kwan. ano. yon. yeh!

Rogue Magazine April 2010: The Wire Section photos by Richard Esguerra

Tuesday, April 13, 2010

Nakasama sa Rogue Magazine ‘yung mga retratong kinunan ng kaibigan kong si Kuya Richard Esguerra. Bili kayo ng mag ng Rogue! Yeah!

I was excited with the April issue and hoping the photos that I took is already there, this morning my Rogue Magazine arrived and saw my photos and I can say I was so happy. The April issue with Bea Alonzo on the cover is really something new and very classy, like the photos of Bea Alonzo which is photographed by Mark Nicdao. Issue also features the candidates for Presidents for the incoming election. Hope you could grab a copy of it. :)

Click here.

Posted by andoyman at 10:25 am | permalink | Add comment

Isang Libong Tula

Monday, April 12, 2010

Tinanong ako ng mga madla
kung kaya ko bang magsulat ng isang libong tula
at isalarawan sa mga talata’t salita
ang nilalaman ng puso ko para sa kanya.

Ang tanging sagot ko:

“Magsulat man ako ng libu-libong tula,
Daan-daang talata, samu’t saring salita,
Walang kahit anupamang katha
Ang makapaglalarawan ng pagmamahal ko sa kanya.”

Posted by andoyman at 9:47 am | permalink | Add comment

:)

Para sa kanya, iba na ang ibig sabihin ng nakangiting smiley.
Buong araw siyang laging parang tangang nakangiti.
Ang puso niya, ‘pag tumibok, mabilis, parang laging nagmamadali.
Araw-araw, laging may hinihintay hanggang sa pag-uwi.

Sa pagtulog at paggising, nang walang dahilan, magaan ang kanyang pakiramdam.
Sa harap ng monitor, kahit may ginagawa, laging may inaabangan.
Sa mga bakanteng oras, kahit nakatunganga, puso’t utak, laging may laman.
Sa pagsusulat ng tula, madalas biglaan, mayroon na siyang “dahilan”.

At ‘pag nariyan na ang inaabangan, O ligayang walang hanggan!
Nakakatakot man na horror ng kakornihan, ngiti niya’y walang mapaglagyan.
Sa to-do list niya, sa huli ang dapat gawain at “siya” agad ang nasa unahan.
Ngunit tulad ng sundalo, Alt+Tab ay handa, para di mahuli nina boss at ma’am.

Ang puso niya, kung humiyaw, higit pa sa sigaw ni Emily Rose.
Ang puso niya, kung kiligin, higit pa sa kilig nina Jack at Rose.
Tuwing gabi, hirap siyang makatulog, kabaligtaran ng na-comatose.
Tuwing umaga, parang laging malakas, sa energy drink yata ay overdose.

At ang sabi n’ya sa akin, “Salamat sa Diyos, ako’y Kanyang pinagpala,
Dahil habang inaabot ko ang aking pangarap, hindi ko inakala,
Bukod sa pagbalik ng hilig at pagsusulat ko sa tula,
Nag-conspire ang buong mundo para “siya” ay aking makilala.”

Posted by andoyman at 9:37 am | permalink | Add comment

Kowts

Hindi ako gitarista, hindi rin ako bokalista, pero ang musika ang nagbibigay sa puso ko ng sigla…. gaya mo.. nang makilala kita.. para narin akong may sariling… “BANDA”
- Tenshi Nadela

Posted by andoyman at 9:36 am | permalink | Add comment

Radyo Balintataw

Friday, April 9, 2010

Bali wala kaming tv nitong mahigit isang linggo kasi sira nga kaya radyo ang libangan sa bahay. Nitong nagdaang mahal na araw, isa sa mga palabas na saglit kong napakinggan, bukod sa mga bible study na madalas naming naririnig, e ‘yung kwento tungkol kay Moises. Ang pinagkaiba nga lang, bukod sa wala kang makikitang mga taong gumagalaw, ginawa nilang modern ang dialogue ng bawat tauhan pero hindi pa rin nawawala ‘yung lasa ng pang-Noypi.

“Tulad ko rin ba siya na isang Paraon?
May isang libong batalyon?
Kung hindi, ‘wag nang sayangin ang aking panahon!”

Si Rameses nagsabi niyan (medyo may naiba lang ‘tong natira sa ala-ala ko hehe). Nakakatuwa kasi puro patula talaga ang pananalita nila. May kanta-kanta pa at ‘yung mga tono e talagang iba sa bawat isa kaya madali mong malalaman kung sino ang bida, kontrabida, at extra. Para kang nanonood ng isang play sa utak mo kung papakinggan. Talagang lalaruin ng mga boses ang imahinasyon lalo sa mga litanya nila.

“Hindi na uubra ‘yang magic mong ‘yan Moises!”

Take note, madiin ‘yung pagkakasabi ng “magic”. As in madiin talaga. Hindi ko na nga lang tinapos ang dulaan.

Kapag uuwi ako galing opis e aabutan ko ‘yung programang “Lunas”—tungkol sa mga payong doktor para sa iba’t ibang klase ng sakit. Informative kumbaga.

Pagkatapos n’un e ‘yung walang kamatayang “Gabi…ng Lagiiiim….(awuuuuuu).” Tinanong ko tatay ko kung ‘yung boses ba sa simula e ‘yun din ba ang boses noong una pa lang. Ang sagot niya e ‘oo’. Nakakamangha. Kung hindi mo alam ‘yung pinagsasabi ko, pumunta ka ng Star City at hanapin mo ‘yung isang parte roon kung saan makakakita ka ng parang isang yungib na horror at may pamagat sa itaas na “Gabi ng Lagim.” Kung ano ang maririnig mong mga ‘awuuu’ at iba pang nakakatakot na tunog e ganoon na ganoon din sa radyo. ‘Yun nga lang, hindi ko gaano maintindihan sinasabi ng lalake sa introduction kasi sabog ang boses niya dahil sa radyo namin. Haha.

Sayang, wala akong matandaang mga linya sa Gabi ng Lagim.

Kasunod naman niyon e ‘yung “Radyo Balintataw”. Ang balintataw, ayon sa tatay ko, ang pinakamalapit na ibig sabihin nito e “isip” o “isipan”.

Si Tita Cecilia (limot ko na apelyido) ang nagsasalita ‘pag Radyo Balintataw. Di ko pa pala sure ‘yung pangalan. Haha. Obvious na bang mahina ako sa pakikinig? Haha. Makulit kasi diwa ko, madalas lumilipad, kung saan-saan napapadpad. Haha. Kapag nagka-interest ako sa isang bagay e saka ko lang gagamitin ang isandaang porsyento ng lakas ng tainga ko sa pakikinig, kaya ganun, hahaha.

Ang isinasadula nila ngayon e ‘yung sa isang komiks ni Carlo Caparas na “Sa Iyo Ang Dagat, Akin Ang Gubat.” Ang galing ng mga boses dito, lalo kina Melchor at Abner, mga nakapugang kriminal, at saka sa mga babae—bale leading ladies nila, sa intsik, at higit lalo sa kay tatang, na kung magsalita e parang laging nanduduro at parang pumuputak na manok. Haha. Maganda ang mga kwento sa radyo at ‘yung mga programa, sa palagay ko, mas informative pa kesa sa mga palabas sa tv. ‘Yun nga lang, talagang hindi ako makakatagal dahil namulat na ako sa telebisyon. Siguro kung iyon ang unang kinamulatan ko, walang problema sa aking makinig.

May isang eksena na nagkabanggaan sina Melchor at Neri, kung hindi nagkakamali ala-ala ko. Siyemps, hindi nawala na bumanat ‘yung lalake na kinakilig naman ng leading lady niya tulad nito: “Suwerte naman ng lalakeng mapapangasawa mo…blah blah blah…”

Tapos nang hindi bitawan ng lalake ‘yung kamay, bumanat ulit si lalake. Pagkatapos bumanat, nagtanong siya: “A-anong pakiramdam ng mahawakan ko ang iyong kamay?” Sagot naman ng babae: “H-hindi ko alam e….p-parang….masarap…”

Humalakhak ako sa sobrang tawa ko! Hwahahahahahahaha! Anlandi ni kuya at ate! Makakateeee! Hahaha.

Wait, ayos na ang tv namin! Hwaha! Okay ngarud!

Updated 04/10/10

Mukhang araw-araw, tuwing lunes hanggang biyernes, lagi ko nang aabutan ang Lunas, Gabi ng Dilim, at Radyo Balintataw dahil nagustuhan nila ang pakikinig kesa manood ng mga soap operang walang katapusan at puro iyakan, hambalusan, inggitan, sigawan at commercials. Hehe.

Ayos lang sa akin. Hehe. Mas ok nga e! Haha.

Posted by andoyman at 3:38 pm | permalink | Add comment

Toblerone

Ang pinakaunang patented na Swiss chocolate ay Toblerone. Bilhan mo ko nito, magkakasundo tayo. Hehehe.

Posted by andoyman at 3:37 pm | permalink | Add comment

Naiipit

isang tulang nalimutan kong i-post dito last year. unang makikita ‘to sa tamarawbayan.com.

Naiipit

hindi ko maunawaan
ba’t naging ganyan
dati’y hindi naman
gan’to ang pakiramdam

ramdam ng sarili ko
ipit ngayon ang puso ko
sa mundong pinaiinog
ng mga makasariling konsepto

naghahanap pa rin
sa ilog na maitim
ng buhay na isda
upang may makain

tahimik lang ako
nag-oobserba sa mundo
isip ay nililito
pinapagod ang puso

iba ang tahak ko
iba ang balak ko
sa dalawang daan,
ano ang pipiliin ko?

ang hirap, sobra
kalaban ko sarili ko
kalaban ko pamilya ko
kalaban ko’ng mga tao

nasisiraan na ‘ko
naliligaw na ‘ta ‘ko
sa mundong binubuo
ng mapangarap kong puso

(langya, naguguluhan na talaga ako
sa takbo ng buhay ko
sa takbo ng buhay mo
sa takbo ng buhay niyo
sa takbo ng mundo
sa takbo ng…ng…lakad
langya,
ubos na pera ko
ubos pa utak ko
nawawala sarili ko
tulog ang puso ko

sensitibong manhid
ako ang taong-bato.)

Posted by andoyman at 3:34 pm | permalink | Add comment

Ka-booooom

Ika nga ng kaklase ko: kakagigiiiiiil!!! Hahaha
Salamat sa kaklase ko para sa vid na ‘to, hahaha.

Posted by andoyman at 3:32 pm | permalink | Add comment

Kowts

If opportunity doesn’t knock, build a door.
-Milton Berle

Posted by andoyman at 3:29 pm | permalink | Add comment

Wala lang: #13

Tuesday, April 6, 2010

Ok. Eto ang lagi kong problema: pa’no ako magsisimula? Hindi sa buhay o sa kung anupaman kundi sa entry na ‘to. Nandito kasi ulit ‘yung impulse na gusto kong gawin ‘tong entry na ‘to kahit wala naman akong kaide-ideya kung ano ang isusulat ko—kung may maisusulat nga ba ako.

Asteg. Pang-labintatlong entry ko na pala ‘to. Hanep! Hahaha. ‘Di ba, malas daw ang 13? Ewan ko. Pero sa akin, parang hindi naman. Hahaha. Pero dati, elementary ako, Friday the 13th noon ta’s may humirit sa klase na malas daw ang araw na ‘yon. Naniwala ako. Ayun, minalas nga ako. Ang alam ko, mababa yata mga quiz ko ta’s di ko masagutan mga surprise quiz na binigay noong araw na ‘yon. Langya. Haha.

Bigla kong naalala ‘yung isang editorial letter ni Da Bhoss sa Culture Crash Comics dati. Nakakatuwa ‘yung pinakahuling editorial niya kasi parang nilalaro niya lang ang pagpahid ng utak niya sa papel. Haha. Nakakaaliw ang kinalabasan ng pag-e-experiment niya, o siguro, therapy. Hehe.

Pero seryoso, masarap ‘yung ganito—‘yung type ka lang nang type kahit walang pupuntahan ang mga pinagdadakdak mo. Parang ansarap laruin ng mga letra. Parang ansarap paikut-ikotin ang mga salita’t pangungusap. Hindi mo na iisipin kung may mabubuo ka pa o wala; o kung may punto man o wala. Basta, type lang nang type kahit anong mapag-trip-an mong sabihin dahil hawak mo naman ang mga kamay at daliri mo, mga puppet sila na kinokontrol ng utak mo at ang keyboard ang medium para magkalaman ang isang blankong digital na papel at pagalawin ang napakakulit na blink nang blink na cursor.

Pwede kong ikwento ‘yung mga ginawa ko nitong mahal na araw. Ay sus, wala kaming tv at wala ring pc. Kung walang tv, ayos na ‘yung pagpapatugtog ng mga kanta o paglalaro ng DOTA o paghaharot sa photoshop o pagtitipa ng kaewanan sa ms word. Kaso pati pc sira e, matagal na, mahigit isang buwan. Talagang penitensiya kaming buong pamilya. Sa AM Station sa radyo lang ang tangi naming libangan bukod sa pagtulog, lucky 9, solitaryo, paglamon, paglalaro ng pool, at pagtambay at pagpapalamig sa loob ng opisina (dahil wala ang boss, hihihihi).

May nabasa ako sa isang blog entry ni Sir Budjette tungkol sa pagsisimula sa komiks. At kinuha kaagad ng sarili ko na dapat kung magsisimula ako e sa maliit muna. Hindi kasi gano’n ako mag-isip noong una, pero noong malaman ko, mas tinanggap ng sarili ko ‘yung pag-iisip na ‘yon. Ika nga ni Little Prince, lahat ng malalaki e dating maliliit.

Kaya may nagawa na akong unfinished draft na tatapusin ko ngayong linggo o hanggang next week. Tapos, kung saka-sakali na makabili na ako ng dot-com, at ayos na ang pc ko, siguro mas maganda kung may scanner na rin ako, pati drawing tablet, balak kong i-post sa internet ‘yung komiks ko. Yey! Nae-excite ako! Hwaha!

Tapos, siguro, sa Komikon sa October, makakapaglabas na rin ako ng komiks. Siyemps, ‘yung ilalabas ko e ‘yung in-online ko. Hwoohoo! Nasasabik talaga ako!

Inspired din akong gumawa ng mga tula ngayon. Hindi tulad dati na hirap na hirap na hirap—na hirap—akong maghanap ng paghuhugutan para lang makalikha ng isang tula. Haha. Hindi naman talaga ako manunula, mahilig lang talaga ako sa mga may tugma-tugmang salita.

Adik.

Nakakatuwa noong Linggo, Pasko ng Pagkabuhay, bukod sa ako ang nanlibre para makakain kami sa Ongpin—na ang in-order siyemps naming magkapatid e crispy palaka—may di ako inaasahang makikila sa bus pag-uwi namin.

Isang cute na batang babae. Siguro mga 2-3 years old ‘yon. Tumitingin-tingin kasi sa bandang sa amin ta’s naisip kong aliwin. (Kabaligtaran sa ginawa ko at ng kapatid ko sa isang bata doon sa simbahan ng Quiapo na tinakot namin—ansamaaa! Haha!) Lubog-litaw siya sa upuan kaya binubulaga ko siya. Hahaha. Ayun, napapangiti at napapatawa ko pa siya. Haha. Akala ko e hindi ko kakayanin ang kakulitan ng bata dahil halos isang oras ang biyahe pauwi pero mabuti naman, kinaya ko rin. Sa isang apir kami nagpaalam sa isa’t isa pagkatapos. Hehe.

Nakakatuwa talaga ang mga bata. Isa sa mga dahilan kapag napapangiti ako nang walang dahilan e kapag nakakita ako ng mga bata, mga maliliit na bata, lalo ‘yung mga mahaharot at makukulit, pati mga tahimik. Para kasing, ansarap talagang bumalik sa pagkabata kung kailan wala kang gaanong problema, palagi ka lang masaya, palagi kang abala sa mundo, madali kang patahanin kapag umiyak ka, at madalas e madali mong makuha ang gusto mo.

Ang isang bagay na madalas kinakalimutan ng bawat tao habang tumatanda siya ay ang katotohanan na minsan siya ay naging bata tapos sasabihing matured na o grown-up na. Ako, ayokong kalimutan ‘yung puso ko noong bata pa ako. Kasi madalas, mas may alam pa ang puso ng isang bata kaysa sa puso ng isang matanda.

Asteg.

Posted by andoyman at 12:22 pm | permalink | comments[3]

The Need For Serious Criticism

http://gerry.alanguilan.com/archives/2543

Comic book creators seem to be driven paranoid by the thought that there are people “out there” that are saying bad things about independent comics. I’ve actually been thinking about this for a long time, and talking with a few friends in the industry, about the need for serious, intelligent and proper criticism of the comic books that we do.

And I don’t mean those faceless and nameless so called “critics” out there who refuse to take responsibility for what they say. We need people who will stand by their criticism, the way we creators stand by our works. We stick our necks out every time we release a new comic book. We similarly need people with guts who will stick their necks out and be hated (but thanked and appreciated) all for the cause of better Philippine comics.

Read more.

Sang-ayon na sang-ayon ako sa mga sinabi ni Sir Gerry. Ang isang manunulat, dibuhista, komikero, singer, compose, painter, o kahit anong larangan, kahit sa trabaho o, pati, sa bahay, laging kailangan ng isang taong pupuna ng mga ginawa mo, hindi para pahiyain o murahin ang mga likha mo, kundi para pataasin pa ang antas ng iyong kakayahan dahil alam niya na may ibubuga ka pa, higit pa sa inaakala mo.

Posted by andoyman at 10:48 am | permalink | Add comment

Maikli lang

Monday, April 5, 2010

di ako makapag-log-in sa blog ko kanina sa opis. hay. balak ko ring baguhin ang id, header at background ng blog ko. di kasi mabago css nito e kaya mga ‘yun na lang hehe. ‘yoko naman magpalit ng ibang template. pwede kung may 3 column ito lang ang ganito ng i.ph. hmm. balak kong sa susunod na lang ako mag-post ng mga naisulat ko na. basta, hehehe. pero dapat maayos muna ang pc ko dahil kung wala ‘yun, di ko rin magagawa mga balak ko. hehehe. tama? tama!

adik ako ngayon sa kantang “Your Universe” ni Rico Blanco. baket? basta. hahahaha.

andami kong ano ngayon…ahm…kwan…hahahaha. secret. hahaha. basta. de, ibig kong sabihin, andami gusto kong gawin, hehehe, na sana, o sana talaga, magawa ko at baka magtampo ang puso ko pag hindi ko nagawa. hehe. andami ko ring gustong tuparin. hehehe.

asteg. :D

lapit na ng komikon. yey!!!

Posted by andoyman at 7:14 pm | permalink | Add comment

Astral Travel

Wednesday, March 31, 2010

Dahil mag-a-astral travel ako sa susunod na mga araw bilang pagninilay-nilay ko sa Mahal na Araw, pagbubulay-bulay sa mga nagawa kong kasalanan, pagpapahaba ng buhok, bigote’t balbas, at pagwawala sa amin dahil walang mga tao, mag-iiwan ako ng mga listahan na pwede mong basahin (ulit–kung nabasa mo na) kung saka-sakaling wala kang ginagawa. Recommended ko rin ang mga ito sa mga may insomnia.

“He and She” - romance, love story
Chapter 1 2 3 4 5

Ang Guro at Ang Estudyante - mga turo tungkol sa buhay-buhay
1 2 3 4

Binigyan Ko Ng Deadline ang Buhay Ko - maikling kwento
1 2 3 4 5 6 7

Food Court - maikling kwento

Ang Lovestory ng Ipis - maikling kwento

Computer Laboratory Secret File - essay (yata)

Walang Pamagat - sanaysay..in english - essay

Abnoy-Pinoy - sanaysay din yata

Ang Pagsisimula ng Pagtatapos: Isang alay para sa Batch 2009 - sanaysay din

Nagpaka-Existential - ahm…hmm…mga katanungan…?

Ang Pagguhit ng Buhay - sanaysay ulit

Nagtutula-tulaan din ako. Try mo:

Ikaw

Solo

Maria ng Parang

Trying to write a poem

My Untitled Poem for Her

Kung gusto mo ng mga ka-random-an, basahin mo ang mga “Wala lang” entries ko. At bakit mo naman babasahin? Wala lang.

Try mo rin ang mga komik strip ko kung gusto mo mapa-ha. Hindi “ha ha ha” kundi “ha?!?”

Rekomendado ko rin ‘yung mga nasa blogroll ko *tingin sa kaliwa*, maganda mga blog nila, masarap basahin. Subukan mo rin. Di naman masama.

Subukan mo ring matulog buong araw, buong mahal na araw at paggising mo, late ka na sa pasok mo. Haha.

Posted by andoyman at 12:40 pm | permalink | Add comment

Doubting God’s existence

By Paulo Coelho

A man went to trim his hair and beard. As always happens, he and the barber chatted about this and that, until – commenting on a newspaper article about street kids – the barber stated:
- As you can see, this tragedy shows that God doesn’t exist.
- How?
- Don’t you read the papers? So many people suffer, abandoned children, there’s so much crime. If God existed, there wouldn’t be so much suffering.
The customer thought for a moment, but his haircut was nearly finished, and he decided not to prolong the conversation. They returned to gentler topics, the job was done, the customer paid and left.
However, the first thing he saw was a tramp, with several days of beard, and long tangled hair. Immediately, he returned to the barber’s shop and said to the man who had served him:
- You know something? Barbers don’t exist.
- What do you mean, don’t exist? I’m here, and I’m a barber.
- They don’t exist! – insisted the man. – Because if they did, there wouldn’t be people with such longs beards and such tangled hair as I’ve just witnessed up on the corner.
- I can guarantee that barbers do exist. But that man has never come in here.
- Exactly! So, in answer to your question, God exists, too. It just so happens that people don’t go to Him. If they did, they would be more giving, and there wouldn’t be so much misery in the world.

Posted by andoyman at 12:38 pm | permalink | Add comment

Dugs Dugs Dugs

Ankuleeeet! Hahaha

Posted by andoyman at 12:35 pm | permalink | Add comment

Kowts

People break down into two groups when they experience something lucky. Group number one sees it as more than luck, more than coincidence. They see it as a sign, evidence, that there is someone up there, watching over them. Group number two sees it as just pure luck. Just happy chance. And surely, the people in Group number two are looking at those fourteen lights in very suspicious way. For them, the situation is fifty-fifty. Could be bad, Could be good. But deep down, they feel that whatever happens, they’re on their own. And that fills them with fear. Yeah, there are those people. But there’s a whole lot of people in Group number one. When they see those fourteen lights, they’re looking at a miracle. And deep down, they feel that whatever’s going to happen, there will be someone there to help them. And that fills them with hope. So what you have to ask yourself is what kind of person are you:  Are you the kind that sees signs, sees miracles? Or do you believe that people just get lucky? Or, look at the question this way: Is it possible that there are no coincidences?
- Graham Hess (Signs)

Posted by andoyman at 12:33 pm | permalink | Add comment

Kowts

And God said, “Jeeze, this is dull.” And it *was* dull.
- Genesis 0:0

Posted by andoyman at 12:31 pm | permalink | Add comment

Handog ng MMDA

Tuesday, March 30, 2010

Handog ng MMDA para sa makukulit ang puwit!

Galing ‘to kay Sir Budjette Tan. Hehehe.

Posted by andoyman at 2:04 pm | permalink | Add comment

Strip #018

Monday, March 29, 2010

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 1:12 pm | permalink | Add comment

What would you save?

By Paulo Coelho

A journalist went to interview Jean Cocteau, whose house was a jumble of ornaments, paintings, drawings by famous artists and books. Cocteau kept absolutely everything and felt a deep affection for every object. It was then, in the middle of the interview, that the journalist decided to ask Cocteau: ‘If this house were to catch fire right now and you could take only one thing with you, what would you choose?’

‘And what did he reply?’ asks Álvaro Teixeira, a fellow guest at the castle where we were staying and himself an expert on Cocteau’s life.

‘Cocteau said: “I would take the fire.”‘

And there we all sat in silence, applauding in our hearts that brilliant response.

Posted by andoyman at 12:05 pm | permalink | Add comment

Chiksilog Blog Contest

si xienahGirl, taong mabait.
pero huwag ka, siya din ay makulit.
pangingitiin ka nang di pilit;
matatawa ka hanggang singit.
kaya sa monitor ko, siya’y isinabit
para may inspirasyon akong malupit.

dedicated ‘to para kay xG, ang nagmamay-ari ng chiksilog.com.

..

.

deee, joke lang. para lang ‘to sa t-shirt na pwedeng mapanalunan sa chiksilog blog contest niya. hehe

Posted by andoyman at 9:39 am | permalink | comments[1]

Nanoparticles against Cancer cells

Friday, March 26, 2010

http://media.caltech.edu/press_releases/13334

Researchers unveil scientific results from siRNA Phase I clinical trial in cancer patients

PASADENA, Calif.—A California Institute of Technology (Caltech)-led team of researchers and clinicians has published the first proof that a targeted nanoparticle—used as an experimental therapeutic and injected directly into a patient’s bloodstream—can traffic into tumors, deliver double-stranded small interfering RNAs (siRNAs), and turn off an important cancer gene using a mechanism known as RNA interference (RNAi). Moreover, the team provided the first demonstration that this new type of therapy, infused into the bloodstream, can make its way to human tumors in a dose-dependent fashion—i.e., a higher number of nanoparticles sent into the body leads to a higher number of nanoparticles in the tumor cells.
 
Posted by andoyman at 3:42 pm | permalink | Add comment

Strip #017

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 9:16 am | permalink | Add comment

Summer Komikon 2010

Thursday, March 25, 2010

Sa wakas, natapos ko na rin! Hwoo!

Yey! May sariling version na ako ng Summer Komikon poster! Yeah! 

Posted by andoyman at 4:28 pm | permalink | Add comment

Strip #016

Wednesday, March 24, 2010

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 11:09 am | permalink | Add comment

Sandman Hearts The Dork Knight

Tuesday, March 23, 2010

I love Neil Gaiman. Asteg!!! http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=559724

Why do you think you’ve been so successful in all these mediums?

I think it’s because that was what I was interested in doing. I wanted to keep moving. The entire nature of my career has been: Given the choice between two things that I could be doing, one of which I know how to do and have and I have an audience waiting and I am guaranteed to be paid. And one of which I have no idea what to do and that nobody is waiting for and I definitely don’t have an audience and I may well absolutely f&*% up and fall on my face, I will pick the latter. I will go for the thing nobody is waiting for that I can f&*% up. Then I can find out if it worked or not.

 Read more…

Bibili na talaga ako ng mga aklat at komiks niya. Sana rin, makolekta ko lahat ng Sandman series niya. Hwoo!

 

Posted by andoyman at 8:23 pm | permalink | Add comment

Pagkatapos na ng Mahal na Araw

Monday, March 22, 2010

lunes na lunes andami kong gagawin. mula kahapon andami na. di naman ako nagrereklamo…oo nagrereklamo nga pala ako…ay hindi pala.

balak kong pagkatapos na lang ng mahal na araw ako magtitipa para todits. puro copy & paste na lang kapag may napag-trip-an. hmm.

sira pa pc namin…aayusin ko pa. may naisip na ako para sa pakontes ni xG, di ko pa nagagawa. napa-scan ko na ‘yung balak ko para sa komikon poster version ko, pero di ko pa nasisimulan. tinutulungan ko rin kapatid ko sa project niya na ipapasa sa miyerkules…habang tinatapus ko ang 200++ na entries na i-e-edit ko para sa blog ng kumpaniya…gamit ang mabagal na computer…ta’s nawala ko pa noong sabado bagong bili kong flash drive dahil sa kabobohan at katangahan ko…takip lang at natirang feu lace lang ang naiwang ala-ala…kaya bumili ako kahapon ng bago…at sinubukang ayusin muli ang pc pero hindi ko pa rin naayos…kaya nabubuwang ako…may iba pa akong mga balak na…basta ayun…

arg.

saka na lang ang iba…basta ‘yung iba…

paisa-isa lang. di ko mauubos ang buong lechon kung buong-buo kong lulunukin ito. dibadibs?

sayang ‘yung tshirt pag di ako nakasali. lapit na april 17 pero di ko pa rin nagagawa komikon poster ko. arg.

lakinamprolema ko. 

iba talaga epekto sa akin kapag sira ang pc sa bahay…basta parang may koneksyon sa akin pc ko.

ahm…ano pa ba sasabihin ko?

sabi ko asawa ko ‘tong blog ko…ta’s kubeta ko rin…e di…asawa ko isang kubeta? tae.

arg. andami kong hindi pa nasisimulaaaan.

ahk!

sino nga palang gustong mag-donate ng isang brand new computer sa akin? kung sinong magdo-donate d’yan, sasabitan ng medalya bilang Bayaning Filipino. 

Posted by andoyman at 3:34 pm | permalink | Add comment

Indie comics: The long road to glory

http://www.thepoc.net/metakritiko/metakritiko-features/5109-indie-comics-the-long-road-to-glory.html

Although there isn’t an equivalent for Marvel or DC in the Philippines, there is a local comics scene. It’s not quite an industry – you won’t find companies exclusively dedicated to the production of comics, and it’s not often you’ll find a comics maker who doesn’t have a day job. It’s also difficult to find serialized comics that come out on a regular basis the way the old newsprint komiks did in decades gone past.

But despite the largely “underground” and “independent” nature of Philippine comics, writers and artists are generally optimistic about the direction the scene is taking.

“Comics is still alive,” said komikero Gerry Alanguilan during the artistic gathering dubbed “the Renaissance.” “Comics has evolved, the formats have changed, but it’s still alive.”

Read more.

Posted by andoyman at 12:54 pm | permalink | Add comment

Believe in Kissing

Saturday, March 20, 2010

http://www.jonathancarroll.com/blog1/2010/03/carrollblog_320_4.html

“Cherish your solitude. Take trains by yourself to places you have never been. Sleep alone under the stars. Learn how to drive a stick shift. Go so far away that you stop being afraid of not coming back. Say no whenever you don’t want to do something. Say yes if your instincts are strong, even if everyone around you disagrees. Decide whether you want to be liked or admired. Decide if fitting in is more important than finding out what you’re doing here. Believe in kissing.”

Eve Ensler

Posted by andoyman at 4:49 pm | permalink | Add comment

ang pinoy at ang Starbucks. Latte Loco? ERR. (source: teentalk)

Friday, March 19, 2010

nakita ko sa chatbox ng antipinoy ang link na to >  http://forbidden-madj.tumblr.com/post/457927958/ang-pinoy-at-ang-starbucks-latte-loco-err-source pero ang original source daw e teentalk. basahin mo na!

1. Only in the Philippines will you see people ditching the comfort of sipping a cup of Starbucks coffee inside the airconditioned store and preferring instead to sit outside and be soaked dry by the heat of the tropical sun.

The reason? Kailangan makita ng friends/classmates/kakilala ko na nandito ako sa Starbucks! Magpapakasosyal na lang, e di i-todo ko na.

The lesson? Sit where you would be seen easily the most.

2. Only in the Philippines will you see people bringing their laptops inside the Starbucks store and staying there for hours and hours just to avail of the free Wi-Fi.

The reason: Para mukha talagang sosyal, kailangan busy-busyhan gamit ang laptop habang sip ng coffee. Makikisaksak pa yan para maki-charge at naka cross legs pa sa upuan para feel at home. Feeling bahay ko na itong Starbucks. I own it, you know?

The lesson: Make sure to bring your laptop no matter how heavy it is. The attention you will get is priceless, anyway!

3. Only in the Philippines will you see people giving strange names when asked by the barista for their personal name to be written on the cup. The names oftentimes teeter at the brink of being lewd and/or profane (e.g. Lucky T T or Ba Hoko).

The reason: Siyempre kapag sinigaw ng barista yung name, magtatawanan kami ng circle of friends ko. I got the attention I am so craving for again. They are all looking at me o! Bwahahaha!

The lesson: Be prepared with the most attention-grabbing name (those with sexual innuendos are most recommended) to be written on your cup and later on to be shouted by the drop-dead gorgeous barista who would melt in front of everybody after shouting Lucky T.T. or Ba Hoko.

4. Only in the Philippines will you see people taking pictures of themselves all the time and from all possible angles while sipping their favorite ice-cold frapp. You will be surprised to see how the Starbucks logo is almost always part of the frame!

The reason: I need to upload this in my Multiply, Friendster, Facebook, MySpace, Flickr, Blogspot, Faceparty, hi5, Livejournal, Plurk accountssss-sssssss! I need to anonymously view and comment para maraming views at laging nasa top ako ng page sa updates! My friends need to see na nag Starbucks ako! Sayang P120 ko kapag hindi nila nakita picture ko! Huhuhuhuhuhu….

5. Only in the Philippines will you see people getting a lot of extra sugar, cream and tissue. And when I say a lot, it means its damn too many!

The reason: I paid P150 for my venti java chip mocha frapp, I should at least deserve to get a year’s supply of that fiber tissue with the Starbucks logo on them! Sagarin ko na yung binayad ko, and mahal kasi eh! Penge na rin extra, extra, extra sugar ska super extra, extra, extra na cream [Tapos biglang tago sa bag!]

The lesson: Everybody knows that the coffee is overpriced. So get your money’s worth! Grab as much fiber tissue, sugar and cream sachets that can fit in your bag! And dont forget to bring a huge bag to begin with!

6. Only in the Philippines will you see people gulping on twenty venti cups of frapp in one night just to get the oh-so-precious Starbucks planner!

The reason: !@#$, lahat may naka display na Starbucks planner sa kamay nila! Dapat ako rin! [Sabay tungga ng dalawampung cups ng venti frap] Kahit mejo tinamaan doon sa coffee overdose, makikipila pa rin para ma claim ang Starbucks planner [khit gaano pa ito ka-cheap tingnan]

The lesson: Secretly ask your friends for their stickers to complete your collection. In that way, you won’t be spending 2500 pesos for a stupid-looking planner which you do not intend to write on anyway. Your life is a mess dude! What on earth would you do with a planner/organizer you dumbass!

7. Only in the Philippines will you see people holding on to their Starbucks tumblers while they are, well, practically everywhere - on the streets, inside the train, inside the comfort room, etc. What is ironic is that when nobody is watching, they put in their Nescafe 3-in-1 coffee mix inside their Starbucks tumblers and drink their heart away to cheap coffee. Aaahhhhh, sarap talaga ng 3-in-1!

The reason: Basta may Starbucks logo, sosyal! Kaya kailangan dala-dala ko ito lagi! Keber b nila kung Nescafe 3-in-1 yung nasa tumbler ko! Starbucks ito o! Ayan yung logo, tingnan mo!

The lesson: Never ever let anyone catch you put that Nescafe 3-in-1 coffee mix into your Starbucks tumbler. That will so ruin your reputation among all the Embassy-going folks and ecstasy-sniffing elites out there.

Just as when hundreds of Starbucks stores have started to close shop in every major city around the world, at least three new stores open their doors in Manila [or at least in a lighted street corner somewhere around the city] every month. A bit anomalous isn’t it? The truth is that we are perhaps just in the middle of a brewing (pardon me for the intentional pun) coffee craze, or perhaps Starbucks obsession / Starbucks mania / Starbucks phenomenon - call it by any other monicker, but Filipinos are definitely in love with the Seattle-based coffee chain. Now, how on earth could an American export selling coffee for P120 per cup be such a hit in a third world country like the Philippines where half of the population lives on less than P100 a day?

Posted by andoyman at 12:01 pm | permalink | Add comment

The Horribly Slow Murderer with the Extremely Inefficient Weapon

Thursday, March 18, 2010

The Horribly Slow Murderer with the Extremely Inefficient Weapon by Richard Gale 

Posted by andoyman at 7:11 pm | permalink | Add comment

Showtime Part 1

Tuesday, March 16, 2010

Katamtaman lang ang panahon pero ramdam pa rin ang init ng summer sapat para pagpawisan ka kahit sa mga kaunting galaw lang. Pagdating ko sa McDo, ang lugar-hintayan namin, wala akong nadatnan ni isa sa mga kasama ko. Agad akong nag-text sa bisor ko at sinabi niyang doon ako sa may traysikelan. Akala ko ‘yung isang traysikelan ang tinutukoy niya, mabuti’t nakita niya kaagad ako kasi kung hindi baka bumalik pa ako sa malayong traysikelan.

Sumakay kami ng traysikel. Bumaba kami sa tapat ng PBB house. As usual, nandoon ang mga taong sabik makapag-picture sa Bahay ni Kuya bilang background nila. Pagkababa sa traysikel, mabuti’t namukhaan ng bisor ko ang nanay ng kasama namin na kanina pa naghihintay. Patuloy ang pagtingin ng mga taong dumaraan sa Bahay ni Kuya at pagpapa-picture dito habang pasilip silang binabantayan ng guwardiya sa loob. May namataan din akong isang grupo ng kulto na lahat e nakasuot ng pink na damit. ‘Lam mo na kung saan ang pakay nila. Humirit ang isang lalake sa loob ng isang inaayos na jeepney na nakaparada sa tapat ng PBB house, “Dapat nag-orange kayo!”

Imbiyerna na ang araw. Halata sa init nito para sa 8:30 ng umaga. Sing-imbiyerna ng nanay ng kasama namin kahihintay dahil nakakahiya nga naman sa “backer” namin. Maya-maya, dumating din sila. Pumasok kami ng building. Doon kami sa may labas ng Starbucks sa loob ng gusali. Maya-maya, lumabas kami sa hindi ko malaman na dahilan. Basta bumubuntot lang ako. Tumawag ulit sa cellphone ang nanay. Balik daw ulit kami sa loob at sa may Ministop kami. Pasok ulit kami.

Lakad. Lakad.

Pagkarating namin, nakita ko ang pila ng mga audience na gusto ring makapasok sa Showtime. Sa lugar na ‘yon din ako nakapila nang i-text ako na kasali ako sa Game KNB? noong college pa ako…pero di ako pumasa sa elimination round. Ang higit na ipinagtaka ng mga mata ko e kung bakit ang suot ng mga tao roon e parang magpa-party. As in todo-attire sila at todo-ayos, todo-make-up sila sa kanilang mga sarili.

Hinanap namin ang pwedeng mapagtanungan…

Aaargh! Tinatamad ako! Nabagot ako sa mga isinulat ko! Basta masaya sa Showtime!

Nang makapasok ako sa studio ng Showtime, nalaman kong:

-importante ang backer sa loob dahil priority nila ang mga “bisita” ng mga nasa loob. Ibig sabihin, sila ang unang makakapasok sa loob.
-madalas sosyal at party-people ang mga nanonood. Ibinase ko ito sa mga suot nila.
-marami kang legs na makikita.
-marami ang mga “bisita”, ganoon din marami rin ang mga audience na walang backer pero nagtiyagang pumila nang napakaaga makapasok lang. Pero reality hurts, marami sa kanila ang hindi nakakapasok.
-walang entrance fee.
-nagbibigay sila ng mga ¼ size na papel na may picture ng showtime sa likod. Doon ka boboto. Hindi ako bumoto kasi pasaway ako. Tinago ko ‘yon bilang souvenir. Hehe.
-pagkatapos maipila ng lahat, magpapaliwanag muna ang nakaasul na marshall kung ano ang mga bagay na pwede at hindi pwede sa loob.
-habang nagpapaliwanag ang marshall, si Dumbo ay abala naman sa pagkuha ng group picture sa bawat audience. Di ko nga lang alam kung umabot ‘yon sa mga audience na walang backer.
-pagkatapos magpaliwanag ng marshall, saka kami papasok. Bawal ang kahit anumang tubig sa loob pero dahil planado ko na ang pagbukas ng bag ko at patusuk-tusok lang naman ang ginagawa ng mga guwardiya, naipasok ko ang tubig ko. Hehe.
-di naman ganoon kahaba ang lalakarin patungong studio pero hindi rin naman ganoon kaikli.
-bago ka makapasok sa studio e sasalubungin ka muna ng mga props na ginamit nila sa iba’t ibang show.
-malamig sa loob. Sa tv, mukhang malaki ang studio. Pero sa personal, hindi.
-may mga designated ng tao sa bawat upuan. Nang hindi kami magkasya sa pahabang upuan na ibinigay sa amin, napaupo ako sa likod. Pero noong una lang ‘yon. Buti at nakatabi  ko rin sila. ‘Yoko mag-isa dun. Mahihirapan akong magloko ‘pag wala akong kasama. Haha.
-medyo nabagot ako noong una. Para sa akin kasi e tahimik pa bukod sa mga taong paroo’t parito at sa paulit-ulit na kanta ng palabas.
-nagdilim ang studio at may nagsalita. Nagpalabas sila ng isang sitcom kung saan ang cast e mga taga-Showtime, ‘yung mga host nila. Masaya at nakakaaliw ang parang sitcom presentation nila. Tingin ko e palagi nilang pinapalabas ‘yon araw-araw. Baka may iba’t ibang version pa.
-pagkatapos e may nagsalita, ang sabi e makikita raw namin si Piolo Pascual. Pero ang lumabas e si Mel Feliciano.
-ayos sila mang-uto este mang-motivate ng tao. Pinauna ni Mel Feliciano palakpakin ang mga tao sa itaas. Malakas. Sinunod niya ang mga nasa gilid ng stage at sinabi niya na kapag mahina e pagpapalitin niya ng pwesto. Kaya siyempre, lalakasan din ng iba ang palakpakan nila.
-hinati ang audience sa apat at kung sino raw ang pinakamahina e ililipat sa taas. Hindi ko nilakasan, hindi rin ako humiyaw. Pasaway ako e. Pero elibs ako dahil na-motivate nila ang tao na pumalakpak at humiyaw ng malakas.
-nagpaliwanag siya at kunwari e nakinig at naintindihan namin.
-may kaunting ala-stand-up comedian hirit siya para sumaya ang mga nasa loob na bumisa naman sa mga nanonood.
-nagkaroon na palaro na pinauso ni Mel. Ang sinumang may pinakamagandang step ng Nobody, Nobody ay mananalo ng P10,000 kaya pinapunta niya sa stage ang sinumang gustong manalo.
-noong una e wala at mga nahihiya pa. Pero kinalaunan e dumagsa ang mga taong gustong manalo ng sampung libong piso. Ako ayoko—may tumatakbong hinala sa utak ko kaya ayaw ko. Sa grupo namin, isinusuplong nila ‘yung dalawang binatilyo at dalagita na kasama namin; ‘yung dalagita ang napilit/nauto.
-di rin pinalampas nang dalawang chicks na sumali kaya napatingin si Mel sa legs ng babaeng nakasuot ng asul na maiksing shorts.
-pasimula na ang tugtog, at biglang hataw naman ang isang lalake nang biglang nagsabing, “Joke lang!” Ayun, maraming nadismaya, nahiya, natawa, at nainis siguro.
-binuko pa ng dj na ‘yung dalawang chicks e nagtuturuan pa kung anong steps ang dapat nilang gawin.
-hahaha.

Itutuloy…

Posted by andoyman at 5:10 pm | permalink | comments[7]

Create your own rant!

Posted by andoyman at 5:08 pm | permalink | Add comment

Podiatrist

Kung sumakit at sobrang ngalay na ang mga binti mo kakasuot ng matataas na heels na ginagamit mo rin sa mga marathon at fun run, at minsan e sa pangangarate, kailangan mo nang kumonsulta sa mga ispesiyalista ng mga paa—ang mga Podiatrist.

Posted by andoyman at 5:07 pm | permalink | Add comment

Kowts

“Facebook ka nang Facebook kaya ka walang lovelife eh!”
- Stanley Chi

Posted by andoyman at 4:50 pm | permalink | Add comment

Komikon Summer de Avance

Nakita ko ‘to sa wall sa fb ni Sir Gerry Alanguilan. At talaga namang napanganga at natulala ako sa napakagandang poster na ‘to. Ang bawat character ay iginuhit na mismong mga artist nito at pinag-sama-sama naman ni Sir Jon Zamar at voila, isang napakaangas at napakaasteg na poster para sa Summer Komikon 2010.

Sabik na sabik ako para sa event na ‘to dahil ito ang magiging kauna-unahang beses na makakadalo ako. Ooh…sana makadalo talaga ako…at sana makapamakyaw ako ng maraming komiks. Hahahaha.

Ang mga karakter mula sa kaliwa papuntang kanan:
Igno ng Pugad Baboy ni Pol Medina, Jr., Sarhento Sagrado ng Bayan Knights, Zsa Zsa Zaturnnah ni Carlo Vergara, (’yung nasa dibdib ni ZsaZsa) Benjo ng Kubori Kikiam ni Tiga-Kanal, (’yung manok) Elmer ng Elmer ni Gerry Alanguilan, Dante ng Pasig ni Taga-Ilog, Alexandra Trese ng Trese nina Budjette Tan at KaJo Baldisimo, ‘yung Punks sa Kikomachine Komix ni Manix Abrera, Michiko Yamashita sa Ninja Girl KO ni Marco Dimaano, isang karakter sa Beerkada ni Lyndon Gregorio (kung hindi ako nagkakamali), at ‘yung kalabaw sa A. Lipin ni Jess Abrera

Posted by andoyman at 11:35 am | permalink | Add comment

Strip #015

Monday, March 15, 2010

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 11:02 am | permalink | Add comment

Ang Pangarap ni xG

Friday, March 12, 2010

Nakakatuwa at naka-chat ko si xienahgirl. Hehe. Mapapangiti ka nang hindi pilit kapag kausap mo siya. Para kang nakikipag-usap sa taong mahilig mangiliti nang hindi niya sinasadya. Hehe.

Asteg.

Mula sa: http://chiksilog.tumblr.com/

Posted by andoyman at 5:22 pm | permalink | comments[2]

Strip #014

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 5:21 pm | permalink | Add comment

Wanted: Manyakis sa Jeep

Mag-ingat ang lahat ng babae sa mukha ng lalake sa picture at baka ikaw na ang sumunod! O sige, pati na rin mga feeling babae sila, mag-ingat na rin dahil ang mga ganyang mukha ay wala nang sinasanto, mapabakla ka man o totoong babae.

Credits sa may-ari ng photo. Salamat na rin sa kumuha at nagpakalat nito.

Posted by andoyman at 5:16 pm | permalink | Add comment

Ang cheesy!!!

Kaya niyo ba ‘yan pagtanda niyong mag-asawa? Asteg.

Credits sa may-ari ng photo.

Posted by andoyman at 5:14 pm | permalink | Add comment

Pa-blog-blog na lang si kuya :)

Sosyal!

Credits sa may-ari ng photo.

Posted by andoyman at 5:07 pm | permalink | Add comment

Wala lang: #12

Wednesday, March 10, 2010

Pasmado ang mga mata ko. Pa’no, nabasa ko yata nang hindi sinasadya kagabi habang naghihilamos. Nakow naman. Tapos medyo nangangalay ang mga daliri ko ngayon habang nagtitipa lalo na ‘yung hintuturo sa kanang kamay ko dahil madalas kong ginagamit sa pagki-click para matapos ang mga pinapagawa sa akin…at paglalaro ng Restaurant City sa facebook. Hehehehe.

Mabuti na lang at sakto ‘yung exercise para sa kamay na ipinakita sa Umagang Kay Ganda kanina. Asteg.

May dagdag ng thrill sa pagtatrabaho ko ngayon. Noong noong nakaraang linggo, hindi ko na matandaan ang eksaktong araw, sinabihan ako ng supervisor ko na may penalty ang bawat namimiss na deadline. Friday pala ‘yon at sa darating na Lunes na lang dapat ipapaliwanag ni Miss Flo kaso nalimutan niya…at hindi ko rin naman na pinaalala. Hahaha. Pero nalaman ko pa rin kung magkano ang penalty na ibabawas sahod nang minsang si boss namin mismo ang na-late magbigay ng sahod namin. Hahaha. Nagulat nga ako dahil nag-abot si Miss Ann ng isandaang piso at ang sabi niya e penalty ‘yon. Hwoohoo! Asteg!

Minsan naman e nakausap ko si Malet tungkol sa penalty rin. Depende pala pinapagawa kung magkano ang ibabawas sa sahod ng empleyado. Mahilig ding makipagpustahan ang boss namin kaya kung makikipagpustahan daw ako, dapat ay sigurado ako para siya ang magbabayad sa akin. Matalas din ang memorya ng boss namin dahil kaya niyang maalala ang mga sinabi o date o impormasyon kahit ilang linggo na ang nakalipas. Hanep.

Pero sa tingin ko’y mas matalas pa rin ang memorya ng prof ko sa ENGECON noong pinakahuling sem ko sa kolehiyo. Sa malupit at kakaiba niyang hairdo na hawig sa nakuryenteng buhok ni Einstein pero medyo anime ang style at sa dami ng noo na makikita mo e singlupit n’on ang lupit ng memorya niya dahil kaya niyang maalala ang mga nakasulat sa isang papel, halimbawa sa exam paper o sa dyaryo, nang hindi na muling tumitingin. Palabasa ‘yon ng dyaryo kaya madalas ko ring nakikita sa library noon.

Minsan nga e nagpagawa siya sa akin ng isang video commercial para sa negosyo niya. Di na ako nagtanong kung magkano ang ibabayad niya at di rin naman siya nagtanong kung magkano ang ibabayad niya. Ginawa ko ang video at nang matapos, binigyan niya ako ng isandaang piso. Parang gusto kong gilitan siya ng leeg ng inabot niya sa akin si Roxas. Pero sa halip na magreklamo at magpadagdag, kinimkim ko na lang ang himutok ko at inisip na kahit papaano e nagbayad siya. Inaasahan ko pa naman e limandaang piso lalo’t may business na siya, prof pa—hindi pa lahat ng branch ng business niya e nagbabayad ng tax.

Isang araw e sinabihan niya akong anganda raw ng ginawa ko. “E di ser dagdagan niyo ang bayad niyo sa akin dahil nagandahan naman kayo,” bulong ko sa sarili ko. Ngumiti lang ako at nagpasalamat. Noong mga araw ng finals e pumunta ako sa room na binabantayan niya para ibigay ang mga exam paper namin. Sinabihan niya ako pagkatapos na sumama raw ako sa kanya patungo sa kanilang probinsiya at ipakikilala niya ako sa mga tao do’n. Siya na raw ang bahala sa pagkain ko para sa ilang raw. Ako na raw ang bahala sa pamasahe ko. ‘Langya.

Pero kahit papaano, naramdaman ko na nagtiwala siya sa akin pagkatapos niyang magustuhan ang video commercial na ginawa ko. Mas mahalaga ‘yon sa akin. (Sana nga lang dinagdagan talaga ang bayad sa akin.)

Hindi na ako sumama at hindi na ako pinayagan ng mga magulang ko at hindi rin naman ako um-oo. Una dahil mag-ga-graduation na at pangalawa, takot ako sa mga sinasabi ng pamahiin na kapag may magandang mangyayari o aabangang mangyari e ‘wag magpapasyal sa malalayong lugar at baka mapahamak.

Bale may deadline na ngang binibigay ang supervisor ko sa akin ngayon sa bawat ipagagawa niya sa akin. Basta dapat mabilis akong gumawa…para hindi ako mapatawan ng penalty…at makapag-facebook o blog kaagad ako. Hahaha

Sarap ng halo-halong (inilibre) ni Princess. Hwoohoo! Etong masarap todits sa opisina dahil kapag wala ang mga boss e may nanlilibre ng meryenda todits. Katulad na lang noong Biyernes na nanlibre sila ng saba con yelo habang nagyu-youtube trip kami.

Kaso pagkatapos kong kumain ng saba con yelo e biglang naglabasan ang init sa katawan ka habang humahalo sa lamig ng kinain ko. Di ko maintindihan. Basta tumae ako isang oras yata pagkatapos.

Grabe.

Posted by andoyman at 1:28 pm | permalink | Add comment

Tanong lang…

“Bakit may Diyos?”

Bigla lang sumulpot sa utak ko ‘yang tanong na ‘yan at alam ko noong simula pa lang hindi ko kayang masagot ‘to…o kahit ng sinupaman. Sabi nga ng isang kaibigan ko (na galing sa isang site na nabasa niya): “dahil me mga katanungang ndi kayang sagutin ng tao kaya ginawa ng utak nila ang Diyos” o “dahil me mga katanungang ndi kayang sagutin ng tao na wala nang ibang makakasagot kundi isang nilalang na higit pa sa tao”

Pero sa tingin ko, habang buhay kong dadalhin ang tanong na ‘to. At hindi naman talaga lahat ng tanong e kailangang sagutin, di ba? Minsan, sapat na ang tanong na iyon para malaman mo ang sagot sa iba mo pang tanong.

Posted by andoyman at 1:27 pm | permalink | Add comment

Strip #013

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 1:26 pm | permalink | Add comment

Bilihan ng Burger

Pabosong sumisilip ang araw sa mga taong paroo’t parito sa kalsada at pilit silang nilililiman ng kaniyang liwanag bago pa man sumikat ang dilim na idudulot ng nagbabadyang pag-ulan. Abala kayong dalawa sa paghihintay na maluto ang in-order ninyong super special burger na naglalaman ng burger patty, cheese, itlog, bacon, ham, repolyo, mayonnaise, at ketchup.

“Mukhang uulan,” nakatingala niyang sabi matapos mapuna ang mga kulay abong ulap na unti-unting gumagapang sa buong lugar.

Tumingala ka rin at sumang-ayon sa kanya. Sa totoo lang, kanina ka pa hindi mapakali. Hindi mo lang ipinapahalata sa kanya dahil ayaw mong mag-alala siya sa ‘yo. Ayaw mong gawin “ito” pero napipilitan ka.

“Wala pa naman akong dalang payong,” pag-aalala mong sabi sa kanya.

“’Buti may dala ako. Sabay naman tayo mam’ya e kaya hindi tayo mauulanan,” malambing niyang sagot para mapawi ang iyong pag-aalala. Ngunit kung alam lang niya, higit pa roon ang iyong inaalala. Nginitian mo na lang siya pagkatapos saka pinagmasdan ang malapit ng malutong burger.

Sinimulan mo ang kwentuhan sa isang reklamo: “Grabe si ser, ‘no? Palaging late kung dumating sa klase.”

“Oo nga. Sayang lang ibinabayad nating tuition fee. Wala rin naman tayong natutunan sa kaniya e. Pa’no, binabasa lang niya ang mga nasa presentation niya,” dagdag pa niya.

“Sana refundable ang tuition fee kapag gano’n ang mga prof mo. Hehehe.”

Nakatawa siyang sumagot kasabay ang pagtapik sa iyong balikat, “Oo nga! Sa bawat late ng prof, may maibabalik sa ‘yo mula sa ibinayad mo. Hahaha!”

“Weeeeh. Tawa naman si Panget!” agad mong pambabara sa kaniya.

“Panget mo mukha mo!” at isang suntok sa braso ang iginanti niya sa iyo dahil sa pambabara mo. Palagi niyang ginagawa iyon sa tuwing napipikon siya sa pang-a-alaska mo. Kung hindi “Panget” ang tawag mo sa kaniya e “Baboy” naman minsan. At kung minsan naman, “Shrek”. Wala lang. Trip mo lang talagang asarin siya ng ganoon kahit hindi naman totoo ang mga salitang ipinang-aasar mo sa kaniya. Madalas mo siyang barahin at gustung-gusto mo ang mga reaksiyon ng mukha niya. Kumbaga para sa iyo, ganoon ang  paraan mo ng panlalambing sa kaniya. At kahit nakabusangot ang kaniyang mukha, naku-cute-an ka pa rin sa kaniya.

Kasunod niyong napagkuwentuhan ang exam kanina. Hindi alam ng mga kaklase niyo at lalo na ng mga prof na nagkokopyahan kayong dalawa kahit magkalayo. Gamit ang bluetooth ng cellphone ninyo, patago niyong kinukuhanan ng picture ang inyong mga sagot at solutions saka ipapasa sa isa’t isa. Madalas siyang magreklamo sa sulat mo dahil hindi niya maintindihan ang sulat-kamay mong pang-reseta-ng-gamot habang ikaw naman ay madalas magreklamo sa tagal ng pagbu-bluetooth niya ng sagot sa iyo.

Habang masaya kayong nagkukwentuhan, nakuha niyo na sa wakas ang in-order ninyong burger. Bumili rin kayo ng 7-Up bilang panulak. Hindi lang kayo ang nandoon. Madalas dinadayo ng mga estudyante ang mga burger stand bilang pamatid-gutom matapos ang mahaba at nakakaantok na klase. Mayroon ding mga iba pang pagpipiliang pagkaing ang mga nagugutom at nagtitipid. Nandiyan ang kwek-kwek, fishball, squidball, calamares, kikiam, banana cue at camote cue at palamig bilang pamatid-uhaw. At may ibang footlong at iba’t ibang klaseng shake ang itinitinda.

Sa bawat pagkagat at pagnguya niya sa burger, palihim mo siyang tinitignan. Sa tuwing pinapanood mo kasi siyang kumakain, napapangiti ka. Namamangha ka kasi sa kanyang kagandahan kahit kumakain siya. Patago mo siyang tinititigan sa tuwing hindi siya nakatingin at palihim ka ring ngumingiti. Magkalapit lang ang inyong upuan at hindi mo maiwasang kiligin.

“Bakit?” pag-usisa niya matapos mahuli kang nakatitig sa kaniya. “May kung ano ba sa mukha ko?”

“Ha? W-wala. Wala naman,” nakangiti kang sumagot para hindi siya mag-isip ng kung ano at saka mo iniwas ang iyong mga mata sa kaniya. Bumalik siya sa pagkain pagkatapos. Inubos niyo muna ang inyong burger bago ininom ang biniling panulak. Umalis na kayo matapos kayong magbayad sa ale.

“Ano? Uwi na tayo?” muli niyang tanong sa iyo. Napansin mo ang ngiti sa kanyang mukha. Sa ngiti palang niyang iyon, nagiging instant obese ang puso mo sa ligaya. Naihiling mo sa iyong sarili: “Sana, hindi na matapos ang sandaling ito.”

Gusto mo na sanang umuwi din kasama siya kaso hindi pa pwede. May kailangan ka pang gawin. May kailangan ka pang tuparing pangako. Bago kayo makatawid ng kalsada, mahina kang nagsalita sa kaniya,

“Ah, hindi na muna. May ipapakilala pa kasi ako sa ‘yo.”

Kumulog sa kalangitan babala ng isang paparating na sigwa.

Posted by andoyman at 1:25 pm | permalink | Add comment

Kowts

If you don’t go after what you want, you’ll never have it. If you don’t ask, the answer is always no. If you don’t step forward, you’re always in the same place. :)
- Richard Esguerra

Posted by andoyman at 1:23 pm | permalink | Add comment

Strip #012

Monday, March 8, 2010

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 11:27 am | permalink | Add comment

Biiiig Cam

Sunday, March 7, 2010

Pinangarap ko rin magkaroon ng camera, lalo na ‘yung mga camerang may samu’t sari at mahahabang lente na madalas kong nakikita sa mga photographers o mga nangangarap makapasok sa photography…pero hindi naman ganito kalaki ang gusto ko. Sobra na ‘yata ‘yan. :) )

Posted by andoyman at 1:51 pm | permalink | Add comment

Bagong Model ng PC Noon

Cool…

Posted by andoyman at 1:49 pm | permalink | Add comment

Pakiusap ni BO

Saturday, March 6, 2010

Nakita ko ‘to na ni-repost ng Visprint. Galing sa (totoong) facebook page ni BO. Eto po ang mga nakalagay:

Sa mga nag-iimbita sa events at applications, salamat po sa pag-alaala pero No/Ignore po ang sagot ko sa kanila. Wala po akong panahon at interes para sa mga farm, fish, war, o alinman sa mga tulad nito. Pasensya na po.

Sa mga nag-iimbita sa groups o fan pages, gusto ko pong maging magalang at paunlakan kayo lahat, pero hindi ko po magagawa yon kung talagang wala naman akong kinalaman at maiaambag sa grupo nyo o hindi naman ako fan ng mga politiko, artista, banda, eskwelahan o relihiyon na ipinag-iimbita nyo.

Sa mga gumagawa ng Bob Ong fan pages, violation po sa FB Terms and Conditions ang paggawa ng mga tulad nito kung hindi mismong publisher, writer, o authorized agent ang gumawa. Hindi po nakakatulong sa manunulat at sa mga mambabasa ang mga unofficial pages kung (1)nagpapanggap itong official profile, (2)nagbibigay ito ng mga maling impormasyon, at (3)nagpapahayag ito ng mga sariling opinyon habang ginagamit ang katauhan ng nasabing manunulat.

Gamitin po sana natin ang Internet nang may responsabilidad. Maraming salamat sa pang-unawa.

Sana nga maging responsable ang mga tao sa paggamit ng Internet. Tsk tsk tsk.

 

Posted by andoyman at 7:50 pm | permalink | Add comment

Strip #011

Friday, March 5, 2010

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 1:07 pm | permalink | Add comment

Kowts

“Don’t give up easily. If you work with enthusiasm, if you love with intensity, perseverance brings good luck. Just one more step, one more day, please.”
-Paulo Coelho

Posted by andoyman at 1:02 pm | permalink | Add comment

Strip #010

Thursday, March 4, 2010

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 9:38 am | permalink | Add comment

Wala lang: #11

Wednesday, March 3, 2010

Nagising ako nang nangangati ang utak ko, gustong makaebs ng kahit ano. Gustong tumipa ng mga daliri ko sa keyboard at kahit hindi pa ayos ang computer namin—halos isang buwan na yata—e itutulay ko na lang sa pagtitipa sa opis.

 

Gusto ko sanang itipa ang tungkol sa nawawala kong inspirasyon na hindi ko alam kung anong inspirasyon din ‘yon at kung bakit at paano nawawala nang biglang bumalik matapos mabasa ang ilang pahina sa akalt na binili ko kahapon, “Ligo na u, Lapit na me” ni Eros Atalia. Dapat “The Winner Stands Alone” ni Paulo Coelho ang balak kong bilhin pero dahil hindi naman ganoon kalaki ang bookshop sa amin na puro tinda e coloring books, books for kids, antique novels, Twilight series, bibles, adarna, horror stories, florante at laura, at iilang libro ng VisPrint, ‘yung kay Atalia na lang ang binili ko pero sa halip na ‘yung “Peksman…” e ‘yung bago ang binili ko. Ewan ko kung bakit basta ‘yun na ‘yun.

 

Isa sa mga naunang nabasa ko bukod sa nakakadugo na ilong ang isang blurb ng aklat sa sobrang lalim ng pananagalog na ginamit sa kakatuwa at nakakabaliw at pampasirko ng utak at kamalayan e nasa nobela (o nobela nga ba?) ang isang insidenteng madalas na ginagawa ng mga estudyante pagkatapos ng exam na madalas ko ring itinatanong sa sarili ko noong nag-aaral pa ako.

 

Bakit sa tuwing pagkatapos ng exam e nakikipag-usap sa ibang kaklase ta’s tatanungin kung ano mga sagot nila, kung ano ang tamang sagot, at ‘yung iba e titingin pa ng notes saka manghihinayang e wala naman nang magagawa pa kung sakaling malaman nila ang tamang sagot? Kumbaga, makakaapekto ba sa exam mo kung sakaling makita o malaman mo kaagad ang sagot?

 

Madalas ganito ang eksena sa klasrum. Kung anu-anong bulungan at tsismisan at panghihinayang ang bumibilog sa mga sumisirkong estudyanteng hindi maka-move-on sa exam. Ako rin naman ginagawa ko pero hindi madalas. Madalang. Ayoko kasing manghinayang. Ayokong tumingin sa mga notes ko para malaman ang tamang sagot dahil wala na rin naman akong magagawa. Ayokong mawala ang thrill. At ayokong alalahanin pang muli ang isang exam na katatapos ko lang sagutan at ipasa lalo’t nalilimutan ko kaagad ang buong nakalimbag sa papel pagkatapos ko iyon sagutan.

 

Pero sa ibang araw ko na lang gagawan ng rebyu ang aklat kapag natapos ko na. Sa ngayon e nasa kalahati na ako ng aklat. Saka na ang rebyu ‘pag tapos ko nang basahin, ‘pag tapos ko nang kainin, ‘pag may (ilalaan akong) oras, ‘pag sinipag.

 

At babalik ako sa kawalan ng mga salitang ititipa ko para ipagpatuloy ang kalokohang ito na nasimulan ko na sa #1 at ipinagpapatuloy ko ngayon kaya #11 na. Na-snatch saglit ang utak ko nang bigla kong maisip na gawin ko kayang aklat ang lahat ng sinusulat ko sa wala lang? Pero bumawi rin agad ako dahil manghihinayang lang din ako sapagkat magmumukha akong magnanakaw ng mga ibabayad nila sa isang walang kwentang aklat na ang nilalaman ay tungkol sa wala lang.

 

Pero ano nga bang masama sa pagsusulat ng wala lang? Meron ba? Malay mo may makuha kang meron sa wala. Meron nga ba ang wala? Anong wala sa meron? Anong meron sa wala? Nakakalokong tanong mula sa isang loko-lokong tao na may loko-lokong utak na galing sa isang barkada noong hayskul—dahil anim lang na estudyante ang meron—na puro kalokohan ang alam at ginagawa. Nakakaloko ba? Malay mo nanloloko na lang ako.

 

Paano nga ba malalaman kung naloloko ka na o hindi? Kung alin ang totoo o hindi? May mga kalokohan na totoo at may totoong kalokohan. Tama ba? May sense na ba ang mga sinasabi ko? Kailangan ko ba laging may sense? Madalas iyon ang hinahanap ng tao sa kapwa niya lalo na sa pakikipag-usap—ang sense. May sense kausap, may sense of humor, may sense kasama, may sense ano…may sixth sense?

 

Hindi ko alam kung may sense ako. Pero minsan nang tanungin ko naman ang isa kong kaklase, ni-chat ko siya sa facebook, tinanong ko siya kung may sense ba ako kausap. May sense naman daw ako, ‘yun nga lang may times na hindi niya masakyan mga sinasabi ko lalo na ‘pag sa anime.

 

Mahilig na ako sa anime mula noong bata pa ako at dito ako namulat. Iyon pa nga ang istilong gamit ko sa pagguguhit na nang lumaon, nang tumanda ako’t pumogi *ehem* o sige na iba na lang, nang tumanda ako’t nagkaalam, mas gusto ko nang magkaroon ng sariling istilo, istilong iba sa mga gumuguhit, istilong bago sa mga mata, istilong maipagmamalaki kong “Istilo ko ‘to!”

 

Pagtingin ko ngayon sa facebook, sabi ng isang kaklase ko sa kaniyang status e babae raw si Bob Ong at isang prof sa UP. Totoo raw ‘yon. Hindi ko alam kung totoo.

 

“Go home and hang yourself” ang paboritong linya ng prof ko sa RIZLIFE noong college ko na hindi ko naman itatanggi na isa siya sa mga paboritong prof ko dahil sa prof siya na alam talaga ang itinuturo, hindi ‘yung basta nakiki-ride-on lang sa mga tsismis o nagbabasa ng mga slides niya. Inaalala ko kasi ang pangalan niya kahapon. As hindi ko matandaan at talagang pinoproblema ko. Mabuti na lang ang nagsusulat ako sa bahay kaya pag-uwi ko sa amin, nalimutan kong tignan.

 

Naalala ko lang paggising ko kaninang umaga. Maagap kong hinagilap ang mga piangsulatan ko hanggang makita ko ang pangalan niya, si Ma’am Majillano. Minsan e dinrowing ko ‘yung mukha niya sa handout ko yata. Hindi naman talaga dapat siya pero naging siya nang hindi ko sadya. May shades pa!

 

Nasabihan tuloy ako ng katabi ko nang makita niya ang drowing ko, “Grabe ka naman” pero nakangiti siya, marahil naaaliw din o natatawa o natutuwa. Pero nang ipakita ko ang drowing ko, nang magpaalam siya sa amin na papunta siyang Australia, ipinakita ko sa kaniya ang drowing ko at sa halip na magalit e natuwa pa siya. Akala ko talaga e magagalit.

 

Nasabi ko sa isa kong kaklase na kapag inis o di ko trip ang isang prof e naidodrowing ko. Pero hindi naman palaging tama ‘yun. Pero peksman, aaminin ko, masarap iguhit ang mukha ng mga prof mo lalo na sa inis na inis ka lalo sa ginawa ko doon sa isang prof na binigyan ko ng malaswang sexy body, may buhok pa sa binti!

 

Lalake ‘yun at nakadalawang bachelor of blah blah siya pero hindi ko trip ang istilo ng pagtuturo niya kaya bago ako makalipat ng ibang section e iginuhit ko siya at ipinakita sa mga kaklase ko. Siyempre, uproar sila! Gusto pa nga nilang dagdagan ng kung anu-ano ang drowing tulad ng mga sungay-sungay na ganyan. ‘Yung iba e gustong tusukin ng bolpen.

 

Hanggang ngayon e nasa akin pa rin ang drowing ko. Gagawin kong antigo ‘yun para kapag nakita ko ulit mga kaklase ko, ipapaalala ng drowing ko ang prof na minsan e naging paborito nila…paboritong sunugin sa nagbabagang hell.

Posted by andoyman at 1:43 pm | permalink | comments[2]

Can’t Put Good Hardy -bleep-bleep- Down

Can’t Put Good Hardy -bleep-bleep- Down
by AntiPinoy

 I was thinking of the title “It’s Tough to Put a Good Man Down”, but it must be my inner Howard Stern at work, so there.  I don’t know Gordon as a person that much and don’t know him as mayor. What I do know is this – he was instrumental in the transformation of Subic and Olongapo from Sin City to a bustling Freeport . However, that’s not enough because in the recent days, I was hearing a lot of chatter about Gordon, corruption, and smuggling – and I, too want to get down to the bottom of this or at least get to know more about the discussions in this arena. Now mind you, I am not an investigative reporter – but I do know how to use Google with maximum efficiency.

And so without further adieu, let us review the literature.

Read more.

Posted by andoyman at 9:51 am | permalink | Add comment

Strip #009

Monday, March 1, 2010

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 3:05 pm | permalink | Add comment

Strip #008

Friday, February 26, 2010

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 1:51 pm | permalink | Add comment

13 Deadly Wish

Thursday, February 25, 2010

Halos isang buwan pa lang ako sa pagtatrabaho e humirit na kaagad ang kapatid ko ng wish list niya. Ankuleeet! Minsan bago kami matulog e nagkukwentuhan kaming magkapatid. Dalawa lang kami, ako panganay na lalake at siya bunsong babae. Isang taon lang ang tanda ko sa kanya at kasalukuyan siyang nag-aaral at sana e makapagtapos na siya ngayong taon.

Habang nagkukwentuhan kami e sumagi sa usapan ang paggawa niya ng wish list niya—listahan ng mga gusto niyang ipabili sa akin. Hala! E mag-iisang buwan pa lang ako sa pinagtatrabahuhan ko kaya ta’s hihirit siya ng wish-list-wish-list na ‘yan.

Buweno, eto ang nilalaman ng 13 Deadly Wish niya:

1.    Pizza
2.    Spaghetti
3.    Hamburger
4.    French fries
5.    Dunkin Donut
6.    Siopao
7.    Siomai
8.    Garlic Fried Frog
9.    Chocolate
10.    Pringles
11.    Zesto
12.    Ice Cream
13.    Lasagna

Ankuleeet! Inilista niya ‘yan sa isang papel at pinunit at ipinakita sa akin. Kinuha ko ang papel at inilagay sa pitaka ko para maalala ko ‘yung mga hinihiling niya. Haha. Bakit ako hihindi e makakain din ako ng mga ‘yan kapag binili ko na? Haha.

Pero hindi lang basta-basta ang mga wish na ‘yan kasi specific niyang sinabi ang ilan kung anong brand o kung saan ako bibili. Halimbawa e ‘yung pizza. Dapat e sa Pizza Hut dahil ayaw niya ng manipis na crust ng Greenwich at ayaw ng mga magulang namin ang pizza ng Shakey’s. ‘Yung Garlic Friend Frog e obviously sa Ongping ko bibilhin. Ta’s ‘yung zesto e isang box. Naykupu! Andaming request. Parang anlaki ng sinasahod ko. Pero kakayanin ko. Hehe, kasi gusto ko ngang makakain din ng mga ‘yan.

Napunta ang kwentuhan namin sa mga estudyanteng tila nagra-rally sa loob ng campus nila. Hindi talaga sila nagra-rally pero parang ganu’n dahil sa naarbor nilang megaphone at mga kulay pulang retasong nakatali sa kanilang ulo habang sumisigaw sila ng “Tinig!”

‘Yon kasi ang pangalan ng grupo nila na kumakandidato para pangatawanan ang mga estudyante ng unibersidad nila. Ang isang grupo naman e “Tugon”. Kulay berde naman ang sa Tugon at kahit na wala silang megaphone e malakas na pansigaw ang pinantatapat nila. May tarpaulin din ang Tinig na tinapatan naman ng Tugon ng styrofoam. Najongetan kapatid ko sa styrofoam ng Tugon. Hehe. Pinapanood ng kapatid ko at ng mga kaibigan nila ang mga estudyanteng nag-iikot sa campus. Kasama rin sa Tinig ang isa nilang kaklase na sa halip na kulay pula ang nakatali sa ulo niya e kulay berde. Itinataas pa niya ang berdeng kulay sa halip na pula! Pang-asar.

At hindi pa nakuntento sa gano’n. Nang makasalubong nila ang mga taga-Tugon e nagtaas naman siya ng pula at nagsisigaw nang tuwang-tuwa na “Tugon! Tugon! Tugon!” Pang-asar talaga. Haha.

Habang nagsisigaw naman ang kaniyang mga kasamahan e sumisigaw rin siya…pero iba ang lumalabas sa bibig niya. “Hindi kailangan ng [school] si ser [name]! Hindi kailangan ng [school] si ser [name]! Hindi kailangan ng [school] si ser [name]!” Paulit-ulit. ‘Yon pala, nakita niyang lumabas ang naturang ser at nang marinig siya e tinignan ito ng masama—pero pabiro lang naman. Tahimik lang at napapangiti na lang ang mga kasamahan niya. Tawa ako nang tawa habang nagkukwento siya. Ulangya! Hahahaha! Anlakas ng loob! Haha. Sabi ng kapatid ko kaya malakas raw loob n’un kasi graduating student na. Haha.

Naisip ko rin na sana pagpapakilala o pagpapahayag ng mga plataporma ng bawat kasapi sa org na ‘yon e biglang hihirit ‘yung kaklase niya na “Ako si [pangalan] at hindi kailangan ng [school] si ser [name] Hahahahahah!”

Sa amin naman dati e wala akong narinig o nakitang mga ganoong klase ng pangangampanya. Nagpupunta lang sila sa bawat room habang namimigay ng mga kung anu-anong flyer at nagsasalita sa harapan. Ganoon lang. Ta’s mga poster-poster sa mga bulletin board o di naman kaya mga tarpaulin. Minsan e dumalo ako ng miting de abanse ng iskul. (Kasama kasi sa kakandidato ang kras ko…hwehihihihi…nagpapakita lang baga ng suporta…teeheehee) Pumasok na ako sa klasrum na kokonti lang ang laman. Basta hindi napunan ang lahat ng silya. Maya-maya e nagsimula na ang program para sa susunod na mga leader ng student org ng iskul na sa loob ng apat na taon e hindi ko man lang naramdaman na meron pala kaming gano’n. Blah blah blah speech-speech opening remarks blah blah. Ta’s nagsalita ang bawat kandidato—in english. Asa ka pang may naintindihan ako. Meron naman, konti lang. Hehe. Maya-maya e nagsalita na si kras pero nawala rin ang diwa ko dahil biglang naglakbay nang di ko namamalayan. Haha. Tapos natapos na siya tapos mam’ya konti e umalis siya. Lumabas din ako para batiin siya na “Anganda ng speech mo blah blah”—basta mga gano’n kahit wala akong naintindihan.

Seryoso. Hindi ko talaga alam noong una na meron pala kaming mga gano’n. Ang alam ko lang e mga org. Pero org para sa mga estudyante, hindi. Haha. Hanggang nakapagtapos ako, hindi ko man lang sila naramdaman. Haha.

Ano ba ‘yan? Kagabi lang nangyari pero hindi ko na maalala ang iba pa naming pinagkwentuhan. Haha. Kainis.

Posted by andoyman at 11:07 am | permalink | Add comment

Munggong-Botohan

Dumaan ako sa isang bookstore sa amin para bumili ng kahit anong pwede kong mabasa sa murang halaga upang palamigin kahit papaano ang madaling uminit kong ulo kahit sa maliliit na bagay na hindi ko alam kung bakit na para bang sinusubukan ng panahon ang aking pasesiya.

 

Sakto at may mga back issue sila kaya bumili ako ng magazine na may putting aso sa harap. Nang tapos na akong magbayad sa counter e nagbigay siya ng isang butil ng munggo sa akin at nagsabing ihulog ko raw roon sa labas ng store kung sino ang iboboto ko. Pabiro akong sumagot, “Akala ko ilalaga ko.” Hehe.

 

Inilagay sa bagang magazine at nagtanong kung saan ‘yung botohan kuno na mabait namang itinuro sa akin ng lalake sa baggage counter. Lumabas ako at hinanap ang pangalan ng manok kong si Gordon. At katulad ng inaasahan, siyempre, kaunti lan ang laman ng plastik na bote sa kaniya. Obvious pa ba kung sino ang “mga” lamang? Siyempre ‘yung isang idinadaan lahat sa kaniyang yaman at ‘yung isang ginagamit ang pangalan ng kaniyang mga magulang sa pangangampaniya.

 

Nalungkot ako, pramis.

 

Nalungkot ako dahil sa kabila ng kagandahan ng teknolohiya natin ngayon lalo na ng mga cellphone na mainit sa mata ng mga snatcher e wala pa ring ipinagbabago ang batayan ng mga noypi tungkol sa kung sino ang kanilang dapat iboto.

 

Pangalan, popularidad, pagiging mahirap, survey, jingle, at madramang buhay—ilan lang ‘yan sa mga batayan ng nakararaming noypi na aminin mo man o hindi, aminin mo na lang, e mula noon hanggang ngayon e palaging ‘yang mga ‘yan ang unang hinahanap.

 

May paboto-boto i-patrol ka pa d’yan na ‘kako e para sa pagbabago pero sa tingin mo ba kayang baguhin ng isang text mo ang buong Pilipinas gayong marami kayong nagte-text d’yan? Sa tingin mo ba e mapapansin ang mga text mo gayong libo kayong nagte-text d’yan? At aasa kang mababago mo ang Pilipinas at mga Pinoy kapag nakapag-text ka rito? Wala. Opinyon ko lang ‘to nang mahinuha kong kung gusto ng mga Pinoy ng pagbabago e matagal na niya sanang sinimulan ang pagbabago sa kaniyang sarili higit sa batayan sa kung sino ang kaniyang iboboto.

 

Kung sakaling manalo ang mga nasa nangunguna raw sa survey, goodluck Philippines na lang. Tapos magrally ulit kayo sa EDSA. Tsk.

Posted by andoyman at 11:06 am | permalink | Add comment

Kumusta Na?

O. Para sa EDSA I. Isang kanta. Asteg!

Kumusta na by Yano

Kumusta na, ayos pa ba
Ang buhay natin, kaya pa ba
Eh kung hinde, paano na
Ewan mo ba, bahala na?

Napanood kita sa tv, sumama ka sa rali
Kasama ang mga madre, pinigilan mga tangke
Umiiyak ka pa sa harap ng mga sundalo
Namigay ka pa ng rosas na nabili mo sa kanto

Dala-dala mo pa, estatwa ni Sto. Nino
Eskapularyo’t Bibliya, sangkatutak na rosaryo
At sa gitna ng EDSA, lumuhod ka’t nagdasal pa
Our Father, Hail Mary from thy bounty thru Christ our Lord amen

Pebrero, bente-sais nang si Apo ay umalis
Ngiti mo’y hanggang tenga sa kakatalon, napunit ang pantalon mo
Pero hindi bale, sabi mo, marami naman kame
Kahit na amoy pawis, tuloy pa rin ang disco sa kalye

Nakita kita kahapon, may hila-hilang kariton
Huminto sa may Robinson, tumanga buong maghapon
Sikat ka noon sa tibi kase kasama ka doon sa rali
Pero ngayo’y nag-iisa, naglalakad sa may EDSA

Ewan mo ba, bahala na
Bahala na, bahala na

Posted by andoyman at 11:03 am | permalink | Add comment

Kowts

“If you always do what you always did, you’ll always get what you always got.”
- sabi ng magtataho, BO

Posted by andoyman at 11:02 am | permalink | Add comment

Strip #007

Wednesday, February 24, 2010

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 2:16 pm | permalink | Add comment

When you hear that I have died…

Tuesday, February 23, 2010

Nakita ko ‘to sa DeviantArt journal ni sir Budj. Irerepost ko lang todits sa blog ko. Basahin mo, maganda siya, pramis. Thanks sir Budj.

When you hear that I have died, think of this.
by Gabrielle Bouliane

When you hear that I have died, think of this.

Think of cool night breezes while you walk to meet your friends for a beer on a Thursday. Think of waking up in flannel sheets on a snowy morning and kissing someone you love. Think of hung-over diner breakfasts and the best cup of coffee in the world. Think of the sound of tires on seamed highways while you travel, think of French kissing and leather jackets and push-up bras and bourbon, think of the joy of hard work with friends. Then think of me.

Not sad, not the melancholy solitude of empty skies, but the full days and crowded bars and signed contracts, a smile too big for my face, remember I said I stay busy enough to fit three lives into one. When you hear that I have died, know that I want laughter, and dancing, real dancing, to music that makes you move without thinking, you’re wearing boots and jeans and a great t-shirt and wondering if the girl at the edge thinks you’re cute. And you motherfuckers had best DANCE, none of this bullshit rock-nod hands-in-the-pockets shoegazer nonsense, no, make an ass out of yourself, feel your hips, kick off the high heels and sway on the shoulder of a stranger, when I die, you’d better be laughing your ass off on sidewalks, eating deliciously unhealthy food, drinking shots and tipping your bartender well, no matter how much money you make.

And Adam has to read the poem he wrote, and Laura, and June, and Scott Carpenter has to play “Don’t Go Away, Chloe”, no fuck that, every musician I’ve ever made out with or videotaped or road-tripped with has to play, so drink some coffee, baby, it’s gonna be a long night. When you hear that I have died, the best thing you can do is to get laid that night with a comfortable stranger, use my story to get their sympathy, and when you kiss them for the first time, think of me then.

When you hear that I have died, and you will, remember your best revenge is to live well, take risks, save up money and chase your perfect happiness. Beat the system and learn to make your art really support you, craft into something your audience can’t live without. Then make the world an even slightly better place — stop throwing your cigarettes on the ground, vote in the next election, graffiti your life on the eyes of the hungry.

Then just do me one last favor. Please. Love something. Anything. Start with yourself, but find passion in everything, from an apple pie to a novel, make a family, get a degree, walk whatever path is yours with your chin up and feet planted firmly. Have the best stories to tell in the old folk’s home, about lifelong friendships and epic love affairs, about the time you lost everything and yet found yourself happier than when you began.. and remember that time we got in SO much trouble…

Poets.. remember. This is the story that never ends. When one of us leaves, another walks through the door. The pages turn, the sun keeps rising. All you can do in the meanwhile.. is to speak for yourself. Raise your voice high, tell your story, join hands against the dark and sing our souls to the sky. Know the best in me comes from the best in you, that as you tell your story, you will be telling mine, and our lives will be linked together forever, and everyone who hears you will become a part of the change we make.

So when you hear that I have died..
just ….live.

–Gabrielle Bouliane

BOULIANE - Gabrielle Gué Of Austin, TX, formerly of Buffalo, NY, died of cancer. The cherished daughter of Thomas G. and Gretchen Richter Bouliane of Boston MA (formerly of the Town of Tonawanda) died peacefully under the care of Hospice Austin on January 29, 2010. A poet and videographer, she graduated from Kenmore East and from the University at Buffalo with degrees in English and urban planning (with an emphasis on sustainable development); she wrote for Buffalo Rising and was the host of the Nickel City Slam from 2005 through 2008.

“from a girl who’s already half angel”
link

Posted by andoyman at 4:08 pm | permalink | Add comment

Kowts

“I don’t need endorsers. If you are a good leader, you need to be able to stand on your own feet….If you are really strong, if you are really intelligent, you don’t have to depend on endorsers.” - Richard Gordon

Posted by andoyman at 12:12 pm | permalink | Add comment

Kowts

“The field is weak. This is why I ran….There is someone who is very intelligent but who has no experience. There is a very rich man who will just recoup his campaign expenses if he wins. And there is someone who just inherited a good name.” - Richard Gordon

Posted by andoyman at 12:11 pm | permalink | Add comment

Para sa boboto kay Noynoy, kay Villar, kay Gibo, at kay Erap! Basahin mo ‘to!!!

Monday, February 22, 2010

Para sa boboto kay Noynoy, kay Villar, kay Gibo, at kay Erap! Basahin mo ‘to!!!

I once dated a guy whose nickname is Dick. He insisted that his name is spelt “Dict” (with a “t” instead of a “k”), not that this made any difference in the way people hear him say his name. Most would still react in a funny way as they associate the name with something else. If you were the sort of person who judges another by his name though, then you would miss out on how wonderful a guy named Dick is.

Take Senator Richard “Dick” Gordon, for example. He is certainly not one of those who would insert a letter “H” in his name to change its spelling to “Dhick” just to make it sound softer. He is the sort of person who, after spotting you from across a crowded room, would enthusiastically meet you halfway and give you a real man-handshake. He’d say “Just call me Dick, Dick Gordon”. You might even mistake it for “Bond, James Bond”. One look at Dick Gordon and all the bad name association that evokes snickers will be gone in a second, for he is a jolly good man with a smile always pasted on his face.

Read more.

 

Posted by andoyman at 5:22 pm | permalink | Add comment

Wala lang: #10

Mabuti na lang at naibalik na sa nanay ang anim na buwan niyang sanggol na iniwan niya sa isang babae dahil siya’y magbabanyo. Ngunit nang paglabas niya ng banyo, nawawala na ang babae tangay ang kaniyang sanggol noong Huwebes sa isang mall. Kagabi sa balita, nakuha na niyang muli ang kaniyang anak at pananampal at sabunot ang iginanti niya sa babaeng nagtangkang ibenta ang sanggol sa halagang P1000.

Pustahan, ang irarason niya e dahil sa kahirapan kaya nagawa niya ang ganoon. Idinadahilan din ‘yan ng mga snatcher, holdaper, manloloko, manggogoyo, manunugal, prostitute, at nagtitinda ng droga at pirata.

Hay naku. Ano naman kayang irarason ng mga big time magnanakaw, manloloko, at mapagsamantala? Dahil mahirap din sila? Nyay.

Gusto ko sanang ipagpatuloy ‘tong nasimulan ko kung ano ang pananaw ko sa dahilang madalas ginagamit na “dahil mahirap kami kaya nagawa ko ‘yon” kaso pinagsasabay ko ang pagtitipa nito, pagtsa-chat, at paggawa ng trabaho ko. Hahaha. Napaka-pasaway ko talagang empleyado. Hahahaha.

Kahapon, tumulong ako sa pagbabalat ng mga ugat ng gabi na tinatawag na “takway”. Di ko tiyak kung ganyan talaga ang ispeling pero ganyan ang pagkakasabi ng nanay namin habang binabalatan naming tatlo—kasama ang kapatid ko—ang mga ugat at mahimbing na natutulog ang tatlong aso sa paligid namin.

Tulog ang tatay naming sa taas kaya kaming tatlo na lang ang nagkwentuhan ng kung anu-ano, kahit ‘yung iba e paulit-ulit na pero masaya pa rin. Biruin mo ‘yon, mga ganoong klase ng maliliit na bagay, maliliit na paraan, maliliit na sandali, pwede mo ng maka-bonding ang mga mahal mo sa buhay—higit pa sa pagala-gala at patsongki-tsongki sa gilid ng kalsada.

Ang gusto ko talaga ‘pag Linggo sa amin e ‘yung katahimikan. Parang sobrang banal ng katahimikan na tila hindi na kayang magawa ng isang tao lalo na sa modernong panahong pinapatakbo ng nakasisirang globalisasyon at mga pesteng technology na update nang update. Sobrang robot na ang tao sa totoo lang at di na niya alam ang kabanalan niya mismo at ng paligid niya. Limot na rin ng tao ang kasimplehan ng buhay na patuloy niyang binibigyan ng komplikasyon upang pasakitin ang kaniyang ulo’t puso hanggang mag-collapse siya. *Blag!*

Pramis. Noong bata pa ako, gusto kong yumaman. Minsan noong nakakita ako ng asul na kotse na hanep sa porma at lupit sa kaastigan, sinabi ko sa nanay ko noong nasa bus kami e gusto ko ganoon ang kotse ko. Sabi niya e di mag-aral ako ng mabuti para magkaroon ng magandang trabaho at mabili ang gusto ko.

Gusto ko rin noon e mansiyon at pati istilo ng buhok ko e may plano rin ako. Sabi ko sa sarili ko noong bata pa ako e gusto kong magpahaba ng buhok. Pagkatapos, pakukulayan ko ng dilaw. Tapos, idye-gel ko nang patayo para magmukhang buhok ni Son Goku! Hahahaha. Ngayong naaalala ko ‘yun, natatawa ako sobra. Hahahaha.

Pero hindi pala ‘yun ang talagang gusto ko. Nang minsang nasa field trip kami, bale nasa may airstrip kami ng Diosdado Macapagal Airport, basta parang ganu’n, basta na lang din napag-usapan ang tungkol sa pagyaman. Ako ang isinagot ko, “Ayokong yumaman.” Walang kaplastikan. Walang kahipokrituhan. Totoo ang mga sinabi ko. Kung ako tatanungin mo, tingin ko sa sarili ko e naiiba talaga ako sa iba, hindi sa itsura kundi sa pag-iisip. Kumbaga, ang ibig kong sabihin, ang karaniwang gustong mangyari ng mga nakararami para sa kanilang mga sariling buhay e hindi dumadaan sa linya ng pag-iisip ko. Ewan ko. Basta ganu’n.

Nang sinabi kong “ayokong yumaman” e ayoko talagang yumaman. Magkaroon ng panggastos sapat para sa pagtupad ng pangarap ko, pangsuporta ng pamilya ko at sa sarili ko, at pantulong sa iba, ayos na sa akin ‘yun. Hindi ko kailangan ang maraming pera dahil dagdag responsibilidad ‘yon at nakakabulag ng mga mata. Basta sapat na pera para sa tatlong bagay na gusto kong gawin sa buhay ko, ayos na.

Putik. Diyan ko nga tuloy naiisip kung makakapag-asawa pa ba ako? O kung mag-aasawa pa ba ako? Kasi, bukod sa maraming basted meron ako, e naiisip ko na mukhang magiging kawawa ang pamilya ko kung ako ang magiging padre de pamilya sa kadahilanang ang nais ko lang e sapat at hindi sobra.

Pero malayo pa naman ‘yun e. Baka may pumatol pa sa akin. Hahahahaha!

Basta, mas gusto ko e simpleng buhay kesa sa pagiging mayaman. Matupad ang pangarap ko kaysa magka-mansiyon. At makatulong sa iba kesa magka-kotse. Ganu’n lang.

Isang simpleng buhay tulad ng pagiging may-ari ng isang hasyenda, pwede na! Hwahahahaha! Joke lang! Hahaha.

Anu’t ano pa man, hindi ko pa rin maintidihan ang ilang taong iniru-ruler ang kanilang kaligayahan sa mga panibago at modernong bagay na mayroon sila sa halip na mga bagay na mas nakabubusog sa “loob” nila.

Naikwento rin ng nanay ko sa akin na ‘yung isang kaibigan niya dati e nagpalaglag. Naaawa ako sa sanggol dahil wala namang kaalam-alam sa buhay at hindi pa nararanasang mabuhay sa labas ng sinapupunan e tinanggalan agad siya ng karapatan.

Naalala ko ‘yung isang kwento ng guro ko noong hayskul ako nang ipinanood sa kanila ang isang pelikula o documentary na ang pamagat e “Silent Scream” (yata). Habang pilit na dinudurog at sapilitang inilalabas ng isang malamig na bakal ang maliit na buhay sa loob ng sinapupunan e ang maliit na buhay na iyon e nanlalaban at umiiwas. Isipin mo nga naman na ganoon kaliit na buhay, gustung-gustong mabuhay subalit walang habas na pinuputol ng mga tao. Pagkatapos e isisisi sa iba at sa mga nangyari sa buhay nila kaya nila nagawa ang ganu’n.

Sa kaalamanang may mumunting buhay sa loob mo e sapat na ‘yon para pangalagaan mo iyon at pakaingatan at mahalin—hindi patayin. Walang kinalaman ang iba pang bagay na nangyari sa buhay mo sa buhay ng isang taong nagsisimula palang mabuo.

Hrgh.

Kaya ang nangyari doon sa nagpalaglag na ikinuwento ng nanay ko, parang biglaan daw bumagsak ang kanilang pamumuhay. As in biglaan talaga. Sa tingin ko, ‘yon na ang karma niya.

Posted by andoyman at 1:41 pm | permalink | Add comment

Kowts

“I am a little pencil in the hand of a writing God…”
- Mother Teresa

Posted by andoyman at 1:40 pm | permalink | Add comment

Strip #006

Friday, February 19, 2010

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 4:57 pm | permalink | Add comment

Search for Mr. and Ms.

Panahon pala ng JS Prom ngayon. Sayang. Sa buong buhay ko sa hayskul, hindi man lang, ni isang pagkakataon, ako nakaranas ng JS Prom na madalas inaabangan ng mga kabataan sa panahon na binubudburan ng tigyawat ang kanilang mga mukha. Nagkaroon ng plano noon sa amin, bale mga 3rd year ako, pinulong kaming mga junior at senior ganoon din ang mga sophomore at freshmen/women para malaman kung ano ang gagawin: js prom ba o grandball?

Sa hinaba-haba ng pulong, walang nangyari. Nagsayang lang ang lahat ng laway at nangalay kauupo habang naghihintay, dumadakdak ang bawat isa para malaman kung ano ang gagawin. Kahit may botohang nangyari, hindi pa rin nagkasundo ang bawat isa. Masyadong nagtitipid kasi ang iskul kahit maraming pera na nakukuha sa bawat napakamahal na penalty na ipinapataw sa bawat estudyante at pati na rin ng mga guro.

Kaya pumasok ako ng college nang hindi man lang nakaranas ng js prom; hanggang panaginip na lang na makaranas ako ng js. Letse.

Kanina habang papunta ako rito sa opis, nadaanan ako ang mga pedicab at traysikel na binabalutan ng maririkit at makukulay na lobo’t crepe paper. May mga tarpauling may larawan ng mga bata ring nakadikit sa unahan ng mga iyon. Asteg.

May parade ang eskwelahan ng village. Nasa tabi ng mga pedicab at traysikel ang mga magmamaneho at ilang estudyanteng hindi na yata tumuloy sa pagpasok. Tatatlo lang may mini-mini-truck(?). Natutuwa ang utak ko habang ginigiling ang mga ala-alang meron ako noong minsang masali rin ako sa mga ganiyang parada.

Sa maniwala ka o hindi, maniwala ka na lang, ang pinakaunang sinalihan kong Search for Mr. ang Ms. blah blah e noong kinder pa ako. Wala akong kaalam-alam sa pinasukan ko dahil basta na lang akong isinali ng nanay ko. Sumusunod lang naman ako sa mga sinasabi nila lalo na ni Mama. Aba’y pakialam ko ba kung anu-ano ang pwedeng mangyari. Sinunod ko rin lahat ng itinuro niyang sasabihin ko kapag nasa harap na ako ng mikropono at ng maraming tao. At dumating na nga ang araw na hindi ko naman pinakahihintay.

Maraming mga batang tulad ko ang nakaupo sa harap. Medyo malabo na ang memorya ko pero tandang-tanda ko pa rin ang suot kong simpleng t-shirt na may kwelyo at simpleng itim na pantalon at itim na sapatos habang ang mga kalaban ko sa contest na hindi ko alam na contest pala e mga nakabarong! Langya.

At nang ako na ang tinawag para magpakilala, katulad sa mga That’s My Boy ng Eat Bulaga, nagpakilala ako na parang artista. “O. Nagulat kayo ano? Akala niyo siguro si Aga Muhlach ang nakita niyo. Nagkakamali kayo. Ako lang naman si blah blah blah blah.” Di pa rin naaalis sa isip ko ang mga ngisi’t tawa ng mga taong nasa harapan ko habang tuluy-tuloy lang ako sa pagpapakilala. Nagmukha na yata akong engot hindi ko pa alam.

Pagkatapos, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Natatandaanan ko na lang na hindi na yata kaming mga lalake pinaakyat sa stage pagdating ng talent and portion. Sayang, hindi ko maipapakita ang talent ko…ano nga palang ita-talent ko noon?

Noong Grade 3 o 4 yata ‘yun, isinali na naman ako sa search-search na ‘yan. Pero hindi na dahil sa nanay ko kundi dahil sa walang mapagpilian ang mga kaklase kong maaarte at tanggi nang tanggi at ang guro kong sumusunod lang naman sa gusto ng kaniyang mga mag-aaral. Monica ang pangalan ng katambal ko at mayaman ‘yon. At mataba.

Wala akong barong mula noong bata pa ako at hanggang ngayon ay hindi pa ako nagkakaroon. Kaya nga siguro nanghiram o pinahiram na lang ako ng kung sinuman para may masuot akong barong. Magara rin ang aming karosa dahil pamilya nina Monica ang nag-ayos. Magarbo.

Bisperas yata ng search for mr & ms. e nagkaroon ng mahabang parada ang iskul para ilantad kaming mga contestants sa kalsada habang tirik ang araw. Peste. Sa sobra kong kabatugan, nag-hand sign ako ng kay FV Ramos. Hwahehehe. May isang lalakeng kinontra ‘yung hand-sign ko — galit yata sa presidente — kaya dahil napahiya ako, nag-iba ako. V-sign ang ginawa ko at nalimutan ko kung sino ang ginagaya ko. Tuwang-tuwa ako sa kalokohan ko. Samantala, kasabay ng mainit na araw ay pinipilit ng kapartner kong tiisin at magpasensiya sa mga taong nangangantyaw na “Baboy!” May mga nagsasabi pa nga sa akin na “Baboy ‘yung kasama mo!” Hirap ako sa reaksiyon — parang nangingiming natatae yata ang naging itsura ng pilit kong ngiti nagtatago sa tawang gustong lumabas.

Sa araw ng contest, talo ang talent kong pagtutula. Letse. Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako sasali sa mga gano’n! Habaaaaaaaambuhay!

Pero hindi rin natupad dahil muli akong isinali este sapilitang isinali ng mga kaklase ko noong hayskul. Bale 2nd year ako no’n. Walang ‘ya. Dahil nagawa kong (himalang) manalo sa kantahan noong huling taon — na ikukwento ko na lang sa susunod — e pagkanta na lang ang ginawa kong talent. Suportado ako nina Ma’m Gime at ni Ma’m Santillan sa ginawa kong paglu-look-a-like kuno sa bidang lalake ng Winter Sonata. At kinanta ko ‘yung theme song n’un! Putik! Cheesyyyyyy…

Himalang nakapasok ako ng kwistyon en anser porsyon. Nakasagot naman ako nang itanong sa akin e kung bakit merong salitang ‘overnight’ pero walang ‘overday’ at merong ‘kahapon’ at ‘kagabi’ pero walang ‘kaumaga’. Hehehe. Joke lang. Basta nakasagot naman ako. At biruin mo nga naman, salamat sa walang patumanggang ka-random-an ng universe, naka-2nd runner-up pa ako! Hwahahahaha. First time ko ‘yun…at last time na rin. Hindi na ako sumali kasi nakakahiya, di naman ako gwapo…but they insisted. Hwehehehe.

Pero ang pinakamagandang parada para sa akin e noong fourth year ako kung saan kaming anim na magkakaklase e sama-sama sa isang mini-truck na matiyaga naming inayusan. Masaya. Sobrang saya. Kaming limang nakabarong at isang naka-gown e puro kalokohan habang nagpapamudmod kami ng mga flyers sa mga tao sa daan para i-advertise ang aming eskwelahang puno ng penalty pero kulang sa equipment, madaming exams pero kulang sa guro, palaging tumataas na tuition fee, at mga klasrum na palaging pinapalampaso sa amin tuwing uwian.

Posted by andoyman at 1:30 pm | permalink | Add comment

Ang Trahedya ng Isang Artist

masarap para sa isang artist na nakikita niyang nagagamit ng iba ang kaniyang gawa dahil ibig sabihin, maaaring nagustuhan nila. pero mahirap din dahil madalas nangyayari ang trahedyang karaniwan para sa mga artist — ang kunin ang gawa mo nang hindi nila kinikilala ang gumawa…hay gulay…

Posted by andoyman at 1:29 pm | permalink | Add comment

Kowts

“Don’t feed the fire.”
-Alexandra Trese, Trese

Posted by andoyman at 1:28 pm | permalink | Add comment

Para sa bobong pamunuan, bobotante ang kailangan!

