kwan. ano. yon. yeh!

Wala lang: #15

Wednesday, June 2, 2010

Gusto ko lang magsulat. Kaya lalaruin ko muna ang utak ko: Hahayaan kong magping-pong ang mga ideya at kalokohan sa loob ng isipan ko habang nagtatrabaho.

So, paano ko ‘to tatapusin? Pero paano ako magtatapos kung hindi pa ako nagsisimula? Ewan ko sa sarili ko. Mahilig ako sa kapilosopohan kahit noong bata pa ako…yata. Basta kung tatanungin mo ako kung may paborito akong subject, kung pipilitin mo akong magkaroon ng paboritong subject para may maisulat sa slumbook, ang sasabihin ko e philosophy…kasi pilosopo ako—pilosopong korning gago.

Siguro ang kauna-unahang pilosopiya na talagang tumatak sa isip ko ay noong nasa retreat ako noong Grade 6—pwera ‘yung pilosopiyang kapag nagkamali ka e tsitsinelasin ka. Grabe, iyakan kami noon. May isang part na may hawak na kandila ‘yung nagpa-facilitate sa amin tapos isa-isa kaming lalapit at hahawak doon tapos magsasalita para sa pagbibigyan namin.

Noong una e paluha na ako dahil malungkot talaga at senti mode kaming lahat. Pero noong paubos na ang mga estudyante ko na tinatawag, medyo nalihis ang pag-iyak ko. Natatawa ako na parang naaasar dahil sa mahigit trenta kami, ni isa, as in talaga, walang tumatawag sa akin. Langya.

Tinatawanan ko na lang ‘yung mahapding kirot ng riyalidad ng buhay na sumampal sa gwapo kong mukha. Parang sinuntok ako ng kapalaran na “Wala kang kaklaseng may pakialam sa’yo kahit mamamatay ka ngayon! Hahahahaha!” Ouch. Buti natawag “ulit” si Elena, na hanggang ngayon e kaibigan ko pa rin—though, mas malaki na siya ngayon konti, at kung hindi dahil sa wala na siyang mapagpilian—dahil natawag na ang mga natawag, (My gulay! Muntikan pa akong masagasaan kani-kanina lang ng isang owner type dyip! Hwoo! My gulay talaga!) at nakita niyang para akong kawawa, ako ang tinawag niya.

Natatawa si Elena nang tawagin niya ako. Di ko alam kung ano ibig sabihin ng tawa niyang ‘yun. Nagsalita ako konti pero di ko na maalala kung ano sinabi ko…o kung isinumpa ko silang lahat.

Pero hindi ‘yun ‘yung pilosopiyang natutunan ko. Introduction ko lang ‘yan kumbaga para pahabain ‘tong entry na ‘to…at dahil kasama na rin siguro ‘yon sa mga leksyon sa buhay: Kung hawak mo na ang kandila at nasa kagubatan kayo, ba’t hindi mo na lang sunugin ang kagubatan para sama-sama na kayong malitson ng buhay lalo ‘yung mga hindi ka tinawag. ‘De, joke lang.

Bali nagkwento si facilitator sa amin pagkatapos niyang ituro ang kantang “I Can” nina Donita Rose, Mikey Cojuangco, at Donna Cruz, may hand gestures ‘yon, ‘yung para sa mga hindi nakakapagsalita. Kabisado ko pa rin ‘yung hand gestures para sa chorus n’on!

Ang kwento ni facilitator e ‘yung tungkol sa isang bata na may hawak na ibon. Marahil alam mo na ‘yon pero ikukwento ko na rin…siguro medyo iba lang konti:

Nakita ng bata ‘yung matandang pilosopo sa kanila. Sinubukan niya ‘yung talino nito at nagtanong, “May hawak akong ibon ngayon sa likod ko. Sa tingin mo, buhay ‘to o patay?” Alam ng matanda na kung “buhay” ang isasagot niya, pipisilin ng bata ang ibon para mamatay; at kung “patay”, ipapakita niya itong buhay. Kaya sumagot ang matandang pilosopo, “Hawak mo sa iyong mga kamay ang buhay ng ibon,” saka siya umalis. Maya-maya, may lumapit na lasenggero sa bata, “Akin na lang ‘yan totoy at iihawin ko nang mapulutan. Hehehehe.” *Hik*

Di pa talaga nag-sink-in sa akin ‘yung ibig sabihin niyan noon pero pagkatapos ng ilang taon, nagawa ko ring maunawaan at sa tingin ko, nanuot na ‘to sa puso ko, mas lalo nung makapagtapos ako…sa kabila ng namatay ako…pero muling nabuhay.

Saka ko na lang ikukwento ‘yung noong namatay ako at nabuhay pero madrama ‘yon tiyak. Kung matagal ka nang nagbabasa rito, marahil alam mo ‘yung sandaling iyon sa buhay ko.

O siya. Natapos na rin ako todits.

Posted by andoyman at 12:09 pm | permalink | comments[4]

Kowts

“I’m not looking for someone who has everything, but someone who has time to spend with me more than everything.”
- Yen Beltrano

Posted by andoyman at 12:08 pm | permalink | Add comment

An open letter to Noynoy

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=577469&publicationSubCategoryId=86

Dear Noynoy,

You are now swamped with suggestions and advice, but just the same, I hope you’ll have time to read what this octogenarian has to say.

You were not my choice in the last election but since our people have spoken, we must now support you and pray that you prevail. But first, I must remind you of the stern reality that your drumbeaters ignore: you have no noble legacy from your forbears. It is now your arduous job to create one yourself in the six years that you will be the single most powerful Filipino. Six years is too short a time — the experience in our part of the world is that it takes at least one generation — 25 years — for a sick nation to recover and prosper. But you can begin that happy process of healing.

Continue reading.

Posted by andoyman at 9:27 am | permalink | Add comment