kwan. ano. yon. yeh!

Sa pagbabalik ko…Bago na ako.

Saturday, June 19, 2010

Miss me? Ako kasi na-miss kita.

Bigla akong nawala kasi…pa’no ko ba ipapaliwanag ‘to? Bali parang ganito: Bigla akong biniro ng tadhana, isang biro na hindi ko alam kung bakit kailangan ganun ang biro sa akin. Bago pa noong birthday ko—maraming salamat nga pala ulit sa mga bumati—malungkot na ako. Naliligaw na. Nawawala.

Bigla akong nawala kinabukasan pagkatapos ng birthday ko kasi, bukod sa kabi-kabilang shooting, hindi ko na kinaya ang dala-dala kong baul ng ebak at ayaw kong madamay pa ang blog kong ‘to sa mga kadramahan ng buhay ko bilang hari ng sablay. Tama na ‘yung sarilinin ko ‘yung lungkot at kayamanan ko; at ayoko kasing maging sobrang lungkot ng blog ko. Kawawa naman ‘to kapag gano’n.

Madrama akong tao at, sa tingin ko lang naman, wala namang taong gustong makarinig ng kadramahan ng isang artistang tulad ko, kaya madalas, sinasarili ko talaga, lalo kapag sobrang negatibo. Mabigat sa akin kung mandadamay pa ako ng iba sa kanegatibuhan na nangyayari sa precious life ko. Pero kung yayayain mo akong mag-Enchanted Kingdom para magkwento ng kaemohan ko, papayag ako.

Natatandaan mo ba ‘yung isang entry ko tungkol sa “sobrang saya tapos biglang sobrang lungkot”? Ganun kasi ang nangyari. Ang hirap gilingin sa dibdib ng ganoong sitwasyon. Kumbaga, nandyan na sa harapan mo ang malutong, mabango, bagong luto, at katakam-takam na lechon baboy, at kapit na kapit na sa bawat buhok ng ilong mo ang kasarapan ng bawat sentimetro nito, tapos biglang ilalayo at sasabihin sa’yo ng masungit niyong katulong—na kinakalantari ng drayber ng kapitbahay niyo, “Oops! Di ‘yan pwede sa’yo dong. Hangin lang pwede mong papaken.”

My gulay!

Kaya eto ako ngayon: tinatapos ang Sudoku; pinupuno ang crossword puzzle; binubuo ang rubik’s cube; at pinapatay ang mga Zombies gamit ang mga Peashooter. Kapag natapos ko na ang mga ‘yan, siguro, magba-blog na ulit ako. Pero hindi ko alam kung aabutin ba ng buwan o linggo o araw o kapag hindi na si Noynoy ang pangulo ng bansa bago ako magbalik sa blog kong ‘to. Marahil depende sa sinasabi ng mga bituin ni Madam Rosa ang magiging basehan.

Isa lang ang sure Ms. Kris, babalik pa rin ako sa blogging. At konting renovation na rin todits. Mahirap dahil hindi pwedeng galawin ang css nito kaya dapat maganda ang background at konting linis sa sidebar/s para hindi crowded.

May tumblr ako na pwede mo ring bisitahin. Add mo na rin ako sa facebook ko dahil nagpo-post ako ng mga nakakalokong pictures at walang kwentang notes na pwede mong gawing libangan habang binabasa mo nang nakapatiwarik. Matakaw din ako sa kowts.

Ang tanong:
Ayos na ba ako sa kasalukuyan?

Basta magbabalik ako at sa pagbabalik ko, bago na ako.

Posted by andoyman at 1:02 pm | permalink | comments[2]

Aalis na muna ako

Wednesday, June 16, 2010

:|

Posted by andoyman at 1:23 pm | permalink | Add comment

Slumbook

Tuesday, June 15, 2010

Name: Andoyman Komikero
Nicknames: Andoy, Doy, Kolet, Tuy, Korny, Hydro/Wakwak/Whooium(asar sa akin ng mga kaklase ko noong hayskul), Bosyo/Ponga(tawag ni Daddy sa akin), Le(tawag ni Mama sa akin), Kuyakoy(tawag ng kapatid ko sa akin), John Lloyd(tawag ko sa sarili ko)
Age:  It doesn’t matter.
Course: BS Computer Engineering (kunwari importante)
Zodiac Sign: Gemini (ito talaga ang importante!)
Civil Status: Single…and very available. (Hahahaha)
Hobbies: Tumawa, humirit, mag-isip, magbasa, magsulat, gumuhit, laruin ang gitara (in English, playing guitar), kumain, mag-internet, makinig ng music o ng radyo, kumanta, mag-senti, manghingi ng pagkain, magmasid, mag-daydream, maglaro, huminga.
Motto: Wala akong maisip eh. Hmm… Siguro ano na lang, “Maniwala at magtiwala.”
Favorite Book: The Alchemist by Paulo Coelho(second bible ko), The Little Prince by Antoine de Saint Exupery
Favorite Movie: Homerun(isang Singaporean movie), Magnifico, Ploning, Baler
Favorite Comic Artist/s: Pol Medina, Manix Abrera, Wilson Tortosa, Edgar Tadeo, Arnold Arre. (Kasalukuyang kinikilala ko pa ang iba pang mga Pinoy comic artist.)
Favorite Color: Blue
Favorite Food: Tinolang manok
Favorite Drink: Tubig, buko juice
Favorite Sports: Sleep-athon, basketball, billiards, chess
Celebrity Crush: Iya Villania, Rachel Anne Daquis, Avril Lavigne, Kim So Eun
Secret Talent: Kaya kong huminga habang wala sa ilalim ng tubig.
Likes: Prangka, totoo, makulit, palabiro, simple, responsable sa bawat salitang sinasabi, mapagkakatiwalaan, nanlilibre
Dislikes: Ipilit sa akin ang hindi ako, sirain ang tiwala ko, pessimist
Type of girl: simple and wonderful, child-like, malambing, maasikaso, responsible
Type of blood: A
Most Embarassing Moment: Too many to mention.
Most Memorable Moment: Graduation, Komikon, isang Sabado sa Mcdo.
You’re afraid of…: one day, I will find myself alone in this world.
What would be your girl name?: Inday? Hahaha.
What do you usually do when it’s raining outside?: Nasa bahay, ninanamnam ang lamig habang ginagawa ang isa sa mga hobbies ko.
Biggest challenge: Dati thesis at paghahanap ng trabaho. Ngayon, pagtupad sa mga pangarap ko…habang hinahanap/hinihintay ang magiging labidabidabs-op-my-layp ko.
Worst habit: Absent-minded…at korning humirit.
Most expensive purchase with your own money: Motherboard?
Prized Possession: Puso ko.
Childhood toy you still have: Utak ko.
Collection/s: Quotes, pictures, komiks, books, songs.
What’s the best thing happen to you this year?: When I met her.
If you were to be a castaway, what three things would you bring?: Faith, courage, knowledge on survival.
Describe yourself in one word: Korny.
Why is your name “Andoyman Komikero”?: Dahil tinamad banggitin ng isa kong kaklase noon ang pangalan ko, nag-isip sila ng itatawag sa akin. Saka sumulpot ‘yung “Andoy”…na kinalaunan, dinugtungan naman ng isa ko pang kaklase ng “man” ang “andoy” kaya naging “andoyman”. At ang “komikero” ay dahil sa komikero ako.
Dream job: Comic artist/writer.
Message to the Philippines: Think people. Think.
Message to the World: Ayyyyyyyy labs yuuuuu ollll.
Message to yourself: Siraulo! Kahit korny ka, alam kong matutupad mo mga pangarap mo. Wag ka ring mag-aalala, nandyan lang sa tabi-tabi ‘yung matagal mo nang hinahanap, ‘yung kabiyak ng puso mo, naks! At di kita iiwanan hunghang! Pramis! Basta tandaan mo, sa sandaling wala nang naniniwala sa’yo, laging ako ang maniniwala sa’yo hanggang sa pinakadulo ng mundo. Naks! O siya siya, tama na, ang korny na.

Posted by andoyman at 10:48 am | permalink | comments[2]

Maraming salamat

3:34 ng madaling araw. Gising pa rin ako. Kung gayon, kukunin ko ang sandaling ito para magpasalamat.

Una, maraming salamat ke Lord para sa lahat-lahat, as in lahat. Kung wala Siya, wala ako. Pangalawa, sa mga magulang ko na patuloy na tinitiis at minamahal ako ganoon din sa kapatid ko na hindi nagsasawa sa aking walang humpay na mga biro at pang-a-asar sa kanya. At ikatlo, sa lahat ng taong naging bahagi at patuloy na bahagi ng buhay ko mula noon hanggang ngayon (parang commercial lang ng alak, ah). Kayo ‘yung mga di ko inaasahang iskultor na lumilok sa kung sino ako ngayon. Loko-loko ako kaya ibig sabihin, loko-loko rin kayo. Hahaha. Di ko man nasasabi sa iba sa inyo ‘yung pagpapasalamat ko, lagi niyong asahan na palagi akong nagpapasalamat na nakilala ko kayo at nakasama, lalo sa mga nanlibre sa akin. Salamat sa mga hindi naniniwala sa akin; dahil sa inyo, mas naniniwala ako ngayon sa sarili ko. Salamat sa mga nam-basted sa akin; dahil sa inyo, natutunan ko na “Love is freedom,” at natutunan ko na hindi ko kayo kawalan, kundi kawalan niyo ako. Salamat sa mga naging kaaway at hindi ko nakaunawaan; dahil sa inyo, natuto ako sa mga kamalian ko, natuto akong maging responsable sa mga pagkakamali ko, at natuto akong sisihin muna ang sarili ko bago ang iba. Salamat sa mga hindi ko nakilala; dahil sa inyo…ahm…hmm…wala akong natutunan sa inyo kasi hindi nga tayo nagkakilala. At salamat sa lahat ng nagtiwala at nagtitiwala sa akin; dahil sa inyo, mas pinapahalagahan ko ang salitang “pagtitiwala”.

Maraming salamat sa inyong lahat!! (Naks! Parang nanalo ako ng Best Actor sa Oscar! Hahaha)

Posted by andoyman at 10:46 am | permalink | Add comment

Noong bata pa ako

Oo. Ako ‘yan. Maniwala ka na nagdaan din ako sa pagiging sanggol at inire ako ng nanay ko at hindi ako bigla lang tumubo sa mundo parang tigyawat.

Binyag ko. Kasama namin ni Mama ang dalawa kong ninang na nangutang sa kanya ng dalawang libo at hindi na binayaran at hindi na nagpakita sa amin mula noon. Langya.

Di ko kilala ‘yung babae sa kaliwa. Karga-karga ako ni Mama at katabi namin sa kanan si Inang. Ayan, maniwala sana kayo na may nanay din ako.

Picture ko noong unang kaarawan ko. Sa may Tambunting pa kami niyan. Walang kamera ang mga magulang ko noon kaya iba ang kumuha niyan. Ang hindi ko ma-gets e bakit noong umiiyak ako e saka ako kinunan ng litrato?

Papasok na ako ng iskul niyan. Hindi sa amin ‘yung tsikot sa likod. Ke’ bossing ‘yan.

Nursery ako niyan. Hanapin mo ako. Sa totoo lang, wala na akong maalala sa kanilang lahat pwera ke ma’am at sa isa kong kaklase na ang tawag namin e “Bayabas” dahil siya ‘yung magaling mag-drawing dati sa amin at isa sa mga nang-asar sa drawing na robot ko. Bagong iyak pa yata ako ng kunan ‘yan. Di ko na maalala.

Sinali ako ng nanay ko sa mister-mister blah blah na ‘yan (oo may ganyan kahit graduation). Lahat ng kalaban ko, naka-barong. Ako lang ang naka-t-shirt. At ang speech ko pa niyan noon, ganito: “O! Huwag kayong magulat. Akala niyo siguro ako si Aga Muhlach ‘no? Nagkakamali kayo blah blah blah.” Umalis din agad kami dahil hindi namin alam na may talent palang dapat ipakita. Di pa pala talent ‘yung kapal ng mukha ko.

Sa quiz bee. Huwag ka nang mag-Yihee diyan dahil wala akong gusto diyan. Iba crush ko dati.

Maligayang kaarawan sa akin!!! Yey!!!

Posted by andoyman at 10:39 am | permalink | comments[2]

Kowts

“If you concentrate on finding what is good in every situation, you will discover that your life will suddenly be filled with gratitude, a feeling that nurtures the soul.”
– Rabbi Harold Kushner 

Posted by andoyman at 10:38 am | permalink | Add comment

Kowts

“You can’t have everything but you will have something that will mean everything to you.”
-andoyman

Posted by andoyman at 10:38 am | permalink | Add comment

Umuulan pala sa labas

Monday, June 14, 2010

Nandito ako ngayon sa shop habang abala ang langit sa pagbuhos ng ulan sa labas. Hindi ako nagdala ng payong. Wala akong payong. Mababasa ako tiyak kung hanggang mamaya e umuulan pa rin.

Biruin mo ‘yon, may mga bagay talagang biglaan na lang na nangyayari sa buhay natin. Mga bagay na hindi natin hiniling, dinasal, o sumagi sa ating kokote pero hayan, nandyan at makulit na nakangiti sa’yo at kumakaway.’Yung ibang biglaan, masaya, as in masaya talaga. At ‘yung iba, hindi ganoon kagandahan. Mabuti sana kung bigla ka lang natae habang nasa entablado at sumasayaw o kumakanta ang eksena minsan kaso hindi e. Minsan, mapapatanong ka na lang ng, “Anong nangyari?” kasunod ng “Bakit nangyari ‘to?”

At ang mga biglaang pangyayaring iyon, madalas, hindi tayo handa, walang armas, wala man lang warning, wala kang pera. Kumbaga, ansaya-saya mo tapos biglang, aw, anlungkot. Parang kanina sa napanood kong palabas sa tv. High Kick ang title. ‘Yung padre de pamilya e natanggal sa trabaho kaya naghahanap ng hanap-buhay.

Natanggap naman siya kaya pinaghanda siya ng isang maliit na surprise party para sa kanya pag-uwi niya. May cake with candles pa. Nang nakaupo na siya, tumawag ‘yung boss niya. Sabi, tinatanggal na siya sa trabaho dahil magpapalit na ng may-ari ang kumpanya. Isipin mo ‘yung feeling na sobrang saya ka tapos biglang sobrang lungkot ang kasunod. Linsiyak! Nakakasira ng ulo ang gano’n!

Kumbaga, isang magandang panaginip lang ang lahat. Pagkatapos ng isang magandang panaginip, magigising ka at maiinis, maaasar, mapipikon, at mapapatanong kung bakit gano’n blah blah blah. Kumbaga, masaya na e, bakit kailangang maging malungkot pa? Bakit kailangang magbago pa? Bakit gano’n? Ano ba’ng mali? 

Pero ikaw pa rin naman masusunod eh, kung mananatili ka sa panaginip na ‘yon o mabubuhay sa kasalukuyan at, siguro, kung gagawa ka ng paraan para matupad ang panaginip na ‘yon. Nakakagago lang talaga minsan dahil ok na ok na ang lahat tapos biglang eyng “Ano ‘to? Bakit gan’to?”

Kaso mahirap ang sagot para sa tanong ngayon. Ewan. Ang alam ko lang, nangyari na ang lahat at bahala ako sa sarili ko. Letse. Nakakainis lang talaga kasi sobrang nakakalungkot.

Biglaan akong napa-blog ngayon. Di ko alam kung may sense mga pinagsasabi ko.

Kung ang lahat ng nangyari ay isang panaginip lang, gigising ako at gagawa ng paraan para mangyari ang panaginip na ‘yon…nang mas maganda pa at pangmatagalan.

Posted by andoyman at 5:59 pm | permalink | Add comment

112th Independence Day

Saturday, June 12, 2010

The Bobo Song
Gloc 9

Lahat nang nakikita ko
Lahat nang nakikita ko
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo

Ang pinilakang tabing na sariling atin natabunan
Ang mga telenovela na pinilit lang ang dubbing
Walang palabas at mas madalas mag patalastas
Sa aming telebisyon biglang inisip ko ang aking
Kinabukasan na parang inihip lang ng hangin
Ako ay pilipino sa isip at sa damdamin
Pero bakit ka mahilig sa chinito at chinita
Dramathon sa hapon kasama si tito at si tita
At si kuya at si ate at katulong na parating natutulog
Pag malapit na maluto ang sinaing
Huminahon ka itay baka ka mabulunan
Sa laki ng binayad ko wala kong natutunan
Ni kapiranggot mula nung unang baitang
Pumapasok lang ako para mangutang kay maam
Ng pambili ng kanin, chicken adobo
Araw-araw ganito nakaka-bobo

[Chorus]
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo

[Verse 2]
Pulitiko na sa showbiz posible na pala
Ang dami nang artista sa pulitika pa nga
Bobo, inutil, walang pinag-aralan
Hangal, hung-hang sino bang pinagmanahan
Uto-uto, sunod-sunuran sa kung anong makita ng mata
Upang mapansin ka ng madla
Para masabi lang na in ka sa mga pormang petmalu
In da loop sa chika chuvanes ke churva eklavu
Mga chismis na nahuli na nang isang dekada
May pelikula kaya ngayon sila’y mag syota
Da who itong starlet na sa banyo na dulas
Wag na wag mong ililipat susunod na sa the buzz
1 2 3 teka lang nauna me
Makakakita ka nang mga natapakan sa tv
Habang kinakain mo yung kanin, chicken adobo
Ayoko ng ganito nakaka-bobo

[Chorus]

Takot kang magtanong takot kang magpaulit
Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit
Takot kang magtanong takot kang magpaulit
Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit
Kala mo alam mo to kala alam mo yan
Kala mo porket tagalog puro lang kabaduyan
Kala mo porket mahirap ka hanggang dyan ka na lang
Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam

[Verse 3]
Kasi lahat ng nakikita mo akala mo tama
Maghapon ka sa tv mo na nakatunganga
Nakapangalumbaba simula pa nung bata
Di naman importanteng magpakadalubhasa
Ang sakin lang naman ikaw ay malinawan
Wag na wag mong gawing dahilan ang kahirapan
Maniwala, pero wag umasa sa himala
Wala pang nananalo sa lotto na di tumataya
Kaya palayain mo ang utak mong nakakulong
Mas masahol pa sa bobo ang bobo nagmarunong
Kung ang pag-iisip para sayoy nakakangawit
Ibenta mo ang utak mo kung di mo ginagamit
Wag kang magalit kung laman ng bao ay ampao
Pilipino lang ako pag nananalo si pacquiao
Pag narinig ko yung kanin, chicken adobo
Nakaka-indak kahit nakaka-bobo

[Chorus]

Takot kang magtanong takot kang magpaulit
Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit
Takot kang magtanong takot kang magpaulit
Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit
Kala mo alam mo to kala alam mo yan
Kala mo porket tagalog puro lang kabaduyan
Kala mo porket mahirap ka hanggang dyan ka na lang
Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam

Bobo!

 

Posted by andoyman at 10:27 am | permalink | Add comment

My Short Essay about the Philippines

Wednesday, June 9, 2010

Nakita ko ‘to sa tumblr, at nang mabasa ko, halos naiyak ako, bukod sa totoo ang lahat ng mga sinabi niya at tagos talaga sa puso, nakakaiyak at nakakapanlambot ng puso na sa kalagayan ng mga Noypi ngayon, mahirap o imposible itong mangyari. Gayunpaman, mayroon pa rin namang iilan…na sana dumami pa. Pakikalat ‘to (e.g., facebook, tumblr, plurk, blog) kung pwede lang. At isabuhay ang mga nakasulat todits.

My Short Essay about the Philippines
Jaeyoun Kim
September 2003

Filipinos always complain about the corruption in the Philippines. Do you really think the corruption is the problem of the Philippines? I do not think so. I strongly believe that the problem is the lack of love for the Philippines.

Let me first talk about my country, Korea. It might help you understand my point. After the Korean War, South Korea was one of the poorest countries in the world. Koreans had to start from scratch because entire country was destroyed completely after the Korean War, and we had no
natural resources.

Koreans used to talk about the Philippines, for Filipinos were very rich in Asia. We envy Filipinos. Koreans really wanted to be well off like Filipinos. Many Koreans died of famine. My father’s brother also died because of famine.

Korean government was awfully corrupt and is still very corrupt beyond your imagination, but Korea was able to develop dramatically because Koreans really did their best for the common good with their heart burning with patriotism. Koreans did not work just for themselves but also for their neighborhood and country. Education inspired young men with the spirit of patriotism.

40 years ago, President Park took over the government to reform Korea. He tried to borrow money from other countries, but it was not possible toget a loan and attract a foreign investment because the economy situation of South Korea was so bad. Korea had only three factories. So, President Park sent many mine workers and nurses to Germany so that they could send money to Korea to build a factory. They had to go through a horrible experience. In 1964, President Park visited Germany to borrow money. Hundred of Koreans in Germany came to the airport to welcome him and cried there as they saw the President Park. They asked to him, “President, when can we be well off?” That was the only question everyone asked to him. President Park cried with them and promised them that Korea would be well off if everyone works hard for Korea, and the President of Germany got the strong impression on them and lent money to Korea. So, President Park was able to build many factories in Korea.

He always asked Koreans to love their country from their heart. Many Korean scientists and engineers in the USA came back to Korea to help developing country because they wanted their country to be well off.

Though they received very small salary, they did their best for Korea. They always hoped that their children would live in well off country.

My parents always brought me to the places where poor and physically handicapped people live. They wanted me to understand their life and help them. I also worked for Catholic Church when I was in the army. The only thing I learned from Catholic Church was that we have to love our neighborhood. And I have loved my neighborhood.

Have you cried for the Philippines? I have cried for my country several times. I also cried for the Philippines because of so many poor people. I have been to the New Bilibid prison. What made me sad in the prison were the prisoners who do not have any love for their country. They go to mass and work for Church. They pray everyday. However, they do not love the Philippines. I talked to two prisoners at the maximum security compound, and both of them said that they would leave the Philippines right after they are released from the prison. They said that they would start a new life in other countries and never come back to the Philippines.

Many Koreans have a great love for Korea so that we were able to share our wealth with our neighborhood. The owners of factory and company were distributed their profit to their employees fairly so that employees could buy what they needed and saved money for the future and their
children.

When I was in Korea, I had a very strong faith and wanted to be a priest. However, when I came to the Philippines, I completely lost my faith. I was very confused when I saw many unbelievable situations in the Philippines. Street kids always make me sad, and I see them everyday. The Philippines is the only Catholic country in Asia, but there are too many poor people here. People go to church every Sunday to pray, but nothing has been changed. My parents came to the Philippines last week and saw this situation. They told me that Korea was much poorer than the present Philippines when they were young. They are so sorry that there so many beggars and street kids. When we went to Pasangjan, I forced my parents to take a boat because it would fun. However, they were not happy after taking a boat. They said that they would not take the boat again because they were sympathized the boat men, for the boat men were very poor and had a small frame. Most of people just took a boat and enjoyed it. But my parents did not enjoy it because of love for them.

My mother who has been working for Catholic Church since I was very young told me that if we just go to mass without changing ourselves, we are not Catholic indeed. Faith should come with action. She added that I have to love Filipinos and do good things for them because all of us are
same and have received a great love from God.

I want Filipinos love their neighborhood and country as much as they love God so that the Philippines will be well off. I am sure that love is the keyword which Filipinos should remember. We cannot change the sinful structure at once. It should start from person. Love must start in everybody in a small scale and have to grow. A lot of things happen if we open up to love. Let’s put away our prejudices and look at our worries with our new eyes. I discover that every person is worthy to be loved. Trust in love, because it makes changes possible. Love changes you and me. It changes people, contexts and relationships. It changes the world.

Please love your neighborhood and country. Jesus Christ said that whatever we do to others we do to Him. In the Philippines, there is God who are abused and abandoned. There is God who is crying for love. If you have a child, teach them how to love the Philippines. Teach them why they have to love their neighborhood and country.

You already know that God also will be very happy if you love others. That’s all I really want to ask you Filipinos. 

 credits to Jaeyoun Kim

Posted by andoyman at 9:52 am | permalink | Add comment

MY 9 Y.O. DAUGHTER TAUGHT ME THE MOST VALUABLE LESSON

Nakita ko rin ‘to sa facebook. Basahin mo.

MY 9 Y.O. DAUGHTER TAUGHT ME THE MOST VALUABLE LESSON…

Last night I had a chance to talk and spend more time with my youngest daughter who was then sick w/ fever for 2 weeks already. We were about to go to sleep when she ask me ,
” Mama, why are you so sad? “

I said: Baby, it’s because I don’t like how things are turning out, I am sad because I am upset at the moment, i wish I could do something about it”.

To which she replied : ” Is it because I am sick and that we don’t have much money? Is that why you’re upset lately?”

So I answered back : ” Yes, Dear, I am a bit upset and worried because we don’t have much money, I don’t have a stable job, I am having problems sending you kids to school, I cannot buy you stuff that you need or you want, you’ve been sick and I don’t think there is enough reason for me to smile anymore.”

She said back to me: ” But Mama. you should be happy. I am happy. “

I said to her: ” baby, how can you be happy? We are poor,we weren’t born rich; your father left us, i don’t have much money, I can’t send you to school, we are just living in just the mercy and generosity of our relatives who still cares, I don’t have a stable job and you’re sick! If only we were rich, then i might be happy.”

She replied back with the her innocent eyes and touching smile: ” Still, Mama, regardless of what you say, I am happy! “

Shock and amazed at the same time, I asked her ” why is that?”

” MAMA, I’M HAPPY BECAUSE WE ARE ALIVE! “..

that’s her bold and naive answer, which shook me from senses, making me realize that indeed I am supposed to be happy; there is a reason to smile and be happy about, that indeed I am fortunate to still be alive. That LIFE itself is the most precious Gift anyone can have. That living is the most valuable of all things; be it with richest or with the modest of all, it is the essential possession anyone can ever have. That we are living for a purpose, we are just making life’s purpose more complex by not being contented; by not being grateful for Life itself. We should be thankful enough that every single day we are still blessed to exist and experience the beauty of everything around us.

I learned my lesson. I hope you learned from my lesson.

credits to it’s writer.

Posted by andoyman at 9:50 am | permalink | Add comment

The Family Tate

Nakita ko sa note sa facebook ng kaklase ko.

The Family Tate

You’ve heard of the Tate family. There is Dick Tate, who wants to run everything. Ro Tate tries to change everything. Agi Tate stirs up trouble whenever posible (Irri Tate always leands a hand).

Whenever new ideas are suggested, Hesi Tate and Vege Tate pour cold water on them. Imi Tate tries to mimic everyone. Devas Tate loves to be disruptive. Poten Tate wants to be a big shot. But it’s Cogi Tate, Medi Tate, and Facili Tate, who always save the day and get everyone pulling together.

-Campus Journal, Wisdom for Life (Our Daily Bread For Students)

-June 7-

Sayang, wala sina Reales Tate at Palpi Tate. Hehe.

credits to it’s writer.

Posted by andoyman at 9:49 am | permalink | Add comment

A Picture

dr was a little boy hus
1st luv was a young girl in
a picture w/c he found &&
picked up for da street. as tym
went by he got married,
but still he kept it . until 1 day
d wyf found it && asked
“wer did u get dis ??”
d man said “i kept dat since i was a child y?”
d girl replied
“i lost dis pic wen i was 9″.

credits to it’s writer. 

Posted by andoyman at 9:47 am | permalink | Add comment

Kowts

“God doesn’t give you what you want, God gives you according to who you are. Change who you are to change your life.”
-from facebook’s God wants you to know application

Posted by andoyman at 9:46 am | permalink | Add comment

Kowts

Tuesday, June 8, 2010

“You can love someone you’ve never met. (in some cases)”
-Daniel Pearl

Posted by andoyman at 3:54 pm | permalink | Add comment

Kowts

“Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option.”
-Mark Twain

Posted by andoyman at 3:52 pm | permalink | Add comment

Kowts

“Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo. Ganyan ang senaryo sa bus, ganyan din sa pag-ibig lalong di mo kontrolado kung kelan sya bababa.”
-unknown

Posted by andoyman at 3:29 pm | permalink | Add comment

Kowts

“Huwag mong ikulong ang sarili mo sa pagmamahal mo sa kanya…Malay mo may ibang taong nagmamahal sa’yo, nakakaramdam tulad ng nararamdaman mo.”
- Philline Gonzales

Posted by andoyman at 3:22 pm | permalink | Add comment

Gate 4

Monday, June 7, 2010

“Bakit? May kung ano ba sa mukha ko?” pag-usisa mo sa kanya matapos mong mahuli siyang nakatingin sa ‘yo. Napangiti ka pagkatapos niyon pero hindi mo ipinakita sa kanya. Alam mong madalas ka niyang pinapanood habang kumakain at gustung-gusto mo ‘yon. Minsan naman, siya naman ang pinapanood mo. Pagkatapos niyong maubos ang inyong burger at 7-Up, binayaran ninyo ang inyong kinain saka umalis.

 

Batid mo ang kanyang pagkabalisa kahit hindi niya sinasabi. Alam mong may gumugulo sa kanya. At balak mong itanong iyon kapag nasa pila na kayo sa sakayan ng fx mamaya. Ramdam mo ang tila buhawing bagay na nagpapaikot-ikot sa kanyang isipan sa kabila ng mga ipinapakita niyang ngiti at biro.

 

“Ano? Uwi na tayo?” tanong mo sa kanya bago kayo tumawid ng kalsada, may ngiti sa’yong labi, pampawala ng anumang pangambang iniisip niya sa kasalukuyan. Ngunit naguluhan ka lang sa kaniyang isinagot:

 

“Ah, hindi na muna. May ipapakilala pa kasi ako sa ‘yo.”

 

Mahina at bagsak ang kanyang boses. Hindi katulad ng dati, hirap kang wariin kung ano ba ang iniisip niya? Kung sino ang ipapakilala niya? Kung bakit ganoon siya ngayon? Hindi ka na lang sumagot. At nang marating ninyo ang Gate 4, napansin mo ang isang grupo ng mga lalakeng naka-uniporme rin tulad ninyo. Hindi mo mapagtanto ang kanilang mga ngiti at kung bakit sila nakangiti. Puno ng hamog ang nagaganap ngayon. Malabo mong nakikita ang maaaring maganap.

 

“Hi,” bungad ng isang lalakeng kayumanggi ang balat at kulay-mais naman ang harapan ng buhok. Maliit ang kanyang mga mata ngunit hindi singkit. May pagkamatangos naman ang kanyang ilong. Batid mong ang taong nakaharap sa’yo nang nakangiti ang gustong ipakilala sa’yo ng bestfriend mo. Gwapo siya tulad ng sinabi ng mga kaibigan mo. Ngunit walang kung anuman kang naramdaman matapos mo siyang makita. Iniabot ng lalake ang kanyang kamay sa iyo. Dahan-dahan mo ring iniabot ang iyong kamay sa kanya. Pilit kang ngumiti at bumati rin ng “Hello”. Maya-maya, narinig mong ipinapakilala ka na ng “bestfriend” mo sa kanya at sa lima pa nitong kasama.

 

“Ako nga pala si Richard,” pormal niyang pagpapakilala kasunod ang mga tila nanunuksong ngiti ng kanyang mga kaibigan. Ikinuwento niya kung paano ka niya nakilala at kung gaano ka niya gustong makilala. Nakakadinig ka naman ng mga mahihinang tuksong “Yihee” at “Uyy” mula sa kanyang mga kasama na agad naman niyang pinapatigil. Sa kabila ng kanyang nahihiya’t nakangiting pagpapakilala, hindi mo pa rin maialis ang iyong mga mata sa bestfriend mong tila naging tuod at hindi na nagsasalita kapapanood sa inyong dalawa ni Richard. Malamlam ang kanyang mga mata. At alam mong ganoon din sa ‘yo.

 

‘Ah ok’ at pagtango lang ang tangi mong tugon sa iyong kausap kasabay ang pagguhit sa mukha ng isang ngiting ginagamit para sa mga ganoong pagkakataon. Hinawakan mo ang braso ng iyong bestfriend. Hinigpitan mo ang iyong pagkakakapit senyales na gusto mo ng umuwi. Subalit taliwas sa iyong inaasahan ang mga sumunod na nangyari.

 

“Ah bes, kung ok lang sa ‘yo, si Richard na muna ang sasabay sa ‘yo pag-uwi. May gagawin pa kasi ako. Di bale, mabait naman ‘yan eh. Medyo makulit lang pero gentleman naman. Magugustuhan mo rin s’ya kapag nakilala mo na siya,” nakangiti niyang sabi sa‘yo, ngiting pampawala ng kung anumang ligalig sa iyong kalooban. Ngunit alam mong peke ang ngiti niyang iyon. Mas lalo ka lang nabahala. At hindi mo siya pinaniwalaan sa mga sandaling iyon. Para kang isang batang nakakapit sa braso ng iyong ama at ayaw mong kumawala rito. “Ikaw ang gusto ko at ayokong makakilala pa ng iba bukod sa ‘yo,” paulit-ulit at mariin mong isinisigaw iyon sa iyong sarili at umaasang aalingawngaw iyon sa kaniya. Hinigpitan mo pa ang iyong pagkakakapit subalit siya na mismo ang kusang kumawala. Wala kang naisagot. Walang lumalabas sa iyong bibig. Narinig mo na lang siyang nagpapaalam sa iyo at pinapaalalahan pa ang taong hindi mo naman kilala bukod sa pangalan nito na ingatan ka.

 

At sa loob lang ng ilang minuto, kasabay mo na sa paglalakad ang taong nakita mo lang kanina habang nakatingin ka lang sa iyong likuran at malungkot na tinatanaw ang iyong “bestfriend”. Mas malamlam na ang iyong mga mata di tulad kanina at puno ito ngayon ng mga tanong na naghahangad ng agarang kasagutan. Hindi mo masyadong naririnig ang mga sinasabi ng di mo kilalang taong kasabay mo ngayon. Panay tango at maiiksing sagot lang ang madalas mong itinutugon. Nawala na ang mga kaibigan ng kasabay mo sa Gate 4 subalit nandoon pa rin ang iyong bes, nakatayo’t nakatingin sa iyo. Bawat hakbang na kinukuha ng iyong mga paa ay dumadagdag lang sa layo mo sa tunay mong sinisinta. Paulit-ulit mong naririnig sa iyong puso: “Bakit?”

 

***

 

Kusang umandar ang buo mong katawan at ipinakilala mo ang iyong “bestfriend” sa kaibigan mong si Richard. Nakasuot ka ng isang ngiting nagsisilbing pantakip sa tunay mong nararamdaman. Pansin mo ang pagkalamlam ng mga mata ng iyong bes. Ngunit wala kang magawa…o mas pinili mo lang na walang gawin?

 

Kumapit siya sa iyong braso. Alam mong gusto na niyang umuwi kasama ka. Alam mong ayaw niyang sumabay sa taong ipinapakilala mo sa kanya. Subalit, sa hindi mo malamang dahilan, kumawala ka sa kanya at ipinaubaya mo siya sa iyong kaibigan. Napupuno ng mga “Yihee” at “Uyy” ang iba mo pang mga barkada. Tinutukso nila si Richard at ang bestfriend mo. Naaasar ka. Nasasaktan ka. Ngunit pilit mong itinatago’t isinisilid ang mga nararamdaman mo. Ayaw mong mahalata na nasasaktan ka…kahit lubos na ang kirot na nasa iyong puso.

 

Nagpaalam ka sa kaniya at saka sila naglakad palayo. Nakatingin pa rin “siya” sa iyo at ganoon ka rin sa kaniya. Ilang sandali lang pagkaalis nilang dalawa, umalis na rin ang iba mo pang barkada. Ikaw na lang mag-isa ang nandoon bukod sa mga estudyanteng labas-masok sa campus at mga guwardiyang matiyagang nagbabantay at nakikipagkwentuhan sa isa’t isa. Bawat hakbang nilang dalawa ay mas lalo siyang lumalayo sa’yo. May dalawang bagay kang pwedeng gawin: ang habulin siya at bawiin mula kay Richard o manatiling nakatayo at panoorin ang kanilang paglayo. Ngunit pinili mong tumayo habang walang kurap kang nakatingin sa kanya. Bumigat ang iyong puso at tila hindi mo na ito kaya pang buhatin. Nakakuyom ang iyong mga palad sa loob ng iyong bulsa dahil sa galit at inis sa sarili. Isang manipis ngunit matalim na kidlat ang humiwa sa kalangitan kasunod ang nakapanggugulat na dagundong ng kulog muna ang nagdaan bago tuluyang pinakawalan ng langit ang malamig na ulan. At nanaig ang kalungkutan sa buo mong katauhan. Kalungkutang ikaw mismo ang gumawa para sa iyong sarili.

 

Bigla mong naisip: Gusto mong bawiin ang lahat ng nangyari, gusto mong burahin ang mga sandaling iyon, gusto mong ibalik ang kanina, gusto mong…

 

 

Nang hindi mo na sila matanaw sa pagitan ng mga maliliit na kristal na bumabagsak mula sa abong kalangitan, saka mo naisipang maghanap ng masisilungan ngunit marahan ka lang naglakad. At paulit-ulit mong sinasabi sa iyong sarili: “Gago ako!”

Posted by andoyman at 10:31 am | permalink | comments[2]

Smile

Friday, June 4, 2010

You never fail to make me smile. Thank you very much. If you only know, you’re very special to my heart. :D

Posted by andoyman at 11:08 am | permalink | Add comment

Reblog: The 12th of June Trailer

 Please help and support us by doing the following:

1. Register an account at YourIndieFilm.com.
2. Watch ‘The 12th of June’. It is suggested that you let the film load first before watching the 21 minute short film. (http://www.yourindiefilm.com/node/313)
3. Vote for the film by clicking the button found below the video. That’s it!See More

Please do support us by spreading the word in your social networking accounts. Reviews are highly appreciated.

Spread the love and support Filipino films!

Kindly reblog and visit http://www.the12thofjune.com/ for more details :D

Please support my friend. Nandiyan siya sa film. Makikita niyo siya, peksman.

Posted by andoyman at 10:14 am | permalink | Add comment

Wala lang: #15

Wednesday, June 2, 2010

Gusto ko lang magsulat. Kaya lalaruin ko muna ang utak ko: Hahayaan kong magping-pong ang mga ideya at kalokohan sa loob ng isipan ko habang nagtatrabaho.

So, paano ko ‘to tatapusin? Pero paano ako magtatapos kung hindi pa ako nagsisimula? Ewan ko sa sarili ko. Mahilig ako sa kapilosopohan kahit noong bata pa ako…yata. Basta kung tatanungin mo ako kung may paborito akong subject, kung pipilitin mo akong magkaroon ng paboritong subject para may maisulat sa slumbook, ang sasabihin ko e philosophy…kasi pilosopo ako—pilosopong korning gago.

Siguro ang kauna-unahang pilosopiya na talagang tumatak sa isip ko ay noong nasa retreat ako noong Grade 6—pwera ‘yung pilosopiyang kapag nagkamali ka e tsitsinelasin ka. Grabe, iyakan kami noon. May isang part na may hawak na kandila ‘yung nagpa-facilitate sa amin tapos isa-isa kaming lalapit at hahawak doon tapos magsasalita para sa pagbibigyan namin.

Noong una e paluha na ako dahil malungkot talaga at senti mode kaming lahat. Pero noong paubos na ang mga estudyante ko na tinatawag, medyo nalihis ang pag-iyak ko. Natatawa ako na parang naaasar dahil sa mahigit trenta kami, ni isa, as in talaga, walang tumatawag sa akin. Langya.

Tinatawanan ko na lang ‘yung mahapding kirot ng riyalidad ng buhay na sumampal sa gwapo kong mukha. Parang sinuntok ako ng kapalaran na “Wala kang kaklaseng may pakialam sa’yo kahit mamamatay ka ngayon! Hahahahaha!” Ouch. Buti natawag “ulit” si Elena, na hanggang ngayon e kaibigan ko pa rin—though, mas malaki na siya ngayon konti, at kung hindi dahil sa wala na siyang mapagpilian—dahil natawag na ang mga natawag, (My gulay! Muntikan pa akong masagasaan kani-kanina lang ng isang owner type dyip! Hwoo! My gulay talaga!) at nakita niyang para akong kawawa, ako ang tinawag niya.

Natatawa si Elena nang tawagin niya ako. Di ko alam kung ano ibig sabihin ng tawa niyang ‘yun. Nagsalita ako konti pero di ko na maalala kung ano sinabi ko…o kung isinumpa ko silang lahat.

Pero hindi ‘yun ‘yung pilosopiyang natutunan ko. Introduction ko lang ‘yan kumbaga para pahabain ‘tong entry na ‘to…at dahil kasama na rin siguro ‘yon sa mga leksyon sa buhay: Kung hawak mo na ang kandila at nasa kagubatan kayo, ba’t hindi mo na lang sunugin ang kagubatan para sama-sama na kayong malitson ng buhay lalo ‘yung mga hindi ka tinawag. ‘De, joke lang.

Bali nagkwento si facilitator sa amin pagkatapos niyang ituro ang kantang “I Can” nina Donita Rose, Mikey Cojuangco, at Donna Cruz, may hand gestures ‘yon, ‘yung para sa mga hindi nakakapagsalita. Kabisado ko pa rin ‘yung hand gestures para sa chorus n’on!

Ang kwento ni facilitator e ‘yung tungkol sa isang bata na may hawak na ibon. Marahil alam mo na ‘yon pero ikukwento ko na rin…siguro medyo iba lang konti:

Nakita ng bata ‘yung matandang pilosopo sa kanila. Sinubukan niya ‘yung talino nito at nagtanong, “May hawak akong ibon ngayon sa likod ko. Sa tingin mo, buhay ‘to o patay?” Alam ng matanda na kung “buhay” ang isasagot niya, pipisilin ng bata ang ibon para mamatay; at kung “patay”, ipapakita niya itong buhay. Kaya sumagot ang matandang pilosopo, “Hawak mo sa iyong mga kamay ang buhay ng ibon,” saka siya umalis. Maya-maya, may lumapit na lasenggero sa bata, “Akin na lang ‘yan totoy at iihawin ko nang mapulutan. Hehehehe.” *Hik*

Di pa talaga nag-sink-in sa akin ‘yung ibig sabihin niyan noon pero pagkatapos ng ilang taon, nagawa ko ring maunawaan at sa tingin ko, nanuot na ‘to sa puso ko, mas lalo nung makapagtapos ako…sa kabila ng namatay ako…pero muling nabuhay.

Saka ko na lang ikukwento ‘yung noong namatay ako at nabuhay pero madrama ‘yon tiyak. Kung matagal ka nang nagbabasa rito, marahil alam mo ‘yung sandaling iyon sa buhay ko.

O siya. Natapos na rin ako todits.

Posted by andoyman at 12:09 pm | permalink | comments[4]

Kowts

“I’m not looking for someone who has everything, but someone who has time to spend with me more than everything.”
- Yen Beltrano

Posted by andoyman at 12:08 pm | permalink | Add comment

An open letter to Noynoy

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=577469&publicationSubCategoryId=86

Dear Noynoy,

You are now swamped with suggestions and advice, but just the same, I hope you’ll have time to read what this octogenarian has to say.

You were not my choice in the last election but since our people have spoken, we must now support you and pray that you prevail. But first, I must remind you of the stern reality that your drumbeaters ignore: you have no noble legacy from your forbears. It is now your arduous job to create one yourself in the six years that you will be the single most powerful Filipino. Six years is too short a time — the experience in our part of the world is that it takes at least one generation — 25 years — for a sick nation to recover and prosper. But you can begin that happy process of healing.

Continue reading.

Posted by andoyman at 9:27 am | permalink | Add comment

Run or Learn

Tuesday, June 1, 2010

“I learned that things change, people change, and it doesn’t mean you forget the past or try to cover it up. It simply means that you move on, and treasure the memories.”
—(via and-i-quote, poeticheartache) 

“Don’t let something from the past slow you down from living your present leading onto your future. “
- hoyitscarlo

Posted by andoyman at 4:17 pm | permalink | comments[2]

Di Maaming Kaligayahan

Kailan kaya magiging totoo ang isang panaginip?
Kailan ko kaya maihahayag yaring aking pag-ibig?

Mga likhang ala-alang nagpapangiti’t nangingiliti,
Kailan kaya matutupad? Kailan kaya mangyayari?

Akin kayang ibulong sa hangin, iyo kayang maririnig?
Mababasa mo ba’ng aking puso kung isusulat ko sa tubig?

Magpalipad kaya ako ng saranggola bitbit yaring pag-ibig;
Makikita mo kaya ang puso ko sa asul na himpapawid?

Magsulat kaya ako ng kanta at iparinig sa mundo;
Aabot naman kaya ang himig ko diyan sa iyong puso?

O gumawa ako ng liham at ipadala sa anghel;
Mababasa mo kaya ang awit ng puso ko sa papel?

Pa’no ko kaya ipipinta’t paghahaluin ang mga kulay?
Mailalarawan ba nito na ikaw na ang aking buhay?

Hindi na makapag-isip ang utak kong naging hugis-puso.
Palagi na lang ikaw ang inaawit ng ala-ala ko.

Sa paano kayang paraan malalaman mo ang lihim ko
Na ikaw ang kaligayahan at bumubuo ng mundo ko?

Basta…susundin ko ang puso ko’t magtitiwala sa Itaas,
At nawa’y malaman’t maramdaman mo ang pag-ibig kong wagas.

Posted by andoyman at 1:16 pm | permalink | comments[2]