Thursday, February 18, 2010

Repost ko lang ang blog entry ni sir BO :D

Para sa bobong pamunuan, bobotante ang kailangan!
ni Bob Ong

Aminin na natin, hindi lahat ng botante ay may oras, tiyaga, at talino para suriin ang background ng bawat kandidato. Hindi rin marami ang may kakayanang umintindi sa kung anuman ang totoong ibig sabihin ng mga nakalista sa plataporma nila…kung meron man.

Bagama’t hindi perpekto, pare-parehong may magagandang qualification ang mga tumatakbo. Kung pagbabasehan ang mga patalastas, lahat sila may pangarap, plano, at magandang hangarin para sa bansa. Dalawa lang ang problema, hindi naman lahat ng binibitiwang pangako e totoo; at hindi lahat ng totoong pangako e kayang tuparin. Maging ang inaasahan nating matinong basehan dati sa pagpili ng iboboto–ang debate–e hindi rin pala mapanghahawakan, sabi ng ilang political analyst sa TV kelan lang. Oo nga naman, dahil pwedeng madehado ang mga kandidatong mas magagaling na leader pero mahina sa talakayan.

Basahin mo pa ang kasunod.

Posted by andoyman at 4:12 pm | permalink | Add comment

RIP Arlan Esmeña, December 8, 1973 – February 18, 2010

Nakilala ko lang siya nang minsang mapanood ko siya sa isang interview ni sir Gerry aka Komikero para sa kaniya sa youtube. Siya ‘yung artist ng Where Bold Stars Go To Die kasama si sir Gerry. Nang mapanood ko ang interview, sabi ko sa sarili ko na gusto kong mabili ang komiks kaya nadagdag ‘yon sa mahabang listahang gusto kong basahin.

At ngayon-ngayon lang, nabasa ko sa status sa FB ni sir Budj na pumanaw na pala si sir Arlan. Hindi ko siya kilala bukod sa artist siya ng Where Bold Stars Go To Die, kaibigan ni sir Gerry, mahilig sa robots, mahilig sa komiks, at magaling na arkitekto. Pero gusto kong maglaan ng isang entry bilang tribute sa kaniya.

Saan ka man sir Arlan naroroon ngayon, nawa’y kapiling mo na ang Dakilang Lumikha at sana’y masaya ka ngayon at nakakadama ka ng maluwag na kapayapaan sa iyong loob at ngiti sa iyong mga labi.

Eto ang link mula sa site ni sir Gerry.
http://gerry.alanguilan.com/archives/2370/

Sir Arlan, your memories will always be treasured especially in the comics industry.

Posted by andoyman at 12:29 pm | permalink | comments[2]

My Untitled Poem for Her

I have seen your face
but never know your name.
I want to stare your eyes
and hoping you’ll do the same.

I want to hold your hand
and gently kiss your lips;
Pour my love to your heart
like a blow of cold breeze.

Hoping I’ll find the courage
at the right time and place,
To tell and show you all
how you caught me by your grace.

Posted by andoyman at 11:16 am | permalink | Add comment

Kowts

“Why independence, if the slaves of today will be the tyrants of tomorrow?”
— Jose Rizal – El Filibusterismo

Posted by andoyman at 11:15 am | permalink | Add comment

Kowts

Wednesday, February 17, 2010

“I think everybody should get rich and famous and do everything they ever dreamed of so they can see that it’s not the answer.”
- Jim Carrey

Posted by andoyman at 2:42 pm | permalink | Add comment

Paano yumaman (agad)?

Paano nga ba yumaman?

Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman. Baguhin natin ang pangungusap. Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman agad. Tama ba ako? Marahil halos lahat yata e gustong maging si Pacquiao o maging kamag-anak ni Pacquiao dahil sa sobrang yaman nito na ayon sa narinig ko sa tv kanina, sa may Punto por Punto, e maraming bahay si Manny saanmang panig ng bansa at madalas ang nakatira e caretaker niya. Andami rin niyang sasakyan! Bukod pa roon, may mga pagmamay-ari rin siya sa ibang bansa! Hanep talaga si Manny. Sa sobrang yaman, nagiging instant gwapo siya! O dibadibs? Hehehe. Marami rin siyang pelikula na hindi kumita. Wala e. Ganun talaga. Marami naman siyang pera kaya produce siya nang produce ng mga pelikula kahit hindi pumapatok sa takilya. Pero ika nga ni Ara Mina, “Ayos lang basta bayad ang talent fee ko.” (Parang ganiyan ang pagkakasabi) Asteg. Pero lahat naman ‘yon e pinagpaguran niya mula nang pumasok siya sa pagbo-boxing.

Sa panahon natin ngayon na mas naghihirap ang mga mahihirap at mas yumayaman pa ang mga mayayaman, e talagang mas nanaisin ng mga dukhang Pinoy na yumaman para makatikim ng ginhawa. Pero aminin natin o hindi, mas gusto natin ng instant yaman ka’gad. Mas maganda ring pagyaman e ‘yung buhos lang nang buhos ang pera sa ‘yo kahit wala kang ginagawa. Ansarap siguro ng buhay mo kapag gano’n. Haha. Papalobo ka lang ng uhog mo e patuloy pa rin sa pag-ulan ng pera sa bulsa mo.

Kanina, narinig ko ang isang ale habang nag-uusap sila ng isang mama at ng isa pang ale. Sabi ng mama, “O magkano ba kailangan mo?(tawa)” Sundot naman ng ale, “Hahaha, ‘yan ang gusto kong anak, maraming pera!”

Sa mundo natin ngayon na mas pinapahalagahan ang mga materyal na bagay (na kung hindi ako nagkakamali e pinauso ng kaisipang Kano), nararapat talagang mayroon kang pera para bumili ng mga maluhong bagay upang sustentuhan lang ang “kaligayahan” mo. Ang tawag ko sa kaligayahang ito e “disposable happiness”. At para masustentuhan mo ang kaligayahang naka-ugat sa pera, maabot ang pakiramdam na mas nakaaangat ka sa iba dahil mayaman ka, na may kapangyarihan ka dahil sa pera, na tanyag ka dahil sa marami kang pera, at dahil pera ang nagpapaikot sa mundo, eto, may mga paraan akong inilatag para mas madali at mas mabilis kang yumaman. Inilista ko rito mula sa pinakamadali hanggang sa pinakamahirap.

Kaya para makuha natin kaagad ang yaman=ginhawa, simulan na natin ‘to:
(more…)

Posted by andoyman at 2:38 pm | permalink | comments[12]

Expand

Ankulit! Mahusay! Hahaha!

Posted by andoyman at 2:35 pm | permalink | Add comment

Wika at Realidad

Tuesday, February 16, 2010

Ang wika ba ang tumutukoy sa realidad o ang realidad ang tumutukoy sa wika?

Posted by andoyman at 7:51 pm | permalink | Add comment

Phobia

Seryoso. Takot ako matilamsikan ng mantika habang nagpiprito. Pero ang tangi kong alam lutuin e ‘yung mga ipiniprito bukod pa sa paghahanda ng instant pancit canton at paglalaga ng itlog.

Kung makikita mo ako sa loob ng aming bahay na ako ang nagluluto, asahan mong ang iluluto ko lang e piniritong itlog o baboy o manok. Kung gusto mo maiba e magluluto ako ng mami o di kaya extra hot chili pancit canton o lucky me supreme.

At higit sa lahat, pwede ko ring ipagluto kayo ng ginisang mami. Alam mo ‘yon? Basta, may nagsisipagtalsikan din sa luto na ‘yon lalo na kapag ilalagay mo na ang tubig sa mainit na mantika. Peksman, masarap ‘yon. Akala ko noong bata ako e alam ‘yon ng lahat ng tao pero hindi pala. Basta galing sa tatay ko ang luto na ‘yon.

Minsan habang tinutulungan ko ang nanay ko na magluto ng ispesyal na luto niya ng adobong baboy, may tumalamsik sa mata. Ansakit, langya. Subalit hindi naman doon nagsimula ang phobia ko sa pagluluto, specifically pagpiprito. Basta mula noong bata ako hanggang bente-uno na ako e palagi akong nakikipag-fencing tuwing nagpiprito kaya madalas tinatawanan na lang ako ng mga tao sa bahay o kung minsan naman e sila ang magluluto.

Takot din ako sa multo…dati. ‘Yon ang gusto kong isipin at isaksak sa utak ko na kapag nakakita ako ng isa, hindi ako matatakot. Kung susumahin, maaaring sabihing nakatatlong engkwentro na ako sa mga di nakikita. At sa tuwing nakakakita ako ng mga gano’n, hindi ako agad pinangingilabutan bagkus hindi ko mahinuha kung ano ang nakikita ko. Tinitiyak ko muna. Tapos, wala na. Tapos, saka ko lang maiisip na multo na ‘yon saka ako pangingilabutan. Pero wala pa namang nangyari sa akin na pagmulat ko ng mga mata ko e may demonyo o engkantong nakatitig at malapit ang mukha sa akin. Mapapasigaw ako ‘pag gano’n.

Katulad minsang nanaginip ako, napasigaw ako sa katahimikan ng gabi dahil ang nakita ko sa panaginip ko e nakatingin daw ako sa salamin sa opisina dito sa amin at ang nakita ko e ang sarili ko na multo na! Sa sobrang takot ko, sumigaw talaga ako! Hwoo! Ayoko ko nang maulit ‘yon.

Di ko naman alam kung takot o pandidiri ang nararamdaman ko sa tuwing nakakakita ako ng uod o bulate. Noong bata naman ako e hindi naman. Pinagti-trip-an pa nga namin ng kapatid ko at minsan pati ng pinsan namin ang mga bulate sa may kulungan ng manok sa amin. Pagkatapos laru-laruin ng maliit na patpat, kukuha ang isa sa amin ng asin, madami-daming asin, tapos bubudburan namin ang kawawang uod hanggang sa mamuti, hanggang sa matigok. At tuwang-tuwa ang kamusmusan namin noon.

Subalit ngayon, iiiigh! Parang hindi ko makayanan. Minsan, kaya naman. Pero may mga pagkakataon talaga na ayokong makakita ng mga gano’n lalo na kapag nakikita kong mayroong mga ganoon sa lababo namin. Putik! Hindi ako makapaghugas ng pinggan kapag gano’n!

Pinapaalis ko pa sa nanay o sa kapatid ko ang uod dahil nanginginig ang gulugod ko sa takot o sa pandidiri. Kapag natanggal na, pwede na akong makapaghugas. Marahil, namana ko ‘to sa tatay ko na sobrang nandidiri rin sa mga uod at bulate lalo na kapag ipinapalabas sa tv o napagkukwentuhan lalo na kapag kumakain. Napagalitan na ako ng tatay ko noong bata ako dahil d’yan.

‘Yung pinsan ko naman, takot naman ‘yon sa ahas. Kaya minsang may dalang maliit na sawa ang tatay ko na nahuli sa likod ng salamin namin, inilabas niya ang hayop mula sa kaniyang bulsa at ipinakita sa pinsan ko. Ayun! Simbilis ng kidlat nang tumakbo siya habang tawa nang tawa ang tatay ko.

Takot din akong maputukan ng paputok o mahiwa ng kutsilyo. Basta, ayaw ko. Takot na rin akong magmaneho kahit hindi pa ako nakakamaneho talaga pwera noong biglang tinuruan ako ng tatay ko sa fork lift. Ewan ko kung paano ako natakot. Basta ang alam ko, natatakot akong makipaggitgitan sa kalsada kaya wala na sa wishlist ko sa buhay ang magkakotse. Di lang dahil takot magmaneho sa kalsada kundi dahil ayaw kong mamroblema sa gasolina.

Takot din akong mamatay. Pero sinusubukan kong humanap ng paraan para huwag matakot. Kaso takot pa rin akong mamatay.

Hindi ako takot sa heights dahil sa tuwing nasa mataas ako, ansarap ng pakiramdam na nagra-rush ang adrenaline. Pusanggala! Ansarap lalo na sa mga rides!

Noong bata ako, takot din ako sa karayom dahil sa tuwing natitinik kami sa mga kahoy, iyon ang pinanunungkit ng nanay ko para matanggal ang tinik. Naaalala ko pa noong iyak nang iyak ako habang kinakarayom ng nanay ko ang daliri ko para mawala ang tinik habang hawak-hawak ko ang laruan kong kalabaw na may gulong.

Higit sa lahat siguro, takot akong maiwan sa isang lugar dahil iniwanan ako ng mga kasamahan ko. Maligaw ayos lang pero ‘yung sadyang iwan ako sa isang liblib na lugar sa kalagitnaan ng madilim na gabi habang tirik ang bilog na buwan, pusanggala, matatakot ako niyon.

At kapag naging aswang ako, humanda ang mga taong nang-iwan sa akin! Harhaharhar!

Posted by andoyman at 1:38 pm | permalink | Add comment

Strip #005

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 10:01 am | permalink | Add comment

Kowts

“Don’t beg for things. Do it yourself or you won’t get anything.”
- Renton Thurston, Eureka 7

Posted by andoyman at 9:58 am | permalink | Add comment

Kowts

Friday, February 12, 2010

“You are never given a wish without being given the power to make it come true”
-nakita ko sa status ni Karen, isang (magandang) kaibigan. asteg. hehe. :D

Posted by andoyman at 10:31 am | permalink | Add comment

Strip #004

©andoyman 2010

Posted by andoyman at 9:30 am | permalink | Add comment

Siraulo sa Computer Shop

Thursday, February 11, 2010

Bakit kaya may mga siraulong tao na walang patumanggang hinahampas ang keyboard na pagmamay-ari naman ng computer shop na pinag-i-internet-an niya? Hindi ba naiisip ng mga siraulong taong ito na bukod sa nakakabulahaw na panggugulo at tila kulang sa pansing aksiyon nila e maaaring masira pa ang keyboard na hindi naman sa kanila at kapag nasira e hindi naman nila babayaran? Mga taong may sapak.

Posted by andoyman at 7:05 pm | permalink | Add comment

Kowts

“Be formless… shapeless, like water. If you put water into a cup, it becomes the cup. You put water into a bottle; it becomes the bottle. You put it into a teapot; it becomes the teapot. Water can flow, and it can crash. Be like water, my friend… “The more relaxed mind is, the more energy can flow through the mind.
-Bruce Lee

Posted by andoyman at 4:18 pm | permalink | Add comment

ano’ng gagawin mo kung wala kang ginagawa sa opisina?

hindi break o lunch-time.

eto ‘yung mga panahon na wala ka talagang ginagawa sa loob ng opisina. paano mo ginugugol o sinasayang ang oras mo? paano mo pinapalipas ang bawat sandali habang oras ng trabaho pero wala ka namang ginagawang trabaho dahil tapos mo na ang lahat ng ginagawa mo?

ako. eto. gumagawa ngayon ng blog at sinusubukang sagutin ang tanong na nag-kabute sa utak ko. ano kayang pwede kong gawin? pwede akong maglaro ng mga laro sa facebook dahil sa ngayon, wala naman sina boss. kami-kami lang. kanina ko pa tapos ang pinapagawa sa akin ng supervisor ko.

kasalukuyan din akong umiikot sa website ni neil gaiman. kilala siya ng marami. pero ni isa sa mga gawa niya, wala pa akong nabasa. unang beses kong nakita ang pangalang neil gaiman sa blog si ronibats. ‘yung salitang sandman naman (kailangan kong pansamantalang tumigil sa pagtitipa dahil biglang dumating sina bossing pero umalis din kasama ang dalawa ko pang opismeyts. mukhang may pupuntahan silang event dahil andami nilang dala) ay una kong nabasa sa culture crash comics. balak ko ngayong makabili rin at kung maaari e kumpletuhin din ang ang lahat ng komiks at aklat na gawa niya. asteg.

ok. balik ulit tayo sa tanong. karaniwan siguro na ginagawa ng mga nasa opisina kapag walang ginagawa e nagpe-facebook o di naman kaya friendster o tumblr o myspace o multiply o basta kahit anong social community site. karaniwan naglalaro rin sa facebook. ‘yung iba, nakikipag-tsismisan/daldalan sa ka-opismeyt. ‘yung iba, nagbabasa libro o ng komiks o ng manga sa online. andaming pwedeng gawin para mapunan ang oras na wala kang ginagawang trabaho. isama mo na rin siguro ang pagde-daydream at pang-o-okray at pangba-back-stabbing blah blah. 

‘yung iba, nagbabasa ng mga nakakatuwang blogs. ‘yung iba, mga blogs na tungkol sa pulitika…o showbiz…o minsan magkahalo na rin ang dalawa. ‘yung iba, kung may sound system ‘yung pc nila e nagyu-youtube. ‘yung isang kaklase ko, sabi niya, ang tanging libangan nila sa opis nila e dota dahil naka-isolate sa kanila ang internet connection kahit e-mail. may isang opis din akong alam na pinag-ojt-han ng mga kaibigan ko na kahit anong oras, pwedeng-pwede silang makapaglaro ng dota. putik! biruin mo ‘yon! dota sa loob ng opisina kahit oras ng trabaho! hahaha. binalak nga naming mag-apply doon pero ni isa yata sa amin e walang natanggap. hahaha.

gusto ko pa naman doon kasi parang ‘magaan’ pero may kung ano sa loob ko na ang kagaanang iyon e parang magdudulot ng kung anong kabigatan sa akin. ewan. basta ‘yon.

kasalukuyang tahimik todits. ano kayang pwede kong gawin? magkwento na lang ako tungkol sa itsura ng opis namin? hmm…

gusto ko sanang mag-sound trip kaso wala namang akong iPod. di ko rin dala ang cellphone ko dahil hindi ko nga magamit ang d-pad niyon. pero parang hindi na rin ako magsa-sound trip di dahil wala akong mp3 player kundi dahil ayokong mabingi pag tanda ko. nakakabanas kasi kapag makikinig ka. madalas kong maranasan na bumigat ang utak ko tapos sabay parang masakit na makati ang tenga ko. basta ayoko na n’on.

nakatingin ‘yung katabi ko kanina sa sinusulat ko. iniisip ko kung ano ang iniisip niya nang mabasa niya ang pamagat ng entry na ‘to. hehehehe.

ugaling kong bagalan ang mga ipinapagawa sa akin. ‘yung bagal na hindi ko ‘to matatapos kaagad. gano’n. lalo na sa short-time lang na work. ewan ko ba. dapat nga, binibilisan ko pa e. pero di ko magawa kasi alam kong mam’ya kapag natapos ko na ‘yung ginagawa ko, wala na akong magagawa pang trabaho. kapag may naka-queue ulit na work, saka ko bibilisan. hahaha. pasaway.

balak ko noong lunes na makapag-drawing ng kahit isang page lang o kahit isang panel lang para sa komiks ko upang umabot ‘yon sa komikon sa abril. asteg nga e dahil tinag ako ni sir freely. parang imbitasyon na ang dating sa akin n’on. wala pa akong komiks bukod sa mga strips na pino-post ko dito, sa deviantart at sa facebook. ‘yung mga strips na ‘yon e balak ko sanang ipasa sa dyaryo, either manila bulletin o sa philippine star o sa philippine daily inquirer. sa inquirer sana ang gusto ko dahil nando’n ‘yung mga idol kong sina sir pold medina, jr. at sir manix abrera. pero alam ko, bago pa man ako tumawag sa tatlong dyaryo, na ang isasagot nila sa akin e walang bakante. hays. sa bulletin, pinatatawag nila ako sa susunod na linggo. tapos sa phil. star, walang bakante pero pinapa-send nila ‘yung samples ko…na hindi ko rin naman nagawa dahil kahit may 15 strips na ako e wala naman akong scanner o pera pampa-scan ng mga gawa ko.

saka naman ako nagsimulang magtrabaho dito sa pinagtatrabahuhan ko. pero tuluy-tuloy pa rin ako sa paggawa ng strips kahit mga script at ideas lang muna ang isinusulat ko sa notebook ko. sana nga, matuloy ‘yung komiks ko sa komikon kasi bukod sa pangarap kong makapunta ng komikon e pangarap ko ring doon magsimulang ipakita sa mga tao ang sarili kong gawang komiks na kung tutuusin e pang-10th anniversary na ngayong taon. ibig sabihin din, sampung taon ko nang binubuo sa loob ng puso’t utak ko ang buong kwento.

pwede rin kapag wala kang ginagawa e maghanap ka ng gagawing trabaho, isang gawaing ginagawa ng isang mabuting empleyado. e hindi ako mabuting empleyado. pasaway pa nga ako. hahaha.

may isa pa nga palang pinapagawa sa akin ‘yung katabi ko. natapos ko naman na ang unang bahagi n’on at hindi naman urgent kaya baka…mamaya-maya ko na lang din gagawin. hahahaha.

pasaway.

