marahil doon kinuha ‘yung tawag sa kanilang SWAT, hwahehehe). Naghalughog sila pero walang nakita bukod sa maduming sahig at wire para sa bintana. Pagkatapos, bumaba sila at nagtungo sa bubungan sa second floor para tugisin pa ang mga holdaper, kung meron man.

Di nila alam, natakot talaga ako kaya naghanap ako ng dos por dos, bumaba at nagtago sa cr na hindi na ginagamit at nag-abang ng baka may pumasok na masamang loob, nagbabaka-sakaling kaya ng hawak ko ang armalite ng mga holdaper. Para akong hinahabol ni Mon Confiado bilang drakula sa Shake, Rattle and Roll.

Nang maramdaman kong wala naman ng masama pang nangyayari, lumabas ako sa pinagtataguan ko, umakyat muli sa third floor at nag-abang ulit ng aksyon. Saka unti-unting nagsipag-akyatan din ang iba pang estudyante—tapos ipinagyabang ko ‘yung (walang kwentang) adbentyur ko.

Pag-uwi ko, nanood ako ng tv at nalamang hindi pala ako nakunan ng camera nung nasa helicopter. Sayang, pagsikat ko na sana ‘yon!

Posted by andoyman at 4:52 pm | permalink | Add comment

Isip

Seryoso. Minsan kahit ako nahihiwagaan sa utak ko. Asteg.

Hindi pa ako ganito kamulat, o siguro mas magandang panlarawan e “kaloko” tulad noong bata hanggang hayskul ako. Wala akong pakialam sa mundo, sa iba, at pati sa buhay ko, ang mahalaga, maglaro at mag-aral ako. Pero katulad ng parati kong ikinukwento, simula nang makabasa ako ng “Palimos ng Kulangot” ni roni_bats sa Peyups, nagsilbi iyong susi para bumukas ang isip ako sa mga bagay-bagay sa paligid at sa sarili ko. Tapos nagsimula na akong magbasa ng aklat, ang pinakauna nga e “The Alchemist”, na itinuturing kong ikalawang bibliya ko. Tapos, sunud-sunod na.

Maloko talaga ako. Mapagbiro kahit korni. Pero ‘pag seryoso siyempre, seryoso talaga ako…pero di rin talaga maiwasang humirit. Hehe. Pasaway.

Minsan, biglang may maiisip akong tanong tulad nito: May orihinal bang ideya? (Oo siguro ang isasagot mo.) Ideya lang ba ang ‘orihinal’? Ayun, tumahimik ‘yung kausap ko, akala nagbibiro pa rin ako. Haha. O kaya eto: Apektado ka ba kung ikaw ay Islam, Kristiyano, Buddhismo, Hinduismo, o iba pang relihiyon? Apektado ka ba kung may relihiyon ka o wala? Paano kung nabuhay ka ng walang relihiyon tapos biglang may gustong isali ka sa kanilang relihiyon? Sasali ka ba o hindi? Tapos, saka mo timbangin kung mahalaga ba talaga ang may relihiyon ka o wala.

Mga ganitong bagay-bagay naiisip ko, pwera sa mga kalokohan at hirit ko siyemps.

Pero sige, ibabahagi ko na rin ang mga seryosong pananaw ko. Wala na ‘tong halong biro.

Una e ang pananaw ko sa buhay: Binigyan ka ng panulat at isang malaking papel. Ngayon, ikaw ang bahala kung ano ang isusulat mo. Ikaw ang bahala kung ano ang mga sasabihin mo. Nasa sa’yo ang panulat at ang papel kaya ikaw ang bahala sa magiging laman nito. Ikaw rin ang bahala kung ang magsusulat sa papel mo e ibang tao…iyon ay kung gusto mong magpadikta sa mga bagay na dapat laman ng papel mo, sa kung sino ka, at kung ano ang tingin nila sa’yo. Pero hindi ba mas masarap kung ikaw mismo ang nagsusulat sa sarili mong papel at hindi ka nagpapadikta? Pwede ring magsulat ka ng kahit ano pero hindi ba mas masarap magsulat kung alam mo kung ano ang isinusulat mo? Kung ano ang “purpose” kung bakit mo iyon sinusulat? Pero lagi mo ring paalalahanan ang sarili mo na limitado lang ang tinta ng panulat mo kaya dapat gamitin mong mabuti, magsulat kang mabuti dahil isang loveletter ang gagawin mo para sa mundo at sa nagbigay sa iyo ng panulat, papel at tinta. Wag kang mag-alala sa mga bura at wrong grammar mo, hindi iyon mahalaga, ang mas importante e ang nilalaman ng loveletter mo.

Pananaw ko naman sa pag-ibig: Ang pag-ibig, una, hindi ‘yan mabibigyan ng eksaktong kahulugan. Isang walang hanggang “bagay” ‘yan e. Pero pwede mo namang ilarawan. At para sa akin, ang pag-ibig e dapat malaya, katulad ng pagmamahal ng isang tao sa isang rosas. Sa umaga at gabi, dinidiligan mo para hindi matuyo. Sa mga bakanteng oras, sinasamahan mo, kinukwentuhan, kinakausap, at pinapangiti. Mahal mo ang rosas kaya handa mong ipagtanggol iyon sa mga insektong sisira sa kanya, sa mga bagyong darating para anurin siya, sa mga taglamig at tag-init na magpapahina sa kanya. Pero kahit gaano mo pa man kamahal ang isang rosas, hindi mo siya pwedeng putulin/hugutin sa pagkakatanim kahit sabihin mong gusto mo siyang kasama sa lahat ng oras, dahil kapag ganoon ang ginawa mo, sa loob ng ilang araw, malalanta ang rosas…mamamatay. At ayaw mo namang mangyari ang ganoon di ba? Ang kailangang gawin, hayaan mo siyang sumabay sa sayaw ng hangin at namnamin ang saya ng araw. Kung pipilitin mo siyang hugutin, masasaktan siya, masasakal sa iyong kamay, at ikaw, masasaktan din nang hindi mo namamalayan dahil natutusok ka na pala ng kanyang mga tinik. Ibigay mo ang tiwala, katapatan at pagmamahal mo sa kanya at ibabalik niya iyon sa iyo. Umalis ka man para maglakbay, hindi siya mangangambang mag-isa dahil alam niyang babalikan mo siya, at ikaw naman, hindi ka mangangambang baka palitan ka niya dahil kahit sino pa man ang dumaan at makapuna sa kanyang kagandahan, alam mong tanging sa’yo lang ang kanyang pagmamahal.

Putek. Masyado nang seryoso. Haha.

O eto isipin mo itong matagal ko nang iniisip na kalokohang tanong, baka masagot mo kung saka-sakali: Anong meron sa wala? Anong wala sa meron?

Hahahaha.

Posted by andoyman at 10:35 am | permalink | comments[4]

Full Moon Night

‘Twas a cold full moon night
With her right here by my side.
Her eyes are closed, dreaming,
As I silently watch her sleeping.
With the rustle of leaves and dance of the wind,
I can feel her warmth while she breathes.
A little slide of my fingers
Through the waves of her hair,
A caress to her cheeks, cold because of the air.
Peaceful and quiet,
Still I can hear her laughs,
Overflowing in my ears which made me smile.
The full moon is watching,
Just as I do, over her silence.
And yet, even my heart shouts,
She still doesn’t know
That I’m hiding, a secret, my love for her.

Posted by andoyman at 10:34 am | permalink | Add comment

Babala: Huwag mong titignan

Babala: Huwag mong titignan.

click mo, try mo…pero binalaan na kita…hahaha

Posted by andoyman at 10:33 am | permalink | Add comment

Kowts

“Nakakatakot nga na mapagkamalang hindi ka pwedeng mahalin, o mapagkamalian kang mahalin dahil sa itsura mo.”
-Bob Ong, Kapitan Sino

Posted by andoyman at 10:30 am | permalink | Add comment

Free your mind

Tuesday, April 13, 2010

credits to burcindrummer

*Please don’t forget to credit burcindrummer whenever you grab this. Thanks!

