andoyman
Pakikipagtampisaw kay Writing
Nahihirapan akong ligawan ngayon si Writing. Moody siya. Kung gusto niya ngayon na, ngayon na dapat. Minsan, gusto naman niyang magpahinga kasi napapagod din naman siya. Kung minsan naman, gusto niya ngayon pero kapag nandyan na ako, aayaw na. Halimbawa, yayayain ko siyang makipagkwentuhan tungkol sa nangyari sa akin noong isang araw ilang taon na ang nakararaan. Sa una, um-oo siya pero maya-maya, pagkatapos kong magbihis, magpabango, mag-transcend sa parallel universe, saka niya ako ite-text na huwag na lang dahil ayaw na niya. May menstruation daw siya.
Ayaw ko naman siyang pilitin dahil ang bagay na pinipilit, masakit.
May times na parang andami kong gustong ikwento pero wala siya. Di nagre-reply sa mga text ko. O wala sa mood. Minsan naman, malayo pa lang, naaamoy ko na ang mabango niyang halimuyak at natatanaw ko na ang nakapang-aakit niyang alindog, tapos saktong busy ako o ako naman ang wala sa mood (pero wala naman talaga ako sa mood kasi nasa earth ako).
Ilang beses nang nangyari 'yan. Sasabihin ko, saglit lang pero napapatagal hanggang sa nakalimutan ko na. Mahirap pa naman siyang habulin. At lagi pang nagpapahabol. Ambilis. Ngunit kapag nahabol mo naman, o yay, kaligayahang walang sarap!
Siguro nagtatampo siya sa akin ngayon. Mahirap i-maintain ang relationship sa kanya pero di naman ako sumusuko. Baka kailangan ko lang siyang mas lambingin at kalabit-kalabitin ng mas madalas at maraming beses, baka bibigay rin at lalandiin na ako.
Baka nagtatampo rin siya dahil madalas na akong hindi nagsusulat. Akala niya siguro, talagang nakalimutan ko na siya. Alam niya kasing may notebook ako para sa mga idea pero kapag nagte-text siya sa akin, hindi ko nasusulat ang mga sinasabi niya kasi nga, ayun, sasabihin ko, saglit lang. Tsk.
Sana nagbakasyon lang siya ngayon kasama ang mga kaibigan niyang sina Reading, Watching, Surfing, Thinking, at Playing. Sa totoo lang, si Drawing kasi ang mas nakakasama ko ngayon eh. 'Yung iba, hindi ko na rin madalas nate-table. Baka nagsama-sama sila't nagtayo ng unyon at magra-rally ng "We need your attention, Mr. John Lloyd Crook!"
May times din na habang nagkukwento siya, na-a-absent-minded ako o naiiba ang tingin ng diwa ko sa ibang chicks. Siguro napapansin niya 'yun. Nakow!!! Anhirap talagang maging gwapo!
Hindi naman niya hinihingi lahat ng oras ko. Ang gusto niya lang eh pansinin ko siya sa oras na gusto niyang pansinin ko siya. Katulad ngayon, kahit paputol-putol ang pakikipag-usap ko sa kanya dahil minsan bigla siyang di iimik (at marahil, nakulitan na rin sa akin kakalabit ko sa kanya nitong mga nagdaang araw), eto at magka-holding hands ang aming puso. Though, nagtatampururut pa rin siya sa akin. Pero ayos lang.
Ang mas mahalaga, magkausap ulit kami ngayon :)
Kowts
A great pleasure in life is doing what people say you cannot do.
-Walter Bagehot
Long Hair
Barber’s cut lang ang tanging istilo na buong pananampalatayang nanalig sa aking buhok mula noong bata pa ako. Kahit ilang beses ko nang pinagtaksilan, tinalikuran, at iniwasan, tanging ang gupit na ‘yan ang may malaking tiwala sa akin kaya palaging ‘yan lang din ang haircut ko.
Pinakalbo ako ng nanay ko noong sanggol pa ako sa paniniwalang lalago ang buhok pag laki ko. Eto nga, malago. Ang side effect lang, nagmumukhang malaki ang ulo ko kaya dapat laging ginugupitan ang buhok ko. Wala naman akong gaanong problema sa istilo ng gupit ko. Asteg pa nga dahil kapag bagong gupit, masarap hawak-hawakan ang bagong ahit na patilya at kapag mahangin, ramdam mo ang pagguhit ng hangin sa may tenga mo.
Crew cut o crook cut yata ang tawag dun. Iyon ang ihe-haircut sa akin. Lagi kong kasama Daddy ko kapag magpapagupit. Kung abala naman siya, pinsan ko naman ang kasama ko. Minsan, nagpagupit ako kasama ang pinsan ko. Dapat, flat top ang igugupit sa akin kasi ‘yung gusto ng Daddy ko. Um-oo lang ako sa suggestion nya. Napilitan lang ako.  Gugupitan na ako nang mamroblema si manong. Bilog daw ang ulo ko at di pwede ang flat top kaya crew cut (crook cut) na lang. Okey lang naman sa akin. Ayos na sana ang lahat kung hindi lang humirit ang isang barbero na “malaki ang ulo”. Basta, ‘yung salitang iyon ako naasar. Oo na, malaki na ulo ko. Pero dapat ba talagang magbiro nang ganon? At tumawa nang ganon? Tsk.
Kaya mula noon, ganun na ang buhok ko. At kaya dahil din do’n, tampulan ako ng asar ng kapatid ko ng “buko!” kasi bilog at malaki ang ulo ko. Naranasan ko ring biruin na ‘mamamatay ang butiki kapag nahulog sa ulo ko’. Madalas ang birong ‘yan sa akin lalo noong nagpa-semi-kalbo ako. Napendong din ako. Kaya noong napuno na ako, sabi ko, ayoko na ng ganoong klase ng gupit.
Nagpapahaba ako ng buhok noon pero lagi akong sinasabihan ng magulang ko na magpagupit na. Kaya minsan, pagkatapos kong maligo, napag-trip-an kong pantayin ang bagito kong bigote. Putek. Anggaling ko!!! Hindi pantay ang nagawa ko. Nainis na ako kaya inahitan ko na lang. Kung papansinin mo ‘yung nasa picture sa itaas, ang nasa gitna ang estado ng buhok at balbas ko. Lagi kong inaahit ang bigote ko. Sa totoo lang, matagal ko nang balak magpahaba ng buhok at balbas. Ilang beses binalak, ilang beses din naudlot kasi: may job interview, mag-a-apply, etcetera. Pero ngayon, itutuloy ko na ‘to.
Nakailang experiment na rin ako ng istilo ng gupit na babagay sa akin. May longback, may syokoy, may clean look, at, hay, barber’s cut ulit. Sabi ko noon, hindi na ako babalik sa barber’s cut pero ayun, bumabalik pa rin ako.
Ngayon, ermitanyo look na ako. Wala na akong pakialam kung terorista o holdaper ang tingin sa akin ng iba. Problema na nila ‘yun at ng mapanghusga nilang ugali. Gusto ko ng ganito kaya gusto ko ng ganito. Hindi naman mahirap intindihin ‘yun.
Isa pa, pakiramdam ko, mas nagiging creative ang utak ko kapag mahaba ang balbas ko. Iyon naman kasi talaga ang dahilan. At kung magpapahaba ako ng balbas, alangan namang maiksi ang buhok ko. Ampanget naman ata nun. At gusto ko rin kasing mag-ipit ng buhok. ‘Yung naka-pony tail. ‘Yung parang samurai. Ganun. Basta gusto ko lang talaga.
Suggestion ng kapatid ko, dahil malago ang buhok ko, magpa-relax daw ako para numipis at nang umunat. Parang gusto ko pero umayaw ako. Virgin pa ang buhok ko. Gel o floor wax lang ang nilalagay ko. Pero ngayon, dahil mas nairita na ako sa fashion, ayoko na mag-style-style. Nakakabanas lang kasi. Minsan, maganda ang pag-aayos mo. Kapag humaba lang konti, nget-pax na. Nakakabanas din kapag nasa bus tapos malakas ang ihip ng hangin. Nagugulo ang inayos mong buhok. Maba-badtrip ka lang. Pero kung mahaba ang buhok ko, hwaha, ako naman’ng manlalatigo ng buhok sa kanila. Ang solusyon ko naman sa malago kong buhok e nagsusumbrero ako para sumiksik iyon at numipis tignan.
Kung hindi ako magugustuhan ng babae sa ganitong ayos ko, di ko na problema ‘yun. Masyado siya. Sinabihan nga ako ng katrabaho ko na kung ba’t ako nagpapahaba ng hok-bu, andumi ko raw tuloy tignan. Pa’no na raw niyan magkakagusto ang babae sa akin. Sabi ko, kung mahal ako ng babae, dapat mahal niya rin ang itsura ko. Sabat naman ng isa, UL**!
Sabi naman ng isa kong katrabaho, siguro, unconsciously, nasa utak ko na na kapag artist, dapat mahaba ang buhok. Siguro nga ganun.
Hmm. Gusto ko ring i-try ang ala-Bob Marley na buhok, ‘yung buhok na kontinente ng kuto.
E kung punks na buhok?
O afro?
E kung i-try ko kaya ‘yung isang style ng buhok na nabasa ko sa Kikomachine Komix? Hahahaha.
E kung kalbo? Basta, magpapa-long hair ako. Ermitanyo look. Yeah!
Zombie
siguro dala ng kulang sa tulog o ng iba pang bagay tulad ng paulit-ulit na ginagawa ko rito sa opis o dahil pressured sa mga ginagawa. di ko pa nasisimulang gawin ang pinakahuling pinapagawa sa akin. bukas na kailangan at mamaya ko palang sisimulan.
siguro kulang lang ako sa bitamina. hindi poten-cee o enervon o viagra, di pa ako gumagamit n'on. bitamina ko ang pagkokomiks. doon nabubuhay ang dugo ko bukod sa kapag nakakakita ako ng maganda. bitamina ko rin pamilya ko, mga kaibigan ko, at mga bagay na kinahihiligan ko tulad ng...ng...tulad mo? bitamina ko si Bro at, weird mang isipin, pati lumilipad na paru-paro sa daan.
siguro dahil walang workshop noong sabado kaya ako zombie ngayon.
hindi ako gaano makapag-isip. naiinis pa ako sa walang hiyang printer na 'to at kanina pa ayaw mag-print. mabagal pa ang gamit kong computer at marami pa akong gagawin tulad ng blog designing para sa apat na kumpanya. last day naman ng isa kong katrabaho. argh. buwang talaga ako ngayon.
zombie!
plants vs zombies! hindi ko pa natatapos 'yan. wag ka mag-alala. hindi talaga ako updated sa mga bagong laro sa bawat buwan. naiwan pa rin ang utak ko sa ragnarok at kung saka-sakali, iyon pa rin ang lalaruin ko.
gusto ko ng umuwi. sweldo day ngayon. simula na ng pasko season kasbu.
kulang na ako sa pagkokomiks. gusto ko ring bumili ng sherlock holmes na aklat. may nakita ako nun dati, dalawang book. mas gusto ko kasing binabasa at nasasalat iyon sa papel kaysa binabasa sa monitor. pero hindi pa ako makakabili kahit 'yung binabalak kong harry potter series.
makapanood pa kaya ng kapatid ko ng 'despicable me'? iba-budget ko pa ang sahod ko ngayon.
Isang mabilisan
Andaming nangyari. Pero hindi ko alam ang sasabihin ko.
> Na-hack ang fb account ko at kung hindi agad tinext sa akin ni Bikoman, nakow, mas malaking gulo ang mangyayari. Tantya ko, mga 30-15 minutes nagalaw nang walang paalam ang account ko. Alam kong kasalanan ko dahil sa kapabayaan ko pero hindi maarok ng pang-unawa ko kung bakit may mga taong gustong makialam ng account ng iba at magsalita ng mga kabastusan. Mahirap na talaga ngayon. Habang tumatalino ang mga robot at computer, mas nagiging bobo naman ang tao. Pasalamat na lang siya't di ang kamao ko ang nakipag-usap sa mukha niya. Maraming salamat talaga kay Bikoman!
> Inaamin ko na dahil sa sobrang galit at inis ko, nag-post ako sa fb at tumblr ng picture ng mga estudyanteng nagpa-picture na ang background ay ang bus na ginamit sa pangho-hostage. Dapat hindi na pala ako nag-post ng ganun. I mean, wala namang magagawa kasi kung nag-post ako ng ganun eh. Wala namang mabuting maiaambag iyon sa nangyari.
>Sana bago manisi ng iba, sinisi muna ang sarili nang walang nagtuturuan. Pagkatapos, matuto sa pagkakamali at mag-move on.
> Busy ako sa opis. Mas busy kaysa dati sapat para di ako makapag-fb at tumblr. Lalo nitong nagdaang linggo. Inaasahan ko pa naman din ang workshop noong Sabado pero noong Biyernes pa lang, nag-text na si Sir Elbert na wala muna. Medyo nanghina ako pero naisip ko na ayos na rin para makapagpahinga ako upang makabawi sa ilang gabing kaunti lang ang oras ng tulog ko.
> Kaso wala naman akong nagawa para sa pagkokomiks ko. Wala akong nasulat o naguhit. Kaunting pagguhit, kumbaga praktis, meron. Bali, naguguluhan din kasi ako dahil dalawang istorya ang nasa isipan ko habang may naka-pending din sa likod ng utak ko. Binalak ko ring gumawa ng istorya para sa Saranggola Writing Contest (basta ganun) pero hindi ko malilok ang idea na nasa utak ko kasi nagkabuhol-buhol na. Pero sa wakas, ngayong araw, natapos ko na rin ang plot para sa isang ginagawa kong kwento para sa workshop. Habang ang isa naman, patapos na ang revision ng script. Naks! Hopefully, ngayong linggo, makakapagsimula na akong makapagguhit ng komiks.
> May girlfriend na pala 'yung isa kong kaibigan. Nagulat ako kasi noong college, wala naman siyang nililigawan. Hehe. Asteg.
> Paki-like naman 'to: http://www.facebook.com/video/video.php?v=110075619050206 Para kasi 'yan sa midterm exam nila.
> Natapos ko nang panoorin ang tatlong episodes ng Sherlock. Ibinigay ni Sir Elbert ang tatlong episodes na 'to para panoorin naming workshoppers. Isa pa, investigative/mystery kasi ang kwento ng sa akin kaya siguradong marami akong mapupulot na tips sa palabas. At higit sa lahat, talagang sakto talaga, ito ang isa sa pinakapaborito kong kwento at character, si Sherlock Holmes. Binabasa ko lang ang e-book niyan noong nag-o-OJT ako kasi wala naman akong ginagawa. Nakakatuwa dahil tuwing lalabas ako ng opis, sinusubukan kong gawin din ang deduction na ginagawa niya. Feeling Sherlock Holmes ako. Haha.
> Sa mahigit isang taong halos wala akong balita sa mga nakasama kong RADdicts, nagulat na lang ako noong isang araw tungkol sa mga nangyari at kung paano parang nabuwag ang grupo. Nakakalungkot kasi isang beses lang nangyari ang lahat. Nakakatuwa dahil naranasan ko ang ganoon. Nakakapanghinayang kasi hindi nagtagal. Nakakainis, ang init. Teka, itatapat ko lang 'yung isang electric fan sa akin.
> Ang takbo ng isip ko ngayon kapag may nakikita akong babaeng type ko e ganito: Isang mahabang lovestory naming dalawa ang mabubuo agad sa isipan ko habang lilinga-linga ako sa kanya. Pagkatapos, saka ko maiisip na, di bale, marami pa naman diyang iba. Makakapaghintay 'yan.
> At pumapasok din sa isipan ko na huwag na 'lang akong maghanap ng magiging asawa ko. Kumbaga, asawahin ko na lang ang pagkokomiks. Haha. Kahit dati naman, naiisip ko na 'to.
> Marami pang nasa isip ko pero nalimutan ko nang magsulat na ako.
> Nagkaroon kami ng parang reunion kasi birthay ni gori. Nandoon si polio, si dugo, si fetus, at si hit. Si boldyak lang ang wala. Hindi rin ako gaano nagtagal kasi may pasok pa ako noon kinabukasan. Natutuwa lang talaga ako dahil hanggang ngayon, magkakaibigan pa rin kami.
The Failure Filipino Pride by Antipinoy.com
The Manila Hostage Crisis has been recognized as one of the greatest  mistakes of our Filipino leadership and our culture. It has shown right  to the world how defective our culture and system are, right from the  hostage taker and his family to the policemen in their bungled rescue  attempt. Filipinos and foreigners have been sobered and saddened by the  events. Many are saying that it has exposed various wrongs in our  system, and various international analysts have commented, correctly, on  what has happened.
Now one of the worst reactions that Filipinos have is to say, “We are  still proud to be Filipinos in spite of what happened! Mabuhay ang  Pilipinas!” (side comment: yeah, ‘in spite of,’  Filipinos tend to spite other nations). Some Filipinos see it as a  rightful action to save our image. It even seems that we are the only  nation to use this kind of reaction. We try to remain a proud race  despite another country’s people being killed on our territory.
My colleague here in AP Benign0 believes that Filipinos have to be  shamed in order to realize their mistakes and change. This hostage  crisis should have served as such an event. However, it seems that many  Filipinos have immunized themselves against shame and instead tried to  cover it up with trying to recover what’s left of their “pride.”
The problem is that proclaiming Filipino pride at this point is very  wrong to do. From the Chinese point of view, statements of Filipino  pride right now only serve to further degrade our already damaged image  to the world. It is especially embarrassing now that Chinese are angered  not only at the event, but at PNoy’s “smiling” visage and the pictures  of disrespectful souvenir takers (a nice word is camwhores) circulating  around the Net.
Saying that we’re still proud is seen as an act of arrogance,  especially in the eyes of a nation that has been wronged by one of ours...
Read more...
Se ying diu sau by Bob Ong
by Bob Ong on Wednesday, August 25, 2010 at 9:16pm
"Bob, ano ang masasabi mo sa Manila hostage-taking?"
Pagkatapos ng dalawang araw, nasabi na ang lahat na pwedeng sabihin.  Napuna na ang mga dapat punahin, nabatikos ang mga dapat batikusin, at isa-isa nang sinisibak ngayon ang mga (i)responsableng tao na malamang ay pinagsawaan na ring sabunin.
Kung may dapat mang malaman pa ang mga Pilipino, yun ay ang kung ano ang pwede nating gawin ngayon.
-  Ipagdasal ang mga casualty, survivor, ang mga opisyal na nasibak sa pwesto, ang presidente, ang bansa, ang mga Pilipino...pwede.
-  Iwasang magpasa ng mga maling impormasyon o photoshopped na litrato at edited na video,  at tawagin ang pansin ng mga taong mahilig magkalat ng maling balita tungkol sa insidente...pwede.
-  Lawakan ang pang-unawa at maging mahinahon kung makikipagpalitan ng opinyon sa ibang nasyonalidad sa Internet tungkol sa insidente...pwede.
-  Maging mas responsable sa pagbabalita at sa paraan ng pagkuha nito...pwede.
-  Suportahan ang mga hakbang na gagawin ng pamahalaan para maituwid ang mga pagkukulang sa nangyaring insidente...pwede.
Panagutin natin at turuan ang mga palpak na opisyal.  Pero pagkatapos noon, matuto tayong magpatawad at umabante.  Hindi makakatulong na maliitin pa lalo ng Pilipino ang sarili nya.  Kung mambabato man ng insulto ang mga taga-ibang bansa para sa pangkalahatan ng mga Pilipino; kapintasan na yon sa asal nila, hindi satin.
Kung may dapat mang mas kondenahin ngayon, yun ay ang mga usisero na kating-kating makadikit sa bus na para bagang milagro itong makakagaling ng mga sakit.  May naisip akong magandang gawin sa kanila pero labag sa karapatang pantao, kaya hindi ko na lang imumungkahi.
Sa parehong paraan na nakikinabang tayo sa karangalan na naibibigay ng paisa-isang Pilipino, ganoon din ito mababawi sa atin ng isang Pilipino na tulad nito. Pero mahalagang malaman ng Pinoy na hindi lang sa mga balita at ilang indibidwal nakasalalay ang pangalan ng bansa, dahil ang bawat Pilipino ay imahe ng Pilipinas...tao man itong may mukha o isang simpleng mensahe na binitiwan sa Internet.
Sana lahat ng tao katulad ni Jackie Chan mag-isip, at lahat ng action star katulad nya gumawa ng stunt.
(Wag mo na pakialaman ang title, paborito kong pelikula yan ni Jackie Chan.)
23
Si Michael Jordan ang unang pumapasok sa aking isipan kapag number 23 ang pinag-uusapan. Hindi natin alam, at nalaman ko lang, na ang number na ito ang ikalimang Eisenstein prime na walang imaginary at real part para sa form na 3n-1, na sinasabi naman ng iba na ang karamihan sa mahahalagang event o mga nangyayaring aksidente ay may kaugnayan, sa kahit anong paraan, sa number 23.
Psalm 23 o Shepherd Psalm ang pinakasikat na i-quote na chapter mula sa Bible. Samantala, ang pag-divide ng 2 sa 3 ay magreresulta sa 0.666 o, katulad sa paniniwala, ang marka ng demonyo. Twenty-three din ang resulta kapag pinag-add mo ang 8 at 15 na oras ng pagbagsak ng bomba sa Hiroshima. 23 years naman ang nagdaan muna bago ma-revealed kay Muhammad ang Qur'an. At ganito rin ang title ng action tv series ni Jack Bauer...kung manonood ka sa piratang dvd.
Ang hindi alam ng lahat, mahigit dalawampu't tatlong taon na ang nakakaraan, may isang babae mula sa Cotabato ang hinulaan ng isang matanda na pagtapak na pagtapak niya sa Maynila ay mag-aasawa siya. At nangyari nga ang hula ng matanda dahil nagpakasal ang babae sa lalakeng nakilala niya sa Maynila saktong 23 taon na ang nakakaraan. Isang taon ang lumipas pagkatapos nilang magpakasal, isinilang ang pinaka-artistahing lalake sa buong universe at underverse hanggang sa ibang dimension.
HAPPY 23RD WEDDING ANNIVERSARY SA MGA MAGULANG KO!!!
Beinte-tres na taon na rin ang edad ng aming palanggana. Hehe. Mas matanda pa sa akin.
P.S.
Hap-pey birthday kay Ate Roanne!!! Wiiiiii!! Manlilibre 'yan pagbalik todits sa Pinas. Hahaha!
Makasariling anak
Sa pag-uusap namin ng nanay ko, nalaman ko kung gaano ako naging hindi mabuting anak sa kanila, mga pagkukulang ng isang anak sa magulang na hindi ko nakita noon; may nakita man ako, hindi ganoon kalawak. Lagi akong nasa mundo ko. Hindi nila alam ang damdamin ko, ang mga hinaing sa buhay, mga problema, mga bagay na magsasabi kung naging sino ako kasi hindi ko hinayaang buksan ang puso ko sa kanila.
Hindi ko ginustong maging malayo sa kanila pero ganoon ang nangyari na hinayaan ko lang.
Anak ako. Nagkakamali. Siguro sapat na ang ilang taong naging malayo ako sa kanila kahit naging mahaba iyon. Kaya siguro naging ganoon ang lahat at nangyari ang di pagkakaunawaan sa amin ng nanay ko ay para sabihin sa akin ni Bro na panahon na upang magbago ako bilang anak nila bago mahuli ang lahat. Nag-iisa lang sila at hindi na pwedeng palitan tulad ng toothbrush, o pumili ng bago tulad ng housing ng cellphone. Isang beses lang sila sa buhay ng anak. Kumbaga, eto na ‘to, panahon ko na para ipakita na mahal ko talaga sila, panahon na upang bumawi sa mga taong sinayang ko.
Magbabago ako pero alam kong matatagalan. Pero uunti-untiin ko. Anak ako, magulang ko sila, pamilya kami. Anumang tahakin ko sa buhay ko, anumang gusto kong tuparin sa buhay ko, sinuman ang mapangasawa ko, saanman ako magpunta, palaging sila pa rin ang magulang ko at hindi ‘yon magbabago magpalit man ng pangulo ang bansa ng ilang beses.
Guess the title!
Mabuti pa sina Kuya Olive Oil, pa-foodtrip-foodtrip na lang. Dami pera. Mayaman. Haha.
Nasa pangatlong file na ako sa ginagawa ko sa SEO. Bawat file e may 170 na sites na dapat kong submit-an ng article na ika-copy&paste ko. Malamig sa labas. Nagyeyelo. Puro snow.
Di ko pa nagagawa 'yung isang raket ko e sa 24 na kelangan ng estudyante. Hmm.
Di muna ako magbubukas ng tumblr kasi...marami pa akong hindi nase-save at mag-i-stock lang dun.
Gusto ko lang magsalita. Pabayaan niyo na ako.
Tipid-tipid talaga ako ngayon sa pera kasi may balak akong gawin. Ilang araw na akong hindi nakakapagguhit. Nakakamiss na.
Wala lang.
May nagtapat sa akin kanina. Mahal daw niya ako noon pa. Joke. Inilabas lang niya ang nasa kalooban niya: hindi na siya masaya. Hindi sa buhay kundi sa trabaho niya. Parehas lang kami. Tinatiyaga ko na lang.
Langya. Pag nakahanap talaga ako ng trabaho na magdodrawing lang ako buong araw, tatanggapin ko kaagad 'yun. Ayoko ng graphic designer. Basta ayoko.
Si yeye, nag-e-emo. Si xienah, wala na akong balita. Nagpa-sex change na siguro. Haha. Wala akong ka-text. Ayos lang at mas gusto ko ang ganun.
May di pagkakaunawaan kami ng nanay ko at dahilan 'yun ng isang linggong kalungkutan ko, isang linggong paglalamay. Hay.
Sana makaabot pa ako sa slots sa Komikon para makapaglabas na ako ng komiks. Tapos ko na ang draft script ko. Konting revision na lang tapos edit pa konti tapos drawing na sa papel, sunod pa-scan (hahanap ng sponsor) tapos pa-photocopy. Ganun lang kasimple. Tapusin ko lang 'tong rakets ko ta's itutuloy ko na ang paggawa ng komiks ko. Yey.
Tuwing Huwebes, lagi kong inaakala na Biyernes na. Tuwing umaga, gusto ko na kaagad umuwi. Ganun na ako naiinip.
Kikitlin ko na 'to bago pa ako mahuli. Kung bakit kasi laging 1000 years katagal ang meeting.