‘yung iba namang empleyado siguro, kapag walang ginagawa e kumakain. nagpapabili sa labas ng pagkain tapos kakain sa loob ng opisina habang nagkukwentuhan at nag-aasaran sa isa’t isa. hahaha. asteg.

wala na akong maisip kaya wala na akong masabi kaya wala na ulit akong gagawin kaya wala na. 

v(o”,o)v

Posted by andoyman at 2:19 pm | permalink | comments[1]

mga taong pacute, mahilig sa camera, feeling hapon, mukhang anime, sarap sapakin :D

Wednesday, February 10, 2010

3rd straight day of blogging. cool. wala lang. trip ko lang. sing-trip tulad ng title ng entry na ‘to na pang-utot sa nagtatago kong himutok sa mga klase ng taong inilalarawan ng title ng entry na ‘to.

tahimik. wala ang mga boss, kaya heto na naman at nagba-blog. sinasamantala ang pagkakataon na makatakas kahit papaano sa mga ginagawa ko dito sa opis. ano ba trabaho ko? natanong ako ng isang kong kakilala, ano ba trabaho ko? ano ako rito sa kumpaniya?

pusanggala. wala akong masabi. walang direktang pangalan akong maisip. kung ano ang ginagawa ko rito noong ojt ako, gano’n pa rin naman ang ginagawa ko. ang pinagkaibahan na nga lang, may sweldo ng kapalit ang bawat natatapos ko. asteg.

katatapos ko lang basahin ang apat na kwento sa diabolical13.blogspot.com ni sir budj at isa na namang makatanggal-nunal(isang ekspresyon sa kikomachine komix) ang ibinuga ng sarili ko sa mga makapanindig at maka-lukot utak na kwento. ngayon, isinasabay ko naman ang pagbabasa ng online novel ni sir david hontiveros na ‘pelicula’. Pasaway ako, ‘no?

Kaninang lunch break, bigla na lang umupo dito sa upuan ko ang isang boss namin at tinignan ang firefox browser. buti na lang at hindi facebook ang nakita niya kundi ‘yung site ng anti-pinoy. buti na lang talaga. tapos, kinausap niya ang katabi kong opis meyt na si kuya jonathan at di ko alam kung ano mga pinag-usapan nila. langya. baka kung anu-ano ang tinanong ni boss.

nag-print din ako kanina ng siguro mga humigit-kumulang 100 cd labels na gagamitin para sa isang…ahm…event ng opisina. katatapos ko lang din gawin ang isang pinapapagawa ng supervisor ko tapos heto’t meron ulit pero hindi ko pa sinisimulan kasi nagba-blog ako. hahaha.

dapat magpo-post ako kaninang umaga habang ako palang ang nandito sa opis ng stip #004 kaso ng i-edit ko na sa photoshop todits e parang pumangit kaya hindi ko na lang itinuloy. pagtitiyagaan ko na lang ang pc sa bahay kahit nagrarandom reboot ‘yon. salamat pala sa nagdagsaang tumulong sa akin para resolbahin ang problema ko sa computer namin. salamat kina: iman, dessa, at tags. (especial salamat din ulit ke tags para sa picture na ehem hiningi ko na walang damot naman niyang ibinigay heheh)

problema ko pa rin ang scanner pero uunahin ko munang solusyunan ‘tong pc namin at alam ko na rin kung ano ang problema at pa’no sosolusyunan. hard disk lang pala. ayos na. ilang araw na lang, maaayos ko na rin ‘to. at baka bumili na rin ako ng dagdag na hard disk. hehe.

ano pa ba?

wala na yata.

ayun.

Posted by andoyman at 3:02 pm | permalink | Add comment

Kowts

Tuesday, February 9, 2010

“Vision without action is a daydream. Action without vision is a nightmare.”
-Japanese Proverb.

Posted by andoyman at 5:14 pm | permalink | Add comment

Kowts

“Tell me, I forget. Show me, I remember. Involve me, I understand.”
-Chinese Old Proverb

Posted by andoyman at 3:35 pm | permalink | Add comment

Problematic Computer

Problema ko ngayon ang pc namin dahil nagra-random reboot. Hindi ko alam kung kelan ang eksaktong simula at ano ang pinagsimulan. Basta isang araw, habang ka-chat ko kapatid ko sa facebook, sinabi niya sa akin na biglang nag-restart ang computer kapag magre-restaurant city siya. Akala ko e wala lang ‘yon pero nakailang ulit na gano’n kahit sa ibang application at ibang oras.

Akala ko rin e reformat lang ang kelangan kaso hindi matapos-tapos ang pagre-reformat ko dahil biglang magre-reboot. Sinubukan kong pumasok sa Safe Mode pero hindi pumapasok sa halip, Blue Screen of Death ang na-e-encounter ko. Pusanggala.

Baka sa memory. O kaya sa hard disk ko. Hindi ko alam. Kahit sa mga forum na nabisita ko tungkol sa problemang tulad ng sa pc namin, wala rin akong mahitang sagot kung ano ba talaga ang dahilan ng problema. May mga solusyon at nagawa ko na rin ang mga ‘yon. Nag-download ako ng debugging tools at binasa ang dump files na ginagawa ng computer sa tuwing magre-reboot ito. 

Akala ko PCIIDEX.SYS lang ang problema. Nag-download ako. Isang application. Akala ko matatapos ko na ang problema ko pero linsiyak! Wala namang nagawang iba ang application bukod sa pag-scan sa hardware ko. Kelangan pa ng internet connection at higit sa lahat, ng serial number. Peste. Bukod sa pciidex.sys, meron pa palang isang file na problema na nalimutan ko na kung ano ang pangalan. Langya.

Imposible din namang virus dahil ‘yung ghost file na ini-extract ko papuntang drive c ko e birhen sa mga virus. Kaya nga nagtataka ako kung bakit kahit naibalik ko na ang dati e nagre-reboot pa rin.

Wala pa akong sapat na pera para pumunta at ipakonsulta ang memory o hard disk ko sa mga shop sa Gilmore. Langya. Sana sa memory lang o harddisk lang. Hrrr. Hirap tuloy ako ngayon dahil gagawin ko pa ‘yung header ni xienah. Napa-scan ko na ang mga gusto kong ipa-scan sa tulong ng dati kong kaklase. At nang mapa-scan na nga, computer ko naman ang poproblemahin ko. Hindi ko pa tuluyang magagawa. Pero hahanap ako ng paraan siyempre. Mahigit isang linggo na ‘yon e. Bukod pa roon….aaaargh….dami ko pang balak gawin pero di ko magawa dahil sa pesteng kaartehan ng computer namin! Aaaargh!

Baka sakaling may maitulong ka sa akin. Ito ang karaniwang nangyayari sa pc namin:

1. Biglaang nagre-reboot.

2. Lalabas ang isang dialog box: ‘yung may ’send’ at ‘dont send’

3. Pag tinignan mo ang report, may sinasabi tungkol sa minidump file at sysdata.xml

4. Hindi nagse-safe mode.

5. Walang tiyak na oras kung kelan magre-reboot. Random lang.

 

xG, pahintay ng header mo. Hehe. Pipilitin ko ngayong week na matapos ‘yon. Hehe :D

Posted by andoyman at 9:54 am | permalink | Add comment

Sudden Thought

Monday, February 8, 2010

Biglaan lang. Kapag nakakabasa talaga ako ng mga mapagpaganang mga blog o kahit kowt lang, mabilis na tumatakbo ang utak ko at kailangan ko itong habulin dahil hindi ko na ito maabutan kung mamaya ko pa ako magsusulat. 

Sa kasalukuyan, nasa trabaho ako at may ginagawa pero dahil likas na sa akin ang pagiging pasaway, nagpe-facebook ako. Bigla kong naalala ang isang kowt ni Sir Jim Paredes doon sa puting aklat ni BO. Di ko lubusang maalala kung ano ba ‘yung kowt na ‘yun kaya ginugel ko ‘yung “Humming In My Universe”. Akala ko aklat ‘yun pero blog pala. Pero di ba, may aklat din siya?

At sa simplethoughts.i.ph nabasa ‘ko ‘yung tungkol sa nasa isip ng isang ama tungkol sa distansiya niya sa kaniyang mga anak. At oo, napaka-ironic nang isang relasyon ng isang anak at magulang. Gustong mapalapit ng magulang sa kaniyang mga anak habang gusto namang maranasang maging independent ng isang anak. Nakaka-relate ako. Aaminin ko, hindi ganoon ka-close ang bigkis ko sa aking mga magulang. Madalas kong sinasabi na kulang ako sa yakap pero hindi ko naiisip na nayayakap ko ba sila? Madalas kong iniisip na kaya kong mag-isa pero naiisip ko ba kung kakayanin ba nilang makita ka nilang nag-iisa? 

Sa mga simpleng paraan ng paghalik tuwing aalis ako at maliit na kwentuhan, kahit papaano, nagagawa kong makalapit sa kanila, makilala sila at makilala rin nila ako. Hindi ako hayag sa damdamin ko sa kanila. May dahilan kung bakit. Sa simpleng salita, marahil sasabihin nating takot ako na mapahiya, takot akong mahusgahan, takot akong pangaralan, takot ako sa magiging reaksiyon nila lalo na kung hindi ako ang inaasahan nila. Mahirap.

Habang lumalaki, habang tumatanda, habang nadagdagan ang kaalaman, nagagawa ng isang anak ang tignan ang kaniyang sarili na nasa isang mataas na lugar habang nalilimutan ang mga tama at maling bagay. Nasigawan ko na ang mga magulang ko, nasagot ko na nang pabalang, dinabugan, at makailang ulit akong nakagawa ng maraming bagay na hindi kanais-nais para sa kanila. Kapag galit ka, kapag akala mo tama ka, naiisip mo na “tama ka”, na “sila ang mali”. 

Pero pagdating sa kadulu-duluhan, saka mo lang mapagtatanto na “tama sila”, at malaki ang nagawa mong “kamalian”.  Kasama na rin siguro ng epekto ng mga drama sa telebisyon, pakiramdam ko tama ako, na dapat isigaw ko ang punto ko. Nang lumaki ako, hindi pala tama. Hindi tamang sigawan ang mga magulang katulad ng mga palaging ipinalalabas sa mga drama sa tv. Pero aminin mo, nagawa mo silang sigawan. At hindi natin alam kung gaano kalaking kirot ang mararamdaman nila pagkatapos mong gawin iyon sa kanila. 

Sabi ng tatay ko sa akin minsang nagkaroon ng gusot sa amin, ni minsan, hindi niya sinagot-sagot ang tatay niya. Noong mga oras na ‘yon, pakiramdam ko e naiwala ko na ang lahat ng bagay na kunektado sa akin. Isa lang akong anak na nagkakamali. Isang anak na pagkatapos ng kaniyang mga kamalian, babalik sa mga magulang at hihingi ng tawad. At ang mga magulang, gaano man kabigat ang nagawang kasalanan ng anak, patatawarin pa rin nila.

And I think, ang panahon ng mga puso e hindi lang pagsasabi ng “Mahal kita” o “I love you” sa kapartner mo. Mas maganda kung sasabihan mo rin ang mga magulang mo…dahil ito ang mga panahong madalas, hindi natin sila nasasabihan kahit panahon pa ng mga puso.

:D

Posted by andoyman at 4:18 pm | permalink | Add comment

Sahod

Saturday, February 6, 2010

Noong unang araw ng Pebrero, nakuha ko ang sahod ko para sa apat na araw kong pagpasok sa kumpaniya. Nagulat nga ako nang biglang mag-abot sa akin si Ma’am Cathy ng isang maliit na parihabang papel na may pangalang “Andy”. Pagkatapos, pinapirmahan niya sa akin ang isang papel. Di ko alam ang tawag doon kaya “resibo” na lang ang ipapangalan ko.

Hwoohoo!!!

Hindi ko na sasabihin kung magkano basta meron na! Hwahahaha!

Hindi talaga ito ang pinakauna kong sahod. ‘Yung pinakauna, kung hindi isasama ang sahod na nakukuha ko at ng aking kapatid kay Mama sa tuwing maghuhugas ako ng plato at siya naman ay magwawalis, ay noong nag-Student Assistant ako sa iskul. Obligado kasi akong maging alipin ng mga professor dahil isinama ‘yon sa Scholarship Program na iniingatan ko. Pero kalahating sem lang ‘yon nagtagal dahil may mga nagreklamo ‘ata. O baka napagtanto ng pamunuan ng eskwelahan na mas lugi sila dahil sinasahuran pa nila ang mga iskolar na hindi buo kung magbayad kasi nga iskolar.

Unang labas ng sahod ko, ibinigay ko sa kaibigan kong nangangailangan ng tulong. Pero naibalik pa rin naman ‘yon. Nalimutan ko na lang kung saan ko ginastos.

‘Yung isa na naman “unang sahod” ko e ‘nung nag-training nga ako sa isang kumpaniya sa Ortigas. Pagkain, may aklat, at pang-internet sa comp shop ko yata nagastos ang mga pera ko. Madalas sa internet, pagkain, at konting tulong sa pagbili ng bigas napupunta naman ang mga kinikita ko sa tuwing may magpapagawa o magpapaayos sa akin.

Pero etong sahod ko na ‘to ngayon, marami pa rin ang natira. Hahahaha. Talagang kinontrol ko ang sarili ko para sa pampamasahe ko at pang-merienda. Pugad Baboy 21, Book3 ng Trese, at Kapitan Sino lang naman ang binili ko. Plus, limang Bread Stix at isang Piknik. Tapos, baka pizza o baka palabok para sa mga magulang ko. ‘Yon lang naman. Hindi naman ako mukhang magastos di ba? Kuripot nga ako e. Hahahaha.

Asteg.

Posted by andoyman at 12:32 pm | permalink | Add comment

Wala lang: #09

Balak kong simulan ‘to sa pagiging “outerspace”. Iyon kasi naisip ko habang naglalakad minsan papuntang opis. Parang ganito:

Magsusulat ako ngayon…pero ano isusulat ko? Tungkol sa ano? Tungkol sa kanino? At bakit ako magsusulat? May dahilan ba ang pagsusulat ko nito? Aanhin ko ‘to? Bakit ako nagsusulat? At pagkatapos magsulat, ano na ang gagawin ko? Pero makakapagtapos ba ako sa pagsusulat kung hindi pa ako nakakapagsimulang magsulat? Kailan ako magsisimulang magsulat? Pero di ba, nakapagsimula na akong magsulat? Nagsusulat na ako ngayon, di ba? Pero bakit ako nagsusulat? At wala na tuloy akong maisip isulat.

Ayun. Parang gano’n lang. Wala lang. Kung anu-ano na namang kawirduhan pinaggagawa ko. Asteg. Anganda ng kanta. “Ziggy Stardust” ni David Bowie. Nalaman ko ang kanta na ‘to nang mabasa ko sa Myx mag sa special issue nila para sa Eraserheads na ito pala ang opening song nila para sa unang reunion concert nila. Na-curious ako dahil tungkol daw ang kanta sa naghiwalay na banda. Ayun. Anganda pala. Asteg.

Thursday ngayon at bagsak na ang mga mata pero gusto kong magsulat kasi sinabi ko sa sarili ko na gusto ko magsulat ng mga nangyari bago ko pa malimutan. Last day na bukas ng May Bukas Pa. Nanonood ako niyan pero paputol-putol kasi madalas, paulit-ulit na lang ‘yung kwento e. Pwera nitong linggo na ‘to lalo’t matatapos na. Pero grabe ‘yung ibang palabas, sa 2 man o sa 7. Pusanggala! Nakakabobo sobra! Parang pinapaliit ang utak ng manonood e! Nakatutok na ‘yung baril, di pa binaril ‘yung kontrabida. Natalo pa tuloy ‘yung lalaking nanutok ng baril! Anak naman ng–! Kaya nahahasa ang pagiging tanga ng mga manonood e dahil sa mga napapanood nilang katangahan sa TV. Tapos ipapanood mo pa sa mga bata. Nakow! E di paglaki ng mga bata, tanga rin! Pusanggala talaga. Higit sa lahat, mataas pa raw ang rating! Mahilig ba talaga tayo sa mga katangahang eksena?

Ehem. Medyo magaan na ang pakiramdam ko ngayon kahit inuubo at sinisipon ako. Noong isang araw pa ito e tapos lumala kahapon. Habang nasa opisina ako, hinang-hina ako. Ambilis mangalay ng katawan ko. Grabe. Ayaw ko man mag-traysikel sa pagpunta at pag-uwi, nag-traysikel pa rin ako para hindi agad mapagod ang katawan ko at baka mabinat. ‘Yung si Kuya Jonathan, um-absent ng dalawang araw dahil nilagnat. Akala ko, ako na ang susunod lalo’t katabi ko pa siya.

Kahapon, siesta sa opis dahil wala ang dalawang bossing! Hwehehehe! Gusto ko mang tuluyang magsaya kape-facebook, di ko lubusang magawa dahil nanghihina nga ako. Pero hindi naman ako facebook nang facebook lang, no! Gumagawa rin naman ako. Hehe. Ang opisinang walang imikan, puno ng katahimikan, minsan tensiyon, at tila walang pakialamanan e nagkaroon ng mga tawanan at asaran sa isa’t isa dahil wala ang mga pusa.

Friday. Katatapos ko lang manood ng May Bukas Pa. Asteg. Hehe. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakasabay ko sa pag-uwi ang mga kasama ko sa trabaho. Hwahehehe. Wala ang dalawang bossing kaya noong mga dapit-hapon, panay na ang kulitan at asaran tapos piktyuran. Hahahaha. Puro kami tawanan at hagikgikan. Hehehehe. Di ‘yon nangyayari kapag nandiyan ang mga boss. Madalas e tahimik lang sa loob ng opisina. Kaya ayun, bigla na lang sumasabog ang mga mahaharot na ugali. Hehe.

Kagabi, bagsak na bagsak na talaga ang mata ko. E gagamitin ng kapatid ko ang computer kaya naputol ang pagsusulat ko. Ngayon ko na lang itinuloy.

Saturday. Nagloko ang PC. Nagkukusang mag-shutdown. Ni-repair ko kanina. Akala ko ayos na. Hindi pa pala. Hrgh.

Hanggang dito na lang nga. Hay.

Posted by andoyman at 12:30 pm | permalink | Add comment

Sa Loob ng Elevator

“Hi,” nakangiti mong unang bati sa kaniya pagkatapos niyang pumasok sa loob ng elevator. Kayong dalawa lang ang nasa loob at hindi mo inaasahan iyon. Pauwi ka na galing ng trabaho at nasa mataas na floor ang inyong opisina. Pagod ka sa dami ng trabaho kaya hindi mo maiwasan ang mga ganitong oras ng uwi. Mga ilang minuto pagkatapos ng ikalawa at kalahati ng madaling araw ang basa mo sa iyong relos bago mo narinig ang “ting” ng elevator saka nagbukas. Pumasok ka at ang akala mo ay bababa na ito ngunit umakyat pa pala ng isang floor. At pagbukas ng pintuan ng elevator, nabigla ka sa isang mala-diwatang anghel na kagandahan nang pumasok ang dalaga. Napapatanong ka tuloy sa iyong sarili kung bakit sa itinagal-tagal ng pagtatrabaho mo sa loob ng inyong building ay ngayon mo lang nakita ang babaeng iyon.

“Ako nga pala si Joel,” agad mong pagpapakilala sa kaniya. Lihim kang tumitingin sa kaniya gamit ang reflection sa dingding ng elevator. Nalulusaw ka sa maamo niyang mukha at sa suot niyang simple ngunit magarang kasuotang pang-opisina. Isinunod mong binanggit ang iyong position at ang kumpaniyang pinagtatrabahuhan mo. Umaasa kang makikilala mo siya ng mga sandaling iyon at magsisimula ang isang kwentuhang magpapalapit sa inyong dalawa subalit hindi siya sumasagot at tila binging iniisnab ang mga sinabi mo.