Posted by andoyman at 10:38 am | permalink | Add comment

What if…

…ganito ang cr nating mga lalake? Parang mahirap-hirap ah…hahaha

hahaha…credits sa kumuha… :D

Posted by andoyman at 10:34 am | permalink | comments[2]

Rogue Magazine April 2010: The Wire Section photos by Richard Esguerra

Nakasama sa Rogue Magazine ‘yung mga retratong kinunan ng kaibigan kong si Kuya Richard Esguerra. Bili kayo ng mag ng Rogue! Yeah!

I was excited with the April issue and hoping the photos that I took is already there, this morning my Rogue Magazine arrived and saw my photos and I can say I was so happy. The April issue with Bea Alonzo on the cover is really something new and very classy, like the photos of Bea Alonzo which is photographed by Mark Nicdao. Issue also features the candidates for Presidents for the incoming election. Hope you could grab a copy of it. :)

Click here.

Posted by andoyman at 10:25 am | permalink | Add comment

Isang Libong Tula

Monday, April 12, 2010

Tinanong ako ng mga madla
kung kaya ko bang magsulat ng isang libong tula
at isalarawan sa mga talata’t salita
ang nilalaman ng puso ko para sa kanya.

Ang tanging sagot ko:

“Magsulat man ako ng libu-libong tula,
Daan-daang talata, samu’t saring salita,
Walang kahit anupamang katha
Ang makapaglalarawan ng pagmamahal ko sa kanya.”

Posted by andoyman at 9:47 am | permalink | Add comment

:)

Para sa kanya, iba na ang ibig sabihin ng nakangiting smiley.
Buong araw siyang laging parang tangang nakangiti.
Ang puso niya, ‘pag tumibok, mabilis, parang laging nagmamadali.
Araw-araw, laging may hinihintay hanggang sa pag-uwi.

Sa pagtulog at paggising, nang walang dahilan, magaan ang kanyang pakiramdam.
Sa harap ng monitor, kahit may ginagawa, laging may inaabangan.
Sa mga bakanteng oras, kahit nakatunganga, puso’t utak, laging may laman.
Sa pagsusulat ng tula, madalas biglaan, mayroon na siyang “dahilan”.

At ‘pag nariyan na ang inaabangan, O ligayang walang hanggan!
Nakakatakot man na horror ng kakornihan, ngiti niya’y walang mapaglagyan.
Sa to-do list niya, sa huli ang dapat gawain at “siya” agad ang nasa unahan.
Ngunit tulad ng sundalo, Alt+Tab ay handa, para di mahuli nina boss at ma’am.

Ang puso niya, kung humiyaw, higit pa sa sigaw ni Emily Rose.
Ang puso niya, kung kiligin, higit pa sa kilig nina Jack at Rose.
Tuwing gabi, hirap siyang makatulog, kabaligtaran ng na-comatose.
Tuwing umaga, parang laging malakas, sa energy drink yata ay overdose.

At ang sabi n’ya sa akin, “Salamat sa Diyos, ako’y Kanyang pinagpala,
Dahil habang inaabot ko ang aking pangarap, hindi ko inakala,
Bukod sa pagbalik ng hilig at pagsusulat ko sa tula,
Nag-conspire ang buong mundo para “siya” ay aking makilala.”

Posted by andoyman at 9:37 am | permalink | Add comment

Kowts

Hindi ako gitarista, hindi rin ako bokalista, pero ang musika ang nagbibigay sa puso ko ng sigla…. gaya mo.. nang makilala kita.. para narin akong may sariling… “BANDA”
- Tenshi Nadela

Posted by andoyman at 9:36 am | permalink | Add comment

Radyo Balintataw

Friday, April 9, 2010

Bali wala kaming tv nitong mahigit isang linggo kasi sira nga kaya radyo ang libangan sa bahay. Nitong nagdaang mahal na araw, isa sa mga palabas na saglit kong napakinggan, bukod sa mga bible study na madalas naming naririnig, e ‘yung kwento tungkol kay Moises. Ang pinagkaiba nga lang, bukod sa wala kang makikitang mga taong gumagalaw, ginawa nilang modern ang dialogue ng bawat tauhan pero hindi pa rin nawawala ‘yung lasa ng pang-Noypi.

“Tulad ko rin ba siya na isang Paraon?
May isang libong batalyon?
Kung hindi, ‘wag nang sayangin ang aking panahon!”

Si Rameses nagsabi niyan (medyo may naiba lang ‘tong natira sa ala-ala ko hehe). Nakakatuwa kasi puro patula talaga ang pananalita nila. May kanta-kanta pa at ‘yung mga tono e talagang iba sa bawat isa kaya madali mong malalaman kung sino ang bida, kontrabida, at extra. Para kang nanonood ng isang play sa utak mo kung papakinggan. Talagang lalaruin ng mga boses ang imahinasyon lalo sa mga litanya nila.

“Hindi na uubra ‘yang magic mong ‘yan Moises!”

Take note, madiin ‘yung pagkakasabi ng “magic”. As in madiin talaga. Hindi ko na nga lang tinapos ang dulaan.

Kapag uuwi ako galing opis e aabutan ko ‘yung programang “Lunas”—tungkol sa mga payong doktor para sa iba’t ibang klase ng sakit. Informative kumbaga.

Pagkatapos n’un e ‘yung walang kamatayang “Gabi…ng Lagiiiim….(awuuuuuu).” Tinanong ko tatay ko kung ‘yung boses ba sa simula e ‘yun din ba ang boses noong una pa lang. Ang sagot niya e ‘oo’. Nakakamangha. Kung hindi mo alam ‘yung pinagsasabi ko, pumunta ka ng Star City at hanapin mo ‘yung isang parte roon kung saan makakakita ka ng parang isang yungib na horror at may pamagat sa itaas na “Gabi ng Lagim.” Kung ano ang maririnig mong mga ‘awuuu’ at iba pang nakakatakot na tunog e ganoon na ganoon din sa radyo. ‘Yun nga lang, hindi ko gaano maintindihan sinasabi ng lalake sa introduction kasi sabog ang boses niya dahil sa radyo namin. Haha.

Sayang, wala akong matandaang mga linya sa Gabi ng Lagim.

Kasunod naman niyon e ‘yung “Radyo Balintataw”. Ang balintataw, ayon sa tatay ko, ang pinakamalapit na ibig sabihin nito e “isip” o “isipan”.

Si Tita Cecilia (limot ko na apelyido) ang nagsasalita ‘pag Radyo Balintataw. Di ko pa pala sure ‘yung pangalan. Haha. Obvious na bang mahina ako sa pakikinig? Haha. Makulit kasi diwa ko, madalas lumilipad, kung saan-saan napapadpad. Haha. Kapag nagka-interest ako sa isang bagay e saka ko lang gagamitin ang isandaang porsyento ng lakas ng tainga ko sa pakikinig, kaya ganun, hahaha.

Ang isinasadula nila ngayon e ‘yung sa isang komiks ni Carlo Caparas na “Sa Iyo Ang Dagat, Akin Ang Gubat.” Ang galing ng mga boses dito, lalo kina Melchor at Abner, mga nakapugang kriminal, at saka sa mga babae—bale leading ladies nila, sa intsik, at higit lalo sa kay tatang, na kung magsalita e parang laging nanduduro at parang pumuputak na manok. Haha. Maganda ang mga kwento sa radyo at ‘yung mga programa, sa palagay ko, mas informative pa kesa sa mga palabas sa tv. ‘Yun nga lang, talagang hindi ako makakatagal dahil namulat na ako sa telebisyon. Siguro kung iyon ang unang kinamulatan ko, walang problema sa aking makinig.

