Side A
Wednesday, August 18, 2010Sa totoo lang, isa sa hinahangaan kong banda ang Side A at palagi akong nabibilib sa kanila. Noong minsang narinig ko ang kanta nilang “Forevermore”, akala ko dati e kantang-dayuhan. Nagulat ako nang sila pala ang kumanta. Ang pinapatugtog ko tuloy ngayon e “Harana” ng Parokya ni Edgar, ang pinakapaborito kong banda.
Kung i-a-anagram mo ang “Side A”, ang lalabas e “Ideas.” Wala. Gumawa lang ako ng intro para maidikit ko lang basta ang “Ideas” kasi ‘yon naman talaga ang ikukwento ko.
Nabasa ko sa Kikomachine Komix, paano kung merong isang lugar kung saan napupunta ang mga nakalimutan nating concepts, ideas na di nagamit, mga latak na kaalaman kumbaga? Tapos nakapasok ka doon at nag-explore ka ng mga ideas na nandoon. E paano kung di lang pala ikaw ang nandoon at may kaagaw ka sa idea na gusto mo? Sapakan na ‘to!
Sa dami ng naiisip ng tao, mula sa simpleng reklamo tulad ng naiingayan ka sa teacher mo hanggang sa pinakakomplikado tulad ng “Paano nagiging ebak ang pagkain?”, mula sa mga imbensiyon, bagong tuklas, bagong pag-aaral, at pesteng pagsagot ng 10×1 noong bata ka pa, nakamamanghang isiping galing lahat iyon sa utak ng tao.
Ayon sa kalkulasyon ng radioisotopes ng tambay na physicists sa amin, nagpapalit ang tao ng kanyang utak bawat taon (nang hindi mo namamalayan). At araw-araw, meron tayong 60,000 idea na iniisip/naiisip. Ang panget lang, 95% doon ay katulad kahapon.
Kung sakaling magawa mong makaisip ng 60,000 original idea bawat araw, putek, napakagaling na ng utak mo. Napakarami mo nang naisip na bagay mula sa pinakawirdo hanggang sa di-na-kayang-i-process-ng-super-computer-sa-sobrang-napaka-ultimate-weird na ideas. Pero paano nga ba napoproseso ang idea? At pare-pareho ba ang proseso na ‘yon sa bawat tao? Aba’y malay ko. Scientist ba ‘ko?
Sabi ni Sir Elbert noong huling-huling workshop namin, ang idea habang nasa utak natin, nabubuo ‘yan at akala natin, walang butas, walang loopholes, as in, buo talaga pero sa oras na isulat natin ang idea na ‘yon, mapupuna natin ang mga defect, mali, imperfection niyon. Gets?
Mula sa pelikula, soap opera, nobela, maiikling kwento, tula, kanta, sayaw, sining, imbensiyon, innovation sa technology, pang-aasar, lahat ‘yan ay galing sa “idea”. Mga cool, weird, at “ayos lang” na idea, d’yan nabubuo ang mga bagay na kinahihiligan ng tao.
Para sa akin, ang idea ay isang maliit na binhi na kapag naitanim mo nang tama, inalagaan ng tama, pinalaki at pinakain ng tama, inaruga’t minahal, magiging isang napakalaki’t magandang puno na mapapakinabangan mo at ng ibang tao.
Noong thesis namin, napakahirap mag-isip ng idea kung ano ang gagawin naming project para sa lintik na thesis na ‘yan. Kumbaga, kung kelan kailangan mong makaisip ng idea, saka naman wala kang mahagilap, walang maisip. Pang-asar ba. Pero pagdating sa kalokohan, ambilis at andami kaagad ang naiisip. Asteg.
May assignment kami noong huling-huling workshop. Kailangan kaming magbigay ng 50 ideas. Basta idea.
Bali noong una, ayos naman pero di nagtagal, hirap na akong mag-isip. Parang nilapa na ng leon ang utak ko. Ubos na kumbaga. Pero hindi naman ako tumigil mag-isip. Pinilit ko pa rin. Isinama ko na rin ang mga idea na naisip ko noon para may dagdag na kaagad. Pagdating sa workshop, sabi ko ke sir, di umabot ng singkwenta ang sa akin. Sabi niya, since hihintayin pa ang iba na dumating, dagdagan ko pa at kaya ko naman daw.
Pag-upo ko, hindi ko alam kung sa paanong paraan ako na-vortex pero nakaisip agad ako ng 11 na ideas, bale, naka-51 akong ideas at sa loob lang iyon ng ilang minuto! Putek. Namangha ako dahil sunud-sunod ang pag-iisip at pagsusulat ko noon. Parang may kung ano sa lugar na ‘yon na nag-magic sa akin na mag-isip ng idea nang walang humpay. Weird na kung weird. Basta idea.
Heto nga pala ang sampu sa limampung idea mula sa listahan ko:
1. Paano kung tayo ang binibingwit ng mga isda?
2. Paano kung papunta ka sa mundo’t panahon nina Ibarra at nagkagusto ka kay Maria Clara?
3. Paano kung detachable ang parte ng katawan ng tao?
4. Paano kung pwedeng i-modify ang sarili mo gamit ang computer?
5. Paano kung may ilog ng pera?
6. Paano kung maging totoo ang characters sa DOTA at manggulo sa mundo?
7. Paano kung may “cheat codes” ang buhay? (Ninakaw ko ‘to sa kaklase ko nang hindi niya alam. Sshh)
8. Paano kung may flash drive na naglalaman ng lahat ng kasagutan sa mundo?
9. Paano kung bigla na lang may nabasa kang mensahe sa calculator habang nag-e-exam ka?
10. Adventure ng mga nagsasalitang damit at underwear.
Naisip ko ang number 10 kasi naalala ko ang Cars at Toy Story 3. Isipin mo, biglang magsasalita ang damit mo habang pinaplantsa mo, o ang brip mo habang sinusuot mo. O kaya magrereklamo sa’yo ang bra dahil ano raw. ‘Yon.
O siya. Suminghot ka na nang malakas at malalim at baka makasinghot ka ng isang napakaganda’t walastik na idea.
Antaba ng utak mo!
P.S.
Maligayang kaarawan nga pala kay Sir Larry Alcala. Marahil sa dami po ng utak ninyo e napuno niyo na ng drawings ang pader ng langit. Lagot po kayo kay San Pedro niyan. Hehe.
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009
- December 2008



wala akong idea kung bakit andito ako ngayon
ay..nagbbloghop nga pala
nakadalawang post ka na pala. hahaha
sori sabaw lang.
na-utot ako. baka malanghap mo. sorry
Posted by yeye at August 18, 2010, 2:23 pm