Slumbook
Tuesday, June 15, 2010Name: Andoyman Komikero
Nicknames: Andoy, Doy, Kolet, Tuy, Korny, Hydro/Wakwak/Whooium(asar sa akin ng mga kaklase ko noong hayskul), Bosyo/Ponga(tawag ni Daddy sa akin), Le(tawag ni Mama sa akin), Kuyakoy(tawag ng kapatid ko sa akin), John Lloyd(tawag ko sa sarili ko)
Age: It doesn’t matter.
Course: BS Computer Engineering (kunwari importante)
Zodiac Sign: Gemini (ito talaga ang importante!)
Civil Status: Single…and very available. (Hahahaha)
Hobbies: Tumawa, humirit, mag-isip, magbasa, magsulat, gumuhit, laruin ang gitara (in English, playing guitar), kumain, mag-internet, makinig ng music o ng radyo, kumanta, mag-senti, manghingi ng pagkain, magmasid, mag-daydream, maglaro, huminga.
Motto: Wala akong maisip eh. Hmm… Siguro ano na lang, “Maniwala at magtiwala.”
Favorite Book: The Alchemist by Paulo Coelho(second bible ko), The Little Prince by Antoine de Saint Exupery
Favorite Movie: Homerun(isang Singaporean movie), Magnifico, Ploning, Baler
Favorite Comic Artist/s: Pol Medina, Manix Abrera, Wilson Tortosa, Edgar Tadeo, Arnold Arre. (Kasalukuyang kinikilala ko pa ang iba pang mga Pinoy comic artist.)
Favorite Color: Blue
Favorite Food: Tinolang manok
Favorite Drink: Tubig, buko juice
Favorite Sports: Sleep-athon, basketball, billiards, chess
Celebrity Crush: Iya Villania, Rachel Anne Daquis, Avril Lavigne, Kim So Eun
Secret Talent: Kaya kong huminga habang wala sa ilalim ng tubig.
Likes: Prangka, totoo, makulit, palabiro, simple, responsable sa bawat salitang sinasabi, mapagkakatiwalaan, nanlilibre
Dislikes: Ipilit sa akin ang hindi ako, sirain ang tiwala ko, pessimist
Type of girl: simple and wonderful, child-like, malambing, maasikaso, responsible
Type of blood: A
Most Embarassing Moment: Too many to mention.
Most Memorable Moment: Graduation, Komikon, isang Sabado sa Mcdo.
You’re afraid of…: one day, I will find myself alone in this world.
What would be your girl name?: Inday? Hahaha.
What do you usually do when it’s raining outside?: Nasa bahay, ninanamnam ang lamig habang ginagawa ang isa sa mga hobbies ko.
Biggest challenge: Dati thesis at paghahanap ng trabaho. Ngayon, pagtupad sa mga pangarap ko…habang hinahanap/hinihintay ang magiging labidabidabs-op-my-layp ko.
Worst habit: Absent-minded…at korning humirit.
Most expensive purchase with your own money: Motherboard?
Prized Possession: Puso ko.
Childhood toy you still have: Utak ko.
Collection/s: Quotes, pictures, komiks, books, songs.
What’s the best thing happen to you this year?: When I met her.
If you were to be a castaway, what three things would you bring?: Faith, courage, knowledge on survival.
Describe yourself in one word: Korny.
Why is your name “Andoyman Komikero”?: Dahil tinamad banggitin ng isa kong kaklase noon ang pangalan ko, nag-isip sila ng itatawag sa akin. Saka sumulpot ‘yung “Andoy”…na kinalaunan, dinugtungan naman ng isa ko pang kaklase ng “man” ang “andoy” kaya naging “andoyman”. At ang “komikero” ay dahil sa komikero ako.
Dream job: Comic artist/writer.
Message to the Philippines: Think people. Think.
Message to the World: Ayyyyyyyy labs yuuuuu ollll.
Message to yourself: Siraulo! Kahit korny ka, alam kong matutupad mo mga pangarap mo. Wag ka ring mag-aalala, nandyan lang sa tabi-tabi ‘yung matagal mo nang hinahanap, ‘yung kabiyak ng puso mo, naks! At di kita iiwanan hunghang! Pramis! Basta tandaan mo, sa sandaling wala nang naniniwala sa’yo, laging ako ang maniniwala sa’yo hanggang sa pinakadulo ng mundo. Naks! O siya siya, tama na, ang korny na.
Maraming salamat
3:34 ng madaling araw. Gising pa rin ako. Kung gayon, kukunin ko ang sandaling ito para magpasalamat.
Una, maraming salamat ke Lord para sa lahat-lahat, as in lahat. Kung wala Siya, wala ako. Pangalawa, sa mga magulang ko na patuloy na tinitiis at minamahal ako ganoon din sa kapatid ko na hindi nagsasawa sa aking walang humpay na mga biro at pang-a-asar sa kanya. At ikatlo, sa lahat ng taong naging bahagi at patuloy na bahagi ng buhay ko mula noon hanggang ngayon (parang commercial lang ng alak, ah). Kayo ‘yung mga di ko inaasahang iskultor na lumilok sa kung sino ako ngayon. Loko-loko ako kaya ibig sabihin, loko-loko rin kayo. Hahaha. Di ko man nasasabi sa iba sa inyo ‘yung pagpapasalamat ko, lagi niyong asahan na palagi akong nagpapasalamat na nakilala ko kayo at nakasama, lalo sa mga nanlibre sa akin. Salamat sa mga hindi naniniwala sa akin; dahil sa inyo, mas naniniwala ako ngayon sa sarili ko. Salamat sa mga nam-basted sa akin; dahil sa inyo, natutunan ko na “Love is freedom,” at natutunan ko na hindi ko kayo kawalan, kundi kawalan niyo ako. Salamat sa mga naging kaaway at hindi ko nakaunawaan; dahil sa inyo, natuto ako sa mga kamalian ko, natuto akong maging responsable sa mga pagkakamali ko, at natuto akong sisihin muna ang sarili ko bago ang iba. Salamat sa mga hindi ko nakilala; dahil sa inyo…ahm…hmm…wala akong natutunan sa inyo kasi hindi nga tayo nagkakilala. At salamat sa lahat ng nagtiwala at nagtitiwala sa akin; dahil sa inyo, mas pinapahalagahan ko ang salitang “pagtitiwala”.
Maraming salamat sa inyong lahat!! (Naks! Parang nanalo ako ng Best Actor sa Oscar! Hahaha)
Noong bata pa ako

Oo. Ako ‘yan. Maniwala ka na nagdaan din ako sa pagiging sanggol at inire ako ng nanay ko at hindi ako bigla lang tumubo sa mundo parang tigyawat.

Binyag ko. Kasama namin ni Mama ang dalawa kong ninang na nangutang sa kanya ng dalawang libo at hindi na binayaran at hindi na nagpakita sa amin mula noon. Langya.

Di ko kilala ‘yung babae sa kaliwa. Karga-karga ako ni Mama at katabi namin sa kanan si Inang. Ayan, maniwala sana kayo na may nanay din ako.

Picture ko noong unang kaarawan ko. Sa may Tambunting pa kami niyan. Walang kamera ang mga magulang ko noon kaya iba ang kumuha niyan. Ang hindi ko ma-gets e bakit noong umiiyak ako e saka ako kinunan ng litrato?

Papasok na ako ng iskul niyan. Hindi sa amin ‘yung tsikot sa likod. Ke’ bossing ‘yan.

Nursery ako niyan. Hanapin mo ako. Sa totoo lang, wala na akong maalala sa kanilang lahat pwera ke ma’am at sa isa kong kaklase na ang tawag namin e “Bayabas” dahil siya ‘yung magaling mag-drawing dati sa amin at isa sa mga nang-asar sa drawing na robot ko. Bagong iyak pa yata ako ng kunan ‘yan. Di ko na maalala.

Sinali ako ng nanay ko sa mister-mister blah blah na ‘yan (oo may ganyan kahit graduation). Lahat ng kalaban ko, naka-barong. Ako lang ang naka-t-shirt. At ang speech ko pa niyan noon, ganito: “O! Huwag kayong magulat. Akala niyo siguro ako si Aga Muhlach ‘no? Nagkakamali kayo blah blah blah.” Umalis din agad kami dahil hindi namin alam na may talent palang dapat ipakita. Di pa pala talent ‘yung kapal ng mukha ko.

Sa quiz bee. Huwag ka nang mag-Yihee diyan dahil wala akong gusto diyan. Iba crush ko dati.

Maligayang kaarawan sa akin!!! Yey!!!
Kowts
“If you concentrate on finding what is good in every situation, you will discover that your life will suddenly be filled with gratitude, a feeling that nurtures the soul.”
– Rabbi Harold Kushner
Kowts
“You can’t have everything but you will have something that will mean everything to you.”
-andoyman
Umuulan pala sa labas
Monday, June 14, 2010Nandito ako ngayon sa shop habang abala ang langit sa pagbuhos ng ulan sa labas. Hindi ako nagdala ng payong. Wala akong payong. Mababasa ako tiyak kung hanggang mamaya e umuulan pa rin.
Biruin mo ‘yon, may mga bagay talagang biglaan na lang na nangyayari sa buhay natin. Mga bagay na hindi natin hiniling, dinasal, o sumagi sa ating kokote pero hayan, nandyan at makulit na nakangiti sa’yo at kumakaway.’Yung ibang biglaan, masaya, as in masaya talaga. At ‘yung iba, hindi ganoon kagandahan. Mabuti sana kung bigla ka lang natae habang nasa entablado at sumasayaw o kumakanta ang eksena minsan kaso hindi e. Minsan, mapapatanong ka na lang ng, “Anong nangyari?” kasunod ng “Bakit nangyari ‘to?”
At ang mga biglaang pangyayaring iyon, madalas, hindi tayo handa, walang armas, wala man lang warning, wala kang pera. Kumbaga, ansaya-saya mo tapos biglang, aw, anlungkot. Parang kanina sa napanood kong palabas sa tv. High Kick ang title. ‘Yung padre de pamilya e natanggal sa trabaho kaya naghahanap ng hanap-buhay.
Natanggap naman siya kaya pinaghanda siya ng isang maliit na surprise party para sa kanya pag-uwi niya. May cake with candles pa. Nang nakaupo na siya, tumawag ‘yung boss niya. Sabi, tinatanggal na siya sa trabaho dahil magpapalit na ng may-ari ang kumpanya. Isipin mo ‘yung feeling na sobrang saya ka tapos biglang sobrang lungkot ang kasunod. Linsiyak! Nakakasira ng ulo ang gano’n!
Kumbaga, isang magandang panaginip lang ang lahat. Pagkatapos ng isang magandang panaginip, magigising ka at maiinis, maaasar, mapipikon, at mapapatanong kung bakit gano’n blah blah blah. Kumbaga, masaya na e, bakit kailangang maging malungkot pa? Bakit kailangang magbago pa? Bakit gano’n? Ano ba’ng mali?
Pero ikaw pa rin naman masusunod eh, kung mananatili ka sa panaginip na ‘yon o mabubuhay sa kasalukuyan at, siguro, kung gagawa ka ng paraan para matupad ang panaginip na ‘yon. Nakakagago lang talaga minsan dahil ok na ok na ang lahat tapos biglang eyng “Ano ‘to? Bakit gan’to?”
Kaso mahirap ang sagot para sa tanong ngayon. Ewan. Ang alam ko lang, nangyari na ang lahat at bahala ako sa sarili ko. Letse. Nakakainis lang talaga kasi sobrang nakakalungkot.
Biglaan akong napa-blog ngayon. Di ko alam kung may sense mga pinagsasabi ko.
Kung ang lahat ng nangyari ay isang panaginip lang, gigising ako at gagawa ng paraan para mangyari ang panaginip na ‘yon…nang mas maganda pa at pangmatagalan.
112th Independence Day
Saturday, June 12, 2010
The Bobo Song
Gloc 9
Lahat nang nakikita ko
Lahat nang nakikita ko
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Ang pinilakang tabing na sariling atin natabunan
Ang mga telenovela na pinilit lang ang dubbing
Walang palabas at mas madalas mag patalastas
Sa aming telebisyon biglang inisip ko ang aking
Kinabukasan na parang inihip lang ng hangin
Ako ay pilipino sa isip at sa damdamin
Pero bakit ka mahilig sa chinito at chinita
Dramathon sa hapon kasama si tito at si tita
At si kuya at si ate at katulong na parating natutulog
Pag malapit na maluto ang sinaing
Huminahon ka itay baka ka mabulunan
Sa laki ng binayad ko wala kong natutunan
Ni kapiranggot mula nung unang baitang
Pumapasok lang ako para mangutang kay maam
Ng pambili ng kanin, chicken adobo
Araw-araw ganito nakaka-bobo
[Chorus]
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
[Verse 2]
Pulitiko na sa showbiz posible na pala
Ang dami nang artista sa pulitika pa nga
Bobo, inutil, walang pinag-aralan
Hangal, hung-hang sino bang pinagmanahan
Uto-uto, sunod-sunuran sa kung anong makita ng mata
Upang mapansin ka ng madla
Para masabi lang na in ka sa mga pormang petmalu
In da loop sa chika chuvanes ke churva eklavu
Mga chismis na nahuli na nang isang dekada
May pelikula kaya ngayon sila’y mag syota
Da who itong starlet na sa banyo na dulas
Wag na wag mong ililipat susunod na sa the buzz
1 2 3 teka lang nauna me
Makakakita ka nang mga natapakan sa tv
Habang kinakain mo yung kanin, chicken adobo
Ayoko ng ganito nakaka-bobo
[Chorus]
Takot kang magtanong takot kang magpaulit
Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit
Takot kang magtanong takot kang magpaulit
Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit
Kala mo alam mo to kala alam mo yan
Kala mo porket tagalog puro lang kabaduyan
Kala mo porket mahirap ka hanggang dyan ka na lang
Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam
[Verse 3]
Kasi lahat ng nakikita mo akala mo tama
Maghapon ka sa tv mo na nakatunganga
Nakapangalumbaba simula pa nung bata
Di naman importanteng magpakadalubhasa
Ang sakin lang naman ikaw ay malinawan
Wag na wag mong gawing dahilan ang kahirapan
Maniwala, pero wag umasa sa himala
Wala pang nananalo sa lotto na di tumataya
Kaya palayain mo ang utak mong nakakulong
Mas masahol pa sa bobo ang bobo nagmarunong
Kung ang pag-iisip para sayoy nakakangawit
Ibenta mo ang utak mo kung di mo ginagamit
Wag kang magalit kung laman ng bao ay ampao
Pilipino lang ako pag nananalo si pacquiao
Pag narinig ko yung kanin, chicken adobo
Nakaka-indak kahit nakaka-bobo
[Chorus]
Takot kang magtanong takot kang magpaulit
Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit
Takot kang magtanong takot kang magpaulit
Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit
Kala mo alam mo to kala alam mo yan
Kala mo porket tagalog puro lang kabaduyan
Kala mo porket mahirap ka hanggang dyan ka na lang
Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam
Bobo!
My Short Essay about the Philippines
Wednesday, June 9, 2010Nakita ko ‘to sa tumblr, at nang mabasa ko, halos naiyak ako, bukod sa totoo ang lahat ng mga sinabi niya at tagos talaga sa puso, nakakaiyak at nakakapanlambot ng puso na sa kalagayan ng mga Noypi ngayon, mahirap o imposible itong mangyari. Gayunpaman, mayroon pa rin namang iilan…na sana dumami pa. Pakikalat ‘to (e.g., facebook, tumblr, plurk, blog) kung pwede lang. At isabuhay ang mga nakasulat todits.
My Short Essay about the Philippines
Jaeyoun Kim
September 2003Filipinos always complain about the corruption in the Philippines. Do you really think the corruption is the problem of the Philippines? I do not think so. I strongly believe that the problem is the lack of love for the Philippines.
Let me first talk about my country, Korea. It might help you understand my point. After the Korean War, South Korea was one of the poorest countries in the world. Koreans had to start from scratch because entire country was destroyed completely after the Korean War, and we had no
natural resources.Koreans used to talk about the Philippines, for Filipinos were very rich in Asia. We envy Filipinos. Koreans really wanted to be well off like Filipinos. Many Koreans died of famine. My father’s brother also died because of famine.
Korean government was awfully corrupt and is still very corrupt beyond your imagination, but Korea was able to develop dramatically because Koreans really did their best for the common good with their heart burning with patriotism. Koreans did not work just for themselves but also for their neighborhood and country. Education inspired young men with the spirit of patriotism.
40 years ago, President Park took over the government to reform Korea. He tried to borrow money from other countries, but it was not possible toget a loan and attract a foreign investment because the economy situation of South Korea was so bad. Korea had only three factories. So, President Park sent many mine workers and nurses to Germany so that they could send money to Korea to build a factory. They had to go through a horrible experience. In 1964, President Park visited Germany to borrow money. Hundred of Koreans in Germany came to the airport to welcome him and cried there as they saw the President Park. They asked to him, “President, when can we be well off?” That was the only question everyone asked to him. President Park cried with them and promised them that Korea would be well off if everyone works hard for Korea, and the President of Germany got the strong impression on them and lent money to Korea. So, President Park was able to build many factories in Korea.
He always asked Koreans to love their country from their heart. Many Korean scientists and engineers in the USA came back to Korea to help developing country because they wanted their country to be well off.
Though they received very small salary, they did their best for Korea. They always hoped that their children would live in well off country.
My parents always brought me to the places where poor and physically handicapped people live. They wanted me to understand their life and help them. I also worked for Catholic Church when I was in the army. The only thing I learned from Catholic Church was that we have to love our neighborhood. And I have loved my neighborhood.
Have you cried for the Philippines? I have cried for my country several times. I also cried for the Philippines because of so many poor people. I have been to the New Bilibid prison. What made me sad in the prison were the prisoners who do not have any love for their country. They go to mass and work for Church. They pray everyday. However, they do not love the Philippines. I talked to two prisoners at the maximum security compound, and both of them said that they would leave the Philippines right after they are released from the prison. They said that they would start a new life in other countries and never come back to the Philippines.
Many Koreans have a great love for Korea so that we were able to share our wealth with our neighborhood. The owners of factory and company were distributed their profit to their employees fairly so that employees could buy what they needed and saved money for the future and their
children.When I was in Korea, I had a very strong faith and wanted to be a priest. However, when I came to the Philippines, I completely lost my faith. I was very confused when I saw many unbelievable situations in the Philippines. Street kids always make me sad, and I see them everyday. The Philippines is the only Catholic country in Asia, but there are too many poor people here. People go to church every Sunday to pray, but nothing has been changed. My parents came to the Philippines last week and saw this situation. They told me that Korea was much poorer than the present Philippines when they were young. They are so sorry that there so many beggars and street kids. When we went to Pasangjan, I forced my parents to take a boat because it would fun. However, they were not happy after taking a boat. They said that they would not take the boat again because they were sympathized the boat men, for the boat men were very poor and had a small frame. Most of people just took a boat and enjoyed it. But my parents did not enjoy it because of love for them.
My mother who has been working for Catholic Church since I was very young told me that if we just go to mass without changing ourselves, we are not Catholic indeed. Faith should come with action. She added that I have to love Filipinos and do good things for them because all of us are
same and have received a great love from God.I want Filipinos love their neighborhood and country as much as they love God so that the Philippines will be well off. I am sure that love is the keyword which Filipinos should remember. We cannot change the sinful structure at once. It should start from person. Love must start in everybody in a small scale and have to grow. A lot of things happen if we open up to love. Let’s put away our prejudices and look at our worries with our new eyes. I discover that every person is worthy to be loved. Trust in love, because it makes changes possible. Love changes you and me. It changes people, contexts and relationships. It changes the world.
Please love your neighborhood and country. Jesus Christ said that whatever we do to others we do to Him. In the Philippines, there is God who are abused and abandoned. There is God who is crying for love. If you have a child, teach them how to love the Philippines. Teach them why they have to love their neighborhood and country.
You already know that God also will be very happy if you love others. That’s all I really want to ask you Filipinos.
credits to Jaeyoun Kim
MY 9 Y.O. DAUGHTER TAUGHT ME THE MOST VALUABLE LESSON
Nakita ko rin ‘to sa facebook. Basahin mo.
MY 9 Y.O. DAUGHTER TAUGHT ME THE MOST VALUABLE LESSON…
Last night I had a chance to talk and spend more time with my youngest daughter who was then sick w/ fever for 2 weeks already. We were about to go to sleep when she ask me ,
” Mama, why are you so sad? “I said: Baby, it’s because I don’t like how things are turning out, I am sad because I am upset at the moment, i wish I could do something about it”.
To which she replied : ” Is it because I am sick and that we don’t have much money? Is that why you’re upset lately?”
So I answered back : ” Yes, Dear, I am a bit upset and worried because we don’t have much money, I don’t have a stable job, I am having problems sending you kids to school, I cannot buy you stuff that you need or you want, you’ve been sick and I don’t think there is enough reason for me to smile anymore.”
She said back to me: ” But Mama. you should be happy. I am happy. “
I said to her: ” baby, how can you be happy? We are poor,we weren’t born rich; your father left us, i don’t have much money, I can’t send you to school, we are just living in just the mercy and generosity of our relatives who still cares, I don’t have a stable job and you’re sick! If only we were rich, then i might be happy.”
She replied back with the her innocent eyes and touching smile: ” Still, Mama, regardless of what you say, I am happy! “
Shock and amazed at the same time, I asked her ” why is that?”
” MAMA, I’M HAPPY BECAUSE WE ARE ALIVE! “..
that’s her bold and naive answer, which shook me from senses, making me realize that indeed I am supposed to be happy; there is a reason to smile and be happy about, that indeed I am fortunate to still be alive. That LIFE itself is the most precious Gift anyone can have. That living is the most valuable of all things; be it with richest or with the modest of all, it is the essential possession anyone can ever have. That we are living for a purpose, we are just making life’s purpose more complex by not being contented; by not being grateful for Life itself. We should be thankful enough that every single day we are still blessed to exist and experience the beauty of everything around us.
I learned my lesson. I hope you learned from my lesson.
credits to it’s writer.
The Family Tate
Nakita ko sa note sa facebook ng kaklase ko.
The Family Tate
You’ve heard of the Tate family. There is Dick Tate, who wants to run everything. Ro Tate tries to change everything. Agi Tate stirs up trouble whenever posible (Irri Tate always leands a hand).
Whenever new ideas are suggested, Hesi Tate and Vege Tate pour cold water on them. Imi Tate tries to mimic everyone. Devas Tate loves to be disruptive. Poten Tate wants to be a big shot. But it’s Cogi Tate, Medi Tate, and Facili Tate, who always save the day and get everyone pulling together.
-Campus Journal, Wisdom for Life (Our Daily Bread For Students)
-June 7-
Sayang, wala sina Reales Tate at Palpi Tate. Hehe.
credits to it’s writer.
A Picture
dr was a little boy hus
1st luv was a young girl in
a picture w/c he found &&
picked up for da street. as tym
went by he got married,
but still he kept it . until 1 day
d wyf found it && asked
“wer did u get dis ??”
d man said “i kept dat since i was a child y?”
d girl replied
“i lost dis pic wen i was 9″.
credits to it’s writer.
Kowts
“God doesn’t give you what you want, God gives you according to who you are. Change who you are to change your life.”
-from facebook’s God wants you to know application
Kowts
“Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option.”
-Mark Twain
Kowts
“Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo. Ganyan ang senaryo sa bus, ganyan din sa pag-ibig lalong di mo kontrolado kung kelan sya bababa.”
-unknown
Kowts
“Huwag mong ikulong ang sarili mo sa pagmamahal mo sa kanya…Malay mo may ibang taong nagmamahal sa’yo, nakakaramdam tulad ng nararamdaman mo.”
- Philline Gonzales
Gate 4
Monday, June 7, 2010
“Bakit? May kung ano ba sa mukha ko?” pag-usisa mo sa kanya matapos mong mahuli siyang nakatingin sa ‘yo. Napangiti ka pagkatapos niyon pero hindi mo ipinakita sa kanya. Alam mong madalas ka niyang pinapanood habang kumakain at gustung-gusto mo ‘yon. Minsan naman, siya naman ang pinapanood mo. Pagkatapos niyong maubos ang inyong burger at 7-Up, binayaran ninyo ang inyong kinain saka umalis.
Batid mo ang kanyang pagkabalisa kahit hindi niya sinasabi. Alam mong may gumugulo sa kanya. At balak mong itanong iyon kapag nasa pila na kayo sa sakayan ng fx mamaya. Ramdam mo ang tila buhawing bagay na nagpapaikot-ikot sa kanyang isipan sa kabila ng mga ipinapakita niyang ngiti at biro.
“Ano? Uwi na tayo?” tanong mo sa kanya bago kayo tumawid ng kalsada, may ngiti sa’yong labi, pampawala ng anumang pangambang iniisip niya sa kasalukuyan. Ngunit naguluhan ka lang sa kaniyang isinagot:
“Ah, hindi na muna. May ipapakilala pa kasi ako sa ‘yo.”
Mahina at bagsak ang kanyang boses. Hindi katulad ng dati, hirap kang wariin kung ano ba ang iniisip niya? Kung sino ang ipapakilala niya? Kung bakit ganoon siya ngayon? Hindi ka na lang sumagot. At nang marating ninyo ang Gate 4, napansin mo ang isang grupo ng mga lalakeng naka-uniporme rin tulad ninyo. Hindi mo mapagtanto ang kanilang mga ngiti at kung bakit sila nakangiti. Puno ng hamog ang nagaganap ngayon.
“Hi,” bungad ng isang lalakeng kayumanggi ang balat at kulay-mais naman ang harapan ng buhok. Maliit ang kanyang mga mata ngunit hindi singkit. May pagkamatangos naman ang kanyang ilong. Batid mong ang taong nakaharap sa’yo nang nakangiti ang gustong ipakilala sa’yo ng bestfriend mo. Gwapo siya tulad ng sinabi ng mga kaibigan mo. Ngunit walang kung anuman kang naramdaman matapos mo siyang makita. Iniabot ng lalake ang kanyang kamay sa iyo. Dahan-dahan mo ring iniabot ang iyong kamay sa kanya. Pilit kang ngumiti at bumati rin ng “Hello”. Maya-maya, narinig mong ipinapakilala ka na ng “bestfriend” mo sa kanya at sa
“Ako nga pala si Richard,” pormal niyang pagpapakilala kasunod ang mga tila nanunuksong ngiti ng kanyang mga kaibigan. Ikinuwento niya kung paano ka niya nakilala at kung gaano ka niya gustong makilala. Nakakadinig ka naman ng mga mahihinang tuksong “Yihee” at “Uyy” mula sa kanyang mga kasama na agad naman niyang pinapatigil. Sa kabila ng kanyang nahihiya’t nakangiting pagpapakilala, hindi mo pa rin maialis ang iyong mga mata sa bestfriend mong tila naging tuod at hindi na nagsasalita kapapanood sa inyong dalawa ni Richard. Malamlam ang kanyang mga mata. At alam mong ganoon din sa ‘yo.
‘Ah ok’ at pagtango lang ang tangi mong tugon sa iyong kausap kasabay ang pagguhit sa mukha ng isang ngiting ginagamit para sa mga ganoong pagkakataon. Hinawakan mo ang braso ng iyong bestfriend. Hinigpitan mo ang iyong pagkakakapit senyales na gusto mo ng umuwi. Subalit taliwas sa iyong inaasahan ang mga sumunod na nangyari.
“Ah bes, kung ok lang sa ‘yo, si Richard na muna ang sasabay sa ‘yo pag-uwi. May gagawin pa kasi ako. Di bale, mabait naman ‘yan eh. Medyo makulit lang pero gentleman naman. Magugustuhan mo rin s’ya kapag nakilala mo na siya,” nakangiti niyang sabi sa‘yo, ngiting pampawala ng kung anumang ligalig sa iyong kalooban. Ngunit alam mong peke ang ngiti niyang iyon. Mas lalo ka lang nabahala. At hindi mo siya pinaniwalaan sa mga sandaling iyon.
At sa loob lang ng ilang minuto, kasabay mo na sa paglalakad ang taong nakita mo lang kanina habang nakatingin ka lang sa iyong likuran at malungkot na tinatanaw ang iyong “bestfriend”. Mas malamlam na ang iyong mga mata di tulad kanina at puno ito ngayon ng mga tanong na naghahangad ng agarang kasagutan. Hindi mo masyadong naririnig ang mga sinasabi ng di mo kilalang taong kasabay mo ngayon.
***
Kusang umandar ang buo mong katawan at ipinakilala mo ang iyong “bestfriend” sa kaibigan mong si Richard. Nakasuot ka ng isang ngiting nagsisilbing pantakip sa tunay mong nararamdaman. Pansin mo ang pagkalamlam ng mga mata ng iyong bes. Ngunit wala kang magawa…o mas pinili mo lang na walang gawin?
Kumapit siya sa iyong braso. Alam mong gusto na niyang umuwi kasama ka. Alam mong ayaw niyang sumabay sa taong ipinapakilala mo sa kanya. Subalit, sa hindi mo malamang dahilan, kumawala ka sa kanya at ipinaubaya mo siya sa iyong kaibigan. Napupuno ng mga “Yihee” at “Uyy” ang iba mo pang mga barkada. Tinutukso nila si Richard at ang bestfriend mo. Naaasar ka. Nasasaktan ka. Ngunit pilit mong itinatago’t isinisilid ang mga nararamdaman mo. Ayaw mong mahalata na nasasaktan ka…kahit lubos na ang kirot na nasa iyong puso.
Nagpaalam ka sa kaniya at saka sila naglakad palayo. Nakatingin pa rin “siya” sa iyo at ganoon ka rin sa kaniya. Ilang sandali lang pagkaalis nilang dalawa, umalis na rin ang iba mo pang barkada. Ikaw na lang mag-isa ang nandoon bukod sa mga estudyanteng labas-masok sa campus at mga guwardiyang matiyagang nagbabantay at nakikipagkwentuhan sa isa’t isa. Bawat hakbang nilang dalawa ay mas lalo siyang lumalayo sa’yo. May dalawang bagay kang pwedeng gawin: ang habulin siya at bawiin mula kay Richard o manatiling nakatayo at panoorin ang kanilang paglayo. Ngunit pinili mong tumayo habang walang kurap kang nakatingin sa kanya. Bumigat ang iyong puso at tila hindi mo na ito kaya pang buhatin. Nakakuyom ang iyong mga palad sa loob ng iyong bulsa dahil sa galit at inis sa sarili. Isang manipis ngunit matalim na kidlat ang humiwa sa kalangitan kasunod ang nakapanggugulat na dagundong ng kulog muna ang nagdaan bago tuluyang pinakawalan ng langit ang malamig na ulan. At nanaig ang kalungkutan sa buo mong katauhan. Kalungkutang ikaw mismo ang gumawa para sa iyong sarili.
Bigla mong naisip: Gusto mong bawiin ang lahat ng nangyari, gusto mong burahin ang mga sandaling iyon, gusto mong ibalik ang kanina, gusto mong…
…
Nang hindi mo na sila matanaw sa pagitan ng mga maliliit na kristal na bumabagsak mula sa abong kalangitan, saka mo naisipang maghanap ng masisilungan ngunit marahan ka lang naglakad. At paulit-ulit mong sinasabi sa iyong sarili: “Gago ako!”
Smile
Friday, June 4, 2010You never fail to make me smile. Thank you very much. If you only know, you’re very special to my heart.
Reblog: The 12th of June Trailer
Please help and support us by doing the following:
1. Register an account at YourIndieFilm.com.
2. Watch ‘The 12th of June’. It is suggested that you let the film load first before watching the 21 minute short film. (http://www.yourindiefilm.com/node/313)
3. Vote for the film by clicking the button found below the video. That’s it!… See MorePlease do support us by spreading the word in your social networking accounts. Reviews are highly appreciated.
Spread the love and support Filipino films!
Kindly reblog and visit http://www.the12thofjune.com/ for more details
![]()
Please support my friend. Nandiyan siya sa film. Makikita niyo siya, peksman.
Wala lang: #15
Wednesday, June 2, 2010Gusto ko lang magsulat. Kaya lalaruin ko muna ang utak ko: Hahayaan kong magping-pong ang mga ideya at kalokohan sa loob ng isipan ko habang nagtatrabaho.
So, paano ko ‘to tatapusin? Pero paano ako magtatapos kung hindi pa ako nagsisimula? Ewan ko sa sarili ko. Mahilig ako sa kapilosopohan kahit noong bata pa ako…yata. Basta kung tatanungin mo ako kung may paborito akong subject, kung pipilitin mo akong magkaroon ng paboritong subject para may maisulat sa slumbook, ang sasabihin ko e philosophy…kasi pilosopo ako—pilosopong korning gago.
Siguro ang kauna-unahang pilosopiya na talagang tumatak sa isip ko ay noong nasa retreat ako noong Grade 6—pwera ‘yung pilosopiyang kapag nagkamali ka e tsitsinelasin ka. Grabe, iyakan kami noon. May isang part na may hawak na kandila ‘yung nagpa-facilitate sa amin tapos isa-isa kaming lalapit at hahawak doon tapos magsasalita para sa pagbibigyan namin.
Noong una e paluha na ako dahil malungkot talaga at senti mode kaming lahat. Pero noong paubos na ang mga estudyante ko na tinatawag, medyo nalihis ang pag-iyak ko. Natatawa ako na parang naaasar dahil sa mahigit trenta kami, ni isa, as in talaga, walang tumatawag sa akin. Langya.
Tinatawanan ko na lang ‘yung mahapding kirot ng riyalidad ng buhay na sumampal sa gwapo kong mukha. Parang sinuntok ako ng kapalaran na “Wala kang kaklaseng may pakialam sa’yo kahit mamamatay ka ngayon! Hahahahaha!” Ouch. Buti natawag “ulit” si Elena, na hanggang ngayon e kaibigan ko pa rin—though, mas malaki na siya ngayon konti, at kung hindi dahil sa wala na siyang mapagpilian—dahil natawag na ang mga natawag, (My gulay! Muntikan pa akong masagasaan kani-kanina lang ng isang owner type dyip! Hwoo! My gulay talaga!) at nakita niyang para akong kawawa, ako ang tinawag niya.
Natatawa si Elena nang tawagin niya ako. Di ko alam kung ano ibig sabihin ng tawa niyang ‘yun. Nagsalita ako konti pero di ko na maalala kung ano sinabi ko…o kung isinumpa ko silang lahat.
Pero hindi ‘yun ‘yung pilosopiyang natutunan ko. Introduction ko lang ‘yan kumbaga para pahabain ‘tong entry na ‘to…at dahil kasama na rin siguro ‘yon sa mga leksyon sa buhay: Kung hawak mo na ang kandila at nasa kagubatan kayo, ba’t hindi mo na lang sunugin ang kagubatan para sama-sama na kayong malitson ng buhay lalo ‘yung mga hindi ka tinawag. ‘De, joke lang.
Bali nagkwento si facilitator sa amin pagkatapos niyang ituro ang kantang “I Can” nina Donita Rose, Mikey Cojuangco, at Donna Cruz, may hand gestures ‘yon, ‘yung para sa mga hindi nakakapagsalita. Kabisado ko pa rin ‘yung hand gestures para sa chorus n’on!
Ang kwento ni facilitator e ‘yung tungkol sa isang bata na may hawak na ibon. Marahil alam mo na ‘yon pero ikukwento ko na rin…siguro medyo iba lang konti:
Nakita ng bata ‘yung matandang pilosopo sa kanila. Sinubukan niya ‘yung talino nito at nagtanong, “May hawak akong ibon ngayon sa likod ko. Sa tingin mo, buhay ‘to o patay?” Alam ng matanda na kung “buhay” ang isasagot niya, pipisilin ng bata ang ibon para mamatay; at kung “patay”, ipapakita niya itong buhay. Kaya sumagot ang matandang pilosopo, “Hawak mo sa iyong mga kamay ang buhay ng ibon,” saka siya umalis. Maya-maya, may lumapit na lasenggero sa bata, “Akin na lang ‘yan totoy at iihawin ko nang mapulutan. Hehehehe.” *Hik*
Di pa talaga nag-sink-in sa akin ‘yung ibig sabihin niyan noon pero pagkatapos ng ilang taon, nagawa ko ring maunawaan at sa tingin ko, nanuot na ‘to sa puso ko, mas lalo nung makapagtapos ako…sa kabila ng namatay ako…pero muling nabuhay.
Saka ko na lang ikukwento ‘yung noong namatay ako at nabuhay pero madrama ‘yon tiyak. Kung matagal ka nang nagbabasa rito, marahil alam mo ‘yung sandaling iyon sa buhay ko.
O siya. Natapos na rin ako todits.
Kowts
“I’m not looking for someone who has everything, but someone who has time to spend with me more than everything.”
- Yen Beltrano
An open letter to Noynoy
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=577469&publicationSubCategoryId=86
Dear Noynoy,
You are now swamped with suggestions and advice, but just the same, I hope you’ll have time to read what this octogenarian has to say.
You were not my choice in the last election but since our people have spoken, we must now support you and pray that you prevail. But first, I must remind you of the stern reality that your drumbeaters ignore: you have no noble legacy from your forbears. It is now your arduous job to create one yourself in the six years that you will be the single most powerful Filipino. Six years is too short a time — the experience in our part of the world is that it takes at least one generation — 25 years — for a sick nation to recover and prosper. But you can begin that happy process of healing.
Run or Learn
Tuesday, June 1, 2010
“I learned that things change, people change, and it doesn’t mean you forget the past or try to cover it up. It simply means that you move on, and treasure the memories.”
—(via and-i-quote, poeticheartache)
“Don’t let something from the past slow you down from living your present leading onto your future. “
- hoyitscarlo
Di Maaming Kaligayahan
Kailan kaya magiging totoo ang isang panaginip?
Kailan ko kaya maihahayag yaring aking pag-ibig?
Mga likhang ala-alang nagpapangiti’t nangingiliti,
Kailan kaya matutupad? Kailan kaya mangyayari?
Akin kayang ibulong sa hangin, iyo kayang maririnig?
Mababasa mo ba’ng aking puso kung isusulat ko sa tubig?
Magpalipad kaya ako ng saranggola bitbit yaring pag-ibig;
Makikita mo kaya ang puso ko sa asul na himpapawid?
Magsulat kaya ako ng kanta at iparinig sa mundo;
Aabot naman kaya ang himig ko diyan sa iyong puso?
O gumawa ako ng liham at ipadala sa anghel;
Mababasa mo kaya ang awit ng puso ko sa papel?
Pa’no ko kaya ipipinta’t paghahaluin ang mga kulay?
Mailalarawan ba nito na ikaw na ang aking buhay?
Hindi na makapag-isip ang utak kong naging hugis-puso.
Palagi na lang ikaw ang inaawit ng ala-ala ko.
Sa paano kayang paraan malalaman mo ang lihim ko
Na ikaw ang kaligayahan at bumubuo ng mundo ko?
Basta…susundin ko ang puso ko’t magtitiwala sa Itaas,
At nawa’y malaman’t maramdaman mo ang pag-ibig kong wagas.
Di ko siya ma-gets
Monday, May 31, 2010Bali nasa state of nirvana pa ako nang magpunta ako ng Gilmore. Siyempre, sasakay ako ng tren. Sa Gilmore station, pawis na pawis ako dahil sa sobrang init kaya punas ako nang punas sa sarili ko. Basa na sa pawis yung panyo ko kaya isinampay ko muna sa body bag.
Teka, ano bang tawag don sa pinapasukan ng tiket tapos may iikot na bakal para ka makapasok? Basta yon. Pagkapasok ko, napansin kong wala na yung panyo ko. Tinignan ko ang paligid ko, sa kabila, sa likod ng mga bakal na machine, basta sa lahat. Nakailang silip ako kaso wala talaga e. Imposible namang biglang naging inbisibol yon. Napansin kong tumitingin si ate na nakaitim sa akin–baka iniisip niya e terorista ako.
Mukhang nawalan ako ng panyo ulit, sabi ko sa sarili ko. Kaso nagtataka talaga ako kung saan sumuot yon, saan nalaglag. Paalis na ako nang mapansin kong may kulay asul sa hagdanan. Ayun!!! Yun yung panyo ko! Sa wakas, nakita ko rin. Akala ko e mawawalan ulit ako ng panyo–madalas kasi akong mawalan ng panyo dahil sa, you know, kaengotan ko.
Lumapit ako kay babaeng nakaitim para humingi ng tulong at agad naman niya akong tinulungan. Tinawag niya muna si manong guard para humalili sa pwesto niya. Lumabas si ate…kaso pag tingin namin, wala na yung panyo! Anak ng kaewanan naman o. May isang lalakeng binabaitang ang hagdan, may isinukbit siya sa bulsa niya, agad kong itinuro ke ate yung lalake dahil kinuha niya yung panyo ko–yung basang-basang panyo ko!
Base sa nakita ko, mukhang ayaw pa atang ibalik ni kuya yung pawisan kong panyo kung hindi pa sasabihing hinahanap ng totoong may-ari nun. At alam mo ba ang ginawa ni kuya? Ihinagis ni kuya yung panyo ke ate na ikinasimangot naman niya at ikinadismaya ko naman sa ugali ng lalakeng yon.
Noong mga sandaling yon, na-black hole ako sa isang tanong: Bakit ganon siya?
Una, bakit kumukuha siya ng panyo sa daan? Bakit kinuha niya pa rin yung panyo kahit basang-basa na ng pawis? Hindi ba siya nandiri? O talagang nakakahalina lang ang bango ng pawis ko?
At pangalawa, bakit kailangang ihagis ang panyo kung pwede namang ibigay nang maayos? Alam nya ba yung salitang “respeto”? Maaano ba siya kung bababa siya ng ilang baitang para iabot sa kamay ni ate na nakaitim? Mapipilay ba siya? Di ba siya aabot sa tren? Masasayang ba ang oras nya? Malulumpo ba sya? Mababaog ba sya? Di ko talaga ma-gets kung bat may mga ganoong ugali ang tao.
Simpleng pag-aabot lang ng isang bagay na hindi naman sa kanya, hindi pa niya ginawa. Hanggang ngayon, di ko talaga ma-gets si kuya…
Or else…
Nagtampo siya dahil di na niya ako magagawang gayumahin gamit ang pawis sa panyo ko. Badinger-z pala si kuya kung ganon.
Kowts
“Respecting yourself means showing others what’s in your heart, respecting others means listening to what’s in theirs.”
- Joan Bourque
Watips
Friday, May 28, 2010What if…hindi nakapunta ng Maynila ang nanay ko mula sa kanila sa Kidapawan? E di hindi niya makikilala ang tatay ko? At dahil hindi niya makikilala, wala kami ng kapatid ko ngayon dito sa mundo? O.o
Abala ka kasalukuyang ginagawa mo—maaaring nagko-computer ka, nagbabasa ng libro, nagte-text, pinoproblema ang problema mo, nakatingin lang sa kawalan at walang iniisip, kumakain, may kausap sa telepeno, cellphone, o ka-tsismisan mo ang iyong kapitbahay na matagal mo nang pinaplastik at sinisira kapag nakatalikod, o nakasakay ka sa bus o dyip, nanonood ng tv, nakikinig ng radyo, o natutulog nang dilat ang mata, o hinihintay mong lumabas ang atomic bomb mula sa iyong sariling dam na ihuhulog mo sa inyong maliit na Pacific Ocean.
Pagkatapos, makakaisip ka ng isang “what if” sa buhay mo. At ang “what if” na ‘yon ang magiging puno’t dulo ng iba’t iba pang “what if” sa buhay mo na nagsasanga-sanga pa sa napakarami pang “what if” na nagpapalungkot sa ‘yo dahil naiisip mo na “kung nangyari ‘yon blah blah blah” pero napapangiti pa rin dahil nasasabi mong “mabuti’t hindi nangyari blah blah blah.”
Girl1: What if hindi ako pinanganak? ‘No?
Girl2: E di hindi sana naimbento ‘yung salitang “PANGET!” Hahahahaha!
What if hindi ka ipinanganak? Anong mababago sa mundo? What if ipinanganak ka sa ibang panahon? Sino ka na? Ano ang magiging ngayon? What if iba ang naging magulang mo? What if iba ang naging buhay mo ngayon? What if hindi ka nag-iisip ng mga “what if” na bagay?
What if may pinatay ka ngayon? Tapos, paano kung ‘yung pinatay mo ngayon o ang magiging anak niyon ang makatutuklas pala sa gamot sa cancer, sa AIDS, o sa iba pang sakit na wala pang lunas? What if isa pala ‘yon sa makakaisip ng solusyon sa problema ng bansa?
What if hindi nangyari ang mga nangyari sa’yo noon? Sa tingin mo ba’y magiging mas masaya ka ngayon? O hindi mo matututunan o malalaman ang mga dapat mong malaman dahil hindi ‘yon nangyari sa’yo? At paano mo nasisigurado na mas magiging masaya ka kung hindi nangyari ang mga nangyari noon o kung nangyari ang mga hindi nangyari noon? What if nalalaman mo ang hinaharap? May magbabago ba sa kasalukuyan mo? Babaguhin mo ba ang kasalukuyan mo?
What if hindi ko nakilala ang mga nakilala ko ngayon? What if iba ang mga nakilala ko? Mas magiging masaya ba ako ngayon kung ganoon nga ang nangyari? Hindi ko alam.
Nakakatuwa lang isipin na nag-iisip tayo ng mga bagay na sana nangyari sa buhay natin, na sana hindi nangyari ang mga ‘yon, na sana ganito ang buhay natin ngayon, na sana anak ako ni ganoon o ni ganyan, na sana mayaman ako, na sana hindi ka sa Pilipinas lumaki, “na sana” at marami pang “sana.”
Pero bakit nga kaya tayo nag-iisip ng mga ganoong bagay? Dahil hindi tayo kuntento sa kung ano ang meron tayo ngayon? Dahil naghahangad tayo ng isang bagay na sana nangyari o hindi sana nangyari sa nakaraan? O dahil hindi natin kayang harapin ang ngayon?
Siguro, dalawang bagay lang naman ang dapat nating tignan sa LAHAT ng nangyari, nakasalamuha, at nakaharap natin noon: biyaya o trahedya ba ang mga iyon? Pumili ka lang ng isa d’yan kung ang LAHAT ba ng iyon e biyaya sa ‘yo o trahedya; ikaw ang mamimili kung titignan mo ang dahilan kung bakit nangyari o hindi nangyari ang mga ‘yon o hindi, ikaw ang maghahanap kung ano ang dapat matututunan sa mga ‘yon, at ikaw ang bahala kung mamumuhay ka sa nakaraan o sa kasalukyan. Kasi, kung hindi naman ako nagkakamali, mahirap (na mahirap) mabuhay sa nakaraan. Nakaraan na ‘yon e. Nangyari na ang lahat ng nangyari, at lahat ng iyon e may iniambag kang aksyon o desisyon para mangyari ang mga ‘yon, gusto mo man o hindi, tanggap mo man o hindi. Hindi mo naman kasi pwedeng isisi ang lahat ng iyon sa iisang tao, o sa iilang tao. Bahagi ka ng nakaraan na ‘yon kaya siguradong-siguradong may naiambag ka sa nakaraang iyon, maliit man o malaki.
Ang mahalaga ay kung paano mo haharapin ang iyong kasalukyan kahit ganoon ang iyong nakaraan. Mag-isa ka man o hindi, harapin mo ang mga dapat harapin, huwag talikuran kahit nakakatakot dahil kung magpapadala ka sa takot, tatangayin ka ng takot mo sa isang lugar na mas matatakot ka at kakainin ka paunti-unti hanggang ang matira sa iyo ay wala na.
Tama na ang pag-iisip ng mga “what if” sa buhay. Gawin mo ang nararapat gawin. Pakawalan ang mga dapat pakawalan. Ayusin ang mga dapat ayusin. Itama ang mga dapat itama. Tuparin ang mga dapat tuparin. Harapin mo ang kasalukuyan bitbit ang mga natutunan sa nakaraan nang sa gayo’y malilok mo ang iyong hinaharap.
At huwag kalimutang magpasalamat sa Diyos sa lahat ng nangyari sa buhay mo!
‘Yun lang. Nagpapaka-deep lang ako kuno. Hahahaha.
Pang-adek lang ‘to
Circumferential speech - Speech that is very delayed at reaching its goal. Speaking about many concepts related to the point of the conversation before eventually returning to the point and concluding the thought. Excessive long-windedness. e.g. “What is your name?” “Well, sometimes when people ask me that I have to think about whether or not I will answer because some people think it’s an odd name even though I don’t really because my mom gave it to me and I think my dad helped but it’s as good a name as any in my opinion but yeah it’s Tom.”
- wikipedia
Sa madaling salita, paliguy-ligoy! Hahahaha!
Tanong lang
Tuesday, May 25, 2010Bakit naimbento ang sigarilyo?
Ano ang gamit ng sigarilyo??
At aanhin ng mundo ang sigarilyo???
Sa loob ng bangko
Monday, May 24, 2010Parang hinuhurno ang lupa galing sa kailaliman ng impiyerno nang lumarga ako papuntang Chinabank sa Blumentritt para magdeposito. Paminsan-minsan kasi, nagiging messenger ako ng kumpanya lalo kapag wala sina Mang Felix o Kuya Mackie ta’s urgent ‘yung ipadadala o kukunin.
Yah. Malamig sa loob ng bangko at ikalawang punta ko na roon. Ang gagawin ko lang naman e ilalapag ang sobre sa harapan ng teller at uupo at maghihintay hanggang matapos ang proseso ng pagdedeposito. Dala ko ‘yung pamaypay ko, panghawi ng init habang nakasakay sa dyip at panlaban sa init ng araw, at The Winner Stands Alone ni Coelho na hindi ko pa tapos basahin.
Kapag ganito, kahit na nagbabasa ako ng aklat, busy pa rin ang utak ko sa pag-iisip ng kung anu-ano tulad ng kung ano ang maaari kong gawin kung sakaling pasukin ng mga holdaper ang bangko at magdeklara ng “Holdap ‘to! Walang kikilos! Ang kikilos, taya!”
Basa. Basa. Basa. Pero madalas sinusundot-sundot ako ng makulit na antok na nagigising lang kapag “siya” ang iniisip ko at aantukin ulit ako kapag nagbabasa at magigising muli kapag “siya” ang naiisip ko at paulit-ulit ang ganito habang umaandar ang telebisyon at ang araw-araw na buhay sa loob ng bangko samantalang masayang kumakain ng manggang hilaw na may bagoong ang pinaka-manager(yata) doon sa kanyang pwesto sa dulo.
Nakapagitan sa akin at sa nanay na may kargang sanggol–marahil mag-iisang taong gulang na ‘yon o isang taon na mismo–ang bakanteng bangko na kanina’y lapagan ng hiwa-hiwalay na broadsheet. Makulit ang cute na cute na batang babae kaya itinayo ng nanay ang kanyang anak sa may bakanteng upuan para makapaglikot. Kapag tumitingin sa akin ‘yung bata e ngumingiti ako–ayaw kong takutin dahil una) nandyan lang ‘yung nanay, malapit sa akin, pwedeng sapukin agad ako at ipabaril sa mga sikyung may sukbit na shotgun, hindi na ako makakapagkalat ng lahi kapag gano’n, at pangalawa) tama na ‘yung isang beses na nanakot kami ng kapatid ko ng isang bata sa may Quiapo nang minsang nagsimba kami. Mabuti’t ngumingiti rin ang bata at nakakatuwa talaga sa puso ang ngiti ng isang bata.
Bukod sa katabi kong malikot na bata e mayroon ding isa pang batang lalake, mga 4-6 years old na siguro ‘yun, na napakakulit din. Masayang-masayang paroo’t parito ‘yung bata. Isipin mo, sa isang lugar na kumplikado ang lahat ng proseso, kumplikado ang nasa isip ng halos lahat ng tao, at todo-bantay sa mga numerong pumapaikot sa bawat sulok ng bangko e nakukuha ng dalawang batang ito na maging masaya at ngumiti’t matuwa. Di ba nakakamangha ang kasimplehang iyon?
Pero todits ako napaisip talaga.
Itong katabi kong batang babae e parang gustong pumunta sa kinauupuan ko. Pinipilit abutin ng kanyang maiigsi pang mga kamay ang aking upuan. Padapa na siya at kung titignan mo, parang umaakyat siya ng bundok. Kaso hindi makalapit ang bata dahil hawak-hawak ng nanay ang likod ng shorts niya para hindi ‘to makalayo at panggabay na rin. Pero paulit-ulit na pinipilit ng bata na makaabot sa upuan ko.
Maya-maya, nainis naman ang isa pang nanay sa anak niya na napakalikot kaya dinaan niya sa takot ang bata na kesyo ikukulong siya ng guard kapag lumikot pa siya. Ayun, nakabusangot ang mukha ng bata, nakaupo sa lapag at nakaguhit sa kanya ang pagtatampo at inis.
Doon sa una, naisip ko, madalas sa sobrang pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak, o ganito na lang, sa sobrang pagmamahal ng isang tao sa kanyang minamahal, hindi natin namamalayan na unti-unti na pala nating binabakuran ang ating minamahal. Kumbaga, nawawalan na ‘yun ng kalayaan para sa kanyang sariling buhay dahil ayaw natin siyang masaktan o umiyak o malungkot dahil natatakot tayo sa kung ano ang maaaring mangyari sa kanya. Pinipilit abutin ng bata ‘yung kinauupuan ko habang pinipigilan naman siya ng nanay niya. At sa tingin ko, madalas ganito ang eksena sa pamilyang Pilipino. Isang di gaano kagandahang imahe ng “Close-family ties” natin.
Sa pangalawa naman, bakit kailangang kontrolin ang isang tao sa pamamagitan ng pananakot? Bakit kailangang bigyan mo siya ng takot para pigilan sa gusto niyang gawin? Bakit kailangang manakot? Anong mayroon sa loob ng takot at iyon ang madalas ginagawa ng isang tao sa atin?
Hindi ko alam kung hanggang saan ba dapat ang linya ng pagmamahal at pag-aaruga ng isang magulang sa kanyang anak dahil hindi pa naman ako magulang. Pero ito lang ‘yung laging nasa akin, ang pinaniniwalaan ko, “Love is freedom.” Kung aariin mo ang minamahal mo, kung ikukulong mo siya sa kung ano ang gusto mo, matatawag pa ba kaya iyon na pagmamahal?
At ayun, bumalik na ako sa opis. Pagbalik ko todits, nag-aalala pala sila sa akin. Akala nila e na-ano na raw ako, baka napahamak o naligaw o kung ano dahil sa Chinabank Balintawak pala ako pinapapunta ni Miss Ann at sa Blumentritt ako pumunta. Tapos antagal ko pa bago makabalik. Hahahah. Ayun, natakot si Miss Ann. Hehe. Isa na namang resulta ng pagiging absent-minded ko. Haha.
Kowts
Many of the great achievements of the world were accomplished by tired and discouraged men who kept on working.
- Unknown
I miss you
Saturday, May 22, 2010I miss you—
Just like the Earth lost its water,
Like the sky lost its stars,
Like my life will ne’er be better,
Seems like forever you’re afar.
I miss you—
But those words will ne’er be enough
To contain the longing I have,
To describe my days, oh, so rough,
Without you here with me my love.
I miss you—
Like I have no more air to breathe
And ev’ry night, it’s hard to sleep,
Like I am always in deep grief.
Without you, how could I ever live?
I miss you—
And I’ll always miss you, my dear.
In the air, I’ll make a whisper;
Hoping you’ll be able to hear
The words of my heart whose in tears.
I miss you—
So please come back soon.
Huli ka balbon!
Hindi ko inaasahan kahapon. Biglaan talaga. Parang isang malaking batok ng mundo ang nangyari sa akin kahapon.
Aba’y malay ko bang biglang makikigamit si madam ng pc ko kahapon? Nang marinig ko ‘yung boses niya na “Andy, pagamit naman ng pc,” ang nasabi ko sa sarili ko, “Paktay-nane na!”
Mabuti’t may konting delay na ginawa ‘tong printer kaya medyo safe pa ako ng ilang minuto—sapat para makapag-isip kung anong nararapat gawin; sapat para magdasal na sana biglang lumayo saglit si madam para ma-close ko ang mga tabs na hindi dapat binubuksan kapag office hours; sapat para magulumihanan ang sarili ko’t matuliro kung anong gagawin ko at kung ano ang mga susunod na mangyayari.
At ayun na nga, natuloy na ‘yung pagbatok sa akin ng kapalaran. Isang panggising kumbaga.
Nakita ni madam na nakabukas ang facebook at dalawang tab para sa tumblr. Pero josemariapidal naman oh! Bakit kailangan niyang basahin ‘yung private message na kino-construct ko e pampribado dapat ‘yun? Bakit kailangan niyang tignan at talagang basahin ang nilalaman n’on? Waaaaa. Gusto ko sanang mag-collapse kuno para mabaling sa akin ‘yung atensyon niya sa halip sa facebook ko. O kaya sabihin ko bigla na “Ay, may artista sa labas oh!” tapos sabay titingin si madam sa labas saka ko iko-close ang mga tabs na hindi nararapat nakabukas.
Kaso wala eh.
Nagtanong si madam sa akin pagkatapos niyang basahin ‘yung laman ng messages ko(ano bang tawag d’un sa pagbabasa ng messages ng iba? ‘Lam ko may term ‘yon eh), “Ano ‘to Andy?” Tinutukoy niya ‘yung tumblr. Ang sabi ko sa blogging po. Tapos diretso na siya sa gmail niya habang ako, katabi niya, napapangiti, natatawa, at natutulirong natetensyon dahil hindi ako makapaniwalang naging absent-minded ako kaya ayun, nahuli ako. Tsk. Tsk. Tsk.
Nagsalita pa ako: “M-maganda po ‘yang tumblr sa blogging.” Ibig kong sabihin, pwedeng gamitin ng kumpanya ‘yung tumblr para maka-attract pa ng maraming client—obviously, palusot ko lang ‘to para hindi ako ma-ano dahil nahuli ako. Hehe.
Nang matapos na siya sa gmail niya, balik ako sa pc ko. Isinara ko ‘yung mga tabs na nakita niya. Nagpatuloy ako sa trabaho…habang na-e-LBM ang utak ko sa samu’t saring eksenang umiinog sa isipan ko dahil sa nangyari. Kung anu-anong eksena ang nai-i-imagine ko: Baka pagalitan ako; baka sigawan ako; baka sipain ako sa trabaho ko; baka bumalik ako sa pagiging tambay; baka magalit sa akin ang mga magulang ko; at paano na ang mga taong umaasa sa akin? Ibig kong sabihin, ‘yung kapatid ko na laging nagpaparinig ng gusto niyang ipabili sa akin.
Nang makaalis ‘yung OJT na kinausap niya, hinihintay ko at inihahanda ko na ang aking sarili sa isang eksenang maaaring pagalitan at pagsabihan ako. Pero natapos ang araw, salamat sa Diyos, wala namang nangyaring ganoon. Hay…laking pasalamat ko talaga ke Lord dahil hindi ako nabulyawan ni madam. Ang ikinatatakot ko lang e baka sabihin ni madam ke boss ‘yung nahuli niya. My gulay!
Kanina, nalaman ko na nagpasabi si madam kay Miss Flo, ‘yung supervisor ko, na pagsabihan ako na pwede ko raw gawin ‘yon kapag hindi na office hours. Mabuti na lang at ganoon lang. Hwoo!
Ang sabi sa akin ni Miss Flo, bale dagdag niya sa ipinapasabi ni madam, kapag nand’yan daw sila e i-close ko na kaagad para hindi na ako mahuli. Hwahehehehe.
At oo, isang malaking batok ‘to sa akin ng mundo dahil sinasamantala ko ‘yung kalayaan at ganda ng pwesto ko sa halip na balansehin ‘yung pagtatrabaho ko at sa mga bagay na ginagawa ko rin.
Sa lahat-lahat, natutunan ko na dapat maging mas masigasig ako sa trabaho ko dahil ito ‘yung kumpanyang umampon sa akin nang wala akong trabaho. Utang na loob ika nga, at responsibilidad ko bilang empleyado. At higit sa lahat, dapat maging mas listo at huwag ng maging absent-minded para agad kong maiko-close ‘yung mga site na hindi naman kelangan sa trabaho ko. Para hindi na ako mahuli ulit. Hahaha. Ika nga, “One is enough, two is too much, three is kwan.”
Study of kissing
Philematologist ang tawag sa mga taong gumagawa ng pormal na pananaliksik tungkol sa halik. Huwag mo nang itanong sa akin kung anong pinag-aaralan nila sa halik at kung sinu-sino ang ginagawa nilang subject ng experiments nila.
Hmm…Meron kayang ganito sa ‘Pinas? Hehe.
Strange Blob
Wednesday, May 19, 2010Nakita ko ‘to sa tumblr. Grabe. Biruin mo, ganyan ang babagsak mula sa langit sa halip na ulan. Grabe!!!