May isang eksena na nagkabanggaan sina Melchor at Neri, kung hindi nagkakamali ala-ala ko. Siyemps, hindi nawala na bumanat ‘yung lalake na kinakilig naman ng leading lady niya tulad nito: “Suwerte naman ng lalakeng mapapangasawa mo…blah blah blah…”

Tapos nang hindi bitawan ng lalake ‘yung kamay, bumanat ulit si lalake. Pagkatapos bumanat, nagtanong siya: “A-anong pakiramdam ng mahawakan ko ang iyong kamay?” Sagot naman ng babae: “H-hindi ko alam e….p-parang….masarap…”

Humalakhak ako sa sobrang tawa ko! Hwahahahahahahaha! Anlandi ni kuya at ate! Makakateeee! Hahaha.

Wait, ayos na ang tv namin! Hwaha! Okay ngarud!

Updated 04/10/10

Mukhang araw-araw, tuwing lunes hanggang biyernes, lagi ko nang aabutan ang Lunas, Gabi ng Dilim, at Radyo Balintataw dahil nagustuhan nila ang pakikinig kesa manood ng mga soap operang walang katapusan at puro iyakan, hambalusan, inggitan, sigawan at commercials. Hehe.

Ayos lang sa akin. Hehe. Mas ok nga e! Haha.

Posted by andoyman at 3:38 pm | permalink | Add comment

Toblerone

Ang pinakaunang patented na Swiss chocolate ay Toblerone. Bilhan mo ko nito, magkakasundo tayo. Hehehe.

Posted by andoyman at 3:37 pm | permalink | Add comment

Naiipit

isang tulang nalimutan kong i-post dito last year. unang makikita ‘to sa tamarawbayan.com.

Naiipit

hindi ko maunawaan
ba’t naging ganyan
dati’y hindi naman
gan’to ang pakiramdam

ramdam ng sarili ko
ipit ngayon ang puso ko
sa mundong pinaiinog
ng mga makasariling konsepto

naghahanap pa rin
sa ilog na maitim
ng buhay na isda
upang may makain

tahimik lang ako
nag-oobserba sa mundo
isip ay nililito
pinapagod ang puso

iba ang tahak ko
iba ang balak ko
sa dalawang daan,
ano ang pipiliin ko?

ang hirap, sobra
kalaban ko sarili ko
kalaban ko pamilya ko
kalaban ko’ng mga tao

nasisiraan na ‘ko
naliligaw na ‘ta ‘ko
sa mundong binubuo
ng mapangarap kong puso

(langya, naguguluhan na talaga ako
sa takbo ng buhay ko
sa takbo ng buhay mo
sa takbo ng buhay niyo
sa takbo ng mundo
sa takbo ng…ng…lakad
langya,
ubos na pera ko
ubos pa utak ko
nawawala sarili ko
tulog ang puso ko

sensitibong manhid
ako ang taong-bato.)

Posted by andoyman at 3:34 pm | permalink | Add comment

Ka-booooom

Ika nga ng kaklase ko: kakagigiiiiiil!!! Hahaha
Salamat sa kaklase ko para sa vid na ‘to, hahaha.

Posted by andoyman at 3:32 pm | permalink | Add comment

Kowts

If opportunity doesn’t knock, build a door.
-Milton Berle

Posted by andoyman at 3:29 pm | permalink | Add comment

Wala lang: #13

Tuesday, April 6, 2010

Ok. Eto ang lagi kong problema: pa’no ako magsisimula? Hindi sa buhay o sa kung anupaman kundi sa entry na ‘to. Nandito kasi ulit ‘yung impulse na gusto kong gawin ‘tong entry na ‘to kahit wala naman akong kaide-ideya kung ano ang isusulat ko—kung may maisusulat nga ba ako.

Asteg. Pang-labintatlong entry ko na pala ‘to. Hanep! Hahaha. ‘Di ba, malas daw ang 13? Ewan ko. Pero sa akin, parang hindi naman. Hahaha. Pero dati, elementary ako, Friday the 13th noon ta’s may humirit sa klase na malas daw ang araw na ‘yon. Naniwala ako. Ayun, minalas nga ako. Ang alam ko, mababa yata mga quiz ko ta’s di ko masagutan mga surprise quiz na binigay noong araw na ‘yon. Langya. Haha.

Bigla kong naalala ‘yung isang editorial letter ni Da Bhoss sa Culture Crash Comics dati. Nakakatuwa ‘yung pinakahuling editorial niya kasi parang nilalaro niya lang ang pagpahid ng utak niya sa papel. Haha. Nakakaaliw ang kinalabasan ng pag-e-experiment niya, o siguro, therapy. Hehe.

Pero seryoso, masarap ‘yung ganito—‘yung type ka lang nang type kahit walang pupuntahan ang mga pinagdadakdak mo. Parang ansarap laruin ng mga letra. Parang ansarap paikut-ikotin ang mga salita’t pangungusap. Hindi mo na iisipin kung may mabubuo ka pa o wala; o kung may punto man o wala. Basta, type lang nang type kahit anong mapag-trip-an mong sabihin dahil hawak mo naman ang mga kamay at daliri mo, mga puppet sila na kinokontrol ng utak mo at ang keyboard ang medium para magkalaman ang isang blankong digital na papel at pagalawin ang napakakulit na blink nang blink na cursor.

Pwede kong ikwento ‘yung mga ginawa ko nitong mahal na araw. Ay sus, wala kaming tv at wala ring pc. Kung walang tv, ayos na ‘yung pagpapatugtog ng mga kanta o paglalaro ng DOTA o paghaharot sa photoshop o pagtitipa ng kaewanan sa ms word. Kaso pati pc sira e, matagal na, mahigit isang buwan. Talagang penitensiya kaming buong pamilya. Sa AM Station sa radyo lang ang tangi naming libangan bukod sa pagtulog, lucky 9, solitaryo, paglamon, paglalaro ng pool, at pagtambay at pagpapalamig sa loob ng opisina (dahil wala ang boss, hihihihi).

May nabasa ako sa isang blog entry ni Sir Budjette tungkol sa pagsisimula sa komiks. At kinuha kaagad ng sarili ko na dapat kung magsisimula ako e sa maliit muna. Hindi kasi gano’n ako mag-isip noong una, pero noong malaman ko, mas tinanggap ng sarili ko ‘yung pag-iisip na ‘yon. Ika nga ni Little Prince, lahat ng malalaki e dating maliliit.

Kaya may nagawa na akong unfinished draft na tatapusin ko ngayong linggo o hanggang next week. Tapos, kung saka-sakali na makabili na ako ng dot-com, at ayos na ang pc ko, siguro mas maganda kung may scanner na rin ako, pati drawing tablet, balak kong i-post sa internet ‘yung komiks ko. Yey! Nae-excite ako! Hwaha!

Tapos, siguro, sa Komikon sa October, makakapaglabas na rin ako ng komiks. Siyemps, ‘yung ilalabas ko e ‘yung in-online ko. Hwoohoo! Nasasabik talaga ako!

Inspired din akong gumawa ng mga tula ngayon. Hindi tulad dati na hirap na hirap na hirap—na hirap—akong maghanap ng paghuhugutan para lang makalikha ng isang tula. Haha. Hindi naman talaga ako manunula, mahilig lang talaga ako sa mga may tugma-tugmang salita.

Adik.

Nakakatuwa noong Linggo, Pasko ng Pagkabuhay, bukod sa ako ang nanlibre para makakain kami sa Ongpin—na ang in-order siyemps naming magkapatid e crispy palaka—may di ako inaasahang makikila sa bus pag-uwi namin.

