Se ying diu sau by Bob Ong
Thursday, August 26, 2010by Bob Ong on Wednesday, August 25, 2010 at 9:16pm“Bob, ano ang masasabi mo sa Manila hostage-taking?”Pagkatapos ng dalawang araw, nasabi na ang lahat na pwedeng sabihin. Napuna na ang mga dapat punahin, nabatikos ang mga dapat batikusin, at isa-isa nang sinisibak ngayon ang mga (i)responsableng tao na malamang ay pinagsawaan na ring sabunin.
Kung may dapat mang malaman pa ang mga Pilipino, yun ay ang kung ano ang pwede nating gawin ngayon.
- Ipagdasal ang mga casualty, survivor, ang mga opisyal na nasibak sa pwesto, ang presidente, ang bansa, ang mga Pilipino…pwede.
- Iwasang magpasa ng mga maling impormasyon o photoshopped na litrato at edited na video, at tawagin ang pansin ng mga taong mahilig magkalat ng maling balita tungkol sa insidente…pwede.
- Lawakan ang pang-unawa at maging mahinahon kung makikipagpalitan ng opinyon sa ibang nasyonalidad sa Internet tungkol sa insidente…pwede.
- Maging mas responsable sa pagbabalita at sa paraan ng pagkuha nito…pwede.
- Suportahan ang mga hakbang na gagawin ng pamahalaan para maituwid ang mga pagkukulang sa nangyaring insidente…pwede.
Panagutin natin at turuan ang mga palpak na opisyal. Pero pagkatapos noon, matuto tayong magpatawad at umabante. Hindi makakatulong na maliitin pa lalo ng Pilipino ang sarili nya. Kung mambabato man ng insulto ang mga taga-ibang bansa para sa pangkalahatan ng mga Pilipino; kapintasan na yon sa asal nila, hindi satin.
Kung may dapat mang mas kondenahin ngayon, yun ay ang mga usisero na kating-kating makadikit sa bus na para bagang milagro itong makakagaling ng mga sakit. May naisip akong magandang gawin sa kanila pero labag sa karapatang pantao, kaya hindi ko na lang imumungkahi.
Sa parehong paraan na nakikinabang tayo sa karangalan na naibibigay ng paisa-isang Pilipino, ganoon din ito mababawi sa atin ng isang Pilipino na tulad nito. Pero mahalagang malaman ng Pinoy na hindi lang sa mga balita at ilang indibidwal nakasalalay ang pangalan ng bansa, dahil ang bawat Pilipino ay imahe ng Pilipinas…tao man itong may mukha o isang simpleng mensahe na binitiwan sa Internet.
.
.
.Sana lahat ng tao katulad ni Jackie Chan mag-isip, at lahat ng action star katulad nya gumawa ng stunt.
(Wag mo na pakialaman ang title, paborito kong pelikula yan ni Jackie Chan.)
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009
- December 2008