Alam niyo ba
Alam niyo ba ‘yung pakiramdam na gusto mong buksan ang mundo at hanapin ‘yung taong palagi mong hinahanap? Alam niyo ba ‘yung pakiramdam na gusto mong ibulong na lang sa hangin ang lahat ng gusto mong sabihin at hayaang dalhin nito ang iyong mga salita patungo sa taong gustung-gusto mong makausap? Alam niyo ba ‘yung pakiramdam na gusto mong ilahad ang lahat ng nasa puso mo sa napakalawak na himpapawid para sa kanyang pagtingala ay mababasa niya ang gusto mong iparating? Alam niyo ba ‘yung pakiramdam na gusto mong isambulat ang nilalaman ng kalooban mo na hindi kayang ilarawan ng mga salita at ipaalam ang nasa bawat sulok nito sa taong sobrang namimiss mo? Alam mo ba ‘yung pakiramdam na gusto mong galugarin ang bawat dulo ng kalawakan para lang makita’t makausap ang isang taong hindi maalis-alis sa ala-ala mo?
Wala.
Ganito lang kasi nararamdaman ko ngayon. Sobrang may nami-miss lang ako. Sobra talaga, as in. Hindi ko ma-imagine. Ta’s paano pa kung isang linggo o isang buwan o isang taon o ilang taong hindi mo siya makakausap? Kung isang araw pa lang, nami-miss ko na siya sobra; kung sa tuwing Sabado’t Linggo pa lang, di ko siya nakakausap, sobra-sobrang nami-miss ko na siya; at sa bawat minuto(hindi ‘to ka-OA-han) nami-misssssss ko na siya, ano pa ‘yung isang linggo? Isang buwan? Isang taon? Ilang taon?
Hwoo. Mud!
Hay…
‘Cause even when I dream of you
The sweetest dream will never do
I’d still miss you
– Aerosmith, I Don’t Wanna Miss A Thing
Be True To Yourself
http://bosanchez.ph/be-true-to-yourself/
Be true to how God made you.
Don’t try to be someone else.
Be the best that you can ever become.
Or else, Cherie Gil’s words will describe you (from an old Sharon Cuneta movie): “You’re nothing but a second-rate, trying-hard, copy-cat.”
Friend, God created you with a special gift. And only you can give this gift to the world. If you don’t become true to yourself, if you don’t give this gift to the world, the world becomes a lesser place.
Love yourself. Celebrate yourself. Be yourself.
Be true to how God created you.
In other words, follow your heart.
Follow your path.
Follow your calling.
Follow your destiny.
Unfortunately, very few people encouraged us to do this.
Sobrang sang-ayon ako!
Updated
Tumayo ang balahibo ko sa artik na ‘to. Sobrang tama sa puso ko.
Bored na siya
Saturday, May 15, 2010
Aba’y malay ko. Hahahaha. Bored na ‘ata ‘to si kuya at bigla niyang naibulalas sa akin ang reklamo niya sa buhay. Hahahahaha. Natawa lang ako. Hahahaha.
Updated
Kaklase ko pala ‘to. Hahahahaha
Tungkol sa kwan
Sa tuwing kakausapin mo siya, parang gusto mong i-fastforward ang oras hanggang sa “forever” pero kapag tapos na ang pag-uusap ninyo tungkol sa kung anu-anong bagay na nag-sanga-sanga lang sa mga topic na kayo ang nagsimula o kusang nagsimula sa pagitan ninyo, saka mo mari-realize na ba’t parang ambilis ng oras?
Thinking of you is easy. Missing you is the heartache, that never goes away. - Michael Pryce
Nakita mo ‘yan sa tumblr at oo, ganyan nga talaga. Haha. Para ka lang engot nang mapa-oo ka sa sarili mo. Teka, dati ka na nga palang engot. Haha.
At oo, mas lalo kapag nami-miss mo siya, parang napakabagal ng oras, as in lightyears talaga. Hindi mo ma-imagine.
Kapag may nami-miss kang tao, mas lalo mo siyang hahanap-hanapin. Para kang sira kasi ngingiti-ngiti ka sa mga ala-alang walang sawang nagpapa-inog-inog sa pinakasentro ng utak mo. Mga ala-alang walang habas na nangingiliti sa paligid ng puso mo kaya napapangiti ka na lang bigla. Pero kasama pa rin do’n ‘yung lungkot.
Gayunpaman, palagi ka pa ring nalilibutan ng mga misteryosong salamangka na nagpapatakot sa’yo. Mga bagay na hindi mo alam kung paano lulusutan, basta hinaharap mo na lang. Di sa tarantado o siraulo ka, pero kasama na rin siguro ‘yun, kundi dahil nagtitiwala ka lang sa Kanya at sa puso mo na kahit anupaman ang mangyari, alam mo na sinusundan mo lang ‘yung gusto ng puso mo.
Parang engot man pakinggan pero gusto mo ‘yung “bagong” nararamdaman ng puso mo ngayon.
Maktub, ika nga.
Bukod sa mga second chance pagkatapos ma-near-death-experience at iba pang kaengotan na muntikan ka nang mapahamak, ito ‘yung sandali o panahon o oras o bahagi ng buhay mo na gusto mong baguhin ang kung anumang “mali” na meron ka. Basta, automatic na lang ‘yun e nang makilala mo siya.
Blessing siya ika mo.
Ayun, tatapusin mo na ‘tong sinusulat mo kasi hindi ka pa nga pala nagtatrabaho. Hanep! Mabuting empleyado! Hahaha.
At sa huli, na-prove mong siraulo ka nga…sa?
Kowts
“sino ang baliw? ikaw na patuloy na nakukulong sa anino ng nakaraan o ako na nagbuwis ng alaala para lang magkaron ng bagong karanasan?”
—xG
Installing Love
Nakita ko lang ‘to sa note ng kaklase ko sa facebook. Hehehe. Asteg. Nagustuhan ko kaya nire-post ko. Hahahaha.
Customer Service Rep: Can you install LOVE?
Customer: I can do that. I’m not very technical, but I think I am ready to install now. What do I do first?
Customer Service Rep: The first step is to open your HEART. Have you located your HEART ma’am?
Customer: Yes I have, but there are several programs running right now. Is it okay to install while they are
running?
Customer Service Rep: What programs are running ma’am?
Customer: Let me see….I have PASTHURT.EXE, LOWESTEEM.EXE, GRUDGE.EXE, and
RESENTMENT.COM running right now.
Customer Service Rep: No problem. LOVE will automatically erase PASTHURT.EXE from your current
operating system. It may remain in your permanent memory, but it will no longer disrupt other programs.
LOVE will eventually overwrite LOWESTEEM.EXE with a module of its own called HIGHESTEEM.EXE.
However, you have to completely turn off GRUDGE.EXE and RESENTMENT.COM. Those programs prevent
LOVE from being properly installed. Can you turn those off ma’am?
Customer: I don’t know how to turn them off. Can you tell me how?
Customer Service Rep: My pleasure. Go to your Start menu and invoke FORGIVENESS.EXE. Do this as
many times as necessary until GRUDGE.EXE and RESENTMENT.COM have been completely erased.
Customer: Okay, I’m done. LOVE has started installing itself automatically. Is that normal?
Customer Service Rep: Yes it is. You should receive a message that says it will reinstall for the life of your
HEART. Do you see that message?
Customer: Yes I do. Is it completely installed?
Customer Service Rep: Yes, but remember that you have only the base program. You need to begin
connecting to other HEARTS in order to get the upgrades.
Customer: Oops…I have an error message already. What should I do?
Customer Service Rep: What does the message say?
Customer: It says “ERROR 412 - PROGRAM NOT RUN ON INTERNAL COMPONENTS”. What does that
mean?
Customer Service Rep: Don’t worry ma’am, that’s a common problem. It means that the LOVE program is set
up to run on external HEARTS but has not yet been run on your HEART. It is one of those complicated
programming things, but in non-technical terms it means you have to “LOVE” your own machine before It can
“LOVE”others.
Customer: So what should I do?
Customer Service Rep: Can you find the directory called “SELF-ACCEPTANCE”?
Customer: Yes, I have it.
Customer Service Rep: Excellent, you are getting good at this.
Customer: Thank you.
Customer Service Rep: You’re welcome. Click on the following files and then copy them to the “MYHEART”
directory: FORGIVESELF.DOC, SELFESTEEM.TXT, REALIZEWORTH.TXT, and GOODNESS.DOC. The
system will overwrite any conflicting files and begin patching any faulty programming. Also, you need to delete
SELFCRITIC.EXE from all directories, and then empty your recycle bin afterwards to make sure it is
completely gone and never comes back.
Customer: Got it. Hey! My HEART is filling up with really neat files. SMILE.MPG is playing on my monitor
right now and it shows that WARMTH.COM, PEACE.EXE, and CONTENTMENT.COM are copying themselves
all over my HEART!
Customer Service Rep: Then LOVE is installed and running. You should be able to handle it from here. One
more thing before I go…
Customer: Yes?
Customer Service Rep: LOVE is freeware. Be sure to give it and its various modules to everybody you meet.
They will in turn share it with other people and they will return some really neat modules back to you.
Customer: I will. Thank you for your help.
Credits sa totoong sumulat
Mga Drama Extravagant ng Buhay ko :)
Thursday, May 6, 2010O hikbi hikbi
Bakit nga ba ang hapdi?
Kirot, andami.
Hindi ko naman lubos na hinangad na sunduin ako ng school bus tulad ng ibang mga bata. Sunduin lang ako ng nanay o tatay ko, ayos na sa akin. Ang mahalaga, makauwi ako. Pero bakit gano’n? Naubos na ang mga kapwa ko mag-aaral sa eskwelahan wala pa ring sumusundo sa akin? Anong nagawa kong kasalanan at mukhang ipinagkanulo ako ng tadhana na manatili sa eskwelahan hanggang umabot ang gabi gayong usapan sa amin na may multo sa aming paaralan?
Bakit ganito? Masaklap. Mangiyak-ngiyak na ako at naawa na sa akin si Mang King, ang sikyu ng paaralan kaya siya na ang nagpasiyang ihatid ako sa aming tahanan bago pa man pumalahaw ang luha sa aking mga mata. Habang naglalakad kami, nakasalubong namin ang aking inay, at agad kong sinabi ang aking tampo.
O hikbi hikbi
Bakit nga ba masakit?
At di mawaglit?
Super bomalabs na ang ala-ala ko kung ano ang dahilan kung bakit tawa ako nang tawa. Katatapos ko lang noon maligo. At madalas, ibinabalot ako na parang lumpia ng nanay ko sa isang malaking tuwalya. Tawa ako nang tawa, as in, hindi ko mapigilan kaya pag-akyat ko sa bakal naming hagdan, ayun, BOG!, natisod ako’t nauntog sa gilid ng baitang. Nagkaroon ako ng pasa sa ulo.
Pumasok ako ng paaralang may bukol sa noo.
Oooh…Ang saklap…
O hikbi hikbi
At ang dati kong ngiti
Ay naging ngiwi.
Christmas Party.
At katulad ng ilang bata, sabik na sabik ako, hindi sa kung sino ang nakabunot sa akin kundi sa kung ano ang matatanggap kong regalo. Aba! Maganda yata ang regalo ko! Isang hay-tek na robot na matsing na ang tanging ginagawa lang ay pukpukin nang pukpukin ang tambol na nakakabit sa kanya. But wait, there’s more: nakangiti pa ang matsing!
Kaya nga nang mabigay ko na ang regalo ko, hinintay ko talaga ang sa akin. Kwadrado ang kahon na natanggap ko. Inalog ko. Nagtanong sa sarili: Ano kaya ang laman nito? Binuksan ko. At…
Gusto kong punitin ang mundo ng mga sandaling iyon dahil hindi maintindihan ng mumurahing utak ko kung bakit dapat akong regaluhan ng bimpo at sabon gayong palagi naman akong naliligo at maganda ang laruan na iniregalo ko!
Nanlumo ako.
O hikbi hikbi
Ako ay nagsisisi
Sa aking mali.
Nag-review akong mabuti. Inintindi at inunawa hanggang bone marrow ko ang mga term at logic na kailangan at paniguradong lalabas sa exam.
Araw ng exam. Binigyan kaming lahat ng exam paper. Binasa ko ang instruction. Nagsimulang magsagot. Ayos lang. Kaya naman.
Pagkatapos ng exam, nanlumo ako at nagsisi. Bakit hindi ko binasa ang pinakahuling instruction na bawal sagutan ang 1-30 kundi mag-de-deduct sa final score? Aaargh. Napaka-engot ko. Kainis. Kainis. Kainis.
Hay….Let it be na lang…
O hikbi hikbi
Bakit minsan masaklap?
Nasa’n ka sarap?
Isang umaga, nanonood ako ng cartoons. Hindi pa oras para pumasok kaya nag-drawing muna ako sa aking papel. Isang robot ang iginuhit ko. Dala na siguro ng impluwensiya ng Voltes V kaya hiwa-hiwalay pa ang parte. Nasa imagination ko naman na unti-unting nagdidikit ang katawan nito.
Nagpo-posing-posing pa ako no’n habang nag-i-imagine na nabubuo ang robot.
Pumasok ako ng paaralan. Ipinakita ko sa mga kaklase ko at sa isang magaling gumuhit sa amin ang drawing na ginawa ko. Pero bakit ganoon? Anong ginawa nila sa aking kamalayan? Sa aking murang kaisipan? Sa mapangarap kong puso? Oooh…Hindi ko sila kinaya…
Hindi ko kinaya nang sabihan ang gawa ko ng isang malutong na, “Waaa! Ampangeeet! Putul-putol ang katawan! Hahahahaha!”
At mula noon, pagkatapos kong mapahiya’t manliit sa kanilang mga foul mouth, nangako ako sa sarili ko na balang araw, gagaling din akong gumuhit.
O hikbi hikbi
Ba’t ganyan ka pag-ibig?
Ika’y malupit.
Grade 1 o 2.
Si pers kras na palagi kong nililigawan sa tingin habang nagkaklase. Isang araw, nangailangang manghiram siya ng notebook sa Math. At ako, siyempre, dapat ala-Superman. Agad kong iniabot ang tulong na kailangan niya. Sabi ko, ako na lang ang magpapahiram sa kanya.
Nag-“uyyyy” ang mga hunyangong-singit-nang-singit naming kaklase. Nagkahiyaan kami. Nailang.
Kaya ang ending, ito ang sinabi niya: “H’wag na. Hihiram na lang ako ke Adrian.” Eh alam kong kras niya si Adrian. Ayun…
Basag ang puso ko.
O hikbi hikbi
Where are you my hapiness?
Go ‘way loneliness.
Sa kauna-unahang pagkakataon, noong Grade 5 ako, nakagawa ako ng komiks ko. Kinulayan ko pa ng crayola. At buong puso kong ipinagmalaki ang bantayog na “Sa wakas, nakagawa na rin ako ng komiks ko.”
Ipinakita ko sa nanay ko. Nakailang ulit din ako ng basa ng komiks ko. Pumunta ako ng opisina. Pinakita ke Ate Analee, ‘yung sekretarya. Nakangiti ako nang walang humpay. Nanghiram ako ng stapler.
Lumabas ako ng opisina. Sa isang dos por dos na panghiwalay sa mga bakal na nandoon sa pabrika, doon ko ipinatong ang komiks ko. Binuksan ang gitna. Itinapat ang stapler. At tsak tsak!
Ayos na…sana.
Eh na-staple ko rin pala sa may kahoy. Gusto kong tanggalin. Pinilit ko. Kaboom! Tila nalustay na parang bula ang aking ngiti, saya, pangarap, pagod, at gana nang mapunit sa gitna, as in punit talaga, ang kauna-unahang komiks na ginawa ko.
Gusto kong maiyak…pinigilan ko lang. Kunwari, napangiti na lang ako sa nangyari.
:)
Hindi sino, kundi kanino ang iboboto mo?
by Bob Ong
Meron kang dalawang uri ng boto: Ang una ay ang “boto ng konsensya”. Ito ay para sa pinunong kinilatis mo, pinag-aralang maigi, pinaniniwalaan, at inaasahang may magagawa para sa bayan. Ang ikalawang uri ay ang “boto ng diskarte”. Ito ay para sa kandidatong iboboto mo na lang para hindi manalo ang ayaw mo.
Para sa akin, mas matatanggap kong pamunuan ni Kiko Matsing ang bansa ko nang nagampanan ko nang tama ang tungkulin ko sa bayan bilang botante, kumpara sa makapagluklok ako ng ibang pinuno na resulta ng pagtalikod ko sa obligasyong bumoto nang tama. Dahil sa sandaling talikuran ko ang tama–sa ngalan ng diskarte–ay binibigyan ko na rin ng lisensya ang mga pinuno ng bayan ko na kumilos base sa diskarte, kapalit ng tama.
Ang boto ng konsensya ay base sa pag-asa. Ang boto ng diskarte ay base sa takot.
Ang bayan ng mga botante ng diskarte ay walang maaasahang pamunuan ng konsensya. Ang mga mamamayang kuntento na sa “pangalawang tama” ay mapagkakalooban ng pinunong ganoon din ang pamamalakad. Ang bansang hindi natututo, habambuhay na lang bibigyan ng leksyon.
Ini-endorso ko ang pagboto nang tama. Pwedeng matalo ang kandidato mo, pwedeng mangulelat. Pero mararamdaman mo lang ang kalayaan mo bilang tao at kapangyarihan mo bilang mamamayan sa Ika-sampu ng Mayo pagnasabi mo sa sarili mong “Napagkalooban ako ng karapatang pumili ng pinuno ng bayan ko, at nakaboto ako base sa sarili kong desisyon at ayon sa konsensya ko.”
Kalapastanganan sa sariling dangal ang pagboto sa taong iba sa tunay mong pinaniniwalaan–dahil man ito sa may tumutok ng baril sa ulo mo, may bumili ng iyong boto, o mag-isa pong piniling iboto na lang kung sinuman ang tingin mong mananalo.
Hindi nasasayang ang boto sa mga talunang kandidato. Nasasayang ito sa mga talunang botante.
Kung iboboto mo ang boto na ayon sa desisyon ng iba, sino pa ang boboto ng ayon sa desisyon mo?
Kay Gibo ako noon…
http://anabellec25.wordpress.com/2010/04/22/kay-gibo-ako-noon/
Kay GIBO ako noon.
at ngayon, kay GORDON na ako. i made up my mind. at ang
tagal ng proseso bago ko maisip na si Gordon pala… sya pala
ang kailangan ng Pilipinas.
Na-impress ako kay Gibo noon, the way he talk, at yung educational background nya “Harvard” at sino hindi mapapa WOW don diba? tapos napa clear ng platforms nya. at angpinakamaganda sa kanya is positive campaign. kaya sya ang nagustuhan ko.
pero naisip ko… sa kung paano lang ba mangampanya ang tao ito, kaya ko sya hahangaan o huhusgahan?
“GIBO, galing at talino! take off na tayo guys!”
yan ang shout ko sa FB account ko. at lahat ng maka GIBO
ko kaibigan saying:
“Go GIBO!”
“Tama yan, Gibo tayo!”masaya ako, kasi ang dami ko kakampi, feeling ko “in” ako. at bigla nalang may nagtanong sakin na “maka-Gordon” oo alam ko maka Gordon sya dahil sa primary nya.
“why him?”
Ang botante, hindi sumusunod sa kung ano/sino ang uso, o kung idinikta man ng pinuno niyo sa relihiyon, o dahil sa kung sino ang nangunguna sa rating, o kung mayaman, o galing sa mahirap, o kung sikat o hindi; kung gagamitin ang isip at hindi ang diskarte, hindi masasayang ang boto.
Kowts
“Candidates don’t win or lose. It’s the people who win or lose. If they choose the right man as the winner, they also win.”—Dick Gordon
Siomai
Tuesday, May 4, 2010dahil sa siomai,
tiyan ko ay nabuhay;
sa gutom, ba-bye.
(yey! kauna-unahan kong haiku! tagumpay! hahahaha!)
Me love you long time
http://sibobpo.multiply.com/journal/item/8
2010/4/14 Erning Labra <ernslab@hotmail.com>:
> Hello, Boss!
>
> May ikokonsulta po ako. Tungkol sa pag-ibig. Paano po ba kung
> yung taong gusto mo ayaw naman sayo… pero araw-araw mo siyang
> kasama sa trabaho? Akala mo, OK ka lang, kaya mo. Pero mahirap
> pala, kasi andyan siya lagi. Parang laging pinamumukha sayo na, ha-ha,
> hindi ka sapat, may kulang sayo, ha-ha. Paano po ba yun?
>
> Salamat po.May dalawa akong sagot–isang gago, isang seryoso.
Hahahahahaha. Matagal-tagal na ‘to e pero sa tuwing naaalala’t nababasa ko ‘to, hindi ko talaga mapigilang tumawa. Hahahahahaha!!!
(Isang repost mula kay BO) Hehe
Wala lang: #14
“Pogi nga supot naman”
“Markadong supot”
Hwahahahaha! Natawa talaga ako nang makita ko ‘yang vandal na ‘yan sa isa sa mga poste sa may Camachile. Hahahha. ‘Lang ‘yang mga tambay ‘yan! Ahahahah. Pero tama naman sila e! I salute them! Hahahahaha.
Ehem. Bale, may ginagawa ako kaninang blog entry pero hindi ko na tinapos sa kadahilanang magiging mahaba at mas mapi-pressure lang ang sarili ko sa mga pinagsusulat ko. Hehe. Eto siya o:
Isang listahan.
‘La lang. Gusto ko lang gumawa ng listahan ng mga priority, plano, at mga naka-pending kong gawain. Nagbubuhul-buhol na kasi sa neurons ko e kaya ililista ko na lang muna. Hindi ito ganoon kasunud-sunod pero susubukan kong maging sunud-sunod para sa kapakanan ko.
1. Kapag naayos na ang pc namin, bumili ng drawing tablet kasunod ang scanner.
2. Bumili ng bagong strings para sa gitara o bumili ng bagong gitara pati tuner at pang-capo. Saka isunod ang piano at violin.
3. Tapusin nang basahin ang “The Winner Stands Alone” ni Paulo Coelho pati mga komiks na binili noong Komikon.
4. Simulan nang iguhit ang mga eksena para sa “See-saw”; ganoon din, simulan na ang komiks na binabalak ilabas.
5. Bumili ng chocnut o hershey.
6. Iguhit na rin ‘yung mga balak iguhit; ipa-scan ang mga balak ipa-scan; kulayan ang mga balak kulayan.
7. Ipaayos ang cellphone at magkaroon ng bagong headphone/earphone para makapakinig na ng radyo tuwing gabi.
8. Subukang maging updated sa mga nangyayari sa bansa…kahit huwag na sa showbiz o sa hollywood.
9. Manood naman ng sine…kahit minsan lang, please.
10. Kumain ng cake, kahit isang slice lang.
11. Magkaroon ng original album ni Rico Blanco at ng PnE.
12.
Hindi ko na tinapos ‘yan Ahahaha.
Hmm…
May tanong lang ako sa mga jejemons: Mas gusto niyo ba talagang mag-chat/mag-text dahil nasa istilo/asteg(daw)/kakaiba ang gawi/paraan ng inyong pagtsa-chat/pag-te-text kahit hindi maintindihan ng kausap niyo ang pinagsasabi niyo o isang simple at walang kaisti-istilong text pero madali at mabilis mauunawaan ng kausap niyo ang mga pinagsasabi niyo??? Pakiisip naman oh, kasi ang taong responsable, responsable rin sa pagte-text/chat/kausap at higit sa lahat, ang talagang habol ng isang nagte-text/chat ay maintindihan siya AGAD ng kausap niya.
“Kanya-kaniyang trip.”
“Walang basagan ng trip.”
Sang-ayon ako. Pero kung ang trip mo e malamang sa malamang e makakasira sa kokote ng mga susunod pang henerasyon, e wag ka na.
Hindi ka naman asteg kung jejemon ang gawi ng pag-text mo e. Asteg ka kung simple ka sa pagte-text mo, diretso sa punto, may ibig sabihin, walang kung anu-anong echebureche.
Aanhin ba ng kausap mo ang mga ekstrang letra, aber??? Uunlad ba ang bansa kung maraming letra ang “po” at “opo” mo? Magiging pera ba ang mga ekstrang letrang iyan kung sakaling matanggap ‘yan ng kausap mo? Gaganda ba ang buhay ng bawat Pilipino kapag siningitan mo ng mga hindi naman kailangang letra ang mga sinasabi mo? Tatalino ka ba kapag pang-jejemon ang text/chat mo? O mabobobo ka lang? At sabihin niyo, magiging sagot ba ng lahat ng problema ng bansa ang mga letrang basta niyo na lang inilalagay sa bawat text/chat niyo???
‘La lang. Natawa’t naasar kasi ako sa sinabi ng kaklase ko e: ‘Yung tatlong segundong pagbabasa ng text e magiging tatlong minuto. Hahahahahaha.
Kahit magkaroon pa ng sandamukal na jejebuster ang mundo hanggang hindi naisasaksak ng mga jejemon sa kanilang mga kokote na wala namang silbi ang mga ekstrang letra sa pagte-text/chat nila e magiging jejemon sila habambuhay. Sige lang, subukan lang nilang sumagot ng ganyan sa essays, quizzes, exams at pupusta akong puro ekis ang papel niyan.
Hahahahaha.
Meeting xG Gallery
Monday, May 3, 2010
Ako, si xG at at si kuya Oliver

Ako at ang anggulo ni xG sa kamera hehehe.

Ganun ulit. Hehehe.

Ang mga lumantak ng krispy kreme doughnuts na libre ni xG. Hahahaha!

Maraming salamat kina xG, at ayienne para sa mga litrato. Hwaha!
Meeting xG
Kino-convulsion ang panahon. Sobrang ineeet! Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit dahil alam kong male-late na ako sa 3-5 na alloted time para kunin ang damit na napanalunan ko/pinamigay ni xG para sa pa-contest niya. At kahit kalaban ko ang putakteng init—pati pagdadalawang-isip kung tutuloy ba ako o hindi dahil mukhang late na nga ako, sumakay na lang ako ng bus papuntang Trinoma.
Lang’ya. Naiwan ko pa ang relos ko. Hindi ako umaalis ng bahay kapag walang relos lalo’t sa mga ganitong pagkakataon kung kelan kailangan kong malaman kung aabot ba ako o hindi. Tantyahan na lang ang ginawa ko. At pilit na pinaniwala ang sarili na “Time is just an illusion.” Ahahahaha.
Pagkarating ko sa Trinoma, katulad ng inaasahan ko, naligaw ako. Pangalawang punta ko pa lang sa mall na ‘yon at hindi ko pa talaga nalilibot ‘yon noong unang punta ko. May isa pang problema: hindi ko alam kung tama ang memorya ko dahil tanging ang salitang “coffee” at “bean” lang ang natandaan ko kung saan ang meeting place. Ulangya naman oh.
Pagkatapos nang makailang paikot-ikot sa loob ng Trinoma kakahanap kung aling stall ang may “coffee” at “bean” sa mga signboard nila, may nahanap na rin akong isa. (Kasalukuyan ko noong isinasaksak sa kokote ko na: “Wala pang five! Walang pang five!”)
May nakita akong babae. Ewan ko ba pero dahil bahagyang mukha lang naman ang pinapakita ni xG, naisip kong ang babaeng iyon siya. Konting lakad pa konti, hanap ng ebidensya kung meron, at kung siya nga ‘yon…tapos saka ako nagtanong.
“Miss, ikaw ba si xienah?”
Umiling lang ang babaeng nagulat at sumagot nang “hindi”. Aw. Pahiya ako sa sarili ko. Nawalan na ako ng loob dahil mukhang wala na ‘yung namimigay ng t-shirt. Naisip kong umuwi na lang at isiping kahit papaano’y nalibot ko ang Trinoma. Hay…
Pero hindi ako sumuko at naglibot pa rin ako at baka may makita pa akong ibang stall na may mga ganoong salita. E kaso wala talaga. ‘Yun lang talaga. Hay…
Hanggang napunta ako sa isang floor. Siguro hilo na rin ako at pagod nang makita ko ang parang liwanag na dulot sa isang sulok sa isang floor ng gusali. Doon ako pumunta. Wala. Suko na talaga ako. Na-curious na lang talaga ako kung ano meron doon sa garden-garden-an na ‘yon.
May kung anong nangyayari. May nagma-magic at may mga payaso. May mga tao rin—bata’t matatanda. Saka ko nakita ang naghuhumiyaw na “Coffee Bean and Tea (nalimutan ko na ‘yung susunod eh hehe)” Nasabi ko,” Baka eto na ‘yon?”
Sumilip ako, sa may bandang labas lang. Mahamog dahil sa mga yoserong hitit-buga ng yosi nila. Wala naman akong nakitang sensyales na nandoon sina xG sa loob kaya nag-senti muna ako sa may fountain, at pinanonood ang pader na nakaharang sa nagma-magic at mga payaso.
Pagkatapos mag-emo-emo-han—dahi pasuko na nga ako—sinubukan ko ulit sumilip. Pagdaan ko sa kagubatan ng mga yosero, pagsilip ko sa loob, nakita ko ang isang babaeng tumayo at naka-make-up, at pamilyar ang hugis ng mukha. “Hay salamat Lord, nakita ko na rin,” ang nasabi ko sa sarili ko. Pero di pa ako pumasok at nag-senti ng ilang seconds muna ako sa pagdungaw sa labas para mag-ipon ng lakas ng loob bago mapahiya kung saka-sakaling mali—hindi rin kasi ako sanay pumasok sa mga ganoong klaseng kapihan/kainan (dahil hindi rin naman ako nagkakape).
At…voila! Sinalubong ako ni xienah ng ngiti at tanong na, “Ikaw ba si Andoyman?” Hinahagilap ko ‘yung stub nang sumagot ako ng, “Ah…hindi.” Tinanong ulit ako kung sino ako, sabi ko “andoyman”. Hahaha.
Ta’s niyakap niya ako. Nahiya ako kasi pawis pa ako nun.
Tapos pinakilala niya ako sa iba pang blogger na nandoon, kwentuhan, blah blah blah, saka ko nakuha ‘yung t-shirt ko. Kasunod nun e picture-an. Hehe.
Si xG: maganda, madaldal, malambing, at makulit. Hahaha. Sexy? O sige sexy na rin. Hahaha. Isang katangiang hinangaan ko talaga sa kanya e eto: mararamdaman mong para kang isang matagal na niyang kaibigan at ngayon lang kayo nagkita, I mean, welcome na welcome ka sa kanya kapag nakita mo siya kahit sa mundo ng blog lang kayo nagkakilala. Asteg nga eh. Hahaha.
Kumbaga, miss congeniality ang drama. Gano’n! Hahaha.
Nakilala ko sina Ayienne at kapatid niyang si Ynah, tapos si kuya Oliver at si Yeye. Sabi ni xienah, para raw akong walang kamuwang-muwang sa nangyayari. E pa’no ba naman, unang beses kong makapasok sa ganoon klaseng sosyal na kapihan. As in perstaym talaga! Hahaha!
Nag-alok siya ng pagkain o maiinom pero nagtubig na lang ako kasi tubig talaga kelangan ko noong mga panahong iyon. Tinuro ko ‘yung cake, ayaw naman niyang bilhin. Hahaha.
Naunang umuwi sina Ayienne at Ynah dahil iba ang paalam nila sa mga magulang nila. Hehehe. Kaming mga naiwan, kwentuhan ulit. Pagkatapos ng kwentuhan, kwentuhan na naman. Minsan, nagkukwentuhan din kami.
Nagtanong ako kung gusto niya ng siomai—ang balak ko kasi talaga, bibili na ako ng siomai para isalubong sa kanya pag nagkita na, eh kaso nga, (nagpa)late ako, ayun, di ko nagawa kaya nagpaalam na lang ako sa kanya—at ngumiti’t um-oo naman siya. Umalis ako at muling naligaw sa trinoma bago ko nakita ang stand ng siomai sa may MRT ta’s bumili at muling naligaw pabalik sa lugar na kinasasadlakan namin.
Wala si xienah pagbalik ko kaya kaming tatlo muna nina yeye at kuya oliver ang nagkwentuhan. Maya-maya dumating na si xG bitbit ang isang box ng krispy kreme doughnuts. Naglaway na ako kasi hindi pa ako nakakatikim n’un.
Binuksan. Padukot na kami nang lumapit si manong para pagbawalan kami—pero nakangiti naman siya. Pasara na ‘yung box nang nakadukot pa ako. Nakita ‘ata ni manong. May sinasabi siya pero hindi ko ma-gets. Tinatago ko lang ‘yung donut na hawak ko at pagtalikod ni manong, sabay ngasab! Lumapit ulit si manong at mula noon, umalis na kami sa kapihang iyon at pumunta na mismo sa pinagbilhan ng doughnuts.
Pagdating sa isang matangkad na mesa sa krispy kreme doughnuts, doon namin pinagpatuloy ang pagsasayang ng oras. May picture-an pa. Si kuya waiter ang nag-picture sa amin at nang niyaya siya ni xG na siya naman ang picture-an, ayaw pa. Hahaha. Kunwari shy siya.
Kwentuhan kami ng kung anu-ano habang hinahagilap ni xG si mariano para sa t-shirt niya at katulad ng inaasahan niya, nakatulog na naman ‘yung hinihintay. Kaya umalis na lang kami. Wala na si kuya oliver at si yeye—kami na lang ni xG ang natira at sinamahan ko siyang maligaw sa loob ng trinoma mall para maghanap ng cd-r king para sa tripod niya. Nang wala, sa may SM North naman kami.
Tapos, kwentuhang walang hanggan na nagtapos sa hindi pagbili niya ng tripod dahil may magbibigay naman pala sa kanya kaya nilibre niya na lang ako ng burger, coke at french fries! Hwoohooo!
Saka ka umuwi na pero bago ‘yon ginawa namin ang ritwal ng mga superclass! Hahahaha. Nagbeso-beso kami. Nyay! Hahaha. Nagulat nga ako e dahil di naman ako sanay sa mga beso-beso ahahahaha! At ayun na nga, umuwi na ako. Hehehe!
Maraming salamat xG!!! Tandaan mo, kapag may nang-away sa’yo, marami kami ditong kaibigan mong blogger na nasa likod mo, at ipagtatanggol ka! Peksman! Ahahaha. (Sa susunod, ‘yung happy meal na may laruan naman ilibre mo sa ‘kin ha? Hehehe)
Siyanga pala, ang tunay na pangalan ni xG o xienahGirl ay “Facundo”. Hehehe.
Kowts
Friday, April 30, 2010“You may not be her first, her last or her only. She loved before, and she may love again, but if she loves you now, what else matters? She’s not perfect, you aren’t either, and the two of you may never be perfect together, but if she can make you laugh, cause you to think twice, and admit to being human and making mistakes; hold onto her and give her the most you can. She may not be thinking about you every second of the day, but she will give you a part of her that she knows you can break - her heart. So don’t hurt her, don’t change her, don’t analyze and don’t expect more than she can give. Smile when she makes you happy, let her know when she makes you mad, and miss her when she’s not there.”
—Bob Marley
Masayang Malungkot
Thursday, April 29, 2010naranasan mo na bang maranasang maramdaman nang sabay ang saya at lungkot? ako ngayon eto e, nararamdaman ko. ang hirap. langya. parang nae-LBM ang dibdib mo sa magkahalong magkasalungat na emosyon at hindi mo alam kung paano ito gigilingin ng puso mo.
masaya dapat ako ngayon. basta dapat masaya. pero sa hindi malamang dahilan, lumungkot ako.
may mga bagay na talagang hindi inaasahan na biglang sasampal sa mukha mo at isasalampak ang mga hapdi na dala ng pinasok mong sitwasyon. madalas ako ngayon, ano e, andaming takot at pangamba ng puso ko. at lagi kong hinaharap ang mga ito dahil dito ang compass ng puso ko kaya ganun.
hay…
at mas mahirap pa kesa sa UPCAT kung ang saya at lungkot mo e dulot ng isang tao/bagay/pangyayari/utot na hindi mo naman mabitaw-bitawan kasi ano…mmm…kumbaga karugtong na ‘yon ng pang-araw-araw mong pamumuhay. kumbaga, nakita mo ‘yung nawawalang piraso ng dahilan mo sa mundo kaya hindi ka agad dapat magpatalo sa lahat ng takot at pangamba at kalungkutang nararamdaman mo.
ganon.
gets mo ba?
pero sa kabilang banda, masaya ka dahil–ayon sa puso mo–eto na ‘yung matagal mo nang hinahanap-hanap at wala nang dahilan pa para sumuko o bumitaw sa kasalukuyang nararamdaman/pangarap mo dahil eto na ‘yun e!
hay…
kaso hindi mo naman pwedeng ipilit ang ano…ang hindi pa talaga pwede kasi nga “hindi (pa) pwede” at hihintayin mo pa ang ano…tamang pagkakataon para maganap o matupad ang kung anumang gusto mo.
…
at ang gagawin mo tuloy, susulong ka na lang nang susulong kahit madilim(di dahil sa hindi nagbayad sa palaging nagtataas ng electric bill sa meralco o sa usung-usong rotational brown-out) kasi wala ka namang kaide-ideya kung mararating/matutupad/mangyayari nga ba o hindi “iyon” pagkat ang alam mo lang, sumusunod ka lang sa utos ng puso mo….
at napakahirap talaga pag biglang kung anu-anong papasok sa utak mo kahit wala ka naman talagang alam sanhi para magdusa ang puso mo…
hmm…
basta ayun…masaya ako…na malungkot…kasi ano…
hay..sana hindi na lang naganap ang meeting kanina…
sana mamaya o bukas, ok na ako…
O Dear Lord…hay…help me po…
*sigh*
Updated
1. Medyo ok na ako ngayon. May natutunan ako: Ang lotus, maganda kahit sa putikan tumutubo. Dapat ganon. Di ba? Hahahahaha. Okey na ako! Ahahahaha. Langya, ambilis maka-move-on sa lungkot ahahahah!!!
Sa wakas, nakaalis din ako sa lungkot na laging nakabuntot sa akin! Walang ‘ya!
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! hwaheheh….kulet….hehehe….
2. Paalala ni Kuya Romi, walang sabay, magkasunod lang. Oo nga naman. Haha. Tangengorkz talaga ako. Haha.
3. Masaya ako dahil nakita na “niya” ‘yung pangako ko sa kanya. Malungkot dahil hindi ko siya nakausap dahil sa biglaang meeting kanina. Pero ayos na. Bukod sa cute na bata na nandito ngayon sa computer shop–na alam niyo naman na natutuwa talaga ako sa mga bata–online na “siya” ngayon. Bleh! :p
4. Ba’t di niyo sinabing uulan? Ha? Hahaha. Wala lang.
Tomadero
Tuesday, April 27, 2010
Yak! Ge, sinong gustong lumaban sa kanya??? Anyone???
Credits to Ninni Rebecka
05.10.10

Sa may Komikon ‘to. Nakita ko ‘to at namangha talaga. Ahahaha. May 10 election inspired by Trese. Asteeeg!
Credits to Robi Oblena.
Summer Komikon 2010 Experience Gallery
Saturday, April 24, 2010
Sa labas ng Bahay ng Alumni. Kinikilig na ako mga bandang d’yan pa lang!

Ako at si Kuya Dino. Hehehe.

Si Kuya Freely at ako–nagtatawaran. Hwahehehe.

Meron palang ganito sa Komikon?! Ahahahaha. Nagulat ako. Peksman.
Ahihihii.

Si Kuya Freely, Tito Allan, Kuya Gil at ako.

Ako at si Manix Abrera habang hawak-hawak ko ‘yung binili kong t-shirt. Asteg!

Sa wallpaper ng komikon.

Ako habang ginagaya ang hand signature ni Romi Lizada. Ahahaha! Si Kuya Romi ang orihinal ng “Babol Gang”, na ginawang gag show at tinawag na “Bubble Gang.”

Ang mga gwapings ng Komikon! Hwahahaha!

Samu’t saring komikero at komikera! Hwooo!

Si Ate Syeri…habang kumakanta ng “My Way”…?

Ako at si Tito Allan. Hehe. (’Yan ‘yung napanalunan kong SKP book, haha)

Ako at si Pol Medina, Jr. Ahahahaha!

Last picture bago tuluyang umuwi. Ehehehe
Maraming salamat kay Kuya Romi para sa lahat ng litrato. Hwoohoo!
Summer Komikon 2010 Experience
Paano ko ba sisimulang isalaysay at isalarawan ang kaligayahang nag-uumapaw sa kabuuan ng aking katauhan at nagpaligaya sa sobrang tuwa’t galak sa aking kaluluwang pinupuno ng mapangarap kong puso?
Andrama. Haha.
Pero peksman, parang bliss, parang euphoria, o siguro, nirvana na, pero pwede ring…heaven na talaga! Haha! Walang tigil sa pagkalabit ng kakulitan ang puso ko kaya paroo’t parito ako sa loob ng Bahay ng Alumni sa UP noong Sabado para sa Summer Komikon 2010.
Fast-forward na. Hindi ko na ikukwento ‘yung pag-alis ko ng bahay, biyahe, pagdating sa SM Megamall, ‘yung nalaman kong kwento tungkol sa ano, tapos ‘yung kinwento ni Tito Allan tungkol kina Kev at Charles (Hoy! Kayo ha. Hahaha!), at ‘yung paglalakbay patungong bahay ng alumni.
Nang makita ko palang ang labas ng bahay ng alumni, na-time-space-warp na ako sa langit. Haha. As in gano’n talaga! Sa totoo lang, paggising ko masaya na ako e. Excited na. Tapos nang makita ko ulit si Tito Allan, tapos nadagdagan pa nang makita ko si Kuya Romi kasama si Kuya Gil, tapos ‘yung sa libreng lunch (ahehehe), tapos habang inaakyat ang bawat baitang patungong entrance ng Bahay ng Alumni, pigil na pigil na pigil—na pigil—ko na ang pagngiti ko (‘pag sumabog kasi e baka magiba ‘yung bahay ng alumni kaya ganun). Kasi eto na ‘yun e! Bago pa ‘to magkatotoo, alam ko na rin kung anong kulay ng damit ang isusuot ko pati kung ano mga bibilhin kong komiks. Haha! Pumasok kami. Bumili ng tiket. Nakuha ko ‘yung freebie na poster at pamaypay at hwaha! Eto na ‘yun! Nakadalo na rin ako sa wakas! Hwoohooo!
Naghuhumindik ang kaligayahan ko habang abala ako kung ano ang uunahin at kung ano ang gagawin ko. Hindi ako mapakaling mag-isip kung alin ba dapat ang una kong i-a-accomplish. Naguguluhan ang ubod-saya kong puso. Hindi ako kalmado. Excited lang sobra. Haha.
Una kong nakita si Manix Abrera at ‘yung pila ng mga nagpapa-autograph sa kanya. Hwaha! Buti dala ko ‘yung Kikomachine Komix Blg. 5 niya, hehe. Balak kong bumili ng discounted na “12” niya kaso may nakita akong t-shirt kaya kinalaunan, ‘yun na lang ang binili ko (nahirapan pa nga akong bumili dahil wala silang panukli sa akin hahaha). Malapit na ako sa kanya tapos noong ako na, hwaha, ansaya. Iniabot ko ‘yung bilang 5 tapos binuklat niya at tinanong ako kung ano raw pangalan ko. Sabi ko, “Andoyman.”
Ulangya! Nagulat ako sa mga sinabi niya pagkatapos. “Ikaw si Andoyman Komikero? ‘Yung nakamaskara?”
Aaaaaaaaaaaaaaaaagh! Kilala niya si andoyman! Hwaaaaaaa! Asteeeg! Tapos ayun, napapirmahan ko na nga. Na-stun talaga ako. Hehe.
Tapos ayun na, sunud-sunod na. Random na ang pagpunta ko sa mga komikerong nandoon. Basta bawat mahihintuan ko, bumibili ako. Hahaha! Nilaan ko talaga kaya ‘yung sweldo ko para dun hahaha. Hindi na ba halatang adek?
Nakita ko si Memer ng Cat’s Trail, si Tiga-Kanal ng Kubori Kikiam(may drawing pa na andoyman sa autograph niya sa akin eheheh asteeeg), si Taga-Ilog ng Pasig, si Kuya Wan ng Unos Mundos(na dahil sa kaengotan ko, nalimutan ko ‘yung signed copy na binili ko sa kanya, akala ko nawala ko, buti naiwan ko sa kanya hehe), si Kuya Omeng ng (kyut) Love Story plus ‘yung tupang necklace(haha!), si Kuya Jon Zamar ng Digmaang Salinlahi(na nagulat matapos makita (para magpa-autograph) ‘yung unang isyu ng komiks niya e meron pa ako ta’s siya walang kopya), si Ate Syeri ng Carpool(na ginulo ko sa pamamahinga para lang magpa-autograph pero sinuklian ko naman kasi pinapaypayan ko siya hehe), si Kuya KC ng Comic Spotting, si Kuya Dindo ng Laging Bata(na nakulitan sa akin dahildaig ko pa ang batang may ADHD sa pagbili ng komiks tuwing may hihintuan akong mesa, ahahaha), si Kuya Julius ng Life in Progress Comics(na hindi ko na matandaan ang mukha ngayon), si Sir Gerry ng Elmer at Where Bold Stars Go To Die, si Sir Edgar Tadeo(na idol ko talaga pagdating sa pagkukulay), at siyemps, siguro siya ‘yung pinakaunang naging idol ko sa pagkokomiks lalo sa strips, si Sir Pol Medina, Jr. ng Pugad Baboy!!! Hwahaha! Tapos nang bumili naman ako ng Ambush komiks, hwaha, malay ko bang ‘yung *ehem* magandang ala-Lara Croft e siya pala si Ambush. Ahahaha. Saya kaya…sobra. Ahahahahaha!
Di ko alam kung si Sir Gilbert Monsato ‘yung nakita ko noong bumili ako ng Kalayaan. Ehehehe. Marami akong nakitang komikero kasama si Sir Carlo Vergara, si Sir Lyndon Gregorio, mga batikang komikero, at iba pang komikero na hindi ko na kilala pero nandoon para lang ipakita’t ipadama na hindi patay ang komiks sa Pilipinas. Sari-saring istilo sa pagguhit at mga istoryang may iba’t ibang impact sa mga mambabasa ang nandoon. May mga nalimutan akong bilhin at may ibang di na talaga binili kasi mawawalan na ako ng pampamasahe. Di na ako makakapasok ng trabaho ‘pag ganun. Ahehehehe.
Nakilala ko sina Kuya Romi, Kuya Gil, Kuya Rontan, Kuya Dindo, si Kuya Freely, si Kuya Wan, si Kuya Omeng, at iba pang mga komikero na sa deviantart o komiks o sa facebook ko lang kilala. Ahahahahay. Langya talaga. Ansaya-saya!!! Ahahahah.
Nakapirma rin ako sa freedom wall ata ‘yun. Ahahaha.
Nanalo rin ako ng isang SKP book tungkol sa lahat ng kasapi ng SKP nang sagutin ko ‘yung tanong ng emcee, si Ate Syeri, kung ano ba ang ibig sabihin ng SKP. ‘Yung unang tanong kasi e kung anong ibig sabihin ng PICCA. E alam ko dahil nakasulat doon sa flyer na binigay nila. Kaso dahil nahihiya ako, di ako makapagdesisyon kung pupunta ako sa stage o hindi. Napaakto lang akong tatakbo nang may makita akong patakbo papuntang stage. Kaya bumawi ako sa ikalawang tanong. Haha. At kahit nabubulol ako, as in nabulol talaga ako, nasagot ko pa rin ng tama ‘yung tanong. At voila, may SKP book na ako. Hahahaha.
Meron ding part doon na nagdebate sila kung sino ang mas gusto nilang superhero, kung si Superman ba o si Batman. Kaso hindi ko na gaano napakinggan dahil abala ako sa pagsamsam ng mga komiks. Pero kung ako ang nandoon, kay Andoyman ako. Hwahahahaha.
Bago umuwi e nakabili’t nakapagpirma nga ako ng Carpool kay Ate Syeri at nakabili rin ako ng compilation ng komiks ni Kuya Jon. Ehehe. Tapos bumili ako ng t-shirt ni Manix Abrera na pinartneran ko ng necklace na tupa ni Kuya Omeng. Ahahahaha. Sinuot ko kaagad ‘yon noong lunes. Hwaheheheh.
Tapos nakapag-picture din ako at nakapagpa-autograph sa wakas kay Sir Pol Medina. Pakiramdam ko pagod na pagod na siya ngumiti. Ahihihihi. Nagpa-picture din kaming apat (ako, Tito Allan, Kuya Romi at Kua Gil) kay Sir Pol. Bago ‘yon ke Kuya Freely. Ahehehehe.
Habang nagmimiting kami kuno sa isang café-café-han sa may bahay ng alumni, napag-usapan namin ‘yung, siyempre, tungkol sa mga komiks, noon at ngayon, mga pananaw nila at mga advice nila sa akin at kung sinu-sino ang dapat kong gawing reference para mas humusay pa ako pagkokomiks ko, para mahasa ang istilo ko. Napagkwentuhan din nila ‘yung mga experience nila sa pagkokomiks. Nagkwento rin ako ‘yung mga experience ko rin (pero hindi ko kinuwento ‘yung tungkol sa nakakahiyang declamation ko noon).
Maya-maya, pagkatapos mag-picture-an, umuwi na kami…sa SM Megamall para pag-trip-an naman ang mga painting at iba pang artworks sa 5th o 4th floor. Putek. Naastegan ako sa mga pintang nakita ko. Nakakalukot ng utak, di kasi ako mahusay talaga sa pagkukulay kaya nainggit ako dahil ‘yung mga artist na ‘yun e magaling maghalo-halo ng kulay. Pero nakadama rin ako ng kagustuhang mag-improve kahit anupaman ang mangyari. Ahahaha.
Tapos, ayun na. Nagkanya-kanya na kaming uwi. Bitbit ko pag-uwi ang pumipitik-pitik na fireworks ng kasiyahan sa dulo ng nakangiti kong labi.
Hwaha! Sa susunod, kasama na (sana, o sana talaga) ‘yung komiks sa Komikon. Hwaha!
Muli maraming salamat muna ke Lord kasi dahil sa Kanya, nagawa kong maging posible ‘to. At sa mga iba pang komikerong nandoon lalo sa mga nakilala ko at sa mga nakasabay ko sa pagpunta: Tito Allan, Kuya Romi, at Kuya Gil, pati sa mga advices na binigay ninyo kasama sina Kuya Rontan, at Kuya Dino. Ehehehe. Basta maraming salamat talaga sa lahat.
Dear World,
Pwedeng humiyaw ng ubod lumakas at matuwa nang walang hanggan? Pwede? One time lang? Hehehehe.
Note: Hindi lahat ng komiks na nabili ko at nandoon sa Komikon e nabanggit o nabili ko. Sensya. I-a-update ko na lang ‘to ‘pag may listahan na ako…kung kaya…at ‘yung alam ko lang. Hehe. Sensya talaga.
At sana wala akong nalimutang nabanggit. At sayang dahil di ko nakita sina Sir Budjette at Sir KaJo. Ehehehe.
Memorable 70′s Kuyu-quotes
Friday, April 23, 2010http://ahkong.wordpress.com/2008/06/18/memorable-70s-kuyu-quotes/
Here is a wonderful list of hilarious quotes that will keep you laughing as you read each line! Taken from actual lines said by various stars and personalities on live tv during the ’70s.This will surely bring back funny memories for those of you who actually remember watching this on television. For those who were too young to have experienced these magical moments, this is one of the best comedic compilations of ’70s tv booboos.
MELANIE MARQUEZ
*During an interview with Inday Badiday.
Inday Badiday:“Paano ka nag-susurvive sa mga trials mo?”
Melanie Marquez: “Alam mo ate Ludz, you know, when you are alone, you really have to step your foot…ah , forward!”
ahaahhahhah
What’s Wrong With The Current RP Indie Comic Books (According To All Anonymous Out There)
http://pinoy-comics-tv-movies.blogspot.com/2010/02/whats-wrong-with-current-rp-indie-comic.html
If comic books are dead, why do we always see these fans buying comics in Vancouver, BC?
Complaints, complaints, and more complaints.
That opening sentence is definitely fragmentary and Strunk and White of that age-old Elements of Style rules would have definitely chewed my ear off for using it, but fuck the duo. It is there to emphasize the dissatisfaction of many irritated, disillusioned-sounding “anonymous” posting their sometimes nonchalant, other times extremely bitter, if not abusive – comments against the status of RP’s indie comic books.
Hindi ko pa ‘to nababasa. Babasahin ko pagkatapos.
Liham
Thursday, April 22, 2010Hunyo, 1988
Para sa aking iniibig,
Kumusta? Hindi mo ako kilala at hindi rin kita kilala pero sana’y nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa mo ang liham kong ito. Wala akong maalala na nagkita na tayo. Wala rin siguro tayong mga malalapit na koneksyon. Hindi pa tayo nagkikita, at mas lalong hindi natin alam ang pangalan ng isa’t isa. Pero sa pinakapuso ng aking puso, alam kong mahal kita.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagmamahal kong ito para sa ‘yo. At tulad mo, nagtataka rin ako sa nararamdaman ng puso ko para sa isang taong ni minsan ay hindi pa dumadampi sa aking buhay.
Isang malaking hiwaga ang pag-ibig. Balot ng misteryo. Pero masaya at magaan sa dibdib. Tulad ng nararamdaman ko ngayon para sa ‘yo. Ni hindi sumagi sa akin na iibig ako sa isang taong hindi ko pa nakikilala, o nakikita ng harapan. Isa man itong misteryo, lubos akong masaya dahil mahal kita.
Palagi kong pinapanood ang nakangiting bukang-liwayway ng kalangitan dahil sa bawat ngiting iyon, alam kong nakangiti ka rin. Dala naman ng malambot na ihip ng hangin ang iyong halik na unti-unting nanunuot sa aking labi. Ang takbo ng buong araw ay puno ng pag-asa sapagkat sa anumang oras, maaari tayong magkita o magkasalubong kahit hindi man natin nalalaman. Nakakapanabik ang paglubog ng araw dahil kasunod nito ang gabi bitbit ang mainit mong yakap sa gitna ng kalamigan ng madilim na kalangitan at maliwanag na buwan at mga bituing nagkakantahan.
At sa aking pagtulog, ikaw ang aking panaginip.
Mahal kita. Ngunit hindi sapat ang mga salita para saluhin ang malakas na agos ng pag-ibig na nagpipinta ng kulay sa aking puso. Ikaw ang awit at ang bahaghari sa bawat pagtibok nito.
Sana, o sana, balang araw, pagdating ng takdang panahon na itinadhana ng Kamay na gumawa ng lahat, lubos kong papangarapin at kasasabikan, ang araw na magkikita tayong dalawa, at buong dalisay kong sasabihin sa iyo na mahal kita bago pa man tayo nagkita.
Lubos na nagmamahal,
Ang iyong mangingibig
Kowts
“Important meetings are planned by the souls long before the bodies see each other”
- Paulo Coelho
Anti-Hater
Wednesday, April 21, 2010La lang.
Madalas ko kasing nakikita ngayon ‘yung mga anti-anti na ‘yan. ‘Yun bang galit sila kay ganito o ganyan dahil sa kung anu-anong sari-sarili na nilang dahilan. Tapos gagawa sila ng mga groups o fanpages o sites para lang ipadama, ipakita, ihayag, at isampal sa pagmumukha ng taong kinaiinisan nila ang laki ng damuhong pagka-asar nila sa mismong taong iyon.
Hmm…Ano nga ba ang ruler para husgahan mo ang isang tao? Madalas kasi kaya naiinis tayo sa isang tao e dahil sa paningin natin, mali ‘yung ginagawa ng taong iyon, o di kaya, basta lang naiinis ka. Naitanong mo na ba sa sarili mo na di kaya ‘yung mga ginagawa ng kinaiinisan mong tao e ginagawa mo rin? Maaaring sabihin mo hindi, pero sigurado ka ba talagang hindi? Bakit, ganoon mo na ba kakilala ang sarili mo? Sige nga, sagutin mo nga ang ikaapat na box sa Johari’s window!
Paano nga ba humusga ng isang tao?
Hmm…Kung karagatan ang tawag sa isang karagatan, anu-ano ang bumubuo sa karagatan? Tubig-alat. Isda. Kulay Asul. Corals. Reefs. Lamang-dagat. At mga lumubog na barko’t mga patay na katawan.
Kung makakakita ka ng tubig-alat, isang buong karagatan na ba ‘yon?
Kung makakita ka ng isang isda, isang buong karagatan na ba ‘yon?
Kung makakita ka ng kulay asul, isang buong karagatan na ba ‘yon?
Kung makakita ka ng corals o reefs, o ng lamang-dagat, isang buong karagatan na ba ‘yon?
Kung makakita ka ng mga lumubog na barko’t mga patay na katawan, isang buong karagatan na ba ‘yon?
Hindi, di ba?
Kung nalaman mong nagmumura ang isang tao, iyon na ba ang kabuuan niya?
Kung nakita mo ang tigyawat niya sa ilong, iyon na ba talaga siya?
Kung nakita mo ang isang ugali ng isang tao, iyon na ba ang buong pagkatao niya?
Ang bagay na talagang ayaw ko sa mga “hater” e ‘yung isinasaklaw nila ‘yung mga ayaw nila sa kabuuan ng taong kinaiinisan nila. At hindi pa makukuntento do’n, lagi nilang pupunahin ang mga maling ginagawa ng taong kinaaasaran nila hanggang mauwi sa paninira, subalit ang idadahilan naman nila e sa iyon daw ang totoo, hanggang umabot sa punto na gusto na nilang isuka sana ng mundo ang taong iyon.
Pilit ka nilang isisiksik sa mga pamantayan ng kanilang ego at hanggang hindi mo nagagawa ang kanilang pamantayang ewan e hindi ka nila tatanggapin sa kung sino at sa kung magiging sino ka.
Ikaw ang linsiyak na biktima ng walang pakundangan nilang panghuhusga sa’yo, pamamaliit, pangwawalang-hiya, pagdurog sa iyong katauhan, pagsumpa, pagmumura, at walang katapusang pang-aakusa sa kung ano ang tingin nila sa’yo, hindi sa kung sino ka talaga. Kung ano ang nakikita nila, ganun na ang magiging tingin nila sa’yo nang pangmatagalan.
Uto-uto kasi ang utak ng mga tao. Madaling mapaniwala kaya madali rin manghusga.
Kung hindi mo huhusgahan ang isang tao, hindi ka magiging isang “hater” dahil hindi lang mga masasamang bagay ang nakikita mo, pati magagandang bagay, alam mo. Kung nakikita mo ang mga hindi nakikita ng mata, hindi ka magiging isang “hater”.
Sabi nila, ang isang paraan para siguradong bumagsak ka e i-please mo ang lahat ng tao. Marahil ganito ang gusto ng mga hater, ang i-please mo sila sa isang bagay na hindi naman ikaw.
Dapat bang husgahan ang isang tao? Ang sagot ko, hindi; dahil higit pa sa nakikita ng iyong mga mata sa kung sino ba talaga ang taong hinuhusgahan mo. Kailanman, hindi sasapat ang mga nalalaman mo para makilala ang isang tao, o kahit ang sarili mo. Kaya kung alam mo ‘to, hindi ka magiging isang hater.
Kung nakagawa ng mabuti ang isang napakasamang tao, mabuti na ba siyang tao?
Kung nakagawa ng masama ang isang napakabuting tao, masama na ba siyang tao?
Ang alam ko lang na hater e ‘yung hindi lover.
Gusto ko pa sanang magsalita tungkol sa topic na ‘to kaso malapit na akong mag-out kaya eto na lang, isang kowt na lang ang iiwan ko.
“Haters are confused admirers who can’t understand why everybody else likes you”
— Paulo Coelho
Gutom na ako.
Kowts
“Be what you are. This is the first step toward becoming better than you are.”
- Julius Charles Hare
OPM Music
Di ba ang ibig sabihin ng OPM e Original Pinoy Music? E bakit puro sila revival(’yung iba e tinatagalog lang ‘yung english)?? ha?
Minsan…
Tuesday, April 20, 2010Bago ‘yung mga balak ko talagang i-post, wala lang, gusto ko lang muna na ito ang isulat ko.
Minsan kasi ang hirap talaga lalo kapag may pangarap kang gustong tuparin. Tipong laging tumatakbo sa imahinasyon mo ‘yung mga gusto mong mangyari tapos lagi mo ring sinasabi at hinihiling na “Gusto kong matupad ‘to.”
Kaya lang may mga pangyayari na hindi talaga maiiwasan. Parang gusto mo nang sumuko, gusto mong magpakain sa mahina mong loob, parang gusto mong bawiin ang lahat ng sinabi mo, ginawa mo, pero, anu’t ano pa man, hindi ka na rin pwedeng magdahilan na “Ganun talaga, siguro, hindi talaga ‘yon para sa akin.”
Dahil sa kaila-ilaliman ng puso mo, alam mo, kung pakikinggan mo lang at magtitiwala ka, alam mong iyon ang matagal mo nang hinihiling, at inaasam ng puso mo, bago mo pa man malaman. Gusto mong matupad ‘yon kahit ano pa man ang mangyari. Siguro hindi pa ngayon pero alam mo na gagawin mo ang lahat, itataya mo ang lahat para lang matupad ‘yon. Darating sa punto na handa mo nang harapin ang kamatayan mo, at kahit ganoon, masaya naman ang puso mo dahil tinahak mo ang tinitibok nito. At sana ganoon ako katapang.
Duwag ako. Mahina. Gago. Siraulo. Tanga. Puro kalokohan. Korni. Pwedeng walang kwenta rin.
Madalas ‘yan ang mga nasa isip ko tuwing nagkakamali o nakakaharap ako sa isang pangyayaring hindi ko naman hiniling. Bigla na lang nand’yan, bumulaga sa harap mo at hindi mo alam kung paano magre-react, kung paano haharapin, kung paano nangyari ang ganito at ano pa ang mga mangyayari. Pero…
Siya lang lagi tinatawag ko, kahit napapaluha na lang ako.
Minsan, gusto ko lang talagang samahan mo ako.
Minsan, kailangan talaga ipamukha sa’yo na mahina ka para malaman mong malakas ka rin.
Minsan, masarap talagang maglabas ng mga nilalaman ng puso mo kahit sabihin pa nilang ‘ang emo mo’ o napaka-sensitive mo. Wala eh. Ganito talaga ako. Ano bang nalalaman mo sa puso ko?
Pero dahil sa mga kalokohan kong ‘to, kasama na ang blog na ‘to, mas nakikilala ko ang sarili ko.
Minsan, seryoso rin ako. Di lang halata.
Minsan, malungkot din ako, di ko lang pinapahalata.
At minsan, gusto ko lang ng katahimikan.
…
..
.
Hindi sino, kundi kanino ang iboboto mo?
Monday, April 19, 2010Isang re-post mula kay Bob Ong:
Meron kang dalawang uri ng boto: Ang una ay ang “boto ng konsensya”. Ito ay para sa pinunong kinilatis mo, pinag-aralang maigi, pinaniniwalaan, at inaasahang may magagawa para sa bayan. Ang ikalawang uri ay ang “boto ng diskarte”. Ito ay para sa kandidatong iboboto mo na lang para hindi manalo ang ayaw mo.
Para sa akin, mas matatanggap kong pamunuan ni Kiko Matsing ang bansa ko nang nagampanan ko nang tama ang tungkulin ko sa bayan bilang botante, kumpara sa makapagluklok ako ng ibang pinuno na resulta ng pagtalikod ko sa obligasyong bumoto nang tama. Dahil sa sandaling talikuran ko ang tama–sa ngalan ng diskarte–ay binibigyan ko na rin ng lisensya ang mga pinuno ng bayan ko na kumilos base sa diskarte, kapalit ng tama.
Ang boto ng konsensya ay base sa pag-asa. Ang boto ng diskarte ay base sa takot.
Ang bayan ng mga botante ng diskarte ay walang maaasahang pamunuan ng konsensya. Ang mga mamamayang kuntento na sa “pangalawang tama” ay mapagkakalooban ng pinunong ganoon din ang pamamalakad. Ang bansang hindi natututo, habambuhay na lang bibigyan ng leksyon.
Ini-endorso ko ang pagboto nang tama. Pwedeng matalo ang kandidato mo, pwedeng mangulelat. Pero mararamdaman mo lang ang kalayaan mo bilang tao at kapangyarihan mo bilang mamamayan sa Ika-sampu ng Mayo pagnasabi mo sa sarili mong “Napagkalooban ako ng karapatang pumili ng pinuno ng bayan ko, at nakaboto ako base sa sarili kong desisyon at ayon sa konsensya ko.”
Kalapastanganan sa sariling dangal ang pagboto sa taong iba sa tunay mong pinaniniwalaan–dahil man ito sa may tumutok ng baril sa ulo mo, may bumili ng iyong boto, o mag-isa pong piniling iboto na lang kung sinuman ang tingin mong mananalo.
Hindi nasasayang ang boto sa mga talunang kandidato. Nasasayang ito sa mga talunang botante.
Kung iboboto mo ang boto na ayon sa desisyon ng iba, sino pa ang boboto ng ayon sa desisyon mo?
Hindi isang pagtaya sa sabong ang halalan na kung saan ang iboboto e ‘yung llamado sa laban. Kung ganoon nga ang pananaw ng bawat botante, lahat tayo, walang pupuntahan.
Break? Di Nga?
Friday, April 16, 2010Nasaan na ang tamis sa honey?
Nasaan na ang init sa gabi?
Nasaan na ang halik sa labi?
Bakit ‘di na ikaw ang katabi?
Di na ikaw ang aking kaakbay;
Sa mga pag-alis, di na kita kasabay;
Wala na akong kahawak-kamay;
Ito ba talaga ay isang goodbye?
Nasaan na ang puto sa dinuguan?
Nasaan ang bulaklak sa halamanan?
Nasaan na ang Jane ni Tarzan?
Nasaan na ang ating pagmamahalan?
Ang pag-ibig ba nati’y sablay?
Kaya ang forever, di nakapaghintay?
Magsisimula na ba akong maglamay?
Dahil ito ay isa nang goodbye?
Ang tadhana, di man lang nagsabi
Na ang ganito sa atin ay mangyayari.
Ang panahon, hindi maisasauli,
Sa huli lagi ang pagsisisi.
Ang pag-iyak, pati paglupasay,
Walang magagawa sa ating paghihiwalay.
Nagsimula tayo sa “Hello” at “Hi”,
Nagwakas sa madamdaming goodbye.
Ang Hiwaga ng Syode (at paano gawin ito)
Ang highschool ang simula ng mga kalakohan at katarantaduhan ng mga nagbibinata at nagdadalagang nilalang. Dito na ‘yung mga crush-crush at ligaw-ligaw…tapos ngayon updated na rin, may mga sex-sex at buntis-buntisan na (hindi ako magugulat kung sa hinaharap e magiging mas bata pa ang mga mamumulat sa ganyan, tsk tsk). ‘Yung iba madrama, magtatanan pa, o di naman kaya, magpapatiwakal. Sa stage din na ‘to nagsisimulang sumubok ang mga kabataan ng droga at iba pang mga bisyo tulad ng DOTA.
Bukod sa mga walang humpay na asaran at tawanan, siguro itong “kalokohan” na ‘to e masasabi kong unique sa aming paaralan. Nasubukan ko na ring gawin ito noong hayskul pero mula nang mag-college e hindi ko na nagawa…pero minsan gusto ko pa ring i-try.
Ang tawag dito e “Syode”, di ko alam ang ispeling pero ganyan ang pagkakabigkas, at ‘wag mo na rin itanong sa akin kung bakit “syode” ang tawag basta ‘yun na ‘yun!
Hindi masakit sa katawan ang syode. Nakakaaliw ‘to para sa gumagawa. Sa magiging biktima, mapapa-PI sila sigurado. Hindi mo rin kakailanganin ng kahit anong materyales o ng kahit anong hirit. Resourceful ang trip na ‘to at pwedeng-pwedeng gawin kahit saan at kahit kaninong na-trip-an mong maging biktima.
Lakas ng loob lang at magandang tiyempo, sapat na. Mas maganda rin kung sa harap ng mga kaibigan o barkada mo gagawin ito.
Ngayon kids, *drum roll please* ganito ang tamang paraan para gawin ang “Syode”:
1. Maghanap ka ng mabibiktima. Dapat may mapupwestuhan ka sa likod niya. Dapat din, nakaharap siya sa mga kaibigan o barkada niyo.
2. Magtago ka muna saglit, ‘yung hindi ka mahahalatang nagtatago ka, tutal, saglit ka lang naman magtatago.
3. Gamit ang hinlalato mo o middle finger, pwede rin ‘yung hintuturo o point finger, madiin mong ipahid ito sa iyong kili-kili, o sa pwet mo, specifically sa tumbong, o sa singit kung trip mo talaga para dikit na dikit sa daliri mo ‘yung maangas na baho, mini-biological weapon of mass destruction, kumbaga.
Yah I know, kadiriiii. Ewww. Pero ito ang nagpapasarap sa kalokohang ito. Hahahaha.
4. Pagkatapos, pumunta ka sa likod ng biktima mo, isipin mo killer ka. Dahan-dahan, tahimik, parang ninja. Ihanda mo rin ang daliri mo, parang may dala kang baril, mas matindi nga lang.
5. Habang tahimik siya, o malakas na tumatawa, bigla mong mariin na ipahid ang daliri mo na may makalusaw-lungs na baho sa pagitan ng nostril niya at upper lip, pero pwede rin kung mismong sa ilong na talaga, o sa labi! Huwag kang bibitiw hanggang maipahid mo lahat ang nasa daliri mo. Sabay sigaw ka ng: “Syode!”
Una, magtataka ‘yung biktima mo lalo kung newbie pa lang pero bawat singhot niya, o paghinga, magtatanong ‘yon nang ganito: “PI, ambahooo! ‘Nu ba ‘yun???” Sabihin mong galing ‘yon sa kili-kili, pwet, o singit sabay takbo ka habang tumatawa nang malakas! Hahahahahaha!
Try mo lang. One time, big time! Go!
Si xG, noong chikiting pa
Si xG, ang reyna ng blogsphere. Hwahehe. Sensya xG, nakyutan talaga ako sa pic mo. Ahehehehe.
:D:D
Hehe…Pasaway kasi
Wednesday, April 14, 2010Pasaway na kung pasaway pero kapag ganitong isa lang ang dapat kong tapusin buong araw, hindi ko talaga tinatapos kaagad. Hindi ako tamad…de joke lang, tamad ako…tinatamad akong tapusin ‘yung ginagawa ko kaya sa halip e nagbabasa ako ng mga blog o nagpepeysbuk buong araw o ngumingiti ako mag-isa o kinakausap mga cells ko. Katulad nitong nagdaang lunes at martes, napagod ako kakapeysbuk. Natatawa na nga lang mga magulang ko kapag umuuwi ako sa amin tapos ikukwento ko na nagpeysbuk lang ako.
Asteg. Apat na taon ang binuno ko sa kolehiyo para pag-aralan kung paano tumakbo ang utak ng computer na laging update nang update pero vulnerable sa virus tapos taga-log-in/log-out ng facebook lang pala magiging trabaho ko. Pero masaya siya. Haha.
Mahina ako sa direksiyon at madalas absent-minded ako sa unang beses mong sasabihin sa akin kung paano gagawin sa isang bagay. Kailangan, ulitin mo ulit sa akin ang sinabi mo kasi bihira akong magtanong dahil kinakain ako ng ego na natatakot mapahiya dahil hindi nakinig noong una. Mas lalo kapag unang beses ko palang narinig ang sinabi mo.
Malaki rin ang tsansang maliligaw ako sa isang bagong lugar katulad noong papunta dapat ako ng mother ignacia at napunta ako sa project 8. Nang mapansin kong ako na lang mag-isa, bumaba ako sa dyip—pero dapat kunwari alam ko ang pupuntahan ko para hindi mapahiya. Pero anak ng kapreng maligno, pagbaba ko, saka lang talagang nag-sink-in sa akin na naliligaw pala ako. ‘Yun lang, naliligaw na ako, nagawa ko pang tawanan ang katangahan ko. Mabuti na lang, bumalik si manong, hindi para sunduin ako kundi para sa isa pa uling pasada. Langya, nabisto niya tuloy na naliligaw ako.
Minsan, nagkaroon ng holdapan sa isa sa mga bangko sa lugar sa amin. Malayo naman sa eskwelahan namin ‘yung bangko pero dumaan sa isang bakanteng lote na malapit sa amin ang mga holdaper na kasalukuyan noong hinahabol ng mga parak. Listo ang sikyu sa amin at ang principal kaya lahat ng estudyante e pinapasok nila agad sa klasrum, ni-lock ang pinto, at pinagtiis sa init at lagkit na hindi kayang tapatan ng de-scotch tape na electric fan ng paaralan. (Marahil, may mga milagrong naganap noon sa mga room, di lang namin alam.)
Ang lahat ng estudyante at teacher e nasa loob na ng mga room maliban sa isa: ako ‘yun.
Swerte o malas pero nagawa kong makalusot sa mga teacher na nagpapapasok sa amin sa classroom. At dahil nakalusot ako, tuwang-tuwa ang ungas, lagpas kaluluwa ang ngiti sa mukha nang hindi man lang naiisip na maaaring maging dahilan ‘yon ng katapusan ng buhay ko.
Nang makalusot ako, umakyat agad ako sa third floor. (Lahat nga pala e naka-quarantine sa first floor.) Isang malawak na pang-stage kasi ang third floor na hinati lang para sa klasrum ng 1st at 2nd year highschool. Gusto ko kasing makakita ng mga nagbabarilang tao—nang hindi naiisip na maaaring tamaan ako ng ligaw na bala—kesa ma-stock sa loob ng klasrum at mahawa sa mga body odor nila. Aba, meron na ako ‘no, bakit pa ako manghihingi? Haha.
May nakita akong kumpol ng mga tao sa di kalayuan, mga usisero’t usisera na gusto ring makapanood ng live action movie nang libre tulad ko. Kaso, walanghiya, wala naman akong makita bukod sa mga ilang putok na narinig ko. Ang korni.
Silip ako nang silip sa mga bintana at pati sa pasilyo. Sobrang kalmado ang panahon habang may nagaganap na habulan at barilan at may isang tsonggong nag-aabang ng kanyang katapusan mga patay na katawan.
Bumaba ako at sinilip ang mga nakakulong estudyante. Ayun, nang makita nila ako e agad silang nagsipagsumbong kaya agad din akong tumakbo paalis. Mahirap na, ambabaho nila.
Pero ansarap sa pakiramdam ‘yung thrill na gumagapang sa mga veins and arteries ko noong mga sandaling iyon. Ang hinihintay ko na lang e tumambad sa mga mata ko ang aksyon na hinahanap ko. May dumaang helicopter sa taas, at kumaway ako, baka sakaling makunan sa camera. Hintay ulit nang walang hanggan.
Maya-maya, habang nakaupo ako sa isang sulok sa tabi ng stage sa amin, nagmumuni-muni ng kahit ano, biglang may pumasok, at ang unang nakita ko sa malayo, sa nakabukas na pinto, e isang armalite ang diretsong nakatutok sa akin. Nag-time-space-warp ang buong kamalayan ko, kinabahan ang puso ko, at nasabi kong, “Patay.”
Putek. Kinabahan talaga ako do’n. Buti na lang, nagsalita kaagad si manong swat ng, “May tao ba d’yan?” Mabuti, hindi ako napagkamalang isa sa mga holdaper. Mahina akong sumagot ng “wala” at hinalughog nila ang buong third floor nang naka-squat (marahil doon kinuha ‘yung tawag sa kanilang SWAT, hwahehehe). Naghalughog sila pero walang nakita bukod sa maduming sahig at wire para sa bintana. Pagkatapos, bumaba sila at nagtungo sa bubungan sa second floor para tugisin pa ang mga holdaper, kung meron man.
Di nila alam, natakot talaga ako kaya naghanap ako ng dos por dos, bumaba at nagtago sa cr na hindi na ginagamit at nag-abang ng baka may pumasok na masamang loob, nagbabaka-sakaling kaya ng hawak ko ang armalite ng mga holdaper. Para akong hinahabol ni Mon Confiado bilang drakula sa Shake, Rattle and Roll.
Nang maramdaman kong wala naman ng masama pang nangyayari, lumabas ako sa pinagtataguan ko, umakyat muli sa third floor at nag-abang ulit ng aksyon. Saka unti-unting nagsipag-akyatan din ang iba pang estudyante—tapos ipinagyabang ko ‘yung (walang kwentang) adbentyur ko.
Pag-uwi ko, nanood ako ng tv at nalamang hindi pala ako nakunan ng camera nung nasa helicopter. Sayang, pagsikat ko na sana ‘yon!
Isip
Seryoso. Minsan kahit ako nahihiwagaan sa utak ko. Asteg.
Hindi pa ako ganito kamulat, o siguro mas magandang panlarawan e “kaloko” tulad noong bata hanggang hayskul ako. Wala akong pakialam sa mundo, sa iba, at pati sa buhay ko, ang mahalaga, maglaro at mag-aral ako. Pero katulad ng parati kong ikinukwento, simula nang makabasa ako ng “Palimos ng Kulangot” ni roni_bats sa Peyups, nagsilbi iyong susi para bumukas ang isip ako sa mga bagay-bagay sa paligid at sa sarili ko. Tapos nagsimula na akong magbasa ng aklat, ang pinakauna nga e “The Alchemist”, na itinuturing kong ikalawang bibliya ko. Tapos, sunud-sunod na.
Maloko talaga ako. Mapagbiro kahit korni. Pero ‘pag seryoso siyempre, seryoso talaga ako…pero di rin talaga maiwasang humirit. Hehe. Pasaway.
Minsan, biglang may maiisip akong tanong tulad nito: May orihinal bang ideya? (Oo siguro ang isasagot mo.) Ideya lang ba ang ‘orihinal’? Ayun, tumahimik ‘yung kausap ko, akala nagbibiro pa rin ako. Haha. O kaya eto: Apektado ka ba kung ikaw ay Islam, Kristiyano, Buddhismo, Hinduismo, o iba pang relihiyon? Apektado ka ba kung may relihiyon ka o wala? Paano kung nabuhay ka ng walang relihiyon tapos biglang may gustong isali ka sa kanilang relihiyon? Sasali ka ba o hindi? Tapos, saka mo timbangin kung mahalaga ba talaga ang may relihiyon ka o wala.
Mga ganitong bagay-bagay naiisip ko, pwera sa mga kalokohan at hirit ko siyemps.
Pero sige, ibabahagi ko na rin ang mga seryosong pananaw ko. Wala na ‘tong halong biro.
Una e ang pananaw ko sa buhay: Binigyan ka ng panulat at isang malaking papel. Ngayon, ikaw ang bahala kung ano ang isusulat mo. Ikaw ang bahala kung ano ang mga sasabihin mo. Nasa sa’yo ang panulat at ang papel kaya ikaw ang bahala sa magiging laman nito. Ikaw rin ang bahala kung ang magsusulat sa papel mo e ibang tao…iyon ay kung gusto mong magpadikta sa mga bagay na dapat laman ng papel mo, sa kung sino ka, at kung ano ang tingin nila sa’yo. Pero hindi ba mas masarap kung ikaw mismo ang nagsusulat sa sarili mong papel at hindi ka nagpapadikta? Pwede ring magsulat ka ng kahit ano pero hindi ba mas masarap magsulat kung alam mo kung ano ang isinusulat mo? Kung ano ang “purpose” kung bakit mo iyon sinusulat? Pero lagi mo ring paalalahanan ang sarili mo na limitado lang ang tinta ng panulat mo kaya dapat gamitin mong mabuti, magsulat kang mabuti dahil isang loveletter ang gagawin mo para sa mundo at sa nagbigay sa iyo ng panulat, papel at tinta. Wag kang mag-alala sa mga bura at wrong grammar mo, hindi iyon mahalaga, ang mas importante e ang nilalaman ng loveletter mo.
Pananaw ko naman sa pag-ibig: Ang pag-ibig, una, hindi ‘yan mabibigyan ng eksaktong kahulugan. Isang walang hanggang “bagay” ‘yan e. Pero pwede mo namang ilarawan. At para sa akin, ang pag-ibig e dapat malaya, katulad ng pagmamahal ng isang tao sa isang rosas. Sa umaga at gabi, dinidiligan mo para hindi matuyo. Sa mga bakanteng oras, sinasamahan mo, kinukwentuhan, kinakausap, at pinapangiti. Mahal mo ang rosas kaya handa mong ipagtanggol iyon sa mga insektong sisira sa kanya, sa mga bagyong darating para anurin siya, sa mga taglamig at tag-init na magpapahina sa kanya. Pero kahit gaano mo pa man kamahal ang isang rosas, hindi mo siya pwedeng putulin/hugutin sa pagkakatanim kahit sabihin mong gusto mo siyang kasama sa lahat ng oras, dahil kapag ganoon ang ginawa mo, sa loob ng ilang araw, malalanta ang rosas…mamamatay. At ayaw mo namang mangyari ang ganoon di ba? Ang kailangang gawin, hayaan mo siyang sumabay sa sayaw ng hangin at namnamin ang saya ng araw. Kung pipilitin mo siyang hugutin, masasaktan siya, masasakal sa iyong kamay, at ikaw, masasaktan din nang hindi mo namamalayan dahil natutusok ka na pala ng kanyang mga tinik. Ibigay mo ang tiwala, katapatan at pagmamahal mo sa kanya at ibabalik niya iyon sa iyo. Umalis ka man para maglakbay, hindi siya mangangambang mag-isa dahil alam niyang babalikan mo siya, at ikaw naman, hindi ka mangangambang baka palitan ka niya dahil kahit sino pa man ang dumaan at makapuna sa kanyang kagandahan, alam mong tanging sa’yo lang ang kanyang pagmamahal.
Putek. Masyado nang seryoso. Haha.
O eto isipin mo itong matagal ko nang iniisip na kalokohang tanong, baka masagot mo kung saka-sakali: Anong meron sa wala? Anong wala sa meron?
Hahahaha.
Full Moon Night
‘Twas a cold full moon night
With her right here by my side.
Her eyes are closed, dreaming,
As I silently watch her sleeping.
With the rustle of leaves and dance of the wind,
I can feel her warmth while she breathes.
A little slide of my fingers
Through the waves of her hair,
A caress to her cheeks, cold because of the air.
Peaceful and quiet,
Still I can hear her laughs,
Overflowing in my ears which made me smile.
The full moon is watching,
Just as I do, over her silence.
And yet, even my heart shouts,
She still doesn’t know
That I’m hiding, a secret, my love for her.
Kowts
“Nakakatakot nga na mapagkamalang hindi ka pwedeng mahalin, o mapagkamalian kang mahalin dahil sa itsura mo.”
-Bob Ong, Kapitan Sino
Free your mind
Tuesday, April 13, 2010credits to burcindrummer
*Please don’t forget to credit burcindrummer whenever you grab this. Thanks!
Para sa'yo
Ang blog na 'to ay...
...tungkol sa mga reklamo, kalokohan, kabaliwan, kaisipan(kung meron man) at kaadikan ng isang taong gusto lang gumawa ng komiks. Maari lamang po na isumbong kaagad ako sa kinauukulan para sa karampatan mong parusa.
v(o",o)v
| M | T | W | T | F | S | S |
|---|---|---|---|---|---|---|
| « Jul | ||||||
| 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | ||
| 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 |
| 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 |
| 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 |
| 27 | 28 | 29 | ||||
Let's help Rumicah
Halughugin
Istambayan
Amaranth
Badoodles
Bo Sanchez
Coelho
Facebuko
Gang Badoy
Ms. Janet
Direk Joey
Heckler
J. Gi Federizo
KT
Ms. Lea
Maldito
Maria Ressa
Oliver
Roanne
Ronibats
Saab
Xienah
Yeye
Yhel
Komikeros
Carlo Vergara
Elbert Or
FlipGeeks
Fan Boy
Gerry Alanguilan
Hazel Manzano
KC Cordero
Kikomachine Komix
Komikon
Neil Gaiman
Planet Markus
Scott McCloud
Tabi-po
Trese Komix
Kahit Anos
Antipinoy
Bibongpinoy
Happy Slip
Lourd de Veyra
Polite Dissent
Mga bawal basahin
Order Andoyman Komiks!

Para um-order, mag-iwan lang ng mensahe sa aking email: andoyman@gmail.com na gusto mong um-order.
Maaari mo ring basahin ang review ni sir KC Cordero sa aking komiks sa link na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-click ang link na ito.
Bulols
- nica: like ko lhat un.......
- Kry-tawa: hahaha!!! astig!...
- andoyman: in-update ko na rin links ko ms gi :) wala...
- andoyman: ahahaha tama! yaka ko 'to!...
- J.Gi Federizo: Pero short story written in prose ito. 'Yon, iba naman...
- J.Gi Federizo: Di pa ako nakakapunta sa ganyan. Lagi na lang sinasabi...
- andoyman: waaaaa salamat ms gi! hahaha ikaw pa lang ang unang...
- J.Gi Federizo: Natuwa naman ako d'yan :) Na-miss ko tuloy 'yung mga...
- J.Gi Federizo: Naks naman, lumalalim-effect!!! ;p Pero tama ang mga sinabi at...
- bakit: da pak! same with the first comment. im looking on...
Ano???
Bodega
- July 2011
- June 2011
- May 2011
- April 2011
- March 2011
- February 2011
- January 2011
- December 2010
- November 2010
- October 2010
- September 2010
- August 2010
- July 2010
- June 2010
- May 2010
- April 2010
- March 2010
- February 2010
- January 2010
- December 2009
- November 2009
- October 2009
- September 2009
- August 2009
- July 2009
- June 2009
- May 2009
- April 2009
- January 2009
- December 2008