Napalunok ka sa iyong pagkapahiya kasabay ang pagsabi sa iyong sarili ng: “Hmp. Suplada.”

Patlang.

Maya-maya, nang wala man lang kaabi-abiso, biglang tumigil ang elevator at nag-off ang ilaw nito. Napahawak ka sa iyong sinasandalan at inilibot ang iyong mga mata sa buong paligid upang malaman kung anong nangyari. Saka mo napansin na tila natatakot ang babaeng kasabay mo sa loob.

“Miss, ayos ka lang ba?” agad mo siyang tinignan at tumingin rin siya sa iyo at tumango. Nababanaag mo sa kaniyang mukha ang takot. Maagap mo siyang nilapitan at inakbayan upang bigyan ng kahit papaano’y kapanatagan ng kalooban. Ramdam na ramdam mo ang panginginig ng kaniyang katawan. “O-ok lang ako. Ok lang ako,” nangangatal ang kaniyang boses at maya-maya lang ay may gumuhit ng luha sa kaniyang mga mata.

Dahan-dahan kayong napaupo sa isang sulok ng elevator habang pilit mo siyang pinakakalma. Pumasok sa isip mo na baka claustrophobic ang babaeng kasama mo ngayon dahil sa panginginig sa takot ng kaniyang katawan. Kaya dalian kang nag-isip ng paraan upang humupa ang takot na kaniyang nararamdaman. “Miss, tingin ka sa akin. Huminga ka nang malalim. Ayan. Ganiyan. Mag-isip ka ng isang malawak na lugar. Isipin mo nandoon tayo ngayon. Good. Mag-focus ka sa iniisip mong iyon. Ayan.”

Unti-unting nababawasan ang panginginig at pangangatal ng kanyang boses. Sa kalagitnaan ng kaniyang takot, pinilit pa rin niyang magsalita upang magpasalamat. “S-salamat.”

“Wala ‘yon. Basta mag-isip ka lang ng malawak na lugar para hindi ka gaano matakot,” nakangiti mong pagpapakalma sa kaniya. Sumagot rin siya ng isang maliit na ngiti.

“Ano ba ‘yan? Nag-brown-out pa. Tsk,” pabulong mong reklamo sa iyong sarili na inambunan naman ng positibong tugon, “Di bale. Maganda naman ang kasama ko e.” Nakaakbay ka pa rin sa kaniya at hawak-hawak ang kaniyang mga kamay. Damang-dama mo ang lambot ng mga kamay niya at ganoon din ang lamig na dala ng takot. Nababanguhan ka sa amoy ng kaniyang buhok na humahalo sa pabangong bumabalot sa kaniya. Ilang minuto muna ang nagdaan bago niya binasag ang katahimikan sa loob ng maliit na espasyong kinaroroonan ninyo.

“Ako nga pala si Marissa,” medyo nahihiya ang kaniyang boses na mababakasan pa rin ng kaunting takot.

“Huh?”

“Di ba tinanong mo kanina kung ano ang pangalan ko?” nakatingin niyang sabi sa iyo. Malapit lang ang distansiya ng inyong mga mukha kaya kitang-kita mo ang mabibilog niyang mga mata na tila tumatagos hanggang sa iyong kaloob-looban. Parang nalulusaw ang iyong puso sa ganda ng kaniyang mga tingin.

Nakatawa kang sumagot, “O-oo nga pala. Hehe. Akala ko masungit ka talaga eh.” Nakangiti siyang tumungo pagkatapos mong muling tumingin sa kaniya.

“So Marissa, matagal ka na ba dito sa building? Anong kumpaniya ka pala nagtatrabaho?” Inaasahan mong sasagot siya pero nahalata mong lumuluha na pala siya. Nagtangka kang magtanong, “Um…Marissa? Ayos ka lang ba? Try to think of wide spa—“

“No. No. Wala ‘to. May naalala lang kasi ako,” agad niyang tinanggal ang kaniyang mga kamay mula sa pagkakahawak mo at maagap na pinunasan ang luhang dumadaloy sa kaniyang pisngi. Saglit kang tumahamik at nakiramdam bago muling nagsalita.

“Kung ayos lang sa ‘yo, pupwede mo namang sabihin sa akin at baka, malay mo, makatulong ako sa ‘yo.”

“’De. Kahit hindi na,” agad siyang ngumiti sa ‘yo. “S-salamat na lang.”

“You know, I can help you. Tungkol sa ano ba ‘yan? Tungkol ba ‘yan sa family? Sa career? I think, wala namang masama kung ise-share mo sa akin ‘yang nararamdaman mo. Gagaan pa ‘yang dinadala mo kapag may taong nakinig sa mga problema mo. ‘Wag ka ng mahiya sa akin. Tell it and I will listen.”

Nagbuntung-hininga muna siya saka ipinatong ang kaniyang baba sa kaniyang tuhod at niyakap ang kaniyang mga binti bago malungkot na nagkwento. “M-may boyfriend kasi ako. Matagal na rin kami. Mula pa noong college. Siguro over 7 years na rin kaming mag-on. Mabait siya at sobrang maalalahanin. Napaka-supportive din niya sa akin. We were in a steady relationship. Wala na akong ibang mahihiling pa. Sabay kaming nangangarap mula sa aming magiging kasal, sa dream house, at sa kung ilan ang magiging anak namin. It was a very beautiful relationship that one could ever wish for. Then a few months after ng 7th anniversary namin, parang may nagbago. Hindi ko alam kung ano ang nagbago pero parang nakaramdam ako ng something na alam kong magiging mitsa ng isang malaking problema sa aming relationship.”

Saglit siyang huminto saka muling nagpatuloy. “Walang third party. Lilinawin ko lang. Wala talagang third party. It’s just, there is something in him na parang lagi niyang dala-dala at inaalala. Whenever I asked him tungkol sa kung ano ang iniisip niya o kung may problema siya, hindi siya umaamin. He always tell me that there is nothing to worry and then he will show me a fake smile. He can’t fool me. I believe in my intuitions. And I know him so much. Our souls are like connected to each other and I know there is something wrong. That there is something that he always carries and worries a lot. Sa tingin ko, parang isang napakalaking problema pero ayaw lang niyang sabihin sa akin. And anong magagawa ko? I always try to make him smile just to light up his day.

“And even araw-araw kaming pumapasok sa trabaho at palaging magkasama, he never uttered a single word about that ‘something’ which worries him. I thought na baka may sakit siya pero wala naman. Ayos naman ang pamilya niya at ang trabaho niya. Pati ang relationship namin, maayos naman. But still, nararamdaman ko pa rin na may isang bagay na sobrang nagpapabigat ng kaniyang kalooban and I don’t have any ideas kung ano ‘yon? I just pray na sana kung anuman ‘yon e malagpasan niya. And one day, sasabihin niya sa akin kung ano ‘yon.”

Patlang.

Hinayaan mo muna siyang tumahimik at muling punasan ang kaniyang mga namumugtong mga mata. Sinusubukan mong pakalmahin ang kaniyang kalooban. Maya-maya, ipinagpatuloy niyang muli ang pagkukwento.

“And then one sunny day, wala akong kaide-ideya. Siguro lunch break ‘yon. Hinahanap ko siya para sabay kaming mag-lunch pero hindi ko siya makita. Hanggang sa may tumawag sa aking officemate ko. Sa lakas ng tono ng kaniyang boses at sa galaw ng kaniyang katawan, alam kong pinamamadali niya ako dahil may nangyaring kung ano. I was very nervous habang tumatakbo kami. At sa loob ng CR ng mga lalake, I found him hanging in the ceiling. A telephone cable was tied around his neck. Sobra akong nanlumo sa nakita ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa likod pa lang ng katawang nakabitin sa kisame, alam kong siya ‘yon! Ang boyfriend ko! He committed suicide. He committed suicide!” bumuhos ang mabibigat na luha sa kaniyang mga matang kanina pa umiiyak. Tumatagos sa iyong dibdib ang kaniyang walang tigil na paghagulgol.

Agad mong siyang inalo habang patuloy sa pagtagas ng luha sa kaniyang mga mata. Wala kang magawa kundi aluin siya. Walang salitang lumalabas sa iyong bibig na magpapagaan sa kaniyang kalooban. Walang magawa ang iyong sariling kanina lang ay malakas ang loob na nagpakilala sa kaniya. Nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita kahit hirap ng huminga at panay ang pagsinghap, “M-mahal ko siya… S-sobrang mahal ko siya…”

“Sshh…I know…I know…Mahal mo siya…Tahan na…Tahan na, Marissa…” niyakap mo ang babaeng kanina lang ay balot ng takot ngunit ngayon ay punung-puno ng kalungkutan ang puso. Paulit-ulit mo siyang pinapatahan habang umaalingawngaw sa apat na sulok ng elevator ang kaniyang hikbi at pag-iyak.

“Don’t worry. I’ll be here for you. Mula ngayon, magkaibigan na tayo.” Winika mo ang mga salitang ito bagama’t ang una mo talagang gustong mangyari ay maging nobya siya. Ngunit wala ka rin namang magagawa dahil nalulunod sa kalungkutan ang babaeng kasama mo ngayon sa loob ng elevator. Alangan namang samantalahin mo ang pagkakataon para pumorma sa kaniya?

Pagkatapos, itinaas niya ang kaniyang ulo at nakangiting tumingin sa iyo, “S-salamat…Joel…” Parang musika sa iyong tainga nang marinig mo ang pagbanggit niya ng iyong pangalan. Isang maginhawang ngiti ang isinukli mo sa kaniya.

Biglang nagkailaw at umandar ang elevator. Agad kayong tumayo at dumistansiya ka sa kaniya. Gayunpaman, mayroong mga ngiti sa inyong mga mukha. “Paglabas natin dito, ililibre kita sa labas para naman gumaan ang loob mo.” Nakangiti lang siyang tumango.

*Ting*

Agad kang humakbang palabas ng elevator pagkabukas ng pinto at nakita mo ang mga nag-aalalang security guard na sumalubong sa ‘yo. “Ser, kamusta po kayo? Ayos lang po ba kayo? Bigla po kasing nag-brown-out kaya huminto ang elevator.”

“Oo, oo. Ayos lang ako. ‘Wag niyo na akong alalahanin. Siya muna dapat ang –” Ngunit paglingon mo ay wala ka ng makitang ibang sakay sa loob ng elevator. Ni anino ng babae ay wala kang mahanap. Agad namang nagsalita ang isa pang security guard, “Ser, wala po kayong kasama nang magbukas ang pinto. Wala po kaming nakitang iba bukod sa ‘yo. Kayo lang po talaga ang nasa loob ng elevator.”

Ilang segundo kang hindi nakapagsalita. Mabilis at sigurado ang bawat pagbalot sa iyo ng pangingilabot at tumindig ang lahat ng iyong balahibo. Nanlaki ang iyong mga mata at biglang pinawisan. “H-hindi maari…K-kanina may kasama ako…”

“Ser, wala po talaga.”

Agad mong naalala na matagal na palang abandunado ang floor sa taas ng inyong opisina dahil sa isang babaeng nagpatiwakal sa loob ng CR. Saka mo rin naalala ang mga kwento tungkol sa isang babaeng nagpapakita sa elevator tuwing 2:30 hanggang 3:00 ng madaling araw. Hindi ka makapaniwala. Ayaw mong maniwala.

“Sh*t!”

Posted by andoyman at 12:30 pm | permalink | comments[1]

Exemption

Madalas naririnig ko dati, “exemption to the rule” lalo na kapag tila butas na ‘yung dinedepensa mong paniniwala.

Ang tanong ko, may “exemption” din ba ang “exemption to the rule”?

Posted by andoyman at 12:27 pm | permalink | Add comment

Kowts

“If a man keeps cherishing his old knowledge, so as continually to be acquiring new, he may be a teacher of others.”
-Confucius

Posted by andoyman at 12:26 pm | permalink | Add comment

Miss, ano number mo?

Tuesday, February 2, 2010

Sa isang entry ni xG, nabasa ko ‘yung tungkol sa isang lalakeng biglang sumulpot at nagtanong ng kung anu-ano sa kaniya para magpakilala. At siyempre, kasama roon ‘yung pagtatanong kung ano cellphone number niya. Buti na lang, hindi niya talaga kabisado sarili niyang cellphone number kaya hindi niya naibigay at hinding-hindi rin naman niya ibibigay. Kaya ang nangyari, umuwing bigo si lalake. Hehe.

Naalala ko minsan noong nasa bus ako pauwi galing iskul, may magandang nakasakay sa bus. Medyo boyish ‘yung look niya pero cute. Noong bumaba na sa bus, matuling tumakbo sa isipan ko kung makikipagkilala ba ako sa kaniya o hindi. At humantong ako sa desisyon na “Do or die na!” Ayun, walang kaabug-abog, lumapit ako sa kaniya at biglang nagtanong ng parang engot:

Ako: Ah miss, pwede magtanong?
Siya: Ano ‘yon?
Ako: Ano’ng pangalan mo?

Putik! Natawa siya! Hahaha! Mukha yata talaga akong kenkoy noong mga panahon na ‘yon. Hahaha. Sinabi naman niya ang pangalan niya tapos nagkakwentuhan pa kami habang naglalakad. Dalawa o tatlong taon yata ang tanda niya sa akin pero sabi ko ayos lang.

Ayun, kwentuhan. Kwentuhan. Tapos nagtanong ako. Pero dahil nahihiya akong itanong ang number niya, ang tinanong ko e kung ano ang e-mail address niya! Pusanggala! E-MAIL ADDRESS??? KAYA MO ‘YON??? Ulangya, natawa na naman siya. Siguro sa isip-isip n’on, andami namang pwedeng itanong tapos e-mail address pa. Hahahah. Kaya ang sabi niya sa akin, number na lang daw niya kasi pampersonal daw ang email niya. Sa totoo lang, balak ko kasing hanapin siya noon sa friendster kaya email add ang hinanap ko. Hehe.

Tapos, naka-text ko siya ng 2-3 araw. At sakto pa sa birthday niya ha! Hahaha. Belinda ang pangalan niya. Ikinuwento ko siya sa mga kaklase ko at ang sabi naman nilang pangalan para asarin ako, baka raw Brando ang pangalan n’on at hindi Belinda. Tapos tumawa sila nang napakalakas. Putik. Pagkatapos ng 2-3 days, wala ng text-text pero patuloy pa rin sa pang-aasar mga kaklase ko sa akin.

Napapansin ko lang, hindi ko itinatabi ang sarili ko, bakit madalas ang unang kinukuha nating mga lalake e ‘yung number ka’gad? Halimbawa, ‘yung isang kaklase ko na gustong kunin ang number ng babaeng taga-make-up noong graduation pictorial namin. Unang gusto niyang malaman na ipinagawa naman niya sa ibang tao e kung ano ang number ng dalaga. Napaisip ako: hindi mo pa alam ang pangalan ng isang tao, number ka’gad ang kukunin mo?

Naikwento ko na ‘yon dito minsan. Si Ela ang tinutukoy ko at ‘oo’, nahingi ko nga number niya pagkatapos kong tanungin ang pangalan niya at casual na nagpakilala sa kaniya. Pero hindi sa kaniya mismo nanggaling ang pagsasabi ng cellphone number niya pero doon sa isa nilang kasama na taga-picture noong graduation…at may basbas ‘yon mula sa kaniya. Pero dahil madalas wala akong pang-load, hindi rin nagtagal ang komunikasyon. Sayang. Hanggang ngayon, nanghihinayang pa rin ako.

Karaniwan din sa mga testimonials na nababasa ko sa friendster at mga hirit ng kung sinumang lalake–na ipagmamalaki ko naman na hindi ko ginawa sa mundo ng internet…ahm…bale…sa chat lang pala dati…noong hayskul pa ako…hehe–madalas hinihingi ang cellphone number ng babae. Halimbawa na lang sa youtube page ni Carmina Topacio, may mga lalaking nanghihingi ng number niya dahil kras na kras daw o idol na idol siya tapos sasabayan pa ng ‘please’ tapos smiley o kaya mga pick-up line. Panigurado, sa poser page niya sa friendster, marami ring nanghihingi. Hindi lang siyemps sa kanya kundi sa iba pang babaeng may magandang mukha. Ang hindi ko lubos maisip, ganoon na ba talaga kadesperado ang karamihan sa aming mga lalake lalo na sa mga magagandang babae na madalas ang unang hinihingi e ‘yung cellphone number kahit hindi naman kilala ang babae bukod sa pangalan na nabasa sa site? (Anlakinamproblemako)

Ngayon, sasabihin mo, “Anong gusto mong gawin namin?” o di naman kaya, “Ang-KJ mo!” Ang ipinupunto ko lang naman, ANONG HIWAGA BA’NG MERON SA CELLPHONE NUMBER AT MADALAS IYON ANG HINIHINGI NATING MGA LALAKENG MAKATI SA CELLPHONE AT MABILIS MAAKIT SA MAGAGANDANG MUKHA??? ANO BA’NG HIWAGA MERON ANG MGA MAGAGANDANG BABAE AT IYON ANG MADALAS GUSTO NATING KAIBIGANIN??? O KUNG HINDI MAN, GUSTONG MAGING GF???(Inuulit ko, hindi ko itinatabi ang sarili ko)

Hmm…Kung tatanungin mo ako, para kasi sa akin, gusto ko kasing may komunikasyon ako sa kaniya para magkakilanlan kami. Parang, nakikipagkaibigan. At hindi ko itinatatwang madali rin akong maakit ng maganda.

At dahil nabanggit ko ang dahilan ko, napaisip ako ngayon, bakit ko nga pala siya gustong makilala? Bakit ko gustong kaibiganin ang isang babaeng nakita ko sa internet? Bakit gusto kong maglaan ng oras sa isang taong tanging alam ko e pangalan at mukha?

Dahil maganda siya?

Naisip ko: Maraming tao sa lahat ng lugar ang maaaring nag-iisa at walang kaibigan o kumakaibigan sa kaniya. Maraming mga batang nasa lansangan at namamalimos at mas nangangailangan ng atensiyon. Maraming taong may “kakaibang katangian” na nagpapahirap sa kanilang pamumuhay araw-araw at madalas, tinutuya at itinatakwil ng lipunan. Maraming tao ang nilalayuan at pinandidirian dahil sa taglay niyang sakit. Maraming tao na dinidiskrimina natin dahil maitim, pango, isang katutubo, matigyawat, duling, banlag, bulol, bulag, pipi, bingi, pilay, maigsing mga paa, walang kamay, mongoloid, autistic, special child, at panget. Marami ring tao ang iniwanan ng kaniyang mga dating kaibigan. Maraming ganiyan.

Parang bo-malabs pala ang dahilan ko na dahil “maganda” lang. Ang bo-malabs ko pala talaga. Ayaw ko nang maging bo-malabs ulit.

Pero may solusyon naman sa problema kong ‘yan e. Ika nga ni Tomas Sabaybunot ng Pugad Baboy, “Para kang si Igno eh. ‘Kasin, kinikilabutan ako pag dumadaan ako sa Hamon street sa gabi.’ E-DI-H’WAG-KANG-DU-MA-AN-SA-HA-MON-STREEEET!” Kaya ayun, hindi na nga ako nanghihingi ng number ng babaeng natitipuhan ko. Hehe.

Pero ang talagang tumatakbo sa isip ko kaya nasimulan ko ang kwentuhan na ‘to, bukod sa gusto kong malaman kung ano kayang nararamdaman ng mga babae sa tuwing may nagtatanong sa kanilang mga lalake na gustong hingiin ang cellphone number nila, e ano kaya ang mararamdaman ng mga babae kung sakaling may lumapit na isang lalake sa kanila at ganito ang itatanong:

Lalake: Hi miss, ahm…pwede bang matanong kung anong number magandang tayaan sa lotto?

Grabe. Pakiramdam ko, anlayo ng tanong ko sa isinulat ko sa taas. Hwoo. Wala ring kwenta.

Sa ngayon, awa ng Diyos, hindi ko pa nagagawang manghingi ulit ng cellphone number ng babae…kasi may sarili naman akong cellphone number. Hehe.

Asteg ‘no? Kung hindi cellphone ang sapilitang kukunin sa ‘yo, hihingin naman ang cellphone number mo. Hehe.

Posted by andoyman at 7:15 pm | permalink | comments[18]