Isang cute na batang babae. Siguro mga 2-3 years old ‘yon. Tumitingin-tingin kasi sa bandang sa amin ta’s naisip kong aliwin. (Kabaligtaran sa ginawa ko at ng kapatid ko sa isang bata doon sa simbahan ng Quiapo na tinakot namin—ansamaaa! Haha!) Lubog-litaw siya sa upuan kaya binubulaga ko siya. Hahaha. Ayun, napapangiti at napapatawa ko pa siya. Haha. Akala ko e hindi ko kakayanin ang kakulitan ng bata dahil halos isang oras ang biyahe pauwi pero mabuti naman, kinaya ko rin. Sa isang apir kami nagpaalam sa isa’t isa pagkatapos. Hehe.

Nakakatuwa talaga ang mga bata. Isa sa mga dahilan kapag napapangiti ako nang walang dahilan e kapag nakakita ako ng mga bata, mga maliliit na bata, lalo ‘yung mga mahaharot at makukulit, pati mga tahimik. Para kasing, ansarap talagang bumalik sa pagkabata kung kailan wala kang gaanong problema, palagi ka lang masaya, palagi kang abala sa mundo, madali kang patahanin kapag umiyak ka, at madalas e madali mong makuha ang gusto mo.

Ang isang bagay na madalas kinakalimutan ng bawat tao habang tumatanda siya ay ang katotohanan na minsan siya ay naging bata tapos sasabihing matured na o grown-up na. Ako, ayokong kalimutan ‘yung puso ko noong bata pa ako. Kasi madalas, mas may alam pa ang puso ng isang bata kaysa sa puso ng isang matanda.

Asteg.

Posted by andoyman at 12:22 pm | permalink | comments[3]

The Need For Serious Criticism

http://gerry.alanguilan.com/archives/2543

Comic book creators seem to be driven paranoid by the thought that there are people “out there” that are saying bad things about independent comics. I’ve actually been thinking about this for a long time, and talking with a few friends in the industry, about the need for serious, intelligent and proper criticism of the comic books that we do.

And I don’t mean those faceless and nameless so called “critics” out there who refuse to take responsibility for what they say. We need people who will stand by their criticism, the way we creators stand by our works. We stick our necks out every time we release a new comic book. We similarly need people with guts who will stick their necks out and be hated (but thanked and appreciated) all for the cause of better Philippine comics.

Read more.

Sang-ayon na sang-ayon ako sa mga sinabi ni Sir Gerry. Ang isang manunulat, dibuhista, komikero, singer, compose, painter, o kahit anong larangan, kahit sa trabaho o, pati, sa bahay, laging kailangan ng isang taong pupuna ng mga ginawa mo, hindi para pahiyain o murahin ang mga likha mo, kundi para pataasin pa ang antas ng iyong kakayahan dahil alam niya na may ibubuga ka pa, higit pa sa inaakala mo.

Posted by andoyman at 10:48 am | permalink | Add comment

Maikli lang

Monday, April 5, 2010

di ako makapag-log-in sa blog ko kanina sa opis. hay. balak ko ring baguhin ang id, header at background ng blog ko. di kasi mabago css nito e kaya mga ‘yun na lang hehe. ‘yoko naman magpalit ng ibang template. pwede kung may 3 column ito lang ang ganito ng i.ph. hmm. balak kong sa susunod na lang ako mag-post ng mga naisulat ko na. basta, hehehe. pero dapat maayos muna ang pc ko dahil kung wala ‘yun, di ko rin magagawa mga balak ko. hehehe. tama? tama!

adik ako ngayon sa kantang “Your Universe” ni Rico Blanco. baket? basta. hahahaha.

andami kong ano ngayon…ahm…kwan…hahahaha. secret. hahaha. basta. de, ibig kong sabihin, andami gusto kong gawin, hehehe, na sana, o sana talaga, magawa ko at baka magtampo ang puso ko pag hindi ko nagawa. hehe. andami ko ring gustong tuparin. hehehe.

asteg. :D

lapit na ng komikon. yey!!!

Posted by andoyman at 7:14 pm | permalink | Add comment