kwan. ano. yon. yeh!

Zombie

Tuesday, August 31, 2010

pakiramdam ko zombie ako ngayon.

siguro dala ng kulang sa tulog o ng iba pang bagay tulad ng paulit-ulit na ginagawa ko rito sa opis o dahil pressured sa mga ginagawa. di ko pa nasisimulang gawin ang pinakahuling pinapagawa sa akin. bukas na kailangan at mamaya ko palang sisimulan.

siguro kulang lang ako sa bitamina. hindi poten-cee o enervon o viagra, di pa ako gumagamit n’on. bitamina ko ang pagkokomiks. doon nabubuhay ang dugo ko bukod sa kapag nakakakita ako ng maganda. bitamina ko rin pamilya ko, mga kaibigan ko, at mga bagay na kinahihiligan ko tulad ng…ng…tulad mo? bitamina ko si Bro at, weird mang isipin, pati lumilipad na paru-paro sa daan.

siguro dahil walang workshop noong sabado kaya ako zombie ngayon.

hindi ako gaano makapag-isip. naiinis pa ako sa walang hiyang printer na ‘to at kanina pa ayaw mag-print. mabagal pa ang gamit kong computer at marami pa akong gagawin tulad ng blog designing para sa apat na kumpanya. last day naman ng isa kong katrabaho. argh. buwang talaga ako ngayon.

zombie!

plants vs zombies! hindi ko pa natatapos ‘yan. wag ka mag-alala. hindi talaga ako updated sa mga bagong laro sa bawat buwan. naiwan pa rin ang utak ko sa ragnarok at kung saka-sakali, iyon pa rin ang lalaruin ko.

gusto ko ng umuwi. sweldo day ngayon. simula na ng pasko season kasbu.

kulang na ako sa pagkokomiks. gusto ko ring bumili ng sherlock holmes na aklat. may nakita ako nun dati, dalawang book. mas gusto ko kasing binabasa at nasasalat iyon sa papel kaysa binabasa sa monitor. pero hindi pa ako makakabili kahit ‘yung binabalak kong harry potter series.

makapanood pa kaya ng kapatid ko ng ‘despicable me’? iba-budget ko pa ang sahod ko ngayon.

argh. zombie rin ‘tong post ko.

Posted by andoyman at 11:32 am | permalink

Previous Comments

i know your type: tall dark and dead.
hehehe

may PVZ2 na. di ko pa nattry. hehehe. RO? natry ko lang yan yung fee 3 day-trial. tapos di pa ako naglaro nun. yung friend ko nanasa comp shop noon. napaabot niya ako as swordsman. kewl.

miss ko na ang poring :)

matulog ka naman kasi para di ka magmukhang zombie ;)

Posted by yeye at August 31, 2010, 9:34 pm

@yeye: seryoso may PVZ2 na?
@andoyman: lumayo layo ka sa mga halaman at patatas ha? baka tamaan k, haha.

Posted by Oliver at September 2, 2010, 6:32 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment