kwan. ano. yon. yeh!

Guess the title!

Friday, August 20, 2010

Bukas Metro Con pero sand Day 2 ako makakapunta. May workshop kasi ako tuwing sabado at hindi ko pa nagagawa ang assignment namin: paggawa ng plot. Di ko pa rin tapos ang readings na binigay ni Sir Elbert.

Mabuti pa sina Kuya Olive Oil, pa-foodtrip-foodtrip na lang. Dami pera. Mayaman. Haha.

Nasa pangatlong file na ako sa ginagawa ko sa SEO. Bawat file e may 170 na sites na dapat kong submit-an ng article na ika-copy&paste ko. Malamig sa labas. Nagyeyelo. Puro snow.

Di ko pa nagagawa ‘yung isang raket ko e sa 24 na kelangan ng estudyante. Hmm.

Di muna ako magbubukas ng tumblr kasi…marami pa akong hindi nase-save at mag-i-stock lang dun.

Gusto ko lang magsalita. Pabayaan niyo na ako.

Tipid-tipid talaga ako ngayon sa pera kasi may balak akong gawin. Ilang araw na akong hindi nakakapagguhit. Nakakamiss na.

Wala lang.

May nagtapat sa akin kanina. Mahal daw niya ako noon pa. Joke. Inilabas lang niya ang nasa kalooban niya: hindi na siya masaya. Hindi sa buhay kundi sa trabaho niya. Parehas lang kami. Tinatiyaga ko na lang.

Langya. Pag nakahanap talaga ako ng trabaho na magdodrawing lang ako buong araw, tatanggapin ko kaagad ‘yun. Ayoko ng graphic designer. Basta ayoko.

Si yeye, nag-e-emo. Si xienah, wala na akong balita. Nagpa-sex change na siguro. Haha. Wala akong ka-text. Ayos lang at mas gusto ko ang ganun.

May di pagkakaunawaan kami ng nanay ko at dahilan ‘yun ng isang linggong kalungkutan ko, isang linggong paglalamay. Hay.

Sana makaabot pa ako sa slots sa Komikon para makapaglabas na ako ng komiks. Tapos ko na ang draft script ko. Konting revision na lang tapos edit pa konti tapos drawing na sa papel, sunod pa-scan (hahanap ng sponsor) tapos pa-photocopy. Ganun lang kasimple. Tapusin ko lang ‘tong rakets ko ta’s itutuloy ko na ang paggawa ng komiks ko. Yey.

Tuwing Huwebes, lagi kong inaakala na Biyernes na. Tuwing umaga, gusto ko na kaagad umuwi. Ganun na ako naiinip.

Kikitlin ko na ‘to bago pa ako mahuli. Kung bakit kasi laging 1000 years katagal ang meeting.

Pa-kiss.

Posted by andoyman at 2:32 pm | permalink

Previous Comments

hayup! haha. nakita mo ba ung budget ko sa foodtrip namin. pangpoor lang.
natawa ako, nagpasex change na ba si Xienah? ahahhaha
magpascan ka na lang dyan sa office nyo, tapos dyan ka na din magpaphotocopy, hehe.
o kaya naman ay gawin mo na lang online comics!

Posted by Oliver at August 20, 2010, 4:34 pm

bakit kelangan pang sabihin dito na nag-eemo ako.

/wrist

:)
nagttxt ako. di ka naman nagrereply. j3j3mon.
anu naman ung pinaglalamayan mo? ah baka mabasa ko sa latest post mo. teka lang

Posted by yeye at August 22, 2010, 11:34 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment