kwan. ano. yon. yeh!

Close-Family Ties

Tuesday, August 10, 2010

hahaha

sa totoo lang, napapaisip ako: ang lahat ba ng anak ay kailangan mabuhay para sa kanyang pamilya habambuhay? at ang kaniyang magiging anak ay mabubuhay naman para sa kanya? at ganoon din sa susunod na henerasyon?

hindi ko yata nakwento sa’yo sa chat na tulong ‘yung ginagawa ko…pero pusanggala pa rin dahil mas gusto ko talagang magkomiks.

hay…ang pinakamahirap doon, panganay ako at may inaasahan sa akin, na kung saan, ayokong may inaasahan ang tao sa akin…ayun…

minsan, napapaisip ako na “sobra” na ang close-family-ties sa kultura natin, na sa sobrang close, kinukulong na natin ang mahal natin sa buhay…hay…

Hindi ko alam kung mabuti o masama akong anak. Basta ginagawa ko ang makakaya ko para makagawa ng mabuti para sa magulang at kapatid ko. Hindi ako “expressive” para iparamdam na mahal ko sila. Kaya sa mga simpleng bagay ko na lang ipinapakita tulad ng paghuhugas ng plato.

Nasabi ko ‘yang nasa taas na ‘yan dahil madalas kong napupuna sa pamilyang pilipino na kung ano ang mas kailangan ng pamilya, iyon ang inuuna/pinapauna ng/sa anak. Walang masama roon. Ang masama e kung habambuhay na ganoon. At mukhang ganoon nga madalas. At paano, sa aking palagay, nagiging masama ang ganoon? Dahil nakukulong ang mahal mo sa buhay sa isang buhay na ginawa/idinikta mo sanhi para hindi niya makita ang buhay na naghihintay para sa kanya kung sakaling tinahak niya ang sarili niyang daan kasi pinigilan mo nga.

Ang “close family ties” ng pilipino, kapag isinaling-wika mo, ganito ba: Malapit na buklod ng pamilya o Saradong buklod ng pamilya?

Kung ako ang sasagot, sa karamihan, mukhang ang ikalawa ang sagot.

Masaya ang makatulong sa pamilya. Masaya talaga. At masaya rin kung matulungan mo silang matupad ang “kanilang” pangarap. Pero, paano ang sa’yo? Di bale na lang?

Sa totoo lang, mukhang sa kultura natin e ganito ang sitwasyon: “Kapag ginawa mo ang gusto mo, makasarili ka. Kapag hindi mo ginawa ang gusto ko, mabuti ka.”

Hindi ko alam kung nage-gets mo ang pinagsasabi ko basta ang gusto ko lang ipunto e sana sa hinaharap, ang pamilyang pilipino e mas malalapit at mas may kalayaan sa bawat isa. Ganun lang.

At ang talagang inirereklamo ko sa buhay ko ngayon ay hindi ko magawang tuluyang dumiretso sa gusto ko dahil kailangan kong tumulong muna sa pamilya bilang isang anak. (Natatakot din ako na baka makulong ako sa ganito at hindi ko matupad ang pangarap ko.)

Hindi ko mailalahad lahat ng nais kong sabihin dahil hirap akong isalin sa salita ang mga bagay na gusto kong ipaliwanag. Hay…

Uulitin ko lang ang sinabi ko noon sa business planning namin:

Gusto kong mabuhay.

 

Kung tatanungin kita, ano ang pangarap mo? (Lahat ng tao gustong tumulong sa pamilya, magka-pamilya at simpleng buhay. Ang tinutukoy kong pangarap ay ang pangarap mo para sa sarili mo, pangarap na gusto mong tahakin, pangarap na matagal mo nang hinihiling mula noong bata ka pa, pangarap na mukhang imposible, pangarap na maaaring may kinalaman sa hilig/gusto/talento mo, pangarap na galingsa puso mo, hindi dahil kailangan mo, o ng ibang tao.)

Posted by andoyman at 2:14 pm | permalink

Previous Comments

buti na lang yung pangarap na gusto ko eh yun din gusto ng pamilya ko para sa akin yun nga lang, yung pangarap na iyon parang ayaw sa akin. haha

bsta. hintayin ko na lang ang tamang panahon. hehe. in God’s perfect time.

pagdasal na lang natin na matupad lahat ng ating pinapangarap :)

nga pala, di ko na sasagutin tanong mo kasi kasasagot ko lang sayo kanina sa chat. hehe

Posted by yey at August 10, 2010, 3:10 pm

Helping is never an obligation. Self fulfillment is the key to balance out the mind, body and soul.

mas masarap sa pakiramdam sabihin na “ginagawa ko ito dahil masaya ako.”

kesa sa

“ginagawa ko ito dahil kailangan.”

Posted by roanne at August 11, 2010, 1:17 am

naiintindihan kita. kasi panganay din ako kaya gets kita. di ka nag-iisa :)

Posted by kimpossible at August 12, 2010, 2:24 pm

pangarap na galingsa puso mo, hindi dahil kailangan mo, o ng ibang tao.
-I LIKE IT. :)

Posted by christine at July 7, 2011, 11:01 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment